STRATA presents
Kulay ng Amihan
PART 5 – ANG KATAPUSAN
“Sa tingin mo nagrow pa ang relationship natin?” tila may sariling buhay ang mga kamay ni JC na tinext niya sa Marco ng ganitong bagay.
Matagal na naghintay si JC ng reply mula kay Marco subalit umabot din ng ilang oras ay walang paramdam ang binatang katipan sa kanya. Ilang oras na lang din naman ay mararating na nila ang venue ng graduation. Kagaya sa mga nakaraang mahahalagang petsa sa buhay ni JC ay walang anino ni Marco ang makakarating dahil busy sa ibang bagay. Sanay na din naman si JC sa ganito at hindi na din niya magawa pang magtampo dito dahil namanhid ang puso niya kakaasa.
“Gudpm JC. Sori talaga JC ko, nawglt sa icp qng grad mo neun. Phinga k po maigi paghdatng jan ah, wag mgpapabaya. Opo nmn po, nggogrow namn un relationship ntn. Bkt mo po ntanong? Hmmm.” reply ni Marco sa napakaraming text ni JC sa kanya.
“Wala lang po! Hmm. Hehe! Basta! Gue!” reply ni JC kay Marco pagkabasa sa text ni Marco at tulad dati ay hindi na inaasahan pa ni JC ang reply ni Marco sa kanya.
“Madaling sabihin Marco! Madaling sabihing naggogrow pa ang relasyon natin pero hindi ko maramdaman. Masyado lang ba akong nagiging demanding o sadyang may pagkukulang ka talaga? Nag-iinarte lang ba talaga ako o talagang wala ng growth ang nangyayari sa atin? Nahihirapan na ako Marco, sobra na akong nahihirapan dahil pakiramdam ko wala na akong halaga sa’yo! Pakiramdam ko wala na ang sinasabi mong pagpapahalaga para sa akin.” pigil sa pag-iyak na wika ni JC sa sarili.
“JC! Tara na!” aya kay JC ng nanay niya. “Malapit ng magsimula!” sabi pa nito.
“Opo nanay!” biglang naputol ang sentimyento ni JC at pinilit pasiyahin ang aura dahil espesyal ang araw na ito para sa kanya.
Natapos ang seremonya at walang dumating na Marco para man lang batiin si JC. Palinga-linga si JC at pilit tinatanaw kung may anino ang kasintahan subalit talagang hindi ito nagparamdam sa kanya.
“JC ko! Punta ka sa private resort naming ngayon!” text ni Marco kay JC bago tuluyang makauwi sa kanila.
Agad na nagpababa si JC sa kanto kung saan tinutumbok nito ang daan papunta sa private resort nila Marco na malayo sa mga kabahayan at talagang tago at nasisiguradong tahimik at walang tao sa paligid. Mag-isa lang niyang nilakad ang daan, walang takot at walang pag-aalinlangan at pilit na binubuo ang plano sa sarili.
Nagulat si JC sa bumungad sa kanya sa gate pa lang ng resort na nalalatagan na ng red carpet hanggang sa unang swimming pool na tila isang batis na may maliit na falls. Sa tabi ng falls ay may isang life-sized tarpaulin kung saan nakaimprenta duon ang buong hugis at anyo ni JC. Nakakasilaw din ang nagsasayaw ilaw na galing sa ilalim ng swimming pool at lalo nitong napatingkad ang ganda ng mga bulaklak na nakalutang dito. Higit pang nakakabighani ang magandang musika na pumapailanlang sa buong lugar. Sariwa ang hangin na banayad na dumadampi sa kanyang balat. Habang namamangha sa nakikita ng dalawang mata ay agad na lumapit sa kanya si Marco mula sa kaliwa.
“Marco!” nakangiti at naluluhang bati ni JC kay Marco.
“Para sa taong nagbigay kulay sa mundo ko!” saad naman ni Marco.
“Salamat Marco!” pasasalamat ni JC.
“Apat na taon na JC at sariwa pa sa alaala ko kung papaano mo nabago ang mundo ko sa lugar na ito.” saad ulit ni Marco saka inakbayan si JC.
Sigurado si JC, hindi na siya basta sa carpet lang tumutuntong dahil sa sobrang lambot ng nilalakaran niya at tama siya, habang lumalakad siya sa gitna ng mga ilaw at bulaklak ay nakatuntong din siya sa makapal na mga talutot ng rosas na nakakalat sa sahig. Hindi pa man nagtatagal at naabot na nila ang ikalawang swimming pool na hindi naman malayo sa una. May nakalutang dito na mga pulumpon ng bulaklak na may kandila sa gitna at sa bawat kandila ay may mga larawan nilang dalawa na magkasama. Larawan mula sa iba’t-ibang lugar at sa iba’t-ibang okasyon.
“Salamat JC sa apat na taong sinamahan mo ako!” nakangiti pa ding turan ni Marco. “Salamat JC dahil sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, napatino mo ako!” saad pa ng binata. “Salamat JC dahil sa apat na taon, nag-behave ako at nag puso ko!” nakatingin sa mga mata ni JC si Marco at buong puso at kaluluwang saad ng binata.
“Asus! Nang-uto pa!” sagot naman ni JC na sa totoo lang ay nawala ang lahat ng pag-aalinlangan niya sa pagmamahal ni Marco para sa kanya. Binago nito ang pananaw niya tungkol sa isang ilusyong pagmamahalan, at binago nito ang pananaw niya sa isang ilusyong sa tingin niya ay isang katotohanan.
“Nagsasabi lang ako ng totoo JC!” turan pa ni Marco.
Muling lumakad sila JC at Marco hanggang sa narating na nila ang loob ng function room ng private resort na iyon. Kung nagandahan si JC sa labas ay mas naging kaiga-igaya sa kanya ang loob ng function room. Madilim ang buong kwarto na tanging ilaw lamang ng kandila ang nagbibigay liwanag sa lugar. Humalimuyak ang pamilyar na amoy na kilalang-kilala niya kung kaninong pabango. Napatingin siya kay Marco at tanging ngiti lang ang naging sagot ni Marco sa kanya. Hindi pa niya naihahakbang ang mga paa ay may isang awiting pumailanlang sa buong lugar –
“Araw gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka, kahit s’an magpunta
Araw gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kasama ka
Araw gabi tayong dalawa ang magkasama.”
“Galing naman! Saan mo nahukay iyang version ko ng Araw Gabi?” tanong ni JC kay Marco.
“Remember our last Valentine Program nung high school? I recorded your intermission number and convert it to mp3.” sagot naman ni Marco.
“Galing galing naman ng Marco ko!” bati pa ni JC.
Napawi ng gabing iyon ang pangungulila ni JC kay Marco at sa pakiwari ng binata ay siya na ang pinakamaligayang tao sa buong mundo dahil kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Nakalimutan niya ang lahat ng agam-agam kung talagang may katuparan ang panghabang-buhay sa pagitan nila.
Niyakap ni Marco si JC – mahigpit na mahigpit na tila ba ay hindi na niya pakakawalan pa ang binata at sumabay sa saliw ng musikang pumapailanlang sa buong kwarto.
“Marco!” masuyong saad ni JC saka huminto sa pagsasayaw habang kayakap si Marco.
“Bakit JC ko?” tanong ni Marco sa katipan.
“I have something to tell you.” sagot naman ni JC.
“Ano po iyon?” kinakabahan man ay pilit itong itinago ni Marco.
Humugot ng isang malalim na hininga si JC at pumikit muna na tila ba ay nag-iisip kung ano ang unang sasabihin. “I’m sorry Marco!” simula ni JC saka tumalikod kay Marco at sabay nito ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
“Sorry for?” naguguluhan at nagtatakang naitanong ni Marco na labis pa ang naging kaba niyang nararamdaman sa kung ano ba ang nais ipahiwatig ni JC.
“I’m really sorry Marco.” pahikbi pang tugon ni JC saka nasa akto ng pagtakbo.
“Please clarify things to me.” pakiusap ni Marco kay JC na nahawakan niya sa braso bago tuluyang makatakbo.
“I’m really sorry Marco pero this will be our last day.” nakatalikod at pahikbing saad ni JC.
“Hindi mo na ba ako mahal JC?” nagsisimula na ding mapaluhang tanong ni Marco kay JC na hindi pa din makapaniwala sa narinig kay JC.
“Mahal kita Marco! Mahal na mahal at alam mo na sa simula pa lang kung gaano at paano kita kamahal.” matatag subalit patulot sa pagluhang tugon ni JC.
“Then, there’s no reason para hiwalayan mo ako.” pagbibigay konklusyon ni Marco.
“You didn’t get it!” sabi pa ni JC. “Basta Marco, sa sobrang pagmamahal ko sa’yo kaya ko gagawin to.” paliwanag naman ni JC.
“Tell me why!” madiin at puno ng kalungkutang tanong ni Marco kay JC saka pwersahang hinarap sa kanya si ang binata.
“Ayoko nang masaktan at umasa Marco! Nagsasawa na ang puso ko sa paulit-ulit na paghihintay sa isang tulad mo, I mean sa pagbabalik ng dating ikaw. Napapagod na akong humingi ng limos sa oras mo, sa atensyon mo, para sa isang ikaw.” katwiran ni JC. “Ayoko ng maramdaman na nag-iisa ako kahit alam ko namang kasama kita.” buong kalungkutan pang habol ni JC.
“Sorry JC ko.” masuyong paumanhin ni Marco saka hinaplos sa mukha si JC. “Promise, hindi ko na ulit ipaparamdam sa’yo na nag-iisa ka.” pangako pa ng binata sa kasintahan.
“Sorry talaga Marco.” muling tumalikod si JC sa binata. “Magulo, magulong-magulo. How ironic nga di’ba, mahal kita pero iiwan kita ngayon. Siguro tama na din ang maghiwalay tayo para naman hindi maging madumi ang tingin sa atin ng mga tao. Alam mo, ito na ang pinakatamang desisyon na gagawin natin.” pigil sa muling pagluhang saad ni JC saka tumakbo palayo.
“JC!” sigaw ni Marco ngunit tila nawalan ng buhay ang mga paa niya at ayaw nitong sumunod sa sinasabi ng puso niyang habulin si JC. Napaupo na lang ito at hinang-hinang napasalampak sa sahig. “JC! Mahal na mahal kita at ayoko nang mabuhay kung mawawala ka lang din naman.” sentimyento ni Marco.
Si JC naman, mabilis na tumakbo palayo kay Marco subalit biglang napahinto nang makalabas sa pinto. Inalala niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Marco, ang lahat ng masasayang oras nilang magkasama. Marahang lumakad habang minamasdan ang buong paligid na inayos at hinanda ni Marco para sa kanya. Lalo lang nasaktan si JC, hindi niya alam kung magiging masaya ba siya sa desisyong iyon o iiyak na lang siya dahil labag ito sa sigaw ng puso niya. Hindi niya alam kung ito ba ang tama, hindi niya alam kung ano na ang tama at mali. Isa lang ang sigurado siya! Alam niyang iyon ang mabuti para sa kanya at kay Marco pero hindi siya masaya at pilit na tinitiis ang lahat ng sakit. Nakakaramdam siya na gusto niyang balikan si Marco kaya naman muli siyang tumakbo palabas ng gate dahil ayaw na niyang madugtungan pa ng isang araw ang relasyon nila.
Si Marco naman, makalipas ang ilang minutong pagkakasalampak sa sahig at nagkalakas para tumayo. Inalis niya ang cd sa player dahil labis nitong ipinapaalala sa kanya si JC. Hindi niya alam dahil sa pagkakaalis niya ng cd ay nalipat ito sa isang FM station at –
“Love is something that is very delicate; it can vanish by single mistake. The best thing to do is to treasure every single moment and cherish everything. You should never let your partner feels that he or she is alone because when heart becomes numb, he or she can learn to live without you. When the damage is done, it is never too late! Solve the problem as soon as possible; there is no harm in trying, there is no better remedy than fixing what is broken.” sabi ng DJ sa radio.
“Never too late! Wala na, it’s hopeless!” sagot ni Marco sa DJ.
“Yes! It will never be too late unless you’ll accept the fact that it’s hopeless! Second chance is worthy if you will let your partner feel your love, not by words but by actions.” sagot sa radio na tila naririnig ng DJ si Marco.
Napangisi na lang si Marco sa narinig na iyon. “What a co-incidence?!” nakangiti at bumalik ang pag-asang tugon pa ni Marco.
“This is destiny dude! Kaya kung iniwan ka na! Habulin mo na ang happiness mo!” komento pa ulit ng DJ sa radio.
“Thanks dude!” sabi ni Marco saka tumakbo palabas para habulin si JC.
“JC!” malakas na malakas na sigaw ni Marco.
Napahinto naman si JC sa sigaw na iyon ni Marco. Wari bang may sariling buhay ang mga paa ni JC na tumigil sa pagtakbo sa narinig na pagtawag sa pangalan niya.
“Akala ko hindi na kita aabutan!” sabi pa ni Marco saka niyakap ang nakatalikod na si JC. “Mahal na mahal kita!” sabi pa ni Marco. “Mahal na mahal kita at patutunayan kong mali lahat ang inaalala mo at gumugulo sa’yo!” may kasiguraduhang wika ni Marco.
“Marco?!” sumigla ang pusong saad ni JC.
“Huwag kang mag-alala JC! Patutunayan ko sa’yong tayong dalawa ang itinadhana para magsama habang-buhay.” lalong higpit sa pagkakayakap pa ang ginawa ni Marco kay JC.
Kasabay ng mga pangakong ito ang pagsikat ng araw mula sa silangan na naghuhudyat sa paparating na bagong araw.
– END of NO END –
Papaano mo bibigyang ng wakas ang kwentong ito?
No comments:
Post a Comment