Friday, August 12, 2011

Estranghero - Chapter 1 of 2

Photobucket




I really am at awe when I received an e-mail from one of my readers about this story. Naloka, tumaba ang puso at naluha sa galak ang aking sensitive na apgkatao ngayon dahil sa dami ng dinadala. Nakakawala ng stress at problema ang pangyayaring ito kaya sana ay magustuhan ninyo ang 2-PART short story from AERBOURNE14. Suportahan po natin siya... :) Salamat sa tiwala Aerbourne...








Estranghero
Akda ni Aerbourne14


"Ma, Pa! Alis na po ako. Tita, alis na ko, see you next week."

Niyakap ko ng mahigpit ang aking mga magulang at tita bago ako umalis at magsimulang maglakad sa sakayan ng mga dilaw na jeep. Alas dos na ng hapon at namumuo na ang pawis sa aking noo at likuran, ngunit di ko ito alintana.

Dala ang panibagong lakas at tibay ng loob upang humarap sa mundo, dali dali kong binagtas ang sakayan ng bus pagbaba ko ng jeep. Sakto naman ang pagdating ko dahil meron isang paalis na patungong "Cubao/Pasay"

Agad akong umakyat at may napansing bakanteng upuan sa gitnang bahagi ng bus. Itinabi ng isang lalaki ang kanyang gray gym bag at agad akong umupo. Napabuntong hininga at sa wakas makakapagpahinga pa kahit papaano. Nagsimula na ang biyahe.

Nilapag ko ang aking red backpack sa aking mga hita . Kinuha ang panyo para punasan ang medyo pawisan kong mukha. Napalingon lang ako sandali sa aking katabing nakatingin sa bintana.

Napawi ang aking pagod sa nasaksihan. Hindi ko mapigil ang sariling magbuntung hininga. Mula ulo hanggang paa, binagtas iyon ng aking mga mata. Maikli ang kanyang buhok. Nakasuot rin sya ng sunglasses. Lutang ang kanyang kakisigan sa berdeng Mossimo Tshirt at semi-fit jeans. Bagay iyon sa kanyang morenong balat. Oh, my! Napakagat pa ako ng aking labi. Bahagya akong nagulat sa paggalaw nya at ibinaling kong muli ang tingin sa harap at inantay ang kundoktor para sa ticket.

Matapos makuha ang ticket at maibigay ang bayad. Napansin kong kanina pa pala magkadikit ang aming mga braso. Nakapaibabaw ang sa kanya ng bahagya. Ramdam ko ang kinis at konting lamig nito. Tila ako naman ay parang lalagnatin.

Makalipas ang ilang minuto, palingon lingon siya sa gawi ng direkyon ko. Hindi rin ako mapakali sa ginagawa nya kaya nadadala rin ako ng mga lingon nya. Noong una hindi ko pinansin ang tila pag uudyok ng kanyang daliri dahil iniisip kong baka nasasanggi lang ‘yun. Pero sinasadya na ata ng mokong na ‘to.

Ang marahang pag uudyok ng kanyang hinliliit ay nasundan pa ng sumunod na daliri, ikatlo, hanggang sa madama ko na ang kanyang buong kanang kamay. Malapad at malambot rin ang mga ito.  Kilig? Oo. Ewan ko ba dahil sa adrenalin rush at thrill na nadarama ko sa unang tagpo na ‘to. 

Nagulat ako nang kunin ng kaliwang kamay nya ang gym bag at lubusan ng natakpan nito ang aming magkahawak na kamay. Patuloy na nagkukulit ang kanyang mga daliri. Pisil dito. Pisil doon.

Dama ko ang tensyon sa sitwasyong iyon. Para rin naman akong sira, kaya sinakyan ko na lang din ang pangungulit ng mokong na ‘to.

Tila ba mga bata kaming naghaharutan. Minsan nagkakangitian at nagkakatitigan. Pakiramdam ko natutunaw ako at ang init ng paligid kahit tutok ang aircon ng bus.

Maya maya nagkaroon ng konting kapanatagan ang aming mga daliri. Magkahawak na lamang ang aming mga kamay.

Gusto kong basagin ang katahimikang namamayani ngunit ang dila ko’y atras at tila natuyuang sapa ang aking bibig. Naisip kong kunin ang cellphone ko at nagsimulang magtext.

Hi. I’m Renzo and you’re?

Bahagyang inilipat ko iyon at para kanya itong mabasa.Ngumiti siya at lumapit bahagya sa aking kaliwang tenga.

“Jay...” marahang bulong nito.

Nadama ko ang init ng kanyang hininga ganun din ang pagsugod ng tila kuryenteng dumaloy mula sa aking tenga. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Napahigpit ako ng kapit sa kanyang kamay.

Bahagya siyang napangisi. Napabaling na lang ako ng atensyon sa aking cellphone. Marahan siyang lumiyad at muling nagsalita,

“Ready for the number?”

Tumingin ako sa kanya at napatungo na lang. Nasa akto akong iabot sa kanya ang aking cellphone pero nauna siyang lumapit ulit sa aking kaliwang tenga at nagsimulang bumulong.

“Zer... Nine... One... Seven...”

Sunud sunod na daloy ng kuryente ang aking naramdaman. Inipit ko na lang bahagya ang aking labi upang pigilan ang pagngisi.

Para kaming mga sira. Nagtetext pero magkatabi naman. Noong una, akala ko hanggang Pampanga lang siya pero nalaman ko na nagtatrabaho din pala siya sa isang call center as Team Manager. Bente y singko na si Jay at tatlong taon lang ang tanda niya sa akin. Nagkausap kami bahagya tungkol sa call center industry and kung anong accounts kami dumaan.

Are you sick? You’re in heat eh.

Hehe, nope. Ikaw naman ang lamig mo. Haha.

Isang ngiti at pisil sa aking kaliwang kamay ang kanyang ginanti.

Hindi namin namalayan ang takbo ng oras. Nasa Double Happiness nag pitstop ang bus. Ganoon talaga siguro kapag may kung anong saya kapag may kausap ka sa byahe.

“Oh, baba ka?”

“Ah eh, sige mauna ka na.”

Dahan dahan siyang tumayo. Umuusog naman ako palikod para makadaan siya. Hindi ko alam kung sinadya nyang bagalan talaga ang pagkilos para mapansin ko ang umbok ng kanyang pantalon sa pagdaan nya sa harap ko.

Tuluyan na siyang nakababa pero pansin ko siyang nakatayo sa harapan ng bus. Tila ako’y aligaga kung ako rin ay bababa. Ilang sandali pa, hindi ko na siya nakita. Naisip ko na ring bumaba at tumungo sa CR.

Dumiretso ako sa pinakadulong urinal at nang matapos, napansin ko siya sa sink na naghuhugas. Napatingin sya sa salamin at ngumiti. Ayokong magsabay kami palabas dahil medyo naiilang talaga ako. Kaya ngumiti rin ako sabay balikwas palabas.

Sa aming pagbalik, hindi pa rin talaga ako mapakali. Inuudyok ng isipan ko na kilalanin pa ng masinsinan ang taong ‘to. Napansin kong ang mga mata niya'y malamlam at litaw ang eyebags kaya tinext ko na lang na magpahinga kami sa kabuuan ng biyahe.

Ang mga mata ko'y pikit pero ang diwa ko'y lutang at gising. Napaisip ako sa nais nitong gawin. Bumilis ang tibok ng aking puso. Natigil ko ang pagmumuni muni ng marinig ang pagring ng isang cellphone. Hindi ako dumilit at tinuloy na lang ang pagtulugtulugan. Narinig ko ang tinig ni Jay.

"Ah eto, Valenzuela na siguro. Yup, I can still make it later sa meeting."

Napakalma naman ako sa mga narinig ko. Meeting?! Buti naman. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at saka humikab. Nakatingin sya sa akin ng matagal. Pakiramdam ko matutunaw ako ng mga oras na 'yun. Pilit kong iniwas ang aking mga tingin pero may kung anong pwersa ang nagpapanatili na iyon sa kanya.

Tumunog ang cellphone ko. Buti na lang ulit. Dinukot ko iyon sa aking bulsa at binasa ang isang text.

Frend, super l8 k na2mn. Ayos lng wla nmn msyado CS issues.

Nireplayan ko ang text at sinabing malapit na ako at ikekwento na lang ang dahilan mamaya.

Napabuntung hiniga saka sinuksok muli ang cellphone sa bulsa. Nagulat ako ng muling hawakan ni Jay ang aking mga kamay. Bumulong pa ito.

"Malapit na ko."

Napalingon ako at halos ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha. Dama ko ang kanyang paghinga. Lahat yata ng dugo ko ay umaakyat at bumilis ang tibok ng aking puso. May nag uudyok na damhin ang mga labing iyon.

"Oh yung mga North Edsa. North Edsa!"

Nagpaalala ang kunduktor. Natigil ang kahibangan at nanumbalik muli ako sa lupa.

Inayos niya bahagya ang sarili. Ako nama'y nagbigay daan sa kanyang pagtayo sa kinauupuan. Mas lalo kong pinagmasdan ang kanyang tindig at kakisigan habang kanyang binabagtas ang pasilyo ng bus. Huminto na rin ito. Lumingon sya bahagya sa akin at ako nama'y ngumiti bilang tugon. At nagsimulang bumababa ang ilang pasahero.

Pinagmamasdan ko pa rin sya sa kanyang pagbaba at nakalingon lang din sa bahaging iyon ng bus. Tumunog muli ang aking cellphone.

Isang text kay Jay.

Thanks. Until then, ingats. :)

Nagreply ako.

Welcome. It's been a nice journey. n___n

Tila lutang pa rin ang aking diwa sa mga pangyayari sa pagdating ko office. Hindi ko naalintana ang oras o ang pagiging late.  Sino ba namang hindi? Okay lang naman ang makipag-usap sa bus pero ang pakikipag holding hands sa bus sa isang estranghero, eh ibang bagay.

Kinabukasan, isang quote ang finorward ko at nangamusta lang sa kanya. Walang reply.

Hindi na rin naman akong umasang sasagutin nya yun. Kung interesado din kasi siyang makipagkilala ng husto at makipagkaibigan eh magtetext at makikipagkita sya. Makalipas ang isang linggo, balik muli sa normal.

Ang naganap na iyon ay isa lamang sa mga mapaglarong tagpo ng pagkakataon. Nakakatuwa. Nakakaaliw.


*********************************************************

Epilogue (Preview)

Abril. Miyerkules. Pagsapit ng alas tres ng hapon, dali dali na akong nag ayos at nag log off. Diretso na akong lumuwas tungong ‘Gapo para sa isang medyo mahaba habang pahinga. Habang nasa biyahe, naisip kong magtext at magpasa ng quote.

Lumipas ang ilang minuto, eh wala pa rin ni isang text mula kanino man.

Ilang sandali pa.

1 new message.

Hey, saan ka?
-Jay


ITUTULOY...






Final part is on Sunday....

4 comments:

Anonymous said...

hahaha...i really like it Aerbourne14...kakakilig...im so excited for the part 2..

Kyluis... said...

wala ang msabi.. ikaw n ikaw n... ang haba ng hair lagpas hanggang quiapo.. hahah.. ano kya ung susunod d2...

Ace said...

Ito na ito na talaga!
destiny na yan.

nasubukan ko sa jeep minsan, nasa harapan ko siya, titig ako ng titig sa cute. Nakahalata na siya, titigan kami dalawa. lol.
tumabi ako sa kanya at nilagay ko kamay sa likuran part niya pa as-if na kumakapit sa giliran ng jeep. Tumalikod si cute at sumandal naman sa harapan ko. Parang mag jowa KILIG! pero wala nangyari afterwards hahahahaha. di ko nga nakilala.

Aerbourne14 said...

Hi, thanks everyone. n____n

To Ms. D, it's a pleasure sharing my story here and thanks for appreciating it.

hope to be more inspired ;)