Hello guys, kagaya ng pangako ko sa inyo noon. Ibang klaseng TFE ang kay Perse. Sana magustuhan ninyo. Lalo ka na Chii... ganoon din sa'yo Keng... :)
Chapter 2
TWO WEEKS LATER...
Pagpasok na pagpasok ni Perse sa loob ng Suyo Community Precint ay napailing siya dahil nakita kaagad niyang nakaupo sa harap ng kanyang mesa ang kapitbahay na si Mrs. Vicky Regpala. Halatang kanina pa siya nito hinihintay base sa inip na inip na ekspresyon sa mukha nito.
Isang linggo kasi ang nakararaan ng malaman nito ang pagiging bagong lipat na pulis niya sa bayang iyon ay hindi na siya nito tinantanan ng reklamo sa isang partikular na bagay. Ang bahay ng mga Barnes na siya rin niyang minamanmanan ng palihim.
May mga isandaang metro ang layo ng bahay ni Mrs. Regpala sa bahay na tinutukoy nito na hacienda na rin kung maituturing. Ang tinutuluyan naman niya ay isang apartment sampung metro ang layo sa bahay ng ginang.
Naging suki niya ito sa presinto sa pagrereklamo ng mga diumano ay mga ilegal na aktibidades sa napagiinitan nitong bahay ng araw na malaman nitong isa siyang pulis. Hindi niya alam kung ikatutuwa niya o ikaiinis ang ginagawa ng ginang kundi lang sa sikretong misyon niya. At least may maipantatakip siyang tao, iyon nga lang inosente ito at marami-rami na rin ang natatanggap niyang reklamo ukol sa ginagawa nitong pagmamanman sa mga kapitbahay.
Napaungol siya ng bahagya sa buena-manong sakit ng ulo na kakaharapin niya.
"Good morning po, Mrs. Regpala," bati niya rito nang makarating sa kanyang mesa. Nanatili siyang nakatayo.
"Perse, bakit hindi niyo naman ina-aksiyunan ang reklamo ko sa kapitbahay natin? Sobrang dami na nang ipina-file kong complaints. Bakit ganoon? Puro addict na nga sa lugar natin pero wala naman kayong ginagawa. Lalo na ikaw at naturingang pulis ka!" Hysterical kaagad na banat ng ginang sa kanya.
Pinigilan niyang mapa-ikot ang mata sa inis. "Sandali lang po, Misis... Ano po ba ang reklamo ninyo this time?"
"May mga dumating na kotse at van. Mga lima yata. Basta, marami! Pagkatapos, nagsimula agad ang party. Sure ako, may drugs sa loob ng bahay na iyon. Panay ang tawag ko sa presinto at sa apartment mo pero walang sumasagot. Pati sa barangay. Ano bang pinaggagagawa ninyong mga alagad ng batas kayo?"
Naningkit ang mata ni Perse sa narinig pero wala siyang panahong patulan ang makulit na matandang ito. Ayaw man niyang kinukwestiyon siya ay isang importanteng lead pa rin ang nakuha niya. Ganunpaman, "Mrs. Regpala, ma'am..." huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Nasa operation din po kami nang mga oras na iyon. Iilan lang po kaming pulis ang naririto. At saka ilang beses na po ba naming sinabi sa inyo na private party ang nagaganap na kasiyahan sa loob ng property ng mga Barnes. Malayo po ang mansiyon nila sa main road, wala pong nakakarinig at wala naman pong complaints ng public disturbance mula sa mga kalapit na hacienda.
Ipininag-diinan na niya ang salitang "hacienda" para ma-realize ng kausap kung gaano kalaking lupain ang pinag-uusapan nila bago makarating ang ingay na sinasabi nito laban sa kapitbahay.
"Nakita ko sila!" pagpipilit nito.
"Papaano po ba ninyo nakikita ang mga kaganapan sa loob?" saka lang siya naupo at hinarap ng lubusan ang may-edad na babae.
Umilap ang mga mata nito. "Ah basta, nakita ko sila!" paiwas na sagot nito katulad din ng mga nakaraang sagot nito kapag tinatanong nila.
Napailing na lang siya. Hindi na siya nagtanong pa at hahaba lang ang usapan. Isinulat na lang niya sa isang log book ang sinabi nito kagaya ng dati. Mismong ang asawa na nga nito ang humingi ng dispensa sa kanila ng huli itong magpunta sa istasyon para ireklamo ang bahay ng mga Barnes. Nagresulta kasi iyon mula sa paninilip ng ginang gamit ang binoculars na binili pa nito sa Europa para gamitin sa paniniktik ng mga kapitbahay.
Napakarami nang harassment complaints ang natatanggap ng istasyon nila mula mismo sa mga kapitbahay ng mga Regpala. Wala pa kasi siya doon ay sobra ng pangungulit ang ginagawa nito sa mga pulis. Hindi na rin siya nagtaka kung paano nito nalamang alagad siya ng batas. Kung hindi nga lang siguro matanda na ang ginang ay malamang na kalaboso na ito sa patung-patong na demandang matatanggap mula sa pamboboso ng mga pangyayari sa buhay ng mga kapitbahay nito.
"Hindi po pwedeng basta na lamang kaming sumugod doon at mag-conduct ng raid. Lalo pa at kapag tinatanong namin kayo eh 'basta' lang ang isinasagot ninyo. Ang mabuti pa ho, umuwi na kayo at magpahinga. Aba'y ang laki na ng eyebags ninyo kakapuyat."
"Ano bang klaseng pulisya ito? Palagi mo na lang akong pinapauwi pero di mo naman inaaksiyunan ang mga inirereklamo ko. Kapitbahay pa naman kita!" mataas ang tinig na sabi ng ginang pero di naman tumatayo.
"Naitawag na iyan sa kanila, 'tol. Susunduin na raw ng anak," bulong ng isang kasamahan niyang dumaan sa likuran niya.
"Madam, kumalma lang po kayo." Tiningnan niya ang mga report na tatapusin ng araw na iyon. "Kahit pa ho may complaints kayo ay di kami pwedeng basta na lang pumasok doon dahil private property po ang hacienda. Madedemanda ho kami ng trespassing. Kayo po ba, gusto ninyong basta na lang may pumapasok na mga pulis sa bahay ninyo habang may party?"
"Siyempre hindi. Alam naman kasi ng lahat na wala rito ang magulang ni Keng kaya palaging maraming tao sa bahay nila," tukoy nito sa anak ng may-ari ng bahay. "Pupusta akong puro adik ang mga kasama ng tomboy na yun."
"Mahirap po ang ganyan na nambibintang tayo agad-agad, Misis, lalo at wala kayong ebidensiya. Pwede ho kayong makasuhan ng slander at oral defamation. Saka, nakalalagpas ho sila sa checkpoint ng bayan natin kaya siguradong wala silang dalang droga.Mahirap ho talaga ang hinihiling ninyo sa amin." Naiinis na siya sa paulit-ulit na sinasabi. Para na siyang sirang-plaka.
"Mommy!"
Napatingin silang lahat sa pintuan nang nagmamadaling pumasok ang babaeng anak ni Mrs. Regpala. Napa-roll eyes na talaga siya ng makita ang suot nitong spaghetti-strap na eksaherado ang plunging neckline na tinernuhan ng sobrang-hapit na mini-skirt at mataas na sandalyas.
Maganda sana ito kundi lang masyadong obvious ang pagpapa-cute sa kanya.
"O, Patrice, hija. Mabuti at naririto ka. Sabihin mo nga sa kanila kung ano yung mga nakita ko kagabi."
Biglang nag-blush ang babae. obvious na hiyang-hiya sa self-incriminating words ng ina. "Halika na, ipinapasudo ka na nila Daddy. Pupuntahan daw natin yung kapatid mo sa Batangas. Kasama raw yung kumare mong Melanie."
"Talaga?" namimilog ang matang sabi nito. "Hmp! Sige na nga. Makaalis na nga lang rito sa lugar na pulos adik naman ang nakatira, tapos ayaw hulihin."
Nahihiyang sumulyap sa kanya si Patrice. Nginitian niya ito na hindi niya madalas gawin, pero dahil sa kanyang misyon, kailangan niyang magpanggap. Nang tingnan niya si Mrs. Regpala ay inirapan lang siya nito. Napailing na lang siya sa inasal ng ginang. Umalis na lang ito at sumama sa anak ng walang paalam. Bumalik naman agad si Patrice sa mesa niya. Pinigil niya ang pagtaas ng kilay ng yumuko ito paharap sa kanya, exposing her cleavage in front of him.
"Sorry sa inasal ni Mommy, ha Perse. Ikaw na ang bahalang magpasensiya," ani Patrice sa malambing na tono.
Hinawakan pa nito ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at pinaglaruan iyon. Her smooth fingers were giving his palm flirty circular motions. Kung nagkataong silang dalawa lang, malamang patulan niya ito. Ngumiti siya bago disimuladong binawi ang kamay.
"Kung pwede lang Patrice, itago niyo na ang binoculars niya," sabi niya rito. "Kung hindi kasi ay mapipilitan kaming damputin siya. Kahapon lang ay dalawang reklamo na ang natanggap namin laban sa mommy mo. Ayoko naman gawin sa kanya iyon hangga't maaari pero wala kaming magagawa kapag sumobra na siyang talaga."
Sa gulat niya ay naupo ito sa lamesa niya. "Oh Perse, ang bait-bait mo talaga!" anito sabay kabig sa ulo niya dahilan para masubsob siya sa mayamang dibdib nito. "Agad siyang kumalas sa babae dahil sa hiya niya sa mga nakatinging kasamahan.
"Anak ng teteng... huwag mo na ulit gagawin iyon, Patrice. Kababae mong tao. Nasaan ang propriety mo?" galit-galitan niyang sabi kahit pa nag-enjoy siya.
Ngumiti lang ang bruha. "Ikaw talaga. Ang cute-cute mo kapag nagsisinungaling ka," sabay pisil sa pisngi niya. "Aalis na ako. Ayaw mo bang sumama?" malagkit ang tingin na ibinibigay nito sa kanya.
Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan. "Ah... next time na lang. Maraming trabaho oh." inangat pa niya ang mga folder sa lamesa.
Lumarawan ang disappointment sa magandang mukha ni Patrice pero agad iyong napalitan ng marinig ang sunod niyang sinabi.
"Pasalubungan mo na lang ako ng kahit ano."
"Really. Pwede na ba ang mga halik ko. Gusto mo magbaon ka pa?" malanding sabi nito na ikinasamid niya. Buti na lang wala siyang iniinom kung nagkaton ay napasukan pa siya sa ilong.
"B-bahala ka!"
"Yes!" Sigaw nito sabay mabilis na ginawaran siya ng halik sa kanyang labi. Hinayaan lang niya ito dahilan para maghiyawan ang mga kasamahan niya.
Agad din niyang pinutol ang halik na hindi naman niya tinugon saka inilayo ang babae sa kanya. "Tama na. Mahuhuli na kayo ng mommy mo."
Parang kiti-kiting biglang nawala ang babae sa harap niya dahil sa kanyang sinabi. Pero bago iyon, nag-iwan pa ito ng malanding kindat sa kanya. Napailing na lang siya.
Pagkaalis ng babae ay umulan ng nilamukos na papel sa lamesa niya na siya ang puntirya. Natatawang inilagan niya iyon isa-isa saka nagpatuloy ng trabaho ng matapos ang tuksuhan.
Sa loob-loob ni Perse, kailangan niyang matapos ang misyon para makaalis na siya sa environment na bumabago sa sistema niya.
Pinag-aralan niya ng maigi ang mga nakalap na impormasyon. Kailangan niyang malagyan ng surveillance camera at transmitter ang loob ng bakuran ng mga Barnes. Si Keng Barnes ay isang tomboy na pinalalayaw ng mayayamang magulang sa bayan na iyon ng Suyo. Ilang kilometro lang ay ang hacienda na nila Alexander ang makikita mo paglampas mo sa mga Barnes. Hindi pa siya nagpupunta doon. Walang rason. At hindi hinihingi ng pagkakataon.
Kinuha niya ang unang file sa mga nakasalnsan sa lamesa niya at binasa. Files iyon ng nakpalitan niya. Inilingid sa lahat ang totoong posisyon niya. Naging 'demoted' siya sa PO3. Nirebisa niya ang mga petty cases na hawak niya at tanghali na siya natapos.
Nag-isip siya ng paraan kung paano makaka-penetrate sa lugar ng mga Barnes ng walang nakaka-alam. Inisip niyang pwede niyang gamitin ang mga ibinigay na device ni Jerick, ngunit sa gabi lang siya pwedeng kumilos ng hindi nakikita. Kailangan niyang ikutan ang paligid ng bahay ni Keng Barnes para makasiguro.
Natigil ang malalim niyang pag-iisip ng bulabugin siya ng kanyang partner na si Raymond Funclara. Binata. Beinte y nueve anyos na ito at tubong Tagudin. Pamilya ito ng pulis at sinadyang doon magpadestino sa Bayan ng Suyo.
Unang tingin pa lang niya rito ay alam na niyang 'kalahi' niya ito. Magaling din pumorma at lalaking-lalaki ang kilos. Iyon nga lang, nahuhuli niya minsan ang mga palihim na sulyap nito sa kanya kaya di na siya nagtataka. Binabale-wala lang niya ang mga simpleng hawak at tingin nito hindi dahil ayaw niyang mahalata kundi ayaw niyang magpaliwanag ng magpaliwanag kaninoman.
Kapag kasi naumpisahan na niyang sabihin dito sa parehas silang silahis ay malamang na masabi rin niya na nagpapanggap lang siyang nagpadestino doon. Ayaw niya ng maraming usapan kaya nga kino-congratulate niya ang tolerance niya kay Mrs. Regpala.
"Saan tayo iikot 'tol?" tanong ni Raymond.
"Dito na lang din sa downtown. Wala namang report sa ibang lugar. Mabuti naman."
"Ikutan kaya natin yung bahay ni Barnes? Naintriga ako sa sumbong ng matandang Regpala." suhestiyon nito.
Napangiti siya. "Maganda yan. Gusto ko yan."
Inikot na nito ang mobile sa pupuntahang lugar.
"By the way, 'tol. Pauwi ang best friend kong si Emmanuel. Toma tayo sa bahay. Maraming dalang alak yun. Gusto mo magsama ka ng chicks mo."
Natawa siya sa labas sa ilong na pag-iimbita nito ng mga 'chicks' daw niya. One of the things na sinanay sa kanila sa Task Force Enigma ay ang mag-observe na maiigi. Mula sa kilos. Pananalita at ugali. Kailangang i-program ang utak nila sa mga ganoong bagay at tandaan ang lahat ng impormasyong iyon.
Umiling siya.
"Hindi ako tumutoma 'tol."
Nakita niya ang saglit na pagsimangot nito mula sa peripheral vision niya. "Okay." ani Raymond nang lumampas na sila sa mataong vicinity na kinaroroonan ng tahanan ng mga Regpala. Tinumbok nila ang malawak na kalsadang kanugnog ng hacienda ng mga Barnes. Maisan ang gilid nun at nasa likod ng mga kabahayan. Kung inaabot iyon ng binoculars na gamit ni Mrs. Regpala ay tiyak na very powerful ang lente ng binoculars nito.
"Ihinto mo diyan sa gilid," aniya nang makarating sila sa gita ng kalsada.
"Paano, tatayo lang tayo rito?" takang tanong ni Raymond.
"Hindi. Iikutan natin yung gilid tapos babalik din agad tayo. Malapit nang mag-uwian ang mga nasa elementary school. Matyagan natin at baka magpakita yung itim na van na nangunguha raw ng bata."
Napapalatak ito. Halatang na-excite sa stake-out na gagawin nila.
"Mabuti talaga at ikaw ang kapartner ko. Nasasabak ako sa aksiyon ng dahil sa'yo eh."
Sa ibang pagkakataon ay mapapangiti siya sa sinabi nito dahil sa double-meaning na pahayag nito. Lumigid sila sa pilapil sa tabi ng bakod ng mga Barnes. Mataas ang bakod at pagkatapos nun ay mga mais na naman ang nakikita nila. Wala naman silang nakikitang anomalya.
"Kumaliwa tayo 'tol. Highway na ang tumbok nito eh." sabi ni Raymond.
"Sige."
Bumalik na sila sa sasakyan pagkatapos magmanman ng ilang minuto. Patanaw-tanaw rin siya sa bahay ng mga Barnes.
"Sobrang taas ng bakod 'tol. Ni hindi nga natin makita ang bahay." ani Raymond.
"Oo nga eh."
Pagdating sa sasakyan ay tinumbok nila ang daan pakaliwa sa tinambayang main road. Rough road ang daan doon sa highway.
"Hindi naman palalabas ng bahay iyang si Keng eh. Yun nga lang, sa gabi madalas ma-spot-an ang sasakyan niyan sa mga establishment sa bayan. Baka nga may drugs sila sa party, pero hindi tayo pwedeng basta-basta kumilos." imporma sa kanya ng kasama.
"Kung di natin gagawin ang pag-iikot na ito kahit minsan, hindi tayo tatantanan ni Mrs. Regpala." natatawang sabi niya.
"Oo nga ano?"
Nagktawanan sila sa sinabi nito.
Paliko na sila sa isang walang taong kurba ng malapit sa bahay ng mga Barnes nang biglang napa-preno si Raymond. Nanlaki ang mga mata niya sa nakitang babaeng tumatakbo papalapit sa kanila. Hindi na tuloy niya inalintana ang biglaang pagkasubsob sa dashboard. Di naman siya nasaktan.
Mabilis silang bumaba ng sasakyan habang ang atensiyon ay nasa babae. Madungis ito at tila wala sa sarili. Kumakaway ito sa kanila at punit-punit ang damit nito. Huminto ang babae at bumagsak sa lupa. Mabilis siyang tumakbo para lapitan sana ang babae ng maalarma siya sa sunod-sunod na putok ng baril. Mabilis siyang nag-dive sa lupa.
Alerto siyang gumulong papunta sa maisan. Hindi kasi niya alam kung saan nanggaling ang putok at kung sino ang target. Sinilip niya ang babae ng makapagtago siya. Hindi ito tumitinag sa kinalulugmukan.
Napamura siya.
Ano'ng nangyayari? piping sigaw niya sa biglaang kaguluhan na nangyayari.
Itutuloy...
7 comments:
Adik ka Yasi! Bwahahahahah! Nanay ako ni Patrice? Cheeeeeeeeveeeeeeer! :))
Salamat Dyo Chii!!! Bwahahahahaha!!!
wowww, panagatlo na po ito sa task force enigma? nabasa ko yung 2, nice work,,,,
ang intense!!
andaming action scenes!
mas nakaaaliw nga ang 'Ibang klaseng TFE' :D
Thanks Jackcolin21 and silhouette for reading! :)
hehehhe.. TF nanaman...
Nice start...
Dko pa mashado maconnect ang mga stories at mga characters... hehehe
ung connection ni ahyian at alex?... ehhehe
susubaybayan ko to..
-mars
@Mars: Salamat. Tutok lang sa story ni Perse at Alex
Post a Comment