Tuesday, August 2, 2011

FRESH START - Dwelling in the Past

Photobucket

Akda ni K.G. Fadriquella


BLOG: gabrielfads.blogspot.com
FB: gabifad@yahoo.com




Chapter 9 (Dwelling on the Past) 

“Oh! Bakit nadito ka?” tanong k okay Arvin

“I just think I need to be here” sabi nya sakin “Ano? Okay ka lang ba? Ha? Do you need help?... Ahhhh… ano? Gab?” sabi pa nya

“I’m okay” sabi ko sa kanya.


“Hindi!! sa nangyari sayo kahapon, I know you’re not okay! Kung hindi pa sinabi sakin ni Kuya mo nangyari, hindi ko pa malalaman” sabi nya sakin

“Eh ano ba magagawa ko? Tapos na yun! Kelangan ko lang mag isip kaya lumayo ako” sagot ko sakanya

“Eh you always have my back diba? Sabi ko sa’yo if you need help, andito lang ako!” malasakit nyang sabi sakin.

“Thank you ha? Thank you….” Sagot ko sakanya

“And I’m sorry, dahil sa ginawa natin kahapon, nagalit si Dad mo” sabi nya

“Hindi mo naman kasalanan, ako yung humatak sa’yo” sagot ko

“Pero I gave in, kaya I’m also part of the blame” sabi nya sakin

“Pero I’m not blaming you” sabi ko sakanya

“I’m blaming myself” sabi nya

Shit! Nanghihina ako sa mga pinagsasabi sakin nito! Tignan mo nga, sa sobrang sweet nito, hindi nya ako binibigyan ng chance para maka move on. Sobrang sweet nya kahit alam nya na wala na naman kami. Basta, parang walang nag bago nung kami pa, so ano? Ganito nalang kami habang buhay? Sweet sya kahit na sa ginagawa nyang yun, binibigyan nya lang ako ng rason para lalong ma ulol sakanya. Gago ka talaga Arvin! Gago! Pero mahal na mahal kita.

Eto pa rin. Putangina! Stuck! Walang magawa kundi ma stuck sa putanginang relasyon na wala nang patutunguhan kung hindi kaibigan lang.

I evern tried texting, textmates (korni), and I did have some people na gave me inspiration pero wala pa rin, iba parin talaga si Arvin. Alam nyo yun! Hahahaha

“May kailangan ka ba Gab?” tanong ni Arvin

“Ikaw” sagot ko sakanya

“Haha! Adik ka talaga!” sagot nya sakin

“Okay…” masungit na sagot ko

“Hey! We talked about this right? Gab! Mahal kita alam mo yan” sabi nya sakin

Bigla nalang ako natahimik at nag paalam na gagamit lang ng CR.

Pagkapasok ko sa CR, pasok sa cubicle, upo sa bowl, ewan ko kung bakit sobrang iyakin ko. Naiiyak padin ako kahit ang tagal tagal na nung mga nangyari. Ewan ko at napatigil nalang ako ng biglang may pumasok sa CR, singhot lang ang nagawa ko ng biglang narinig ko na may tumawag sakin

“Gab” tawag ng boses ni Arvin “Okay ka lang ba?” tanong nya. Binuksan nya ang cubicle at lumuhod at yumakap saakin. Shet! Namiss ko na dumikit yung katawan at mga kamay nya saakin. “Hey! Wag ka umiyak please!” makaawa nya sakin”

“Sorry! Sorry ah! Mahal talaga kita eh Arvin…. Sorry” sumisinghot na sabi ko sakanya

“Gab! Mahal kita, Mahal na mahal kita! At alam mo yan! Tara na! get up there” then he pulled me up and he wiped my tears off “Next time wag mo na ako iiyakan! I’m not worth for your tears” sabi nya

“Kapal mo! Hindi kita iniiyakan no!” sabi ko sakanya

“Ahhh ganun ba? Sorry! Akala ko ako” sabi ni Arvin

“Ayiiiii” sabay balik ko sa normal na ako “Sige na, Sige na! Ikaw nay un, pero wag lalaki ulo ah” pabiro kong hirit

“Opo! Opo!” sabi nya sakin at sabay nakita ko ang ngiti sa muka nya, huling nakita ko yun 4 months nadin yung nakakaraan.

Hayst! Sobrang saya ng ngiti nya na yun.

“Sabi mo you need me? Sige I’ll be with you the whole day! Hanggang bukas! Okay ba yun?” tanong nya sakin

“Oo naman! Sobrang okay yun” sagot ko sakanya “Dun ka nalang tumuloy sa dorm, pag papaalam kita” alok ko naman sakanya. Alam ko naman na papaya si Tita ko kasi alam nya na wala pa naman akong kasama sa kwarto

“Hindi, okay lang! mag check in nalang ako sa kahit san dito” sagot nya

“Baket? Ayaw mo ako katabi matulog?” tanong ko sakanya

“Gusto! Kung mag check in man ako, syempre sasama kita dun syempre!” sagot nya

Okay nalang ako! Okay lang naman sakanya yun, para narin hindi nakakahiya kay Tita, sama nalang ako sakanya. Hayyyy! Tangina! Isa lang naisip ko nun! Sisiguraduhin ko na mamayang gabi, isususko niya sakin lahat! Hahahaha joke! Gusto ko lang naman ulet sya makatabi! Yun lang! (Yun nga lang ba?) hahaha, basta! Exited ako na makasama ko sya buong araw

“So? Gala tayo?” tanong ni Arvin sakin

“Ahhhh! Nagpapasama si Chase mag enroll ngayon eh” sagot ko sakanya

Habang naghihintay naman kami ng oras, Inuwi ko muna yung kotse sa dorm kasi kay Arvin nalang ako sasakay, he insisted eh.

Sakto naman ng bandang 11 ng umaga ay naka receive ako ng text mula kay Chase

“Hindi na ko tuloy mag enroll, bukas nalang Gabi” Shet! Sumasakto naman itong si Chase, galing ng timing, hahaha! Ayan! Sige buong araw naka reserve lang kay Arvin yung oras ko.

He asked me kung gusto ko pumutna ng Mt. Samat. Okay lang naman kaya sige pupunta kami dun maya maya after naming mag lunch. We just had lunch sa the best Coffee Shop sa Bataan (matatawag bang lunch ang coffee at pasta) pero okay lang, lunch ko na naman yung Makita ko si Arvin! Whoooo! Tingin lang ako sa chest nya nabubusog na ako (Shet! Ang hot talaga nya!) hahahaha. Adik ko talaga!

Ewan sobrang saya ko ngayon, syempre ngayon ko lang ulet sya nakasama ng ganito! After 4 long months na hindi ko maaccept na ganito nalang kami……. Hanggang ngayon puta! Hindi ko padin ma-accept. Everytime na tumitingin ako sakanya, naalala ko pa rin yung taong nagbago sakin ng sobra, yung taong minahal ko ng sobra! Yung tao kung saan nagpakatanga ako! Haaaay! Arvin! Arvin! Tae ka! Bakit ganito kita kamahal! Hay! Arvin I LOVE YOU!!!!!! I LOVE YOU….. hahaha hanggang sigaw lang ng utak ang kaya kong gawin.

“So… tara? Para kahit papano naman mawala mga problems mo” sabi ni Arvin

“Tara…. Thanks Arvin ah! Thank you talaga…” sabi ko sakanya

We drove pataas sa Mt. Samat, isa sa mga tourist spots sa Bataan na pagdating mo sa tuktok sobrang ganda, kita mo halos buong Bataan, and hindi naman sya mahirap akyatin, kasi meron naman way talaga, ang road para sa mga sasakyan na dadaan. Yun yung bundok tapos may malaking krus sa tuktok. INakyat namin yun. Acctually, we drove up. Hahahaha. Pagkadating naming sa taas, walang pinagbago ang Mt. Samat, sobrang lamig parin ng hangin, at sobrang sarap parin mag unwind, hayyyyy, nasa isang mataas na bundok ka kasama yung taong pinakamamahal mo! Hahaha! Na hindi ka na mahal katulad ng dati, pero ikaw nagpapakatanga ka pa rin, na gusto mo na isigaw sa kawalan na…. Sana kahit papano may pag asa parin tayo, tangna! Ang Emo ko nanaman.

“Gab!” sigaw niya

“Bakit” tanong ko

“Picture! Bilis!” makulit nyang aya.

Every shot na nag reregister sa cam, tinitignan ko lang, I just want to see him this happy, ang sarap nya tignan na laging nakangiti. Hayyyy Arvin! Arvin Arvin! Bigyan mo naman ako ng chance maka move on.

The day ended good, bumaba na kami ng bundok at naghanap ng hotel na pwede nyang matulugan, ang alam ko lang naman is yung Crown Royale na hotel sa Bataan, yun lang alam ko na maayos ayos, eh maselan si kupal! Mayaman kasi…. Hahahaha. Kaya dun ko sya inudyok pumunta.

Dumaan muna kami sa dorm para makakuha ako ng damit. And then after pumunta na kami sa Crown Royale para maka pag check in na rin sya. Haha, okay! After nya maka check-in…. wow! Ganda ng kwarto hehehe, wala lang, ang ganda eh, ang lambot ng kama! Wow! And isa lang ang kama! Wahahaha Alam na! Hehe katabi ko sya matulog ngayong gabi. Hindi ko to papalampasin. Yayakapin ko sya hanggang hindi sya makahinga. Hahahaha

“Maliligo ka ba?” tanong niya

“Oo! Hindi pa ako nakakaligo buong araw dahil dun sa text mo kaninang umaga” sagot ko sakanya

“Baho! Hahaha” pabiro nyang sabi sakin

“Ahhhh mabaho pala ah….”

Tumakbo ako papunta sakanya at hinatak ko sya at hiniga sa kama!

“Ano? Sino mabaho?” tanong ko

“Wala po Boss! Wala” sagot nya

“halikan kita dyan eh” seryoso kong sabi sakanya

“Sige nga” sagot nya “Gusto ko yung masarap” pabiro nyang dagdag.


Itutuloy…



FB: gabifad@yahoo.com
BLOG: gabrielfads.blogspot.com

No comments: