STRATA presents
Kulay ng Amihan
PART 2 – KARUGTONG NG SIMULA
Naunang nagising si JC dahil tumawag sa cellphone ng nanay niya sa kanya. Nahihimbing pa ang karamihan ng umalis si JC sa private pool na iyon nila Marco na kasalukuyang naghihilik pa din ang tumbong nito. Linggo ng araw na iyon at kailangan ay sama-samang magsisimba silang mag-anak tulad ng nakagawian.
Kinabukasan ay ay hindi nakapasok si JC sa unang dalawang klase nila dahil may inaayos sa council office na bago at huling proyekto nila.
“JC!” tawag ni Marco kasunod ang mahihinang katok.
“Aaahhh Maarrco!” nabibilaukang tugon ni JC. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla at bigla siyang nakaramdam ng ilang sa presensiya ni Marco. Hindi niya mawari kung bakit ba hindi siya kumportableng nasa harapan niya ngayon ang binata.
“JC may sasabihin sana ako.” sabi pa ulit ni Marco.
“Ssigge uumupo ka.” aya naman ni JC kay Marco. “Ano ba ‘yun?” tanong pa ulit ni JC na pilit pinapormal at pinakumportable ang sarili.
“Sorry nga pala!” simula ni Marco.
“Sorry?” nagtatakang tanong ni JC kay Marco.
“Sorry for what I did last night.” paumanhin ni Marco na hindi makatingin ng diretso kay JC.
“You did? Last night?” nagtatakang tanong ng paglilinaw ni JC.
“I’m sorry for the kiss!” saad ulit ni Marco na kita na nahihiya it okay JC.
“Kiss?” pilit umarte si JC na hindi niya naaalala ang sinasabi ni Marco. “Wake up JC! Wake up! Ibig sabihin totoong hinalikan ako ni Marco!” pangungumpirma ni JC sa sarili.
“Lasing lang ako nun tol.” paliwanag pa ni Marco.
“Wait lang!” pigil ni JC sa paliwanag ni Marco. “I thought it was a dream.” pag-iinarte ulit ni JC. “Meaning totoo lahat iyon?” paninigurado pa ni JC kay Marco na sa totoo lang ay umaarte lang siyang wala na hindi niya naaalala ang nangyari.
“Totoo lahat iyon JC and I did the first move kaya nangyari ang lahat.” pagpapaliwanag pa din ni Marco. “Please JC, forgive me! Lasing lang talaga ako nun kaya hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” pagdepensa pa ni Marco sa sarili.
“Nothing to worry!” pagpapakalma ni JC kay Marco. “Akala ko nga panaginip lang, saka halik lang naman, wala namang nawala sa akin!” dugtong pa ni JC. “Walang nawala sa akin pero Marco iyon ang unang halik ko!” giit ng isipan ni JC.
“Hindi ka galit sa akin kaya hindi ka pumasok kanina sa English at Trigo?” nag-aalalang tanong ni Marco kay JC.
“Hindi!” sagot ni JC. “Inaayos ko lang itong para sa last project namin this year, wala ng oras para magprepare kasi sa Wednesday na ‘to, kaya no choice ako kung hindi aregluhin na lahat ngayon.” paliwanag pa nito.
“Hindi ka talaga galit sa akin?” paninigurado ni Marco.
“Hindi nga!” sagot ni JC.
“Hindi mo ako iniiwasan?” napapangiting tanong ulit ni Marco.
“Hindi din!” nakangiting sagot naman ni JC kay Marco.
“Promise?” pangungulit ulit ni Marco kay JC.
“Opo!” sagot ni JC dito.
“Akala ko iniiwasan mo ako dahil sa nangyari eh!” tila nabunutan ng tinik na turan ni Marco kay JC.
“Ayos lang nga!” sagot ni JC na nagniningning ang mga mata dahil sa nalamang totoo talaga at hindi panaginip ang lahat.
“Wala sanang iwasan ah!” sabi pa ni Marco.
“Ako hindi kita iiwasan, ewan ko lang sa’yo!” nang-aasar nang wika ni JC.
“Siyempre mahal na mahal kita, bakit naman kita iiwasan?” sagot ni Marco saka nag-iwan ng simpatikong ngiti kay JC.
“Akala ko talaga panaginip lang iyon!” ulit ni JC sa akala niiyang nangyai. “Anyways, let us consider it na panaginip lang talaga. Pati dapat ikaw isipin mo panaginip lang!” pamimilit ni JC kay Marco.
“Walang problema John Charlson!” nakangiting tugon ni Marco.
“Alis na, tapos na ang recess!” saad ni JC. “Pasabi na lang kay Ma’am Physics na excuse ako ngayon!” paalala pa ni JC kay Marco.
“Hindi ka ba papasok ngayong araw?” usisa ni Marco sa kaibigan.
“Papasok ako ngayong hapon. Iyong mga pang-umagang subjects lang ang hindi ko papasukan, kailangan na kasi itong mga letters na ‘to.” sabi pa ni JC.
“Sige JC alis na ako!” paalam ni Marco.
“Goodluck! Goodluck sa pagsukat n’yo ng speed of light!” natatawang wika ni JC sa papaalis nang si Marco.
Nagkaroon man ng settlement sa pagitan ng dalawa subalit hindi talaga maitatangi na nabago ng pangyayaring iyon ang buhay nila. Kung dati ay halos dikit sila JC at Marco, ngayon ay tila ba nagkakailangan na sila at nagkakahiyaan. Natutunan na ding iwasan ni JC si Marco subalit hindi naman niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit. Ang alam lang niya ay maging detach siya kay Marco at iyon ang tama niyang gawin. Ganito na ang naging sitwasyon nilang dalawa hanggang sa umabot ang graduation day nila.
“Congratulations our dear graduates! Another journey has ended and this day marks a life to plan!” pagwawakas ng isang administrador sa graduation rites nila JC at Marco.
Si JC ay nakuha ang leadership award at kasama sa honorable mention ng buong batch. Si Marco naman ay nakakuha din ang leadership award. Dahil nga sa first section sila JC ay huli sila sa recessional. Habang nagrerecessional ang ibang section ay nagkaroon sila ng oras na magkakaklase para magbatian.
“I will miss you!” sabay yakap ng naluluhang si Fe kay JC.
“Miss you too friend!” sagot ni JC dito.
“Ingat ka JC!” sabi naman ni She kay JC. “Alam ko namang mahal na mahal mo kami eh kaya mahal na mahal ka din naming Mr. President!” sabi pa nito saka nagsimulang maluha at yumakap din kay JC.
“May ganun?” tila may kurot sa puso ni JC sa sinabing iyon ni She.
“JC!” nakangiting bati ni Marco kay JC.
“Ui!” nakangiting sagot ni JC dito na nakaramdam ng kakaibang kaba at pagka-ilang.
“Congrats ah!” saad pa ni Marco.
“Congtas din sa’yo! Galingan mo pa!” sagot naman ni JC.
“May sasabihin sana ako!” sabi pa ni Marco.
“Mamaya na! Recessional muna tayo!” tugon naman ni JC dito na sa totoo lang ay gusto na niyang iwasan talaga si Marco.
Walang nagawa si Marco kung hindi ang ngitian na lang si JC na sa totoo lang ay ramdam ang pagkadisgusto ng binata na makausap siya.
“Nay daan lang po ako sa council office!” paalam ni JC sa ina na sa totoo lang ay nais niyang paalisin si Marco bago muling balikan ang mga magulang.
“JC! JC! JC! Get rid of Marco!” paalala ni JC sa sarili bago tuluyang buksan ang pinto ng council office. Nagtaka itong hindi naka-lock ang pinto na sa pagkakaalam naman niya ay ini-lock niya ito kanina.
“Buti na lang pala bumalik ako dito kung hindi baka nawalan na naman ng gamit ang council!” sabi pa ni JC saka binuksan ang ilaw.
Nagulat si JC pagkabukas ng ilaw. Hindi niya inaasahan ang tatambad sa kanya. Si Marco na nakangiti ng pagkatamis-tamis ang ngayon ay nakaupo sa swivel chair niya habang. Napansin din niya na napapalamutian na ng mga bulaklak ang halos buong office at humahalimuyak ang pamilyar na pabangong kilalang-kilala ng ilong niya.
“Anong ginagawa mo dito?” kinakabahan at nagtatakang tanong ni JC kay Marco.
“Di’ba sabi ko may sasabihin ako sa’yo.” sagot ni Marco saka tumayo at lumapit kay JC.
Napaatras naman si JC sa ginawang paglapit na iyon ni Marco. Balak niyang tumakbo palayo pero mas pinili niyang magpakapormal na lang sa harap ng kaibigan para naman hindi nito isiping binabastos niya ito o kaya naman ay iniiwasan niya. “Ano nga pala iyon?” bawing tugon ni JC saka umupo sa upuang nasa harap ng table ng council president.
Imbes na sumagot ay lumapit si Marco sa pinto at isinara niya iyon saka humarap kay JC.
Narinig ni JC ang tunog ng lock at lalong naging mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maiwasang makaisip nang kung anu-ano dahil sa kinilos na iyon ni Marco.
“Alam ko at pansin kong iniiwasan mo ako. Hindi naman ako tanga JC para hindi mapansing lumalayo ka sa akin, hindi akop tanga para hindi mapansing naiilang ka sa akin.” simula ni Marco. “Akala ko ba walang magbabago sa mpagitan natin? Akala ko ba walang ilangan? Walang iwasan?” tanong pa ni Marco.
“Ah kasi…” tugon ni JC na hindi alam kung papaanong sasagutin si Marco o kung papaano papasinungalingan ang katotohanang napansin ng binata. “Di ba nga busy ako sa council.” dahilan na lang ni JC.
“Hindi ko naman inaasahang sasabihin mo ang totoo.” nakangiting saad pa ni Marco saka tumalikod.
“Wait Marco!” pigil ni JC sa kaibigan. “Sorry!” pahingi na lang ng paumanhin ni JC dito.
“Mahal kita JC!” biglang sinabi ni Marco na buong lakas ng loob niyang ipinagtapat. “Mahal na mahal!” paglilinaw pa ulit nito.
“Ano un joke?!” alangang pagbibiro pa sana ni JC.
“For real!” saad pa ulit ni Marco saka hinarap si JC. “Akala ko nga kung anong love lang pero nung mga araw na iniiwasan mo ako, dun ko na-realize na ikaw pala talaga ang hinahanap ng puso ko.” paliwanag pa nito.
“Pero Marco…” putol na wika ni JC.
“I’m not expecting you to say you love me too! Ang sa akin lang naman ay masabi ko sa’yong mahal kita para tumahimik na ang puso ko. Alam mo ‘yun, kung hindi ko tatapangan ang sarili kong sabihin mahal kita I feel, forever akong incomplete. Iyong regrets na may pagkakataon na para masabi ko sa’yo pero hindi ko ginawa. Forever akong babangungutin kasi tinago ko sa’yo ang katotohanan na you deserve.” sabi pa ni Marco.
“Marco!” saad ni JC na hindi niya namamalayang dumaloy na pala ang mga luha sa mata niya.
“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Marco kay JC. “Hindi ko naman inaasahang mahal mo din ako!” sabi pa ng binata saka niyakap si JC.
“Mahal na din kita Marco kaya lang…” putol na sambit ni JC.
“Kaya lnag?” tila nakakuha ng pag-asa si Marco sa sinabing iyon ni JC. “Kaya lang ano JC?” tanong pa ni Marco saka hinawakan sa baba si JC.
“Kaya lang natatakot ako.” pagbigkas ni JC. “Natatakot ako at alam kong mali itong nararamdaman ko para sa’yo!” lahad ng takot ni JC.
“Huwag kang matakot!” pang-aalo ni Marco. “Narito naman ako para sa’yo!” saad pa ng binata.
“Natatakot ako na baka hindi mag-work kung magiging tayo! Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao, natatakot ako sa sasabihin ng mga parents natin.” sabi pa ni JC.
“Kung ang simbahan nga tanggap ang mga bakla, sila pa kaya!” saad naman ni Marco para pagaanin ang loob ni JC.
“Tanggap?” tila pagtutol ni JC. “Tanggap ba nila iyong sasabihing pag nagmahal ang lalaki ng kapwa niya lalaki, iyon ang kasalanan na dapat maitama. Sige nga, paano mo ba nasabing bakla ka? Kasi di ba nagmahal ka ng kapawa mo lalaki? Na-aattract ka sa kapwa mo lalaki!” pagpapahayag ni JC ng saloobin.
“Iyon lang ba ang kinakatakot mo?” saad pa ni Marco saka hinawakan sa kamay si JC. “I will be here forever! Mawala man ang lahat sa’yo, pero kung pipiliin mo ang pagmamahal mo sa akin, I promise not to leave you for the rest of my life!” panunuyo ni Marco saka hinalikan ang kamay ni JC. “Promise!” sabi pa nito saka tumingin sa mga mata ni JC.
“Marco!” nakaramdam naman ng kakaibang saya si JC sa ginawang iyon ni Marco, pakiwari niya ay kakaibang panatag at tatag ang naibigay sa kanya ng binata.
“So, ano? Tayo na?” may pagpapa-cute na tanong ni Marco kay JC.
Hindi umimik si JC sa tanong na iyon ni Marco.
“Tinatanong kita!” wika ulit ni Marco saka lumuhod sa harap ni JC at saka inilabas ang nakatagong singsing sa bulsa niya. “Tinatanggap mo ba ang pagmamahal ko sa’yo?” tanong ulit ni Marco.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan muna ni JC saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. “Oo Marco!” sagot ni JC dito.
“I love you JC!” buong kagalakang wika ni Marco saka niyakap si JC at hinalikan sa noo.
“I love you too!” tanging sagot ni JC.
“Ayan, itong singsing na’to ang magpapaalala sa’yong pagmamay-ari na kita at dapat ipangalandakan mo iyan sa ibang tao para off-limits na sila sa’yo pag hindi tayo magkasama!” nakangiting sabi ni Marco habang isinusuot sa daliri ni JC ang singsing.
“Loko mo!” masayang-masaya at abot-taingang ngiti na tugon ni JC. “Bakit ako lang? Nasaan na iyong sa’yo?” tanong pa ni JC.
“Nakasuot na bago ka pa dumating!” nakangiting tugon ni Marco saka pinakita kay JC ang daliri nito.
“Daya naman!” angil ni JC kay Marco na ngayon ay katipan na niya.
“Advance lang pero hindi madaya!” tutol ni Marco.
“Loko mo!” kontra ni JC na walang mapagsidlan ang kaligayahang nasa puso niya.
Bakasyon, nahaba man ang bakasyon ngunit sa tingin ng dalawa ay maikli ito at masyadong mabilis para sa kanila. Lagi man silang magkasama ay hindi nila nararamdamang nagsasawa sila sa isa’t-isa. Kahit na nga ba katahimikan ang madalas na mamagitan sa kanila ay kakaibang ligya pa din ang hatid nito para sa puso nila. Para kay Marco, ang presensiya ng isang tahimik na JC ay higit pa ang kaligayahan na naibibigay kaysa maingay at makukulit niyang kabarkada. Ang pangiti-ngiti lang na Marco ay kakaibang saya na ang napupunan sa puso ni JC. Pasukan na at unang araw nila sa kolehiyo. Nakapasok si JC sa UP at palibahasa ay pasok sa Top50 UPCAT passers ay nagawa nitong makakuha ng scholarship at benefits mula sa unibersidad. Si Marco naman ay piniling sa kapit-bahay na unibersidad mag-aral para mabantayan lang si JC, ang plano ni Marco ay sa DLSU pumasok ng kolehiyo subalit ng malaman niyang UP nga si JC ay nag-ADMU siya para maging malapit lang sa kasintahan.
“Tagal mo naman?” simulang bati ni Marco kay JC na nalate dumating sa UP Chapel.
“Sorry ha, nag-extend kasi ung prof ko.” nakangiting paumanhin ni JC dito.
“Kung ganyan ba naman ka-cute ang magsosorry sinong hindi magpapatawad?” birong sagot ni Marco kay JC.
“Tara na uwi na tayo.” aya naman ni Marco kay JC.
“Kain muna tayo nagugutom na kasi ako eh.” sagot ni JC na may pakikiusap sa pinalambing na tinig nito.
“Saan mo gusto? Treat ko.” Saad ni Marco.
“Ano nga iyong tawag nila sa kainan d’yan?” tanong ni JC kay Marco. “Basta kung anuman tawag dun, dun tayo!” nakangiti at masayang aya at suhestiyon ni JC.
“Hindi ko din alam eh! Malalaman natin mamaya pagdating dun! Taxi na lang tayo para madali!” sabi pa ni Marco.
“Lakad na lang!” suhestiyon pa ni JC.
“Loko mo! Ano yun? Mag-aalay lakad tayo?” wika ni Marco saka binatukan si JC. “Sorry, wala kasi akong lisensiya kaya bawal maglabas ng kotse.” paumanhin pa ni Marco.
“Kahit lakarin natin pauwi, basta ikaw ang kasama ko ayos na sa akin iyon!” sagot ni JC habang hawak ang ulong hinampas ni Marco.
“Ang sweet sweet naman ng sugar ko!” turan ni Marco saka inakbayan si JC.
“Eeeew! Sugar!” reaksyon ni JC. “Wag mo nga akong itulad sa mga ex mo! Yuck ah! Sugar!”
“Sweet cake na lang kung ayaw mo ng sugar!” nakangiti at simpatikong turan ni Marco.
“Tigil ka nga! Ang baduy baduy!” angal pa ni JC.
“Bakit yung mga ex ko kinikilig pag tinatawag ko silang ganun!” reklamo at pagtataka ni Marco.
“Sila ‘yun, hindi ako!” tirada naman ni JC.
“Halikan kita d’yan eh!” sabi pa ni Marco.
“Hanggang salita ka lang naman eh!” kontra at pang-aasar ni JC.
“Ganun!” sabi ni Marco at walang pasintabing inangkin niya ang mga labi ni JC.
Nakakadala ang nagaganap. Hindi inaasahan ni JC na gagawin nga iyon ni Marco. Isa pa ay nasa pampublikong lugar sila para magkalakas ng loob si Marco na gawin ang ganuong bagay. Imbes na magalit ay tila nagugustuhan ni JC ang kung anuman ang nagaganap ngayon, sa pakiramdam niya ay labis siyang pinaligaya ni Marco dahil sa ginawa nito.
“Sorry!” putol ni Marco sa halik na iyon. “Sorry JC!” masuyo pa nitong sinabi saka hinawakan sa pisngi si JC.
“It’s alright!” sagot ni JC. “Tara na!” aya naman niya kay Marco.
Ngiti lang ang sinagot ni Marco at nauna na itong tumayo.
“I love you JC!” bulong ni Marco kay JC habang naglalakad sila.
“I love you too!” sagot naman ni JC.
Nagkatinginan pa ang dalawa saka napatawa sa pagtatama ng kanilang mga paningin.
No comments:
Post a Comment