Tuesday, August 16, 2011

The One Who Could Not be Taken - Chapter Eight

Photobucket





Para kay Chii-Choi na nagwewelga na sa pag-aabang nito. ahahaha... Enjoy!


And please do leave some comments guys. :)


KGF, my inspiration to this novel, take care. :) Ingatan mo ang sarili mo, magpapakasal pa tayo. ahahaha










Chapter Eight


Tulirong naglalakad sa labas ng hotel si Gabriel pabalik sa kanyang sasakyan. Hindi niya inaasahan ang pangyayaring naganap sa pagitan nila ni Dalisay kani-kanina lang. Wala sa loob na nasalat niya ang labi at napangiti.

They actually kissed! 

Hindi man aware si Dalisay sa pangyayari ay may ipangtutukso na siya rito. Alam niyang wala itong magagawa kapag sinabi niya ang bagay na iyon at babaluktutin na kaunti ang katotohanan sa likod nito.

Subalit ang pagkaalala niya sa 'halik' na iyon ay nagdulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Dama niya kaagad ang pag-akyat ng tensiyon sa dugo niya. Nakaramdam din siya ng bahagyang paninikip ng pantalon. Naiiling na tinalunton niya ang daan papunta sa kinapaparadahan ng kotse. Kailangan niyang kunin ang spare shirts at jeans na meron siya.

Pagdating niya ng kotse ay sinalubong siya ng isang mahinang tahol mula kay Eneru. Napangiti siya ng maalala kung paano niyang napaamo ito.

Nang makita niya kasing tumalilis si Dalisay mula sa presinto ay hinayaan niya lang na maka-ibis ito ng malayo-layo saka siya sumunod nang makawala sa pulis na nagtangkang mangotong sa kanya.

Nakapaglagay naman kasi siya ng transmitter sa ibabaw ng sasakyan nito habang tinatangka niyang magpaliwanag. Salamat sa kaibigan niyang pulis na nagregalo sa kanya noon. May napag-gamitan tuloy siya.

Nang masundan niya ang sasakyan ni Dalisay ay naka-park na ito sa compound ng Days Hotel. Nakita pa niyang nakahiga si Eneru sa backseat. Nang tanggalin niya ang transmitter ay nagising ito at kumahol. Nanlaki ang mata niya ng makitang tumalon ito palabas sa bintana ng sasakyan na nasa kabilang panig. Mabilis ang kilos na tumakbo siya pabalik sa sasakyan at may kinuha mula sa isang plastic bag at hinagis sa papalapit na hayop.

Sakto sa bibig nito ang crispy pata na binili niya sa daan. Nginasab ito agad ng aso at waring nakalimutan na siya. Nang matapos ito ay tila maamong tupa na lumapit ito sa kanya at anyong nagmamaka-awa na bigyan pa niya ng isa.

Napangisi siya.

Effective ang payo ng lolo niya noong bata pa siya. Na kung gusto mong umamo ang mabangis na hayop sa iyo ay lawayan mo ang pagkaing ibibigay mo sa rito.

Hinaplos niya ang ulo ni Eneru ng makalapit siya sa sasakyan.

"How's my boy?"

Bibong tahol ang isinagot sa kanya ng aso ni Dalisay. Mukhang may magagamit pa siya para umamo rin sa kanya ang isang iyon. Nangingiting parang ewan si Gabriel. Hindi niya akalaing sa pagsunod-sunod niya sa paborito niyang author ay magkakaganito ang buong araw niya. Puno ng adventure. Kinapa niya ang wallet sa bulsa at tiningnan ang laman nun. Siniguradong naroroon ang kanyang mga credit cards at sapat na cash. 

Kukuha siya kasi ng room kung sakaling magwala na naman si Dalisay. Bibili pa siya ng mga gamit niya. Napasubo na siya pero dahil nag-eenjoy siya sa ginagawa ay lulubusin na niya. Tingnan lang niya kung hindi sumuko sa kakulitan niya ang pakipot na manunulat.

"Paaamuhin ko rin ang amo mo, Eneru," nakangiti niyang sabi sa aso na tahimik na humiga sa backseat ng sasakyan niya. 

Pero natigilan rin siya ng maalala ang ugat ng lahat ng kaguluhang iyon. 

Si Dalisay.

Ang amo ni Eneru na natutulog ngayon sa sasakyan niya na sinadya niyang paamuhin.

Umepekto rin kaya rito kapag nilawayan niya ang pagkain nito? O halikan na lang kaya niya ito ng napaka-torrid to the point na magpapalitan na sila ng laway?

Nandiri siya sa naisip. Kung anu-ano na ang napagpaplanuhan niya ng dahil lang sa iisang tao. Ang nakapagtataka pa, parang nawala na ang interes niya sa ibang lalake. 

May mga nagtete-text sa kanya na mga dati niyang boyfriend kani-kanina lang but he was ignoring all of them. Lalo na kaninang kaharap at kaakbay niya si Dalisay, hindi lumiliko sa ibang lalaki ang mga mata niya. Dito lang iyon nakatutok at tila naturete na siya ng husto rito.

Bakit kasi hinahayaan mong maturete ka ng husto?

Napabuntong-hininga siya. 

Bakit nga ba? Oo, crush niya ito, pero hindi lang naman ito ang crush niya, hindi ba? Saka ano bang ipinagkaiba nito sa iba? Pare-parehas lang naman sila na crush niya. Ano at nag-i-stand out si Dalisay sa kanila? Ang ibig sabihin ba nito ay talo na siya sa pustahan? 

Napailing siya. Kahit maging sila pa ni Dalisay, talo pa rin siya. Tama si Charlie, marami pang planeta ang hindi natutuklasan ng mga dalubhasa at "Dalisay" ang pangalan ng isa sa kanila.

Naiinis na bumaba siya ng sasakyan at muling tinungo ang hotel.


NAGISING si Dalisay na napakakomportable ang pakiramdam. Kaya pala ay nakabalot sa kanya ang makapal na kumot. Ngunit kasabay ng pagiinat niya ay ang reyalisasyon na nakatulog siya at nakalimutan kung nasaang lugar siya.

Babangon sana agad siya ng maramdaman ang mabigat na bagay sa kanyang tagiliran. Dagli ang pagbaba nang kanyang mata sa bagay na nakadagan sa kanya. 

Kaninong braso ito?

Nawala ng tuluyan ang antok niya ng maramdaman ang mainit na dampi ng hininga ng kung sinomang herodes na nsa likuran niya. Na-shock siyang bigla.

Nasa kama ako at may katabi na kung sino!

Dahan-dahan niyang inangat ang braso na nakadagan sa kanya ngunit nabigla siya sa sumunod na pangyayari. Nilingkis siya ng yakap ng talipandas na nasa likuran niya. Nakarating ang kamay nito sa kanyang baywang kaya napaigtad siya ng bahagya.

Sino 'to?

"Huwag ka munang tumayo Miss D. Matulog ka muna. Mamaya pa naman ang usapan ninyo ni Sir Mike eh," sabi ng lalaki sa likuran niya in a husky tone.

Nanigas ang buong katawan niya ng makilala ang boses.

Si Gabriel!

Hindi siya makakilos sa ginawa nitong pagyakap. Tila ayaw makisama ng brain cells siya para makaisip siya ng solusyon sa ginagawa nitong panlalamang sa kanya.

Arte mo teh!

Maarte na kung maarte. Pero hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Hindi siya pwedeng makaramdam ng ganoon sa ibang lalaki. Iyon bang feeling na tila hinahabol ka ng demonyo sa sobrang kaba mo kapag malapit siya sa iyo. Ayaw niya niyon.

Choosy? anang isang bahagi ng isip niya.

Napailing siya ng bahagya. Sinubukan niyang pakalmahin ang sistema dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya dahil sa scenario nila ni Gabriel.

"B-bitiwan mo ako..." mahinang daing niya.

"Hmm?" he nuzzled his nose to his nape.

Lalo tuloy nawalan ng kakayahan ang utak niya na mag-isip. Pesteng lalaki ito. Ang husay mang-akit. At ang nakakaloka. Naaakit siya!

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan.

"Alisin mo ang kamay mo sa katawan ko, Gabriel." aniya sa mas matigas na tono.

"No." Gabriel said teasingly. To make matters much complicated, dinaganan siya nitong bahagya. Making him aware of something he'd never thought he'd feel from him.

Nanlalaki ang mata ni Dalisay sa pagkakatagilid. Naka-spoon position sila ni Gabriel at ang hudyo ay ipinaparamdam sa kanya ang "kagitingan" nito! Nagmistula tuloy siyang may lagnat dahil sa biglang pagtaas ng temperatura niya.

"O, bakit ang init mo, Miss D? May lagnat ka ba?"

Ang hayup at nanunukso pa! Hindi na nakuntento sa panunukso sa katawan niya eh tinutukso pa siya nito ng mga salita. Iyon nga lang, ang talipandas niyang katawan ay tinatraydor siya.

He could not believe how easily his body reacted to Gabriel's advances. He didn't know that he was capable of feeling something this hot. And if truth be told, he was actually enjoying it.

But no. Hindi siya aamin kahit kailan sa lalaking ito na naapektuhan siya ng pang-aakit nito. Lalo na sa ipinagmamalaki nitong kagitingan sa likuran niya. Kailangang makaganti siya.

With that in mind, he decided to play Gabriel's game.

Inalis niya ang comforter at isiniksik ng husto ang katawan dito. Mas naramdaman niya ang "bulge" na eskandalosong tumutusok sa puwitan niya. Nanginig siya sa sensasyon na dulot niyon pero nagpakakalma siya. Kailangang maibalik niya rito ang ginagawa nito kundi ay talo siya.

"Para ngang nilalagnat ako Gabriel, pwede bang maki-share ng body heat?" aniyang nilambingan pa ang tono at hinaplos-haplos ang braso nito.

Naramdaman niya ang tensiyon na biglang bumalot sa katawan ni Gabriel. Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa niyang pagdikit ditong lalo.

"O-okay lang..." he replied hoarsely.

Napangiti si Dalisay. Hinigit pa niya ng husto si Gabriel palapit sa kanya dahilan para madaganan siyang lalo nito. Nakakubabaw na sa kanya ang kalahating katawan nito habang nakatalikod pa rin siya rito. Damang-dama niya ang init ng katawan at hininga nito at ang mabilis na tibok ng puso.

"Salamat naman Gabriel. Ganyan ka lang ha, huwag mo akong iiwan dito. Teka, baka naman iwanan mo ako bigla kapag nakatulog na ako?" aniya na biglang pumaling paharap dito.

Subalit ang kanyang tangkang pang-aasar sa lalaki ay bumalik sa kanya ng pagharap niya rito ay nagdikit ang kanilang mga labi. 

Nanlaki ang mata ni Dalisay. Para lamang paruparo na dumampi ang mga labi nila sa isa't-isa ngunit hinabol iyon ni Gabriel sa panggigilalas niya.

Tila hindi ito nakuntento sa ginagawa. He cupped his cheeks and drew him closer. He opened his mouth to claim his. Napasinghap siya na isang malaking pagkakamali. 

Heat rapidly conquered his whole system. Gabriel's kissing him expertly that he already forgotten why they were there in the first place. All he know is that he wanted this man so badly. And that was the truth he can't deny.

Truth?

Bigla siayng nagising sa katotohanan ng maalala ang mga kalokohan ng kahalikan. He pulled away. Itinulak niya ito ng malakas saka marahas na tumayo.

"How dare you!"

Pauulanan niya sana ito nang iba't-ibang klaseng mura ngunit nagulat siya ng makita ang mga mata nito. It was full of desire. And it was all intended for him. Napalunok siya. Tila natuyuan ng laway. 

"B-bababa na ako..." iyon lang at kumaripas siya ng takbo palabas. Walang paki-alam sa kung ano ang hitsura niya.


WALA na sigurong mas "magiting" pa kay Gabriel ng mga oras na iyon. Kanina lang ay kahalikan niya si Dalisay at natutuwa siya dahil aware ito sa ginagawa niyang pang-aakit dito. Sabi na nga ba niya at apektado ito sa kanya kahit hindi niya sabihin.

Iyon nga lang, nagback-fire kaagad sa kanya ang ginagawa niya ng patulan nito ang advances niya. Nang magising ito kanina, sigurado siya na hindi nito malaman ang gagawin. Dahil katulad niya, nagising na lang din siya na natutulog at nakayakap dito.

Nang bumalik kasi siya sa  silid nito ay nahiga siya sa tabi nito para sana gisingin ito. Pero mantika yata matulog si Dalisay dahil hindi niya ito magising. He ended up sleeping and waking-up cuddling him.

Nag-enjoy naman siya ng maramdaman ang pagkataranta nito. Alam niyang natuliro ito ng bahagya pero sa kung anong dahilan ay napakabilis nitong baligtarin ang sitwasyon nilang dalawa. Suko na talaga siya sa talent nitong mag-isip ng mabilis.

Kaya naman, nang higitin siya nito ng walang comforter sa katawan ay hindi na niya naitago ang "kagitingan". Lalo pa nang haplusin nito ang kanyang braso. Lalo tuloy nagwala ang testosterone niya.

Dalisay smelled like apple and his skin was like a baby's bottom. Naamoy at nasalat niya iyon while he was breathing in his neck. Inaalarma nito ang lahat ng sistema niya. And because he was so close, ganun na lang ang pagtitimpi niya na huwag halikan ito.

Pero ito ang gumawa ng pinagtatalunan ng isip niya. Kaya naman ng magdampi ng bahagya ang kanilang mga labi, hinabol niya iyon. Para siyang batang hayok sa kendi. It was the sweetest he's ever tasted. Pero parang kulang pa rin ang ginawa niya. Siguro ay dahil na rin sa estado ng libido niya na nasa boiling point na. 

Tapos bigla itong kumalas sa di malamang dahilan kung kailan balak niya nang palalimin pa ang halik. Naiiling na iniunan niya ang braso sa ulo.

A tease! A goddamn tease!

Bumuga siya ng malakas na hangin. 

Hindi ba nito alam na iyon ang pinaka-ikinaiinis niya sa lahat? Tumayo na lang siya at nag-decide na sundan ito sa ibaba. Pero bago niya gawin iyon, pumunta muna siya CR nang silid na iyon.


Itutuloy...


DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

6 comments:

Aerbourne14 said...

Great as usual, Ms. D. Super worth the wait... Kahit madelay, we'll still wait for updates on your blog. ;)

Keep writing and keep inspiring people n___n

Zekiee said...

nice one miss D.. :)

DALISAY said...

Salamat guys!!! Natutuwa ako at nakapaghihintay kayo kahit medyo nade-delay ako sa pagsusulat. :) Salamat

Chiichoi/Sophia Victoria said...

At dahil nasali ang maganda kong penname... ako ay nagmamaganda na dito. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Yasiiiiiiiiiiii, my labidudz, next naaaaaaaaaaaaaaaa! :)) I love you, Jordan. :P

DALISAY said...

eeeeeeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkkk!!! ahaha Ipapa-ban kita sa Earth diyosa ng lupa! ahahaha

bx_35 said...

nabasa ko na rin, tsk, tsk, tsk, kawawa naman si gab, he he