Wednesday, July 27, 2011

The One Who Could Not be Taken - Chapter Six

Photobucket

By special request: 

For my sons Rovi Yuno and Jim Sta. Isabel. Pati kay Mark Stevan, Keeno, Paww Cruz at sa apo kong si Khyrix.

Para rin kina Lance Cruz, Joshua Santos, Tsunayoshi Sawada (na inlababo kay KGF) at sa bumubuo ng Untold  Forbidden Stories

Enjoy reading.


Chapter Six

Nagpasyang maghintay si Gabriel sa kanyang sasakyan. Base sa bihis ni Jordan ay aalis ito. Sure enough, he emerged with his dog. Tumingin ito sa kanya pero nanlamig lang siya sa napakalamig na titig nito. May suot na itong sumbrero at may malaking bag na dala-dala. Sumakay ito sa Toyota Corona na pag-aari nito pagkatapos ikandado ang gate. Mabilis siyang bumaba ng kotse para kausapin ito ngunit mabilis nitong binuksan ng bahagya ang bintana sa tabi ni Eneru bilang warning na ayaw nitong makausap siya.

Pero hindi siya nagpatinag. Sumilip siya sa salamin ng Corona nito habang ang isang kamay ay nasa bubong ng sasakyan.

"Dali- Jordan... Please let me explain. Wala akong intensiyong masama. Please, maniwala ka," Nagmumukha na siyang tanga. Sigurado siya roon. But he could not help it. At wala siyang paki-alam kung ano ang maging tingin sa kanya ng ibang tao sa mga oras na iyon.

Sa katotoohanan nga, halos mabali na ang leeg ng ilang usisero na nakatingin sa kanila. Malamang mga napadaan lang at na-curious sa eksena nila ni Dalisay.

Pero hindi rin naman niya pwedeng hayaan na basta na lamang magalit ito. Nakataya na ang lahat sa pagkakataong iyon. Ibinaba nito ng bahagya ang salamin sa panig nito.

"Get lost, Mister-whoever-you-are!"

"Dalisay naman!"

"Get off my car!" galit ng sabi nito.

"No!" Humarang siya sa sasakyan nito.

Sa gulat niya ay umatras ng bahagya ang kotse nito at parang bumubwelo. Sasagasaan kaya siya nito?

Malamang. Sagot ng isip niya.

He was sure that he saw Dalisay's determination to hit him with his car. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang tumabi. "Shit!" Ang tanging nasabi niya ng lagpasan siya nito.

Binalikan niya ang sasakyan at nagpasyang sundan ito. Hindi pwedeng makalayo ito sa kanya ng basta-basta. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Kahit saan pa umabot ang paghabol niya rito. Hindi dahil sa gustong-gusto niyang magpaliwanag kundi dahil wala pang gumagawa sa kanya ng ganoon. No man had ever turned his back on him before. Lagi na lang ay hinihiling ng mga itong magpaliwanag siya kung makikipagkalas na siya. At lagi na ay pinaniniwalaan siya ng mga ito. Lagi siyang pinatatawad ng mga ito.

At walang nagpamukhang tanga kay Kirby Gabirel Fadriquella. Lahat ng lalaking magustuhan niya, nakukuha niya. At hindi exception ang Dalisay na ito. Kahit ito pa ang paborito niyang author. Hindi ito exception to the rule.

"Ang yabang mo Dalisay!" nagngingitngit niyang sabi.

Sinadya niyang ipakita ang pagsunod dito. Alam niyang mapapansin siya agad nito. Napangiti siya ng maisip na kahapon lang ay maayos silang naguusap nito tapos ngayon ay naghahabulan silang dalawa.

Nakita niyang bigla itong tumigil sa isang outpost. Akala niya ay nananakot lang ito pero anong gulat niya ng bumaba ito habang bitbit si Eneru papasok ng istasyon.

"Anak ng teteng..." Napamura siya.

Gustong-gusto na niyang lampasan ito pero ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kailangan niya itong makausap. Pero nagbago ang isip niya ng makitang may pulis na itong kasama paglabas at tiningnan ang sasakyan niya. Minalas lang siya ng mag-red ang traffic light kaya nasundan siya ng isang pulis na naka-motorsiklo. Sinenyasan siya nitong tumabi. Sumunod na lang siya kaysa lumaki pa ang kaso niya.

"May reklamo sa'yo, pare. Lisensiya? wika nito.

"Ano daw pong reklamo, Chief?" His fished his license out. Ibinigay niya rito.

"Pwede ka bang maibitahan sa istasyon?" tanong nito pagkatapos tingnan ang lisensiya niya.

"Bossing, may kaunting LQ lang kami nung boyfriend ko na yun."

"Boyfriend? 'Langya. Ke' ganda mong lalaki tapos bakla ka rin. Hindi ko nga halos mapaniwalaan iyong isang iyon kung wala lang ipinakitang ID." natatawang palatak nito.

"Bakit Chief? Masama bang maging bakla kung ganito ako ka-gwapo?" maasim ang mukhang reklamo niya.

Mukha namang nahalata nitong na-offend siya. "Boyfriend ka nung nagrereklamo? Eh bakit mo siya hina-harass?" pag-iiba nito ng usapan.

"Hindi ko siya hina-harass. Sa hitsura kong ito boss, mukha ba akong nagha-harass? May pinag-awayan lang kami. Maniwala po kayo."

"Sa presinto ka na magpaliwanag."

Then he saw Dalisay's car passing by. Nanlaki ang mata niya. "Wait! That's him. Sige na bossing. Pakawalan mo na ako." pakiusap niya.

"Doon sa presinto." tila tinatamad na sabi nito.

"Bossing naman. Kung hina-harass ko siya, dapat naroroon din siya di ba? Bakit siya umalis? Di ba kailangan din siya roon para sa paliwanag niya?" frustrated nang sabi niya.

Tiningnan lang siya ng pulis. Then it hit him, alam na niya kung bakit ganoon ang inaakto ito. Alam na niya ang gustong mangyari nito. Lagay. Something that he could never do. He hated it.

Napabuga siya. "Sige na Chief. Eskortehan niya na po ako sa presinto."

Halos matawa siya sa ekspresyon nito. Shocked. Mukhang hindi inaasahan na papayag siyang magpakulong. Mataman muna siyang tinitigan nito bago nagsalita.

"Sige na nga. Alis." pagtataboy nito.

Napangiti siya ng lihim.

Akala mo ha? Ulol! Aniya saka pinaharurot ang CRV.


Ayon sa kasabihan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. Sa kaso ni Jordan, naroon na siya sa lugar na pupuntahan niya ay panay pa rin ang lingon niya. Hindi siya makuntento kahit natatanaw na niya ang parking lot ng Days Hotel sa Batangas. He had to look back every now and then.

Sa tingin niya ay hindi na siya mahahabol ni Gabriel. Subalit may pagka-resourceful ang isang iyon kaya naman gusto niyang magpakasiguro. Ayaw na niyang harapin at kausapin ito. Wala siyang interes na pakinggan ang paliwanag at paghingi nito ng paumanhin. Okay na sa kanya na naipaalam niya ritong alam na niya ang totoo.

Pero nahihiya siya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakatanga niya at tila nabiktima siya ng isang scam. Naiinis siya sa sarili dahil nagtiwala siya kaagad sa isang taong nagpa-cute lang ng kaunti sa kanya ay tinanggap na niya ng maluwag sa bahay. Pinagsilbihan. Pinakain. Naawa pa siya rito ng makagat ito ni Eneru iyon pala nagpapanggap lang ito.

Pero sa lahat ng iyon ay iisang bagay ang hindi niya matanggap. Ang pagkukwento niya rito ng mga bagay na tungkol sa sarili niya. Tungkol sa mga ginawa niya. At tungkol sa mga sikreto niya sa pagsusulat. Paano kung i-publish nito ang mga iyon? Maaari ba siyang magdemanda? Eh paano kung magmukha lang siyang tanga sa gagawin niyang pagdedemanda?

Hay! Naiinis talaga siya.

Nakapasok na siya sa lupaing sakop ng hotel ay lumilingon pa rin siya. Naroon kasi siya para sa isang imbitasyon ng kaibigan na kauuwi lang sa bansa. Isa rin itong writer na nakabase sa  Kingdom of Saudi Arabia. Pagkabigay niya ng susi sa valet ay mabilis siyang pumasok sa entrance ng hotel. Papalapit pa lang siya sa reception area ng may tumawag ng atensiyon niya.

"Dalisay!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at napangiti. "Mikey!" natutuwang sabi niya sabay takbo palapit dito.

"Dalisay. How nice of you to come." magiliw nitong bati sabay yakap sa kanya.

"Of course, Mikey. Mapapalampas ko ba ang imbitasyon ng famous kong kaibigan na si Michael Juha? Siyempre, hindi," natatawang sabi niya pagkatapos kumalas rito. Tuluyan ng nakalimutan ang taong kanina lang ay nagpapakulo sa dugo niya.

"Nambola ka pa. Ang ganda mo pala." balik-bola nito sa kanya.

"Oh what do we have here? A mutual admiration society?" aniya na ikinatawa nilang dalawa. Doon lang niya napansin na may isa pang lalaki na nakatayo malapit sa kanila ng kaibigan. Napansin iyon ni Mikey.

"Oh, siya nga pala. Si Ferdie, buddy ko. Ferdie si Dalisay. Author din siya." pagpapakilala ni Mikey sa kanilang dalawa.

They exchanged pleasantries. Napansin niyang tahimik lang din pero palangiti ang Ferdie na kasama ni Mikey. Mukhang magkakasundo sila nito.

"Nakuha mo na ba ang susi mo sa room? Inabangan kita talaga dito. Naiinip kasi kami ni Ferdie sa kwarto." tanong ni Mikey.

"Kukunin ko pa lang. Mabuti at nakita mo ako rito." sagot niya.

"Hay naku, kanina pa aligaga iyan." singit ni Ferdie.

"Talaga?" curious niyang tanong pero ang mata ay agad na inilipat kay Mikey.

"Oo. Kasi naman, sabi mo ay ipakikilala mo ang boyfriend mo sa akin."

Agad na napalis ang ngiti niya. Naalala niya na biniro niya nga pala ito na may ipakikilala siya ritong boyfriend niya kunwari.

"Ano ka ba Mikey, biro lang iyon." natatawang sambit niya.

"Sure ka? Ikaw talaga mahilig kang magbiro." natatawang sabi ni Mikey.

Napakunot ang noo niya. Hindi naman slow ang kaibigan para hindi malamang nagbibiro lang talaga siya. "Eh wala nga talaga..."

"Ikaw talaga baby. Iniwan mo na naman ako ng magtampo ka." anang isang tinig na nagpalamig at nagpatigas ng kalamnan niya. Inakbayan pa siya nito.

"So who is this cute and lucky guy Dalisay?" kinikilig na sabi ni Mikey.

Nanlalaki ang matang nilingon niya ang lalaking mapangahas which was a mistake dahil ang lapit-lapit na ng mukha nito sa kanya. His hot breath sensually fanning his sensitive face. Titig na titig ito sa kanya. Agad nag-init ang mukha niya sa proximity nila.

"G-gabriel..." he said almost whispering.

"Oh, Nice to know you Gabriel." ani Mikey.

"Same here, Mikey." anang baritonong tinig ni Gabriel na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nangingilabot at nanlalambot ang tuhod niya sa ginagawa nitong pagtitig. At ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya!


Itutuloy...


DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

7 comments:

silhouette said...

nae-excite ako sa susunod na part!!
galing talaga!!

mcfrancis said...

could not be taken ba talaga Miss D? weee kinikilig ka eh... kinilig din ako... hehehe interesting talaga...

DALISAY said...

Thanks Silhouette and Mcfrancis, kinikilig ba ako? Halata ba masyado? ahaha

silhouette said...

parang may pinaghugutan nga... hahaha..
sabi nga sa mga naunang chapters...

"All the characters in this story have no existence whatsoever OUTSIDE THE IMAGINATION OF THE AUTHOR, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just DISTANTLY INSPIRED BY ANy INDIVIDUAL known to the author, and all the incidents are merely invention."

peace ate dalisay :P

DALISAY said...

Ahahaha!!! Silhouette, shut up! ahahaha

russ said...

hahaha dalisay kw na talaga ang reyna..sana ipasa mo ang korona sa iba..hehehe

DALISAY said...

eto, salo russ!