Monday, August 8, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 2)

Ito na po agad ang part 2 ng story ko po.. leave po kau ng comments for me to know what you think about it.. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Normal nanaman ang buhay para sakin sa buhay high school ko.. Mas dumami na rin ang kaibigan ko at naging napakalaki ng aming samahan. Mahigit kami sa kinse na naging magkakatropa. Isa na dun sila Art at Ben. Kasalukuyan n rin may girlfriend si Ben, si Leah Santillan. Maganda rin sya at simpleng babae. Naka brace ito at talagang magaling makisama kahit pa karamihan samin ay mga lalake.  Higit sa 10 ang  lalake at 5 naman ang babae, kabilang na sila Emily, at Leah. Dahil dito ay nakalimutan ko na ng tuluyan si Grace at ika nga, naka move on na. Halos magkakalahating taon na pala akong nasa highschool. At naging Masaya tlga ako. Di ko alam na totoo palang masaya dito.

            Uwian na ng isang hapon habang naglalakad ako palabas ng school ay nakita ko nanaman ang lalaking dungaw ng dungaw sa classroom namin. Napansin ko na parang iba ata ang ichura nya ngaun. Di ko alam kung humaba ba buhok nya, o bat parang iba. Basta iba. “Wirdo nmn nito”, nsabi ko nlng.

Nang malapit na ko sa sakayan ng jeep pauwi samin ay nakita ko nanaman ang lalakeng pamilyar sa aking mukha at talagang nagtaka dahil nakita ko pa sya sa loob ng school. At hala, yun nanaman ung ichura nya uli! Sobrang laki talaga ng aking pagtataka. “Totekk, ano to! Wirdong tao tlga!” Nang mapansin nya ako ay lumapit sya sakin.

            “Pre, ako nga pala si Philip Sanchez. Pwede ka ba makausap sandali?”, sinabi nya ng may halong pagmamakaawa. Bigla ko naalala yung natext sakin na number lang at naalala kong Philip din pala ung nagtxt sakin. Sya na nga kaya yun? Total, wala nmn akong gagawin at hindi rin naman ako nagmamadali ay pumayag ako. Pumunta kami sa may Mcdo na malapit sa school at bumili ng pagkain. At dun narin kami nagusap.

            “Tol, ako nga pla si Jerry. Kumakain na tayo, ni di pa nga ko nagpapakilala sayo.”, natatawa kong sinabi habang inabot ko ang aking kamay. Agad nyang inabot at kinamayan ako sabay sabing, “Oo, kilala kita pre. Kaibigan mo si Emily diba?” Bigla kong naalala na nakita ko sya sa loob ng school tapos ay nakita ko sya sa malapit sa sakayan ng jeep. Di na talaga ako makapagpigil at atat kong tinanong at sinabi sakanya ang nakita ko.”Pre, nagtataka lan ako kasi kanina nakita kita sa loob ng school tapos nung naglakad na ko sa sakyan ng jeep, nakita nanaman kita. Stalker ka ba? Ahahahahaha!!” , atat na pagtatanong ko.

Nagulat ako ng bigla syang halos mabilaukan at tumatawa ng sinabi nya saking, “Hahahahahaha, patawa ka tol. Hindi ako yun. Kambal ko yun. Si James. Identical twins kami at ang pagkakaiba lang naming halos ay sa mata.” Bigla akong natawa at sinabing, “Ayun!! Kaya pala! Laki tlga ng pagtataka ko kanina ee! Kaya pala napansin kong may iba sa ichura! Kambal naman pala! Hahahahahaha!” Sabay kaming natawa ng bigla syang magiing seryoso.

“Jerry, may papakiusapan kasi sana ako sayo. Ako ung ex bf ni Emily. Nagkahiwalay na kasi kami. Tulungan mo naman akong magka ayos kami ulit. Alam kong close kayo kaya sayo ako humingi ng tulong. Tinext kita noon dahil hiningi ko ang number mo sa mga kaklase mo.” Habang nagsasalita sya ay doon ko lang talaga napagmasdan ang kabuuan ng mukha nya. Ang gwapo pala nya! Deep set ang mga mata at sobrang nakakabighani, napakatangos ng ilong, makinis ang mukha, ang ganda pa ng labi!! At! Ang ganda ng ipin nya! Ang puti! Nawala nlng ang pagtitig ko sakanya ng sinabi nyang, “Huy, pre. Matutulungan mo ba ko?” para akong bglang natauhan. “Hah? Ah, oo.. cge”, tanging tugon ko na lamang.

            Simula ng nagkausap kami ni Phil ay unti unti kami naging close. Doon ko nalaman na varsity pala siya at ang dami dami dami plang nagkakagusto sakanyang mga babae. Nalaman ko ito dahil ang dami nagpapansin sakanya na mga babae at naririnig ko sa mga kaklase kong babae. Magaling din sya sa arts at sa pagdrawing. Agad naman kaming nagkapalagayan ng loob at tuluyang naging magkaibigan. Ngunit sa mga kaibigan ko ay isa lamang ang hindi nya gaano makasundo…. Si Art! Si art na varsity din ng aming skwelahan. Dahil sa pagiging half American nya ay maputi sya, matangkad at brown eyes. Napakatangos din ng ilong at masasabi mong marami ding nabibighaning mga babae. Ewan ko ba pero ang init ng dugo ni Art kay Philip. Pero di ko na gaano pinansin. Sadya talagang may mga taong di magkasundo. You cant please everybody nga naman! So, pinabayaan ko silang dalawa ngunit sinigurong di nagtatagpo ang landas nila.

            Agad-agad ko nmn sinakatuparan ang misyon ko kay Philip. Ang pag ayusin sila ni Emily. Nakita ko naman kasing maganda ang impluwensya ni Philip kay Emily dahil gumaganda at tumataas ang grades nito.Ngunit kay Emily ko mismo nalaman na ayaw niya na talaga. Dahil iba na ang gusto nya. Si Mark Lacsamana. Ang isa sa mga gwapong si mark. Isa siyang taekwondo player ng school at lageng gold medallist sa mga paligsahan na kanyang sinasalihan. Maganda ang postura at lalaking lalaki ang ichura. Kamukha nito si Gabby Concepcion na mejo Mark Herras.  Ito na daw ang lalaking nagugustuhan ni Emily. Maigi kong kinausap si Emily tungkol dito dahil napansin ko simula ng magkahiwalay sila ni Philip ay unti unti rin ang pagbaba ng grades nya. Hindi na rin sya nakakapag pasa ng projects on time. Sinabihan ko nalang sya na sana wag nya pabayaan ang kanyang pag-aaral kahit na may boyfriend sya. Sabi ko rin sakanya na pagkailangan naman nya ng tulong ko e itxt lang nya ko. Agad din syang nagpasalamat sa pag intindi saknya.


                        “Pre, salamat sa tulong mo ha. Alam ko naman sinubukan mo, kaso mukhang di na tlga ako mahal ni Emily.”, bigla nyang sinabi habang kasama ko sya naglalakad papuntang school.

“Sus! Ala yun tropa! Pasensya ka na rin, wala tlga magawa ee! Dibale, makakalimutan mo din yan, ganyan din ako kay Grace nun. At tska ikaw pa pare?! Tado ka ba, ang dami ngang chiks na may gusto sayo dito!”, agad ko namanag tugon sakanya. “Tado, sayo din naman ah!”, natatawa nyang sagot.

“Oh, pano ba yan pre, hanggang dito nalang?”, sabi ko sakanya. “Anong ibig mo sabihin?”, na tila sinabi nya ng may pagtataka. “Eh wala e, di kita natulungan wala na rin ako natulong sayo.” Sabi ko. “Tadew! Kaibigan pa rin tayo! Pasalamat nga ko sayo. Mabilis akong nakalimot at mas madali kong nakalimutan ang nangyari.” Nakangiti nyang tugon.

At iyon na nga, hindi ko sila napagayos na dalawa. Sa una, akala ko ay di na kami magiging magkaibigan ni Philip dahil na rin sa wala na rin nmn saysay dahil tapos na ang misyon ko sakanya. Hindi rin naman ako ganun ka affected kung nagkataon dahil pag nagkakasama kami ay puro nalang ang ex nya ang topic. Pero hindi yun ang nangyari, nagpasalamat pa rin sya sakin sa ginawa kong pagtulong. At nanatili kaming magkaibigan. Mas naging close pa! San ka pa!

Papasok na kami ng nakita ko si Art sa gate ng school. Nang makita ko sya ay tila parang may hinihintay sya, nung nagkita naman kami, magbabatian na sana kami ng makita nyang nakasunod pala sakin si Philip. Kapansin-pansin naman ang biglang pagbago ng mukha nya. Para bang biglang nairita. Ewan ko dun! Wirdo!

“Hoy! Umagang-umaga nakasambakol yang mukha mo! Malas yan boy!”, pangaasar na sinabi ko sakanya. Bigla naman nya binawi ang mukha sabay ngiti. “Tagal mo tol! Tara na akyat na tayo!”, tugon naman nya. At binilisan na naming ang pag-akyat.

Pag pasok ng room, agad naman sya nagsalita. “Pre, bat ba dikit ng dikit sayo yung  Philip na yun!”, halatang may inis ang pagtatanong nya. “Sus! Alam mo namang patay na patay yun kay Emily! Hahahaha! Nagpatulong lan sakin na magkbalikan sila, kaso wala, may iba ng gusto si Emily. May problema ba?”, sya namang naging tugon ko. Ngunit di na sya sumagot.

Lalo kong pinagigihan ang pagaaral ko. Masaya ko sa setup ko sa school dahil ang dami kong kaibigan, at paborito ko naman tlga ang mag-aral. Mas lalo naman akong naging close sa mga kaibigan ko at tinuring bestfriend na sila Art, Ben, kasintahan ni Ben na si Leah, si Jenny, at syempre ang nagiging close friend ko na si Philip.

            “Foundation week na! Yahoooo! Wala nanaman tayong lessons! Pahinga muna at katuwaan muna sa school!”, agad kong bati sa mga kaibigan ko pagkatapos bumili at naupo Excited din ako dahil first time ko yun bilang isang hyskul. Sabay sabay naman kami nagtinginan at tila nangusap ang mga mata at sabay sabay sinabing. “Inuman na to mamaya! Nyahahahah!”

            Isang hapon nsa iskwela kami, sa kasadsadan ng pagprepare naming sa booth naming para sa okasyon ng biglang pumunta si Philip at tinawag ako sa aking classroom. Ipapakilala nya daw ako sa mga kaibigan nya sa first section. Kaya nilabas ko sya at pinuntahan namin ang mga kaibigan nya. Isa isa nya kong pinakilala sa mga kaibigan nya, sabay pakilala saking, “Si Jerry nga pala, bestfriend ko. Sobrang bait yan!” Nagulat tlga ako sa sinabi nya! “WOW! BESTFRIEND! Astig ka tol! Taena nakakagulat ah! Ano to!”, sigaw ko sa isip ko. Pero agad naman tumaba ang aking puso dahil yun ang tingin nya sa akin. Nakipag kamay naman ako at tila nagpa cute pa sa mga babae dun. (Pacute pacute pa, di ko alam, isa rin pala akong dalaga! HAHAHA! Oo nalang ha!)

            “Oo, kilala ko sya, sya yung member ng English Club, School Journal at Glee Club diba? Ang ganda ganda nga ng boses nya eh.”, Biglang sabi ni Eliza. Kilala ko sya dahil kasama ko din sya sa Glee Club. Hehehe, mejo may natatagong talent din kasi ako sa pagkanta kasi nga hilig ko to bata palang ako diba? lalo na sa love songs, malamig daw kasi ang boses ko.

            Nagulat naman si Philip at sinabi sakin kung pwede ba daw ako kumanta dahil di nya alam na marunong pala akong kumanta. “Taena mo! Andito tayo sa hallway! Ano to?! Concert! Wag ganon! Hahaha!”, bigla ko namang tugon. Pero tila ay narinig ng lahat at pinalibutan ako at nagrequest na sila na kumanta ako. “Totekk naming buhay to oh! Nanahimik ako sa classroom na gumagawa ng booth, ngaun pagcoconcertin nyo ko! Ganda naman ng timing talaga oo!”, sabi ko sa sarili ko. Pinabigyan ko na rin sila at kinanta ang awit nung panahon na iyon ay sikat na sikat pa.
“The Day You said Goodnight”

Halos biglang niligawan ko naman ang lahat dahil nagsilabasan ang mga kaklase ko at iba pang ka level ko upang makinig. Habang kumakanta pa ko ay kunwari e parang sumasali ako sa contest at may pakumpas kumpas pa ko ng kamay at tinititigan sila. Biglang napako ang mukha ko kay Philip at ngumiti sakanya sabay kindat. Tila nagpapahiwatig sakanya, “Matuwa ka na ngayon, patay kang bata ka sakin mamaya!” Isang maloko sabay seryosong ngiti naman ang ginanti nya sakin.

Idinaos nga naming ang Foundation week na yuon. At mas lalo pa ko naging close sa lahat dahil sa ipinamalas kong kanta. Maging kami ni Philip ay mas naging close sapagkat lage kaming sumabay umuwi. At dun naging magbestfriend na rin talaga kami. Nakakatuwa sya dahil hinihintay nya talaga akong matapos sa practice ko sa Glee Club at mga extra curricular activities na kasabay din naman natatapos ng kanyang training. Kung ako naman ang nauuna ay gusto nya tlagang hintayin ko sya at ililibre nya daw ko ng walang katapusang Mcdo kapalit ng paghihintay ko.

Naging ganun ang setup namin. Sa umaga ay hinihintay nya ko sa binababaan ko ng jeep at sa hapon ay sabay kami umuwi. Daig pa ang magsyota noh?! Hahahahahaha
Ngunit sa pagiging close namin ni Philip, unti unti namang umiiwas sakin si Art. Ewan ko ba, di nya tlga gusting kasama ko si Philip. Pambihira naman! E parehas nga sila ng sports sa pagiging varsity. Bat nga ba sila di magkasundo?! Parang mga bata! Totekk tlga oo.. Bwoyset!

Ngunit isang araw.. may isang kaganapan na di ko malilimutan..

3 comments:

Aerbourne14 said...

hehe, mambitin wagas... ;P

but, this story makes you remind of those good ol high school days... haha

DALISAY said...

Yes, aerbourne is right. It remind me of those beautiful days... hay... napaghahalataan ang edad. ahaha...

just a piece of advice, avoid putting so full names of each and every character. okay lang sa mga main cast but not with everyone you would like to put into the story. It makes me think that they have such relevance to the main characters. Sapat na ang pangalan lang dear. :) BUT all in all, since kakasimula mo pa lang, it's a good start, minus the distractions. :) keep it up. :)

Anonymous said...

nakakabawas ng edad.. it reminds us all about high school days na talga namang nakakamiss.. :)