Tuesday, August 2, 2011

Songs We Used To Sing - Epilogue



Akda ni Jubal Leon Saltshaker



Hindi ko alam kung anong higit at mabuting bagay ang aking nagawa upang makuha kong lahat ang mga gusto ko sa buhay. Ilang dekada na rin kaming magkasama ni Viktor sa iisang bubong at patuloy na nabubuhay. Masayang magkapiling mula sa pangungulila namin sa isa’t-isa sa napakahabang panahon. Araw-araw akong umaasa noon na muli ko syang makikita at ang pagalala sa aming dalawa ang nagbibigay sa akin ng pagasa na balang araw ay magkikita kaming muli. Ngayon ay masasabi kong hindi talaga sya nawala sa aking piling, dahil hindi ko naisipang bumitaw hanggang sa kanyang pagdating. Lahat ng taong nakapalibot sa akin ay nabigyan na ng pagkakataon upang malaman ang aking tunay na pagkatao. Kung ano talaga ako. Nagalit man sila o nagbigay ng suporta para sa akin ay tinanggap ko ang mga ito ng lubos. Wala akong pinagsisihan. Ngunit hindi lingid sa akin na karamihan sa kanila ay nagbago ang tingin at pakikisama sa akin, kabilang na ang mga mahal ko sa buhay, ang aking mga naging kasintahan at halos lahat ng aking mga kaibigan. Ayos naman ang lahat sa akin ngunit nakalulungkot nga lamang isipin na nagbago ang kanilang pakikitungo, gayong totoong sarili ko na ang aking ihinaharap. Para bang kinalimutan na nilang ako ay narito, na alam kong hindi rin naman ako nagbago.

Inilahad ko lamang ng buo ang aking katauhan. Isang salitang para bang binigkas na katumbas ay ang paglalahad ng mga importante at personal na  kaganapan sa aking buhay. Kung ganito man ang kanilang reaksyon sa aking mga ginawa na tingin kong sa mata ng diyos ay tama, wala akong dapat na ikagalit dahil alam kong para sa akin din naman ang kanilang mga nararamdaman. At ni minsan ay hindi ko ito ituturing na kabayaran sa tinatawag ng iba na kasalanang ipupukol sa isang tao dahil lamang sa tingin ng karamihan na imoral ang kanyang mga ginagawa. At isa pa, alam ko sa aking sarili na wala akong ginawang mali. Kung mali man na mahalin higit pa sa aking sarili ang kapwa ko lalaki, hihilingin ko na lamang sa langit na agad na akong kunin dahil sa hindi ko mapipigilan ang aking damdamin na hindi ito magpatuloy. Sa mga pagkakataong ganito, mabilis maghusga ang isa kapag wala sila sa sitwasyon. Gaya ng mabilis na pagpapayo, kapag wala sayo ang problema. Lumaki akong ganito at ganito rin ako mamamatay.

Paanong ang isang bagay ay ginawa para lang sa wala? Dahil sa naniniwala akong walang nangyari sa mundo na walang halaga, kabuluhan o eksplenasyon. Lahat ay mayroong kapares at lahat ay mayroong kasagutan na alam kong pabor ang diyos. Minsan lamang tayo tatapak at mabubuhay sa daigdig na ito at wala ng oras pa para sa pagkukunwari. Yun ang aking ginawa at masaya ako dito.

Kasabay ang aking pagiging lesinsyadong nars, ay matagumpay akong muling nakatapos sa pagaaral at ngayon ay isa ng ganap na doktor. Ni minsan ay hindi ko naisip na masasayang ang lahat ng aking pinaghirapan kaya naman nagpatuloy lamang ako. Dahil ng oras na makamit ko ito ay alam ko na matutulungan ko na ng lubusan si Viktor. Ang pagdating ni Viktor sa aking buhay ang lalong nagdala sa akin upang abutin ang pangarap kong ito. Simula ng sya ay mawala, umaasa akong palaging nasa mabuti ang kanyang kalagayan. Ayoko mang isiping mayroong masamang nangyari sa kanya, ay hindi ko pa rin ito maiwasan dahil sa kawalan ko ng impormasyon. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. At pinanghahawakan ko ang aking sinabi na ako mismo ang tutulong sa kanyang kalagayan.

Gaya ng pinanghahawakan ko, alam kong balang araw ay magagawa rin akong patawarin ng aking Ama at ni Ele. Tahimik ang usapan namin ni Papa noon at natapos lamang sa pagsasabi nya ng ‘wala akong anak na ganyan, kaya makakaalis ka na.’ Simula rin noon ay hindi na ako kinibo ni Ele. Si Mama naman ay palihim na dumadalaw sa aking tirahan at tila ba wala pa ring nagbago kaya ayos pa rin naman ang lahat sa akin. At alam kong balang araw ay maayos din ang lahat. Isa na lang ang kulang.

Tumigil ang ikot ng aking mundo noon ng malaman kong wala na sya at hindi ko na makikita pa. Para akong namatay. Makasarili rin para sa akin na sabihing hindi na ako dapat nagpapatuloy pa. Pero nabali ang lahat ng ito ng muli ko syang makita. Naging maayos na ang lahat.
Ang aking buhay ng mawala sya ay tila ba isang orasan na patuloy na
tumigil sa kanyang kawalan. Paano gaganang muli ang isang bagay sa pagkawala ng bateryang mayroon lamang iisang piraso sa mundo?

At gaya ng aking sinabi, ay muling umikot ang takbo ng aking buhay ng oras na sya ay muli kong nasilayan.

Bigla kaming nagkatinginan mula sa aming kinatatayuan. Malayo kami sa isa’t-isa ngunit ng magtama ang aming mga paningin ay tila ba nagkadikit kaming bigla. Parang isang pares ng bagay na naiiba sa karamihan, isang kutsara at tinidor sa lupon ng mga kutsilyo. Pakiramdam ko na kami lamang ang nasa paligid at wala ng iba. Kami lamang ang mayroong kulay sa mundong kulay abo. Nagtitigan kami na wari ko ay tumagal ng ilang sandali. Tila ba tinitiyak namin sa isa’t-isa kung totoo ba ang aming mga nakikita. Tinitiyak na hindi ito isang panaginip. Ang umpisa ng simula. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, pakiramdam kong muli itong tumibok gaya ng sa isang kapapanganak pa lamang na sanggol sa unang tibok ng kanyang puso. Para bang muli akong isinilang. Hanggang sa tumulo na ang aking mga luha. Wala akong pakialam kung mayroong nakakakita sa akin. Sa amin. Nagliwanag din ang kanyang mga mata dulot ng luhang umaagos dito. Gusto ko syang yakapin sa harapan ng napakaraming tao ngunit hindi ko ito ginawa. Ako ang unang nagtungo sa kanyang direksyon hanggang sa mapansin kong kumikilos na rin sya upang lumapit sa akin. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay tinabihan ko ito at sumabay sa kanyang ginagawang paglakad.

Kung titingnan ay para kaming mga batang uuwi ng luhaan. Ngunit kami lamang ang makapagsasabing napakasaya ng aming nararamdaman ngayong muli naming natagpuan ang isa’t-isa. Walang gustong magsalita sa amin dahil na rin siguro sa alam na namin ang mga bagay na gusto naming sabihin. Tinanggal ko ang suot kong salamin at saka ito pinunasan bago ko pinagmasdan ang kanyang mukha na patuloy pa rin sa pagiyak. Umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit hindi nya ito pinawi. Dito ay inabot ko sa kanya ang aking panyo at marahan nya itong tinanggap at agad na inilapat sa kanyang mga mata. Dahan-dahan kong kinuha ang kanyang mga palad at hinawakan ito ng mahigpit. Tila ba nagulat ito sa aking ginawa at nagawa kong pawiin ang kanyang mga luha. Nangungusap ang kanyang mga mata na para bang nagtatanong. Alam ko ang kanyang nasa isipan at alam kong alam nya na napakarami ring tanong mula sa akin. Ang bawat tanong namin sa isa’t-isa tungkol sa mga oras na lumipas at nasayang ay agad na naburang lahat sa pagtatagpong ito. Ang mga pangakong binitiwan ng bawat-isa ay unti-unti ng matutupad.

Hindi nagpumiglas si Viktor at hinayaan lamang nito na magkahawak ang aming mga kamay. Kahit na ilang daang tao pa sa paligid ang masusing nakamasid sa amin ay wala na kaming pakialam, dahil mas mahalaga na kapiling namin ang isa’t-isa kaysa sa sasabihin ng iba. Alam kong marami pa kaming tatahaking landas at pagdaraanan sa buhay. Nang magkasama.

“Huwag ka ng umiyak ha? Nandito na ako.”

“Ikaw din.”

Sagot sa akin ni Viktor.

“Umiiyak ako, kasi masaya na ako. Hindi ko ito mai-ngingiti ng sobra, pero magagawa ko sa pagluha habang nakangiti.”

“Tayo na?”

“Palagi namang tayo.”

“Walang nabago.”

“Patuloy lang.”

Lalong humigpit ang pagkaka-kapit namin sa isa’t-isa.

“Habang buhay.”

“Mahal kita.”

“Mahal kita.”



                                 Wakas

8 comments:

Anonymous said...

Hmm..

SA SUSUNOD NGA MAGLALAGAY KAYO NG BILANG PARA HINDI AKO EWAN NA NANHUHULA KUNG ANO SUSUNOD.. EH ALAM KO LANG EH YUNG UNA AT WAKAS!!!

Pero pinili ko maging ewan at tanga na hulahan ang pagkasunod sunod dahil na challenge ako at gusto kong tinatapos ang binabasa ko.. Wag na sana maulit.. :p

Maganda yung kwento at hindi naman predictable.. Pakisabi sa author na salamat sa kwentong nabasa ko..

-lonely and blue..

Anonymous said...

lonely and blue, ang pagkakasunod-sunod ng mga chapter ay kumpleto sa CONTENTS tab if you bother CHECKING.

Dalisay-owner of the blog

Anonymous said...

Pero wala po kasing number at puro song titles ang nakasulat.. Nahirapan akong isa isahin kasi via ipod akong magbasa.. Pero nabasa ko siya in-order..

Galit ka ba..?

Sori..

-lonely and blue..

DALISAY said...

No. I just think that the first comment was out of line. Hindi mo nasa sinabi na nagmukha kang tanga kung nabasa mo naman ng maayos hindi ba? Anong punto para i-post ang nasabing komento? Iyon lang.

Anonymous said...

Pano ko ba sasabihin..

Ganito na lang..

Na-challenge ako kasi wala akong idea sa pagka sunud sunod ng bawat kwento kasi bukod sa mga title lang ng kanta ang nandun.. Random pa sila..

So it took me some time to wonder na anu kayasusunod.. Pero ikinatuwa ko naman yun..

It gives me guilt if someone is hurt or annoy base on my unintentional words.. Nakikibasa na nga lang ako.. Nanakit pa ako..

Again.. I'm sorry.. ^_^

-lonely and blue..

Anonymous said...

Just be careful with your words next time. Apology accepted.

Dalisay, owner of the blog

Anonymous said...

Ang mga writers ng blog na to ay nag bigay ng kanilang oras at talento upang makagawa ng mga kwento ng LIBRE, NAKAKATUWA at ang iba ay merong MGA LESSONS para sa ating mga readers.
NAKAKALUNGKOT LANG MABASA ang mga komento na uncalled for.. . .
.... HoneyBun...

Anonymous said...

READERS are here to read and APPRECIATE the stories! Though comments are all welcomed by the writers and owner of the blog! BUT ! PLEASE! Be careful of our comments!
.......HoneyBun......