Friday, July 15, 2011

The One Who Could Not be Taken - Chapter Four

Photobucket

Para sa'yo pa rin KGF :)


Chapter Four

Napansin na naman ni Jordan ang itim na CRV na huminto malapit sa bahay niya. Iyon ang ikatlong araw na nakita niya ang sasakyan na pagala-gala sa vicinity ng subdivision nila. Una ay noong nagdidilig siya. Akala pa nga niya ay kakilala niya ang may-ari pero hindi naman ito bumaba. Ikalawa ay noong magpupunta siya sa office para magsubmit ng manuscript at ngayon nga ang ikatlo.

Napakibit-balikat siya. Siguro ay nag-i-scout ito ng mga bakanteng bahay. Pero may isang mahinang tinig ang nagsasabi sa kanyang tinititigan siya ng taong nakasakay sa loob ng CRV. Hindi niya lang makita ng husto ang mukha nito dahil tinted ang salamin. Ayaw man niya ay nakaramdam siya ng pagaalala. Baka masamang tao ito. Naglipana pa naman ang mga sira-ulo ngayon sa bansa.

Pumasok siya sa bahay at inasikaso ang isinalang na roasted beef sa oven. Habang ginagawa iyon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakaparadang sasakyan. Mukhang siya ang pakay ng kung sinoman ang nasa loob niyon. Hindi kaya isa iyong masamang tao na balak siyang biktimahin dahil alam na siya lang mag-isa sa loob ng bahay? Nangilabot siyang muli sa isiping iyon.

Napapraning lang siguro siya dahil noong isang gabi lang ay may doorbell ng doorbell sa gate niya. Wala siyang kamag-anak, kakilala, o kaibigan na basta na lang pupunta ng walang abiso kaya hindi niya pinagbuksan ang kung sino mang herodes na nang-istorbo sa kanya. Ang mali niya lang ay hindi niya sinilip kung sino iyon. Nairita na kasi siya sa walang tigil na tahol ni Eneru.

His friends and relatives knew that he hated to be disturbed. Kung may magpupunta man sa mga ito sa bahay niya ay nagte-text muna ang mga ito para makapaghanda siya. Or depende sa topak niya kung papayagan niya ang gma itong istorbohin siya.

The roasted beef looked delicious and the smell was mouthwatering. Eneru was jumping in excitement.

"Mamaya na. Gagawa pa ako ng sauce," sabi niya rito. Pinagsama niya sa saucepan ang marinade pati na ang pinaglagaan ng baka saka ito isinalang sa mahinang apoy. Nang kumulo iyon ay binuhusan niya ng red wine saka hinalo hanggang sa lumapot. Langhap na langhap na niya ang masarap na amoy niyon kaya naman pati si Eneru ay tila nababaliw na sa pagkatakam at paikot-ikot na sa buong kusina.

Biglang tumunog ang doorbell. Mabilis na tinakbo ni Eneru ang pinto at kinalampag iyon. Tila doon ibinubuhos ang frustrations sa hindi pa matikmang pagkain.

Lumapit siya sa pinto at binuksan ang screen door. Nakita niyang nakatyo sa labas ng gate ang isang lalaking hindi niya kilala. He was wearing a jeans and a fitted gray shirt. Nakaparada rinsa tapat ng gate niya ang CRV na ilang araw na niyang napapansin. So tama siya, ang pakay ng nagmamaneho noon ay walang iba kundi siya.

Marahan ang ginawa niyang paglapit sa gate habang pinagmamasdan ng husto ang lalaki. mababa lang ang gate niya na may isang metro at kalahati ang taas kaya kitang-kita niya ito. He studied the stranger even more. His shirt didn't conceal any manly form. Ang buhok nitong medyo paitaas ay iyong uso ngayon. He looked neat and clean. Ang hugis ng mukha nito ay tila pakuwadrado. Giving him an edgy look because of the sharp jawline. His chin was slightly protruded. May kakapalan ang kilay na parang kay Ashton Kutcher and a nose to go with it. Ang bibig nito ay parang kay James Yap. It wasn't those features themselves but the way they were put together that gave the impression this man was good looking.

The man looked at him and he was welcomed by a pair of raven black eyes. Bigla siyang kinilig sa paraan ng pagtitig nito. At ayaw man niya ay biglang naging uneasy ang pakiramdam niya. He decided to play cool with it.

"A-anong kailangan nila?" tanong niya sa lalaki.

The stranger smiled, showing him a perfect set of white teeth. "Miss D? Dalisay Diaz?"

Nagulat siya. Kilala ko ba ito?

"Pwede ka bang makausap? Writer ako."

Writer? Lumapit na siya ng husto sa gate kasama si Eneru na ayaw pa ring kumalma.

"Sorry sa istorbo," sabi ulit nito. "Pero pwede ka bang ma-interview?"

"Para saan?" skeptikal niya ulit na tanong. He pictured him as a race car driver, a police officer or a surfer but not as a writer. His hands were so big he would have a hard time hitting those keyboards.

"Contributor ako sa OhLaLaMag." he handed him his IDs.

Napa-angat ang kilay niya. So, pink rin pala ang hasang ng isang ito. In fairness, hindi ito halata. Hindi naman siguro ito magsusulat sa OhLaLaMag kung straight ito, hindi ba?

"OhLaLa?" nagtatakang bulalas niya. Base sa pangalan nito ay Kirby Gabriel Fadriquella ang nakalagay. Paanong naging interesado sa kanya ang naturang babasahin? Hindi naman siya nagmomodelo. Itatanong na sana niya kung bakit ng magsalita ulit ito.

"Totoong school ang San Bartolome University hindi ba? Pinalitan mo lang ang pangalan?"

"Well," Hindi totoong school ang San Bartolome dahil ginawa lang niya iyon sa kanyang Flirt Series. Pero tama ito na may pinag-gayahan siya ng lugar. It was the same college he attended when he was still studying. Mukhang nagkaroon ng fascination ang mga tao sa eskwelahang gawa-gawa lang malikot niyang pag-iisip.

"It's gay pride next month so I decided to feature a place where LGBT community rocks. I want to interview you as Jordan of San Bartolome University Theater Group and of course, as Dalisay Diaz, the creator of the Flirt Series."

"H-hindi ako nagpapa..."

"Oh please, pumayag ka na. I have a deadline and a lot of our readers are mentioning that you unveil where the real San Bartolome University is. Marami kaming natatanggap na sulat at e-mails tungkol sa pambihirang lugar na iyon."

"Eh, h-hindi..."

"Hindi ka ba natutuwa na gustong malaman ng mga tao kung saan ba talaga ang lugar na iyon. May feeling kasi sila na ang San Bartolome University ay isang lugar na totoo. Pinalitan mo lang ng pangalan. And I'm guessing its UP. Iyon din ang guess ng karamihan."

"I didn't know that," hindi niya alam na may ganoon na palang espekulasyon ang mga tao tungkol sa San Bartolome University. And boy, ni hindi pa nga niya nalilibot ang buong UP Campus dahil hanggang sa may Alumni Center lang siya ng minsang makapunta siya roon.

"Please, Miss D?"

Napabuntong-hininga siya sa pagpipilit nito. Ewan niya kung dala ng ka-cute-an nito o naawa lang siya rito kaya pinagbigyan na niya. "Sige na nga."

Binuksan niya ang gate, kaso, nakalimutan niyang naroon si Eneru na agad sinalakay ang pobreng writer. Huli na para maawat niya ito. His dog aimed for the man's crotch pero maagap din itong naisalag ang isang braso na siyang tinamaan ng pangil ni Eneru. Napasigaw na alng sa sakit ang lalaki.

"Oh shit! Eneru!" natatarantang awat niya sa alaga. Ngayon lang ito nakapangagat kaya hindi niya alam ang gagawin. "Eneru, let go!" Hindi niya mahila ang alaga dahil baka lalong lumaki ang sugat ng lalaki. Buti na lang at nilubayan na agad ng kanyang aso ang kawawang bisita niya. "I'm sorry... don't worry, may bakuna naman siya eh." aniya pagkatapos hilahin ang leash ni Eneru saka iyon itinali ng mahigpit sa isang sulok.

Iiling-iling lang ito habang tinatalian ng panyo ang nasaktang braso. "Halika, pumasok muna tayo sa loob at linisin natin ang sugat mo."

Sumunod naman sa kanya kaagad si Kirby. "Sigurado ka ba na may turok siya?"

"Oo. Pwede mong makita ang vaccination papers niya kung gusto mo."

"Hindi na. Naniniwala na ako."

Napailing siya ng tingnan niya ang sugat nito. "Dito mo na sa kusina hugasan yang sugat mo. Baka kasi ma-infect. Iyong dish washing soap na ang gamitin mo para mas mamatay ang germs. Kukuha lang ako ng bulak at betadine. Pasensiya na talaga."

"That smells great," anito habang naghuhugas ng sugat.

"Sure. Mamayang kaunti. Maupo ka na lang kapag natapos ka na." aniya saka nagtungo sa kwarto para kumuha ng first aid kit. Pagbaba niya niya ay nakapuo na ito at pinapatuyo ang sugat ng malinis na tissue. Ini-abot niya rito ang bulak at Betadine sa pagkagilalas nito.

"Here." aniya ng iabot niya ang panglinis ng sugat. "Hihiwain ko lang ang beef."

Napamaang ito sa kanya.

"Why? Hindi mo ba alam kung paano i-apply yan?" Pero alam niya kung bakit ito nagkaganon. Ini-expect siguro nito na siya ang maglilinis ng sugat nito. Bakit? Close ba sila? Kinuha niya ang kutsilyo at siniwa ang beef. "Saan mo ba ako gustong interviewhin? Dito na lang?"

"Okay na rito." anito pero nasa roasted beef ang atensiyon.

"Wala kang dalang tape recorder or notebook? Paano mo ako i-interviewhin?"

"Meron. Nasa sasakyan. Nakalimutan ko. Kukunin ko lang."

Napa-iling na lang siya. Tipikal na sa mga writer ang maging makakalimutin. Alam na alam niya iyon. Parang bahagi na ng buhay nila ang maging makakalimutin. Ineksamin niyang mabuti ang mga ID na dala nito. Wala itong dalang ID ng OhLaLaMag pero aware naman siya na hindi lahat ng writers ay may ID ng kumpanyang pinagsusulatan nito. Pwede naman akong tumawag sa office nila kung sakali, sa loob-loob niya. Mukha namang authentic na writer ito gawa nga ng pagiging makakalimutin nito. Kapag occupied na kasi ang writer sa trabaho ay nakakalimutan na nila ang ibang bagay.

"Sorry," ani Kirby ng makabalik ito. "Hindi ko kasi alam kung appayag kang magpa-interview kaya hindi ko nadala agad ang mga ito. From what I gathered from your publisher, minsan ka lang daw niyang makita." Naupo ulit ito at tinikman ang roasted beef niya. "This is actually good."

Napangiti si Jordan. Alam niyang masarap ang pagkakaluto niya pero may mga tao kasing maramot magbigay ng papuri. And it was nice to know that this man gave the credit where it was due.

"So, anong eskwelahan sa totoong buhay ang SBU? Wait, bago mo ako sagutin ay magpapakilala muna ako ulit." He extended his hand. "I'm Kirby Gabriel Fadriquella, "Gabi" na lang for short.

"Jordan" aniyang tinanggap ang handshake nito.

Ngumiti ito saka kinuha ang ball pen.

"Nag-theatro ka ba talaga?"

"Hindi, nasa choir ako noon."

"Really?" namimilog ang matang tanong nito. "So maganda ang boses mo?"

"Hindi naman." nahihiyang tugon niya. Mukhang tinamaan siya ng instant crush sa lalaking ito.

"Okay. Let's pretend i'm talking to Jordan of SBU. Anong feeling ng ikaw ang pinakasikat sa campus niyo pero wala ka namang boyfriend?"

Natawa siya. "Paano mo naman nasabing wala akong boyfriend?"

"Iyong mga kaibigan mo sa series na sila Monty at Earl eh may mga partner na. Pati si Freia mukhang kay Russel mapupunta, tapos wala naman akong nababalitaang boyfriend mo sa SBU."

He liked this man. He was perceptive. "I guess you're right," nangingiting sabi niya. "Besides, hindi ko naman kailangan ng boyfriend. Malay mo, may maisip na ilagay si Dalisay bilang boyfriend ko."

"Hindi ka ba na-a-out of place? Imagine sila lang ang may mga partners. And your schoolmates are sarcastic, by the way."

"Mababait naman sila. They are the usual people with the usual hang-ups. Besides, I thrive on sarcasms also."

Nagpatuloy pa sila sa interview hanggang sa umabot sila ng halos dawalang oras. Nalibang siya ng husto. "Pasensiya ka na. Gusto ko sanang magtagal pa kaso hindi ako masaydong nakapaghanda. Sa susunod na lang kung pwede? May kasama talaga akong photographer pero dahil nga hindi ko alam kung papayag ka ay hindi muna ako nagdala." nakangiting sabi nito pagkatapos.

"Sana tumawag ka muna." aniyang ngayon lang naisip ang bagay na iyon.

"Eh sabi kasi ng publisher mo nung tumawag ako ay mailap ka. Baka kasi makapagisip ka pa ng dahilan para tumanggi kung tumawag muna ako. Kaya pinuntahan na lang kita"

"Kay ini-stalk mo ako for three days."

"Yeah. Sorry talaga. I was given the wrong impression kasi. Saka bago ako amgsulat, pinag-aaralan ko muna ng maigi ang subject ko. Alam mo na." Gabi smiled coyly.

Napatango na lang siya. Of course, he understand.

"Babalik ako bukas to take pictures myself. Para casula lang ang dating." sabi pa nito habang papalabas.

"Sure. Goodluck sa article."

"So, paano. Same time ulit bukas? And by the way, the beef was excellent. Saan ka natutong magluto."

Natawa siya. "Sa mommy ko. May restaurant kami sa probinsiya."

"Ah, kung ganoon ang swerte ng father mo."

Napakibit-balikat lang siya. Inihatid na niya ito sa labas ng gate.

"Can I ask you something personal?"

"Sure. Fire away."

"May boyfriend ka na ba?"

Umiling siya. "Alam kong itatanong mo kung bakit pero sorry, hindi ko masasagot."

Gabriel's Ashton Kutcher brow arched.

"No comment." wika niya.

"Bukas na lang ulit. Same time. Is that fine with you Miss D?" nakangiting tanong nito.

"Okay." sagot niya saka ito tinalikuran ng ma-i-lock ang gate.

Kinuha niya si Eneru sa pinagtalian saka iginiya papasok ng bahay. Narinig pa niya ang busina ng saakyan ni Gabi na tila nagpapaalam.

Pagkapasok ay kinuha niya ang kainan ni Eneru at nilagyan iyon ng kinatatakaman nitong beef. Hinanap niya ang directory pagkatapos at hinagilap ang numero ng OhLaLaMag. Nang makita niya ang numero ng publication ay napangiti siya.

And then, he dialed the number.


Itutuloy...

DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.



3 comments:

mcfrancis said...

kaabang-abang naman talaga...
ang ganda talaga...
totoong contributor kaya si Gabi sa OhlalaMag?

parang talo si Gabi pustahan...

good job po...

Anonymous said...

lolz... e panu kung sya may-ari ng ohlalamag hahaha.. wala lang po..


ganda ng story :)


-jj-

DALISAY said...

Salamat Mcfrancis and to you JJ :)