Akda ni Jubal Saltshaker
Six
“I used to think I was tied to a heartache.
That was the heartbreak.
But now that Ive found you.”
-Air Supply
Noong gabing iyon ay nakasuot nang malinis na puting t-shirt at maong pants si Viktor. Nang makapasok kami sa aking kwarto ay pinahiram ko sya nang damit ko’ng pambahay nang sa gayon ay hindi na marumihan pa ang kanyang suot na pang-alis. Sinabi ko’ng magpalit na muna ito habang kukuha lang ako nang makakain dahil hindi pa pala ako naghahapunan.
Nang makabalik na ako sa loob nang aking kwarto ay naka-pagpalit na ito at naka-upo na sa upuan sa tabi nang aking cabinet. Ipinatong ko ang dalang pagkain sa mesa katabi nang aking kama at inalok ko na itong kumain ngunit tumanggi sya’ng muli dahil nakakain na naman din daw ito bago pa man dumaan sa akin. Sinabi ko na sa aking kama na lamang sya maupo upang kung inaantok na din sya ay masimulan nya nang matulog. Bago ako magsimulang kumain ay nakipag-palit na ako kay Viktor nang pwesto. Nakatingin lamang ito sa akin hanggang sa magsimula na itong magsalita.
“Ngayon po na alam na natin na may gusto tayo sa isa’t isa…ano po ang gagawin natin?..ah’…tama po ba ako?....”
“Drop na nga the “po”…super galang mo naman…
Oo’ tama ka…gusto kita…”
Sambit ko nang nakangiti habang kumakain.
Nakatingin lamang sya sa buong paligid at nagmamasid.
“Ah’ gagawin natin?...ah’..hayaan lang natin…”
Hindi ko talaga alam ang sagot sa kanyang katanungan ngunit nang oras na iyon ay ito lamang ang nakikita ko’ng magandang sabihin.
“Teka, nag-kagirlfriend ka na ba?.. o’ boyfriend?...”
Dagdag ko dito.
“Hindi pa po-…hindi pa ako nagkakaroon nang kahit na anong
karelasyon…kahit na sa babae …”
“Talaga?...ako kasi nag-karoon ako nang dalawang girlfriend…”
“Ganun?...ibig sabihin hindi ka talaga…alam mo na...”
“Hindi ko alam ang sagot dyan e’…pero kahit na iniiwasan ko ang tanong na yan,
siguro nga’y ganun ako…i mean, hindi kita magugustuhan kung hindi ako ganun di ba?..hehe.”
“Uhm, Angelo…pwede ba’ng tayo na?”
“Huh?...:
Nabigla ako nang marinig ko’ng sambitin ito ni Viktor. Maraming bagay ang sabay-sabay na pumapasok sa aking isipan at alam ko’ng ang buhay ko ang higit na maaapektuhan sa oras na salubungin ko ang aking kagustuhan.
“Gaya nang sinabi ko kanina, hayaan lang natin…maaaring bugso lamang nang damdamin ang iyong nararamdaman kahit ang sa akin di ba?.kaya’t magandang siguraduhin na muna natin ito…hindi ako ganon ka…ka-bading pero alam ko ang patakaran sa mundong pinipilit ko’ng hindi lakaran…”
Nanahimik nang sandali si Viktor bago ko’ng muling narinig itong magsalita. Nananatili itong naka-upo sa aking kama at nakatingin lang sa kanyang palad habang ito ay nilalaro.
“Hehe…tama po kayo…hayaan muna natin…”
“Oo…nagalit ka ba?..”
“Hmm? Di naman…hehe.”
“Ano nga yun’g sa hindi ka pa nagkakaroon nang kasintahan?...”
“Ah’…ako kasi masyado’ng abala sa pag-aalaga nang aking mga kapatid at sa pag-aaral..valedictorian ako nang klase namin noong highschool…”
“Wow…galing a’…e bakit patuloy mo ako’ng tinatawag na Dok?.”
“Tingin ko po kasi na mas bagay sa yo’ yon kaysa ang maging nars…”
“Ganun?…binalak ko din’g mag-doktor noon…pero hindi na natuloy…teka naka-pag college ka ba?.....ay’ pasensya ka na ha’...”
“Okay lang…hehe…hindi ako natapos makapag-kolehiyo…noong una ay marami ang nagaalok nang scholarship sa akin, tinanggap ko naman ito dahil naisip ko din na hindi talaga namin makakaya ni Mama na mag-aral ako nang walang suporta mula sa iba…naka-pagsimula ako sa kursong chemical engineering…”
“Galing ah’…”
Pagputol ko sa kanyang kinekwento.
“Pero hindi nagtagal e’ tumigil din ako…madami ang gastos lalo na sa pangaraw-araw na hindi na kayang sagutin pa nang nagpapa-aral sa akin…at isa pa, higit din ako’ng kailangan ni Mama noon sa bahay…”
“Sayang naman…ang tatay mo nga pala?...”
“Iniwan nya na kami nito lang sa sakit nito sa baga…farmer sya..lakas kasi sa yosi e’...nagka-lung cancer…”
“Ah’….So hindi ka nag-yoyosi?”
“Kahit kailan…e’ ikaw?”
“Uhm,..minsan lang…umiinom ka?”
“Alak po ni minsan hindi…kaw?”
“Hmm, occasional lang…”
“Madalas ka bang nag-mumura?...”
“Huh?...anong kinalaman?..minsan lang…kapag galit…ay teka madami pala akong gusto’ng itanong sa’yo…”
“Sige lang.”
“Una…paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira…sobra mo ako’ng ginulat…nag-punta ako kanina sa trabaho mo…sabi nga na umuwi ka na daw sa inyo…basta, sobra akong nalungkot nang malaman ko yun…tapos eto ka…”
“Pwede ba akong humiga habang nag-sasalita?...”
“Oo naman…kung saan ka komportable…”
Bago pa man sya sumagot ay inayos nito ang unan sa aking kama at agad na itong humiga, ngunit sa pwesto’ng mabuti nya pa rin akong nakikita kahit na ito ay nakahiga.
“Tinanong ko sa isang nurse na kasamahan nyo po nung umaga na mag-punta sya sa kwarto ko…”
Nagulat ako nang marinig ito at agad na itinanong kung kanino sya nakipag-usap.
“Babae po na may nunal sa mukha?..yung may bangs...”
“Ah, ganun ba...”
Patay. Si Bernadette.
“May problema ba?...”
“W-wala naman…tuloy mo…”
“Hindi na po ako nahiyang itanong kasi gusto talaga kitang makita…at nung gabi na bisitahin mo ako bago ka umuwi…hindi ko alam kung paano ko sasabihin’g gusto kita…kaya binagalan ko ang paglalakad natin noong inakay nyo ako papunta sa banyo…”
“Haha…nagpabigat ka ba nun?...”
“Hehe-hindi naman po sa ganoon…pero sinusulit ko talaga yung oras…”
“Teka’…ah’, umiyak ka ba sa loob nang banyo non’?”
Natapos na akong kumain noon at naibaba ko na din sa kusina ang aking pinag-kainan. Sinabi ko’ng sa higaan ko na sya matulog at ako ay naglatag na lang nang ekstrang kutsyon sa sahig katabi nang aking kama. Binuksan ko na din ang aircon sa kwarto, at yung lampshade sa ibabaw nang aking mesa sa halip na yung fluorescent light.
Nakatingin ako sa kisame nang aking kwarto habang nakahiga at mabuting tinitingnan ang mga glow in the dark stickers na aking idinikit dito.
Hindi ko pa sila gaano’ng maaninag dahil sa may ilaw pa’ng nagmumula mula sa lampshade.
“Okay lang ba sayo’ng may ilaw?...”
Tanong ko na hindi nakikita ang kanyang ginagawa maliban na lamang kung iaangat ko ang aking sarili sa pagkakahiga. Narinig ko’ng tumunog ang mga springs sa aking kama bago pa man sya sumagot.
“Okay lang naman kahit wala din…”
“Haha…ginagamitan mo ako nang defense mechanism ha’…”
Tumayo ako nang saglit at mabilis na pinatay ang ilaw nang lampara. Mga ilang segundo ko lamang nakita si Viktor ngunit sigurado ako’ng nakatingin ito sa akin.
Nang makahiga na ako ay nagsalita na itong muli.
“Nakakahiya naman,…dapat yata ikaw ang nandito at ako dyan sa latag…”
“Sus’…ikaw ang bisita ko…”
“Ah…”
“Hmmm?...nu yun?”
“Matutulog ka na ba?...”
“Hindi pa naman, bakit?...actually nananahimik ako kasi alam ko’ng maaga ka pa…”
“Ayaw nyo na makipag-usap?...”
“Haha,…Wala akong sinabi…”
“Uhm…di ba madami ka pa’ng itatanong sabi mo?...”
“Oo’…pero okay lang ba?...bahala ka mamaya abutin tayo nang sikat nang araw kaka-usap…sige ka…”
“Okay lang…”
“Sige…”
Inayos ko ang aking pwesto at humarap ako sa kanya. Bagamat’ sigurado akong ang haligi lamang nang aking kama ang aking kaharap. At dahil sa dilim ay hindi ko sya maaninag ngunit sa bahagya ko’ng paglapit ay pakiramdam ko na magkalapit lamang kami dahil sa lumakas nang kaunti ang kanyang boses.
“Bakit eleven?...”
“Huh?...ah, haha!...”
“Anu nga yun?...”
“Nung kasing unang araw ko sa trabaho, habang kumakain kami noon nang tanghalian e’ tumulo yung sipon ko sa magkabilang butas nang ilong…”
“Haha…asan doon ang eleven?...,”
Natigilan ako nang sandali hanggang sa maisip ko ang tinutukoy nito.
“Hahaha! Eleven nga!...hehe...maiba pala ako…Uhm…tsk…ako ba’ng first kiss mo?...”
“…Ah’, hind e’.”
“Hmm,…Ganun ba…okay lang ba malaman kung sino?...”
“Oo’ namn…yung English Teacher ko po na babae…hinalikan nya ako…tapos pumalag ako…matapos nun, nagalit sa kin, lagi ako pinahihirapan…hehe…”
“Gusto mo ba sya?...”
“Hindi e’…”
“Dahil matanda na?...”
“Hindi naman sa ganun…bata pa lamang kasi ako e’ alam ko nang ganito ako…”
“Huh? Ibig sabihin bata ka palang e’ alam mo nang….”
“Bakla?...Oo naman…kaya alam ko na hindi ako magkaka-gusto sa babae. At natutuhan ko naman itong itago…si Mama lang ang nakaka-unawa…si Papa naman di nya talaga tanggap…naalala ko na sinapak nya ako sa nguso, grade four pa lang ako noon…nahuli nya kasi akong nakatingin sa salamin tapos may hawak akong manika nang kapatid ko…ayun dahil doon natuto ako’ng maging matigas…pero pang-labas lang yun…gabi-gabi iniiyak ko…”
Hindi ako nakapagsalita matapos ko itong marinig mula kay Viktor.
Aaminin ko’ng nakaramdam ako nang awa habang inilalahad nya ito sa akin.
Hindi ko din malaman kung umiiyak ito nang oras nang mga oras na iyon dahil hindi ko din naman sya makita at hindi rin ako sigurado sa aking mga naririnig.
Habang tumatagal na nakakasama ko si Viktor ay lalong nag-iiba ang pagtingin ko sa kanya. Aaminin ko’ng para itong bata nung una’ng beses ko syang maka-usap ngunit habang tumataga lay nakikita ko ang tunay nito’ng pagkatao.
“Angelo…”
Tawag nya’ng bigla sa aking pangalan na biglang gumuhit sa aking isipan.
“Ano yun?...”
“Ah’…pwede ko ba’ng hawakan yung kamay mo?...”
“O-oo naman…”
Narinig ko’ng muli ang tunog nang paggalaw nang aking kama at bagamat hindi nakikita ay alam ko’ng papalapit si Viktor sa gilid nang kama.
Itinaas ko nang kaunti ang aking kamay nang makita ko na sya nang bahagya at agad nya naman ito’ng hinawakan. Upang maging komportable kaming dalawa ay lumapit din ako dito at dumikit na nang mabuti sa ilalim nang aking kama.
Ramdam ko ang mainit nitong hininga sa aking mga daliri. Gusto ko’ng hawakan ang kanyang mukha ngunit pinigilan ko na lamang ang aking sarili.
“Tabihan mo ako…”
Bigla nitong sambit.
Natahimik ako nang sandali matapos ko itong marinig.
Binalak ko’ng magsalita ngunikt inunahan nya ako dito.
“Okay lang kahit ayaw mo…”
Tumayo na lang ako nang bigla at agad naman’g umayos nang pwesto si Viktor upang magkatabi kami nang mabuti. Hindi ko talaga alam ang gagawin nang mga oras na magkalapit na kami. Ang naiisip ko’y alam ko’ng maari nyang hindi sang-ayunan at ayoko naman’g mag-iba ang tingin nya sa akin. Nasanay na ang aking malabong paningin sa dilim nang kapaligiran kaya’t lumilinaw na din ang kanyang mukha na alam ko’ng nakatingin sa akin. Hinawakan nya nang muli ang aking kamay at gamit ang isa pa ay inilagay nya ito sa aking likuran upang ako ay akapin. Inakap ko din ito nang mahigpit hanggang sa maging komportable kami sa isa’t-isa.
“Merci beaucoup monsieur, cela me fera plaisir…”
Ang narinig ko’ng tinuran ni Viktor matapos ko ito’ng yakapin nang ma-lapit ang aking tenga sa kanya’ng mukha.
“Gusto mo?...”
Itutuloy
No comments:
Post a Comment