STRATA presents
Kulay ng Amihan
PART 3 – GITNA
“Hoy Marco!” anas ni JC. “Sinong tinititigan mo d’yan?” sarkastikong tanong pa nito saka tingin sa gawing tinitingnan ni Marco.
“Mahal tingan mo ‘yun oh, ang ganda!” sagot naman ni Marco saka nguso sa isang babaing nasa tapat nilang table.
“Maganda!” may inis sa tinig ni JC. “Maganda pala!” sarkastiko ulit nitong inulit saka tinapakan sa paa si Marco.
“Aray naman!” pigil na sigaw dapat ni Marco.
“Bakit ka ba nang-aapak ng paa?” tanong ni Marco kay JC.
“Di ba may maganda?” asar na tanong ni JC kay Marco.
“Nagseselos ang mahal ko!” tudyo naman ni Marco kay JC saka kiliti sa tagiliran nito, parte ng katawan ni JC na pinakamalakas ang kiliti ng binata.
“Hindi ah!” tanggi ni JC. “Bakit naman ako magseselos?” tanong pa nito.
“Kasi mahal mo ako! Gusto mo ikaw lang ang tinitingnan at pinupuri ko!” may simpatikong ngiti na sagot ni Marco kay JC.
“Hindi kaya!” kaila pa ni JC na namumula na dahil sa pagkakasukol sa kanya ni Marco.
“Umamin na kasi!” pamimilit pa ni Marco.
“Kasi naman ikaw! Nakabantay na ako dito kung sinu-sino pa din ang nahahagip ng makasalanan mong mata.” may himig ng pagtatampo kay JC.
“Alam mo mahal ko!” simula ni Marco ng pagpapaliwanag. “Kahit ilang magagandang babae pa ang iharap at paghubarin sa harap ko, ikaw lang ang mamumukod tanging hahanapin ng mga mata ko!” nakangiting wika pa nito. “Alam mo ba kung bakit?” tanong pa niya sa kasintahan.
Iling lang ang sagot ni JC sa tanong na iyon ni Marco.
“Kasi mula ng makilala kita, ang hinahanap na lang ng mata ko ay ang taong magpapaligaya at magpapasaya sa puso ko! Mula ng araw na iparamdam mo sa akin ang tunay na pagmamahal, iisa na lang ang taong hinahanap ng mata ko, iyon ay ang taong bubuo at kukumpleto sa akin at ikaw lang iyon John Charlson!” pagkatamis-tamis na ngiting sambit ni Marco saka pinisil sa pisngi si JC.
“Mangbola daw ba!” kinikilig na kontra ni JC. “Magaling ka lang sa retorika kaya mo nasasabi ‘yan!” angal pa nito.
“At sa retorika din kita habang-buhay na aangkinin!” pilyong sagot ni Marco dito.
“Loko mo lelang mo!” angil pa ni JC.
“Basta mahal na mahal kita!” singit ni Marco.
“Yeah! I know!” matipid subalit malambing na wika ni JC na may hindi mapantayang ngiti sa mga labi.
Isang buwan ang muling lumipas sa relasyon ng dalawa. Isang buwan na ang lumilipas ngunit higit pa nilang minamahal ang isa’t-isa at lalo silang nalululong sa kakaibang ligaya na nadarama ng puso nila sa piling ng bawat isa.
“Nakakainis!” asar na saad ni JC habang paikot-ikot sa Palma Hall at nag-aabang sa isang Marco sa susundo sa kanya.
“Huli ka!” biglang takip ni Marco sa mga mata ni JC mula sa likuran. “Sino ako?” tanong pa nito.
“Lintek na!” lalong naasar na sabi ni JC. “Lubayan mo ako Marco!” madiing saad pa ng binata.
“Galing naman ng mahal ko!” sagot naman ni Marco.
“Tatlong oras! Tatlong oras ang nasayang kakahintay sa’yo!” simula ni JC.
“Sorry na mahal ko!” malambing na paumanhin ni Marco sa kasintahan. “Please!” saka nito pa-cute kay JC.
“Huwag ka nga gumanyan!” pilit iniiwas ni JC ang tingin kay Marco. “Naiirita ako!” habol pa nito.
“Please na! Sorry na!” nakangiting pakiusap pa ni Marco saka pilit na hinarap sa kanya si JC.
“Eee!” angil ni JC. “Stop it Marco!” pilit na pilit ang galit ni JC.
“Ui! Tatawa na ‘yan!” tudyo pa ni Marco kay JC saka ito kiniliti sa tagiliran.
“Oo na nga!” napapangiting turan ni JC. “Nakakainis! Alam mong nawawala lahat ng inis ko pag-nginingitian mo ako kaya ka nawiwili eh!”
“Siyempre! Gifted ata ang mahal mo!” nagmamalaking sagot ni Marco kay JC.
“Uto mo!” tutol ni JC saka ginulo ang buhok ni Marco.
“Tsk!” anas ni Marco saka ayos sa buhok niya. “Alam mo namang ayaw kong ginugulo ang buhok ko eh!” wika pa nito.
“Kahit naman gulo-gulo na ang buhok mo gwapo ka pa rin!” bawi naman ni JC.
“Kahit na! Nababawasan ang kagwapuhan ng mahal mo!” pagyayabang pa ulit nito.
“Kapal talaga ng face mo!” kontra ni JC. “Super hangin! Grabe wala kang ka-level sa kayabangan!” nakangiti at nang-iinis na sabi ni JC.
“May masama ba kung nagsasabi ako ng totoo?” tugon ni Marco saka lalong hinigpitan ang pagkakaakbay kay JC.
“Ewan ko sa’yo!” putol ni JC sa usapan.
“Hey Marco!” tawag ng isang babae kay saka binaba ang salamin ng kotse nito na huminto sa gilid nila Marco at JC.
“Oh Steph!” simpatikong tugon ni Marco dito saka inalis ang pagkaka-akbay kay JC.
“What are you doing here and why you didn’t told me you’re going here?” malanding turan pa ng babae kay Marco.
“I am here for my best bud JC!” nakangiting sagot ni Marco sa dalaga saka ipinakilala si JC kay Steph.
“Oh well!” kibit balikat ni Steph na hindi naglaan ng oras para tingnan man lang si JC. “Where are you going?” tanong pa nito kay Marco.
“Planning to eat somewhere and hang around.” sagot naman ni Marco.
“C’mon! I know the best place to eat and hang out!” imbita ni Steph kay Marco.
“Sure!” walang pag-aalinlangang tugon ni Marco na hindi man lang kininsulta si JC saka nito binuksan ang pinto sa back seat ng kotse.
“Pasok na JC.” utos ni Marco kay JC.
Pagkapasok ni JC sa loob at agad itong umusog sa kabilang dulo dahil inaasahan niyang tatabihan siya ni Marco sa likod. Kabaliktaran ang nangyari dahil agad na sinarado ni Marco ang pintuan ng back seat at saka pumunta sa kabilang side at binuksan ang pinto sa harapan katabi ni Steph. Papaandarin na ni Steph ang kotse ng –
“I forgot! I have something to finish!” tila pag-awat ni JC sa pagpapatakbo ni Steph ng kotse. “So sorry! I really want to go with you guys but chances are always there hanging up.” paumanhin pa ni JC sa dalawa.
Nabigla naman si Marco sa sinabing iyon ni JC. Ngayon lang niya na-realize na may pagkakamali siyang nagawa at hindi naman siya manhid para hindi mapansing may nagawa siyang hindi tama.
“Hatid na kita!” pagboboluntaryo naman ni Marco kay JC.
“Go na kayo!” pormal at kalmadong sagot ni JC pagkababa ng kotse. Sa totoo lang ay nais nang sumabog ang halo-halong nararamdaman ng binata subalit dahil sa kailangang maging sibilisado ay hindi niya magagawang nag-inarte sa harap ni Steph dahil sa napakaraming dahilan.
“We’ll take you to your place!” suhestiyon naman ni Steph na bagamat nakitaan ni JC nang pag-aliwalas ang mukha ng dalaga at nagpupumilit na magpakita ng panghihinayang.
“I can handle myself! It’s just few blocks from here!” pagsisinungaling pa ni JC na sa totoo lang ay malayo pa ang dormitoryo niya sa lugar na binabaan.
“Hahatid na kita!” wika ni Marco sabay sa pagbubukas ng pinto ng kotse.
“Huwag na!” masaya ang tinig subalit malamlam at malungkot ang mga matang tugon ni JC saka hinarang ang papabukas ng pinto ng kotse.
“Lets go Marco!” aya pa ulit ni Steph saka pinatakbo ang kotse nito.
Pagkalayo nila Steph at Marco ay saka naglabas ng sentimyento si JC habang binabagtas ang daan papunta sa dormitoryo niyang higit pa sa isang kilometro. Sa kamalas-malasan ay hindi dinadaanan ng jeep ang kalsadang iyon at wala pa ding nagdadaang taxi o kaya naman ay pedicab para masakyan niya. Iti-nurn-off din niya ang cellphone dahil alam niyang tatawagan siya ni Marco at ayaw pa niyang makausap ito o kaya naman ay mabasa ang text at pambobola na naman sa kanya.
“Malas! Malas!” asar na asar na wika ni JC habang naglalakad pauwi. “Akala mo kung sinong maganda! Itsura lang niya! Para siyang higanteng talampakang isinawasaw sa harina at ipinirito! Pa-english pa kunwari akala mo naman bagay sa kanya!” buong kabitterang saad ng binata na sa katotohanan lang ay kabaliktaran nitong lahat si Steph na disente, socialite, maganda at simpleng-simple na dalaga.
“Ito namang lokong si Marco napakamanhid!” simula ulit ni JC. “Tama bang pasakayin ako sa likurang mag-isa! Malandi din ang loko! Tatamaan sa akin iyang Marco na ‘yan! Huling araw na namin ngayon! Wala ng bukas!” pagbabanta pa ni JC.
“Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!” pag-aalburuto pa ni JC. “Tama ba iyong ginawa niya? Tama ba namang iwanan ako sa likod at tabihan iyong malanding impaktang iyon sa harap. Duh! Hindi nga lang obvious na malandi at impakta kasi nagpapanggap na mabait!” walang pagsidlan ang inis at asar ni JC dahil sa nangyari. Sa tingin niya ay hindi niya mapapatawad si Marco sa kasalanan nito at kita ng dalawang mata niya kung papaano siya ipinagpalit ng kasintahan sa isang babae.
“Tama ba iyon!” biglang sigaw ni JC.
“Hindi tama!” sabi ng isang tinig kay JC mula sa likuran saka biglang tutok sa tagiliran nito. “Tama lang kung ibibigay mo sa akin lahat ng pera mo at cellphone kung ayaw mong masaktan!” pagbabanta pa nito.
“Peste!” asar na wika ni JC sabay hawak sa kamay ng holdaper na nakatutok sa tagiliran niya. “Sasabay ka pa eh!” imbes na matakot at higit pang naasar na wika ng binata saka biglang umikot si JC na naging sanhi para maikot din ang kamay ng holdaper.
“Lalaban ka pa!” nagalit na wika ng isa pang holdaper sabay wasiwas ng patalim na hawak.
“Patay na!” wika ni JC saka kumaripas ng takbo. “Inay ko po!” ngayon lang bumalik sa katinuan ang isip ni JC na hinoholdap pala siya at nasaktan pa niya ang isang holdaper at galit na galit ang mga ito sa kanya ngayon. “Pera lang naman at cellphone ang hinihingi bakit ba hindi mo pa binigay JC!” kung kanina ay kay Marco at Steph siya naiinis ay mas higit ang asar at inis niya para sa katangahang ginawa.
Humihingal na napahinto si JC at alam niyang malapit lang din duon ang isang baranggay outpost at sigurado siyang may rumoronda din duong mga tanod. “Hindi ko na kayang tumakbo! In fairness effort kung effort!” mahinang usal pa ni JC pagkahinto.
Hindi namalayan si JC na malapit lang pala ang agwat niya sa dalawang holdaper na hindi talaga siya nilubayan sa paghabol. Nang muli niyang tingnan ang mga ito ay papasugod na sa kanya at inaatake na siya ng kutsilyo.
Naging maliksi si JC kaya naman agad siyang nakailag at nadepensahan ang sarili saka sumigaw ng “Rape!” malakas na malakas pa niyang inulit “Rape! Rape! Rape!”
“Tumahimik ka!” muling sugod ng isang holdaper kay JC na naipit sa braso nito ang leeg ng binata.
“Holdap lang ‘to hindi rape pero ngayon murder na!” sabi pa ng isa saka pasugod na titirahin ng saksak si JC.
“Mas maikli kayang sabihin ang rape.” tila pakikipagbiruan pa ni JC sa mga holdaper bago buong lakas na tumalon at sinipa ang papasugod sa kanya. “Malas mo boy! Mario d’boro ang sapatos ko ngayon kaya masakit!” pagyayabang pa ni JC.
Kamalasan, sa pinakamaselang bahagi pa ng katawan tumama ang paa ni JC kaya naman saktong-sakto at score na score ang naganap.
“JC two! Holdaper boys zero!” pang-aasar pa ni JC sa dalawa.
“Gago ka!” wika ng isa na higit pang hinigpitan ang pagkakasakal kay JC.
“Time-out!” pag-awat ni JC dito saka inilagay sa damit ng holdaper ang isang kamay at ang isa naman ay sa braso nitong sumasakal sa kanya at buong lakas na yumuko at ihihagis paharap ang holdaper paharap na muling tinamaan ang maselang bahagi ng isa pang holdaper.
“JC three! Holdaper boys zero! Game over!” wika pa ni JC na nakahinga ng ng maluwag dahil may dumating na mga tanod.
“Akala ko rape?” tanong ng isang tanond kay JC na rumesponde.
“Effort kasi kuya kung holdap!” paliwanag ni JC. “Two syllables kasi ang hold-up ang raper isa lang kaya madlaing isigaw.” pagiging komikero sana ni JC subalit walang bumili ng joke niya.
“Salamat at matagal na naming minamanman ang dalawang ugok na’to!” sabi pa ng isa. “Sama ka na sa amin para sa statement at ng magamoit iyang sugat mo sa braso at binti.” aya pa ng isa kay JC.
Nuon lang narealize ni JC na nadaplisan pala siya sa braso at sa binti at higit pa ay gwapo ang dalawang nanghold-up sa kanya.
“Sayang!” wika ni JC sa sarili saka napatingin sa dalawang holdaper at bigla siyang napatawa ng malakas. “Akala mo Marco! You missed half of your life!” pagmamataas pa ni JC.
Umaga na ng ihatid ng patrol si JC sa dormitoryo nito at nasampahan na ng kaso ang dalawang nangholdap sa kanya. Sa labas ng dormitoryo niya ay hindi niya sugurado kung ano ang unang mararamdaman. Nanduduon si Marco sa labas, nakatalungko at pahampas-hampas pa sa katawan at nagpapalis ng lamok. Hindi alam ni JC kung tutuloy ba siya sa loob ng dormitoryo o kung handa na siyang pakisamahan ito. Nakaramdam ng sakit si JC, kung kanina ay naikukubli ng puso niya ang sakit na iyon dahil sa inis at asar niya para sa binata, ngayon tumagos sa kanya ang talagang nararamdaman ng puso. Hindi napigilan ni JC na tumulo na mula sa kanyang mga mata ang mumunting luha na mistulang perlas at kristal na nahulog mula sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa palapit sa binata na animo’y may sariling buhay na kumikilos mag-isa.
“JC!” napangiting bati ni Marco nang makita si JC na papalapit. Agad na tumayo ang binata at tumatakbong pumunta ito sa kasintahan at saka niyakap. “Sorry JC!” paumanhin pa ni Marco.
Walang sagot mula kay JC, naguguluhan siya sa nararamdaman. Kung kanina ay naiinis siya sa binata, ngayon naman ay nararamdaman niyang napanatag nito ang kalooban niya. Kung kanina ay may sakit at pait siyang nararamdaman, ngtayon ay tila napawi ng yakap nito ang lahat ng sakit at tinangay palayo ang pait. Napaghilom agad nito ang maliit na sugat sa puso niya sa kapanatagang hindi siya iniwanan at ipinagpalit ni Marco. Ang mga yakap na iyon ay pumawi sa lahat dahil ang yakap na iyon ay naging simbolikang na pagpapahayag na hindi siya iiniwan ni Marco. Ang halo-halong nadarama ni JC ay patuloy lamang bumakas sa pamamagitan ng mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.
“Sorry JC!” pagsusumamo ni Marco saka hinalikan sa noo si JC.
“Okay napo iyon.” napangiti at masayang tugon ni JC.
“Talaga?” biglang aliwalas ang mukha ni Marco sa sagot na iyon ni JC.
Tumango lang si JC bilang tanda ng pagsang-ayon.
“Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Marco kay JC nang mapansin ang bikas ng kasintahan.
“Ah eto?” simula ni JC sa kwento saka pinahid ang luha sa mga mata.
“Sorry! Napahamak pala ang mahal ko dahil sa akin!” yumakap si Marco at biglang napaluha makatapos magkwento ni JC. Pakiramdam ni Marco ay sinasaksak siya sa puso habang nagkukwento si JC at higit na pag-aalala ang naramdaman niya para sa kasintahan. Hindi pa din siya mapanatag para kay JC kahit na nga ba kasama na niya ito at lalong ikinasama ng loob niya ang nakikitang anyo ngayon ng binata. Matindi din ang naging inis niya sa sarili dahil sa nagawang kamalian ay kapahamakan ang naidulot niyon sa taong pinakamamahal niya.
Iyon ang unang beses na nakita ni JC si Marco na mapaluha. Iyon ang unang pagkakatoang nakita niya ang kasintahan na umiyak at hindi maipaliwanag ni JC ngunit imbes na sa sarili niya maawa ay mas naaawa siya kay Marco dahil naramdaman niyang bukal sa kalooban nito ang lahat ng sinasabi at may malalim na pinaghuhugutan ang mga luha nito.
“I’m safe and alive!” pagpalubag loob ni JC kay Marco na batid kung paano sinisisi ni Marco ang sarili sa nangyari sa kanya. “See! May use din ang malabanaw na martial arts ko nung high school.” biro pa ni JC kay Marco.
“Huwag mo akong iiwan ah!” pakiusap ni Marco kay JC saka ito tumingin sa mga mata niya.
“Naman oh!” saad ni JC. “Bakit ko naman iiwanan ang buhay ko?” tanong pa nito.
“I love you JC!” wika ulit ni Marco saka hinalikan sa noo si JC. “Hindi ko na alam kung paanong mabuhay kapag nawala ka sa akin. Ikaw lang ang nag-iisang tao para sa akin JC!” pakiusap ni Marco kay JC.
“I love you too Marco!” sagot ni JC.
Pumailanlang sa pagitan ng dalawa ang katahimikan na wari bang ang mga puso nila ngayon ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Naliliwananagan sila ng buwan at ang mga bituin sa langit ang naging mga saksi nila nang gabing iyon.
“Nga pala I have something for you.” wika ni Marco kay JC.
“Ano naman iyan?” nagtatakang tanong ni JC dito.
“Dyaran!” wika ni Marco saka nilabas mula sa likuran ang dalang teddy bear. “Ayan! May anak na tayo kaya wala ka ng dapat pang ipagselos sa iba dahil iyong-iyo na talaga ako!” may nakakalokong ngiting sabi ni Marco.
“Loko mo! Anak ka d’yan!” kinikilig na sagot ni JC.
“Basta JC ko! Mahal na mahal kita!” ulit uli ni Marco.
“Mahal na mahal din po kita!” sagot pa ni JC.
Sa loob na ng dormitoryo pinatulog ni JC si Marco. Solo naman kasi niya ang silid at iyon ay isang pribilehiyong nakuha niya mula sa pagiging isa sa top UPCAT passers. Natulog ang dalawa ng makayakap at ramdam ang mas higit pang pinag-alab na pagmamahal para sa isa’t-isa.
No comments:
Post a Comment