Friday, July 22, 2011

SUPER LUNA - Prologue

Photobucket

FB: gabifad@yahoo.com
BLOG: gabrielfad.blogspot.com


Akda ni K.G.F.






PROLOGUE


Isang malaking itim na bola ang lumabas sa mga kamay niya, wala akong nagawa kung hindi titigan lang ang malaking bilog na itim na hawag ni Dark G. at alam ko na kahit anong oras ay bibitawan na nya at ibabato patungo saakin. Agad kong tinawag ang kaibigan kong si Galdium

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ako, sumipol ang malakas na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na nagmula sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas, sabay ang paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.“Galdium” sigaw ko sakanya, agad syang lumapit patungo saakin at agad akong sumakay sakanya nung nakalapit na sya, umangat ako sa himpapawid para narin mapantayan ko kung gaano kataas si Dark G., “Galdium, ilayo mo ang bolang itim, gamitin mo ang kaibigan mong hangin” sigaw koAgad na ibinuka ni Galdium ang mga pakpak nya at ipinagaspas ito, sobrang lakas ng hangin ang naibigay ni Galdium patungo kay Dark G. ngunit parang hindi ito sapat para mailayo ang bolang itim at tanggalin sa mga kamay ni dark G.Binitawan ni Dark G. ang itim na bola at patungo ito saakin, agad kong inutusan si Galdium na lakasan pa ang pagaspas para matangay ang malaking bola papalayo, ngunit parang wala itong magawa, wala akong maisip na ibang paraan para maitaboy ito, ang nagawa ko lamang ay patigilin si Galdium at lumpipad kami papalayo para maiwasan ang pagtama ng bola sa akin. Mabilis na lumipad ang bola papalapit saamin kaya’t inutusan ko nalang si Galdium na lumipad papatas“Galdium, tumaas tayo, iwasan mo ang itim na bola” utos ko sakanyaMabilis na lumipad si Galdium papataas para maiwasan naming ang paparating na panganib, sobrang bilis nya pataas, mahigpit akong humawak sakanya, mabilis din naming lumapit saamin ang bolang itim, sabay ng pagtaas ni Galdium ay paglapit din sa amin nito.Sige taas pa, kaunti nalang, sige pa Galdium, iyun lang ang naiisip ko, hanggang halos makadikit na saamin ang malaking bola, napatigil si Galdium sa paglipad, natamaan sya sa may ilalim na bahagi nya, ang lakas ng pagkakatama sakanya kaya’t pati ako ay napabitaw sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa kanya, nahuhulog ako mula sa ere, mabilis na mabilis, hindi ko alam kung paano ko isasalba ang sarili ko, sa sobrang lakas ng hangin na kinakalaban ko ay natanggal ang natatanging pangtago ko sa iniingatan kong pagkatao, sa iniingatan kong pangalan, natanggal sa pagkakasuot ng aking maskara. Pero hindi ko na naisip iyun, tinawag ko si Galdium para tulungan ako sa pagkakahulog ko mula sa kaitaasan.“Galdium!!!!” sigaw ko. Papalapit na ako sa lupa, ng biglang may sumalo sa akin at tinangay ako sa kanyang likuran, si Galdium sugatan, at kahit sa huling pagkakataon, ay isinagip nya pa rin ang buhay ko, sumadsad kami sa lupa at kitang kita ko na hirap na hirap na si GaldiumTumawa ng malakas si Dark G. na halos rinig sa buong syudad, mabilis syang lumipad patungo sa kung saan nakahandusay ako at si Galdium at parang may itim nanaman na bola syang binubo samay mga kamay nya, papalapit saamin habang humahalakhak ng malakas, hindi ko alam kung anon a ang gagawin ko, tumayo ako at nagisip ng maari kong gawin pagkalapit nya, nagulat nalang ako na ng malapit na sya ay bigla syang napahinto at parang nakakita ng multo nung Makita nya kami ni Galdium ng malapit, unti unting lumiit ang binuo nyang itim na bola sa kamay nya at parang bigla syang nanghina, inisip ko kung ano ang ginawa ni Galdium, o kapangyarihan ko din ba yun? Hindi ko alam, basta nagulat ako na parang nanghina sya at bigla syang tumalikod at mabilis na lumipad papalayo.“Hindi pwedeng takasan nya lang tayo ng ganito” sambit ko, tinignan ko kung kaya pa ni Galdium lumipad para masundan ko si Dark G.“Galdium, kaibigan kaya pa ba?” tanong ko“Opo, Master, para sainyo po” sagot ng tusong kaibigan kong agila, agad akong sumakay sa likod nya at parang sing bilis ng ilaw lumpiad si Galdium patungo sa tinahak na daan ni Dark G. na parang wala syang sugat. Mabilis, nakita ko na malapit na sa amin si Dark G. kaya’t inutusan kong ipagaspas ang mga pakpak ni Galdium para matangay ng hangin pababa si Dark G. Sobarng lakas ng hangin na nanggaing sa mga pagaspas ng pakpak ni Galdium, tumama ang malakas na hangin sa kalaban kaya’t patuloy ito sa pagkawala sa balanse nya at hindi nalabanan ng hangin, hanggang tuluyan na siyang bumagsak sa lupa“Galdium, sundan mo ang binagsakan niya” utos kong muli kay GaldiumPagkadating ko ay nakahandusay sa damuhan si Dark G. walang pakialam habang papalapit ako sakanya kasama si Galdium.“Eto, eto ang tanggapin mo, hayop ka!” sa sobrang galit ko, may mga apoy na lumabas sa mga kamay ko at ihahagis ko na ito patungo sakanya ng bigla syang nagsalita“Sandali lang… Wag” sabi nya saakinHindi ko alam kung bakit natigilan din ako sa gagawin ko sana, bigla nalang na sinunod ko ang sinabi ng kalaban, napahinto ako sandali at napatitig lang sa nakahiga sa damuhang si Dark G.“Wag, Joseph, wag!”Nagulat lalo ako na alam nya pala ang pangalan ko. Bakit? Sino ka? At paano mo nalaman ang pangalan ko. Kung sino ka man, magpakita ka, iyun lang ang naiisip ko nung mga panahon na iyun…Ako si Joseph, ang itinakdang magtanggol sa lahi ng mga Kaspyan, ako ang huling tagapagligtas, ang nagmamayari ng sagradong bato ng Luna, ang nakatakda kong gawin, protektahan ang mga kapwa ko Kaspyan at ang mga normal na tao laban sa mga nagtatangkang sumakop sa mundo na mga Grospe.

Itutuloy...

No comments: