...Hi there guys, here's the continuation of Estranghero, written by Aerbourne14, please do leave some comments... Thanks...
Estranghero: Epilogue
Akda ni Aerbourne14
Abril. Miyerkules. Pagsapit ng alas tres ng hapon, dali dali na akong nag ayos at nag log off. Diretso na akong lumuwas tungong ‘Gapo para sa isang medyo mahaba habang pahinga. Habang nasa biyahe, naisip kong magtext at magpasa ng quote.
Lumipas ang ilang minuto, eh wala pa rin ni isang text mula kanino man.
Ilang sandali pa.
1 new message.
Hey, saan ka?
-Jay
Hindi ko naman sya sinama sa pinasahan ko ng quote; Ano kaya naman ngayon ang nais nya. Magrereply ba ako o hindi?
Napabuntong hininga ako at saka nagtext.
Eto, bound home to ‘Gapo.
I see. Can we meet later tonight? Have some dinner or alam mo na.
Huh?! Ano daw? Ano kaya ang nakain nya? May biglang sumingit na pagkamalisyoso sa mga text na ‘alam mo na’ Napatingin ako sa bintana. Muling nagbalik sa akin ang alaala sa bus. Hindi ko man lang naitanong ang Facebook nito dati.
Sorry Jay, have family affair tonight po eh.
Ganun ba. Alright then, tomorrow lunch time...please ;)
Mapilit talaga at makulit. Hindii man nagparamdam ng halos dalawang buwan at heto ngayon atat kung makapag-aya. Pero sige, gusto kong mas lalo pa siyang makilala at eto na ang pagkakataon. Ika nga, “Strike while the iron is hot.”
Okay. Sige. Saan naman tayo?
Thanks :) Wimpy’s Magsaysay 11 am. See you, ingats.
Thanks. Ingats din, Jay. n_n
Lumipas ang ilang oras at heto muli ako’y nagbalik sa kinagisnang siyudad. Namiss ko ang bonding naming magkakapatid. Kwentuhan. Tawanan. Kulitan. Sa aking paghimlay sa kama , muling nanumbalik sa aking isip ang ‘date’ ko kinabukasan. Madalas ang aking pagbalikwas at pag iba iba ng posisyon sa paghiga.
Maraming sumasagi sa aking isipan kung anong kahihinatnan nito. Isang pilyong ngiti ang naibigay ko ng paulit ulit na sumagi ang imahe ng kanyang mukha, mga mata at labi. Napailing ako ng ilang ulit. Tinanong ang sarili na hindi ba nakakapagod kung it’s just plain sex. Natapos na ata ako sa ganoong stage dahil sa pagtatapos ng mga taon ko sa college, napagod na rin ako sa ‘one night stands’ at ‘fubu’ setups kahit ba mabibilang mo lang sa daliri ang mga iyon.
Siguro, nanunumbalik lang ang kilig ng mga pakikipagsapalaran na iyon. Pero iba ‘to at sa unang pagkakataon, sa isang bus pa kami nagtagpo. Pilit kong winaglit ang ideya na isipin na maaaring kami ay para sa isa’t isa--- na ito’y tadhana.
Ang sumunod kong namalayan ay ang pagtunog ng alarm sa cellphone ko. Eto na.
Suot ang plain sky blue crew neck shirt, shorts at dark blue loafers, agad akong sumakay ng jeep at tinext si Jay.
I’m on my way po. Be there after 20 minutes.
Alright, ingats Renzo. ;)
Pagbaba ko sa tapat ng pinag usapan naming restaurant, agad ko naman siyang natanaw sa suot niyang white polo shirt, shorts at black topsiders. Kinawayan ko siya at agad akong tumawid.
“Kanina ka pa?”
“Hindi naman. Kararating-rating ko lang din. So, let’s eat.”
Pinauna ko syang pumasok kasunod ako. Pinili niya ang table na medyo nasa bandang dulo. Hiindi ganoon karami ang mga customers. Pamilyar na sa akin ang restaurant na ‘to. College days pa lang naman, kapag gusto ng tropang kumain, eh mas pinipili namin ‘to kesa sa usual franchise fast food chains.
Lumapit ang isang waitress at inabutan kami ng menu.
“Go ahead, order ka lang. My treat naman.”
At ayan na naman siya sa kanyang pamatay na ngiti-- ngiting may halo ring pagngisi. Pakiramdam ko lumulutang talaga ako.
“Ah, sige kung ano yung order mo, yun na rin sa akin.”
“Okay. Miss, dalawang double cheeseburger combo and dalawang vanilla ice cream milk shake.”
“Sir, yun lang po? Any additions?” masiyahing tanong ng waitress na medyo lumiyad paharap kay Jay.
“That’s fine.”
“Okay, sir.”
Sabay kinuha ng waitress ang mga menu at naglakad palayo habang ilang bagay ang nagtalo sa isip ko. Maging okay kaya kami? Kaya nga rin pinagbigyan ko ang sarili sa ‘date na ‘to.
“Oh, mukhang gutom ka na ata. Would you like desert first?” Sabay tingin sa baba at ngising mapanloko nanaman nya.
Nabasag ang pangangarap ko at mukhang iba talaga ang gustong ipahiwatig ni Jay. Sinakyan ko naman agad at ngumisi.
“Hehehe. Mahirap kapag walang laman ang tiyan. You’ll get tired easily.”
“Ganun ba? Hahaha.”
Nagkaroon kami ng ilang pag uusap tungkol sa pamilya nya dito, kung saang schools kami nag aral, mga ilang kakilala na medyo kakilala niya rin.
Ilang sandali pa, dumating na ang inorder namin. Namiss ko ang burgers dito at yung milkshake nila, sarap. Tawanan at ilang pagngisi nya. Medyo natutuwa ako sa mga nakekwento niya at ilang corny jokes pero bakit ganun. Hindi ako makaramdam ng spark.
Inabutan niya ako ng Smint, pantanggal umay sa kinain namin. Nagpasalamat naman ako. Ilang sandali pa, nagpaalam lang siya sandali para pumunta sa CR.
Habang inaantay siya, ako’y napaisip. Tinanong ko ang sarili ko kung anong dahilan. Sinubukan kong ibalik ang alaala nung sa bus at ngayon. Alam kong dito rin ‘to patungo. Sinabi ko sa sarili kong matapos ang araw na ‘to at kung anuman ang maganap, kung hindi pa rin ako makaramdam ng ‘spark’ para kay Jay, hindi ko ito pagsisisihan.
Sa kanyang pagbalik, tinawag nya ulit ang waitress. Inabot niya ang bill at sabay na kaming umalis.
“You like to hangout sa bahay? Malapit lang iyon. Umalis kasi sila mama at pumunta sa Dinalupihan.”
“Ah, eh. Medyo nakakahiya naman na ata, Jay.” Sambit ko.
“Wala yun. I insist, Renzo.”
Patuloy pa rin ang pagtatalo sa sarili ko. Sinabi ko na lang sa sarili na “Give yourself a chance. See for yourself.”
Tumango na lang ako at pinuntahan namin ang malapit na sakayan ng tricycle. Sinabi niya sa driver ang direksyon at agad naman nitong pinaandar ang makina.
Bahagyang pinagpapawisan ang noo ko at nanlalamig ang aking mga kamay. Tahimik lang kami at wala pang limang minuto, huminto na ang tricycle. Nauna na akong bumaba at akmang iaabot ko ang bayad sa driver nang pigilan ako ni Jay at sinabing binayaran na niya.
Tinungo niya ang kanilang gate at sabay kaming pumasok. Sakto naman ang laki ng bahay nila. Mayroong dalawang palapag ito at may balcony. May isang maliit na hardin din na may mga magagandang orchids at rosal.
“Ah, ang lapit mo lang pala sa Oval. Do you usually run there before?”
“Oo. I do way back my college years. O, pasok ka.”
Binuksan nya ang pinto at ako’y pumasok. Tinanggal ko ang aking sapatos. Tinuro naman nya tsinelas sa tabi na suotin ko daw.
Malinis at de tiles ang sahig nila. Nagulat naman ako na agad nyang hinila ang kamay ko papunta sa hagdan na para bang batang nagigiliw.
At nakarating kami sa kanyang silid. Sinara nya ang pinto at lumingon sa akin. Nakatingin lang sya sa akin at aktong magsasalita ako ay inilapat nya ang kanyang daliri. Marahan niyang binaba ang mga ito at siniil ako ng kanyang nag-aalab na halik.
Nagbabaga ang aming mga labi at lumaban din ako sa bugso ng init na iyon. Agad niyang tinanggal ang kanyang T shirt at tinulungan niya rin akong hubarin ang sa akin. Hindi siya magkamaliw sa paghalik at paghaplos sa aking batok.
Napabagsak kami sa kanyang malambot na kama. Tuluyan na kaming nilamon ng nagbabaga at mapanuksong mundo ng pagnanasa. Halos mga halinghing at ungol namin ang kumulong sa apat na sulok ng kwartong iyon hanggang sa mapang-abot kami sa inaasam na kalangitan sa lupa.
Pawis at hapo, sandali kaming nagpahinga at hinila niya ako sa banyo ng kanyang kwarto. Doon sabay kaming naligo at muling kinulong ang isa’t isa sa mga maririing halik at inabot muli namin ang sukdulan.
Nang makapagbihis, tinungo namin ang kanilang kusina upang kumuha ng maiinom. Ngumiti lang siya at ngumisi. Nagpasalamat naman ako at nabanggit na kailangan ko na ring umalis. Mag-aalas tres na ng hapon nang ihatid niya ako sa kanilang gate. Nagpaalam at sa isang pagkakataon ay lumingon at ngumiti sa kanya.
Naglakad ako at ilang sandali lang ay nasa kanto na ako kung saan may sakayan ng mga jeep. Habang nasa byahe, napaisip akong muli. Nagbalik tanaw ako sa mga nangyari sa amin, pero hanggang dun lang siguro talaga sa init ng katawan. Wala talaga akong madamang kakaiba o yung tinatawag nilang spark. Napapikit ako at napasambit ng isang hiling.
“Magparamdam lang siya ng isang text o manligaw man. Sige, tutulungan ko ang sarili kong silaban ang damdamin na magkaroon ng spark.”
Nang makarating ako sa bahay hanggang kinabukasan, walang text o anuman mula kay Jay. Hindi na rin lang din ako nagtext. Ayokong maging makulit sa kanya at umasa pa ng lubos. Mukhang tama nga ako sa aking hinuha. It’s just another ‘one night stand’
Hindi ako nanghinayang. Nasiyahan naman kasi kaming pareho sa pisikal na aspeto ng aming ginawa. Kumbaga, kagaya ng kalaro mo lang sa anumang isports. Madalas naman ang ganitong sitwasyon sa mundo namin. At kung sa aspetong emosyonal, wala talagang ‘spark’ kaya ayoko munang makipaglaro. Sapat na ang nangyari at malamang sa ngayon, ibabaling ko na lang ang atensyon sa ibang bagay.
Pinalipas ko ang ilang oras sa bahay kasama aking mga kapatid at kinahapunan ay lumabas naman ako kasama ang aking mga malapit na kaibigan. Kwentuhan. Tawanan. Kulitan. Konting drama sa ilang bagay bagay.
At heto ulet ako, iiwanan muna pansamantala ang simpleng siyudad na ‘to. Matapos ang paalamanan sa bahay agad ko ng tinahak ang landas patungo sa Manila. Gaano man karaming beses kasaklap ang buhay at pag ibig ko, ako pa rin ay mananatiling may tiwala sa iba.
Medyo napaaga lang bahagya ang pagdating ko sa terminal ng bus. Kaya nakapwesto pa ako sa may bandang bintana. Mas gusto ko iyon kasi, masayang pagmasdan ang anumang maaaring makitang tanawin. Inilagay ko ang earphones at nagpatugtog sa Ipod.
"I ain’t got no car
And I've got one pair of jeans
They’ve been stretched too far
And now they’re weak at the seams
I can’t say what’s next
And I got nothin' up my sleeve
But I don’t lose my head
Cause it ain’t really up to me
And I’m doing just fine
I’m always landing on my feet
In the nic of time
And by the skin of my teeth
I ain’t gonna stress
Cause the worst ain’t happened yet
Somethings watching over me
Like Sweet Serendipity... Sweet Serendipity... Sweet Serendipity"
THUD! THUD! “Sakto!”
Tinanggal ko ang earphones. Paglingon ko nasa baba ang isang black backpack at tumambad sa akin ang isang mestisong lalaki na naka blue V Neck shirt, shorts at topsiders.
“May kasama ka? Can I sit here?”
Napatigil ako at saka sumagot.
“A-ah eh... Wala. S-sure. Go ahead.”
Ginantihan naman niya iyon ng matamis na ngiti at mga nangungusap nyang mata.
Ngumit ako at nagsimula na ang biyahe.
END
3 comments:
waaah, minsan ganyan lang talaga ang life.
ahahha.. another one!
-mars
Thanks po. (Hope to be inspired and write more) n____n
Post a Comment