Monday, March 14, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 4

Photobucket

Kulang ang salitang OVERWHELMED para i-describe ang aking nararamdaman sa suporta ninyo sa istoryang ito nila Earl and Ronnie. Gawa na po ng mas maaga ang mga chapters na kasunod nito dahil may pagkakaabalahan ulit ako. Ang aking unang pag-ibig. Ang pag-awit sa banda. Salamat po sa mga sumusuporta sa aking panulat. kayo ang dahilan kung bakit kami nagpapakahirap sa mga story na ipinopost dito at sa aming mga blogs. Kasiyahan namin ang kasiyahan ninyo.





Chapter 4 (Hot and Cold)






Galit na galit si Earl sa kaibigang si Jay habang nasa klase siya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak nito at kinuhanan sila  nito ng picture ni Ronnie habang naghahalikan. At siya namang sira-ulo, nagpapahalik, in broad daylight!

Naalala niyang bigla ang pakiramdam niya habang naghahalikan sila ni Ronnie. Feeling niya nangangapal pa ang labi niya dahil duon. At ang tibok ng puso niya, hindi pa rin normal hanggang ngayon.

Could it be that he was falling in love with Ronnie? That fast? Nang dahil lang sa tatlong halik na iyon? Parang imposible naman yata.

Napa-iling na lang siya ng maisip niya ang posibilidad na iyon. Pero may sumisingit na isa pang paalala sa kanya. Kilala kasi niya ang sarili. Katulad din siya ng ibang mga bakla. May tendency siyang ma-inlove agad or ma-misinterpret ang mga sweet gestures ng isang lalaki at ipagkamali iyon sa pag-ibig.

Maaari rin naman kasing trip-trip lang ni Ronnie ang halikan siya.

Hindi ba at dito na rin naman nanggaling na maski ito ay hindi alam kung bakit gustong-gusto siya nitong halikan?

Ganda!

And to make matters worst, inaalok siya nitong maging kunwari-kunwariang boyfriend. Hindi siya makapniwala sa absurdity ng ideya. Sure siya na maraming magpapakamatay para alok na iyon ni Ronnie, baka nga totohanin pa ng ilan iyon kung sakali. But the motive was not clear to him until it hit him.

Tama!

Gusto siya nitong gamitin for a show! All for Monty and Orly's eyes. Napangiti siya ng mapakla. In fact, parang pumakla nga rin ang panlasa niya.

So, ang kapalit ng mga halik na iyon ay maging sila para may maiharap ito kina Monty at Orly at lumabas na naka-move on na ito.

Kung hindi ba naman bitter ito ay bakit nito gagawin iyon.

Natuwa na sana siya eh, magiging sila. Pero wala na sanang ganoong eksena. Kung gusto siya nito, yun lang dapat ang dahilan. Wala ng iba pa. Hindi pa man siya sigurado na iyon nga ang katotohanan sa likod ng alok nito ay sumama na agad ang loob niya.

Arte mo! Bakit ka nagkakaganyan? As if naman may feelings din sa'yo si Ronnie.

Din?

Oh my God! Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Mukhang tinamaan na siya kay Ronnie. At kailangan niyang ma-confirm iyon. Pero paano. Napahilamos na lang ang kamay niya sa mukha sa frustration.

"Is there anything wrong Mr. Lacsamana?" ang tinig ng professor nila.

Bigla tuloy siyang napatingin sa harapan. Oo nga pala, nagdi-discuss nga pala ito tapos heto siya may sariling discussion sa isip.

"Ah... no Sir." aniyang pilit pang ngumiti para itago ang tunay na nararamdaman.

"Are you sure?" kunot ang noong tanong nito.

Mabilis siyang sumagot. "Yes sir. Please continue."

Mukha namang nakumbinsi ang professor nila kaya nagpatuloy na ito sa dinidiscuss. Siya naman, pasimpleng nilinga ang paligid para mga kaklaseng maaaring may questioning looks na taglay. Napabugha siya ng marahan ng makitang wala naman. Napilitan tuloy siyang i-focus ang atensiyon sa nagkaklaseng guro.

Lutang ka kasi!

Hindi na siya nakipagtalo pa sa isipan niyang kakambal yata ni Braguda sa pagiging kontrabida at baka humaba pa ang usapan. Masasabunutan lang niya ang sarili at baka lalo siyang mabaliw sa paningin ng mga kaklase at guro.

Maya-maya lang, nagtagumpay naman siyang magconcentrate muna sa subject at di niya na namalayang wala na sa isip niya ang nangyari sa kanila kanina ni Ronnie.


LUNCH BREAK


Kaka-text lang sa kanya ni Freia at nagsabing sasabay raw ito sa kanyang mag-lunch. Parehas kasi ang vacant period nila nito. isinilid niya ang Nokia 3210 sa bag at naghanda ng umalis ng room. Nasa may gitna na siya ng classroom nila na kapag ganoong oras ay may kaingayan pa rin dahil ang ilan sa mga kaklase nila ay nagtitipid at doon kumakain ng bila iyong tumahimik.

Parang biglang naging ghost town at ng iligid niya ang paningin ay nakatumbok lang sa iisang parte ng kwarto ang mata ng mga ito. Nang tingnan niya ang sentro ng pagiging tahimik ng mga kaklase niya ay naloka siya ng husto.

There he was. The man who easily troubled his central nervous system. Mukhang magkakaroon siya ng sakit sa puso kapag nagpatuloy ang ganoong klaseng reaksiyon niya rito.

Napaka-gwapo nito sa suot na uniporme. Contrast sa all-white niya na uniform ang off-white polo baraong nito at gray slacks. Naka-ayos ng parang sadyang ginulo ang may kahabaan nitong buhok.

As an Engineering student, he exuded an aura of male sophistication. Very brusque features but oozing with sex appeal. Ang forever na yatang nakakunot nitong noo ang lalo pang nagpadagdag ng bentahe nito. Wala itong paki-alam sa wanting, questioning at curious looks ng mga tao sa paligid. Basta lang itong nakatingin sa kanya.

Eat your hearts out ladies and gays!

Pero nirendahan niya agad ang sarili. Hindi siya pwedeng basta na lang magpadala sa kilig niya. Bigla niyang naalala ang naisip niyang posibleng dahilan kung bakit siya inalok nito na maging sila kunwari. Pinilit niyang maging seryoso ang mukha kahit pa gustong-gusto niya na magta-tumbling na lang sa kilig.

Echozera! Eh ano ngayon kung kunwari lang na maging kayo? At least you have a hottie for a pretend-boyfriend!

Ipinilig niya ang ulo at pilit iwinaksi ang katotohanan sa sinasabi ng isip.

"Anong ginagawa mo rito Ronnie." gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagiging kalmado ng boses.

Lumapit ito sa kanya. Nakarinig siya ng pagsinghap. Ewan niya kung sino iyon pero parang OA naman ang mga ito. So what kung lumapit si Ronnie sa kanya? Imposible bang mapaglapit silang dalawa? Pinilit niyang huwag sumimangot.

"Are you ready?" tanong nito.

Nangunot ang noo niya.

"Ready saan?"

"Para mag-lunch. Tara na, gutom na ako eh." anito na ikinabigla niya. Hinila siya nito agad sa kamay.

Wala silang usapan nito! At si Freia ang kasabay niyang magla-lunch. Pasimple niyang binawi ang kamay. Nilingon siya nito. Boring his expressive eyes on him. Biglang parang bet ng puso niyang sumirko na lang at lumabas ng ribcage niya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"May usapan na kami ni Freia na magla-lunch together." aniya saka ito nilagpasan.

Akala niya ay hindi na siya nito susundan dahil hindi naman ito sumagot agad kaya naman laking gulat niya ng akbayan siya nito. Nanigas ang buong sistema niya. Nasa may corridor na sila at wala masyadong estudyante pa.

"R-ronnie..." aniyang tiningala ito.

"What?" salat sa emosyong sabi nito.

"Ang b-bigat ng braso mo."

Ngek! Mali! Mali!

Tumigil ito. Niyuko siya saka nagsalita.

"You have to know that I don't take no for an answer."

Ha? Ang layo naman ng sagot nito.

Earl looked at Ronnie incredulously. Ano ang pinagsasasabi nito?

"Don't give me that look Earl. Alam kong nagtataka ka sa sinasabi ko."

Naiiling na lang nagsalita siya. "If I remember it right, you didn't ask me anything. Now you're telling me that you don't take no for an answer. What's the question anyway? And what's with you Ronnie Alfonso?"

Again. Iyon lang ito at tiningnan lang siya ng maigi. Hindi niya tuloy alam kung ang kausap ba niya ay ipinaglihi sa pader. Wala siyang makuhang emosyon dito kahit talak na siya ng talak.

"I asked you if you're ready." sagot lang nito.

"Yeah, I remember that. Kanina."

"So there, I asked you if you're ready to have lunch with me."

Napanganga siya. Hindi kaya!

Gigil na nagsalita siya. "Wala kang sinasabing ganyan. Huwag mong isipin na kaya kong hulaan lahat ng sinasabi mo. Hindi ako marunong umintindi ng mga katulad mong alien yata mag-isip!"

Tumaas lang ang isang kilay nito.

"Diyos ko naman Ronnie. Pwede ba? Huwag mo akong pag-trip-an. Maawa ka naman sa akin. Bakit mo ba ako ginugulo?"

Biglang dumilim ang mukha nito. Nag-isang linya ang labi. Natakot na naman siya. Nagiging grumpy na naman ito.

"Iyon ba ang tingin mo sa ginagawa ko sa'yo? Ginugulo kita?" malumanay pero hindi maipagkakamali ang panganib sa tono nito at... sakit?

"Ha... eh... Hindi ah. Nagbibiro lang ako Ronnie. Ikaw naman di na mabiro!" tinampal pa niya ito sa dibdib para mapaniwala itong nagbibiro lang siya.

"Earl... pwede bang maging totoo ka sa akin?"

"Ha? Ako? O bakit, peke ba ako para sa'yo?"

"That's not what I mean."

"Eh ano?" nagtataka na niyang tanong. Nagbago na naman kasi agad ang timpla nito. Para itong bata na may gustong malaman talaga.

"Am I a bad person?"

He was taken aback by the question. Hindi niya akalaing sa lahat ng mga tao na naririto sa campus ay siya ang tatanungin nito ng ganoon.

"Ha?" parang engot lang na sabi niya.

"Am I a bad person?" ulit nito.

This time, literal na nanglaki ang mata niya. Hindi sa takot kundi sa pagkabigla. Ibang Ronnie na naman ang kaharap niya. And he was showing him his insecure side. Uncertain of everything. Vulnerable. So this toughie wasn't really that tough at all. Nagkaroon tuloy siya ng biglaang desisyon.

"No." maiksing sagot niya.

Tumitig ito sa kanya. With those eyes full of uncertainty. "Are you sure?"

"Yes." aniyang nakangiti.

"Then why won't you have lunch with me?"

Napawi ang ngiti niya. "Ah, kasi, napa-oo na ako kay Freia. Baka nga naghihintay na yun sa canteen."

Tumingin ito sa relos na suot.

"Earl, siguro naman. You won't mind kung sasabay ako sa inyong kumain?"

"Ha?" nabibiglang sabi niya.

"Wala kasi akong kasabay. And for the longest time, since nag-aral ako rito sa SBU, wala akong naging kasabay mag-lunch. All the girls and the gays in this campus maybe swooning over me but they won't dare to share a table with me." malungkot na sabi nito.

Nasaling na naman nitoa ng protective instint niya. Ang kakayahan niyang maging tagapag-aliw ng mga nalulungkot.

"Siguro kasi natatakot sila sa'yo?" sabi niya dito.

"Hindi naman ako nakakatakot ah? Mukha ba akong aswang?"

Ngumiti siya sa inosenteng tanong nito. Niyuko niya ang bag at may kinuhang isang bagay at iniabot dito.

"Here. Tingnan mo kung bakit." alok niya rito ng salamin.

"Ha?" anitong nagtataka.

"Go ahead. Tingnan mo kung bakit ka nila kinatatakutan." udyok niya rito.

Hesitant nga nitong itinapat sa mukha ang salamin.

"Okay." sabi niya. "What do you see?"

"My handsome face?" painosenteng sagot nito.

"Yabang. Bukod doon?" natatawang sabi niya.

"Still, my handsome face."

"Tse." sabay irap niya rito. "Okay, smile ka while facing the mirror."

Ngumiwi ito.

"Ngiti Ronnie, not ngiwi. Smile, from the heart!"

And he did smile. Parang lumiwanag ang paligid dahil doon.

"W-what do you s-see?" mesmerized niyang tanong.

"Ang gwapo ko pa ring mukha and my clean teeth." anito na balik sa pagiging seryoso.

Salamat sa kakayahn nitong amgpalit-palit ng emosyon sa isang iglap at nakawala siya sa trance-like na estado ng ngumiti ito.

"Ewan ko sa'yo. Amin na nga yan." sabay agaw niya sa salamin saka ito basta na lang isinuksok sa bag.

"Inuuto mo lang yata ako kanina eh."

Huminga siya ng malalim. "Ronnie... listen."

At tumingin lang ito sa kanya. Hindi na sumagot kaya nagpatuloy na siya. One thing he learned from his weird set of emotions, kapag nanahimik ito pero nakatingin lang sa'yo, that's his silent way of saying, "Please continue talking..."

"You're not bad. You're just misunderstood. At kaya ka nila "kinatatakutan"." he quoted the word. "Ay dahil na rin sa noo mong habang-buhay na yatang nakakunot. Siyempre, it always give you the impression na hindi maganda ang timpla mo or ang mood mo. Sino bang magkakalakas ng loob na lumapit sa'yo? Wala di ba? Kaya kahit crush ka ng buong San Bartolome, hindi sila lalapit kasi nga, mukha kang galit parati."

"Try to smile more often Ronnie. It won't hurt you. I didn't say na ngumiti ka lang ng ngumiti na parang baliw lang. I mean, maging friendly ka sa lahat. Para kasing ang bigat palagi ng problema mo. Kapag di ka tumigil sa kakaganyan mo, mawawalan ka ng kaibigan. Kapag lahat ng taong nagmamahal sa'yo ay itinataboy mo, hindi ka magiging masaya."

Napakunot lalo ang noo nito.

"Parang narinig ko na yan ah?" sabi nito.

"Ha? Ay hindi ah, akin yun. Original lines ko yun. O siya na, halika na, kumain na tayo." sabay hila niya sa kamay nito.

Pero para lang siayng humihilang tren kasi hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan bagkus ay may nagtatakang tingin ito sa mata at nakatitig sa kamay nilang magkahugpong.

"What's wrong Ronnie."

Napatingin ito sa kanya. Balik serious na ulit.

"Ahm... wala. Sure ka? Sasabay na ako sa inyo? I mean, payag ka na?"

Napangiti siya. "Oo. Halika na. Nagwe-welga na ang mga alaga ko sa tiyan."

"Good." anitong biglang ngumiti.

Naloka na naman siya sa pagbabago ng mood nito. Parang pumayag lang siyang sumabay ito sa kanila eh tuwang-tuwa na ito. Weird.

"Let's go." aniya.

Ang tangkang pagbitiw niya sa kamay nito ay hindi natuloy dahil hinigit nito iyon at bahagya siyang isiniksik sa katawan nito. Itinaas pa nito ang kamay nila na para bang ipinapakita sa lahat ng makakasalubong nila na may kaholding hands ito.

Syet!!! Ang ganda ko!

Nasa canteen na sila ay hindi pa rin siya binibitiwan nito. Lahat tuloy ng tao ay nakatingin sa kanila. May natutuwa. May naiinggit. May naka-ismid at may wapakels. Siya, dedma lang. Si Ronnie naman, hindi na masyadong serious ang mukha. Hindi rin naman nakangiti. Pero ang gwapo pa rin ng loko. Kahit anong anggulo.

Hinanap ng mata niya si Freia sa canteen. Biglang ang masaya niyang disposisyon ay naglaho ng makita ang kaibigan na may kasamang dalawang tao. Para siyang lobo na biglang pumutok.

Nag-aalalang tiningnan niya si Ronnie na humigpit ang hawak sa kamay niya. Pumakla na naman ang panlasa niya. Mukhang tama siya ng hinala. Nanlulumong nagpatuloy siya ng paglalakad kasabay ito.

"Earl!" sigaw ni Freia ng mapansin siya.

Pilit siyang ngumiti ng makalapit sila.

"Hello friend. May kasabay pala tayo. Akala ko tayo lang." pinilit niyang huwag maging sarcastic. Sana lang hindi nahalata iyon ng dalawa pang kasama ni Freia sa lamesa.

"Okay lang friend. The more the merrier." humahagikgik pang sabi ng kaibigan niya.

"Hi Earl, kamusta." nakangiting bati sa kanya ng isa sa mga kasama ni Freia sa mesa.

He politely smiled back. "Okay lang, ikaw Monty?"

"Oh, I'm fine dear. By the way, kilala mo na siguro ang boyfriend ko. Si Orly." masuyong pakilala nito sa kasintahan.

Nagpapalitan sila ng pleasantries ni Orly ng maramdaman niyang humigpit lalo ang pagkakahawak sa kamay niya ni Ronnie.

"So mukha palang totoo ang tsismis kaninang umaga? Kayo na pala ni Ronnie. " ani Monty. Nakangiti ito kaya di niya malaman kung totoo sa loob nito ang sinasabi. Malay ba niya, teatro rin ito eh.

"Ah oo. Kami na. Since last night." biglang sabi niya.

Napatingin sa kanya ang kaibigang si Freia na biglang tumili na ikinalingon lahat ng estudyante at tao sa canteen.


Itutuloy...

2 comments:

Anonymous said...

"Ah oo. Kami na. Since last night." Kaloka itong si EARL. Hahaha. Kinina lang may agam-agam siya. ngayon sila na. Hehe

Kilig much.

Jadey said...

"Malay ba niya, teatro rin ito eh." Haha