Wednesday, September 7, 2011

Torn Between Two Lovers? xiii

“May gusto ka bang sabihin sa akin?” Bungad niya pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto niya.

“Huh?” Pagmamaang-maangan ko.

“Hay naku Dhen, huwag kang magkunwari sa akin. Alam kong may problema ka kaya sabihin mo na baka makatulong ako sa’yo.”

“I don’t want to drag you in. Tsaka hayaan mo akong resolbahin ito. Enough na muna yung pagiging knight in shining armor mo. Let me learn the hard way.”

“Okay sabi mo eh. Basta if you want to talk, I’m just here.”

“Sure. O siya mag-shower ka na. nangangamoy ka na eh.”

“Igiban mo naman ako.” Paglalambing niya.

“Aba’t sinuswerte ka ah.”

“Sige na. O kaya samahan mo na lang ako sa may poso. Takot ako eh.”

“Uto! Takot ka dyan. Kelan ka pa natakot sa multo?”

“Just now.”

“Baliw! Hala sige na maligo ka na.”

Ayaw talaga paawat ni gago. Hinablot ako bigla at diniretso sa may poso. Wala na akong nagawa pa kasi binasa na niya ako.

“Walanghiya ka!” Gumanti na rin ako sa pagbasa sa kanya.

Para kaming mga bata na nagbabasaan. Sa totoo lang, miss ko itong mga ganitong pagkakataon. Kasi ba naman wala akong kapatid na lalaki kayak ay Arnel ko naibuhos yung pangungulila ko sa kapatid na lalaki.

Ipinagpatuloy lang namin ang paglalaro sa poso hanggang sa naisipan naming tapusin na ang ginagawa dahil palalim na ang gabi at lumalamig na ang paligid. Hirap na baka dapuan pa kami nang sakit.

“Na-miss ko ito.” Hindi ko napigilang hindi maibulalas.

“Miss din kita Dhen, sobra.”

Napalingon ako sa kanya. Parang nasa pinilakang tabing lang ang eksena eh. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at unti-unting inilalapat ang labi niya sa akin. Gusto nang isip ko na kumawala ako pero mismong katawan ko ang trumaydor sa akin.

Sa una ay banayad ang mga halik niya pero di naglaon ay unti-unting nagiging marahas. Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili kong hindi gumanti sa paglapastangan ni Arnel sa mga labi ko. Naglalakbay na ang diwa ko sa mga pangyayari. Nais kong samantalahin ang nararamdaman kong ligaya dahil hindi ko alam kung kelan ito mage-expire.

Kapwa kami hinihingal ng putulin namin ang halikang iyon.

“You’re lips are the softest lips I ever kissed. Sobrang saya ko, matagal ko nang gustong muling maramdaman ang mga halik na ganun.”

“Bolero.” Sabay tampal sa dibdib nito.

Napangiti lang ito at muli pa’y hinagkan ako. Saglit ngunit madamdamin.

Kita ko naman na hindi magkamayaw ang cellphone ko sa pag-vibrate. Nang tingnan ko ito ay laking gulat ko nang si mama ang tumatawag kaya naman dali-dali ko itong sinagot.

“Hello ma!”

“Ano po?”

“What the?! Sige po ma.”

Badtrip talaga! Kainis.

“Len, alis muna ako saglit. May puntahan lang ako.”

“Saan ka punta?”

“Basta.”

“Hatid na lang kita.”

“Hindi na. Kaya ko ito.”

“Sige. Babalik ka huh.”

Tumango na lang ako at agad nagbihis.

Bago ako makalabas ng bahay ay binigyan ako ulit ng halik ni Arnel sabay bulong ng I Love You. Napangiti na lang ako.

Ano na naman ba naisip nitong taong to? Hindi na naawa sa akin. Hay buhay nga naman. Buti na lang at nakasakay ako agad ng tricycle. Habang nasa daan ay buwisit na buwisit pa rin ako. Gusto ko sana pagdating ko eh sapakin siya pero hindi ko ata kaya tsaka baka masaktan kamay ko.

Buti na lang umayon ang takbo ni manong driver kaya naman wala pang 20minutes ay nasa bahay na ako. Kita ko naman agad yung sasakyan niya sa labas. Pagkabayad ko ay may mga kamay agad na yumapos sa akin na siya ko naman agad inalis.

“Kuya, I’m sorry.”

“Uminom ka?”

“Sorry. Patawad po.” Pagsusumamo nito.

“Ma andito na po ako. Sorry po sa istorbo. Ako na bahala rito. Matulog na po kayo.” Hindi ko pinansin muna yung sinabi niya. Nagbigay lang ng ilang paalala si mama bago pumasok sa silid nito.

“Ano bang problema mo?” Nang humarap ako sa kanya.

“Alam ko galit ka sa akin kuya. Sorry talaga.” Hindi na nito napigilang umiyak. Sa halip na maawa ay mas nainis pa ako.

“Puro ka sorry. Di ba sinabi ko na sa’yo kanina na wala kang dapat ihingi nang sorry?”

“Kuya naman eh. Alam ko kung ano mali ko please babawi ako sa’yo.”

“Francis, umuwi ka na muna. Saka na tayo mag-usap.”

“Kelan mo ako kakausapin kuya?” Maiyak-iyak pa rin nitong sabi.

“Pag hindi ka na lasing. Kapag nasa tama ka nang huwisyo.”

“No, sa ayaw at sa gusto mo ngayon tayo mag-uusap.” Nabigla ako sa naging sagot niya.

“Fine. Sige ngayon magsalita ka. Ipaliwanag mo bakit mo ako iniwan sa ere?”

Hindi ito umimik. Nakatingin ito sa loob ng bahay. Pagsilip ko ay nakita kong nakikisawsaw yung kapatid ko sa eksena.

“Ikaw, pumasok ka na sa loob kung ayaw mong isumbong kita kay .” Pagsaway ko sa kapatid ko.

Dali-dali naman itong tumakbo paloob.

“Doon tayo sa kotse mo mag-usap.”

Sumunod na lang ito sa gusto kong mangyari. Pagkapasok naming dalawa ay wala pang gustong mag-umpisa. Naisip ko bigla si Arnel na naghihintay sa pagbabalik ko. Dapat matapos ko na ito agad.

“Tutunganga na lang ba tayo rito o uumpisahan mo nang magpaliwanag?” Malamig kong tanong sa kanya.

“Sorry kuya kung iniwan kita sa ere.” Halos pabulong na nitong bigkas pero malinaw pa naman sa pandinig ko.

“Hindi mo man lang naisip na magtext.” Panunumbat ko.

“Nawaglit sa isip ko.”

“Nawaglit? Sabagay, may point ka nga naman. Siyempre kailangan mong i-enjoy yung bonding niyo ni Jie kaya ayos lang na mawaglit sa’yo na may naghihintay sa’yo.”

“Sorry.” Sa mas lalo pang huminang boses nito.

“You should know Francis kung ano ba mga priorities mo sa buhay nang hindi ka nakakatapak ng tao. Tanggap ko naman na hindi ako ang priority mo, andyan pamilya mo, mga kaibigan mo, mga taong nagmamahal sa’yo.”

“Hindi kuya. Priority kita.”

“That’s bullshit Francis! Kahit kailan hindi ako ang naging priority mo. Alam nating pareho na hindi totoo yang sinasabi mo kaya please lang, maging tapat ka naman sa sarili mo.”

“Sorry.” Nakayuko ito na waring hiyang-hiya.

“Sorry na naman? Nakakasuka na yang sorry mo. Pwede ba magpaliwanag ka nang maayos!”

“Okay fine! Gusto mong magpaliwanag ako sa’yo sige magpapaliwanag ako.” May kataasang sumbat nito sa akin.

Tumahimik na lang ako.

“Excited ako kanina na pumunta nang meeting dahil makakasama ulit kita. Pansin iyon ni Jie dahil ilang ulit niya akong nasita. Kaso nung matapos yung klase namin ng bandang 5:30pm, hindi na ako tinigilan ni Jie na mag-jamming kami. Humingi ako nang konting extension kahit maka-attend lang sana sa meeting pero hindi ako pinagbigyan. Lagi na lang daw ako busy sa org. Kaya pumayag na ako para hindi na siya magtampo.”

Nagtaas siya nang tingin sa akin pero hindi ko sinagot yung tingin niya. Sa halip iginawi ko ang mga mata ko sa labas. Nagpatuloy siya.

“Kuya gusto kong magtext sa’yo or tumawag man lang para ma-inform ka kaso nagagalit si Jie pag hawak ko phone ko. Wala na akong magawa. Sinakyan ko na lang lahat ng trip niya para iwas gulo hanggang sa tuluyan ko nang hindi naalala na magsabi sa’yo. Kung hindi pa kita nakita sa may coffee shop kanina hindi ko maaalalang may kasalanan ako sa’yo. Gusto kong magpaliwanag pero nahihiya ako kay kuya Arnel. Ngayon, matapos kong ihatid si Jie sa bahay nila dumiretso na ako agad dito.”

Dun na ako napatingin sa kanya. Mas naintindihan ko na ngayon na mas matimbang pa rin pala talaga si Jie kaysa sa akin. Alam ko na.

“Uminom muna ako saglit bago gumawi rito. Umaasang madadagdagan yung lakas ng loob ko para kausapin ka. Kaso pagdating ko rito sinabi sa akin ni tita na wala ka raw sa bahay niyo. Nagmakaawa ako kay tita, sabi ko gusto kitang kausapin. Naawa siguro si tita sa akin kaya tinawagan ka niya. Kuya, sorry talaga.”

“Tapos ka na bang magpaliwanag? Aalis na ako. May taong naghihintay sa akin. Ayoko siyang paghintayin sa wala.”

“Sana kuya mapatawad mo ako.”

“Alam mo Francis, kung tutuusin eh sobrang babaw lang naman ng nangyari eh. Huwag mo nang palalimin. Oo nasaktan ako sa ginawa mo pero ano bang magagawa ko. Tapos na iyon eh. I’m thinking on the brighter side na lang. Ngayon ko na-realize kung ano ako sa’yo. Ngayon mas malinaw na sa akin kung saan ako sa’yo at dahil dyan, salamat. Maraming salamat!”

“You’re not thinking of giving up on me di ba?”

“Hindi ko alam Francis. Give me some space, I want to sort things between us. Sana sa mga panahong iyon, malaman mo kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari.”

Hindi ko na siya binigyan pa nang pagkakataong magsalita. Tuluyan na akong bumaba sa kotse niya at sumakay ng tricycle pabalik sa bahay nila Arnel. Alam ko nasaktan din siya sa naging desisyon ko pero it will help us both.

Nakatanggap pa ako nang text message galing sa kanya habang nasa byahe ako. isang simpleng sorry. Masyado akong naging rude sa kanya sa totoo lang pero wala akong magagawa. Masakit kasi yung katotohanang kahit na ilang beses niyang sabihing mahal niya ako at handa siyang gawin lahat para sa akin kung madadaig naman iyon ni Jie. Ayoko magmukhang kaawa-awa sa bandang huli.

Pagdating ko sa bahay nila Arnel ay nakita ko itong nanunuod ng tv.

“Kamusta lakad mo?”

“Hindi ko alam.”

“Nagkaayos na kayo?”

Napatingin lang ako rito.

“Tinawagan ko si tita at sinabi niya sa akin yung nangyari kanina.”

Hindi ko magawang magpaliwanag. “Nakakapagod.” Yun na lang ang nabitiwan kong salita.

“Dhen, sa tingin ko naman mabait na bata iyong si Francis kaya huwag mo sana siyang itulak palayo sa iyo.”

“Bakit mo ba ako minahal?” Bigla kong tanong sa kanya.

This time, humarap na siya sa akin.

“Minahal kita kasi mas madali kong nakita yung hinaharap ko kapag ikaw yung kasama ko.”

“Bakit?”

“Una dahil kilala na natin ang isa’t isa. Pangalawa, payag si mama sa gusto kong mangyari.”

Nanlaki mata ko sa huli niyang sinabi.

“Oo Dhen, sinabi ko na kay mama pero hindi pa kay papa. Natatakot pa rin kasi ako eh.”

“Bakit mo ginawa iyon?”

“Dahil gusto kong patunayan sa’yo na seryoso ako sa’yo.”

“Paano na ang pangarap mong magkaroon ng sariling pamilya?”

“Saka ko na iisipin iyan ang mahalaga eh maintindihan mo kung bakit ikaw ang pinili ko.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Aba, hindi ka naniniwala? Huh? Hindi ka naniniwala?” Tumayo ito at agad akong inundayan ng isang libong kiliti.

“Arnel, tigilan mo yan!!!” Napapapitlag ako sa ginagawa niya.

Enjoy na enjoy naman ito sa ginagawa. Halos magmakaawa na akong tigilan na niya yung pagkiliti sa akin pero mas lalo lang nito ipinagpatuloy. Nang magkaroon ako nang pagkakataon, hinawakan ko yung itlog niya at bahagyang piniga. Napasigaw ito sa sakit. Tatawa-tawa naman akong lumayo sa kanya.

“Kasalanan mo yan. Pinagsabihan na kita kaso masyado kang makulit ayan tuloy napala mo.”

“Dhen naman, paano tayo makakabuo nang pamilya nito kung babasagin mo yung itlog ko.”

“Tarantado! Pamilya ka dyan. Wala akong matres.” Sabay irap dito.

“Ang sakit talaga Dhen.” Pinandilatan ko lang siya.

“Teka, may canton ka ba?”

“Tingnan mo sa may lagayan.”

Agad akong naghalungkat. May nakita naman akong ilang pakete.

“Gusto mo rin ba?”

“Iba gusto kong kainin eh.” Sabay ngiti nang may pagkapilyo.

“Tumigil ka dyan. Gusto mo tuluyan ko na yang basagin?” Pagbabanta ko.

“Kaya mo ba?”

“Aba, huwag mo akong hamunin.” Akmang lalapit na ako nang bigla itong tumakbo palayo. “Kala mo nagbibiro ako ah.”

Kumuha ako nang ilang pakete at saka nagluto. Habang naghihintay na kumulo iyong tubig ay may mga kamay na yumapos sa akin. Naglalambing na naman itong taong to.

“Mainit, lumayo ka muna.”

“Ayan, pinapalayo mo na naman ako. Bakit ka ba laging ganyan?”

“Anong emote mo? Ang sabi ko, layo ka muna dahil mainit. Pagpapawisan ako.”

Bahagya nitong niluwagan pagkakayakap niya.

“Hay naku naman, ang hirap magluto kapag ganito.”

Tatawa-tawa lang ito sa likuran ko.

“Len?”

“Hmmm?”

“Bigyan mo ako nang sapat na oras para makapagdesisyon. Ayokong magmadali dahil ayokong may pagsisihan tayo sa bandang dulo.”

“Naiintindihan ko. Hayaan mo lang ako na mahalin ka araw-araw.”

“Len?”

“Hmmm?”

“Ang corny mo!”

“Mahal mo naman.”

Tumahimik na lang ako. Ayokong mag-comment baka iba pa lumabas sa bibig ko.

Ilang minuto pa ay sa wakas nailuto ko na rin yung canton. Konting ritual pa ay handa na yung pagkain. Agad ko itong dinala sa may lamesa sa harap ng TV. Kumuha naman si Arnel ng mga tinidor at naglabas na rin ng pan de sal.

“Buti naman may stock ka pa niyan.”

“Araw-araw kaya akong bumibili nito.”

Umupo na kami at nag-uumpisang mag-jamming.

“Ano ba yang pinapanuod mo! Len hanap ka naman ng magandang palabas.” Utos ko rito. Tumalima naman ito.

“Ayan. Di ko pa napapanuod yan.” Sabi ko rito.

“Ano? Hindi mo pa napapanuod yang A Walk to Remember?”

“Kung makatanong ka eh ano, school-bahay lang po kasi ako. At kapag nasa bahay ako, sa Hero Channel ako nanunuod.”

“Kaya pala takbo nang isip mo eh anime na.” Pang-aalaska nito.

“Shhhh. Huwag kang maingay.” Saway ko rito.

Kapwa na kami natahimik nung nag-umpisa na yung palabas. May konting lambingan pero pag nararamdaman kong sumosobra na eh sinasaway ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na dumikit siya sa akin at umakbay.

Hinayaan ko na lang siya. Tutok na tutok kasi ako sa pinapanuod eh. Napaka-romantic ng mga scenes sa pelikula. Ewan ko ba pero tagus-tagusan yung mga emotions sa pelikula eh. Naiyak pa ako nung dinala ni Shane West si Mandy sa may border ng dalawang state. Sobrang touch ako run. Ewan ko ba. Pinahid naman ni Arnel luha ko.

Tiningnan ko ito. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla akong nagnakaw ng halik dito.

“Aba’t kelan ka pa natutong magnakaw ng halik?”

“Just now.”

“Sana sinabi mo para hindi ka na magnanakaw.”

“Mas may thrill kasi pag ganun.”

“Thrill thrill ka dyan. Papakipot ka pa kasi eh alam ko naman na gusto mo lang makaisa sa akin.”

“Tumigil ka dyan!”

Tatawa-tawa lang ito. Muli ko nang itinutok yung atensyon ko sa pinapanuod. Nung matapos na yung palabas, talaga namang umagos luha ko. Pagsilip ko kay Arnel, aba himbing na himbing na sa pagtulog. Walastik, tinulugan ako.

Hinaplos ko ang buhok nito at dinampian ng masuyong halik sa labi.

“Hindi ko alam Len pero natatakot pa rin ako. Gusto kita pero alangan ako sa kung ano ang mangyayari pag naging tayo. Hindi rin ako sigurado kung deserve mo ba ang isang kagaya ko. Marami akong mga tanong kaya salamat at pinagbigyan mo ako na pag-isipang maigi itong sitwasyon natin.”

Matapos kong maglitanya ay inakay ko na si Len papunta sa kuwarto nito. Inayos ko na rin yung mga ginamit namin bago ako sumunod sa kuwarto nito at natulog.

(itutuloy...)

1 comment:

Anonymous said...

kawa2 nmn c Francis..
ang hrp tlga magmhl
madaling sbhn..

hay buhay..

vin