Sa mga naghintay po at sa mga patuloy na sumusuporta sa Minahal ni Bestfriend, maraming maraming salamat po sa inyo.
Labis po akong nagpapasalamat kayla Kuya Mike, Mama Dalisay, kay Jayfinpa, russ, MArc, ace.vince.raven (BUNSO!!! : p ), o_0mack^2, marclestermanila, wastedpup, Mars, at sa mga Anonymous na nagbibigay ng supporta at commento sa aking mumunting storya.
STILL, COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS ARE HIGHLY APPRECIATED!! :))
Enjoy!! :))))
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos ng klase ay nagmamadali akong umalis at agad na nagtungo sa bahay nila Art. Habang nasa jeep ako patungo kaila Art ay di ko maiwasan ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa matiniding kaba. Hindi din kasi mawaglit ang sinabi sakin sa telepono, “Hijo, can you come over after school? Di ko din kasi alam pano sasabihin sayo. Ayaw ko rin sana sa telepono lang. Thank you hijo.”. SHIT!! Anu bay an?! Sa twing maaalala ko ang sinabi ni tita sa fon e mas lalo akong kinakabahan. Napaparanoid ako. Baka ano na nangyari kay Art. Susko po. Wag naman sana……..
Pagkarating ko kaila Art ay agad akong nag doorbell at pinapasok naman ako ng kanilang kasambahay. Pagpasok sa loob ay ramdam ko pa rin ang aura ng kalungkutan na bumabalot sa buong bahay. Ibang iba talaga ngayong wala na si Tito Lance. Nang makapasok ay pinaupo ako ni Tita Marissa. Andun din ang dalawang kapatid ni Art. Pinaupo nila ako. Lumingon lingon ako sa palagid. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko napansin si Art. Bat wala si Art?! Asan sya?!
Andun pa rin ako at naghihintay sa sasabihin nila. Di naman maiwasan ang pagpapawis ko ng malamig. Pati ang mga palad ko, basa na ng pawis ng dahil sa kaba. Nakatitig lamang ako sakanila at naghihintay na magsalita sila. At sa wakas, nagsalita na rin si Tita Marissa.
“Hijo, Thank you for coming. Hindi na ako mapakali dito at talagang nababahala na kaming lahat.”
“It’s ok tita. What seems to be the problem here? Bat nyo po ako pinatawag?”, kinakabahan kong tinanong.
“Actually hijo, Art has been in his room for 4 days now. Halos di na sya kumakain. At hindi naglalabas ng kwarto. Pwede mo ba sya kausapin? Alam ko makikinig yun sayo. Or atleast subukan mo. Naging napakalaki ng pagbabago ni Art simula ng mawala ang kaniyang ama. Hindi naman namin malaman ang gagawin para kumbinsihin sya. Tulungan mo naman kami.”, malungkot na sabi ni Tita Marissa.
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko at nawala ang kaba ng malaman kong nasa taas lang pala ng kwarto si Art. Medyo naka hinga hinga na rin ako ng mas maluwag. Nasa taas lang pala sya. Kala ko naman. Whew! Thank you Lord! Tumango naman ako kay Tita na tanda ng pang sang ayon. Hindi ko man alam kung ano ang sasabihin ko saknya pag pasok dun ay naglakas loob naman ako na pumunta na sa kwarto nya. Papasok na sana ako ng kwarto ng biglang may humablot sakin.
“Kuya, ikaw pala. Nagulat naman ako sayo. Makahila ka naman.”, sabi ko kay kuya George. Katabi din nya si Albert.
“Jerry, I know you can help him. Please, nagmamakaawa kami sayo. Nalulungkot kami na nagkakaganyan ang kapatid namin. Alam din namin na spesyal ka sa kapatid namin. I don’t know if you get it but……. Basta, please talk to him.” Nagmamakaawang sinabi ni kuya George sakin. Tumango lamang ako bilang pagsang ayon kahit di masyado macomprehend ng utak ko ung sinabi nyang, “I don’t know if you get it”. Ano ba ibig sabihin nun?!
“Eh teka Kuya, di ko nga alam sasabihin ko ee..”
“Please Jerry. Hindi na rin kasi naming alam ang gagawin. Subukan mo naman.”
“Ocge kuya. Susubukan ko ha. Pero di ko masisigurado kung ano matutulong ko.”
At ayun na nga, pag pasok ko ng kwarto ay nakita ko ang bote bote ng alak na naka kalat. Medyo masang sang na rin ang amoy sa loob. Nakakalat din ang mga damit sa sahig. Pati yung mga nasa loob ng cabinet ay naka kalat na rin sa sahig. Akala mo’y dinaanan ng bagyo. Nakita ko din na nakahiga lang si Art. At kahit pa nakita ako ay di ito gumalaw o nagsalita. Nung una ay niligpit ko muna ang lahat ng kalat at inayos muna ang kanyang silid. Nilabas ang mga basyo ng alak, nagwalis, tinupi ang mga nakakalat na damit, at pinulot ang mga bubog na nabasag na salamin. Pagkatapos makapag linis ay umupo na ko sa tabi nya. Nakatihaya sya at ako naman ay nakaupo sa gilid patalikod sakanya.
“Kamusta ka na Art?” sambit ko sakanya in a relaxed way kahit ang totoo, sobrang kinakabahan ako dahil di ko alam ang gagawin at sasabihin. Ngunit nanahimik lang sya. Dedma. Tulala. Di man lan sya nag hi sa akin. Dun, napagpasyahan ko na humiga sa tabi nya. Ngunit wala pa rin syang reaksyon. Tumagilid ako paharap sakanya atkinakalabit kalabit sya at nagpapapansin. Kaso dedma din. Wala pa rin syang imik. Nagpasya nalang akong yakapin sya at sa nakita ko ay di ko maiwasan maawa sakanya dahil halatang namayat ito at ang haggard ng ichura. Ang dirty na din nya tingnan dahil medyo nagdry ang mukha dahil halatang walang ligo. At tumubo na rin ang balbas at bigote nito. Pilit ko pa rin syang kinakausap at tinatanong kung ano bang problema, or kung ano ba maitutulong ko, bat di pa sya kumakain. Pero lahat ng tanong ko, dinedma nya. Pero naging matyaga lang ako. Maya maya pa’y kinulit ko pa rin sya, at nagulat ako ng bigla syang sumigaw.
“Can you just leave me alone?! Get out!!”, pasigaw nyang sinabi. At aba! Sa wakas! Pinansin ako! Kaso nu bay an! Sinigawan naman ako! Hmpft. Pero nagtyaga pa rin ako.
“Art, alam mong di ko magagawa yan. Andito ko para tumulong. Pinatawag ako ng mommy mo kasi di ka daw lumalabas ng kwarto at di kumakain.”, mahinahon kong tugon.
“Help me? Do you even know what I feel? Gusto mo makatulong? Be in my shoes!!”
“I may not know what youre feeling exactly, pero andito ko para damayan ka. And yes, kung pwede ko lang kunin yang nararamdaman mo, you know I would. Siguro masakit nga talaga mawalan ng minamahal, pero you still have your Mom and sila Kuya diba?”
“Jerry, don’t act as if you know everything. Akala mo ganun kadali?! Nawalan ako Jerry!”, pasigaw nyang sinabi. Medyo umaakyat ang dugo ko pero I tried to stay calm pa rin.
“Art, kaya ba tinataboy mo na kaming lahat. May mga tao pa sa paligid mo. Don’t push them away.”, mahinahon ko pa ring tugon.
“Could you just leave me alone?!”, matigas nya pa ring sinabi.
“Pero Art, how could I leave you like this?”
“Di ka ba nakakaintindi?! I SAID LEAVE - ME – A-L-ON-E!!!”
“Art, do you think masaya si Tito Lance kung nagkakaganyan ka..? Hmm, I know na gugustuhin ng dad mo na maging strong ka ngay..”, pero bigla nya kong cinut.
“CMON JERRY!! DON’T YOU DARE TELL ME WHAT MY DAD WOULD FEEL ABOUT THIS!! YOU DON’T KNOW HIM MUCH!! WALA KANG ALAM!! KAYA PWEDE BA, IWAN MO KO!!”
At dun na nga, umakyat ng tuluyan ang dugo ko sa utak. Kumulo na ang dugo ko sa inis kaya binitawan ko sakanya ang mga salitang….
“Ok! If you want me out of your life as well, then let’s have it your way! Kahit nagmumukha na kong tanga kakabuntot sayo at pag iintindi sayo, balewala rin lang naman pala sayo! Gusto kitang tulungan Art, pero kung pati ako, is ipush mo away, wala na ko magagawa. Yes! Di ko ganun kakilala si Tito Lance, pero I’m damn sure this is not what he wants for you! Katulad ng sabi mo, he reminded you of of how much he loves your family. And yet, ikaw ang sumisira nun! If you really love your family, magcooperate ka! Share your pain with them, sabay sabay nyo pagdaanan yan! Hindi yung nagsosolo ka dito. Alam mo, If you want me out, then consider me out of your life!”, galit kong tugon ko saknya. Tumayo na ako at akmang aalis na sana akong aalis ng mapatigil sa pinto at tumalikod. Di ko na napigil ang hindi umiyak. Masyado na rin akong naging emotional dahil sa galit at sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maglabas ng sama ng loob.
“Taena naman! Ako hindi ko na rin alam kung ano pa bang pakisama ang gusto nyong gawin ko para sainyo! Sinubukan ko maging taong gusto nyo para sa inyo! Kahit pa mga maliliit na bagay iniintindi ko! Hindi ako nagkulang sa inyo bilang kaibigan! Pero kayo nalang ba iintindihin ko?! Punong puno na ko sa mga kaartehan nyo! Nampucha naman! Ano pa ba gusto nyo?! Ngayon, kung di nyo makita lahat ng ginagawa ko para sainyo, kalimutan nyo nalang ang lahat. Nakakapagod kayo!! Puro nalang KAYO!! KAYO!! KAYO!! Pano naman AKO!!”, yan ang mga katagang iniwan ko bago ako tuluyang lumabas at umuwi samin.
Lumabas ako ng kwarto, mukha namang nahalata na nila kuya at tita ang nangyari sa loob dahil medyo napalakas ang sigawan kaya malamang, rinig kami sa labas. Tumungo nalang ako kay Tita at kaila Kuya upang humingi ng pasensya dahil hindi rin ako nakatulong. Agad agad din akong lumabas kahit pa naluluha pa rin ako.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. O kung tama ba ang mga sinabi ko. Alam kong dapat e mas hinabaan ko pa ang pasensya dahil yun ang pinaka kailangan ni Art ngayon. Kaso nadala na rin ako, kasi hello, may sarili din akong stress sa katawan. Pero sinusubukan ko pagsabay sabayin lahat para sakanila. Pero ayun, binabalewala pa rin nila.
Nasa daan ako at samut saring alaala ang biglang parang nagflashback sakin. Simula nung unang araw ko sa school. Mga masasayang alala ko na kasama ko sila, at pati ung mga maliliit na tampuhan na namagitan. Pagkauwi ko ng bahay ay hindi ko na maiwasan at mapigilan ibagsak ang kanina pang namumuong luha sa mata ko. Sobrang bigat sa pakiramdam dahil dalawang kaibigan ko na ang nawala sa akin. Una si Philip, ngayon naman ay si Art.
Nang din a makatiis ay tinawagan ko si Jenny at sinabi na magkita kami sa bahay ngayon na. As in dapat, NGAYON NA! Hindi ko ugali ang maging demanding kaya nabigla ito at pinuntahan ako agad.
Pagkadating ni Jenny sa bahay ay kasama nito sila Ben at Leah. Kinwento ko na ang lahat ng nangyari. Kailangan mailabas ko tong nararamdaman ko kungdi baka mabaliw na ko. Tahimik naman silang nakinig. Hanggang sa nagsalita si Jenny.
“Jer, don’t worry. Naiintindihan namin. You tried your best. Hindi ko rin masabi kung tama ba o mali ang ginawa mo, pero atleast diba, nasabi nyo na yung mga gusto nyo sabihin.”
“Ano bang gagawin ko? Ako na lang ba ang iintindi lagi?”
Wala ding masabi sila Jenny sakin. Nakinig na lamang sila sa bawat daing ko.
Naging napakasakit para sakin yung mga panahong yun. Kundi lamang sana kaila Ben, Leah, at Jenny ay baka nasiraan na ko ng bait. Sobra akong nalungkot dahil hinahanap ko na sila Philip at Art. Namimis ko na ung naghihintay sakin sa babaan ko ng jeep, yung babati sakin sa umaga pagpasok na pagpasok ko sa classroom, ang napaka consistent na maligalig at energetic na bati sakin ng “Good Morning!”, ung mangungulit sakin pag upo ko palang, at yung kasabay ko umuwi at kung minsan pa’y kumakain sa walang katapusang mcdo. Naging matamlay ako at nawalan ng gana. At mas masakit pa ay pag nadadaanan ko si Philip, gustong gusto ko sya makausap at makasama uli. Mis na mis ko na sya. Pero sa twing makikita nya kong nakatingin sakanya at akmang lalapit ay halatang halata na iiwas sya sakin. Gusto ko man sya habulin, ay ano bang lugar ko para gawin yun? Nasasaktan na ko ng sobra. Bakit ba ganto nararamdaman ko? Naguguluhan na ko.
Isang linggo na ang lumilipas ngunit wala pa ring pagbabago. Mag isa pa rin akong pumapasok at umuuwi. Nadedepress na ko. Gustuhin ko man ayusin ang mga nangyayari pero tila sinuko na rin nila ko.
Pagkatapos ng rehearsal sa Glee Club ay agad kong tiningnan ang cellphone ko para tingnan kung nagtxt na ba sakin si Philip. “Shit! Lobat!”, nsabi ko sa sarili. Lagi pa din kasi ako nagbabakasakali na baka magtext sakin si Philip. Pero ayan lobat! Lalo tuloy ako di mapakali. Habang sa training ay di ko mawaglit sa isip ko silang dalawa. Pero di ko na talaga matiis, dali dali akong tumakbo palabas ng room at pumunta sa lugar kng san nagttraining si Philip. Habang palapit ako ng palapit ay unti unti gumagaan ang loob ko kahit pa kinakabahan ako dahil di ko alam kung ano nga ba ang mangyayari. Pero bahala na! Atleast malalaman ko na at di ako isip ng isip.
“Philip, hintayin mo lang ako! Kailangan maayos na to!”, paulit ulit kong sinasabi sa sarili hanggang sa nakarating na nga ako sa pinagttrainingan nila. Sakto naman na andun pa sila at patapos pa lamang. Dali dali akong umupo sa gilid at ngumiti. Kahit pa kinakabahan ay makikipagayos na ko. Kahit ano pa ang nangyari, magsosorry ako saknya, magka ayos lang kami. Pilit kong pinipicture sa utak ko ang magiging eksena. Kung ano bang sasabihin ko, dapat lahat maayos, walang mintis..
Natapos na nga ang training nila. Agad ko syang hinanap at ng makita syang palapit na sa gate ay pinuntahan ko sya.
“Mcdo?”, nakangiti kong sinabi sakanya.
-Dedma-
“Kain tayo.”, nakangiti ko paring sinabi.
“Busog pa ko, sa bahay na ko kakain”
“Sige na, namimis ko na kumain sa Mcdo ee”
“Edi kumain ka mag isa mo”
“Boring kumain mag isa! Tsaka namimis na kita!”
“Ayaw ko nga! Pagod ako, gusto ko na umuwi.”
Medyo nalungkot ako. Hindi kasi ito ang reaksyon na ineexpect ko. Usually kasi, pag naglambing na ko ng ganito or nangulit na ko, magkakaayos na rin kami agad. Ngunit dedma nya ko. Hmp. Pero sabi ko sa sarili na di ako susuko. Gusto ko na talaga kaming magka ayos.
“Ganun ba, hhmmm, cge, sabay na lang tayo umuwi”, pinilit ko ngumiti.
“Bakit ba ang kulit mo! At pwede ba wag mo na ko kulitin! Kung gusto mo kumain, kumain ka mag isa mo! Kung gusto mo umuwi, edi umuwi ka mag isa mo! Tangina! Storbo!”
“Ito naman, namimis ko lang ung pagkakaibigan natin. Nakikipag ayos na nga ko. Sorry na! Please, tapusin na natin tong away na to. Kain tayo, dali, Libre ko.”
“Ang kulit mo din talaga noh! Diba sinabi ko na sayo na umalis ka na! Ayaw ko ngang kumain! Bingi ka ba o tanga?!”
Nung narinig ko yun ay di ko na rin ako nakapagpigil.
“Taena naman! Ano bang problema mo sakin?! Ano bang ginawa ko sayo para iwasan mo ko?! Kung meron man, sabihin mo ng harap harapan!”
“Taena mo rin! Magsama kayo ni Art! Mga bakla! Tang ina mo bakla ka! At ano bang paki alam mo sakin?! Namimis mo ko?! Ano to?! Nababakla ka na rin sakin?! Akala mo kung sino ka!”
“Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba hayaan mo muna ko magsalita?”
“Hindi ako intersado sa sasabihin mo! Umalis ka na!”
“Philip, alam mo hindi ko na talaga maintindihan mga kinikilos mo! Palagi ko na lang ba iintindihin ang mga kilos mo?! Ako pano ako?”
“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Lalo na nararamdaman ng tulad mong isang bakla!!”
“Alam mo, napaka selfish mo! Pag ikaw tong may problema, kahit ano pa yan, iniintindi ko! Pag nagkakaron ka ng kasalanan sakin, iniintindi ko pa rin!! Bat di mo man lang ako kayang pakinggan?”
Mas nagalit sya sa sinabi ko kaya lumapit sakin at sinabi sakin sa mukha ko..
“EH SINO KA BA SA INAAKALA MO PARA PAKINGGAN KO?!”
Natigilan ako sa sinabi nya. Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Para kong biglang nanliit sa mga narinig ko. Namanhid ang buong katawan ko. Gusto kong magalit pero tila may bomba na sumabog sakin. Para akong naparalisa. Hindi ko magawang kumilos o magsalita. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkalisik nito at basang basa ang galit sa pagkakatitig nya. Unti unti kong naramdaman na namumuo na ang mga luha sa mata ko. “Wag kang babagsak, tiisin mo. Matapang ka.”, pilit kong sinisigaw sa utak ko. Pero nabigo ako at dumaloy na nga ang luha sa mga mata ko. Nakita ko na nakita nya ng tumulo ang mga luha ko kaya bumaling na ang tingin nya sa akin at naglakad. Napatigil na lang sya ng bigla lumabas sa bibig ko ang mga salitang….
“Akala ko kasi kaibigan ako. Pasensya na. Salamat sa lahat”
Unti unti na syang lumakad palayo. Napansin kong lumingon sya sakin pero wala na ko naging iba pang reaksyon. Naglakad na din ako palayo ng may luha sa mata. Masyado na kong nashock at nalungkot, hindi ko na alam ang dapat na maging reaksyon sa eksenang yun. Malungkot, masakit at nakapangliliit, yun na lang ang natatandaan ko.
Nasa byahe na ko pauwi at tulala pa rin ako. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang eksenang nangyari kanina lang. Pinigil kong di umiyak dahil baka ano isipin ng mga katabi ko sa jeep. Pero minsan ay may nakakatakas pa ring luha sa mga mata ko. Alam kong matinding iyakan nanaman to paguwi ko pa sa bahay.
Malapit na ko sa bahay at isang tricycle na lang ang sasakyan ko pero pinili ko na lang ang maglakad. Gusto ko sana paguwi ay mapagod na ko at makatulog agad. Ayoko na umiyak. Ayoko na mamoroblema ng dahil lang sakanila. Lintik naman oo!
Sa paglalakad ko ay parang ang layo layo ng bahay ko. Kahit pa malapit lang talaga ito, pakiramdam ko ay napakalayo ko. Hindi ko maalis sa isip ang mga sinabi sakin ni Philip. Tang ina, ano pa ba gusto nila? Ginagawa ko ang part ko bilang kaibigan, tapos sasabihan ako ng kung sino ba ako sa inaakala ko? Napakasakit. Gusto ko magalit, pero di ko na magawa. Mas lalo akong nalulubog.
Nang malapit na ko sa aming bahay ay may napansin akong lalakeng nakaupo sa tapat ng aming gate. Nakasandal to sa gate at nakahiga ang ulo sa mga kamay at tila may hinihintay. Nang makalapit pa ko ay bigla syang tumingin sa akin na sya namang kinabigla ko.
“Art……?”
(Itutuloy....)
5 comments:
Update na agad Kenji... :)
clicked EXCELLENT!
para skn yan pnkamskit sa lahat..iwanan nq ng xota q, wg lng itaboy ng best friends q.. :(
sarap pag-untugn cna art at phil o.o
Ouchie!! Full of drama.. Haixt!ღ__ღ♥
huhuhu.....hope may continuation na po ito
Post a Comment