WRITER:Unbroken
Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/
Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.
September 17 2009,
Mabilis lumipad ang mga buwan. Napabayaan ko na din ang journal ko dahil sa trabaho. September na at natapos na din ang bday ko. Naging medyo abala ako sa trabaho. May bagong pasok sa barkada namin nila Allyna na si Rovi. Nagstart si Rovi nang June. Naging masyado akong busy nung mga nakaraang mga buwan. Nakakafrustrate.
Wala pa din namang pinagbago. Ganoon pa din ang buhay ko. Bahay,trabaho konting gimik. Kahit papaano ay nabawasan na ang paggimik ko sa Malate na halos weekly dati. Di ko alam kung bakit pero masasabi ko na ang barkadahan namin sa office ay isa sa mga dahilan kung bakit ako nagiging mas matino. Syempre.kahit wala syang sinabi o pinagbawal sakin,si George pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagbabago. Gusto ko,kahit papaano ay makita nya ako bilang isang responsableng tao. Ayokong isipin nya na wasted ako. Tingin ko di nya yun magugustuhan.
George. Si George na naman. Lagi namang si George eh. Nangungulit pa din naman si Hubby sakin pero ayoko na talaga. Wala na akong maramdaman eh. Alangan namang pilitin ko. Always remember not to stay whenever you find yourself unhappy,and that's what I did. Masaya naman ako sa nagiging takbo ng buhay ko as of the moment,with my friends around and George,undefined,with me.
Gumising ako ng maaga para sa araw na ito. Excited akong makita ang mga workmates ko. Ewan ko ba,the moment I opened my eyes,positivity seemed to run deep in me. I feel so positive today. I just hope na maging okay lahat sa akin. I hope all is well.
After pressing the clothes I usually wear,naramdaman ko ang aking phone na nagvavibrate sa aking bulsa. I instantly picked it and was a bit surpised to see that George was actually calling me.
“Hello”
“Chris nasaan ka?” sagot nito sa kabilang linya.
“Nasa bahay bakit?”
“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”
“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”
“Baka naman may katagpo ka?” may halo ng sarkasmo sa kanyang tono.
Napahinto ako sa sinabi ni George. I sensed something. Is he getting jealous?
“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”
“Aba! Ewan ko sayo!” pagalit nitong sabi.
“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”
Natahimik si George sa kabilang linya.
“Ganoon ba?” halata ang pagaalala sa boses nito.
“Kamusta na pakiramdam mo?” dagdag pa nito.
Napangiti ako sa inaasal nya. Kahit papaano ay concern sya sakin.
“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot ko.
“Good.”
“Yep.”
“Ingat ka. See you later sa work.”
“Bye.”
“Bye.”
The line got disconnected.
* * *
Nakangiti kong tinapos ang pagpaplantsa.
Oh George. Nakakainis ka paminsan-minsan. Ang sarcastic mo sa akin pero kahit na ganun ka,sa t'wing magkakasakit ako,kahit nagsusungit ka,alam kong nagwoworry ka. Alam ko at nararamdaman ko na concerned ka sakin.
Ano na nga ba tayo George? Ano ba ako sa'yo? Kasi alam ko sa sa sarili ko kung ano ka sakin eh. I know na mahal kita. I really do love you. I knew it. Eh ikaw? After all the sarcasm you've shown and somewhat the concern you've let me feel? Ano ba talaga ako sa'yo? Do you need to clarify this? Do I have to clarify this? Rather,do we have to clarify this?
Buntong-hininga.
Naiinitan ako. Dapat na kong maligo.
I took a shower. The bathroom was a bit spacious para sa isang kwarto. Okay naman at tiles ang sahig maging ang mga pader nito. May isang life-sized mirror din na nakadikit sa pader. Nakakatuwa kasi you would be able to see your own body while giving yourself a bath. It was just wonderful. Habang nagsasabon ako,di ko maiwasang mapatingin sa katawan ko sa salamin.
Medyo nanibago ako sa nakita ko.
Am I actually losing weight?
Kita ko na ang collar bone ko. Di to maganda. Bakit ako nangangayat? Kain naman ako ng kain ah. Ang weird ng katawan ko.
Why do I have rashes sa may chest ko?
Saan na naman ako naallergy? Ano ba to.
After having a quick shower, I got myself dressed. Typical office boy get-up. Had my hair fixed. Went down. Hailed a cab.
* * *
“Chris kain na tayo.”
“Sure.”
Bumaba tayo at kumain sa isa sa mga fastfood sa ibaba ng building. Same set-up,magkatapat tayo sa upuan. Kumakain ng mga paborito nating pagkain. Iba nga lang ngayon dahil nakakabingi ang katahimikan natin. Nakakapanibago lang. May mali ba?
“Chris.”
“Bakit George?”
“Wala na kami ni Joy.”
Nagitla ako sa narinig.
“Ahhh.” tangi kong nasabi.
I saw how you sighed. Malalim. I know that you're really having a tough time.
“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi ko.
I was a bit confused sa inasal ko. Bakit kailangan pang sa grupo nya iopen? Bakit di nalang sakin? Oo nga? Bakit sinuggest ko pa na sa grupo nya na iopen? Kung tutuusin chance ko na yun para makausap sya about that eh. I think I've wasted my chance. Ayoko na naman bawiin baka sabihin nya eh inconsistent ako sa mga sinasabi ko. Di naman siguro tama yun,isa pa may pride ako. Ano ba yan.
“Salamat Chris.”
“No worries.”
I gave you a reassuring look that I would always be here for you. You stared at me as if you wanted to say something. Nagtitigan tayo. I just realized how handsome you are. I don't know,you may not be the man some people think of as handsome but to my heart you carry the key.
“Chris.”
Napapitlag ako sa pagkagulat.
I saw you smiled upon seeing that look on my face. I tried to bring my composure back as fast as I could.
“Oh?”
“Salamat sa lahat.”
“Ha?”
“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”
“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”
Kaibigan? Naitanong ko sa sarili ko.
“Oo nga Chris. Salamat.”
I smiled. Natapos na nating kainin lahat ng orders at naisipan na nating umakyat sa building.
We waited for the lift. We got in at tayong dalawa lang ang tao. I kept my distance,mga ilang tambling din ang layo ko sa'yo.
“Chris?”
“Oh?”
“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” pagaya mo sakin.
Walang salisalita ay agad mo akong hinatak papalapit sayo. Tinago ko ang pamumula ng aking mukha. Nanahimik ako,bigla mo kong inakbayan. Nakakagulat.
“Bakit natahimik ka?” tanong mo sakin.
“Ha?”
“Nanahimik ka Chris. Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.”
“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” nagulat ako at nasabi ko yun sayo.
Tumingin ka sakin,trying to weigh kung nagsisinungaling ba ako or hindi. Hinigpitan mo ang akbay mo sakin. Lalong gumulo ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam kung naging masaya ka ba sa narinig mo or what? Di mo man lang iconfirm kung masaya ka sa akin o hindi. Ano ba talaga?
Lalo mong hinigpitan ang akbay mo sakin.
“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”
“Wala George. Wala.”
“Gusto mo ba ko Chris?”
“Ha?”
At bumukas ang elevator. Sinagip ako ng elevator sa kapahamakan. Nagmadali akong bumalik sa station ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nagpapawis ako pero di ko alam kung bakit,ngayon ko lang napagtanto na umamin na pala ako sa'yo. Narinig mo ito pero umarte ka at nagbingibingihan. Di ko na alam kung paano ako aarte sa twing magkasama tayo.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa nangyari kanina. Dapat nga maging okay na ako dahil nasabi ko na rin sa'yo na gusto kita. Pero bakit ganun? Nahihiya na akong tumingin at makipagusap sayo? I saw you looking at me,natetense ako. Di ko alam kung bakit.
“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?” tanong mo sakin.
“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot ko.
“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”
“Ha?” I said,natameme.
“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”
“Ha? George kkaa..siii..”
“I won't take no for an answer.”
Then you turned away.
Wala akong choice kundi sumama mamaya. I don't know if this is what I really want. I wanted to blame my stupid mouth for admitting that I do like you. Di ko alam kung bakit,bahala na nga mamaya.
Till next time,
Chris.
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment