Saturday, September 3, 2011

DAglat presents: TEE LA OK II part 2

pavisit naman po ng mga blog na'to: theannexmatters.wordpress.com and annexb.wordpress.com


Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wang/ - /ba-ha-gee/
Number 2

Pagkatapos ng graduation –

“Harold!” turan ni Gabby saka hinawakan sa mga kamay si Harold.

“Huh?!” sagot ni Harold.

“Gusto na kita! Sa sobrang pagkagusto ko sa’yo, guto na kitang iuwi at ariin, sa sobrang pagkagusto ko sa’yo gusto na kitang ipagdamot sa mundo, gusto na kitang angkinin, gusto ko nang mapasaakin ka.” sabi pa ng binata saka tinitigan si Harold sa mga mata.

Nakaramdam nang kaba si Harold. Oo, gusto din niya si Gabby ngunit iyon ang mga bagay na ayaw niyang marinig mula dito. Magulo? Oo, sobrang magulo ang damdamin ni Harold. Sa sobrang kaguluhan ay ayaw nang mag-process ng utak niya, ayaw nang gumana ng matino at maayos. Sa sobrang gulo ay nais niyang patahimikin na lang ang mundo.

“Aano bba iiiyang sssinasssabi mo?” putol-putol na tugon ni Harold.

“Huwag kang tanga!” sabi ni Gabby. “Nanagalog na nga ako para romantic papakatanga ka pa.” inis na dugtong pa nito.

“I love you Harold! Ikaw lang ang nakagawang magparamdam sa akin ng ganito.” sabi pa ulit ni Gabby saka hinalikan sa kamay si Harold. “Please say you love me too!” saad pa nito.

“Pero…” katwiran pa sana ni Harold.

“Please say you do love me!” puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Gabby. “Please be my Cinderella and let us make our own fairytale.” dugtong pa ng binata.

Walang sagot mula kay Harold bagkus ay bumitiw ito sa titig at hawak ni Gabby at tumalikod.

“Bakit?” tanong ni Gabby. “Ayaw mo ba sa akin?” nalungkot na tanong pa nito.

Nasa kalagitnaan sila ng gabi at tanging ang mga bituin at buwan ang piping saksi sa nagaganap sa pagitan nila. Ang malamig na simoy ng sariwang hangin, ang mga kuliglig, at ang lagaslas ng tubig na mula sa ilog na malapit sa kanila.

“Naniniwala ka sa fairytale?” tanong ni Harold. “Hindi totoo ang fairytale Gabby.” malungkot na habol pa nito.

“Totoo ang fairytale Harold at tayo ang isa sa tutupad nun!” sagot ni Gabby.

“Siguro nga, totoo ang fairytale sa mga katulad ninyong mayayaman na nakahiga sa ginto, pero sa katulad kong anak ng pawis at putik…” biting turan ni Harold. “Malabo!” habol pa nito.

“Kaya nga be my Cinderella!” sagot ni Gabby.

“Hindi totoo si Cinderella Gabby!” wika ng naluluhang si Harold saka lumingon kay Gabby. “Panaginip lang si Cinderella, dahil wala sa totoong buhay na Cinderella! Pangarap lang si Cinderella.” sabi pa ng binata.

“No! She is real! She is you! And I am going to be your prince charming!” sinserong tutol ni Gabby.

“Ayokong maging si Cinderella at ayokong makibagay o pumasok sa mundo mo!” tutol ni Harold.

“Pero mahal mo ako di ba?” tanong ni Gabby.

“Hindi kita mahal!” madiing sagot ni Harold.

“Tell me, straight to my eyes na hindi mo ako mahal!” sabi ni Gabby saka hinawakan sa balikat si Harold.

“Hindi kita mahal!” buo ang loob na sinabi ni Harold saka tumingin kay Gabby.

“It’s a joke! Your traitor eyes said it’s not true! You’re not good at lying Harold! It’s obvious na ipinagkanulo ka ng mga mata mo!” nakangiting saad ni Gabby.

Natahimik ang pagitan ng dalawa –

“How about your mom?” tanong ni Harold kay Gabby. “Sa kwento ni Cinderella, hindi tumutol ang parents ng prinsipe kay Cinderella.” sabi pa nito.

“She’ll sooner accept you!” sagot ni Gabby. “Don’t worry, pumayag ka lang na maging si Cinderella ko ako na ang bahalang gumawa ng paraan.” pangangako pa ng binata.

“Si Cinderella, isang aristocrat, isang elite, isang mayaman bago mamatay ang tatay niya at alilain ng stepmom niya!” sabi ulit ni Harold. “Ako? Mula pagkasilang hanggang ngayon ay isang mahirap na probinsyanong walang mga magulang o kamag-anak.” dugtong pa nito.

“It does not matter for me!” sagot ni Gabby.

“Please Gabby! Humanap ka na lang ng iba!” pakiusap ni Harold. “Huwag na lang ako.” dugtong pa nito saka lumakad palayo.

“Harold!” habol ni Gabby kay Harold.

“Bakit ba?” galit na tanong ni Harold kay Gabby nang mahawakan siya nito sa braso.

“Hindi ako titigil Harold!” detrerminadong sambit ni Gabby saka binitiwan si Harold at lumakad palayo.

Dahil nga sa nasunog ang dormitoryo nila Harold ay kinupkop na nang matandang caretaker si Harold at sa kanilang bahay na muna pinapatuloy. Kasama ni Harold ang buong pamilya ng matanda. Pagkauwi sa bahay ay agad nang nahiga si Harold at saka pinilit na matulog. Kahit na nga ba ipinaghanda siya ng pamilya ng kanyang Tito Caretaker ay pinili na lang niyang magpahinga. Pagkahiga –

“Shit na Gabby! Gusto pa akong maging tulad ni Cinderella! Oo nga, nag-gate crash ako nung first naming nagkita like Cinderella, isang party animal na party crasher din, pero hindi naman self-interest ang habol ko nun.” simula ni Harold sa laman ng isip niya. “Cinderella and I are both alone, iyong nga lang may stepmom and sisters siya na inggitera and animal friends, ako wala man akong ganun, may kaibigan naman akong kasamang nakikibaka. Higit sa lahat, ayokong umangat ng estado dahil sa makakapag-asawa ako ng isang prinsipe.” kasunod ang isang malalim na buntong-hininga. “Cinderella’s fortune will never be like mine! I don’t want to be Cinderella in that way!” sabi ni Harold.

Samantalang si Gabby –

“Harold! Napakaarte mo, ikaw na nga itong nilalapitan ng gwapong ako ikaw pa ang tumatanggi!” bulong ni Gabby sa sarili. “If you think I will stop, better change your mind! No one can stop me! Kaya prepare yourself sa mas matindi-tinding laban!” napapangiting turan ng isip ni Gabby.

“If you walk away, expect me to follow
If you run away, expect me running behind
If you ask stop loving, expect me to continue
If you tell me I cannot be the one for you,
I will tell you you’re wrong!
Because my future is heading to the place,
following the trail of your love.
Though sadness may come, yet I know
happy endings are true to exist.” tugmang muling naglalaro sa isipan ni Gabby.

Kinabukasan –

“Joel! Go to this address and look for Harold Aguilar and by any means, bring him here!” utos ni Gabby kay Joel.

“Sir?!” naguguluhang pahayag ni Joel.

“Why?” tanong ni Gabby.

“Bakit po?” tanong ni Joel.

“When is the time I allowed you to question my order?” tanong naman ng medyo asar nang si Gabby dahil gusto na niyang makita si Harold.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel saka mabilis na sinunod ang utos ni Gabby.

“Harold! Wala ka ng kawala but to say yes and agree with my plans.” nakangising dikta ng isipan ni Gabby.

Samantalang sa bahay naman ni Tito Caretaker ay nakahanda na si Harold para makauwi ng Tarlac at makapagpahinga at maasikaso ang business na naiwan sa kanya ng mga magulang. Matagal-tagal na din siyang hindi nakakauwi ng Tarlac at tanging ang katiwala niya ang umaasikaso ng lahat.

“Good Morning! I’m Mr. Gabby Fabregas’s secretary and I want to talk with Mr. Harold Aguilar.” simula ni Joel nang pagbuksan siya ng pinto ng matanda.

“Ay hijo! Pilipit ang dila mo, huwag ka ng mag-english!” sabi naman ng matanda.

“Sorry po!” napahiyang sabi ni Joel.

“Harold! May humahanap sa’yo.” sabi ng matanda kay Harold.

“Sandali lang po tito!” sagot ni Harold saka maya-maya nga ay bumaba na.

“Harold!” sabi ni Joel.

“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Harold.

“Ayos pala at nakabihis ka na! Tara na!” aya pa ni Joel.

“Anung tara na?” nagtatakang turan ni Harold.

“Tara na, pinapasundo ka ni Sir Gabby.” sagot ni Joel.

“Pasabi, hindi ako pupunta.” sagot ni Harold.

“Akong malalagot nito eh.” sabi ni Joel saka hinatak si Harold palabas.

“Ang kulit! Okay, sabihin mo nakauwi na ako ng probinsya.” sagot pa ni Harold.

“Hindi pwede iyon! Parang hindi mo naman kilala si Sir Gabby! Papasundan ka nun sa probinsya mo.” sagot ni Joel.

“Ayoko! Bahala kang mapagalitan.” sabi ni Harold.

“Sige na naman!” pamimilit pa ni Joel.

“Ayoko nga!” sabi ni Harold.

“Ayaw mo talaga?” tanong ni Joel.

“Oo!” sagot ni Harold.

“Nick!” tawag ni Joel kay Nick. “You know what to do!” sabi pa nito.

“Potek!” nasabi ni Harold na ngayon nga ay pinagtutulungan na siya ni Joel at Nick para maisakay ng kotse.

“Sid! Tulungan mo nga iyong dalawa para maisakay si Harold sa kotse.” utos ni Tito Caretaker sa anak.

“Sige po.” agad naman sinunod nito ang ama.

Pagkasakay ng kotse –

“Akin na iyong panali!” hingi ni Joel kay Nick bago pa man patakbuhin ang sasakyan.

“Anung gagawin mo?” tanong ni Harold.

“I-aabduct ka!” nakangising tugon ni Joel. “Alam mo naman by any means dapat madala kita sa harap ng hari namin!” habol pa nito habang pinagtutulungan nila ni Nick ang pagtatali kay Harold.

“Please naman! Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng kidnapping!” pananakot ni Harold.

“Oo naman! Pero bahala na si Sir Gabby sa amin.” sagot pa ni Joel.

“Lagot talaga kayo! Hindi ko palalagpasin ito!” sabi pa ulit ni Harold.

“Madaldal ka pala!” sabi ni Joel saka tinalian din ang bibig nito.

Pagkarating sa FabConCom –

“Hey! Tulungan naman ninyo kaming bitbitin ito kay Sir Gabby.” sabi ni Joel pagkababa ng kotse.

Tila baboy na binuhat nila si Harold paakyat sa opisina ni Gabby. May tali sa kamay at paa at may busal sa bibig. Agaw atensyon siyempre si Harold habang buhat-buhat nila Joel.

“Sir Gabby!” hingal na hingal na turan ni Joel saka pumasok.

“Where’s Harold?” tanong ni Gabby.

“Nick, dalin na ninyo sa loob si Harold.” utos ni Joel na agad namang sinunod at ipinasok sa loob si Harold na patuloy pa din sa pagwawala.

“Damn!” sigaw ni Gabby. “Are you using your head?” galit na wika ni Gabby saka pinuntahan si Harold at kinalag ang tali sa bibig. “Ano kayo? Kidnappers?”

“Kasi Sir…” paliwanag sana ni Joel.

“Get out!” madiing utos ni Gabby.

“Sorry Sir!” sabi ni Joel saka inaya lahat ng tumulong sa kanya palabas.

“I’m sorry Harold!” sabi ni Gabby saka inangkin ang mga labi nito pagkaalis ng tali.

Huminto ang mundo ni Harold dahil muli niyang natikman ang matamis na halik ni Gabby. Batid niyang puno iyon nang pagmamahal at pananabik.

“Sorry!” ulit na wika ni Gabby saka kinalag ang tali ni Harold sa kamay at sinunod sa paa.

Niyakap niya ng mahigpit si Harold, yakap na tila ayaw na niya itong pakawalan pa.

“Gabby!” nasabi rin sa wakas ni Harold pagkabitaw ni Gabby sa yakap.

Ilang minuto nang katahimikan nang may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Gabby.

“So, it is true!” galit na galit na sinabi ng mama ni Gabby pagkapasok.

“Ma!” sambit ni Gabby. “What are you doing here?” tanong ni Gabby.

“I told you to throw that stupid man away in your life.” Nanggigigil na wika ng ginang.

“But ma! I love him!” katwiran ni Gabby.

“You’re heaven and he’s earth!” sabi ng ginang. “Ginagamit ka lang niyan para umangat sa buhay!” giit pa nito.

“He’s not like that!” tutol ni Gabby.

“Lahat ng hampus-lupa gagawa ng paraan para maka-angat sa buhay!” madiing paratang ng ginang. “Kahit na ang manggamit ng ibang tao, ang manloko ng kapwa, ang mang-uto para sa sariling kapakanan!” sabi pa nito.

“Ma!” tanggi pa ni Gabby. “Harold is different from them!” sabi pa ni Harold.

“He’s not a saint and I am sure he is not a good person either.” kontra ng ginang. “If he shouts in the streets definitely ang habol lang niyan manggulo ng buhay. Ano ba naman siya para pakawalan ka pa, eh kaya mong ibigay sa kanya ang malambot na higaan na matagal na niyang inaasam. Tulad lang din iyan ng mga patay-gutom na mga nakalawit ang dila para sa mga itatapon natin.” sabi ulit nito.

“Stop it ma!” awat ni Gabby sa ina.

“I won’t Gabby!” madiing turan ng ginang saka lumapit kay Harold. “Humanap ka ng bagay sa’yo Gabby!”

Labis ang pagpipigil at kaba ni Harold ng mga sandaling iyon. Pinipigil niya ang sariling makagawa ng hindi tama dahil sa maling paratang at pagtingin sa kanya ng ina ni Gabby.

“Alam ba ng mga walang-silbi mong magulang ang ginagawa mo?” simulang tanong ng ginang kay Harold. “O baka naman sinusulsulan ka na nila para manghuthot? Well, hindi ako magtataka kung ganuon nga ang gawin nila, dahil ang mga hampas-lupa at patay-gutom na gaya ninyo ay iyon lang ang iniisip. I am sure, mga basura din ang mga magulang mo kagaya mo.” madiing wika pa nito saka inilapit ang mukhang sinabi kay Harold.

“You don’t know my parents!” pigil na sabi ni Harold na may pagpipigil para maiyak. “They are not like what you think! Mararangal sila, ginagalang at nirerespeto. Oo, mahirap kami, dukha, hampas-lupa, patay-gutom, pero hindi kami katulad ng iniisip ninyo! May dangal kami at prinsipyo.” sabi ni Harold.

“Wala ng prinsipyo pag pera na ang usapan!” giit ng matanda.

“Shut up Madam!” sabi ni Harold.

“Harold tama na!” awat ni Gabby kay Harold.

“Wala kang galang!” sabi pa ng ginang.

“Ang galang at respeto kasi sa akin hindi binibili ng pera! Parang ang mga magulang ko, hindi na nila kailangang mamili ng respeto, hindi ninyo kagaya na may katumbas na halaga lahat ng bagay. Wala kang karapatang magsalita ng hindi maganda sa mga magulang ko, dahil sila itinuturing nilang tao ang lahat ng tao, hindi mo katulad na animal at hayop ang tingin ninyo sa mga mahihirap na kagaya ko. Ang tao lang para sa inyo ay mga kagaya ninyong matapobre at mukhang pera. Hindi kami ang basura! Ang kagaya ninyo ang basura!” nanggigigil na sabi ni Harold. “Wala kang alam kaya manahimik ka na lang madam!” sabi ulit ni Harold.

“Tigil na Harold!” awat pa ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa balikat.

Walang anu-ano ay isang malutong na sampal ang dumampi sa mukha ni Harold.

“Walang-hiya ka! Walang modo!” galit na galit na sinabi ng ginang.

“Kulang pa!” sabi ni Harold saka iniharap ang kabilang psingi. “Masakit ba? Wait, papaano ka masasaktan, wala ka namang puso at kaluluwa! Pera lang ang meron ka!” sabi ulit ni Harold saka nagbigay ng mapanghamon at matalim na titig sa ina ni Gabby.

“I said shut up!” sigaw ni Gabby kay Harold.

“You don’t have any rights madam! Sabi ko sa’yo, maghintay ka lang at magsasawa din ang anak mong habulin ako. Kasalanan ko bang hinahabol at nagkakandarapa sa akin si Gabby?” sabi ni Harold saka lumakad palabas ng opisina ni Gabby.

“Sorry Harold!” awat ni Gabby kay Harold saka akmang hahabulin.

“Stay here Gabby!” madiing utos ng ginang kay Gabby.

Tila walang narinig si Gabby at tuloy lang sa paglakad.

“Harold! Wait!” sigaw ni Gabby.

Pagkalabas ng pinto ng opisina –

“Anung tinitingin ninyo?” tanong ni Gabby. “Back to work!” madiin pa nitong utos saka muling hinabol si Harold.

Hindi na inabutan ni Gabby si Harold dahil naging mabilis ang kilos nito. Hindi na din nagpatumpik-tumpik pa ang binata at dali-dali niyang pinuntahan si Harold sa bahay ng Tito Caretaker nito.

Si Harold naman ay walang sinayang na sandali para mabilis na makauwi sa bahay ng Tito Caretaker niya para kuhanin ang mga gamit at makauwi na sa probinsya.

“Good day Harold!” nakangiting pambungad sa kanya ni Gabby pagkapasok ng pintuan.

Wari bang walang nakita si Harold at patuloy lang ito sa paglakad. Agad na tinahak ang hagdan papunta sa silid na inilaan sa kanya.

“Sige Harold, huwag mo akong pansinin.” nakangising saad ni Gabby.

“Tito, nasaan na po iyong mga gamit ko?” tanong ni Harold pagkalabas sa kwarto.

“Alin? Di ba pinalulan mo na kay Gabby?” tanong nang matanda.

“Tito!” tila reklamo ni Harold dito.

“Hay naku, ang sabi niya ihahatid ka na daw niya.” sabi pa ng matanda. “Maloko pa lang talaga iyang si Gabby.” wika pa nito saka kumindat kay Gabby.

“Sige po tito! Sa akin na po si Harold.” saad ni Gabby saka nagbitiw ng isang kakaibang ngiti.

“Ingatan mo iyang bunso namin ah.” paalala pa ng matanda. “Ihatid mo ng maayos sa Tarlac.”

“Tito!” muling reklamo ni Harold nang maramdamang ipinagkakanulo na siya ng tinuring niyang ama sa loob ng apat na taon.

“Sige na Gabby! Ihatid mo na pabalik sa kanila.” sabi naman ni Sid.

“Ako na po ang bahala.” sagot ni Gabby saka ipinulupot sa baywang ni Harold ang kamay niya.

“Ano ba iyang ginagawa mo.” saad ni Harold.

“Ayusin natin ang gulo.” bulong ni Gabby kay Harold saka inakay papunta sa kotse ng binata.

Wala ng lakas pa si Harold para lumaban dahil tupok na ang tapang na mayroon siya. Masyadong emosyon na ang naibigay niya para ipagtanggol ang mga magulang laban sa nanay ng taong kasama kaya naman ang alam na muna niya ngayon ay magparaya magpatianod na muna sa pwedeng mangyari.

Mahabang oras din ang byahe nilang dalawa, pa-norte din ang daang tinumbok nila.

“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Harold kay Gabby na ipinikit na lang ang mga mata at dinama ang hangin na nagmumula sa bukas na bintana.

“Sa langit!” nakangiting tugon ni Gabby.

“Letse! Saan nga.” tanong ni Harold.

“You’ll like the place. So far, we need to solve the problems between us.” sagot ni Gabby.

“Gabby! Masakit pa, sariwa pa, huwag mo munang dagdagan lahat ng sakit at paghihirap ko.” sabi ng diwa ni Harold.

Inabot ng dilim ang byahe ng dalawa, at sa wakas nga ay narating nila ang lugar na sinasabi ni Gabby. Isa iyong private resort na pagmamay-ari ni Gabby, bunga nang kanyang pagtatrabaho ay lihim niyang naipatayo ang resort na iyon. Isang perpektong bahay bakasyunan na akmang-akma para magpagaan sa mga damdaming nabibigatan.

“Aren’t you afraid na baka magka-switching na naman tayo.” tanong ni Harold.

“There’s no rooster here to wake us early in the morning.” nakangiting sagot ni Gabby.

“Anung connection ng rooster sa switching natin?” tanong ni Harold na ayaw magpagan ng utak para sa logic.

“Remember the first time we switched? Di ba we heard clucks, and the day we switched back, clucks woke us.” sagot ni Gabby. “Saka tapos na ang sumpa, kulam or whatsoever, so there’s no reason to worry.” sagot pa nito.

“How sure are you?” tanong ni Harold.

“Hundred percent.” sagot ni Gabby.

“Come what may.” sagot ni Harold na wala pa din sa kundisyon para makipag-usap.

“We also slept together twice, with no rooster or any clucks but nothing happened, no switching.” paliwanag pa ni Gabby.

Matapos makakain ay nagpasya na ang dalawa para matulog. Kahit na malaki ang resthouse ay iginiit ni Gabby na tabi silang matulog ni Harold. Dahil nga sa wala pa sa kundisyon para magsimula ng away si Harold ay tiniyaga na niyang makasama ito sa silid.

“Gabby! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko at alam mo kung gaano kasakit at kung gaano ako nahihirapan, hindi mo na malamang gugustuhin na makita ang sarili mo. Kung nararamdaman mo lang ang kirot at pait, malamang isinumpa mo nang nagustuhan mo ang sarili mo. Kung ikaw lang sana ang nasa katayuan ko, malamang hindi mo na gagawin itong kahangalan na ito. Gabby! Nahihirapan na akong huminga, nawawalan na ako ng hangin, natupok na ako ng panlalait at pangmamaliit mula sa nanay mo.” saad ng diwa ni Harold saka unti-unting tumulo ang luha.

Samantalang si Gabby –

“The road we travel wasn’t easy,
There are challenges that are messy,
Rewards are few and sometimes busy,
And striking light is passing so lazy.” tugmang pinagmumunihan ni Gabby habang nakatitig sa nakatalikod na si Harold.

“You are my life Harold! Ngayon pa ba kita susukuan kung kailan sigurado na akong ikaw ang missing piece? Why would I give in if I can still take the pain and continue loving? I know, roads are getting rougher, but I swear, hindi ako titigil hanggang hindi ka pumapayag na makasama ko sa habang-buhay. I can face any challenges out there in nowhere but make sure you will be mine and I will be yours forever.” saad ni Gabby saka iniyakap ang kamay sa natutulog nang si Harold.

“You are my song,
Playing so softly in my heart
I reach for you
Though you’re near, yet so far” himig na pinaglalaro ni Gabby habang nahihimbing si Harold.

No comments: