Tuesday, July 19, 2011

One More Chance - 08

Photobucket
























This chapter is dedicated to Keng Barnes... a straight female who read my novels. Thank you hija. :)



Chapter 8

No you don't love me Popoy! You love nothing but yourself!

Tumataginting na hiyaw ni Basty sa isipan. Wala sa plano niya ang pakikipagkita ngayon sana kay Popoy kundi lang siya inudyukan ng matinong bahagi ng isip niya na puntahan ito sa bagong bahay nito.

Wala na silang koneksiyon nito, as far as he was concerned. Pero ang makatanggap ng sulat mula rito at ng kopya ng susi ng bagong bahay nito ay nagbigay ng kaunting pag-asa sa puso niya. Pag-asa na magkaka-ayos silang dalawa. 

But something hit him when he started reading the letter.

The fact that Popoy did not give him the key to his house personally meant only one thing. He doesn't want to deal with him anymore. That is why he sent him the key just so he could get his old things from his new house. As if he couldn't wait to get rid of those. Or simply put, get rid of him. Completely. 

So typical of Popoy.

Kaya naman ng pagpunta niya roon ay laking gulat niya ng makitang naroroon ang kotse nito. Wala siyang pasabi kung kailan siya pupunta. Talagang hindi siya nagpasintabi rito. Ayaw rin naman niya itong makita sa ganoong estado ng pag-iisip niya.

But heavens must be planning something evil for he got the shock of his life when he saw Popoy walking out of the bathroom in his birthday suit. Imagine how that got him hard in an instant. Wala siyang ideya na ng isipin niyang naroroon sa kwarto nito ang mga lumang gamit niya ay makikita niya itong nakahubad. All for his eyes to see.

Agad ang pagbalot ng init sa katawan niya sa nakita pero nagpigil siya. Idinaan niya sa insulto ang lahat kahit pa gustong-gusto na niyang hablutin ito at gawin ang pinakainteresanteng bahagi ng pagsasama nila noon, their love makings.

Kahit sa opisina niya, ang paborito nilang sofa ay naroroon pa rin. Halos limang taon na ang tanda noon pero pinapapalitan lang niya ng cover at ipinapa-reupholster lang becaue of sentimental reasons. Halos mawasak na nila ang sofa na iyon pero hindi niya magawang maipatapon. Kahit ngayong hindi na sila.

And now... Popoy was telling him he loved him?

Ganoon lang ba iyon? He knew that what they were talking about a while ago was closure. Hindi niya na kasi mapigilang ibulalas dito ang lahat. Everyone thought of him as the evil one. The bad one. Where in fact Popoy is the main reason they broke up.

Of course, they were both busy. But he can handle his appointments well. Ano bang silbi ng salitang time-management kung hindi mo gagamitin? Pero mukhang sa kaso ni Popoy ay hindi nito alam iyon. They could always make love? Sure they can, but the question was when is the most convenient time? And was Popoy giving his all whenever he's thrusting so deep within him?

It was so frustrating on his part that whenever they were making love, it was like a deed that has to get over and done with. The intensity was there but it was lacking something. From Popoy's part.

Naramdaman niya ang panginginig ng katawan ni Popoy sa ilalim niya. He liked it whenever he was doing it. He felt like a king. Popoy never fail to make him feel like that. But then, it was like hitting an impossible target. Because Popoy was here and then he was gone the next minute. 

He moved very slowly. Pinning the man under him so that the accommodation will be swifter. God how he missed the man. Walang araw sa buhay niya ang hindi ito nami-miss that's why he looked for his exact opposite. Nakilala niya si Nikkos. A very good listener. 

Gusto niya ng diversion mula sa pag-iisip kay Popoy. Kung hindi niya gagawin iyon ay mababaliw siya. Wala siyang paki-alam kung pinagtatawanan siya ng mga kakilala nila. As long as it can keep him from thinking about Popoy, its okay.

Nang makilala niya si Nikkos ay nag-click kaagad sila. He felt what he first felt when he and Popoy met. He was excited about getting to know the man more. At nakita niyang lahat kay Nikkos ang hindi niya nakita kay Popoy.

Nikkos was submissive and coy. Mahiyain rin ito pero may sense kausap. Hindi lang talaga ito masalita pero nagtatanong rin naman subalit hindi nakikipagtalo sa mga suhestiyon niya. Hindi rin nakikipagdebate -na palaging nangyayari kapag si Popoy ang kasama niya. 

Simpleng mga bagay lang katulad ng kung ano ang kakainin. Kung saan kakain. Pinagtatalunan pa nila ni Popoy. Kay Nikkos, wala ang mga iyon. Hindi na ito nagtatanong pa, bagkus, game na game na sinasamahan siya nito kapag may problema siya. Kaya naman naging sila.

Kay Nikkos, wala siyang kalabang kakampi ang mismong nobyo niya. Kay Popoy, you had to get in line to be with him. He was never submissive. Nikkos could set everything aside in his life for him. Nakita niyang lahat iyon dito. 

And so he broke up with Popoy. And he dated Nikkos afterwards. They talked. They dined out. And after one month sila na. At isang buwan pa lang... bored na siya.

Man,  he was bored out of his fucking wits! Yet, may mga times na maayos naman sialng dalawa ni Nikkos. Na-appreciate pa rin naman niya ang paglalaan nito ng oras, ang pag-aasikaso. In fact, he even bought him a condo just so they could cuddle each other whenever he is lonely, something that never happened when both Popoy and him got very busy. But still, the boredom struck every now and then. It was weird what he felt. At naiisip niyang siguro ay inaalipin lang siya ng kanyang nakaraan. Nasanay lang siguro siya na lahat ng bagay sa relasyon ay mayroon challenge at ngayong wala ng tila obstacle course na nakaharang para makasama ang kanyang boyfriend, saka naman siya nabo-bore. 

Naiinis siya na nagkaganoon ang mind-set niya sa relationships ng dahil kay Popoy. Kaya nga siya nakipaghiwalay rito kasi ayaw niya ng ganoong scenario pero bakit ganoon ang hinahanap niya ngayon? Para siayng addict na tumigil na sa pagdodroga pero hinahanap pa rin iyon sa tagal ng pagkakasanay sa paggamit niyon.

Napagdesisyonan niya na panatilihin at panghawakan pa ang relasyon kay Nikkos. Hindi tama an gpagkakaroon ng pagdadalawang-isip. Unfair iyon sa nobyo niya ngayon. Masaya naman silang dalawa. Huwag lang isali ang boredom niya.

He remembered his relationship with Popoy. They were very happy then. Damn happy, in fact, he decided to ask for his hand in marriage once they had the chance to go on a vacation. He would like to marry him someday But that was too far-fetched now. Everything in Popoy's life is in order. It's always been like that. It has always been the case.

It looked like someday will never come. Popoy changed and he needed so much more than his spare time. 

Basty had to admit though that kissing him, touching him, felt so awesome it reminded him of the way it used to be between him and Popoy.

Iniharap niya ang katawan nito. Without breaking the contact. He could see Popoy's mesmerizing eyes.

"Kiss me Popoy."

Tumalima ito. He liked it when he was submissive like that.


"So, where did you meet this man-whore?"

Kahit ayaw ni Popoy na magtunog bitter ay ganoon ang kinalabasan niya ng humupa ang init ng kanilang mga katawan. He knew he sort of ruined the moment but he can't help it. And there it was, that question. Naroon sila sa sala, sumunod siya rito ng magtungo ito roon pagkatapos ng kanilang pagniniig. He was sure that they were having a good time dahil ganoon lagi ang gawi ni Basty after their steamy love making.

Marami siyang gustong itanong dito. Marami siyang gustong malaman. Para siyang masokista na hindi matatahimik hangga't hindi niya nahihimay ang bawat detalye kung paano nagkakilala ang dalawa. Kinakain ng selos ang buong pagkatao niya. Pagkatapos kasi ng maraming taon ay ngayon lang niya narinig kung ano ang mga reklamo nito sa pagsasama nila. Kahit pa sabihing may nangyari sa kanila ngayon ni Basty -na isang magandang pangyayari dahil indikasyon iyon na hindi maganda ang pagsasama ng dalawa- ay gusto pa rin niyang malaman ang lahat.

"Please. Stop saying that Popoy"

Napairap siya. "Huwag mong sabihing nasasaktan ka?"

"Hindi ko lang gustong naririnig kang nagsasalita ng ganoon."

"Nagsasabi lang ako ng totoo Basty."

"Paanong nangyaring ang pagiging man-whore niya ay ang totoo? Kung magtatanong ka lang ng maayos ay sasabihin ko sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman."

Nasaktan siya sa narinig. Ganoon na lang ngayon kung magsalita si Basty sa kanya. Tinungo niya ang kusina at kinuha sa ref ang natirang pizza. Ininit niya iyon sa oven.

"So, where did you meet this stud? Sorry, that's the nicest it can get, sweetie." aniya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

"I met him in an art gallery."

Natigilan siya. "He's an artist?"

"Yes. He's a painter," tila walang-ganang sagot nito.

"How come you look bored?"

"Maybe because this conversation is starting to be a bore."

Napabuga siya. He should have see that coming. Sa gandang lalaki ni Basty, hindi malayong may magkagusto rito. Lalo pa ngayong hiwalay na sila, hindi na nito mapipigilan ang mga taong nagpapakita ng motibo dito. Magiliw pa naman ito sa lahat kaya hindi imposibleng may mahumaling dito. But from what he heard, Nikkos was a very submissive guy. His total opposite. At iyon siguro ang dahilan kaya ito nagkagusto kay Nikkos.

"He's a retard, isn't he?" nang-iinis niyang sabi.

"No. But you're acting like one."

Nanggilalas siayng bigla sa direktang pagbalik nito sa kanyang insulto.

"Tama na Popoy. Kunin mo na at ilabas ang mga gamit ko. Para na rin maisoli ko na sa iyo ang susi mo. In the first place, bakit mo pa ba ako pinadalhan ng kopya? Pwede mo namang itapon na lang ang lahat ng mga iyan. Hindi ko na siguro kakailanganin ang mga iyan sa bagong bahay namin ni Nikkos."

Hindi agad siya nakahuma sa sinabi nito. Parang gusto nitong palabasin na kaya niya ito pinadalhan ng kopya ng susi ng bago niyang bahay ay dahil gusto niya pa itong makita. As if!

Bakit, hindi nga ba?

Tumayo siya ng tuwid at itinaas ang baba. Hindi siya magpapatalo sa kung anong gustong sabihin nito sa kanya. Anything this man would throw at him, ibabalik niya. May interes pa.

"Didn't it occur to you that I may not want to see your face again? How confident can you get Basty when you were nothing ten years ago? Had It not been for me, siguradong ulilang lubos ka na ngayon. Mabuti na lang, marunong tumanaw ng utang na loob ang kapatid mo. Hindi katulad mo..."

"Damn you!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tumama ang kamao ni Basty sa pisngi niya. Napasadsad siya sa sahig. Sapo ang kaliwang pisngi.

"Kung gusto mong pabayaran sa akin ang professional fee mo ng inoperahan mo ang ate ay sabihin mo! Hindi iyong isusumbat mo pa sa akin ang ginawa! Hindi ko hiniling sa'yo na gawin mo iyon Popoy at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na naroroon ka ng kailanganin ko ang tulong but I never expected na isusumbat mo ang bagay na ito." ani Basty na galit na galit.

Napayuko siya. Hindi dahil sa sakit ng suntok nito kundi dahil sa sakit na dulot ng mga sinabi nito. He didn't mean what he just said but his anger took over his reasons. At nagi-guilty siya. Nagtagumpay siya na galitin ito tulad ng nauna niyang plano pero mas siya ang nasaktan sa ginawa niya.

Mahal niya ang ate nito. Mahal niya ang lahat ng tungkol dito. Kaya hindi rin niya alam kung paano niya nagawa ang bagay na iyon.

"Leave..." aniya sa mahinang boses.

"Popoy..." ani Basty sa mahina ring tinig. Halos di makapaniwala na hindi siya tumatayo sa kinalulugmukan para gumanti rito.

"I said leave Basty!" galit na niyang turan. Hangga't maaari, hindi niya ipapakita rito na nasasaktan siya.

"I-i'm sorry..." akmang lalapit pa ito sa kanya.

"Leave! Get out! Get out of my damn life!" hiyaw niya sabay abot ng kung anong mahahawakan sa kusina para ibato rito. Mabilis naman itong nakaiwas sa mga inihagis niya at umalis agad sa kanyang bahay.

Naiwan siyang napupuyos sa galit. Hindi para dito kundi para sa sarili. Kailan pa niya hinayaan na maging mukhang kawawa sa harap ninoman? At kailan pa siya naging matapobre?

Since Basty left you.

Napakagat siya sa labi at hinayaang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan. Akala niya ay may maganda na silang patutunguhan. Mali pala ang akala niya. Tumayo siya. Kailangan niyang pag-isipan ang susunod na hakbang.

Nakakalitong isipin na ang kanina'y umaagos niyang luha ay mabilis na nawala. Siguro ay dahil sa pagod na siyang lumuha. Ayaw na niyang maging malungkot. Kung si Basty ay nagsasabing masaya na kay Nikkos, bakit hindi rin siya tumulad dito.

Ting!

Napatingin siya sa oven. Ininit niya nga pala ang pizza. Kinuha niya iyon at inihain. Habang ngumunguya ay may naisip siya. Kung mayroon na itong Nikkos, may Gabe naman na naghihintay sa kanya. Susubukan niya ang kapalaran niya rito. Siguro naman oras na para mag-move on. Patunay lang ang pananakit ni Basty sa kanya bilang tanda na wala na siyang halaga rito. He was only sorry he was the one that triggered Basty's violent side.

Napailing na lang siya at napangiwi ng maramdaman ang sakit ng pisngi habang ngumunguya.



BUZZ. BUZZ.

Napabalikwas si Popoy ng bangon ng maramdaman ang malakas na vibration. Mula iyon sa kanyang cellphone na nadaganan pala niya. Pagkatapos kasi niyang kumain ng pizza ay nagpahinga siya habang may nakatapal na cold compress sa mukha niya. Dagli niyang hinanap ang aparato.

"Hello." aniyang di na tiningnan kung sino ang caller.

"Oh bakit parang agitated ka pare?" natatawang bati ng nasa kabilang linya. It was Half.

Napangiti siya. "Napatawag ka?"

"I have good news." excited na sabi nito.

"Talaga lang ha?"

"Oo. Remember Gabe Kerby? Nakontak ko na siya."

"And?"

"He said he's willing to meet you."

Napangiti na siya ng husto. At least, there's someone who's still willing to know him. "Kailan daw?"

"Kung gusto mo, ibibigay ko na lang ang number niya sa'yo. Tapos ikaw na tumawag. Okay lang ba?"

"Oo naman." natatawang sabi niya sa kaibigan.

"Okay. I'll forward it to you." saka nito tinapos ang tawag.

Ilang saglit lang ay tumunog ulit ang cellphone niya. Isang business card number.

With a great hope inside his heart, he took a deep breath and dialed the number.





Itutuloy...

5 comments:

Mars said...

Ngek ano ba yan... ehhehehe

Mapride kc..
Hhehe inaabangan ko ung mga lines na
"She loved me at my worst. You had me at my best. But binalewala mo lang lahat yun."
"And you chose to break my heart."

hehehehe....kelan kaya?...

parang dna yta kc magkakaayos na cla after this ehhehehe...

SALAMAT dito!
GOD BLESS!

-mars

DALISAY said...

I wont be using such lines na Mars. pwede siguro pero di ko gagmitin yung eksaktong mga salita. baka makasuhan ako. ahahaha

Migs said...

BITIN!!! tama si Mars! gusto ko yung mga lines na yun.

Popoy: "She loved me at my worst, you had me at my best pero binalewala mo lang lahat ng iyon."

Basha: "Yan ba talaga ang tingin mo popoy?"

Popoy: (nods head; tear falling from right eye)

Basha: "I only made a choice."

Popoy: "And you chose to break my heart."


please please please, isama mo yun. kahit ibahin mo ng kaunti. haha!

DALISAY said...

Magdemand ba? mamaya makasuhan ako ng plagiarism! ahahahaha

bx_35 said...

next chapter na,,,,,