akda ni Jubal Saltshaker
Five
“There's a room where the light won't find you.
Holding hands while the walls come tumbling down.
When they do i’ll be right behind you.”
-Tears For Fears
NAKARATING ako sa amin nang pasado alas-nuebe na nang gabi. Mabigat ang aking pakiramdam at nang agad akong makarating sa aking kwarto ay pinilit ko nang agad nang matulog. Nahiga ako ngunit kahit pagod na ay hindi pa rin ako dinalaw nang antok. At dahil dito’y naalala ko syang muli, na alam ko namang papasok at papasok sa aking isipan kahit pilit ko pa itong kalimutan.
Ngayon’g alam kong malabo kaming magkita ay sumasagi sa aking isipan na mabuti na rin siguro ang ganito. Ang iwanan at pabayaan na lamang ang mga nangyari. Kalimutan ang lahat at tuluyan na syang burahin sa aking isipan. Pero aaminin ko’ng hindi ko ito kayang magawa. Sabi nga na ang pagtingin na hindi nasuklian ang syang pagmamahal na pinaka magtatagal.
Tinuruan akong maging mapag-kumbaba nang aking Ina at Ama.
Ngunit naitanong ko sa aking sarili kung ano ang nagustuhan ko kay Viktor. Hindi ko nagawang manghamak nang aking kapwa sa tanan nang aking buhay ngunit kung normal lamang ang pagibig na aking nadarama, malamang ay maraming tao ang magtatanong sa akin kung bakit sya ang aking nagustuhan
Noong una ko pa lamang syang makita, ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumingin sa kanya. Tila ba nagsasalita ang kanyang pagkatao at nagsasabing kailangan nya nang pagmamahal at ako ang nakapansin nito sa kadahilanang ako din ang kailangan’g magpunan. Itinatanong ko ngayon sa aking sarili kung lalaki nga ba ang hanap ko. Isang subject na pilit ko’ng iniiwasan simula nang matuto akong mag-isip nang tama. Bagamat pilit ko itong tinatago sa aking sarili ay gising naman ako sa mga isyung tumatalakay sa ganito’ng pagkatao.
At sa mga nangyayari sa aking paligid ay lumalabo na ang depenisyon nang salitang pag-big na hindi na kailangan pa’ng lagyan nang totoo.
Nang kasama ko sa magkaibang panahon ang aking naging mga nobya ay
Hindi ko naman naisip na gumawa nang hindi kanais-nais na mga bagay sa mga ito. Naisip ko din na ang pagkawala ba nila sa aking buhay ang nagbibigay nang dahilan upang buksan ko ang aking isipan sa kung ano ba talaga ang gusto ko.
Upang matanggap nang buo ang aking sarili at tingnan ang mga bagay na kung saan talaga ako magiging masaya na dati ay pinipilit ko’ng iwasan?
Sa pag-iisip o pakikipag-usap ko sa aking sarili ay karaniwang nakakatulog ako. Ngunit sa pag-kakataong ito ay hindi pa rin ako nagawang antukin.
Naaalala ko pa rin si Viktor at naiisip ko kung ano ang kanyang ginagawa sa mga oras na ito. Pero pumasok na din sa aking isipan na gaano ko man sya isipin at kahit na ipagsigawan ko pa sa lahat nang tao ang laman nang aking isipan, ay wala itong magagawa at hindi nito mababago ang mga pangyayari. At dito ay alam ko’ng hindi ko na sya makikita.Tila ba ang simpleng pananatili nya dito sa mundo ay patuloy na magdadala sa akin nang kalungkutan sa tuwing sya ay aking maaalala.
“Kuya!...Kuya?...Gising ka pa ba?...”
Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko’ng tumatawag ang aking
nag-iisang kapatid sa pinto nang aking kwarto. Mabilis ko itong binuksan at agad na tananong ang pakay nito.
“Kuya, may bisita ka sa labas...”
“Sino daw?..”
Tanong ko dito habang tinatanggal ang medyas na hindi ko pa nahuhubad simula nang ako ay umuwi. Iniisip ko’ng baka si Bernadette ang aking bisita ngunit kilala na ito ni Ele kaya’t agad nya na itong sasabihin kung gayunman.
“Hindi ko kilala e’…Pero lalake.”
Bigla akong kinabahan dito.
“Pinapasok mo?…”
“Hindi Kuya…ayaw nya e’..may sasabihin lang naman daw…asa labas sya nang gate.”
Matapos magsalita ni Ele ay nagmadali na akong lumabas nang aming bahay.
Nakalimutan ko’ng isuot nang muli ang aking salamin kaya’t hindi ko maaninag kung sino ang nakatayo sa harapan nang aming gate.
Sa aking pa’ng pagmamadali ay muntik pa akong makabasag nang isa sa mga paso ni Mama.
Nang buksan ko na ang gate ay tumambad naman sa harap ko ang naka-upong si Viktor. Nagulat ako sa aking nakita dahilan upang hindi ako agad nakapagsalita. May dala-dala itong tatlong malalaki at mabibigat na bag na marahil ay pasalubong nito sa kanyang mga kapatid. Ngumiti ito’ng muli sa akin na nakadagdag pa sa aking nadaramang kaba.
“Angelo…gusto ko lang sana’ng mag-paalam sa’yo,…”
Pangunguna nito.
“May sakit kasi ang aking ina at kailangan ko’ng umuwi…hindi ko alam kung kailan ako makababalik…”
Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam ang aking sasabihin nang mga oras na yun. Sa patuloy ko’ng pananahimik na tila ba nagutos sa kanya upang magmadali na at umalis.
“S-sige…aalis na ako…”
Matapos magsalita ay tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad palayo.
“Viktor!....hintay!…”
Lumingon ito agad kasabay nang mabilis ko’ng pag-lapit sa kanya.
Nangingilid ang mga luha ko sa mata. Nang maka-lapit na ako sa kanya ay ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat at tiningnan sya nang matuwid sa mata.
“Huwag mo ako’ng iwan…”
At sa hindi masabing dahilan ay bigla ko itong hinalikan sa kanya’ng noo.
“Sana ay agad ka’ng makabalik…”
Dagdag ko pa matapos ko syang halikan.
“Pangako…”
Tugon nya.
“Palagi kitang iniisip, Viktor…”
“Lalo na ako…kung alam mo lang…”
Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang mukha hanggang sa mapansin ko na lamang na pumapasok na kami sa loob nang madilim nami’ng bakuran na puno nang halaman sa lata at babasaging mga paso.
Hindi ko masabi kung sino ang tumulak at kung sino ang humila sa amin papasok ngunit sigurado ako’ng kagustuhan namin ito’ng dalawa.
Mainit ang kanyang hininga na napansin ko bago nya ako halikan sa aking labi.
At hindi ko na napigilan ang aking sarili na ang tangi ko na lamang nagawa ay ang makipag-sabayan sa ginagawa nyang paghalik sa akin. Pansin ko na nakamulat sya sa aming ginagawa at dito ay bigla nyang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata upang mapigilan ang patuloy nitong pagbagsak.
Sya ang pumutol sa aming ginagawa na nang matapos ito ay tila ba nagkahiyaan kaming dalawa sa nangyari. Pinagmasdan ko ang aming paligid kung may nakakita ba sa amin bagamat nasa loob na kami nang aming gate at nakasara na ito. Mula sa labas ay ang matayog na poste nang ilaw at ang mga kulisap sa kulay kahel nitong liwanag lamang ang nagsilbing piping saksi sa mga nangyari.
“Pasensya ka na ha’…hindi ako nagpaalam muna bago kita halikan…”
Paliwanag ni Viktor.
“Haha…ano ka ba…e’ ako nga ang nauna e’…”
“Sa noo lang naman yun…pero salamat ha…”
“Alam mo na gusto kita…kaya hindi mo na kailangan pa’ng magpaalam sa akin…”
Paglalahad ko dito.
“Teka…ngayon ka uuwi sa inyo?…alas-diyes na nang gabi at sigurado akong mahihirapan ka’ng makauwi kung meron ka man’g masakyan…”
“Hindi pa, bukas pa ako makakapag-byahe nang madaling araw…matutulog ako sa terminal nang bus nang sa gayon ay mauna din ako sa pila nang sigurado’ng maaga’ng maka-uwi sa amin…isa pa, binayaran ko na ang upa sa aking tinitirhan…”
Nilapitan ko ito at kinuha ang isang mabigat na bagahe mula sa kanyang likuran at agad na naglakad papasok sa loob nang aming bahay.
Nang mapansin ko’ng hindi sya kumikilos ay nagsalita akong muli.
“Dito ka na matulog sa amin…aagahan natin ang gising at bukas ay ihahatid kita doon sa sasakyan mo…Okay ka lang matututulog ka sa terminal? Delikado…”
“Pero…hindi ba ako nakaka-istorbo sa’yo?...”
“Tsk,…tara na malamok…pasok…hehe…”
Pabiro ko dito.
Tiyak akong tulog na sina Mama at Ele sa iisang kwarto kung saan nila ngayon naisipang matulog. Madilim ang buong paligid at ang liwanag lamang mula sa ilaw nang mga kapit-bahay na pumapasok sa aming bintana ang nag-sisilbing aming gabay. Habang papaakyat kami nang hagdanan ay naramdaman ko’ng hinawakan ni Viktor ang aking mga kamay na sya naman’g aking kinapitan nang mahigpit. Bagamat alam ko’ng mahihirapan ito sa pagbubuhat nang kanyang mga dala lalo pa at papa-akyat kami patungo sa aking kwarto.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment