Thursday, March 10, 2011

Earl and the Grumpy Flirt named Ronnie - Chapter 2

Photobucket
Hi there pumpkins!!!

Natutuwa ako sa mga hindi nakalimot kina Monty at Orly. Kakilig-kilig nga naman iyon at magpasahangang-ngayon, ako man ay kinikilig pa rin. Ang tagal na nila. Kung may pera lang ang mga iyon, malamang nag-fly na ang magsing-irog sa mga bansang pwede silang magpakasal. Devoted and so much in love pa rin sila sa isa't-isa.

And now, sabi ko babawi ako sa ibang hindi ko nabanggit sa aking pasasalamat nung nakaraang araw. Salamat kay Russ (ayan hijo, huwag ng magtampo, makakalimutin lang si Mama D.), st sa hindi ko pa nababanggit, just let me know. :)

This is the second chapter. At katulad ng nauna, sana ma-enjoy niyo. Pray niyo rin po na ma-approve na ang libro naming pinaghirapan at pinag-isipan ng husto ng isa pang sumisikat na manunulat dito sa BOL na si Jubal Saltshaker. TRIVIA lang, matagal ng manunulat ang kapatid kong ito. Bagama't bago sa BOL ay may pundasyon na ang kanyang pagsusulat. At isa siya sa mga hinahangaan ko. Kasama ko rin siya sa isa pang on-line writing site under a different pen name. High-five sa atin Jubal! 

Enjoy Reading!


Chapter 2 (Kissing Cheat)

Hindi makapagsalita si Earl sa sobrang gulat ng makilala ang lalaking bigla na lang nanghalik sa kanya.

Correction! Hinalikan ka para patahimikin ka. singit ng isang bahagi ng isip niya.

"Okay fine, whatever!" di niya napigilang maibulalas.

"What?" kunot ang noo na tanong ni Ronnie.

"Ah.. ah- wala! Wala!" sigaw niya.

"Bakit ka naninigaw?" ganting sigaw nito.

Natameme siya.

Wala siyang maisip na sagot dito. Kung bakit kasi biglang nagrambulan ang tibok ng puso niya. parang dinaanan ng mga kabayo. Sinagupa ng buhawi at kung anu-ano pa para hindi maging normal ang tibok nito.

Sino ba naman ang mag-aakalang sa paghahanap niya ng katahimikan mula sa party na iyon ni Freia eh mauuwi siya sa pakikipaghalikan sa escort nito? Hindi normal yun di ba?

Ang alam lang niya, nagpunta siya doon para umiwas sa ingay. Malay ba niyang naroroon pala ang lalaking ito? Lalong kumabog ang dibdib niya ng limapit ito.

"Huwag kang lalapit." bakas sa boses niya ang pagkatakot dito.

Hindi yung klase ng takot na may gagawin itong masama sa kanya. In fact, its the other way around. Baka siya kasi ang may magawang hindi maganda dito. Baka mauwi sila sa X-Rated na eksena.

Asa!

Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang hindi magagandang isipin na pumapasok doon. Bakit ba ganito na lang ang epekto sa kanya ni Ronnie? Bakit siya nito hinalikan? Bakit naman siya nagpahalik dito? Ay ang gulo!

Nagulat na lang siya ng makitang nakalapit na ulit ito sa kanya. Mukhang ayaw gumana ng reflexes niya kapag nasa paligid ito. Nawawala ang self-control niya.

"Pwede na ba tayong mag-usap ng hindi nagsisigawan?" tanong ni Ronnie sa kanya.

"Ah? ah-eh... ano bang p-pag-uusapan natin?" Muntikan na niyang sampalin ang sarili sa pag-i-stammer niya. Syet!

"You seem to know me. Ilang beses mo ng sinabi ang pangalan ko. Samantalang hindi kita kilala." matiim ang tingin na sabi nito.

"Ako? Ay hindi, narinig ko lang ang pangalan mo sa paligid. Ikaw si Ronnie di ba? Iyon lang ang alam ko. Promise!" nakangiwi niyang sabi.

Alam niyang mukha na siyang tanga sa harap nito pero hindi siya aamin na kilala niya ang kumag. Ano siya, bale? Pagmumukhain niya lang na kasali sa mga hibang na hibang dito ang sarili niya. No way!

"Stop lying. Wala ring magagawa iyong maganda sa iyo."

"Huh? I'm not lying! I'm dying!" eksaherado niyang sabi.

"Huh? You're what?"

"Ah este, I'm dying to meet you. Ang gwapo mo pala, syet!" sabi nalang niya.

"Matagal ko ng alam iyan." tinatamad na sagot nito.

"Ah eh, ni-re-refresh ko lang."

"Ano pang alam mo sa akin?" hindi naniniwalang sabi ni Ronnie.

"Eh wala naman. Pangalan mo lang." pagkakaila niya.

"Are you sure?"

Nagtapang-tapangan siyang tumango. Hindi nagpatumpik-tumpik na sumagot pa siya. "Oo naman. Very sure!"

Humalukipkip ito. Diskumpiyado pa rin ang tingin sa kanya. Malikot pa rin ang mata niya at hindi makatitig dito. Ibinaba na lang niya ang basong wala ng laman na hawak niya mula pa kanina. Naiinis siya sa sarili dahil sa reaksiyon niya rito. Hindi naman makatarungan siguro na ganoon na lang ang reaksiyon niya sa isang ito. Samantalang mukhang cool lang si Ronnie habang nakatitig sa kanya.

Nanunuri. Nanunuot.

Hindi tuloy niya maiwasang panginigan ng laman. Iba ang kilabot na dulot ng tingin nito sa kanya. Wala siyang ideya kung paano nangyayari iyon. Ito na ba ang tinatawag na Fatal Attraction?

Napabugha siya ng hangin sa frustration. Nasa ganoon pa rin siyang pagmumuni-muni ng itaas nito ang mukha niya.

Natilihan si Earl. Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya. Nagsimulang maglandas ang mainit na bagay mula sa dibdib niya pababa sa kanyang tiyan. Pinagpapawisan siya kahit pa malamig ang gabi. Ilang beses siyang napalunok.

"Paanong hindi ako makapaniwalang nagustuhan ko ang halik mo kagaya ng hindi ko mapaniwalaang wala kang alam tungkol sa akin at sa buhay ko?"

Syet!!! Anong sinasabi nito?

"Ah... ah... eh... baka kasi my lips are sweet?"  Hala! Anong klaseng tanong iyon?

"Maybe. Maybe you're right."

Wala na siyang maapuhap na sasabihin ng bumabang muli ang labi nito patungo sa kanya. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Samantalang sa mga oras na ito ay hindi siya nito hawak sa kamay. Hindi siya nito pinipigilan.

In short, bakit feeling iya ay ayaw niyang tumakas? Samantalang kanina, ayaw niyang lumapit ito sa kanya.

"R-ronnie..."

Napigil ang anumang sasabihin niya sa muling paglalapat ng labi nila. It was a  soft kiss. Yet he shivered in delight. And it was as if they were floating. Wala siyang maramdamang lupang tinatapakan. Ganun ba talaga ang epekto ng halik nito sa kanya? And why in the world is Ronnie kissing him like that?

Inilapat niya ang kamay sa malapad na dibdib nito. Perhaps to push him. Pero walang ginawa ang talipandas niyang kamay. Kusa lang itong nanatili doon. And Earl was sure as hell that Ronnie's heartbeat and his were almost the same.

The kiss deepened. Hindi na ganun kasuyo. It was urging him to respond. To feel his need. His want. At lalong nagpatindi ng pagkalito niya ay ng hapitin ng isang kamay nito ang baywang niya para magkadaiti ng tuluyan ang mga katawan nila. And Earl was so shocked to realize one thing. Ronnie's aroused. At hindi iyon kayang pasubalian ng manipis na tela ng slacks nitong suot.

Natatarantang kumalas siya dito bago humihingal na nagsalita.

"R-ronnie!"

Nakamata lang ito sa kanya. Desire was still evident in his soulful eyes. Bagama't madilim, nakikita niya ang kislap ng mata nito sa mapusyaw na liwanag ng buwan. Ilang beses siyang napalunok. Posible bang isipin na mamaring magkaroon ng atraksiyon ang dalawang tao sa unang pagkikita? Hindi kapani-paniwala pero iyon ang tingin niya sa nangyayari.

"I- I, I have to go..." tarantang wika niya. Unable to think straight. Tinahak niya ang daan pabalik sa lamesa nila ng kaibigang si Jay. Naroroon na ito at masama pa rin ang timplada.

"Saan ka nanggaling?"

Nangangambang tumingin siya rito. Nag-aalalang baka makita nitong halos namamaga pa ang bibig niya sa pakikipaghalikan. Gosh! Never pa siyang nagkaroon ng ganoong engkwentro. Hindi si Ronnie ang first kiss niya, pero ito ang unang nagbigay sa kanya ng samu't-saring reaksiyon ng dahil lang sa isang halik.

"Ah.. eh.. diyan lang f-friend." nauutal niyang sagot.

Nangunot ang noo nito. Nahalata yata ang hindi niya magandang kalagayan.

"Are you okay, Earl?"

"Huh? Oo naman! I'm okay!" high-pitched niyang sabi.

Jay smirked. "Mukha nga. Soprano ka na naman eh."

Natatawang tinampal niya ito. "Ikaw talaga. Wala yun. Okay lang ako. Alam mo namang frustrated singer ako di ba?" pakengkoy niyang sabi. Hindi niya alam kung ito ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya. Either way, sana mag-work iyon para mapaniwalaan siya nito.

"Saan ka ba galing?" tanong ulit nito.

"Huh? Diyan lang. Nagbura ng kalawang."

"Ewan. Maganap ka ng kausap mo."

"Fine. Okay lang ako? Oo naman okay lang si ako." pakikipag-usap niya sa sarili.

Napatirik na lang ang mata ni Jay. Hustong nagbulanghit ito ng tawa na sasabayan niya sana ng may magsalita sa likuran niya.

Isang boses na kilalang-kilala niya.

"So you are friends with this low-life invader of privacy."

Napalingon siya dito ng wala sa oras. Si Jay naman ay tila agilang handa ng manila. Pero hindi niya gustong magkaroon ng eksena sa pagitan nito at ng kaibigan niya. Lalo pa sa party ng isa pa nilang kaibigan.

"And I didn't know na kilala mo ang walang kwentang camera-grabber na iyan!"

Oh my God! Anong nangyayari? 

Batid na niya ang gulong maaaring maganap kaya gumitna na siya. Actually, kanina pa niya napapagitnaan ang mga ito.

"Hey! Hey! Walang gulo please? Jay, wag muna ngayon, kung gusto mo siyang gantihan huwag dito. Mahiya tayo kay Freia. At ikaw, Ronnie..."

"What?" malamig na asik nito sa kanya.

"Ah... Please, escort ko di ba? Baka mapahiya sila Monty sa'yo."

Patay! Me and my big but beautiful mouth!

Dumilim ang mukha nito sa sinabi niya. Nagtaas baba ang adams apple nito. Mas gusto pa niya kanina na tahimik lang ito, hindi iyong ganitong tahimik nga pero parang yelo naman sa kalamigan ang titig sa kanya.

"R-ronnie..." halos utal-utal niyang sabi.

"Huwag mo siyang pansinin friend. Kung bitter siya, kasalanan niya yan." maanghang na sabi ni Jay.

"Jay please..." nanginginig na sa takot niyang sabi.

"Ewan! Magsama kayo!" nagwo-walk-out na sabi ulit nito!

Hinabol na lang niya ng tingin ang kaibigan niya. papaki-usapan na lang niya ito mamaya. Parang nakahinga siya ng maluwag ng umalis ang kaibigan pero parang hindi rin dahil naiwan siya sa malalamig na tingin ni Ronnie.

"Ah... Ronnie..."

"You know what? Last thing I need now was a kissing cheat. Ayoko ng sinungaling. Ayoko sa mangloloko." malamig nitong sabi pero dama niya ang bigat ng kalooban nito sa mga salitang iyon.

"R-ronnie..."

Tumalikod na ito at naiwan siyang tigagal.

What went wrong? Kanina lang magkahalikan sila ah? Bakit ngayon galit na ito sa kanya? Ang gulo! Rewind! Rewind!

Nanlulumong napaupo siya sa stool na katabi ng lamesa nila. Napapa-iling. Nagtatanong kung bakit ganun ang kinahinatnan ng mga pangyayari.

Pahamak talaga ang bibig niya kahit kailan!


KINABUKASAN...


Kagaya ng kagabi, mabigat pa rin ang mata ni Earl pagpasok niya sa SBU. Napuyat kasi siya sa pag-iisip sa tinamaan ng magaling na Ronnie na iyon. Walang makapasok na ibang eksena sa isip niya kundi ang nangyari sa pagitan nila lalo na yung intimate moments na pinagsaluhan nila. 

Naka-shades siyang pumasok. Alas-otso na nun. Irregular ang schedule niya bilang Nursing student.  Marami kasi siyang racket. At ang kalahati ng tuition niya ang binabayaran niya. Minsan, nauuwi pa iyon sa pangungutang kay Freia kapag inaabot ng malas. Buti na lang, his friend is more than willing to help.

Nasa pagmumuni-muni siya habang naglalakad papasok sa campus ng makaramdam siya na parang may matang nakamasid sa kanya.

Iginala niya ang paningin. Mali pala ang hinala niya. Mga mata pala!

Lahat ng mga estudyante sa campus ay nakatingin sa kanya. Hindi niya maunawaan kung bakit pero parang may hindi tama sa nangyayari. Yun bang feeling na everybody seem to know something at siya lang hindi nakaka-alam.

Nagpatuloy siya sa mabagal na paglalakad. taking all the time in the world. Alas-nueve pa naman ang pasok niya. maaga lang siyang pumasok dahil na rin sa bumabagabag sa isip.

Nasa kasarapan siya ng paglalakad ng may humarang sa kanyang daraanan. Napatitig siya dito sa loob ng kanyang shades.

Ang dalawang hitad from last night!

"Hello Earl!"

Napataas ang kilay niya sa malangising-demonyo na pagbati ng dalawang ito sa kanya.

"Hi?" Chummy ba tayo? idudugtong niya sana but he opted not to.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Nakakaka-irita ang ngising-aso ng isang mukhang orangutan na dinamitan. Naka-hanging blouse pa ito, malaki naman ang puson.

Feeling sexy ang bruha!

"Malamang! Ikaw ba naman ang may magandang eksena kagabi." nakakalokong sabi naman ni Miss Chimpanzee na mukhang sasali sa Touch The Color game. Makulay ang suot nito. As in. From toe to toe, este, head to toe.

Natigilan siya bagamat may ipinaskil na ngiti sa mga labi. Kinutuban siya agad.

"Hmm... ano bang sinasabi niyo girls?" kunwari ay tumingin pa siya sa relos to emphasize na sinasayang nito ang oras niya.

"Well, gusto ka lang namin i-congrats sa kissing scene niyo ni Ronnie kagabi." nakangisi si Miss Orangutan.

"Oo nga. Goodluck girl. Sana di ka ipahiya ni Ronnie." sabi naman ni Miss Chimpanzee.

Namutla siyang bigla. Pero hindi nawala ang ngiti. 

Naka-alis ng lahat ang dalawang bruha sa harap niya ng mag-sink in ang sinabi ng mga ito.

Gosh! Nakita sila ng mga ito na naghahalikan ni Ronnie!

Muli niyang inilibot ang paningin sa buong campus. Everybody is wearing a mischievous grin. Natatarantang tinahak niya ang building nila.

Great! Now everybody knows I made out with Ronnie last night. Thanks to those nasty bitches!

Nasa ganoon siyang estado ng may humagip sa isang braso niya. Dahilan para mapasubsob siya sa isang matigas na bagay. It was a hard chest of a man. As massive ar rock of Gibraltar. 

"And where do you think you're going?" anang may-ari ng dibdib.

Double shit!


Itutuloy...



6 comments:

Anonymous said...

waaaaa

mama kakabitin. pede tawagan mo na alng ako at ikwento mo nga over the phone ang mga mangyayari hahaha

-Kearse
aka Charity

DALISAY said...

Ambisyosa! ahahaha!!! talagang mauuna ka pa sa kanila. Salamat sa pagbabasa!

Earl of Dubai said...

wow mamaD, I really love this chapter nakakalurky..subrang kilig to the bones! hahaha c",)
habang nagbabasa feeling ko ako talaga si Earl & gusto ko ang mga scene na eto nakaka relate talaga ako kasi parang ganyan din ako nung college life ko! hehehe..
I cant wait for the next chapter so keep on writing friend..

Earl

DALISAY said...

@Earl, salamat kung ganoon. Naibalik ko kahit saglit ang damdamin mo nung college ka. :) Keep on reading!

Anonymous said...

May pakpak talaga ang balita. Hahaha. Nakakakilig ang kanilang halikan. Hehehe

DALISAY said...

Salamat Russel... Contain your kilig. Marami pa!