Hello there!!!
Medyo mahaba ito guys! Pasensiya na
This my eight novel in progress. Sa mga nakabasa mula sa Mt. Romelo Nights, Kung Kaya Mo Ng Sabihing Mahal Mo Ako, The Martyr The Stupid and The Flirt, Task Force Enigma: Rovi Yuno and The Encounter with the Flirt, at sa mga sumusubaybay sa on-going na Task Force Enigma : Cody Unabia at sa frozen na One More Chance, ay inihahandog ko sa inyo ang isa ko pang obra-maestra. Ang Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie. Malaki po ang sentimental value ng story na ito sa akin, una, dahil pumayag si Ronnie na gawin ang story kahit semi-fiction ito. Ikalawa, pangatlong sabak ko ito sa genre na Romantic-Comedy. Ikatlo, Naririyan pa kayo at sumusubaybay sa mga gawa kong nobela. Nakakataba ng puso ang walang tigil ninyong suporta.
Kaya naman dahil diyan ay gusto kong batiin ang sarili ko ng HAPPY ANNIVERSARY as a writer sa blogging world. Dati kasi, MS Word, diskette, at typewriter lang ang gamit ko. Walang eksaherasyon po. Maraming salamat sa mga impluwensiya ko sa panulat. Hindi ko na sila papangalanan. Ay sige na nga, Anne Rice, Sandra Brown at Sidney Sheldon. Sa local ay si Gilda Olvidado, Helen Meriz at Loreta Baltazar at si Veronica Siasoco. :)
Ayan, naluluha na ako. Bumawi ako ng mga kalokohan dito. Sana masabayan ninyo. Maraming, maraming salamat sa mga sumusunod:
Zach na nagbukas ng aking interest sa Blogging world.
Jayson, my ever trusted admin and FRIEND.
Unbroken, Bx_35, Dhenxo, Alexander Cruz, Jai-jai Sabado at Migs. -you guys are my pillar of strength. Hindi niyo lang alam kung gaano ako kaswerte na nakilala ko kayo.
Mike Juha, for the friendship. IDOL din kita katulad din ng karamihan.
Gboi, Jerick, Ayhian, Cody and Rick, sa pagpayag ninyong gamitin ko ang mga pangalan ninyo sa aking mga nobela at darating pang stories.
Mat, Josh_Bryle, UnbreakableJ, Lupin35, Tweetybird, aR, ipe48, chinitoako, adik_ngarag, allen cayetano, aerbourne, Mico, Nelson, Ram van der woodsen, Bernardo Carpio, Vince Saavedra, Jeff, Kingpunisher, Ford Ieto, Roan, Mr. Brickwall, Rodgie (Haaahhh) at sa lahat ng aking 72 FOLLOWERS : Maraming Salamat sa pagsubaybay sa mga kwento ko. Some are active some are not. Pero ang importante, andiyan kayong lahat. Hindi ko man kayo kayang pangalanan lahat, huwag po sanang magdamdam ang iba. Babawi ako next time, Mahal ko kayong lahat. Dito galing. Sa puso ko. :)
Sa mga resident authors ko, Emray, Rovi, Jayson, Mike, Fences, Jai, Jubal, Bx at sa soulmate kong si Gabriel : ahihihi, love you all, you're the best guys!
Kearse, Earl, Russel, : salamat dahil kayo ang mga latest kong biktima sa panulat. ahihihi
To my parents: You did a wonderful job on creating someone as wonderful as me. CHAROT!
To the LORD ALMIGHTY, kung wala ka, wala ako. Mismo yun.
SA MGA ANAK KO sa Bi Out Loud, lagi lang naririto si Mama Dalisay. Love you all.
Chapter 1 (The Meeting)
2003 - SAN BARTOLOME UNIVERSITY
Namimigat na ang talukap ng mga mata Erwin Andrew Riogrande Lacsamana or Earl for short. Masyado siyang nahahabaan sa kanyang pangalan kaya nagdeklara siya na gamitin ang bawat unang letra ng kanyang given name. Wala naman na siyang magawa sa bagay na yun. Kesa pag pagtiyagaan niya ang nakakarinding Erwin Andrew na nakakapagpatayo ng balahibo niya ay ginamit na niya ang Earl bilang palayaw.
Anyways, enough of his name na kasinghaba ng Edsa. Iyon nga, namimigat ang talukap ng mata niya habang naroroon sa birthday party ng kanyang kaibigang si Freia. Isang baklitang nag-aambisyong maging sikat na theater artist. Magaling naman itong umarte, in fairness, pero hindi ito epektibo sa pagiging kontrabida dahil likas itong malambot. As in, parang whisper lang. Yung cottony pad. Kaloka.
Double-celebration iyon actually. Hindi lang birthday party kundi victory party na rin ng sucessful comedy-play ng mga ito na Dyosabog. Surprisingly, it was a big hit at walang estudyanteng hindi natawa sa napaka-kwelang palabas ng tropang teatro.
Pero ayun nga siya, nakapangalumbaba at naghihintay kung kailan siya itutumba ng antok. Nahihiya lang siya sa kaibigan kaya siya dumalo kahit pa tatlong araw na siyang walang tulog dahil sa walang patumanggang raket niya. Ang paggawa ng mga projects, reports, research, term-paper ng mga kapwa niya estudyante para suportahan ang pag-aaral.
Self-supporting kasi ang drama niya. Nakabukod siya sa kanyang inang may bago ng kinakasama dalawang taon pagkamatay ng kanyang ama. Solong anak siya kaya naman sarili lang niya ang maaasahan niya. Ang ibang kamag-anak nila, ayun, hindi na nakipag-usap sa kanila ng nanay niya ng makisama ito sa bagong nobyo. Tinabangan na yata ang mga ito sa kanyang ina, lalo na ang partidos ng ama.
Kung bakit naman siya nakabukod ay tanging siya lang ang nakaka-alam. Hindi niya sinabi sa nanay niya na ang step-father niya ay pinagtangkaan siyang galawin. Oo. Maniwala ka man o hindi. Oo. Ikaw na nagbabasa nito ngayon. Gaano man kataray o ka-pretentious pakinggan, iyon talaga ang totoong pangyayari. Walang kyeme.
Nang mangyari ang pagtatangkang iyon ay halos di rin niya mapaniwalaan. Siguro kasi, sobrang puti niya. Daig pa niya ang mayayaman sa natural na kakinisan ng kanyang kutis. Namana niya sa kanyang inang tisay. An kanya namang amain, siguro, likas na manyak kaya napagkamalan siyang babae ng minsang malasing ito.
Dinaanan niya ng tingin ang nagkakasiyahang mga estudyante ng kanilang paaralan sa malawak na bakuran na iyon nila Freia. Mayaman ang kaibigan niyang ito. Kumpara sa kanila ng isa pa nilang kaibigang si Jay na isang school-photographer ay masasabing mga dukha sila. Parehas kasi silang self-supporting student nito.
Maya-maya pa ay lalong tumindi ang antok niya. Aangat na sana siya mula sa pagkakaupo ng may pwersahang humila sa kanya pabalik sa upuan. Mumurahin na sana niya ito ng makilala niya ang may-ari ng talipandas na kamay na iyon.
"Ano ka ba Jay? Binigla mo akong shuta ka." naiinis niyang sabi.
"Sorry naman friend. Nakita kasi kitang halos lumaylay na ang tuka sa lamesang ito. Marami ka na bang nainom?" walang sinseridad na hinging-pauhamanhin nito.
"Hay naku. You know naman na I don't drink beer. It's bad for my health po di ba?" sarcastic niyang sabi.
"Well, walang masama kung i-iinom mo iyan. Baka mas maging payapa ang tulog mo. Ikaw naman kasi..."
Nasa himig ng kaibigan niya ang banayad na paninisi.
Alam nito ang mga raket niya. Minsan kasi eh pinapatulong niya lalo pa at hindi na niya kaya. Salamat sa kanyang segunda manong computer na ipinamana sa kanya ni Freia, nagagawa niya ang mga term-papers ng mga magugulang na estudyante.
Mali ang ginagawa niya at batid niya iyon. Para kasing tinuturuan niya na ang mga estudyanteng maging independent sa mga tulad niya at hindi na pag-aralang gumawa ng sariling proyekto.
Pero para sa katulad niyang hindi makakapag-aral ng husto kung hindi gagawin ang bagay na iyon, eh malaki ang pasasalamat niya sa mga tamad na students ng San Bartolome Uniersity. Dahil sa mga ito, naiibsan ang kanyang mga pangangailangan sa eskwela kahit sandali lang. Sa upa pa lang niya sa dorm na one thousand isang buwan, malaking tulong na rin ang mga kapwa estudyante na tinatamad gumawa ng research paper at kung anu-ano pang kailangan na ipasa sa mga professors at instructor nila.
"I know. I know. Pero alam mo naman na dito lang ako kumukuha ng pangsuporta ko sa sarili di ba?" sagot niya rito.
"Pero di mo kailangang maging haggard para tulungan ang sarili mo. Why not take a part-time job na talaga namang definite na kita? Legal pa. Mamaya niyan, may magsumbong pa ng ginagawa mo." puno ng concern na sabi ni Jay sa kanya.
Nakatuwaan niya itong tuksuhin. "Hindi naman siguro ikaw ang magsusumbong sa akin friend di ba?"
"Tse! Gawin pa raw ba akong primary suspect kung sakali?"
"Well, kung sakali lang naman di ba?" nakangisi niyang sabi.
"I hate you Earl!"
"And I love you friend."
"Yuck!" magkasabay pa nilang sambit.
Nauwi sa halakhakan ang eksenang iyon. Ganun silang magkakaibigan. Wala pa nga lang si Freia dahil feeling star of the night ito at papalit-palit ng damit na suot.
Ever supportive ang nanay nitong si Tita Tess. Pumanaw na rin kasi ang ama ni Freia or Fritzgerald Indizo Aragon. Kagaya niya, tsi-nop chop nito ang mga letra ng pangalan at gumawa ng sariling nickname.
Nagkakatuwaan pa rin silang magkaibigan ng lumabas ang birthday celebrant na naka-pink tube gown na serpentina style. Naka-wig pa ang loka at feeling debutante. Saka lang nila naalalang ngayon ang eighteenth birthday nito. Itinuloy nga ng hitad ang balak na mag-gown sa "debut" raw nito. Napailing na lang silang dalawa ni Jay.
Kumikinang ang ngiti ng kaibigan nilang si Freia habang naglalakad ito sa patio na may mga disenyong bulaklak. Mukhang pinaghandaan ng loka ang impromptu na debut celebration nito.
May kasama pa itong escort na sa di malamang kadahilanan ay nagpasikdo ng dibdib ni Earl. Kilala niya ang lalaki. Actually, kilala ng buong San Bartolome. Ang bad-boy ng SBU at frat leader na si Ronnie Alfonso.
Ang gwapo talaga nito. Na lalo pang mas pinatingkad ang ka-gwapuhan ng suot nitong tuxedo. Maayos man ang damit nitong suot ay contrast naman ang may kahabaan na nitong buhok na bahagyang nakatali sa likod.
Napa-roll eyes pa siya ng makitang humahagikgik na parang dalagang pilipina ang kaibigan nila habang naka-abrisyete sa napaka-gwapong nilalang na si Ronnie.
"Kaloka si friend. Hindi man lang nagpasabing itutuloy niya ang debut niya. Ambisyosang palaka talaga ang isang ito eh. Nakulimbat pa niya si Ronnie para escort-an siya." sabi niya kay Jay.
Natigilan siya ng hindi makakuha ng sagot mula rito. Usually, ito ang ka-tandem niya sa pamimintas sa mga tao sa paligid. Pero this time, tahimik ito. Nang lingunin niya ang kaibigan ay nakita niyang hindi maipinta ang mukha nito.
"Hey, what's wrong?" nag-aalalang sabi niya.
"Nothing. That good-for-nothing-son-of-a-bitch took my negatives. Wala tuloy akong naging hot scoop para sa school organ natin. Ang masama pa nito, i-ni-report niya ako sa student's affair for invasion of privacy!" gigil na sabi ni Jay.
Ngayon lang niya nakitang nagkakaganito ito kaya naman takang-taka siya. Gusto tuloy niyang malaman ang totoong istorya. "Paano naman nangyaring kinuha niya ang mga negatives mo at inireklamo ng invasion of privacy? Kinuhanan mo ba siya ng pictures?"
"Hindi." asar pa rin na sagot nito.
"Eh ano?"
"Kinuhaan ko ng pictures sila Monty at Orly habang naghahalikan sa may field."
Napasinghap siya. Kilala niya ang mga sinabi nitong pangalan. Si Monty ay ang sikat na theater actor/actress na naging boyfriend ang sikat na quarter-back ng SBU na si Orly Diamond. Naging ka-love triangle ng mga ito si Ronnie at talaga namang pinag-usapan ng buong sangkinabartolomehan ang love story ng mga ito.
Maski siya ay kinilig. Sobra-sobrang kilig. Kaya naman nagtataka siya ngayon kung bakit imbes na sila Orly or Monty ang mag-reklamo ay si Ronnie ang nagsuplong sa kaibigan niya sa student affairs.
Lalo tuloy siyang naintriga.
"Eh bakit si Ronnie ang nagsumbong sa'yo?"
Naiiritang tumingin ito sa kanya.
"Ewan ko sa kanya. Basta nakita ko na lang na nanduon na siya sa likod ko. Itinakbo niya ang camera ko at pinagbantaan akong ire-report agad sa council kaya natahimik ako. I tried to get it from him so many times pero mabilis magtago ang mokong. Nang matiyempuhan ko siyang dala ang camera ko ay kasama niya si Monty. Nang makuha ko ang camera, hinabol niya ako, tapos pagbalik namin, ayos na si Monty at Orly. Nang makita ko ang negatives, exposed na! Nakakairita ang lalaking iyan! Sana kainin siya ng lupa." mahabang salaysay ng galit na galit na kaibigan niya.
"O tama na. Lumalaki ang butas ng ilong mo. Baka masinghot mo ako." pagbibiro niya rito.
"Tse!" singhal nito.
Nagtinginan tuloy ang mga nasa harapan nila sa ginawa nito. Nag-peace sign lang siya habang si Jay ay tuloy lang sa pagsimangot. Kiber sa mga nakatinging estudyante sa kanila.
Nagsimula na ang emcee sa pagpapakilala sa birthday celebrant. Walang iba kundi si Dalisay. Ang presidente ng teatro. Isa rin ito sa mga kilalang bading ng SBU. Actually, forty pecent ng population ng San Bartolome University ay nabibilang sa third-sex.
Ipinakikilala na ni Dalisay ang may kaarawan na busyng-busy sa pagpapa-cute kay Ronnie.
Ronnie, on the other hand is somehow lonely. It reflected to his handsome face. Sayang at gloomy ang hitsura nito kaya naman medyo hindi nabigyan ng justice ang suot nitong tuxedo ngayon.
Pero kahit gloomy at lonely ito sa make-shift stage ay all-eyes pa rin ang mga bading at babae dito. Why? Dahil naman napaka-gwapo pa rin nito. Isa ito sa mga out na silahis or bisexual ng paaralan nila pero hindi iyon nakasira sa popularity nito. Bagkus, dumami ang nagkakainteres dito.
Pero may napansin ang mga tao kay Ronnie. After his so-called intervention sa pag-iibigan nila Orly at Monty ay parang naging bugnutin at mainitin ang ulo nito. Contrast na contrast naman sa pagkakaroon nito ng maraming karelasyon. Grumpy? and at the same time Flirt? What a weird combination.
Subalit ang tsismis ay huwag lang daw babanggitin ang pangalan nila Monty at Orly rito kundi ipapahiya ka nito. Ilan na raw ang nagtangkang gawin ang pagpapaalala ng mga pangalang iyon dito at lahat ay mga napahiya at umiiyak na umalis sa tabi ni Ronnie.
Tsk Tsk! Mukhang biter ang isang ito. Sambit niya sa isip.
"Again, ladies and gentlemen and those in between. I give you, our birthday celebrator tonight, Freia Aragon. A big round of applause please."
Nagpalakpakan ang mga tao ng talagang napakalakas, kabilang na sila. Masaya sialng pumapalakpak ng may magsalitang atribidang babae sa harapan nila.
"Celebrator? Paulit-ulit na lang yang baklitang iyan sa salitang iyan. Mali kaya iyon." saka ito humahagikgik na nakipag-apir pa sa katabi.
"Oo nga. makapag-english lang." at nag-apir na naman ang dalawa.
Pinagtaasan niya ng kilay ang dalawang ito at may kung anong eksenang pumasok sa utak niya at tumayo para kunin ang atensiyon ni Dalisay na siyang emcee.
"Excuse me, Miss Dalisay." kaway niya rito. Napatingin ang mga hitad sa kanya.
"Yes, my dear?" sagot ng host.
"Ito kasing dalawang ito, mali raw ang celebrator na salitang ginagamit mo. Please enlighten them." nakita niyang nagtaasan ang kilay ng dalawang babaeng froglet.
"Eh totoo naman eh." sabad ng isa. Mukhang gorillang hindi papatalo.
"Hayaan mo na sila dear." awat ni Dalisay sa kanya ng akmang magtataray na rin siya.
"What's your name dear?" tanong sa kanya ng host.
"Earl po."
"Drop the "po"." Anyways, salamat. At kayong dalawa, to enlighten your poor and little brains, the term “celebrant” should only be used for a priest who performs a religious ceremony. Either way, both words are similar and can be used interchangeably. They are synonymous with each other. Now, if you don't have any questions, kindly shut your mouth and let me do my job. Okay?" malumanay pero dama ang bawat bigat sa binitiwang salita ng emcee.
Napapahiyang nagyuko ng ulo ang mga tinamaan ng magaling at nagmamadaling pupunta raw kuno sa restroom.
Natatawang binalingan niya si Jay na hindi pa rin humuhupa ang inis.
"Ano ka ba friend? Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa dedbol yang isang iyan."
Nilingon siya nito.
"Iyon nga ang pakay ko eh. Ang mawala sa landas ko ang alaking iyan. Paki-
alamero siya."
gigil pa rin nitong sabi.
"Hay!"
"Anong "hay" ka diyan? Hindi mo ba ako susuportahan sa assasination plot ko
diyan sa damuhong iyan Earl?"
"Nakakaloka ka rin eh no?"
"Bahala ka na nga. Ako na lang ang gaganti sa mokong na iyan." sabi pa ni Jay.
"Ewan. Kung trip mong magpaka-serial killer sa isang iyan, bahala ka.
Ayokong dungisan ang kamay ko. Bagong cutics pa naman."
"Wala kang kwentang kaibigan!" sambit pa nito saka siya minartsahan paalis.
Dedma langsiya sa drama nito. Sanay na siya sa mga tantrums nito sa
buhay.
Nagkakasiyahan na ang mga nasa party. Salamat naman at walang pormal
na programa para sa gabing iyon. Lumapit siya kay Freia at ibinigay ang
regalo nito. Hindi na nito kasama si Ronnie.
"Happy Birthday friend." aniya saka halik sa pisngi nito.
"Thank you friend. Sana di ka na nag-abala." tukoy nito sa regalo niya.
Ipinalagay nito iyon sa isang nagdaan waiter sa lagayan ng mga regalo.
"Ikaw naman. Minsan lang yan kaya abusuhin mo na."
"Okay." kibit-balikat na sagot nito.
"Uy friend ang gwapo ng escort mo ah?" kinikilig na sabi niya.
"Ha? Huwag kang masyadong ma-excite friend. Parusa niya lang iyan for
punching Monty."
bulong nito sa kanya.
"Huh?" gulat na sabi niya.
"Oo. Kasi nung nag-away silang dalawa ni Orly, aksidenteng nasuntok niya si
Monty ng umawat ito."
"Grabe naman." aniyang naloloka sa nalaman.
"Oo nga eh. Pero huwag mong sasabihin na alam mo ang nangyari kung bakit
siya naging escort ko ha. Baka jombagin tayo pareho nun."
"My lips are sealed." aniyang isiniper pa ang bibig kunwari.
"Good. Nasaan pala si Jay."
Nalukot ang mukha niya.
"Ayun, nag-babalak na patayin si Ronnie. Ewan ko sa kanya."
"Ha? Nababaliw na ba siya?"
"Exactly my sentiments! Para siyang tanga kanina sa pagtingin kay Ronnie,
kung may palaso lang yung tingin niya, tumimbuwang na ang lolo mo dito
ora mismo."
"Kaloka talaga yang si jay no?"
"Sinabi mo pa. Hmp!"
"O siya, magpapalit lang ako ng dress."
"Na naman?" natatawang sabi niya.
"Ikaw na mag-debut."
Napaikot na lang ang mata niya sa sinabi nito. Sa halip na bumalik sa lamesa
ay kumuha siya ng siang cocktail drink at pumunta sa may bandang sulok ng
malawak na garden.
Napapangalahati na niya ang iniinom ng may makitang bulto ng tao sa likuran niya. Matatakutin pa naman siya kaya nagulat talaga siya.
"Ay may multo!" sigaw niya saka karipas ng takbo.
Pero ang tangkang paglayo ay natigil ng hawakan siya ng multo sa braso at hilahin pabalik. Itinaas niya ang kamay at tinangkang patamaan ito ng kopitang hawak pero pinigil iyon ng isang kamay ng "multo".
Nagsisigaw siya ng "Multo! Multo!" ng matigilan siya.
"Shut up, fag!"
Hindi siya mahahawakan at masisigawan ng ganito kung multo ito. Minsan talaga pahamak ang slow niyang utak.
Pero nagsisisigaw pa rin siya. Naalala ang ginawa ng amain sa kanya.
"Huwag po! Kuya Huwag po! Huwag po!" tili niya.
"Oh shit!"
Naiinis na sabi ng estranghero. Siguro dahil sa sobrang lakas ng tugtog kaya walang
makarinig sa sigaw niya. Pero sa kabila nun, tili pa rin siya.
"Ayaw mo talagang tumigil ha."
Iyon ang huling sinabi ng lalaking may hawak sa kanya bago niya naramdaman ang paghalik nito sa kanya. He enclosed his mouth with his. Shutting him up in an instant.
Nanlaki ang mga mata ni Earl sa nangyayari. Pero hindi siya makakilos. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Isa lamang iyong halik para mapatahimik siya and yet, he was so shocked. Parang may live wire na biglang idinikit sa kanya.
Gumalaw ang labi nito para sa isang malalim na apg-angkin. The stranger's moist lips made him quiver beneath the gentle contact. Nang mapagtantong nakikipaghalikan siya sa isang estranghero ay para siayng binuhusan ng malamig na tubig.
Itinulak niya ito.
At dahil doon, sa tulong na rin ng bahagyang liwanag ng buwan at ang iglap na pagtama ng ilaw dito ay nakilala niya ito. Napasinghap siya.
"R-ronnie?"
Natigilan ito.
And no one spoke for ages.
Itutuloy...
12 comments:
as usual napakagaling! :-) "Celebrator... celebrator... celebrator." Lol! naaaning nanaman ako. anyways napakagaling parin ng pagkakasulat at ang pagkakakonekta ng dalawang storya. :-D
sabihin mo na sakin ang dapat sasabihin mo noon! hmpft!
Ayos. Halik lagi ang nakakapagpatameme. Hahaha.
Winner!
- Russel
Super like talaga ang flirt series. :))
Galing ng pagkaka-connect ng story. Akala ko nung una epal lang yung photog, pero may significant na role pala siya sa next book. :))
Nice talaga. Congrats Mother D!
kitams? Expert lang makakagawa ng pag kaka connect ng mga stories! kaya maiintriga na basahin ang kabuuan ng story at ng iba pang stories!!!!! Isang pangalan lang makakagawa non!Isa ka tlagang DIAMOND..na kung san maraming camel hehehehehehehhe..........
...salamat sa txt kagabi.... tulog na kaya ako....
.....Lovelots....HoneyBun....
happy anniversary Mama! Your one in a million! Your my DIAMOND!!!!!! Keep writing!!! dahil hindi mo man aminin nakakapagbigay ka ng isang libong saya sa mga nagbabasa!!!
I AM REALLY PROUD na maging isang mong anak!!!!!!
Lovelots! Ur Son!....HoneyBun!
P.S.
Un mga camels...........................me nakasakay kaya dun na mga prinsesa! at mga belly dancers!
Bleeeeeeeeeeeeee!
....HoneyBun..........
d best :)
Celebrator/Celebrant - thanks for feeding my ignorance. Lol. Umpisa palang may pambitin na. :)
Belated happy blogging anniversary D.
-Mat
Salamat sa inyo Migs, Russel, Mat at sa isang Anonymous!
Siyempre sa aking ever supportive na anak na si HONEYBUN!!! Love you mga hijo!!!
Salamat pala kay FENCES! Miss na kita hijo... :)
I love reading this while munching milchschokolade. Oh I love sembreak!
Kayo din po ba gumawa ng kwento ng The R&B? Hehe, I'm sure palasagot na naman ang isip nung isa sa character ng kwento na'to. Matutuwa at iiyak na naman ata ako hehe.
Post a Comment