Salamat sa lahat ng sumusuporta sa story na ito. pasensiya na sa lahat ng naghintay. Medyo naging busy sa book project namin sa isang publishing company. Abangan po ang PILANTIK SENSE. Para po kina, Cody, kearse, Earl, Jhay-L, Mat, Russel, Chack at sa iba pa po. Hindi ko man kayo mabati ngayon, bawi ako next time pumpkins!!!Thanks!!!
FB: angelpaulhilary28@yahoo.com
Chapter 8
"Sigurado ka bang kapag umali-aligid ka rito sa Kearse na ito ay makakakuha ka ng lead tungkol sa illegal na activities ni Jhay-L Lagman?"
Seryosong tanong iyon kay Cody ni Rick. Actually, paulit-ulit na lang ang tanong na iyon. Nakakabobo na. Naiirita na rin siya. Kung hindi lang sa takot niyang katayin siyang bigla nito ay nunca na pagtitiisan niya ang pang-i-scrutinize nito sa kanya.
Alam niya kasi ang itinutumbok ng isipan nitong mas kumplikado pa sa sala-salabat at pulupot ng mga octopus wiring na makikita sa mga kalsada. Ganoon ka-gulo ang takbo ng utak nito. Hindi kayang i-solve ng isang henyong katulad niya.
"Unabia, ayoko ng ngiti mong iyan."
Natigilan siya sa narinig. Napatingin siya sa kaharap niyang salamain. Napapalatak na lang siya ng lihim. Nahuli pala siya ni Rick na nilalait ito sa isip niya. Ang tindi talaga.
Hinarap niya ang team leader nila sa Task Force Enigma. Treinta y cinco na ito. Matikas ring katulad nila. Pero ang pinakapamatay nito ay ang disposisyon nito sa buhay. Ang pagiging ultimate, super-megaduper, to the highest-level, at kung meron pang itataas ang mga iyon ay iyon na ang estado ng pagiging suplado ni Rick.
Nakakamangha dahil kahit tapunan na nito ng deadly stares ang mga babae, bakla, silahis, straight-acting daw kuno pero kung makahabol ng kapwa lalaki wagas, matrona at kung sinu-sino pang magpapa-cute dito, ay talaga namang naririto pa rin ang atensiyon.
Bakit kaya? tanong niya sa isip.
"Ayoko rin sa paulit-ulit mong tanong Ricardo." pang-aasar niya.
Tiningnan siya nito ng masama. Kung may ayaw na ayaw man ito at si Perse, iyon ay banggitin mo ang tunay nitong mga pangalan. Kay Perse siguro ay mauunawaan pa niya, pero siya lang ang nakaka-alam nun, sa pagkaka-alam niya. Malay ba niya kay Rick. May sarili kasi itong intel at talaga namang nasosorpresa sila ng husto kapag may tinawagan ito o ipinadalang tao.
"Ano bang masama duon? Gusto ko lang makasiguro na hindi mo makakalimutan. May ugali ka pa namang mag-side trip."
Napasimangot si Cody sa hayagan nitong pambubuking. Wala man lang talagang preno ang bibig ng talipandas. Kung hindi lang ito masyadong matinik sa labanan eh. Hindi naman din kasi siya talaga lalaban dito ng totoong laban. Kahit naman sobrang asar na sila sa isa't-isa ay magkakapatid pa rina ng turingan nila. Laban ng isa, laban ng lahat.
"Wala! Walang masama. Parang pang-sampung beses ko lang naman na narinig ang mga tanong mo sa loob lang ng trenta minutos, so okay lang. Walang problema, success. Pwede ko na ngang i-dictate sayo lahat ng tanong mo eh."
"Very good." sagot lang ni Rick sa obvious na sarcastic outburst niya.
Kailan ba siya seseryosohin ng mga ito? Kapag dedbol na siya? Hay buhay!
"Salamat ha?" naiinis pa rin niyang sabi.
"Baka naman lalandiin--"
"Ko lang ang Kearse na ito at hindi aayusin ang trabaho ko?" putol niya sa sinasabi ni Rick. Naiinis na talaga siya.
Napatingin siya kay Jerick na dedma lang sa isang tabi, but he knew better. Ito ang numero unong sugapa sa impormasyon. Si Perse naman ay nasa kusina at nagluluto pero duda siya kung hindi ito nakikinig. At si Rovi? Kahit mukhang grabe ang pagkahumaling nito sa bagong boyfriend na si Bobby, hindi siya naniniwalang dedma lang ito sa mga pinag-uusapan nila ni Rick.
"Come on man. You have to give me some credit here. Para namang hindi mo ako kilala. Para que pa at nakapasa ako sa TFE kung basta-basta lang ako?" nagagalit na talaga siya.
Para kasing lumalabas eh siya ang pinakamahina sa kanilang lahat na trumabaho. Nakakalalaki na itong si Rick. Wala namang kwestiyunan noon sa mga trabaho nila ah, bakit ngayon ay naku-kuwestiyon na siya.
"Maaari nga Cody. Pero hindi ba at sa kapabayaan mo rin kaya ka napahamak sa kamay ni Alexa? Kaya hindi mo ako masisisi kung buligligin man kita ng mga tanong. Kahit ilang-libong beses ko pang ulitin ang mga tanong ko sa iyo, wala kang karapatang mag-reklamo. Parusa iyan ng pagiging pabaya mo."
Hindi siya agat nakasagot. Tinamaan siya bigla ng hiya. Pero dahil likas na komikero at matalas ang isip ay naka-isip siya ng pangganti rito. Babawian niya talaga ito isang araw, pero sa ngayon, tama na munang ma-outwit niya ito sa diskusyong iyon.
"Fine! Kasalanan ko na. Tama ka. O sige, gawin mo na. Isang-libong beses mong ulitin lahat ng sinasabi mo. Tutal naman ay bukas pa ako lalakad. Dali ng makarami." sabi niya.
Nakita niyang naningkit ang mata ni Rick tanda ng hindi nito inaasahan na ganoon ang gagawin niya. Hindi na siya nagulat ng marinig na tumawa ng malakas si Jerick.
Napalingon dito si Rick na masama ang tingin. Nag-peace sign lang ito at saka natatawang nagsalita.
"Sorry. Nakakatawa kasi yung eksena." sabi nito.
Nilinga ni Rick ang laptop. Nakita nila ang heavy na eksena ni Ate Vi at John Lloyd Cruz sa In My Life. Iyon yung eksena sa labas ng funeral home.
Naiiling lang na nagsalita si Rick.
"Basta, gawin mo yung trabaho mo ng maayos this time Cody. Hindi pa nakakagawa ng panibagong chip si Jerick dahil nasira ng daga yung itinapon mo dati. Sana naman this time, matuto ka ng huwag sumuway."
Sa kabila ng sermon na iyon, naramdaman ni Cody ang concern ni Rick sa kanya. Hindi man ito magsalita ay alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Masyado lang itong proud para ipakita iyon. Sabagay, lahat naman sila, ganoon sa isa't-isa. Sila ang mga tagilid na barako ng Task Force Enigma.
"Oo naman Rick. Natuto na ako 'tol. Kaya itigil mo na ang pang-gu-goodtime sa akin. Una pa lang, halata ko na ang intensiyon mo. You were trying to piss me off buddy. But no can do. Ako ang henyong komikero ng grupo. Huwag niyo sa akin gamitin ang panlaban ko."
Nagtaas lang ng kilay si Rick. Pero ang silok ng labi ay may naka-ambang ngiti. Alam na niya ang ibig sabihin nun. Natumbok niya ang ginagawa nito. Nakarinig naman siya ng ingay sa kusina. parang confirmation na tama ang hinala niya sa totoong ginagawa ni Kearse doon. At si Jerick, ayun, natawa ulit "daw" sa mga eksena sa In My Life. Sino lang ba nakakatawa doon? Si Vice Ganda? Kaloka.
Nakarinig naman siya ng mas malinaw na ingay sa labas kung saan naroroon ang magnobyong Bobby at Rovi. He really can't help but smile. Deep inside their solid and brusque appearance, mahal nilang lima ang isa't-isa. Parang Band of Brothers ang drama. Only theirs is a weird one.
"Mga tarantado kayo. Pinagkaka-isahan niyo ako." anas niya sabay bato ng kung anong nahawakan niya sa gilid niya. Stapler pala yun at kay Rick niya naibato. Nasalo naman nito iyon. Hindi ito tumatawa tulad ni Jerick pero kitang-kita ang amusement sa mata. Tila tuwang-tuwa na napahirapan nito ang kalooban niya kahit saglit lang.
Ibinaba nito ang nasalong stapler. "Make sure na magagawa mo ito Cody. remember, pambawi mo ito sa amin."
Iyon lang at nauna na itong lumabas ng apartment niya. Maya-maya pa, narinig niya rin ang yabag nila Rovi papasok. Saglit lang itong nagpaalam at umuwi na rin kasama si Bobby.
Si Jerick ay ganoon din ang drama. Bigla na lang natapos ang pinapanood nitong nakakatawang In My Life at nagpaalam na rin ang kumag.
Ang tanging naiwan ay si Perse na sa pagkaka-alala niya ay nagluluto ng ulam. Pumasok siya sa kusina at doon niya nakita ang kaibigan na nasa harap ng stove. Nakaka-asiwang tingnan ang laki ng katawan nito tapos naka-apron pa at nagluluto. But he knew that despite that strong appearance of his friend, lies a kind-hearted man and a soft-guy. Soft in the manner that he can be sweet, lalo pa at inaatake ito ng ka-wirduhan nito.
"Ayhian..."
Nailing lang ito. Tanda ng kawalan ng magagawa sa pangungulit niya sa tunay na pangalan nito. Aksidente lang niyang narinig iyon ng may maka-usap itong babae habang nasa isang operasyon sila. Hindi nito naalalang nasa itaas lang siya ng guho na pinagdalhan nito sa babaeng maaaring parte ng nakalipas nito. Naalala niya ang buong pangalan nito.
"Ayhian Nelson Flores..." mahinang sambit niya. Tama lang na marinig nito.
Isang mabilis na ilag ang ginawa niya ng sa biglaang pagharap nito sa kanya ay ang pagdako sa direksiyon niya ng sandok na hawak nito. Lumikha iyon ng ingay.
Tatawa-tawang lumabas siya ng kusina para makaiwas sa pagiging bayolente ni Perse. Mabuti na lang at sanay na siya sa pagiging magaan ng kamay nito. Siyempre pa, given na rin na alam niyang ganoon talaga ang gagawin nitong reaksiyon. Ilang beses na kayang nangyari iyon.
Nanghumupa ang tawa niya ay tiningnan niya ulit ang folder ng lalaking mamanmanan niya. Madali lang iyon. Ang problema lang, kung paanong hindi makakahalata si Kearse na gagamitin niya ang presensiya nito para maisakatuparan ang plano. Nasa ganoong estado siya ng tawagin siya ni Perse para kumain.
Iniwan niya muna ang folder sa lamesa at sumunod sa kaibigan sa kusina para kumain.
"Hindi nga friend? Sigurado ka ba sa sinasabi mo na alagad pala ng batas ang pobreng mama na napulot natin sa daan?"
Napabuntong-hininga siya.
"Ano nga?" nangungulit na sabi ni Earl sa kanya.
Napapiksi si Kearse. Animo isang nagdadalagang nene kung maka-emote. Katursi? epal na naman ng bahagi ng isip niya.
"Ay, OA na ha. May emote ng ganyan. Nakakaloka." napaparoll-eyes na sabi ni Earl.
Medyo nasisilaw siya sa kulay ng damit nito. Sobrang puti na nga naka-yellow pang damit. Iyong matingkad talaga. kaya naman nasisilaw siya. Idagdag mo pa ang accessories nitong gold bracelets, necklace and rings. Parang kapag may naglaro ng touch the color at nabangit ang yellow at gold ay hinding-hindi ito pwedeng hindi mapansin. Stand-out ang loka sa kulay.
"Hindi naman sa ganoon friend." desperadong tugon niya rito.
Ewan ba niya kung bakit siya feeling desperate ngayong araw na ito. Wala naman siyang dapat na ipagkadesperada dahil unang-una, siya ang nagpasyang umiwas kay Cody ng malaman niya ang totoong pagkatao nito.
Para kasi siyang lobo na hinipan at biglang pinutok. Iyon ang pakiramdam niya.
Peste! Kung kailan naman mukhang nakahanap na siya ng sa tingin niya ay matinong lalaki ay malalaman niyang isa itong alagad ng batas. At hindi lang basta pulis, miyembro ng isang elite group ng anti-terrorist. Papaano na lang ang tahimik nilang buhay na mag-anak kung gantihan ito ng mga nakakalaban si Cody kung sakaling i-involve niya ang sarili rito?
Feeling ka teh. Tiyak niya, naka-ismid pa yung kontrabidang bahagi ng isip niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Naiinis na binalingan niya ang kaibigang si Earl na nagtataka na sa ikinikilos niya. Malamang mas maloka pa ito kapag nalamang nakikipag-usap siya sa bahagi ng isip niya.
"Friend okay ka lang?" hinawakan siya nito sa balikat.
Sinuri-suri pa ang mukha niya at leeg. Akala mo doktor tuloy ang kaharap niya. Isang makinang na doktor.
Marahan niyang inalis ang kamay nito sa leeg niya at ngumiti rito. "Friend, okay lang ako. Medyo nawiwindang lang ako sa mga nalaman ko pero carry lang. Hindi naman dapat ito big deal sa akin..."
"Pero naging big deal kasi tinamaan ka sa cute na estrangherong itago natin sa pangalang Cody." agaw nito sa sana ay sasabihin niya.
Bumugha ulit siya ng hangin. "Well, yata." Hindi niya siguradong tugon.
"Pwede ba iyon? Yata? Ang gulo mo neng. Para kang ano."
"Pasensiya na friend. Iyon lang ang kayang tanggapin ng henya kong utak. Hindi ako tulad mo 2gig ang memory ng utak. Pa-save nga ng ibang di kayang i-process ng sa akin."
Lumabi pa ang hitad pagkatapos niyang maging sarcastic dito. Akala yata ng baklitang ito eh maganda rito ang naka-pout. Katrina Halili?
"Wala ka namang dapat problemahin friend eh, kasi unang-una, malamang hindi na kayo magkita nung si Cody. Sa layo ba naman nitong sa inyo sa sibilisasyon ay malamang na tamarin ang kaluluwa ng pobrecito sa paglalakbay. Eh, mukha ngang ni kotse walang pundar iyon."
"Grabe ka naman. Ano bang tingin mo sa requirement ko sa lalaki? Milyonaryo?"
Tinampal siya nito sa noo.
"Loka, at least naman, kung hahanap ka ng lalaki, yung may stable na trabaho. Walang masama sa pagiging pulis niya, pero alam mo naman ang trabahong iyon, delikado. Pangalawa, magkano lang ba ang sweldo ng mga pulis. Eh mamaya niyan, kulang pa sa kanya ang sweldo niya. pangatlo.."
"Shaddap!!!" awat niya sa litanya nito.
"Hindi naman iyan ang punto ko eh. Hindi ako naghahanap ng boyfriend sa katauhan ni Cody. Oo, attracted ako sa kanya but it's not that strong para pangarapin ko siyang jowain. Sa kinikita ko pa lang sa publication at sa amilyar na binabayaran ko pa, buti na lang patapos na, eh kulang pa ang sweldo ko. Tapos hahanap pa ako ng taong gagastusan. Mukha ba akong tanga or engot sa paningin mo Earl?"
"Exactly my sentiments. Iyang dahilan na iyan ang pangatlo ko sanang sasabihin." Itinuro lang siya nito na tila balewala lang ang outburst niyang iyon. Napapa-iling na umupo siya.
"Isa pa." patuloy niya.
"Mabuti sana kung papatulan ako nun. Mukhang nanunukso lang ang mokong na iyon eh. At di bale sana kung gumagastos siya sa mga magaganda. Eh Voluptuous lang ako."
Tiningnan lang siya nito na para bang may malaki siyang ipinagsisinungaling. "Gutom lang yan ne."
"Sabi ko nga."
"Naghalo na ang mga bitamina, asido at kung anu-ano pa sa utak mo ng dahil sa pagiging writer mo. Sabi na nga ba, masamang propesyon iyan." tila wala sa sariling sabi nito.
Tinuktukan niya ang nahihibang na baklita.
"Timang, kung di ako nagsusulat, wala ka ngayon sa harap ko. Mas baliw ka kasi pinatulan mo ang mga kwentong isinusulat ko."
Tila natauhan ito.
"Oo naman friend. Alam mo, dapat talaga, sineseryoso ang pagsusulat. Aba! Iyana ng pamana sa'yo ng pambansang bayani nating si Jose Rizal. Wala silang laban sa mga katulad mong sandata ang ballpen at papel."
"Ah, Earl, computer po ang gamit ko."
"Yun nga, computer mo ang sandata mo."
"And I don't know you." naloloka ng sabi niya sa kalokohan nito.
"Hu u? Hindi ikaw ang kaibigan ko. Kilala ko ang kaibigan ko. Hindi niya makakalimutan ang napakaganda kong mukha at napaka-seksing hubog ng katawan." umarte pa itong beauty queen.
Todo na ang roll-eyes niya. Baka nga wala ng itim ang mata niya at natatakot siyang mahipan ng hangin.
"Ang ingay mo bakla." tinig iyon sa isang bahagi ng bahay.
Napalingon siya. Parehas silang natutuwa ang reaksiyon ng mukha. Sa kanya, muntik na niyang isigaw. "Kalayaan!" habang si Earl ay nagdo-drool na halos sa may-ari ng tinig. Kumikinang na rin ang mata at naghugis puso. Parang anime lang di ba?
"My bebeh!" sigaw nito.
Napangiwi siya. Ganoon din si Jaime. Ang kapatid niyang minalas na napagtuunan ng pagnanasa, este, ng affection ni Earl. Para itong naging ibang tao bigla at kinalimutan siya ng makita ang pobre niyang kapatid. Nagmamadaling pumasok ng bahay si Jaime para umiwas dito pero parang zombie lang si Earl na tuloy-tuloy sa pagsunod dito.
Natatawang bumaling siya patalikod sa gate nila. Nagmukmok. Nakayukyok lang ang ulo. Wala pa rin siyang maisip na paraan para masolusyunan o kahit mapangalanan man lang ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya kay Cody.
"Hay!!! Ano bang gagawin ko sa'yo Cody?"
"Pwede mo akong halikan." anang tinig na nagpabalikwas sa kanya.
Pero dahil hindi yata napaghandaan ng istorbong tinig ang ginawa niya ay tinamaan ito ng bumbunan niya sa baba. Nauntog tuloy siya.
"Aray!" naiiritnag hinimas niya ang ulong nasaktan.
"Maka-aray ka parang ikaw lang ansaktan." reklamo ni Cody.
"Ano bang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya sa kabla ng naramdamang sakit.
"Ano pa? Eh di binibisita ka." anitong hinihimas ang nasaktang baba.
Lumapit ito sa kanya. Napatigagal naman sya. Itinulos na lang parang kawayan sa kinatatayuan. Deja Vu ? Parang hindi naman.
"Don't..." marahang anas ni Kearse. His voice almost dry.
"Don't, what?" masuyong tanong ni Cody sa kanya. Hinawakan nitoa ng nasaktang bumbunan niya at marahang hinilot iyon.
Napapikit siya sa sensasyon na dulot nun. Kaloka. Hawak pa alng yun ganoon na ang reaksiyon niya. Paano pa kaya kung...?
"Don't... Cody..." oh he was purring like a shameless kitten.
"Don't?" nasa himig nito ang pagka-amuse.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at napatanga dito.
"Ah... don't... worry. Be happy?" ewan niya sa sagot niya. Basta, masabi-sabi.
Sukat sa sinabi niya ay binitiwan siya nito at humagalpak ito ng tawa.
Great Kearse. Just great!
Itutuloy...
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
14 comments:
Gold!!
super nice ang chapter na eto nakakakilig to the bones! hahaha c",)
whhhhag masyadong pakipot Kearse..
if you like him grab him! hahaha c",)
I cant wait for the next chapter so keep on writing mamaD..
Earl
"dont worry, be happy". Sobrang napatawa pako sa last part. Lol
Salamat sa post D. :)
-Mat.
wow! Diamond!!!!! (ayaw ko ng gold... kc si earl naka gold!....hahahhahhahha)..ganda ng details ng story...."dont worry...be happy" tama! Go! Kearse!!! ahhahahahahahahah....at nagulat naman ako sa description kay tenyente....."matikas, ultimate, super megaduper to the highest level na sulado"......GRAAAABBBBBBBBBBEEEEEEEEE!!!
ahahhahhahahahhahhahah......
I can't wait for more!!!! next chapter please!....
....LoveLots.... HoneyBun....
Andami kong tawa sa last part. HAHAHAHA.
"don't worry, be happy" Hahaha.
Laughtrip!
EARL: Salamat sa buena-manong pagbabasa. I'll keep on writing. :)
Mat: Your welcome dear.
Kearse: Naloka ka ba sa description ni Tinyente? Malamang ako, aawayin ako niyan. ahahaha
@Russel: Salamat sa laughtrip na dulot nito sa iyo. :)
Ang kulit ng mga Enigma Boys. Pero ang pinakagusto ko ay ang description kay Rick. Gusto ko ng mga suplado.
----lupin35
I love the author's wit and humor. Napagsasabay ng napakaswabe.
Gusto ko rin ang way niya ng romatic scenes. Kudos po.
from an AVID fan.
Sana action naman! Na-miss ko na ang tatak ng Task Force Enigma. Cruel action! Fight-o!!!
heehheh katawa nman ung tagpong ito..ehhehe si kearse talaga..nxt chapter pls..earl san ka sa dubai?
Oh my God!!! Sobrang late na ako!!! Well, worth it naman ang paghihintay ko. :)
tweetybird
GRABEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!
sino pa ba magkakagusto sa mga suplado????
WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!
pero I like the story!!! NTH time ko na to basahin, kala u!!!!! at di ako uli makatiis na mag comment!!!!!!
DIAMOND ka Mama!!!!!!
....Lovelots....HoneyBun.....
Salamat po kay Lupin35, Avid Fan, Anonymous, Jhay-L, tweetybird at sa nag-iisa kong HONEYBUN!!!
Ahihihi... salamat sa tawag nak. :)
panalo talaga to, parang madaming scene si jerick huh!kahit extra pa lang sya...
anong genre po yung kna Perse at kay Jerick?
sino yung makakapartner nila? wala bang babae man lang?
Post a Comment