Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/
Number 5
2PM sa usapan nila Gabby at Harold –
“May ano at pinapunta mo ako dito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Coz I really miss you. I am afraid that I will die if I wont see you today.” sagot ni Gabby.
“Tinotopak ka na naman!” sagot ni Harold. “Sabi ko sa’yo huwag masyadong titira ng goma kasi nakakasira ng ulo iyon.” biro pa nito.
“Hay!” napabuntong-hininga muna ang binata. “If it’s a joke better change it. Masyadong gasgas na and wala ng appeal.” sarkastikong tugon naman ni Gabby.
“Pamatay trip ka!” inis na tugon ni Harold. “Effort ang pagpunta ko dito tapos gaganyanin mo lang ako.” reklamo pa nito.
Walang kaabog-abog at –
“Is that enough payment for your effort coming here?” tanong ni Gabby kay Harold matapos ang isang mapagmahal na halik.
Napangiti lang si Harold bilang pagsagot sa tanong ni Gabby.
“Come on! Bilisan na natin.” aya pa ni Gabby kay Harold saka hinatak sa kamay ang binata.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Harold.
“In heaven!” sagot ni Gabby na may pilyong ngiti.
“Saan nga!” saka nagmatigas si Harold at huminto sa paglakad na wari bang naiinis kay Gabby.
“Don’t’ you trust me?” madiin at sarkastikong tanong ni Gabby kay Harold.
“Hindi naman sa ganuon…” tutol sana ni Harold.
“Then why are you acting like that?” tanong pa ni Gabby.
“Bakit? Kailan naging masama ang mag-inarte?” tanong ni Harold.
“Ngayon!” madiing sagot ni Gabby. “Because you’re consuming lots of our valuable time.” dugtong pa nito saka muling hinatak si Harold.
“Kung hindi lang kita mahal malamang naupakan na kita.” sagot naman ni Harold.
“Sorry na lang sa’yo kasi mahal mo ako.” sagot ni Gabby saka nginitian si Harold.
“Oo mahal kita kahit matindi ang topak mo sa ulo.” sagot ni Harold.
Pamilyar ang lugar na iyon para kay Harold. Ito ang lugar kung saan kung saan naganap ang ikalawang banggaan nila at sa unang pagkakaton ay naramdaman niya ang panliliit mula sa iba.
“Miss please shows us the best and latest men’s outfit.” may yabang na utos ni Gabby sa sales lady.
“Angas ng dating ah.” bulong ni Harold kay Gabby.
“Ganito lang siguro pag mayaman.” sagot ni Gabby.
“Mayabang na mayaman.” sagot ni Harold saka patiuna sa paglakad.
“Aba’t!” madiing tutol ni Gabby saka hinabol sa lakad si Harold.
“Ano bang ginagawa ulit natin dito?” tanong ni Harold.
“You’re not slow right?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Can’t you recognize the logic why we’re here?” sunod nitong tanong.
“Tsk!” napapalatak naman si Harold.
“Very obvious that we will buy you new clothes.” sagot ni Gabby. “Huwag ka ngang tanga!” singit pa nito.
“Sinong tanga?” kontra ni Harold.
“Ikaw!” sagot ni Gabby.
“Ayan!” sambit ni Harold saka sinipa sa tuhod si Gabby.
“Arayy!” napasigaw si Gabby sa sakit. “You’re so barbaric!” dugtong pa nito.
“Sinong barbaric?” tanong ni Harold. “Gusto mo pantayin natin ang sakit?” tanong pa nito.
“Wala akong sinabi.” pagbawi ni Gabby. “Sobrang makapanakit!” bulong pa nito sa hangin.
“May sinasabi ka?” tanong ni Harold.
“Wala!” tanggi ni Gabby.
Maya-maya pa at –
“Harold please fit this one.” suhestiyon ni Gabby kay Harold saka abot ng damit.
“Bakit?” nagtatanong na sagot ni Harold.
“We’re going to a party this evening and as my boyfriend, you’re my date.” diretsong turan ni Gabby na walang pakialam sa mga nakaplaigid sa kanila.
“Ingay mo.” nahiyang wika ni Harold na sa totoo lang ay nakaramdam ng kakaibang kiliti at tuwa dahil sa nakikita niyang ipinagmamalaki siya ni Gabby.
“Can you make it any faster?” tanong ni Gabby.
“Alam mo namang may allergy ako sa mamahaling damit di ba?” kontra ni Harold.
“Hay!” napabuntong-hiningang turan ni Gabby. “Your silly principles again.” sabi pa nito.
“Tama!” sagot ni Harold. “Principles of truly dignified and noble men!” paglilinaw pa nito.
“Anyhows, isukat mo na iyan.” pamimilit ni Gabby.
“Alam mo naman di ba na hindi kaya ng konsensya kong magsuot ng damit na 10K para lang sa pamporma ko.” malambing na tugon ni Harold.
“Rold, listen to me!” wika ni Gabby. “This does not mean na gawin mong responsibility ang pagsusuot nitong mga ganitong damit. What I intent to, ipakita mo sa lahat ng nangmamaliit sa’yo na you can be better than them and you are indeed better than them. Show them na sa presyo lang ng damit sila nakakataas sa’yo, pero pag ikaw ang binihisan ng mamahalin, magmumukha silang lahat ng trapo na pamunas. Give them slaps on their faces by being the person they never thought you can be.” paliwanag pa ni Gabby.
“Pero Gabby!” malamlam na pagtutol ni Harold.
“Do it for me!” pamimilit pa ni Gabby saka hinawakan sa kamay si Harold at itinapat iyon sa dibdib niya. Tinitigan sa mata at buong pagsusumamong nakikiusap sa binata.
“Okay!” tanging nasabi ni Harold saka nag-iwan ng isang matipid na ngiti.
Matapos makapamili ng damit at makapagpagupit ay handa na si Harold para maging date ni Gabby sa sinasabing party na iyon ni Gabby.
Sa party –
“Gabby!” gulat na bati ng mama ni Gabby sa kanya. “Why did you bring that boy here? He’s not invited.” tanong pa nito.
“He’s my guest so please respect him.” pakiusap ni Gabby sa ina.
“He’s not welcome and will never be welcomed.” madiing at pigil na sabi ng ginang. “Kahit na pagbihisin mo ng ginto iyang lalaki na iyan, mukha pa din siyang pulubing namamalimos at basura ng mundo.” dugtong pa nito.
“Stop it ma!” matigas na pakiusap ni Gabby.
“But son.” kontra naman ng ginang.
“Let’s go Harold!” aya ni Gabby saka inakbayan ang binata.
Sa kalagitnaan ng party –
“Nahihiya na ako Gabby!” bulong ni Harold kay Gabby.
“Why?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“Feeling ko kanina pa ako tinitingnan ng mga tao dito. Parang hindi ako welcome or what na kinikilatis nila ako.” sagot ni Harold.
“Very natural, be glad that we’re the center of this party. First, you are with me. You know so much how popular I am in the business world. Grandson of Philippine’s richest man, handsome bachelor and most of all, having an IQ of 150.” tugon ni Gabby.
“Yabang mo talaga!” asar na wika ni Harold. “Akala mo ba ikaw lang ang may IQ ng above average? 135 kaya IQ ko.” sagot pa nito.
“I’m not finish.” tutol ni Gabby. “Look around, you’re the second handsome and cute here next to mine.” dugtong pa nito.
“Yabang mo talaga kahit kailan.” sabi pa ni Harold. “Lakas ng topak mo.” komento pa nito.
Biglang hinatak ni Gabby si Harold –
“Anung ginagawa natin dito?” nakaramdam ng kabang tanong ni Harold.
“Di ba sabi mo may topak ako?” tanong ni Gabby saka humarap sa mga tao –
“May I have your attention please!” sigaw ni Gabby. “Please bring your wines.” utos pa nito saka lumuhod sa harap ni Harold.
Agad na pumalibot ang press people sa gitna at pinaikutan ang dalawa habang kumukuha ng larawan. Walang pakialam si Gabby sa mga ito dahil mas mahalaga sa kanya ang gagawin –
“Harold! Please accept me as your lifetime partner.” pakiusap ni Gabby nang buong sinseridad.
“What are you doing?” tanong ni Harold.
“Hay!” muling napabuntong-hininga si Gabby. “Panira ka ng moment! Huwag kang tanga please!” madiin ngunit mahinang sagot ni Gabby.
Batid ni Gabby na may mga kumukuha sa kanila ng larawan at ang gagawin niya ay kakalat na sa buong bansa ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Mas may halaga sa kanya ang ipagmalaki sa mundo na may nag-iisang Harold na sa buhya niya. Naniniwala siyang hindi mahalaga ang sekswalidad para magampanan niya ang trabaho bilang isang businessman. Hindi din siya natatakot na baka mawalan sila ng investors dahil panatag siya at tiwala sa mga napatunayan na sa industriya. Napahanga niya ang buong business world sa ginawang pagsasalba sa tatlong negosyo ng lolo niyang papalugi na at kung papaano niya ito na-triple sa loob lang ng dalawang taon.
Pakiramdam naman ni Harold ay napakainit nang buong kapaligiran. Naiilang siya sa mga matang nakatitig sa kanya. May kung ano sa puso niya ang nagtatanong kung handa nab a siya sa ganitong sitwasyon ngunit mas higit ang saya niyang sa waks ay ipapakilala siya ni Gabby sa buong mundo bilang taong mahal nito.
“My little and brightest star from the north,
My tender smooth road returing back forth,
My mightiest prince to save my downfall,
My loving missing piece to support my call.
I’m knocking on thy heart to shelter my sweetness,
I’m climbing on thy vein to rescue my selflessness,
I’m walking on thy tongue to utter only attractiveness,
I’m holding on thy hand to touch my being of humanness.
Harold! Listen to my word, my music and my sound!
Any moment I can be anyone and but I am only one,
To love you forever and seething the wind’s rope,
I will and will never be fired out of bliss to cope.” saad ni Gabby saka inilabas mula sa bulsa ang pares ng singsing.
“Harold! Listen to my heart!” nakangiting sambit pa ni Gabby.
Walang kamalay-malay si Harold na ang mga luha na pala niya ang sumasagot sa tanong ni Gabby. Luha ng kakaibang ligaya dahil sa unang pagkakataon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay magaganap ang isang bagay na hindi niya inakalang mangyayari sa buhay niya -
“My heart responded and I know your heart knows the answer.” nakangiting tugon ni Harold.
“Harold!” sabi ni Gabby saka tumayo at niyakap si Harold.
Ang mga nakapalibot na press ay todo kuha ng larawan sa kanila.
“Cheers for them!” sigaw ng isang bisita.
“Cheers for Gabby’s courage!” sabi pa ng isa.
“Cheers for Gabby’s bravery!” sabi naman ng isa.
“Cheers for me and Harold!” sabi naman ni Gabby na natutuwa sa nakitang reaksyong ng karamihan.
“Cheers!” tugon ng mga ito.
Samantalang dahil sa ayaw masabihan ng mama ni Gabby na isang kontrabida ay nanggigigil itong nakatayo sa isang sulok habang minamasdan ang ginagawa ni Gabby. Sa sobrang panggigigil ay nabasag sa kamay nito ang hawak na kopita.
“Everybody can go now! The party is over!” pagpapahinto ng ginang sa kasiyahan ng umpukan.
“Ma?” tanong ni Gabby.
“Let’s talk Gabby!” madiing utos nito sa anak.
“I’m sorry madam!” paumanhin ni Harold na natatakot para kay Gabby at sa ginawa nitong kahangalan.
“Shut up trash boy!” sigaw ng mama ni Gabby.
“Harold let’s stay here!” anyaya naman ng isang bisita kay Harold.
“Ace, ikaw na muna ang bahala kay Harold.” habilin ni Gabby sa kaibigan.
“Sure Gabby!” sagot ni Ace saka inalalayan papasok sa loob para itago sa press si Harold. “Don’t’ worry Harold! Gabby knows what he’s doing.” pagpapakalma pa nito sa binata.
Ang usapan ng mag-ina –
“Are you really out of your mind?” simulang tanong ng ginang.
“Maybe.” tugon ni Gabby.
Isang malutong na sampal ang ginawad ng ginang sa anak.
“Do you feel good?” tanong ni Gabby.
At isa pang sampal ang muling dumapi sa pisngi niya.
Ngunit isang Gabby na nakangiti pa din ang pilit na pinapakita ng binata.
“Can’t you see ma, I’m happy, I feel satisfied, contented and very blessed.” nakangiting tugon ni Gabby.
“Wake up Gabby! Wake up from your fantasy!” sabi ng nanggigil ngunit may pigil na luhang ginang.
“Ma! Kung panaginip man lahat to, I won’t wake up! Basta, just to ensure my forever with Harold.” sabi ni Gabby.
“But Gabby! Sige, I know, gumawa ka ng isang napakalaking kahihiyahan na ilantad sa buong mundo ang pagiging bakla mo and with what you did, hindi mo na pwedeng bawiin pa kung anuman ang nagawa mo. But please, humanap ka naman ng isang matino at galing sa disenteng pamilya.” paliwanag ng ginang.
“You said it right ma! I declare how proud I am to be gay and how proud I am to be with Harold. There’s no reason at all para humanap ng iba. Can’t you see the logic ma?” balik na sagot ni Gabby.
“Damn!” wika ng ginang saka muling sinampal ang anak. “You’re not open-minded Gabby! Ikaw ang hindi makakuha ng logic! Humanap ka ng taong babagay sa’yo! Iyong ka-uri mo! Iyong katulad mo!” sabi at paliwanag nito na labis na naggigigil.
“Ikaw ma ang hindi open minded!” giit ni Gabby. “At first, only the gender classifies human!” simula ng paliwanag ni Gabby. “Walang social classes, stratifications and whatsoever mahirap and mayaman concept. Lalaki at babae lang ang uri sa lipunan. Logically, Harold and I we’re compatible as response with your statement humanap ako ng kauri ko.” wika ni Gabby.
“You’re getting to the limit Gabby!” sabi ng ginang. “Ang mga uri ni Harold ay mga uring hindi babagay sa’yo! Ang uri ni Harold na patapon at dapat inaalila lang ng uri mo!” kontra ng ginang.
“Ganyan ka na ba talaga ma mag-isip?” tanong ni Gabby. “Talaga bang ang mga mayayaman lang ang tinuturing ninyong tao? Samantalang ang iba, ang tingin ninyo ay mga hayop?” tanong pa nito. “I’m glad ma at habang mas maaga, I am able to know that even namumuhay man silang mga hayop, pero mas tao pa sila kung ihahalintulad sa inyo.” paratang ni Gabby.
Isang malutong na sampal ulit ang ginawad ng ginang sa binata.
“Humanda ka Gabby! Habang ipagpapatuloy mo itong kalokohan mo, you’re now not connected to the family.” banta ng ginang. “Hahayaan kitang humiga sa putik at kumain ng alikabok at darating ang araw na isusumpa mong kinalaban mo ako dahil sa Harold na iyan.” banta pa ng ginang.
“Ma!” kontra ni Gabby.
“Mamili ka! Ako, kasama ang mga luho mo at ang buong pamilya o si Harold?” tanong ng ginang.
“You should not take the whole family here! Kayo lang ang may ayaw sa ganitong set-up!” kontra ni Gabby.
“Mamili ka!” madiing giit ng ginang.
Samantalang si Harold naman –
“How do you feel?” tanong ng isang reporter.
“Gaano na kayo katagal ni Gabby?” tanong naman ng isa.
“Paano kayo nagkakilala?” tanong naman ng isa.
“Hey guys! Please layuan na ninyo si Harold.” sabi ni Ace habang hinahawi ang mga tao.
Sa loob –
“Are you okay?” tanong ni Ace kay Harold.
Isang matipid na ngiti lang ang sinagot ni Harold.
“Don’t worry about Gabby! Kaya na niya ang sarili niya.” nakangiting tugon ni Ace. “Bilib ako kay Gabby! He deserves a gun salute dahil sa ginawa niya. He’s brave to do such thing. I can say, seryoso nga si Gabby sa’yo.” kwento pa nito.
Nanatiling tahimik lang si Harold.
“Magsalita ka naman.” pamimilit ni Ace.
Wala pa ding imik si Harold. Pakiwari niya matapos ang isang masayang kaganapan sa buhay niya, ngayon naman ay isang malaking unos ang dapat niyang suungin. Hindi niya maunawaan kung bakit kumakabog ang dibdib niya.
“Alam mo, lalo kong hinangaan si Gabby. Sa totoo lang kasi, katulad din niya ako. I have someone here in my heart kaso natatakot akong ipagtapat sa kanya ang lahat. Masalimuot kasi ang kwento namin.” kwento naman ni Ace na tila ba pinipilit ibahin ang mood ni Harold.
Wari bang walang naririnig si Harold at pumatak na lang ang mga purong luha mula sa mata ng binata.
“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Ace. “Sabi ko naman sa’yo ayos lang si Gabby.” paninigurado pa nito.
Biglang napatingin sa baba si Harold. “Iyong sapatos ko kasi, nawawala.” pagsisinungaling ng binata.
“Sapatos lang pala!” pilit na tawang sabi ni Ace. “Akala ko naman kung ano.” dugtong pa nito ngunit batid niyang hindi iyon ang totong dahilan ng luha ng binata.
“Kasi sa halaga ng sapatos na iyon kaya ko ng pakainin ang limang pamilyang nasa below poverty level ng isang lingo.” sagot ni Harold.
“Hay!” napabuntong-hininga si Ace. “Alam ko na kung saan napulot ni Gabby iyang mga ganyang hirit!” saad ni Ace saka tumayo. “Dito ka lang, ako nang hahanap.” pagboboluntaryo pa nito.
“Ako na lang.” sagot ni Harold saka tumayo at hinawakan si Ace.
“Sure ka ba?” tanong ni Ace.
“Kayo ko na’to. Wala na naman sigurong press sa labas.” sagot ni Harold saka lumabas.
Napadaan sa isang kwarto si Harold na medyo nakabukas ang pintuan. Naulinigan niyang may nag-uusap duon. Pamilyar sa kanya ang dalawang tinig na angtatalo. May kung ano sa kanya na nagtutulak para pakinggan ang usapan ng dalawa. Kinakabahan, nanginginig at nanghihina ang mga tuhod – lalo niyang nilapitan ang pintuan at binigyan ng konsentrasyon ang usapan.
“Humanda ka Gabby! Habang ipagpapatuloy mo itong kalokohan mo, you’re now not connected to the family.” banta ng ginang. “Hahayaan kitang humiga sa putik at kumain ng alikabok at darating ang araw na isusumpa mong kinalaban mo ako dahil sa Harold na iyan.” banta pa ng ginang.
“Ma!” kontra ni Gabby.
“Mamili ka! Ako, kasama ang mga luho mo at ang buong pamilya o si Harold?” tanong ng ginang.
“You should not take the whle family here! Kayo lang ang may ayaw sa ganitong set-up!” kontra ni Gabby.
“Mamili ka!” madiing giit ng ginang.
“Please don’t do this to me! Ayaw kong mamili! I don’t want to loose all the things I earned and I deserve!” kontra ni Gabby.
“Alam mo naman pala eh! So, you must choose now! Know your place!” giit ng ginang.
“Ma!” tutol ni Gabby na tila naghihina sa narinig.
“Mamili ka Gabby! Sa langit o sa impyerno!” madiin nitong utos.
Samantalang habang nasa labas si Harold ay dinig na dinig niya ang usapan. Lalong naging masagana ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Lalong naging mabilis ang pintig ng kanyanhg puso. Umaasa siya na siya ang pipiliin ni Gabby.
“Sa langit ma!” sagot ni Gabby.
Napangiti naman ang ginang sa sagot na iyon ng anak. Samantalang nadurog na tila pamintang pino ang puso ni Harold. Ayaw niya ang naging sagot ni Gabby. Isang mabilis! Mabilis na mabilis tumakbo si Gabby palayo na tila ba wala ng bukas. Mabigat na mabigat ang dala ng kanyang puso at sa wari ba’y nasasakal siya at nahihirapang huminga.
“Cinderella story is the greatest fantasy of Grimm’s and Disney’s! Nagba-brain-wash lang sila at nagbibigasy ng false hope sa mga tao!” bulong ni Harold sa sarili habang tumatakbo.
“Yeta! Ang tanga mo Harold!” sisi niya sa sarili saka huminto. “Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!” malakas niyang hiyaw sa kalagitnaang ng dilim.
Hinubad niya ang isang paa ng sapatos na nakasuot saka inihagis papunta sa lugar na pinaggalingan.
“Pag nagka-rebolusyon ipapauna ko kayong sunugin!” naiiyak na sabi ni Harold. “Wala akong ititira sa inyo mga mayayaman kayo!” nag-aalab sa kalungkutang wika ni Harold.
“Gabby! Sabi ko na nga ba, paasa ka lang din! Masyado akong naniwala sa’yo, akala ko talaga kaya mo akong ipaglaban.” saad ni Harold. “Gabby! Malaking isyu ba na mahirap ako at mayaman ka? Shit! Tanga! Oo Harold, malaking isyu nga iyon. Taragis! Sana nuon pa lang minulat ko na ang mata kong wishful thinking ang pangarapin ka. Dapat talaga hindi ako bumigay! Dapat talaga hindi ako nagpakaloko! Ang landi mo kasi Gabby! Sobra kang umakit. Ako naman si tanga, dahil akala ko kaya mo akong ipaglaban, ayon, nakipaglandian din sa’yo, at wala pang isang linggo iiyakan na pala kita. Shit! Two days lang pala akong magiging masaya dahil ang two decades na kasunod, iiyakan kita sa tuwing maaalala kong minahal kita. Yetang buhay yan!” pangiti-ngiti at pinipilit ni Harold na pasayahin ang sarili. Wala siyang panahong mag-emo o magmukmok.
Samantalang si Gabby –
“Very good son! Sabi ko na nga ba at hindi mo kayang ipagpalit ang lahat para sa hampas-lupang iyon.” sagot ng ginang.
“You’re wrong ma!” sagot ni Gabby. “Langit ang pipiliin ko hindi dahil sa luho at yaman pero dahil sa makakasama ko ang taong pinakakamahal ko.” saad pa nito.
“Gabby!” nabiglang sabi ng ginang. “Talagang itatakwil mo kami na pamilya mo para sa lalaking iyon.” saad pa nito.
“Hindi ko kayo itinatakwil ma! Kayo ang nagtatakwil sa akin.” sagot ni Gabby saka humakbang patalikod.
“Huwag mo akong hamunin Gabby!” sabi ng ginang ngunit patuloy lang si Gabby sa paglabas.
Nakasalubong naman ni Gabby si Ace pagkalabas nito –
“Nasaan na si Harold?” tanong ni Gabby dito.
“I thought kasama mo na siya. Kanina pa kasi siya nakalabas.” sagot ni Ace.
“Huh?” naguguluhang tanong ni Gabby.
“See, ayun lang pala iyong hinahanap niyang sapatos.” sagot ni Ace saka kinuha ang isang paa ng sapatos.
“Sige, hanapin ko na lang si Harold.” sagot ni Gabby saka lumakad na palayo kay Ace.
“Nasaan kaya iyong kumag na yun?” tanong ni Gabby sa sarili saka napabuntong-hininga.
“Harold is the star with unrevealed glam,
Like pearl hiding inside a mysterious clam,
Rough seawater in sunset until sunrise calm,
You swam my life and never go out in balm.” napapangiting wika ni Gabby sa sarili.
“Si Harold ba yun?” tanong ni Gabby sa sarili habang inaaninag ang lalaking nakaupo sa may dulo ng mga bulaklak.
Dahan-dahang lumakad si Gabby at napulot din niya ang isang paa ng sapatos ni Harold. “Lokong Harold talaga! Sabi siya ng sabing kayang magpakain ng mahihirap ang presyo ng sapatos na’to tapos itatapon lang niya.” napapalatak na wika ni Gabby habang lumalakad papunta sa direksyon ni Harold.
Samantalang si Harold –
“Makaalis na nga at baka palayasin pa ako ni Gabby dito. Ayokong umabot pa sa ganun.” wika ni Harold nang biglang may yumakap sa kanya.
“Bakit naman kita palalayasin?” tanong ni Gabby.
“Gabby!” muling umagos ang mga luha sa mata ng binata. hindi niya inaasahang muling malalasap ang yakap ng binata at malalanghap ang amoy nito.
“Ako nga mahal kong Harold!” sagot ni Gabby.
Isang mainit na yakap na sapat na para muling maramdaman ni Harold ang pagkapanatag at pakiramdam ng kaligtasan sa mga bisig na iyon.
“I love you.” wika ni Gabby.
Nakiliti si Harold sa sinabing iyon ni Gabby. Ang mainit nitong hininga na dumaan sa tenga niya habang inuusal ang salita ng pagmamahal.
“I love you?” tanong ni Harold.
“Oo Harold! I love you! I really love you.” sagot ni Gabby saka hinalik-halikan ang batok ni Harold.
“Hindi ka ba nagkakamali?” tanong ulit ni Harold na lalong naging ragasa ang mga luha.
“Bakit naman ako magkakamali?” tanong ni Gabby na lalong hinigpitan ang pagkakayakap.
“Mahal mo talaga ako?” tanong ni Harold.
“Oo naman! Mahal na mahal at ikaw ang buhay ko.” sagot pa nito.
“Gabby!” saad ni Harold na lalong nakaramdam ng sakit. Hinihintay na lang niyang sabihin ni Gabby sa kanya ang naging uspaan nilang mag-ina at kung papaano siya ipinagpalit nito sa kanyang luho.
“Harold! Simula ngayon, hindi na tayo magkakahiwalay.” sambit ni Gabby.
“Huh?!” naguguluhang tanong ni Harold.
“Ikaw ang langit ko Harold at ayokong mabuhay na hindi kita kasama.” dugtong pa ni Gabby.
Napalundag naman ang puso ni Harold sa tuwa. Hindi siya sigurado kung seryoso si Gabby pero alam niyang nagbubunyi ang buo niyang katauhan dahil sa narinig.
“Sigurado ka?” tanong ni Harold.
“Bakit ba kanina ka pa nagdududa? Kaduda-duda ba mga sinasabi ko?” tanong ni Gabby.
Mga hikbi lang ang sagot ni Harold.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Gabby saka iniharap sa kanya si Harold.
“Wala lang.” sagot ng binatang si Harold.
“Pwede bang wala lang?” tugon ni Gabby saka pinahid ang mga luhang nasa pisngi ng binata.
“Gabby!” saad ni Harold saka niyakap ang kasintahan. Alam na niya sa sarili kung sino ang pinili ni Gabby at isang katangahan ang maling pagkakaintindi niya sa sinabi nito.
“Hay! Madudumihan ang damit ko.” reklamo ni Gabby.
“Wala ka talagang sweetness sa katawan!” natatawang turan ni Harold.
“Harold!” nakangiting tugon ni Gabby saka niyakap din si Harold.
Pagkabitiw nila sa yakap na iyon ay pinaupo ni Gabby si Harold samantalang siya ay lumuhod sa harap nito. Pinulot ang sapatos na naiwan ni Harold at ang tinapon nito sa ka isinuot sa binata.
“Sa susunod iingatan mo na ang sapatos mo o kung anumang bagay na mayroon ka. Kasi malamang sa oo, marami ang wala ng mga ganyang bagay.” paalala ni Gabby.
“Opo!” sagot ni Harold.
“Siguro nga totoo si Cinderella at ako iyon. Iyon nga lang, si Cinderella, nabuhay na mayaman at tanggap ng buong kaharian, samantalang ako, itinakwil ng pamilya ang Prince Charming ko at mabubuhay kaming naghihirap. Hindi ako makapaniwalang kaya ni Gabby na ipagpalit ang lahat para makasama ako. Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko sa loob ng limang taon.” wika ni Harold sa sarili.
“Salamat Gabby!” pasalamat ni Harold kay Gabby.
“Walang anuman! Para sa mahal ko gagawin ko ang lahat.” sagot nito.
No comments:
Post a Comment