How do I begin to say this? Ah, I know, it starts with letter "T". THANK YOU. For the undying support. I LOVE YOU, for believing in me. SORRY, for I'm so beautiful, I can't help admiring myself. LOL! Enjoy reading this chapter guys.
Bati mode lang ako
John Joseph Bautista - you're the steadying factor in my life 'Pa. Without you, I'd be lost.
Chapter 5 (Carol Banawa)
Napatayo silang lahat sa biglaang pagtili na iyon ni Freia. Kahit alam na niya ang dahilan nun ay nagkunwari siyang nagtataka. Para hindi obvious na gawa-gawa lang niya ang lahat. Sana nga lang eh sumang-ayon si Ronnie sa kanya na mukhang napipi na sa tabi niya.
"Totoo ba iyon?" gulat na sabi ng kaibigan niya.
Sa reaksiyon na kunwari ay naguguluhan sa inaakto nito ay sumagot siya. "Oo. Bakit ka ba tumitili?"
"Ha?" waring nagtataka rin ito sa naging reaksiyon. "Ah eh, wala lang. Nagulat lang ako."
"OA ka naman friend." si Monty.
Nagtaas siya ng kilay sa narinig.
So. Friends pala sila ng friend niya. Nakadama siya ng ngitngit kay Monty kahit wala itong ginagawa sa kanyang masama.
Napansin niya ang nakakunot-noong tingin ni Orly sa katabi niya. Tiningnan niya si Ronnie na nakatingin din sa kasama ni Monty. Nakadama siyang bigla ng tensiyon. Ano ba itong napasukan niya?
"Ah... guys, baka pwede na tayong maupo?" asked Monty. Wary of the tension between the two gorgeous guys. Bigla siyang nakadama ng inggit. Alam niyang hindi type ni Monty si Ronnie, pero hindi niya maiwasang mabahala. Paano kung mag-walk out ang damuhong lolo niyo na malamang ay selos na selos na ngayon sa nakikitang ka-sweetan ng magsing-irog.
Hinawakan niya ang kamay nito. Itinaas pa iyon sa may bandang lamesa para makita ng mga kasama. Tiningnan niya si Ronnie at tulad ng dati, lukot na naman ang mukha ng tinamaan ng magaling. Pasimple niyang inapakan ito sa ilalim ng mesa.
"Aray!" anitong masama ang tingin sa kanya.
"Oh babe. What happened? Anong masakit sa'yo?" kunwari ay nag-aalalang tanong niya rito.
Hinawakan niya pa ito sa pisngi to complete the act. Narinig niya ang mga hindi naitagong pagsinghap sa pailigid. Good. Nasabi niya sa sarili. Mukhang may ibubugha rin naman pala siya sa acting. Hindi lang ang dalawang beki na ito na kasama niya sa mesa.
"No sweetheart. I'm fine." sagot nitong ikinabigla niya.
Hinuli nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi at hinalikan iyon.
Sweetheart.
The endearment affected him so much it created an instant havoc to his system. Nagwala bigla ang puso niya. Susme, kung ganito palagi mukhang maaga siyang mamamatay mula sa pekeng relasyon na iyon. Paano pa kung tototohanin nila? Asa!
"You're so sweet." aniyang hindi na pinigilan ang sariling kiligin.
"Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa kanya.
Hindi agad siya makasagot dahil tinititigan siya nito.
"Ikaw."
"Hindi pwede sweetheart. Maraming tao rito. Saka parental guidance yun." nanunuksong sabi nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi.
"It was a question, Babe." kinurot pa niya ang pisngi nito para parusahan sa ginawang panunukso.
"Ouch. Ikaw ha, you're being violent na naman. Ina-under mo agad ako samantalang isang-araw pa lang tayo." sabi nito saka idinikit ang ilong sa ilong niya.
Napakurap siya sa sensation na dulot ng sinabi at ginawa nito. It warmed his heart na kung pabubuksan niya ay malalaman niyang namamaga na sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Ronnie was playing his part so well na nahuhulog siya sa mga sinasabi nito. Fast. And he can't do anything about it.
Marahan niya itong tinampal sa pingi. Kailangan niya ng distraction mula sa lalaking ito kundi ay kakainin siya nito ng buong-buo. Pero bakit ba sa pakiramdam niya ay ayaw niyang mapahiwalay rito.
"Hay, hindi kayo makakakain kung ganyan kayo ng ganyan. And please lang. Nakakawalang-gana ang sweetness ninyong apat. Get a room guys, will you?" natatawang singit ni Freia na hindi itinago ang banayad na inggit sa tono.
Nahihiyang kumalas siya mula sa nose to nose contact nilang iyon. Kukunin sana niya ang wallet para siya na ang bumili ng kakainin nila ng pigilan siya ni Ronnie.
"Ako na."
Nagtaas siya ng kilay sa ginawa nito. Plus pogi points na naman.
"Hmm? At bakit mo naman ako iti-treat ngayon aber?"
"Because that's what boyfriends do."
Napamaang siya sa sinabi nito na literal siyang napanganga. Natigil lang siya sa pagkatulala ng sabunutan siya ng mahina ni Freia.
"Kakainis ka." sabi nito ng tumayo na si Ronnie para bumili ng pagkain nila.
"Bakit?" natatawang saad niya.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin na may nangyari pala sa inyo ni Ronnie kagabi. And take note, doon ka pa sa bahay namin nagkalat ng lagim ha. Bruha ka." natawang sabi nito. Taliwas sa ibig sabihin ng mga binitiwang salita.
"Grabe ka naman friend. Naghalikan lang kami. Kung anu-ano ang sinasabi mo diyan. Pang x-rated na yung dating sa akin ng sinabi mo eh." di niya mapigilang humagikgik pagkatapos.
"Ay nako. In love ka nga. Sana forever na yan no?"
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. May mga pagpapanggap bang umaabot ng ganoon katagal?
Napatingin siya kina Monty at Orly na tila may sarili ng mundo. Sweet na sweet ang dalawa at walang paki-alam sa PDA na ipinapakita. Natutulala lang ang ilan sa mga estudyante sa lambingan ng mga ito.
"Hay..." di mapigilang bulalas niya.
"O bakit?" tanong ni Freia.
"Ah, wala naman. Nang-iinggit kasi itong dalawa."
Narinig naman ni Monty ang sinabi niya kaya natatawang lumingon ito. "Hoy, hindi lang kami ang sweet dito no. Kayo kaya ni Ronnie ang nang-inggit sa amin kaya ginaya namin kayo. Hindi ba mahal ko?" sabay baling nito sa nobyo.
Ngumiti lang ang gwapong quarter-back nila.
Ang swerte talaga ng Monty na ito kay Orly. Pagkatapos ng nakakalokang love-story ng mga ito ay hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa. Sila kaya ni Ronnie? May pag-asa kaya na mauwi sila sa totohanan?
Teka? Bakit niya naiisip iyon?
He mentally shook his head. Hindi ba at nagpapanggap lang sila. Hindi nga siya pumayag nung una pero dahil sa likas na sa kanya ang tulungan ang naaapi ay kusa niyang tinanggap ang alok ni Ronnie na maging sila kunwari. Nag-plaster siya ng ngiti sa labi ng makita ang paglapit nang lalaking nilalaman ng kanyang isip.
Napakagwapo talaga nito and it made him wonder kung ano ang inayawan dito ni Monty. Para sa kanya, Ronnie was a good boyfriend material. He's not too good to be true. He's grumpy and all that, and that makes him more special in his eyes.
Natigilan siya sa realization. Oh my God! Confirmed. He's in love with this arrogant-pseudo-boyfriend niya. Kaya siguro natural ang paglabas ng arte niya para dito. In-love kasi siya. Gusto niyang mabahala sa nalaman pero aaminin niyang may parteng umaasa. Nababahala siya kasi baka walang maging katugon iyon kung sasabihin niya rito ang nararamdaman. Umaasa, na sana sa durasyon ng kanilang pagpapanggap ay matutunan din siya nitong mahalin at mauwi sa totohanan ang lahat.
Parang tukso ay pumailanlang sa canteen ang awiting naaangkop sa sitwasyon niya ngayon.
Kapag ako'y binibiro mo
Ang laht ng iyan, sa aki'y totoo.
Mga titig mo, ay tumutunaw sa puso ko...
Kapag ako'y nasa tabi mo
Ay kaylakas ng kaba sa dibdib ko
Ang hiling ko lang, sana'y malaman
Na ang puso ko'y sawa na sa biruan...
Lalong bumigat ang damdamin niya. Ilang metro na lang ang lapit sa kanya ni Ronnie at nakangiti ito sa kanya. He felt the wild hammering on his chest. Nilawakan niya pa ng husto ang ngiti hanggang sa maka-upo ito.
Bakit di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingap
Dahil habang tumatagal ay lalo kong natutunang magmahal
Baka masaktan lang...
Earl watched Ronnie moved with amazement. Ang sarap palang aminin sa sarili na mahal mo ang isang tao. Kahit gaano pa kabilis. Hindi pala basta sukatan ang araw ng pagsasama at pagkikita para maramdaman mong mahal mo na ang isang tao. Hindi siya maaaring magkamali sa nararamdaman niya. First time niya iyon sa larangan ng pag-ibig pero hindi ibig sabihin na hindi niya pwedeng makilala ang damdamin ng isang umiibig.
Nakakalungkot lang na nalaman niya iyon sa mismong panahon pa na nagpapanggap sila. Paano na lang siya pagkatapos nun? Maiiwan na lang ba siyang nasasaktan? Parang ang saklap naman. Nagsisimula pa nga lang siya sa pagtuklas ng kakaibang damdamin na umusbong sa kanya para kay Ronnie tapos hindi pa nga pala niya alam kung hanggang kailan iyon.
Naisandig niya ang ulo sa balikat nito.
"Missed me already, Sweetheart?"
His heart swelled like it never did before. Ginagap niya ang kamay nito at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Nais niyang sa maliit niyang paraan at kakaunting pagkakataon na meron siya sa pretend relationship na iyon ay maipadama niyang espesyal ito sa kanya at minamahal niya ito.
"Yes. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. I miss you so much, it hurts."
Naramdaman niya ang pagkabasa ng braso. Umuulan yata.
"Sweetheart? Are you crying?"
Umaasa sa'yo ang puso't damdamin
Pangarap ko ay mapansin...
Bakit di na lang totohanin ang lahat...
Noon niya napagtantong hindi niya napigilan ang pag-iyak. Grabe. Sa maikling panahon na nakilala niya ito ay naramdaman na iya at naranasan ang napakaraming bagay. Galit. Pananabik. Pagnanasa. Umibig. Pero ang pinakamatindi sa lahat, yung huli. Ang umasa. Nakakapeste ang kanta ni Carol Banawa.
Pinahid niya ng likod ng palad ang naglandas na luha sa kanyang pisngi.
"I'm okay. May naalala lang ako. Babe...?"
"Yes." hinarap siya nito.
And he was lost forever in his soulful raven black eyes.
Preferred niya sana ang brown eyes like Orlys' pero mas naninindig ang balahibo niya sa mata ni Ronnie. He really loved it. Kung may mga bagay man siyang maipipintas dito, natatabunan lahat ng iyon kapag ganitong nakatitig siya sa mga mata nito.
"Kain na tayo?" aniya rito.
Ngumiti si Ronnie sa sinabi niya.
"Akala ko kung anong sasabihin mo. Huwag ka ng iiyak ha?" wika nito sabay pahid sa pisngi niyang nabasa at pagkatapos ay kinintalan ng mabining halik ang kanyang labi.
Nagulat siya pero hindi nagpahalata. He quickly returned his kiss with intense fervor. Urging him to kiss him deeply.
The crowed wowed and cheered including his friend na talagang OA sa pagpalakpak. Na-realize niya. Kanina pa pala sila pinapanood ng buong canteen.
"Anong kaguluhan ito?" anang isang tinig na nagpatigil sa kanilang live kissing-scene.
"Jay?!" gulilat niyang sabi.
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak sa kanya ni Ronnie. Tiningnan niya ito. Ang kanina'y nakakakilig na ekspresyon nito ay nawala na. Napalitan na iyon ng galit. Madilim na madilim ang mukha nito.
"Friend." si Freia. "Halika rito at maupo ka. I-celebrate natin ang pagiging mag-on nila Ronnie at Earl."
"Mag-on?" gulat na sabi ng bagong dating na si Jay.
"Oo. Capital O-N. Mag-on. Come on, let us join us." pakwelang sabi ni Freia rito.
"No. This can't be. Hindi pwedeng maging kayo." sigaw ni Jay.
"Uy, drama club? Ano ito audition?" natatawang sabi ni Monty.
"Shut up. Huwag kang epal." bulyaw ni Jay sa sumingit na si Monty. Nagtaas lang ng kilay ang huli.
"Hey, don't you talk to my boyfriend like that." singit ni Orly sa kauna-unahang pagkakataon.
"Oo nga. Ano bang problema mo?" si Ronnie na tumayo na rin ng tumayo si Orly.
Nagkatinginan na lang silang mga beki na naiwang naka-upo. Hinawakan niya sa braso si Ronnie pero pumiksi ito.
"R-ronnie. Tama na. Kaibigan ko siya."
"Kaibigan?" anito sa nagbabagang tinig.
"Oo. Kaming tatlo. Bestfriends actually." sabi ni Freia. Napatango na lang siya.
"Kaibigan mo bang maituturing ang timang na kumukuha ng litrato mo habang nakikipaghalikan ka sa boyfriend mo. Hindi ko na nga siya mapapatawad sa ginawa niyang pagkuha kay Orly at Monty ng picture noon eh tapos inulit pa niya. Some friend you got here, huh?" dumadagundong ang boses ni Ronnie sa buong canteen.
Bigla siyang natauhan sa sinabi nito. Nanggalaiti siyang bigla.
"So this is all about Monty again? Monty! Monty! Monty! Ano ba nakakasawa na!" nagagalit niyang sigaw kay Ronnie.
"What?" ang tanging naitugon nito.
"What-what-in mo yang pagmumukha mo. Kunwari ka lang na nagagalit ka sa ginawa ni Jay na pagkuha sa atin ng litrato Ronnie, pero ang totoo, binuhay lang nun ang alaala nang hindi mamatay-matay na pag-ibig mo kay Monty. Wake up! Ronnie wake up! Ako ang boyfriend mo at hindi si Monty. Katulad ng hindi ikaw ang boyfriend niya kundi si Orly." humihingal pa siya pagkatapos ng kanyang outburst.
"Stop it Earl. Stop it now." malumanay ang tinig ni Ronnie pero nagbabadya ng panganib.
"Friend..." si Freia.
"Orly let's go." yaya naman ni Monty sa kasintahan.
"Sige, magpakasaya kayo. Mukhang marami pang dapat i-celebrate ang bagong loveteam niyo." maanghang na sabi ni Jay sa kanila saka mabilis na tumalilis pagkatapos siyang iwanan ng masamang tingin.
"No, you stop it Ronnie. Tigilan mo na si Monty. Ako na dapat ang mahal mo dahil ako ang boyfriend mo. Ngayon kung hindi mo kayang gawin iyon, pinapatunayan mo lang ang hinala ko na ginagawa mo akong panakip-butas lang. At hindi ko matatanggap iyon."
"Talagang hindi ka titigil?" gigl na sabi na nito. Nag-isang linya na ang labi.
"I won't."
"Friend..." si Freia na di malaman ang gagawin.
Sa kabiglaanan niya ay iniwan siya ni Ronnie doon. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nitong pag-alis. Kung gaano kabilis ang realisasyon niyang mahal niya ito, ganoon din pala kabilis ang pag-usbong nang selos sa puso niya whenever he was concerned. Sabagay, ganun din kabilis ang puso niya sa pagdedesisyon na tanggapin ang pagpapanggap nila. Ayun tuoy... ganun din kabilis na iniwan siya nito ng dahil sa hindi napigilang outburst niya.
Nanghihinang napaupo siya habang maagap siyang dinaluhan ni Freia.
Nilingon niya pa si Ronnie na unti-unti ng nawawala sa makapal na bilang ng mga estudyante.
"Hush my friend... hush now..." ani Freia.
Napahagulgol na lang siya sa sobrang sama ng loob. Wala pang isang araw sialng magkakilala ni Ronnie, heto at puso niya ang nagdurusa. Nilingon niya ulit ito pero wala na si Ronnie sa paningin niya. Tuluyan siyang napaiyak ng malakas. Wapakels sa karamihan.
"There goes my heart Freia... there goes my heart..."
"BAKIT ka ba naman kasi nag-freakout ng ganun friend?"
Inangat niya ang paningin rito. Namamasa pa rin ang mukha niya sa luha. Nang matapos ang engkwentro sa canteen ay hindi na siya pumasok sa sumunod na klase. Nasa likuran sila ng gymnasium at doon niya ibinubuhos ang sama ng loob na nararamdaman niya.
"Hindi mo kasi naiintindihan Freia eh."
Freia almost rolled his eyes both in amusement and irritation.
"Hindi ko nga maiintindihan kasi panay ang nguyngoy mo diyan."
Suminghot-singhot pa siya bago nagdesisyon na sabihin dito ang lahat. Mula sa unang pagkakataon na nagkadaupang-palad sila ni Ronnie hanggang sa eksena kaninang umaga na ikinagalit nito.
"...kaya ayun, nang sinabi kong kami na, eh para yun isalba ang pride niya sa posibleng pagkakapahiya niya sa sitwasyon kanina. Imagine, hindi namin in-expect na kasabay natin yung dalawang yun. Paano nga palang nanduon yung mga yun?"
Napakagat-labi ang kaibigan niya.
"Eh kasi... nakita ko silang nasa canteen na. Pinasabay na nila ako dun, kaya doon ko na rin ikaw hinintay. Malay ko bang kasama mo si Ronnie. Imagine din my shock, puta ka."
"Hayaan mo na nga yun. Nangyari na eh..." palatak pa niya.
"Hay... paano ngayon yan friend? You blew your only chance na mapalapit kay Ronnie."
Tiningnan niya ito. "Don't I know that?"
"I mean, paano na ngayon ang napag-usapan niyo?"
"Well, wala namang pinag-usapan. Kusa ko lang sinang-ayunan na magpretend kaming dalawa dahil nandoon sila Monty. Pero ngayon, duda ko kung ipagpapatuloy pa iyon. Ginalit ko kasi siya eh."
"Why don't you talk to him?"
Napasimangot siya sa estupidong idea ng kaibigan niya.
"Ayaw na nun na maka-usap ako. Sigurado ako dun. Sayang mahal ko pa naman siya. Sana lang hindi agad umarangkada ang bibig ko. Pahamak talaga kasi ito minsan eh." tukoy niya sa labi.
"Eh ano namang gagawin mo ngayon? Magmumukmok? Magtataka ang mga tao kapag nakitang wala na kayo agad. Iisipin nila na tapos na ang latest conquest ng grumpy flirt na si Ronnie Alfonso."
Napabugha siya ng hangin.
Malamang na iyon nga ang mangyayari. Ang tangi kasing justification niya sa ginawa ay nagselos siya talaga ng maisip na baka kaya ito nagalit sa pagkuha sa kanila ng picture ni Jay ay dahil ganoon din ang ginawa ng kaibigan niya kina Orly at Monty. At dahil sa kaalamang may pagtingin pa rin ito sa huli ay nagselos siya at nakalimutang nagpapanggap nga lang pala sila.
Well, sa parte niya walang pagpapanggap.
Hay buhay! Parang life! Minsan epal lang talaga ang kanyang matabil na dila. Kung pwede lang ipaputol iyon eh ginawa na niya. Umiiyak pa rin siyang napayuko. Sumasakit na ang lalamunan niya sa kakaiyak. Pati ang ulo niya dahil sinisipon na siya.
"I... I don't know what to think anymore Freia. Masakit pala. Ang sakit-sakit."
Naaawang niyakap siya nito.
"Please calm yourself Earl. Makipag-usap ka kay Ronnie, sabihin mo nabigla ka lang. Then, accept his punishment kung gusto mo to atone for your sin. Hindi yung ganitong nahihirapan ka. Ipaglaban mo siya. Tutal di naman niya alam na mahal mo siya kaya mo nagawa iyon. Although nabibilisan ako, alam kong totoo yang nararamdaman mo para sa kanya. Huwag kang matakot. Lumaban ka. Suportahan 'ta ka."
Earl suddenly felt relieved. Thanks to those reassuring words ng kaibigan niya. It was really so nice of Freia to comfort him like that. Swerte talaga siya sa kaibigan.
"You think so?" dudang tanong niya.
Tumango ito. "Yep-yep!" saka ngumiti.
"Thanks friend."
"You're welcome."
Pagkatapos ng eksenang iyon ay napagpasiyahan niyang pumasok sa klase kahit medyo huli na. Nagdahilan na lang siya na masakit ang ulo na sinegundahan ni Freia sa kanyang propesora. Nag-present pa ito ng biogesic na laging ready sa bag nito.
Kahit mukhang zombie ay dedma siya sa banga. Nakatitig lang siya sa harapan ng klase pero ang isip niya ay naglalayag na sa ibang parte ng campus. Kay Ronnie. Nandirito kasi ang puso niya. Kailangan nitong ingatan iyon sa ayaw at sa gusto nito.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment