Friday, July 22, 2011

The Letters 6

WRITER:Dhenxo Lopez

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/



Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.









March 19, 2009


Dear mister lappy,

I don’t know what has gotten into me. May mali eh. Alam ko at ramdam kong may mali. Yesterday was a not-so-good day. I have no plans of talking or even staring - yes! staring - at Chris pero buwisit, buwisit, buwisit! I can’t help myself from looking at him.

Alam kong nararamdaman na niya ang coldness ko pero nag-uumpisa pa lang ako. He's going to see the monster in me. I kept my distance sa kanya para mag-work yung “silent treatment” ko. My plans are set to be done kaso letse talaga.

I don’t know how Allyna knew about me at na-shock ako nang i-announce niya sa loob ng elevator that I wasn’t straight. I held no reaction pero deep inside gusto ko nang ipa-salvage ‘tong babaeng ‘to. Believe me, pinilit kong dedmahin yung sinabi niya. Siguro likas lang talaga sa babaeng ‘to na makaamoy ng pagkatao. Parang isang tunay na bakla,masyadong malakas ang kanyang Gaydar.

Anyway, nakaramdam ako nang concern kay Chris when he suddenly run under the rain. I was astonished upon seeing that. Di ko maiwasang di magtaas ng kilay pero deep within me,I feel so concerned. What a stupid deed di ba? Well, your guess is as good as mine at apir tayo dyan. He's trying to avoid me which I don’t know kung bakit ayokong iwasan niya ako.Weird. Not now.

Tumakbo ako papunta sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Hala ka! Kala ko ba bagong buhay ka na at pechay na gusto mo at hindi nutribun? Shut up stupid! Umatake na naman. Pinagalitan ko siya sa pagiging stupid niya pero nainis din ito. Ano ba gagawin ko sa taong ‘to. Nakakairita rin ang aking baklang alter-ego.

He was soaking wet as he stand like a stupid slut under the rain. Nilapitan ko sya at pinayungan. I saw how he shivered meaning nilalamig sya dahil sa kagaguhang ginawa nya. Kundi ba naman tanga eh. Ang bobo!

“Ihahatid na kita sa inyo!” sabi kong pagalit.

“Kaya kong umuwi. Salamat.” sabi niya,mahina ngunit dinig ko pa rin.

“Hindi ihahatid nga kita!”pagtutol ko.

May dumaan na taxi at agad niyang pinara.

“Salamat sa pagpayong George.” sabi niya.

At nagmadali nang sumakay ng taxi at iniwan ako.

“Manong,kapitolyo.” Narinig ko pang sabi niya bago tuluyang umalis yung taxi.



* * *



Naiinis ako! Sa kabila nang pinakita kong mabuti sa kanya kahapon eh ganun pa rin ginawa niya. Ano ba kasi gusto niyang mangyari? Hindi ko siya mai-spell. I have to clear things out.

Maaga akong pumasok ngayong araw na ito. Nasa may building na ako pero hindi pa ako pumapasok sa loob. Inaabangan ko siya. Gusto ko siyang kausapin. I guess luck’s hand is in mine dahil nakita ko na ang pagbaba niya mula sa taxi.

Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagkalikot sa dala niyang bag kaya naman hinablot ko siya papalapit sa akin. Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa kanyang maamong mukha.

“Ay palaka! Ano ba!” nagulat na sabi nito

Isang seryosong tingin ang isinagot ko sa kanya. Nabanaag ko naman ang rumehistrong takot sa mukha niya.

“A-anong problema G-george?”

“We need to talk!”

“Ah eh mag-log in muna ako.” Ramdam ko ang pag-iwas niya.

“Iniiwasan mo ba ako huh Chris?” Hindi ko pa rin siya binibitawan.

“Ah eh hindi ah. Bakit mo naman nasabi yan?”

“Nararamdaman ko eh.”

“Huh?” At nakita kong pinagpapawisan siya.

“Nararamdaman kong . . . mainit ka! Bakit ka pa pumasok? Nilalagnat ka ah?” Di ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya.

Natameme siya sa reaction ko. “Naku, kaya ko ito. Nakainom naman na ako nang gamot kanina eh.”

“Halika!” Sabay hablot ulit sa kanya.

“Teka, saan tayo pupunta?”

“Ipupunta kita dun sa clinic para makapagpahinga ka muna.”

“Hindi pwede magagalit si TL tsaka ayoko um-absent.”

“Stupid! Hindi ka aabsent. Ako na bahala kay TL at ako na rin bahala sa DTR mo basta ang unahin mo ngayon ay magpahinga.”

Nag-alala talaga ako sa kalagayan niya. Hindi ko naman magawang sisihin siya sa katangahan niya kagabi dahil ayoko naman na madagdagan pa nararamdaman niya. Gusto ko sana syang sermunan pero para saan pa? Baka mas lumala lang ang lagnat nya pag nagkataon. Tatahimik nalang ako kahit gusto ko talaga syang batukan.



* * *


Matapos ko siyang iwanan sa clinic ay dumiretso na ako sa floor namin para mag-log in. Pumasok ako at dali-daling kinausap si TL tungkol sa kalagayan ni Chris. Sinabi ko rin na ita-time in ko na rin ito. Considerate naman siya kaya’t pinayagan ako.

Heto ako ngayon, natutulala. Nag-aalala pa rin kasi ilang oras na rin ang nakakalipas eh hindi pa rin pumapasok si Chris.

Bakit? Kayo na ba at ganyan ka mag-alala sa kanya? Siyempre hindi. Apat na oras na rin kasi siyang late. Siguro nagpapahinga pa rin siya. Kahit na ba, mali pa rin yang ginagawa mo. Paano na si Joy? Bigla akong natauhan sa sinabi nang buwisit kong other half sa akin. For the first time, hindi ko siya binara.


* * *


Matapos akong mag-dinner ay agad ko siyang pinuntahan sa clinic. May dala-dala akong pagkain baka kasi hindi pa siya kumakain. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga at mukhang tulog. Lumapit ako nang dahan-dahan, nagmulat siya.

“Okay ka na ba?” May pag-aalalang tanong ko.

Tumango ito.

“Heto nga pala, binilhan kita nang pagkain. Kainin mo na habang mainit pa.”

Inayos ko sa may kalapit na mesa yung pagkain.

“Naku ako na. Kaya ko na.” Pagtanggi niya nang akma ko siyang susubuan.

“I insist. Say ahhh!”

At hayun, kumain na rin siya. After niyang maubos yung pagkain, bumalik na ako sa floor at nagsimulang magtrabaho. This time medyo panatag na ako. Maya-maya pa nakita ko siyang umupo na sa cubicle nito. Bagama’t medyo di pa rin maganda ang pakiramdam niya ay pinili pa rin nito ang pumasok.

“Thank you George!” Sambit niya.

Ngiti lang tugon ko.

Hayan. O paano mister lappy, sa susunod ulit. Masaya na ako ngayon. :DD

George :)

No comments: