angelpaulhilary28@yahoo.com
:-)
Chapter 6
The news came from Mark. Kahit alam naman ni Popoy na wala na siyang aasahan kay Basty as nasaktan pa rin siya sa balita -Basty bought a new condo that day. Nasa loob sila ng opisina niya ng araw na iyon.
Alam ni Mark ang pangyayari dahil ang kapatid nito ang siyang agent na kinuhanan ni Basty ng bagong unit. Hindi dahil sa wala ng matitirahan ang huli kundi para sa bago nitong boyfriend na si Nikkos. Sinabi pa raw ng ex niya sa kapatid ng kaibigan na huwag sanang makarating sa kanya ang tungkol sa pagbili nito ng bagong condo. Bagaman dalawang buwan na ang nakalilipas ng magpasya siyang kalimutan ito at ipagbili ang dati nilang tinitirahan ay napaluha siya. Napakasakit sa kanyang malaman iyon.
"Are you going to be okay?" tanong ni Mark. Kapwa ito photographer ni Basty bagama't nomadic ang estilo nito.
"Yes," aniya sa mahinang tinig. "A new condo, huh?"
"Yes. Kakabayad lang niya kanina. Ipa-process lang yun ng kapatid ko and for sure, may bago ng condo si Basty. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Bakit bumili pa ng love nest nila ng bago niyang jowa. Hindi na nahiya at sa kapatid ko pa." Napapalatak na sabi ni Mark.
Hindi na niya kailangang malaman pa kung magkano ang halaga ng unit na iyon. Nahuhulaan na niya. Nanahimik na lamang siya sa mesa niya. Pinapagana ang isip. Kung hindi pa siya kikilos ngayon ay kailan pa? Kailangang maka-ganti siya kahit paano kay Basty.
"Hayaan mo na siya Mark. Ganyan talaga ang mga walang-hiyang katulad niya. Kundi ba naman ay hindi niya ipapangalandakan sa inyo ang bago niyang boyfriend considering you guys are our set of friends. Hindi niya dapat isali sa grupo natin at pilitin kayong i-chummy ang Nikkos na yun." Napakagat-labi siya apgkatapos ng mga binitiwang salita. Ayaw man niyang magtunog bitter ay nagiging ganoon siya.
"Hay nako. Mainit na naman ang ulo mo. Don't worry. Wala kaming amor sa isang iyon. Although in fairness, yummy siya." nagbibirong sabi ni Mark.
"I don't care."
"Alam ko."
"O sige na. Salamat sa impormasyon." pagtataboy niya rito. Pagkalabas nito sa office niya ay siya namang pagtunog ng intercom.
"Sir, Mr. Louie Lester Delos Reyes on line three." anang sekretarya niya.
"Okay Shiela. Thank you," sagot niya sa empleyada. Pagka-angat pa lang niya ng aparato ay bumuhos na agad ang emosyon niya.
"Damn him Half. I swear to God, he won't be able to enjoy his new relationship. Less than two months after the break-up and a new love nest already?"
"Geez! Good Afternoon to you too. Hindi ko kinaya yung entrada mo sa akin pare." natatawang sabi ni Half.
"That jerk. Kating-kati na siya sigurong palitan ako. Hindi man lang pina-abot ng three months. Tapos binilhan pa niya ng condo yung bago niya. Anong gusto niyang iparating? Na mahal na mahal niya ito ang he's willing to give this stud everything?" pikon pa ring sabi niya.
"Alright. Do you need me to do anything for you?" sumusukong sabi nito.
"Yes. In fact, I want you to call that man you're so eager for me to meet. What's his name again?"
"Gabriel. But call him Gabe Kerby."
"Is he nice?"
"Of course. Yun nga lang. Photographer din yun."
"Shucks. Wala na bang ibang profession na pwedeng ma-link sa akin? Bakit kailangang photographer din iyon?"
Natawa si Half. "I'm sorry pare. But he's way different that dumb ex-boyfriend of yours. Saka di ka na rin talo dun. He was actually a nurse by profession."
"Whoa! At least parehas kaming may medical background. Is he practicing it?" natuwa siya sa nalaman kaya nagka-interes na rin siya.
"Yes. May medical facility ang family nila sa Zambales. A retirement home. It's a big one actually. Alam mo iyong lugar pare."
"Saan?"
"Sa may Candelaria."
"Oh, don't tell me sa kanila iyong Retirement House of Dawal?"
"Yes. Anak siya ng may-ari. Dati ka pa nun gustong ma-meet. Hindi nga lang maka-tugma sa schedule mo at nahihiya rin siya."
"Okay. Tell him to meet me tomorrow."
"Sure ka pare?" Nabibiglang sabi ni Half.
"Of course. Or better yet give me his number." natatawa naman niyang sabi.
"I lost his number eh, pero ako na maghahanap para sa'yo. Saka para may element of surprise na rin Popoy. Huwag kang magugulat kapag nakaharap mo ang replica ni James Yap sa totoong buhay."
"Let's see." and then he hanged-up.
Nakadama siya ng hindi maipaliwanang na kahungkagan sa kaloob-looban niya. Dapat ay matuwa siya at kahit na iniwan siya ni Basty ay may nagkakagusto pa rin sa kanya. Dapat alisin na niya ito ng tuluyan sa buhay niya. Sa inis sa sarili ay napilitan siyang umalis ng opisina ng maaga. Ipina-cancel niya ang lahat ng mga appointments sa sekretarya saka tinungo ang bagong bahay na tinitirahan niya ngayon.
Pagdating niya ng bahay ay sinalubong siya ng asong si Hades. Isa itong napaka-itim na chihuahua na niregalo sa kaniya ni Sonia at Coney ng magpa-house warming siya. Katwiran ng mga ito ay para hindi siya mabaliw sa pag-iisa.
Naalala niyang hindi nga pala niya napakain ito kaninang umaga. Mabuti at naisipan niyang umuwi na lang kaysa maburyong sa opisina at makagawa pa ng pagkakamali na siguradong hinihintay lang ng mga kalaban niya na mangyari.
Pagkapakain sa aso ay binitbit niya ito at dinala sa kalapit grocery. Wala na kasing laman ang cupboard niya. Nang makapamili ay naligo siya. Lalo siyang nakadama ng kahungkagan dahil sa mga panahong hindi sila pumapasok ni Basty ay isa iyon sa mga ginagawa nila ng magkasama. Ang mag-shower ng sabay at kumanta ng "Grow Old With You" ng wala sa tono.
He realized, hindi niya magagawang kalimutan si Basty kahit saang bahay pa siya tumira. It was not the place that will make him miss him. It's the act that they have done together. For years, he would pamper him with love and make affection and wild love with him all day. And they would enjoy each other's company. They were very happy together. Until Basty got tired of it.
Mayroong init na gumuhit sa kanyang puson. It was hard being with those sensations alone. Hindi nagtagal ay itinodo niya ang cold shower. Maaaring sa pamamagitan ng malamig na tubig ay matanggal ang anumang init ng kanyang katawan.
He found it hard to feel refreshed when his body craved to be touched by only one man. He was probably stupid to sleep ahead of him a few times before. To leave the house a few minutes ahead of him. To be so very busy. Iyon lahat ang complaint ni Basty. That is why his happiness faded. His love faded.
Ngayon, pagkatapos niya itong tulugan, at kung anu-anu pang pagmamadaling meron siya katawan noon ay hahanap-hanapin niya ito kung kailan wala na ito at malamang ay kaniig ng kung sino mang herodes na iyon na balita niya ay sobrang yummy raw.
Ayon pa kay Mark, no talk no shit raw ang bagong boyfriend ni Basty na si Nikkos. Hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. Laging dead-air daw sila sa lalaki. At mukhang enjoy na enjoy ni Basty ang company nito.
Hindi niya alam kung ano ang nakita rito ni Basty pero si Basty ang tipo ng taong kailangan ng makikinig dito, lalo na ngayong marami itong upcoming projects here and abroad. Nauurat ito kapag walang kadaldalan. He sighed. Lumabas na siya ng banyo para lang mabigla nang makitang nakatayo roon si Basty.
"Basty!"
"Don't bother looking for the towel, sweetie, I've seen it all and frankly, I'm no longer interested."
He was a mean son of a bitch!
Itutuloy...
8 comments:
what the...?! that was mean. haha! love it! mother next na! ^_^v
Thank you mother migs... :) ahahaha
bwesit na basty! hahahha...
pero nice line! ahahahha..
nice chapter!
next na po!...
I want to know nikkos and gabriel heheheh...
salamat dito!
-mars
paganda na ng paganda ang kwento at nagkakaroon na ng mga bagong character
next chapter na po
good job po....
bakit alam ni basty ang bagong bahay na tinitirhan ni popoy ngayon?
Mars, kool ka lang. ahaha
Mcfrancis, salamat.
Anonymous, abangan ang next chapter :)
niCE ... ang sama ni basty ,, haaiistt
sayang ang 10 yrs nila ni popoy..
niCce one,.. galing,, :))
may bago naba sa tres adonis ??
san naba ang author nun ??
Ganda pa naman ng kwento nya,, hehe
Post a Comment