Wednesday, August 3, 2011

Torn Between Two Lovers? x

It’s been days nung hiniling ko kay Len na layuan muna ako. Masisisi ba ako? Hindi. I’m just doing what I know is right. Sa sampung mali ko, gusto ko itama ang isa. One at a time ika nga. Mas naintindihan ko how it is being the other person sa isang relationship; nakaka-guilty, nakakainis. Hindi ko ginustong mangyari ito, pinili ko lang na mahalin siya but it has to end. (I hope so.)

Aaminin ko, it’s been lonely since that day kasi wala nang makulit na bestfriend akong umaaligid, wala nang bestfriend na nangungulit, wala nang bestfriend na nagtatampo dahil di ko nagawa yung ganito, yung ganun, wala nang bestfriend na maglalambing. Hays, nakakainis na ewan. Mahirap talagang dalhin pero naniniwala ako I can get over with this.

“Huy girl, anong emote?” Si Xyza.

“Wala naman.”

“Come on, tell us.”

Tahimik.

“May problema to girl.” Si Febbie.

“Oo nga. Mukhang ayaw magsabi eh.”

“Hindi naman girls.”

“Teka lang huh mukhang may idea na ako.”

Sabay naman kaming napatingin ni Febbie sa sinabi ni Xyza.

“Kasi pansin ko lang huh, hindi ko na madalas makitang magkasama kayo ni Arnel. May LQ ba kayo?”

“Gago! Anong LQ ka dyan! Kami ba eh hindi naman.”

“Ay comfirmed na girl.” Sabay apir nung dalawa.

“O dali na. you owe us a kwento of what happened between you and si Arnel.”

Buntong-hininga.

No choice na ako basta pag ganito malakas radar ng dalawa. Gawa na rin siguro na kilala na nila talaga ako. Kinuwento ko sa kanila lahat ng mga pangyayari. Mataman naman silang nakikinig sa bawat sinasabi ko.

“Tama lang ginawa mo girl. Maski ako, ayoko sumabit.” Comment ni Xyza after ng kuwento ko.

“Sinabi mo pa, takot ko lang sa karma.”

“Yun na nga, pinili kong masaktan kesa makasakit sa damdamin ng iba lalo pa at kitang kita ko how Jessa loves him at kung paano niya iyon tumbasan.”

“Papaka-martyr ka na naman girl. Hayaan mo may dadating din na para sayo soon.”

“Wow, kung maka-advice ka Feb ah parang hindi ka pinagsabay din noon.” Si Xyza.

“Fuck you!”

“Thank you!”

Dahil sa asaran nung dalawa, nabawasan kahit papaano yung lungkot ko. Nakisabay na ako sa kulitan nila. Kahit nasasaktan ako, iba pa rin talaga kapag may mga kaibigang dumadamay sa’yo sa mga oras na ganito. Nakakawala nang lungkot.

“Hi kuya!” Biglang sulpot ni Francis sa kung saan.

Napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti na naman siya.

“Oh hi! Musta?”

“Okay lang ako kuya. Ikaw ba? Pansin ko kasi na emo ka kanina. May problema ba?”

“Hay naku Francis, yang kuya mo. Pagsabihan mo nga minsan na huwag mag-isip isip ng kung ano-ano. Hala, baka isang araw makita na lang natin yan sa kalsada na ang dungis dungis.” Sabay tawa nung dalawa.

“Ang sweet niyo talaga mga letse kayo.”

Tumatawa na rin si Francis sa kulitan namin.

“Nga pala, isang tanong isang sagot.” Pag-iba ni Febbie.

“Ano po iyon ate?”

Nagtinginan muna yung dalawa na para bang nagkaintindihan sila. Medyo kinabahan ako dahil mukhang may plano itong dalawang ito ngayon.

“Seryoso ka ba dito sa kaibigan namin?” Si Xyza na ang nagtanong.

Nanlaki mga mata ko sa tanong niya.

“Xyza, tigilan mo yan!” Pagsaway ko.

“Ano ba girl, kikilatisin lang namin siya. Hindi naman namin siya sasaktan eh.”

“Nakakahiya. Wag niyo nang ituloy.” Seryoso kong sabi.

“Ayos lang yun kuya.” Sabay flash ulit ng kanyang killer smile.

“See girl, interested din siya. Okay, balik tayo. Nasa hotseat ka ngayon remember and sagutin mo tanong naming dalawa nang may katapatan at katotohanan. Mangako ka.”

“Opo. Promise!”

“Okay by the power vested in me I will now pronounce you as. . .”

“XYZA!!!”

“Okay fine.” Sabay hagikhik niya. “Going back, seryoso ka ba sa kaibigan namin?”

Tumingin muna sa akin si Francis bago sumagot.

“Opo.”

“Paano ka namin pagkakatiwalaan?”

“Hayaan niyo pong patunayan ko sa inyo na seryoso ako sa kanya. I don’t want to overwhelm you with my words mas maigi po atang ipakita ko na lang yun kesa sabihin pa.”

“May point nga naman siya girl.” Sabay tango. “Next question, halimbawang maging kayo nitong damulag na ito. . .”

“Wow ang sweet talaga!” Sarkastiko kong sabi.

“Shut up nga muna dyan, busy kami.”

“Fine. Huwag lang kayo magkakamali!” Pagbabanta ko. Tumango lang ito

“So yun nga, if ever na maging kayo niyang si Dhen, maipapangako mo ba samin na hindi mo siya sasaktan?”

Natagalan bago sumagot si Francis.

“Hindi ko po maipapangako na hindi siya masasaktan dahil sa akin. Ayoko naman pong mangako nang isang relasyong perpekto, na walang away, na walang nasasaktan pero hanggang kaya ko iiwasan kong saktan siya.”

Na-touch ako sa sinabi niya. Totoo nga naman iyon. Walang perpektong relasyon. Lahat dumadaan sa pagsubok.

“I see. Mukhang iba ka sa kanila.”

“Third question, pag nagdate kayo pwede bang dapat kasama rin kami?”

“What?!” Gulat kong sabi.

“Oh bakit? Sosolohin mo?”

“Walastik talaga kayong dalawa pagdating sa pagkain bigla kayong nagiging ewan.”

“Laman tiyan din iyon girl.”

“Mga patay gutom!”

“Busog naman.”

“Hay ewan, kayo talaga!”

Natatawa na naman si Francis sa amin.

”Anong sagot mo Francis? Naku wag kang magkakamali, hindi mo na ito makikita pa kahit kalian.”

Lalong natawa si Francis sa tinuran ni Xyza.

Nagpalitan pa kami nang ilang kulitan at nakikisama na sa amin si Francis. Nakuha na niya kasi ang mga loob nung dalawang gahaman.

“Huy Francis, andito ka pala.”

Natigil kami dahil sa nagsalita. Medyo nagbago mood ko na hindi naman alintana sa dalawa.

“Huy Jie upo ka.”

“Hindi na. Kumain ka na ba? Tara kain na tayo.” Aya niya dito.

“Hala oo nga. Kuya kain na tayo. Sabay-sabay na tayo nila ate Xyza and ate Febbie.”

“Naku hindi na. Busog pa kami di ba?”

Tumango na lang yung dalawa sa sinabi ko.

“Ah ganun po ba? Sige po kain na kami. Nice meeting you mga ate.”

“Nice meeting you rin.”

“Sige kuya see you later.”

Tumango na lang ako bago sila tuluyang umalis.

“Hmmm, what’s with that face girl?”

“Ang slow mo Feb.”

“Huh?”

“Sabi ko na nga ba, pagong ka talagang walanghiya ka.”

“Ay nagsalita ang talipandas na elepante.”

“Che! Anyway, mukhang gumana ang gaydar ko dun sa Jie na yun. Dhen, sino yung kanina?”

“Best friend niya.”

“Teka medyo nakukuha ko na Xyza. Parang ikaw lang at si Arnel yung si Jie at Francis?”

“Nakuha mo rin slow!” Pang-aasar ni Xyza.

“Tama ba kami Dhen?” Pandedeadma niya sa pang-aasar nito.

“Hindi ko alam kung kagaya nga nang situation naming dalawa ni Len. Kasi sa amin, nakikita niyo naman na mahal namin ang isa’t isa pero sa kanila hindi ko alam.” Nalungkot ako sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Len.

“Pero ramdam mo ba na may pagtingin yang si Jie kay Francis?”

“Oo.”

“Ay, kaya pala wala pang development sa status niyo ni Francis?”

Tumango lang ako.

“Naku, ang malas mo naman girl diyan sa mga lalake mo.”

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Naku hayaan mo na yan girl. Kung hindi man si Francis iyang para sayo, ipagdadasal namin na dumating na si mister right sa ating dalawa soon.”

“Tama buti pa ako may Ruben.”




--

Mula nang mangyari yung sa batibot palagi na naming kasama si Francis tumatambay doon. Minsan sinusundo siya ni Jie para sabihing kakain na raw sila, o kaya naman ay magrereview, o kaya naman uuwi na. tinataasan na lang nila Xyza and Febbie nang kilay yung mga ginagawi ni Jie. Noon nila mas napatunayan na tama nga yung hinala ko.

Hindi ko naman masisisi si Jie kasi mas matagal na niya itong kilala at mas nauna itong magmahal kay Francis. Civil naman ako sa kanya at ayokong maging rude kasi kahait papaano maayos naman itong makitungo sa akin until one day.

Nasa library ako nun nang dumating si Jie.

“Kuya, pwede ba tayong mag-usap?”

“Oh Jie, sige saglit lang. Ayusin ko muna itong mga gamit ko.”

“Hindi na kuya dito na lang tayo para may privacy tayo.”

“Sige ikaw bahala. Have a seat.”

Umupo naman ito.

“So anong pag-uusapan natin? Mukhang seryoso ito ah tama ba ako?”

Matagal bago siya nagsalita.

“Iwasan mo na si Francis kuya.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Bakit?”

“Basta.”

“Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na iwasan siya nang walang sapat na dahilan.”

Tumahimik siya.

“Alam ko na. Umamin ka nga sa akin, mahal mo si Francis. Tama ako di ba?”

Hindi siya sumagot.

“Bakit mo ito ginagawa?”

Tahimik pa rin siya.

“Gusto mong layuan ko si Francis dahil gusto mong bumalik siya sa’yo? That’s so selfish of you Jie.”

“Selfish na kung selfish pero iwasan mo na siya.”

“Hindi mo ako pwedeng diktahan Jie! Buhay ko ito at ako mismo ang didiskarte.”

Tumahimik ulit siya.

“I have to go, ayokong dumating sa point na magalit pa ako sa’yo nang todo. I have high respect on you dahil best friend ka niya, huwag mong hayaang masira iyon.” Sabay walk-out.

“I’ll do anything para bumalik si Francis sa akin. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa iyo. Tandaan mo yan.” Sa kung saan ay sabi niya.

Tiningnan ko lang siya nang masama bago tuluyang umalis.

Nakita ko sa hallway si Francis pero hindi ko ito pinansin. Nagtaka siya siguro kasi naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. Humarap na ako sa kanya.

“What’s wrong?”

“Wala.”

“Come on kuya, alam ko may nangyaring hindi maganda sa’yo.”

“Wala ito Francis pagod lang ako.” Sakto namang nakita ko na nasa likod na si Jie. “I have to go.”

Walang lingod-likod akong umalis.

Nag-vibrate yung phone ko kaya naman dinukot ko ito. Nakita ko na may message siya sa akin. Pagkabasa ko ay agad ko itong binalik at hindi na nag-aksaya nang panahon pa na magreply.

Akala ko wala na sila run sa lugar na yun kaya nilingon ko. Laking pagkakamali na ginawa ko yun, nakita kong nakayakap si Jie kay Francis at nakatingin pa ito sa akin na waring sinasabi na One Point for me.

Mas lalo ko tuloy binilisan maglakad. Badtrip na badtrip ako. Kitang kita iyon sa classroom gawa nang pagiging tahimik ko at palaging nakakunot noo. Pag tinatanong ako nang mga prof ko parang out of the world mga sagot ko.

“Anong nangyayari sayo?” Tanong ni Xyza.

“Oo nga naman girl. Alam mo bang obvious ka kanina nung tinanong ka ni ma’am nang anong gamot para sa ulcer tapos ang sagot mo eh paracetamol. Girl, out of this world ka pang-lagnat yun.”

“Bakit may pain naman pag ulcer.” Walang kuwenta kong sagot.

“Uto! Hindi mo kami maloloko. Kahit utot mo alam namin ang ibig sabihin.”

Wala na naman akong ligtas sa dalawa.

“Huwag muna ngayon, wala ako sa mood magkuwento.”

“Ay ang arte! Anyway, sige ikaw bahala. Basta utang mo yan ngayon huh.”

Tumango na lang ako para matigil sila.

Hanggang sa matapos yung araw tahimik lang ako. Ni hiindi ako makausap ng matino nung dalawa. Nang matapos na yung final class ko, nagulat ako nang makitang nasa labas si Francis.

“Oh, kanina pa out mo ah.”

“Hinihintay kita.”

“Bakit?”

“Mag-uusap tayo.”

“Pwede bukas na lang? Pagabi na rin kasi.” Pagtanggi ko.

“Walang problema. Dun ako matutulog sa inyo. Andun na mga gamit ko, dun tayo mag-uusap.”

I threw him a questioning stare.

“Ramdam ko kasi kuya na hindi mo ako kakausapain about dyan sa problema mo kaya ako na gagawa nang paraan. Don’t worry nagpaalam na ako kila tita.”

Wala na akong nagawa. Kaya hayun, sumakay na kami sa kotse niya. Hinatid muna namin yung dalawang ugok sa mga bahay nila bago kami tuluyang umuwi. Pagkadating sa bahay ay agad na kaming dumiretso sa kuwarto.

Pagkapasok ay hindi napigilan ni Francis sarili niya at hinalikan ako. Pinilit kong gumanti pero ramdam niya na may kulang kaya naman tumigil siya. Tumingin sa mga mata ko. Ngumiti.

“I’m sorry.”


(itutuloy…)

No comments: