akda ni Jubal Saltshaker
Four
“Time can never mend,
the careless whisper of a good friend.
To the heart and mind, If your answers kind…
Theres no comfort in the truth,
pain is all youll find.”
-George Michael
NANG ako ay makauwi, agad ko nang tinanggal mula sa bulsa nang suot ko'ng polo shirt ang ibinigay niyang tissue paper sa akin. Inuna ko ito'ng ingatan dahil sa mahirap na kung aksidente ko itong mabasa sa oras na ako ay maghilamos.
Nasa isip ko pa rin ang masayahin nitong mukha na paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan sa tuwing makakakita ako nang mga bagay na maikukumpara sa kanya. Gaya nang mapansin ko ang koleksyon ko nang sumbrero sa aking kwarto na nagpaalala sa suot na construction helmet ni Viktor na tinanggihan nyang tanggalin habang kami ay kumakain. Ito din siguro ang isa sa dahilan kung bakit maraming mga mata ang nakatingin sa amin. Ang ibang dahilan kung bakit tila mascot kami sa kanilang paningin ay wala na akong ideya.
Hindi ako sigurado sa aking ginagawa at mas hindi ko rin alam kung ano ang tingin nya sa akin. Pwede na masyado syang mabait kaya ganoon ang pakikitungo nya sa akin. At isa pa, lahat nang kapatid nya ay babae na sa tingin ko'y ang kasa-kasamang lalaki ay mabuti sa kanyang pakiramdam dahil maaring pareho kami nang mapag-uusapan. Bukod sa pagpisil nya sa aking braso at paghawak sa aking mga kamay, maliban doon ay wala na syang sinabi pa'ng iba o ginawa na nagpapahayag nang tunay nyang nararamdaman para sa akin.
Maari din naman'g kinakailangan nya lang nang kalinga kaya nya nagawa ang mga iyon.
Matapos ko'ng maghilamos at sinimulang isuot nang muli ang aking salamin sa mata ay humiga na ako sa aking kama. Sumagi rin agad sa isip ko ang ibinigay sa akin ni Viktor kaya agad ko na din itong kinuha. Madahan ko itong binuksan upang hindi ko din ito mapunit dahil sa pagkakaipit nito sa aking bulsa.
Lubos kong ikinagulat ang naka-sulat dito dahil sa pag-aming kanyang ginawa.
Ngunit may isa pa'ng bagay akong lubos na inaasahan na tila ba hindi nya nagawang sabihin. Malamang ay sinulat nya ito nung oras na manghiram sya nang ballpen sa waiter at nagpaalam na pupunta lamang ito sa comfort room.
Dok Angelo.
Gusto kita.
-Janvik
Sobra akong natuwa at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong paulit-ulit na binasa. At bago ko pa ito mapunit ay inipit ko na ito sa isa sa paborito kong libro. Sa mga oras na yun ay hinahanap-hanap ko sya, at kahit na makita ko lamang ito ay ayos na sa akin. Inaasahan ko'ng ilalagay nito kung saan sya matatagpuan o nakatira lamang. Swerte ko nang maituturing na makita ko syang muli sa napakalaking construction site. Ngunit ang maulit ito ay hindi ko na talaga sigurado. Paulit-ulit ko'ng tinanong ang aking sarili sa mga bagay na alam ko namang hindi ko rin alam ang sagot.
Hanggang sa makatulog na ako at umaasang magpapakita rin ito sa aking panaginip.
Kinabukasan, nagtrabaho ako'ng laman sya nang aking isipan.
Inaasahang sa bawat bubuksan ko'ng pintuan ay naghihintay sya'ng nakangiti sa akin. Matapos ang aking duty, naglakad-lakad din ako nang sandali bago pa man tuluyan nang umuwi. Sa aking paglalakad nagawa ko'ng kausapin ang aking sarili. Naitanong ko kung, saan ba talaga nang gagaling ang saya nang isang tao? Ito ba ay sa mga bagay na syang gumugulat lang sa atin, sa mga taong kumukumpleto sa atin? At paano kung makuha mo nang lahat nang gusto mo? Mas sasaya ka ba kaysa sa kahapon?
Hindi ko alam kung bakit ko ba tinatanong ang mga bagay na ito sa akin.
Sa ngayon ay inaamin ko'ng sinisimulan na nang aking pagkataong masanay na laging makita si Viktor. At wala akong magagawa upang ito ay tanggihan.
Isa pa, ang pinaka ayoko ay ang makasakit nang tao nang hindi mo ito sinasaktang pisikal. Dahil alam ko ang pakiramdam nang sugat na hindi nakikita ngunit patuloy na kumikirot sa tuwing ito ay madadali.
Sa mga relasyong aking pinasok ay wala akong pinanghinayangan, dahil lahat nang bagay na gusto kong gawin ay nagawa ko na. Sa dalawang babaeng minahal ko nang lubos, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko'ng iwanan sila dahil
bawat relasyon'g aking pinapasok ay palagi ko'ng iniisip na ito na ang una at huli.
Ngunit sa mga di inaasahang bagay ay kailangan din'g maghiwalay kahit na tutulan nyo ito'ng pareho. Ang mga pangyayaring ito ang nagpapadama sa akin na paulit-ulit akong maghahanap at mabibigo. At sa ginawa kong pagpapatuloy sa aking nararamdaman at sa damdamin ni Viktor na hindi ko maiwasan,
ikinatatakot ko lamang na sa bandang huli ay masisira din ang lahat at lubos naming pagsisisihan.
Konektado ang puso nang bawat tao sa kanilang mga paa kaya't hindi na nakapagtatakang dinala ako nang sarili kong paa sa lugar kung saan nagtatrabaho si Viktor. Madilim na nang mga oras na iyon at ang kulay kahel na ilaw nang mga poste ay nagsisilbing di mabilang na araw sa gitna nang kadiliman na pilit na gumagabay sa akin patungo sa kanya. Pinuntahan ko ang naaalala ko'ng lugar kung saan sila lumalabas at nang mapalapit ako doon ay napansin kong nakabukas ito na ang liwanag sa loob ay tila ba sumasalubong sa akin at nagsasabing "tuloy ka".
Nakapasok ako nang walang humaharang sa akin bagamat nakatingin ang ibang trabahador sa akin mula nang tangkain ko'ng pumasok dito. Isang security guard ang magalang na lumapit sa akin at madahang nagsalita.
"Boss, ano po ang sa atin?..."
Tanong nito matapos humigop sa umuusok nitong kape.
"Ah', hanapin ko lang sana yung kaibigan ko dito..."
Hindi ako siguro sa gusto ko'ng sabihin bagamat
isang bagay lamang ang gusto kong ipahiwatig.
"Boss, kasi po...sa dami namin dito at sa mga aksidenteng nagaganap e'napag-pasyahan na wala na po'ng matutulog sa site maliban na lamang po sa di maiiwasang dahilan...sa dami po namin kasama po ako bilang guwardya ay bente-uno katao lamang po ang pinapayagang manatili dito..."
Matapos nitong magsalita ay naupo ito sa isang monoblock chair na malapit sa entrance nang gusali at isinenyas na umupo din ako sa isa pang upuang kanyang nasa tabi.
"Sige, po di na rin ako magtatagal..."
"Ah' teka ha...baka matulungan tayo nito,..."
Humigop muli ito sa kanyang tasa at agad na tinawag ang isa sa mga grupo nang lalaking kanina ko pang napansin na nagsisiksikan sa isang tolda ilang metro ang layo sa amin.
"Roger!...lika muna dito!..."
Matapos marinig ang panawagan ay isang binata ang agad na tumayo at kumaway sa amin. Nakita ko'ng nagmadali itong nagsuot nang tsinelas at patakbong lumapit sa aking kinatatayuan.
"Ano po yun?..."
Tanong nito sa guwardya habang nirorolyo nito ang hawak na songhits.
Itinuro naman sa akin nang matanda ang binata at dito na ako nakipagusap.
"Ah' itatanong ko lang sana kung may nakikilala ka'ng Viktor?..."
"Hmm..."
"John? John-john?..."
"Hmm?..."
"Ah'...Andres ang apelyido nya..."
"Ah-e'..."
Gusto ko na sanang palagpasin at hayaan na lamang ang mga pangyayari nang maisip ko ang isinulat ni Viktor.
"Janvik?..."
"Ah! opo...si eleven...haha!"
"Huh? eleven?..."
Pagtataka ko dito.
"Opo, yung napilayan?"
"Oo' sya nga?...andito ba sya?".
"Ay sir umuwi na po sya e'..."
"Umuwi?"
"Opo, kanina po kasi...ah'...last day nya na po kasi kanina..di na po kasi
kailangan nang buhat, at isa pa po sabi nya sa amin e' may sakit ang nanay nya at kailangan nya nang umuwi sa kanilang probinsya...at yung-"
"Ah' ganun ba?...Sige, salamat nang marami...".
Hindi ko na nagawang maka-pagpaalam pa nang maayos dahil sa bigat nang aking pakiramdam. Matapos kong makalabas nang gusali ay mabilis na akong tumakbo papalayo. Bagamat hindi ako sigurado sa aking pupuntahan ay nagpatuloy pa rin ako. At habang ako ay tumatakbo, tinanggal ko ang aking salamin upang magbigay daan sa mga luhang kanina pa naghihintay na maisilang.
No comments:
Post a Comment