Thursday, September 1, 2011

Musmos [4]

by Jeffrey Paloma

Medyo burado na ang ibang nakasulat dahil yung ink na ginamit niya ay nagblot na sa envelope na parang napatakan ng tubig. Agad kong tinext si Dexter para malaman niyang nakuha ko na ito. Nagreply naman siyang "Nalate yan dapat kahapon pa dineliver yan eh". Excited akong binuksan ito at nalamang isang CD at box ng chocolates ang laman nito. Binuksan ko ang aking laptop at nagmamadaling isinaksak ang CD. Baka kasi dumating na si Kevin. May isang mp3 file lang na laman ang CD at isang word document na lyrics ng kanta lang ang laman. Inuna kong patugtugin ang mp3 file na ang filename lang ay "To my bunso: I dedicate this song to you.." nalaman kong ang tugtog nito ay "Isn't There Someone" ni Luther Vandross ngunit si iba ang kumanata.. pakiwari ko ay si Dexter ang may ari ng boses.

Another sad day, another lonely day
For all we know some people only cry
They have no good times, no poetry rhymes
They don't know how or when or if or why
Why the goodness never stays
Or why love didn't come again today

Isn't there someone who knows they're in trouble
Isn't there someone who sees
I'll be the someone who cares that you're dying for love
I can be the someone that you need

I know you dream at night and lay your feelings down
And you wish your life could be more like your dreams
What a moonlit sound, your voice is not too loud
But somehow I hear it coming through to me
I pray you hang on to your dream

And I hope it gives you all the love you need
You need

Isn't there someone who knows that you're hurting
Is there someone to believe
Well, I'll be the someone who cares that you're dying for love
I can be the someone that you need

Don't you miss love, I know I often do
That's why I'm pulling you closer to me
But like anything you can't see
It's just a little harder to believe

Isn't there someone who loves you completely
Isn't there someone like me
Well, I'll be the someone who cares that you're dying for love
I can be the someone that you need
I can be the someone that you need

Lubhang nabighani ako sa ganda ng kanyang boses. Habang inuunawa ko ang bawat linya ng kanta napatanto ko na rin ang ibig sabihin ni Dex. Sa sobrang ganda kinopya ko ito sa aking iPod. Hindi ko mapaliwanag pero mahal ko na yata siya.

Hindi na ako naguguluhan ngayon at nawala na ang galit ko kay Alex. Actually gusto ko ngang magpasalamat sa kanya dahil napatunayan ko na ang bagay na ito sa aking sarili at ang tumulong na lang sa akin na tanggapin ito ay si Dex.

Matapos kong pakinggan ito ay agad kong tinawagan si Dex. "kuya salamat ha? Pero papanong...? Ibig sabihin ba ay...?" Hindi ko alam kung bakit di ko makumpleto ang gusto kong sabihin sa kanya. Hindi ko pa rin siya naririnig na nagsasalita sa kabilang linya bilang sagot sa mga putol-putol kong sinasabi sa kanya. Tanging ingay lang sa paligid niya any narininig ko. Tila nasa mataong lugar siya ngayon. "kalimutan mo na kuya yung sinabi ko. Basta, thank you sa padala mo. Ang ganda pala ng boses mo at... Seryoso ka ba sa kantang iyon? Yun ba ibig mong sabihin sa akin?" hindi pa rin siya sumasagot. Nasqnay na siguro ako sa ganon niya. Nagpaalam na lang ako at binaba na ang linya.

Di nagtagal dumating na rin si Kevin. Nakapambahay lang at may nakasabit na supot ng kanyang mga pinamili sa kaliwang manibela ng kanyang motor na kulay pula. Inabutan niya akong nilalantakan na yung chocolate na pinadala sa akin ni Dex.

"ang takaw mo pahingi naman!" ang pangaasar niya sa akin.

"sorry bigay sa akin to ng isang espesyal na tao sa buhay ko kaya di kita bibigyan bili na lamg tayo sa kanto ng Goya." ang pagdadamot ko sa kanya na siya namang tinawanan niya lang.

"Goya? Tapos yang kinakain mo imported? Sige na kahit konti lang" ang panunuyo niya habang pabiro niyang aagawin sa akin yung chocolate. Ako naman ay iniiwas ito na parang bata.

"Ayoko nga." ang lalo ko pang pagdadamot kay Kevin. Tinawag ko ang aming katulong at inutos na ilagay sa refrigerator yung iba pang chocolate at nagbilin na sabihan si mama na kila Kevin ako manananghalian.

Tumungo na kami kina Kevin at nagluto siya ng kaleretang ginamitan ng gatas at keso, hindi ng tomato sauce. Ang sarap niya pala magluto. Nang matapos naming kumain. Agad kaming nagbukas ng playstatioj at naglaro lang ng street fighter. Pqg natatalo ko siya tinutuya ko lang siya sa pag labas ng dila at siya naman ay tumatawa lang na parang demonyo. Nagsawa kami sa ganong asaran habang naglalaro at naisipan niyang kunin ang lipstick ng kanyang kapatid na babae at kung sino ang matatalo lalagyan ng lipstick sa kahit saan ng nanalo. Matapos ang halos apat na oras naming pqglalaro ay napakarami ko nang lipstick sa mukha, leeg, at braso. Medyo halos magkasing dami rin ang kay Kevin dahil napapadami ang pahid ko sa kanya pero kung bibilangin mo ang pagkatalo ako na siguro ang kulelat. Pakiramdam ko pinagbibigyan lang niya ako eh.

Nang dumating ang ibang tao sa bahay nila Kevin, naisipan na naming itigil iyon. Napansing kong magdidilim na kaya nagpaalam na ako kay Kevin na mauuna na.

"ihahatid na kita. Niyaya kita dito tapos ganon lang. Saglit kunin ko lang susi ng motor... Teka, sigurado kang ayaw mong alising muna yang lipstick sa katawan mo?" ang biglangpagtawang pigil niyang sabi sa akin.

"okay lang madilim naman na.sa bahay na lang sabayan ko na lang ng ligo." ang nakangiting sagot ko sa kanya.

Kinuha na ni Kevin ang susi at sumakay na kami ng motor niya. Tawanan kami ng tawanan habang mabagal niyang binabaybay ang kalsada papunta sa amin. Sa kakatawa hindi ko na napuna na napahigpit na ang yakap ko sa kanya at nakasandal na ako sa likod niya. Bale wala lang naman sa kanya siguro yon kasi nasa motor kami.

Habang nasa ganoon kaming lagay, hindi ko malimutan yung napanood kong saglit na pagkanta ni Kevin at yung boses ni Dexter sa CD na pinaLBC niya sa akin. Sa aking pagdududa ay naalala kong mas nauna ko lang nakilala si Kevin kesa kay Dexter.

Nang makarating ng bahay ay naisipan kong paghintayin si Kevin sa labas at gumawa ng dahilan para gawin niya ito.

"tol hintay ka lang dito ha may ibibigay nga pala ako sa iyo." ang aking sinabi kay Kevin.

"ano yun?" bakas sa mukha ni Kevin ang pagtataka.

"gusto mo ba talaga ng chocolate?" ang tukso ko sa kanya dahil naalala kong gusto niyang humingi kanina.

"yung kinakain mo kanina? sige ba! basta hindi Goya. Paborito ko kasi chocolates eh." ika ni Kevin.

"O sige, hintayin mo ko jan. Pumasok ka muna dito sa loob ng gate." ang aking paanyaya.

Nang makapasok na ako sa bahay ay agad akong sumilip sa bintana ng sala namin upang magmasid kay Kevin. Nilabas ko ang cellphone at tinawagan si Dexter habang pinagmamasdan ko si Kevin. Matapos ang tatlong ring ay sinagot ni Dexter ito. HIndi pa rin gumagalaw si Kevin sa kanyang kinatatayuan sa loob ng aming bakuran.Nadismaya ako sa aking akalang si Kevin at si Dexter ay iisa.

"Ah kuya, gusto ko lang po sabihin na mahal kita. Kakain na po ako ng hapunan ilang sandali na lang. Bye po!" yun na lang ang aking palusot kay Dexter habang tinitignan ko pa rin si Kevin na walang kamuwang muwang. Agad kong tinungo ang aming refrigerator sa kusina upang kunin ang tsokolate para hindi makahalata si Kevin sa aking ginawa. Pagbalik ko sa kanya..

"Eto, bigyan kita ng kalahati." sabay ngiti kay Kevin. "Akin na itong iba kasi gusto ko rin to eh."

"Talaga?!? Salamat tol!! mahilig ka rin pala sa chocolates ha." agad niya itong nilantakan na parang musmos na gutom na gutom na minsan lang nakatikim ng tsokolate. Ako rin ay kumakain ng naiwang bahagi ng tsokolate pero dahan-dahan lang dahil gusto kong ko ang lasa nito. Nang maubos na niya ang kanyang share na tsokolate ay..

"Sem-break niyo na ba?" ika ni Kevin.

"Hindi pa next week pa eh. Bukas may pasok pa kami pero clearance na lang." ang sagot ko.

"Ano oras alis mo? Sabay na tayo bukas." ang yaya ni Kevin kahit di pa ako sumasagot sa tanong niyang una.

"Mga 7:00 AM siguro ako alis ng bahay bukas." ang sabi ko.

"Ayun, sige daanan mo na lang ako bukas sa bahay sabay na tayo." ang sabi ni Kevin since sa kanto nga lang naman ng bahay nila ang sakayan sa lugar namin. "Pag di ka dumaan bukas di na kita kakausapin." ang kanyang pananakot as if naman mamamatay ako kung di kami magusap.

"Oo na sige na. Salamat sa araw na ito ha? Sarap mo magluto talaga. Ingat pauwi." ang sabi ko para umuwi na siya.

Nagtungo ako sa aking kuwarto at nagmunimuni. Bigla kong naalala si Camille at kung paano ko siya haharapin bukas sa school? Ganon din si Alex, pano ko siya iiwasan kung ang boyfriend niyang si Chris ay bestfriend ko ay lagi niyang kadikit? At bigla akong nakaramdam ng kaba... pano na lang kung magkita kami ni Camille? Anong gulo na lang ang mangyayari? Pano na kung dagdagdag si Chris kapag nalaman niya ang lahat sa amin ni Alex? Sumakit ang ulo ko kakaisip.

Napagisipan kong sabihin ang aking dinadala kay Dexter. Alam kong di man siya sasagot makikinig naman siya sa akin. Nakuwento ko sa kanya ang lahat at hindi ko naiwasang humagulgol kahit sa kabila ng lahat ay parang kumakausap lang ako ng hangin. Kahit alam kong di siya magsasalita nagpatuloy lang ako ngunit ako ay nabigla na lang nang..

"Bunso, magpray ka kay Lord na tulungan ka niya. Naaawa ako sa iyo ng lubos sa iyong kalagayan. Sana nasa tabi mo ako ngayon para iyong masandalan at masalo ng mga balikat mo ang mga luhang ibinubuhos mo." ang malumanay at kaakit akit na boses ni kuya ay bumulaga sa aking tenga. Napalitan bigla ng ligaya at pangungulila sa kanya ang aking puso ngunit dahil sa kanyang ginawa lalo lang akong umiyak.

Nakatulog ako habang ako ay nasa ganoong lagay. Nagising na lang ako nang magingay ang aming aso sa labas na rinig na rinig sa bintana ng aking kuwarto. Nagbattery empty na ang aking telepono. Agad ko tong isinaksak sa charger pagkabangon bago maghanda sa pagpunta sa school. Hindi ko pa rin alam ang aking gagawin sa kung anong naghihintay sa akin sa school.

Nang makapagayos na ako ay umalis na ng bahay nang masiguro kong fully charged na ang aking telepono. Tinungo ko muna ang bahay nila Kevin at malayo pa lang sa bahay nila ay aninag ko nang naghihintay siya sa tapat ng kanilang gate. Kumaway siya ng makita niya ako na sinuklian ko naman ng ngiti.

"Tol! bakit namamaga mga mata mo? nagdrama ka naman ba kagabi? Girlfriend lang yan marami pa jan! diba dapat masaya ka na kasi na kakain ka na ng chocolate? Sabi nila kasi nakakawala daw ng lungkot yun." bakas ang concern sa kanyang mga mukha at halata ang awa niya para sa akin sa problemang hindi niya masyadong alam. Ngumiti lamang ako at binatukan siya.

Nang makarating sa Intramuros ng mga 9:00 AM ay tumambay muna kami sa harap ng Mapua sa may mga karinderya. May ipapakilala daw siya si Kevin sa akin. Maya-maya lang ay may lalaking kasing tangkad ni Kevin pero kayumanggi ang kutis, matangos ang ilong at may pagkadugong kastila ang mga mata. Malinis manamit ngunit tipikal ang porma.

"Ron! halika dito! pakikilala kita ka kaibigan ko na taga sa amin." ang paanyaya ni Kevin sa kanya. Nagkamayan kami habang kami ay ipinakikilala ni Kevin sa isa't isa.

"Ron, saglit lang ha? May sasabihin lang ako kay Jeremy." ang biglang sabi ni Kevin kay Ron. Humarap sa akin si Kevin at seryoso ang mukha. Lumayo kami ng kaunti kay Ron na parabang may sasabihin siya sa akin na ayaw niyang marinig ni Ron.

"Jeremy, alam kong nagulat ka nang magising ka sa posisyon natin kinabukasan matapos tayong maginuman. Okay lang sa akin iyon. Natuwa akong malaman ang isang bagay tungkol sa iyo nang mabasa ko ang text messages sa cellphone mo na bahagi ng mga dahilan kung bakit grabe ang lungkot mo nang maginuman tayo. Sana ay kaibigan pa rin kita kapag inamin ko sa iyo ito at sana maging matalik kitang kaibigan kung sasabihin ko ito sa iyo.... na pareho lang tayo ng pagkatao... at si Ron ay ang nobyo ko."

Nakaramdam ako ng kirot at panghihinayang sa akin narinig ngunit pinilit kong ipakitang masaya sa kanya. "Ha?! Anong pareho tayo? Gago!" ang pabiro kong sagot sa kanya pilit dinedeny ang aking pagkatao. Lumapit na kami kay Ron at..

"Alam ko na. Wag kang mag-alala. Masaya ako para sa iyo ng kaibigan ko." ang sabi ko kay Ron "Alagaan mo mabuti yan ha? masasaktan ka sa akin." pabiro ko pang sabi kay Ron. Nagpaalam na ako sa dalawa at nagsabing pupunta na ako sa school.

Bago pa ako makapasok ng Lyceum ay nakita kong magkasama si Alex at Chris na nakaupo sa gutter na malapit sa entrance ng school. Sweet pa rin ang dalawa ngunit nang makita ako ni Alex na papalapit at biglang natigil ang ginagawa niyang paglambing kay Chris. Napansin ni Chris ang pagtigil ni Alex sa kanyang panlalambing at tinignan din ang tinitignan ni Alex... ako na papalapit sa kanila.

Binati ko si Chris nang nakangiti at hindi pinansin si Alex.

"Chris anong oras daw pwede magpapirma kay sir ng clearance para sa Philosophy natin?" ang diretso kong tanong kay Chris para maiwasan ang kamustahan.

"Naku, 10:30 AM pa daw nakalagay dun sa labas ng Faculty yung announcement niya. Isang oras pa ang hihintayin natin. Dito muna tayo maghintay ang daming students sa loob eh." ang yaya ni Chris na para bang ayaw magpaistorbo sa kanilang moment. Hindi niya pansin na habang nakaharap siya sa akin ay si Alex naman ay nagmamakaawang magkadikit pa ang mga kamay na parang hapon lang na nagdadasal sa harap ng isang dambana at may hawak na insenso at basa sa kanyang labi ang paulit-ulit na "I am sorry". Parang charades lang na nagbibigay ng clue ang nagpapahula. Natigil naman siya agad ng bumalik sa kanya ang tingin ni Chris nang mapansin niyang nakatingin ako kay Alex. Muntik niya itong mahuli.

"Ano yon?" ang mataray ngunit malambing na tanong ni Chris kay Alex.

"A..e.. wala.. nagbabakasakali lang honey na baka gusto mong kumain muna. Hindi pa ako nagaalmusal eh." ang palusot ni Alex kay Chris.

"Sige pow honey kow! Kain muna tayow!" ang malambing na sagot ni Chris kay Alex. Tamang tama naman ang pagkakataon dahil gusto kong mawala muna doon dahil baka makita kami ni Camille na magkakasama at gumawa siya ng eskandalo at isa pa hindi pa pala ako nagaalmusal. Pumunta kami sa McDonalds na katabi lang ng Mapua. Hinahayaan ko lang maglampungan ang dalawa habang kasama ko sila na parang di ko sila kasama sa loob ng McDonalds habang kami ay kumakain. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at malayo ang tingin. Sa pagkakataong iyon ay blanko ang aking isip.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nandoon pala si Camille. Nauna na pala siyang dumating doon kaysa sa amin. Nalaman ko lang iyon nang bigla akong napalingon sa kanyang kinaroroonan. Sa bandang likod ng magkatabing magnobyo. Bakas sa kanyang mukha ang galit at halatang namumula ang mga mata at may namumuo nang luha. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bigla siyang tumayo sa kanyang pagkaupo at tumungo sa amin.

Gulat sila Chris at Alex nang dumating siya sa table at biglang nagtatatalak. Ito na ang kinakatakutan ko kagabi. Wala na akong nagawa kung hindi ang matulala.

"So? Kayo nang tatlo ngayon? Ayos pala kayong mga bakla no? since wala namang mabubuntis sa inyo kayo kayo ang nagtitirahan... " ang mataray at malakay na sabi ni Camille.

Nakita kong biglang nagbago ang mukha ni Chris ng marinig ito. Napuno ng duda ang kanyang mukha at katanunan ay mararamdaman mo sa kanyang mga mata nang kami ay nagkatinginan. Napayuko na lang ako sa lamesa ng aming table habang tuloy pa rin si Camille sa pagtalak ng nangyari sa amin sa SM Manila... tulala. Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Chris nang pwersahan ang aking baba at itinango ang aking ulo ng bigla. Nagkatitigan ulit kami, naluluha na ang aking mga mata. Sa pagkakataon na iyon ay kita na ang nagaapoy na galit sa kanyang mukha at titig. Kinwelyuhan niya na ako at sinubukan siyang pigilan ni Alex ngunit sinampal siya ni Chris.

"Aba, mukhang hindi lang pala ako ang naloko... pati ang best friend mo rin pala pinagtaksilan mo?" ang mataray na nanunuyang sabi ni Camille nang makita niya ang ginawa ni Chris sa amin ni Alex na para bang ibig niyang ipahiwatig ay "buti nga sa inyo".

"Bakit mo sa akin nagawa ito Jeremy? Si Alex inagaw mo sa akin? Kelan pa naging kayo sa likod ko? Ahas ka!" sabay sampal ako ni Chris sa pisngi. Sa sobrang lakas ay dumugo ang labi ko na tumama sa ngipin ko sa kanyang pagsampal.

"Chris, wala akong kasalanan sa iyo. Tinukso ako ni Alex, pinilit niya akong gustuhin ang gawain niyo.Isinama niya ako sa kanilang magpalipas ng gabi sa kanila dahil wala akong mauuwian o masasakyan pauwi" ang paliwanag ko sa kanya habang umiiyak. Wala na akong pakialam sa mga ibang tao nasa McDonalds noon.

Si Alex walang nagawa, nakayuko lang. Hindi maharap ang kanyang mukha sa aming tatlo.

"Tinan mo leeg at balikat niyan puro kagat at kiss marks ni Alex. Pinalabas pa niyang rashes iyan dala ng allergies niya". ang gatong ni Camille sa kanya habang nakapamewang pa siya at tinuturo kung saan yung mga nakita niya.

Agad na ginalugad ni Alex ang leeg ko. Hinawi niya ang t-shirt ko makita lang ang tinutukoy ni Camille. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita niya ang mga ito at sinampal ulit ako.

Hindi na ako makatiis, gusto ko na maglaho sa kinauupuan ko. Binunot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking maong at gusto ko na sanang itext si Dexter na sana kasama ko si Dexter ngayon para ipagtangol ako ngunit alam kong hindi mangyayari iyon. Nang maalala ko ang mga text ni Alex sa akin, agad kong binuksan ang mga iyon at agad na ihinarap kay Chris upang mabawi ang kanyang pagtingin sa akin na kahit papano malaman niyang ako ay biktima lang ng kamunduhan at pangaakit ni Alex. Binasa niya ang mga ito at halatang nabaling ang kanyang galit kay Alex at pabagsak niyang ipinatong ang cellphone ko sa table namin muntik na sa ibabaw ng kanilang pagkain. Agad ko itong dinampot at nagwalkout ngunit hinila naman ni Camille ang kamay ko na siyang nagpatigil sa akin sa paglayo.

Bakas sa mukha ni Camille ang galit at panghihingi ng paliwanag, nagsasabing "hindi pa tayo tapos at saan ka pupunta?"

"Sorry bakla pala ako. Sorry ako pa ang naging boyfriend mo. Sorry lalake pala ang kahinaan ko. pero sana isipin mo na hindi ito ang kagustuhan ko." ang madali kong sinabi kay Camille a biglang inalis ang kamay sa kanyang mahigpit na kapit at nagatuloy sa paglalakad palabas ng restaurant.

Hindi ko balak lumayo dahil ayaw kong makita ng mga estudyanteng nakatambay lang sa harap ng Mapua ang aking pag-iyak. Tinungo ko ang karinderya sa gilid ng Mapua na sikat sa tindang pancit canton. Maliit na eskinita lang iyon at dun ako dumaan patungo sa likod ng Lyceum. Nang mapansin kong wala nang tao masyado, naupo ako sa gutter at dun ipinagpatuloy ang pagiyak.

Pakiramdam ko wala akong kakampi sa mundo at ulilang lubos. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Dexter. Naalala kong sa La Salle Manila siya nagaaral at wala naman siyang sinabing lumipat siya ng school.

"Kuya, sobrang nauulila na ako ngayon. Sana andito ka ngayon sa aking tabi. Sana sa pagkakataong ito mapagbibigyan mo ako. Nandito ako ngayon sa ligid ng Lyceum nagiisa. Nalaman na nila ang sa amin ni Alex kahit hindi kami ni Alex. Sobrang kahihiyan ang tinamo ko sa McDonalds kanina lang. Kuya, kung mahalaga talaga ako para sa iyo at mahal mo ako tulad ng mensahe ng kanta mo sa akin.... sana puntahan mo ako dito ngayon. Hihintayin kita." Hinintay ko ang sagot niya ngunit wala itong sinabi at binaba na lang ang aking tawag.

Lalo akong nanlumo sa kanyang ginawa. Nakaramdam ako nang matinding awa sa sarili dahil sa ang pinakahuling taong inaasahan ko na balang araw ay malalapitan kong kakalinga sa akin ay tila langit na kay hirap abutin. Ngunit hindi ako nagpadaig na bitiwan si Dexter sa kabila ng lahat. Matapos kong ayusin ang aking sarili ay agad kong binalikan ang school sa dahilan ng aking pagpunta doon. Hapon na nang matapos akong magpaclearance sa mga professor ko. Tumambay muna ako sa gilid ng Puerta Parian sa harap lang ng Lyceum habang pinapakinggan ng paulit-ulit sa aking iPod ang kopya ng "Isn't There Someone" na nirecord ni Dexter para sa akin.



Mag-aalas singko na noon nang maisip kong itext si Dexter ng "Kuya, nandito ako sa Puerta Parian sa Intramuros kaharap lang ng Lyceum. Hihintayin kita dito hanggang 9:00 PM. Sana makipagkita ka na sa akin."

Naghintay ako sa kanya at sa kanyang reply ngunit 9:30 PM ngunit na wala pa rin siya o kahit ang kanyang reply sa aking mensahe. Sobrang sakit ng aking damdamin sa kanyang ginawang di pagpansin sa aking kahilingan. Gusto ko sanang sa kanya ay yumakap at umiyak sa kanyang mga balikat ngunit hindi niya sa akin ipinagkaloob ang pagkakataong iyon. Nagdecide na lang akong umuwi. Luhaan kong nilakad ang park palabas ng Intramuros papuntang Lawton para sumakay ng bus papuntang Alabang. Tuloy tuloy pa rin ang musikang pinauulit-ulit ko hanggang sa nakasakay na ako sa bus.

Sa loob ng bus habang bumabyahe na ito papuntang Alabang, pilit nagbalik sa aking alaala ang mga nangyaring gulo kanina sa McDonalds habang tulala sa sa tanawing mula sa bintana ng bus habang tumutulo ang aking luha na minsanan ko na lang mapunasan dahil wala na akong pakialam. Hindi ko mapigilang magisip ng mga katanungan na kung nagpunta lang si Dexter doon, ano kaya ang ginawa niya habang inaaway nila ako? kung dumating si Dexter sa Puerta Parian ganito pa rin ba ako ngayon? Bakit ganon ang mensahe sa akin ni Dexter kung ang simpleng pakikpagtagpo lang niya sa lang sa akin ay di niya mapagbigyan?

Pagdating sa Alabang ay sumakay na agad ako ng jeep papuntang Cavite. Tuloy pa rin ang pagplay ng tugtog ni Dexter sa aking mga tenga ngunit sa pagkakataong iyon ako ay tulala na lang na lumilipad ang isip kung saan.

Nang makababa ako ng jeep malapit kila Kevin, dumaan muna ako at nagbabakasakaling makausap man lang siya ngunit nang tumawag ako napagalaman kong hindi pa pala siya nakakauwi sa kanilang bahay. Wala na akong options pa kung hindi ang mapilitang umuwi at magmukmok na lang sa akin silid. Nakatihayang nakahiga na pinaaagos lang ang mga luha. Nakatulog na lang akong nagiiiyak habang nakikinig pa rin sa musika ni Dexter. Sa pagkakataong iyon, hindi saya ang aking nararamdaman di tulad ng nuna kong narinig ang kanta niya kung hindi matinding awa sa sarili sa bawat kataga ng kantang iyon.

Kinabukasan, nagising na lang akong hindi pa pala nakapagpalit man lang ng pambahay o nakapaghilamos. Tumutugtog pa rin ang kanta ng ni Dexter. Nagbalik agad ang damdamin kong nakatulugan ko kagabi. Masakit na masakit ang aking mga mata halos hindi ko na maidilat pa. Binalak kong tignan ang oras ngunit tinamad akong tumingin sa aking orasan kaya dinukot ko na lang ang aking cellphone para tingan ito dito. Nagulat ako sa aking nakita, may isang miscall at mensahe mula kay Dexter.

"Pumunta ka ng Yoshinoya sa paborito kong restaurant sa SM Southmall at dun tayo magkita. Itext mo na lang ako kung papunta ka na at kung nandoon ka na. I love you bunso!"

(itutuloy)

1 comment:

Lawfer said...

anung oras nia nrecv? o.o hala,kung kgbi pa namuti na mata nun kakahntay x.x
kwawa naman c jer..peo maswerte pa dn xa