Friday, July 22, 2011

SUPER LUNA - 02

Photobucket


FB: gabifad@yahoo.com
BLOG: gabrielfads.blogspot.com

Akda ni K.G.F.

Chapter 2

Paano ko din ba makakalimutan ang mga oras na nadiskubre ko na hindi lang basta kakaibang lakas ang taglay ko, kung hindi mayroon pa, ang apat na pinakamahahalagang elemento sa mundo, hindi ko alam kung bakit at papaano iyun nangyari, Limang taon makalipas ang pagkadiskubre ko sa kakaibang lakas ko. Ika anim na baiting ako sa elementarya nuong mag karoon kami ng camping trip sa school naming, ika-12 kaarawan ko nuon at Isa isang naglabasan ang iba’t ibang kakayahan ko

Ang elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa

“Anak, Nagready ka na ba para sa camping nyo?” tanong ni Mama sakin habang tahimik lang akong nakaupo sa kama ko

“Opo” sagot ko sakanya

“Mag-iigat ka duon anak ha? Wag ka lalayo kay teacher mo ah anak?” paalala ni Mama sakin

“Opo, di ko po kayo hahayaang magalala Mama!” pa-sweet kong sagot sa Mama ko

“Happy Birthday Anak, mahal na mahal ka ni Mama” sabi sakin ni Mama habang may mga luha na lumalabas sa mga mata nya

Bahagaya din ako naluha at niyakap ko nalang sya, at ibinulong ko sakanya “Thank you po Mama, I Love you too po”

Umalis ako sa bahay, sumakay sa bus kasama ang mga kaklase ko na simula Grade 1 ay hindi ko padin makalimutan ang ginawa katabi ko sa bus si Eros, at pagdating naming sa campsite ay agad nagkaroon ng contest kung sino ang unang makakapagpaapoy ng mga kahoy ng hindi ginagamitan ng posporo o kahit anong pang paapoy

Sumali ako dahil atrebido akong tao, gusto ko I-try lahat ng bagay at gusto kong may mapatunayan. Hindi ko alam na habang pagd na pagod ako magkiskis ng dalawang kahoy para makabuo ng init at mapaapoy ang mga kahoy, ay biglang naginit ang buong katawan ko, nagulat ako na unti unting lumabas ang mga malilit na apoy sa mga palad ko at biglang nagliyab ang mga kahoy sa harapan ko, alam kong hindi nila nakita ang mga apoy na syang naglabasan sa kamay ko. At laking gulat ko na pagkatapos ako purihin ng aking mga guro sa pagkapanalo ko ay agad akong naghanap ng tubig para mainom ay biglang may isang parang lobo na umaapoy ang nakita ko at lalo akong nagulat ng bigla syang nagsalita


“Master! Ilahad nyo po ang inyong mga kamay” sabi ng umaapoy na lobo sa harapan ko. Agad kung inilahad ang mga kamay ko at umagat ng bigla ang lobo at pumasok ito sa mga palad ko. Isang pulang marka ang naiwan sa mga palad ko at naiwan ang gulo sa pagiisip ko, hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari nuon.

Hindi parin ako makapaniwala sa umaapoy na lobo, ng tila bigla nanamang may nagpakitang isang nilalang na isang kathang isip lamang para sa isang normal na tao, kalahating tao, at kalahating isda ang tumambad sa mga mata ko

“Nauuhaw po ba kayo Master?” tanong ng serena

“ahhh.. o..o… me…dyo.. nga!” iyun lang ang nasabi ko sa mga panahon na iyun dahil na rin sa pagtataka ko sa mga nagaganap

Agad naging isang parang alon ang serena at bigla nalang rumagasa patungo saakin, nagtakip ako ng aking mga kamay at gulat na naramdaman ko na may tubig na pumasok sa katawan ko ngunit pag tanggal ko sa mga nakasangga kong kamay ay wala ni isang bakat ng tubig ang nakita ko sa katawan ko, hindi ako nabasa, ngunit napawi lamang ang uhaw ko, agad ko ding napansin na may asul na marka na dumagdag sa palad ko. Kakatapos lang ng pagpasok ng upaapoy na lobo sa katawan ko, ngayon naman ay isang serena ang gumulat sa akin nuon

Pinili ko na magisa muna dahil sa mga naranasan ko at nagiisip ako sa isang sulok ng campsite ng bigla akong nilapitan ni Eros

“Joseph okay ka lang ba?” tanong ni Eros

“Hindi eh” sagot ko

“Eh bakit?” tanong niya pa

“Basta mahirap sabihin Eros” sagot ko sakanya

“Wag ka na malungkot” kulit sakin ni Eros

“Hindi ko kaya eh, basta may gumugulo sakin” sabi ko sakanya

“Kahit regalo mo nalang yung ngiti mo ngayon para sa birthday ko okay na eh!” sabi ni Eros

Nagulat ako nuon sa sinabi nya at kung tama ba ang pagkakarinig ko, birthday nya rin ngayon?

“Birthday mo rin ngayon Eros?” tanong ko sakanya

“Oo, ngayon nga birthday ko, bakit? Birthday mo rin Joseph?” tanong niyang pabalik saakin

“Oo, magkabirthday pala tayo, yehey!” biglang nawala sa isip ko nung mga panahon nay un ang mga kakaibang nagnyari ang naisip ko lang, ka birthday ko pala yung bestfriend ko, nuong oras ko lang na iyun nalaman, sa 5 taon na naming mag kaibigan

Nag iba ang gabi ko at buong gabi lang kaming naguusap, nagtatawanan, mga bata pa kami nuon, hindi alam kung ano nga ba ang dapat seryosohin at hindi, kung ano ang pagkakaiba ng DSL at broadband, kung paano mabuhay ng magisa, di alam kung paano kikita ng pera, ang alam lang ay ang maging masaya at mairaos ang araw ng maayos at masaya. Kami ay mga batang wala kaalam alam sa pag-ibig, at kung ano ang nagiging parte nito sa bawat buhay ng isang tao, kung paano ito nakakapagbago ng tao at kung paano nito buoin at sirain ang buhay na isang tao. Pero iba na ngayon, kung dati simpleng tawa at saya lang ang naibibigay nya. Ngayon, ngiti, saya, tuwa, pagpapahalaga sa tuwing nakikita ko sya. At sa tuwing aalalahanin ko na hindi pwede mahulog ang loob ko sakanya kasi pareho kaming lalaki, nasasaktan ako, kasi mahal ko na si Eros, mahal ko siya.

Sinasabi ko na eh, sa simula palang hindi na ako NORMAL

Espesyal ang camping na iyon para sa aming dalawa, parehas naming birthday nung araw na iyon, nakakgulat lang na bakit ni hindi ko man lang alam na birthday din nya ngayon, basta ang alam ko nun masaya ako kasi sabay ang birthday naming ni Eros. Ng matapos ang gabi ay nagpahinga na kami ni Eros, tabi na kami sa higaan naming at as usual, mga batang nagkukulitan sa ilalim ng kumot, kung ano anong iniisip, magtatakutan at magtatawanan

Nakatulog na kami at pag ka gising naming nung susunod na araw ay oras na para umuwi, napansin ni Eros ang kakaibang marka sa palad ko at tinanong nya ako

“Joseph ano yan? Tattoo?” tanong nya sakin

“Ahhh, oo, kasi gusto ko mag ka tattoo dati pa kaya eto, naglagay ako” sagot ko sakanya at kinakabahan kung tatanungin nya ako ulet dahil hindi kapanipaniwala ang palusot ko, pero what the heck, bata kami, walang tanong tanong, Oo nalang.

Pauwi na ang bus na sinasakyan namin, kaming dalawa ni Eros ay magkatabing naguusap at nagtatawan sa may likuran ng bus ng biglang nataranta ang driver ng bus, itinanong ng mga teacher naming kung ano ang nangyayari, nawalan daw ng preno ang sasakyan namin. Wala akong nagawa kung hindi umupo sa likod katabi ang bestfriend ko at mangamba sa kung ano ang pwedfeng mangyari, nakapikit lang ako at nakahawak sa kamay ni Eros, mabilis parin ang takbo ng bus at hanggang hindi na ito nakontrol ng driver at dumeretso kami patungo sa isang bangin, sobrang lakas ng sigawan ng mga kasama naming sa bus, mga nagiiyakan, habang mabilis na bumabagsak ang bus na sinasakyan naming sa matarik na bangin.

Biglang naghintuan ang mga sigaw at iyakan ng biglang huminto ang sinasakyan naming bus, na para bang pumatag na sa lupa, himalang, may binagsakan kaming lupa na tila hindi alam kung saan nagmula, at para bang may gumawa ng paraan para hindi malakas ang pagbagsak naming. Imbis na magtaka, nagyakapan ang mga guro at tuwang tuwa ang makikita sa mga muka ng mga iba pang estudyante, maya maya ay may nakita akong nakasilip sa may bintana kung saan ako nakaupo. Isang berdeng ibon at isang nilalang na may mga pakpak at parang may hawak na baston na may nakaukit na simbolo


“Master, ayan ligtas na po kayo” sabi ng agila habang naging isa syang nakakasilaw na liwanag at biglang pumasok sa akin, pati na rin ang nilalang na may pakpak, na mukang sa itsura ay diwata ng lupa, ito rin ay mabilis na pumasok sa katawan ko, at pagkatapos ay tinignan ko si Eros, parang walang nangyari saakin, ni hindi nya napansin ang pagpasok ng mga kakaibang nilalang sa katawan ko. IN short, wala syang nakita, ako lang ang nakakita ng pangyayari. Ang berde at brown na marka lamang ang naiwan ng dalawang nilalang sakin.

Pagkauwe ko ay hindi ko na lamang binaggit sa mga magulang ko ang nangyari sa akin, at pati na rin ang pagkaka aksidente ng bus na sinsakyan namin, alam ko naman kasi na mag aalala lang sila, kaya’t nanahimik nalang ako.

Paano ko rin ba makakalimutan ang araw kung saan, wala man lang akong magawa habang nakikita ko silang unti unting nilalamon ng kadiliman.

2nd year highschool ako nuon, sa parehong eskwelahan parin kami pumasok ni Eros, medyo sa puntong iyon, iba na ang nararanmdaman ko, kasi, binate na to no! marunong na makaramdam ng kilig at marunong na makaintindi ng sobra na sa pagkakaibigan. Hindi ako nag a-assume pero alam ko na kahit papaano, may konti din akong space sa puso ni Eros, alam ko yun, tao ako, hindi ako manhid, everytime na sinasabi nya sakin na “salamat bestfriend ah” alam ko na more than that pa ang ibig sabihin nya. Ewan! Diba? Hindi nga ako normal sa lahat ng paraan, iba ang pakiramdam ko pag magkasama kami. Isang beses inaya ako ni Eros sa bahay nila para duon kami mag gawa ng homework.

“Joseph, sa bahay nalang tayo gumawa ng homework! Okay lang ba sayo?” aya nya sakin

“Ahhhhhh, hindi pwede eh………” nagiba ang muka nya nung sinabi kong hindi pwede, paraan ko lang yun para makita ang reaksyon nya pero sa totoo, gustong gusto ko syempre “Joke lang Eros, sige tara, pakainin mo ko ah!” pabiro ko pang sabi

“Oo naman! Ano ba gusto mo pagkain, kakain tayo hanggang di na tayo makatayo” sagot nya sabay tawa ng malakas

Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong binati ng nanay nya at bilang galang ay nagmano ako dito at nagulat ako ng biglang nagiba ang tingin sakin ng Mama niya, parang may gumulo sa isip nung nagmano ako sakanya sabay tanong nya saakin

“Iho ano yang nasa kamay mo, yung apat na bilog na yan?” tanong ng nanay niya

“ahhhhmmm… tattoo po to tita” sagot ko sakanya

Narinig ko ang binubulong nya “Paano napunta sa normal na batang yan ang apat na elemento ng Kaspyan” hindi ko alam nung mga oras na iyun kung ano ang ibig sabihin nya pero may kutob ako nuon palang na may alam sya sa apat na magkakaibang kulay na bilog sa kanang palad ko.

“Ano po yun?” tanong ko sakanya

“Ayyy.. wala yun iho! Let me meet you’re parents sometime okay? You seem like a good kid” sagot nya sakin

“Sige po Tita, sure po, pag may oras!” sagot ko sakanya

Inihatid ako ng Mama ni Eros pauwi, ewan ko gusto daw niya makilala ang mga magulang ko, edi payag nalang ako, pag dating ko sa bahay ay agad ko syang ipinakilala kay Mama at Daddy ko, pinaakyat muna ako ni Mama para magbihis pero hindi mapanatag ang loob ko, nagtago ako sa likod ng kusina para Makita at marinig ko ang pinaguusapan nila

Normal ang usapan nila ng pagkatapos ng mga ilang minute ay bigla kong narinig na tumaas ang boses ng nanay niya.

“Nasaan ang Bato ng Luna?” pasigaw nyang tanong, hindi ko alam kung anong bato iyun dati, pero iyun pala ang magiging dahilan ng pagkawala ng 2 sa pinakamahalagang tao sa buhay ko

“Wala po kaming alam dun” sagot ng Mama ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak nung nakikita ko na biglang may lumabas na madilim na usok na maya maya ay naging korteng haliwamaw, ngayon? Nasaan itong apat na nilalang na pumasok sa akin, bakit hindi nila ako tulungan, iyak ako ng iyak habang nilalamon ng kadiliman ang Mama at Daddy ko, hindi ko magawang lumabas, kasi wala akong maitulong, gusto ko lumabas ang apat na nilalang sa kamay ko bago ako lumabas para matulungan ko sila pero wala, ang nagawa ko lang utmakbo sa kwato ko at maghanap ng lugar para makalabas ako, kasi alam ko ako na ang susunod. Hindi na rin ako nangahas na humingi ng tulong, kasi ano ang magagawa nila? Paano nila matatalo ang halimaw? Baril? Malayo! Wala akong nagawa kung hindi tumakbo lang ng tumakbo ng tumakbo

Wala na si Mama, wala na si Daddy, umiiyak ako sa isang gilid ng kalsada,hindi na ako nakakapasok sa eskwelahan, hindi ko na nakikita si Eros, namimiss ko na siya kahit sa ginawa ng Nanay nya sa mga magulang ko. Naging palaboy ako sa kalye, hanggang sa nakalahad nalang ang mga palad ko at nanghihingi ng limos pantawid sa gutom ko. Tatlong taon ako naging palaboy sa kalye, nakikipag agawan sa mga pagkain na naiwan sa basurahan, walang maayos natirahan, walang kaibigan, walang karamay, hanggang sa araw kung saan itinakda na mangyari ang dapat mangyari, sa ika-labinlimang kaarawan ko.

Habang abala ako sa panglilimos ay may nakasalubong akong babae na tila pamilyar saakin. Pagkabigay nya ng sampung piso ay bigla syang napatitig sa mga palad ko kung saan nya nilagay ang pera at kung saan nanduon ang apat na bilog na marka.

“Bata, paano ka nagkaganito?” tanong ng babae saakin

Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing tattoo ang nasa mga palad ko, iba ang sinabi ng utak ko na sabihin ko “Mahabang istorya ho! Basta kakaiba” sagot ko sakanya

“Lucas. Anak ikaw ba yan?” tanong ng babae

“Hindi po, ako po si Joseph, hindi po Lucas pangalan ko” sagot ko sakanya

“Birthday mo ba ngayon bata?” tanong pa ulet ng babae

“Ang galing nyo po! Paano nyo po nalaman?” tanong ko sakanya

“Basta, mahirap ipaliwanang, meron ka bang palawit sa kwintas na parang hugis ng buwan? Tapos kulay ginto?” tanong ng babae

“Opo, meron po, pero hindi ko po binebenta yun ah, sabi kasi ng Mama ko, mahalaga daw yun, magagamit ko daw yun pag dating na panahon”

Iyun pala ang ibig sabihin nila Mama Asya at Daddy Elison, na magagamit ko balang araw ang palawit na korteng buwan na iyon, iyon pala ang magdadala sakin sa mga tunay kong magulang

Iyon pala ang magpapakilala sakin bilang ako

Iyon pala ang magsasabi saakin ng tungkulin ko

Iyon pala ang sagradong bato ng Luna, na dahilan din ng pagkamatay ng mga magulang kong umampon saakin

Ang magiging dahilan din ng pagbabago ng buhay ko...

Itutuloy...

1 comment:

mcfrancis said...

sabi ko na eh!!!! LOL