STRATA presents
BULONG NG KAHAPON
PART 2 – Ang Kasunod ng Simula
“Mercedes?” nagulat na wika ni Arman nang makita kung sino ang nasa kwarto niya.
“Arman!” hagulgol ng dalaga saka patakbong niyakap ang binata.
Inaasahan na ni Arman na sa kanya unang lalapit ang dalaga. Alam na niyang siya ang unang pagsasabihan nito ng problema dahil siya ang pinakamatalik nitong kaibigan. Kanina pa nga niya pinaghahandaan ang pagkikita nila ni Mercedes at sa buong akala niya ay matatag na siya para harapin ito subalit pilit siyang pinapahina ng kanyang kunsensya.
“Mercede…” pang-aalo ni Arman.
“Iniwan na ako ni Phillip! Ayaw na niya sa akin.” sagot ni Mercedes.
“Sige lang!” wika ni Arman saka hinagod sa likod ang kaibigan.
“Hindi na niya ako mahal. Ayaw na sa akin ni Phillip, iba na ang gusto niya.” iyak ni Mercedes.
“Ayos lang iyan.” sagot ni Arman na nais na ding mapaiyak at sabihin kay Mercedes kung ano ang tunay na dahilan ni Phillip.
“Ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kulang sa akin? Ano ba ang ayaw niya sa akin?” sunud-sunod na tanong ni Mercedes kay Arman.
“Walang mali sa’yo, wala ding kulang o dapat ikaayaw.” pang-aalo ni Arman.
“Bakit niya ako iniwan?” tanong ni Mercedes.
“Sapagkat may mga bagay na tanging ang panahon lang ang makakasagot.” walang maisip na dahilang tugon ni Arman.
“Ayoko ng mabuhay!” wika pa ulit ni Mercedes. “Papakamatay na lamang ako.” sabi pa ng dalaga.
“Huwag na huwag mong gagawin iyan Mercedes!” pigil ni Arman na biglang nakaramdam ng pagkabahala. “Kasalanan iyan! Ang pagkitil sa sarili mong buhay.” paliwanag pa ni Arman.
“Ito lang ang paraan para makalimutan ko ang lahat.” sagot ni Mercedes.
“Hindi iyan ang tamang solusyon Mercedes!” sagot ni Arman. “May mga bagay na hindi mo makukuha sa isang iglap. Kagaya nang sakit na nararamdaman mo, hindi yan panandalian lang.” sagot ni Arman. “Tulad nang sakit na nararamdaman ko, kung paano ako usigin nang sarili kong budhi, na hanggang ngayon ay patuloy pa ding ipinaparanas sa akin ang sakit.” bulong naman ni Arman sa sarili.
Nanatili sila sa ganuong posisyon hanggang sa –
“Arman!” tawag ni Phillip mula sa pintuan.
“Sssh!” sabi ni Arman. “Baka magisisng si Mercedes.” wika pa ng binata.
“Ilapag mo na iyan d’yan!” sabi pa ni Phillip. “Halina muna sa labas. Ibilin mo na lang din iyan kay manang Juana.” habilin pa nito.
“Saan ba tayo paparoon?” tanong ni Arman.
“Lalabas lang tayo sandali.” sagot ni Phillip. “Ito naman, parang may bago pa duon.” dugtong pa ng binata.
“Hindi ko ata kayang iwan si Mercedes na mag-isa.” sagot ni Arman.
“Arman naman!” may himig nang tampo sa tinig ng binata.
“Sige na nga!” tugon ni Arman na may pilit na ngiti saka inilapag si Mercedes sa higaan.
Sa may liwasan –
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Arman.
“Mamasdan natin ang paglubog ng araw.” sagot ni Phillip.
“Kanina pa nakalubog ang araw.” kontra ni Arman.
“Papasikatin ko ulit para ating sabay na masilayan.” sagot ni Phillip.
“Ano ba talaga ang nais mong mangyari?” tanong ulit ni Arman.
“Ang makasama ka ngayong gabi.” sagot ni Phillip.
“Kung maaari sana ay sabihin mo na sa akin kung ano ba talaga ang plano mo?” pamimilit ni Arman.
“Iyon ring malalaman sa oras na mapunta tayo sa sinasabi kong lugar.” sagot ni Phillip.
Maya-maya pa at –
“Ano to?” tanong ni Arman nang bigla siyang piringan.
“Magtiwala ka lang.” sagot ni Phillip.
“Ano ba kasi ang dahilan nito?” tanong pa ni Arman.
Ilang saglit pa at –
“Ano yun?” hindi maidilat ni Arman ang mga mata dahil sa pagkasilaw.
“Di ba sabi ko ay muli kong pasisikatin ang araw?” tanong ni Phillip.
“Phillip! Anung kalokohan na naman ito?” tanong ni Arman. “Saka nasaan ba tayo?” tanong pa ulit ng binata.
“Labis labis ang pagtatangi ko sa iyo Arman. Ikaw ang liwanag na matagal ko nang hinihingi sa Maykapal, ikaw ang gabay na laging laman ng aking dasal. Simula nang araw na makilala kita, unti-unti kong nakita ang sarili kong ikaw ang kasama.” saad pa ni Phillip.
Sa wakas ay nagawang maidilat ni Arman ang mga mata at nalaman niya ang dahilan kung bakit siya silaw na silaw, dahil halos naka-ikot sa kanya ang spotlight na siya lang ang pinapatamaan.
“Handa ka na bang tanggapin ako ng buung-buo Arman?” tanong ni Phillip kay Arman saka nito nilapitan ang binata.
“Malaking iskandalo ito sa iyong pamilya sa oras na malaman nilang ganito ang ginagawa mo.” saad ni Arman.
“Huwag mo na muna silang alalahanin dahil sa oras na ito, ang pagmamahalan na muna natin ang bigyang daan.” pahayag ni Phillip.
“Phillip…” tugon ni Arman. “…sa dami ng pinagdaanan natin, ang pinagdaanan ng lihim nating pagmamahalan ay bakit ko naman tatanggihan ang isang tulad mo.” sagot ni Arman.
“Salamat Arman!” napayakap na tugon ni Phillip.
“Ngunit hindi ko maatim na habang nasasaktan si Mercedes nang dahil sa akin, ako naman itong nagpapakasaya.” tutol ni Arman.
“Nuong una ay nakukunsensya ka dahil kinakaliwa ko si Mercedes, ngayon namang nakipaghiwalay na ako sa kanya ay puno ka pa din nang pag-aalala.” wika ni Phillip. “Panahon naman para isipin mo ang sarili mo.” paalala pa nito.
“Ngunit Phillip…” pagtutot ni Arman.
“Walang masama kung hahayaan mong lumigaya ka naman.” tugon ni Phillip. “Ako, tulad mo ay nalulungkot para kay Mercedes ngunit pasasaan ba at ako’y kanya ding malilimutan. Para saan ba at makakakita din siya nang bagong giliw. Piliin mo munang maging makasarili, dahil si Mercedes ay malalagay din sa wasto.” pang-aalo ni Phillip.
“Ano? Ayos na ba?” tanong pa ni Phillip nang makitang natahimik na lang si Arman.
“Sige! Tinatanggap na kita nang buung-buo.” sagot ni Arman na may mga ngiti sa labi.
“Salamat Arman! Labis ang aking kaligayahna.” sagot ni Phillip saka niyakap si Arman.
“Ngunit nakahanda ka ba talaga sa maaring kahantungan nang ating pagsasama?” tanong ni Arman.
“Alisin mo na ang lahat nang pag-aalala sa iyong isipan Arman!” wika ni Phillip. “Dahil hangga’t sumisikat ang araw ay may bagong umagang darating para tayo ay harapin.” wika ni Phillip.
“Umaasa ako Phillip. Higit pa at isang kasumpa-sumpa ang mga katulad natin sa paningin nila. Natatakot akong dahil dito ay layuan ako ng pamilya ko, ng mga kakilala at kaibigan ko. Natatakot akong ituring nilang salot o kaya naman ay pandirihan na tila may nakakahawang sakit.” paglalahad ng takot ni Arman.
“Hangga’t wala tayong sinasaktan, tinatapakan, wala tayong dapat alalahanin. Tayo lang, ang mga katulad lang natin ang nakakabatid na hindi masama ang ating ginagawa.” tugon ni Phillip.
“Ngunit si Mercedes?” tanong pa ulit ni Arman.
“Si Mercedes ay hindi natin sinaktan, dahil maging tayo man ay nahihirapan sa kanyang dinadanas. Si Mercedes ay naunang dumating ngunit dahil sa pagkakaila ko sa damdamin ko sa’yo, pilit kong sa kanya ibaling ang lahat subalit isang pagkakamali ang aking nagawa.” paliwanag ni Phillip.
“Phillip.” tanging nasabi ni Arman. “Mali! Nasaktan pa din nating si Mercedes at hindi ako magiging masaya hangga’t alam kong may kirot at sakit pa din siyang dinarama.” sa isip ni Arman.
“Sa ngayon, ituon muna natin ang lahat para sa ating kinabukasan.” saad ni Phillip.
No comments:
Post a Comment