Thursday, September 22, 2011

Musmos [22]

by Jeffrey Paloma

Mag-aalas siete na nang mapag-isipan namin ni Kevin na bumalik sa kanyang silid upang matulog muli. Hindi na kami masyadong lasing pero nahihilo siguro dahil sa puyat.

Rumagasa sa aking binti ang magkahalong dagta ni Kevin at dugo pagtayo naming bigla sa aming pagkakaupo. Pareho kami ni Kevin napatingin dito at nagtawanan.

"Jemimi... sorry talaga ha... masakit ba?" ang tanong niyang nag-aalala.

"Okay lang.. manhid.. pero hindi ko mako

ntol tong tumutulo eh.."

"Oo nga... yung inupuan mo oh tapos yang shorts mo... may tagos!!!" ang lalong pag-aalala ni Kevin nang mapansin ang dugo sa sahig na aking inupuan at marka sa aking likuran.

"Dalaga na ako kuya Vinvinpot ko..." ang malambing kong pagbibiro kay Kevin na kanya namang tinawanan.

May mga tao nang nagdadatingan upang mag-abang ng masasakyan. Pinauna akong maglakad ni Kevin at sumunod siyang naka dikit sa aking likuran upang takpan ang mansta sa likod ko. Para kaming timang sa ginawa namin hanggang sa makarating kami sa kanyang silid.

"Palit ka muna.. Jemimi" sabay hagis ni

Kevin ng shorts at brief sa akin.

"Sige kuya... wash lang muna ako.. ang icky kasi ng feeling.." ang pabiro kong sagot sa kanya.

"Dalaga ka na talaga Jemimi ko... I love you!!"

Tinungo ko ang palikuran at naghugas ng aking sarili bago muling nagbihis ng pinahiram ni Kevin at bumalik sa kanyang silid.

Nakahiga na ulit si Kevin nakatitig sa akin ng nakagiti. Naka unat ang kanyang kaliwang braso halatang iniimbita akong matulog sa ibabaw ng kanyang dibdib nang nakabalot ang kanyang mga bisig.

Nagmamadali akong parang batang tumungo sa kanyang tabi at nahigang nakatagilid paharap s

a kanya upang mayakap ko siya habang nakahiga.

"I love you Jemimi ko..."

"I love you to Vinvinpot... meme na po tayo.."

Natulog kami ni Kevin ng mahimbing hanggang sa pasado ala-una na yata nang pareho kami ni Kevin nagising ng malalakas na pag-ugong ng kama ni Kevin.

Naalimungatan kami at parehong nabigla nang makita namin ang taong umuuga ng bandang ibaba ng kama ni Kevin sa bandang paa namin.

"Ronkolokoy?!!!!!" ang sabay naming nasigaw sa kanya na nakangiting pilyo.

Para kaming nakakita ng multo sa mulin pagsulpot ni Dexter sa aming mga buhay sa pagkakataong hindi namin inaasahan.

Lalong naging magandang lalake si Dexter ngayon. Nakasuot ng puting polo shirt at faded na maong. Iba na ang ayos ng kanyang buhok at ngayon ay may suot na siyang rimless na salamin.

Para akong sinaksak ng libu-libong kutsilyo sa dibdib nang bumulwak sa aking dibdib ang aking isinantabing pagma

mahal at pananabik na hinaluan ng matinding sakit ng pananaghoy at pagkaulila. Agad akong tumayo sa aking pagkakahiga sa tabi ni Kevin at hinarap si Dexter nang umaagos ang aking mga luha.

"Huwag ka na magpaliwanag... Kay tagal kitang hinanap muli at hinintay... Isang araw kang nahuli para isalba ang lahat para sa atin... Dinurog mo ang puso ko... pinaasa mo ako ng matagal na panahon.... binigay ko na k

ay Kevin ang lahat pati ang puri ko...." ang nanggigigil kong sambit kay Dexter na natulalang puno ng pagsisisi ang kanyang mukha.

Tinungo ko ang pinto palabas ng silid ni Kevin at hindi na lumingon pabalik. Bago ako makalabas ng silid.

"Kevin... gusto ko muna mapag-isa... mahal na mahal na rin kita... salamat..." ang sinabi ko upang magpaalam na rin muna kay Kevin.

Naglakad ako sa ilalim ng mainit na katanghalian na lutang ang aki

ng sariling katinuan. Naguguluhan ako. Mahal ko si Dexter sobra pero mahal ko na rin ngayon si Kevin. At ngayon, pareho ko na silang sinagot na iniiwasan ko noon pa na humantong sa

ganito ang lahat.

Umuwi ako sa bahay at agad kong nakita si mama ngunit hindi ko siya kinausap at tinumbok ang aking silid.

Nahiga ako sa aking kama nang nakatihaya at nag-iisip. Napansin kong hindi na tumutulo ang aking luha sa kabila ng lahat ng dahilan upang ako ay umiyak. Nagsasawa na yata kahit ang mabababaw kong mga luha sa mga nangyayari sa aking buhay.

Nagpalipas ako ng buong weekend sa bahay na walang ganang kumain o gawin ang kahit ano maliban sa mag-isip.

Pumasok ako sa school na pilit kinakalimutan ang

lahat ng nagyari at iniwan ko ang aking telepono sa bahay upang hindi ako kakontak ng magpinsan. Sumama ako sa aking mga barkada sa school na tumambay muna sa kubo sa harap ng Julian Felipe Hall kung saan karamihan ng klase ko sa araw na iyon ay doon nakatakda.

Nakatulong naman sa akin ang aking ginawa ngunit hindi maiwasa

ng mapansin ng aking mga kasama ang kalungkutan sa aking mga mata at pilit na mga tawa sa aming bangkaan.

Pag-uwi sa bahay ay umiiwas ako sa kanto nila Kevin at sa bahay isinusubsob ko ang aking sarili sa aking mga aralin. Hindi ko binubuksan ang aking telepono.

Nagpatuloy lang ako sa ganitong gawain hanggang sa matapos ang se

mester at natuto na rin akong makalimot.

Isang araw napag-isipan kong tumungo sa SM Dasmarinas upang maglibang sa Quantum. Hindi ko na rin matiis ang pagiging mag-isa kaya bukod sa paglilibang ay nagbabakasakali akong may makilalang bago sa aking buhay.

Wala man akong nakilala pero nakakatayo na ako muli sa aking mga paa at nakakangiti na rin ako tulad ng dati ngunit sa aking pag-iisip ay mas matimbang talaga si Dexter ngunit ayaw kong ako ang lalapit sa kanya sa pagkakataong ito sa kabila ng lahat ng kanyang ginawa ay kailangan niyang magsumamo sa akin.

Enrollment nanaman sa school at tulad ng dati ay hapu akong nakatapos sa lahat ng lakaran at pilahan sa registration office kasama ang aking mga classmate dahil gusto naming magkakasama ulit kami sa aming klase. Alas-tres na ng hapon noon at kami ay salo-salong kumakain sa Cucina Gusto. Isa sa mga makakainan sa loob ng campus na nasa mismong museo ng nasa loob ng campus. Paborito namin ni Dexter kumain doon dahil romantic ang lugar at di gaanong maraming estudyante ang kumakain doon di tulad sa Square Canteen.

Ang bukana mismo ng Cucina Gusto ay kaharap ang artificial lake na napakagandang panoorin habang kumakain.

Hindi ko maiwasang alisin sa aking isipan habang kumakain na eto ako nagpapatuloy sa pag-aaral at si Dexter wala na sa aking tabi wala na ring balita kung ano na pinaggagawa niya sa buhay niya. Papaano akong haharap sa kanya ngayons sinagot ko na rin si Kevin? Papano na lang ako pag bigla nanaman siya nawala sa buhay ko na parang bula.

Natulala akong tumingin sa kalayuan ng artificial lake na kuta mula sa aking kinauupuan. Nagulantang ako nang makitang naglalakad papasok ng Cucina Gusto si Kevin na guwapong guwapo sa kanyang pananamit.

Nagkatitigan kami at ako ay nginitian lang niya habang patuloy siyang naglalakad patungo sa akin.

"Anong ginagawa mo dito papano ka nakapasok sa school?!!!! Pano mo nalaman na nag-eenroll ako ngayon?" ang nauutal kong tanong kay Kevin.

Kinikilig ang mga kasama kong classmates na babae at naghihiyawan.

"Huy... pakilala mo naman siya sa amin... sino siya... para siyang si Dexter mo...." ang kabig ng isa kong classmate.

"Siya si Kevin.... pinsan ni Dexter..." ang sabi ko sa kanilang lahat at hindi na nagabalang ipakilala sila isa-isa kay Kevin dala ng pagkagulat.

"Sabi ni tita nandito ka daw ngayon... sabi ni Dexter baka nandito ka rin ngayon dahil wala ka na sa registrar's office... ang ganda pala dito no? Parang ang saya niyo ni insan dito..." ang sabi ni Kevin habang nanatiling nakangiti at kinikilatis ang lugar mula sa kanyang kinatatayuan.

"Ah... oo.. kakatapos ko lang mag-enroll... kakapagod nga eh... eh bakit ka nga pala nandito?..." ang tanong ko sa kanya.

"Wala.. may sinamahan lang ako... may gusto rin akong sabihin sa iyo eh..." ang nahihiyang sabi ni Kevin.

"Ano sasabihin mo?... Alam mong ayaw ko ng nabibitin!!" ang nagmamadali kong pamimilit kay Kevin.

"Ah.. kasi... tanggap ko na ang lahat... masaya ako sa lagay natin... kahit kayo ni insan ang magkatuluyan... masaya akong best friends tayo.. alam ko rin namang mas maligaya ka kay insan.... naging maganda ang relasyon natin bilang magkaibigan..." ang wika ni Kevin. Bigla akong nakaramdam ng lubos na kaligayahan at kalayaan sa aking kalooban sa kanyang mga sinabi.

Naghiyawan naman ang aking mga classmate sa kanilang narinig at nagsisigaw na "Akin ka na lang Kevin!!!!"

"Eh.. papano ka na Vinvinpot?... " ang malambing kong nakokonsensiyang tinanong sa kanya.

"Basta.. lagi niyo akong kasama okay na ako doon... kumpleto ako kung kasama ko kayo palagi... parang hindi buo ang samahan natin kung wala si insan..." ang pilyong ngiti ni Kevin ay nakabakas sa kanyang mga ngiti habang nagsasalita.

"Ikaw na nga itong nakauna sa pinsan mo...." sabay tayo ako sa kanya at ibinulong ang "Pati sa kama?!! okay ka lang?!!! threesome?!!"

Humalakhak ng malakas si Kevin sa kanyang nakiliting tenga.

"Oo... gusto ko yon... mas exciting iyon..." ang pilyong sinagot ni Kevin na hinihimas ang kaliwang tenga sa kiliting naramdaman.

"Ayun lang... kinakabahan naman ako.. pero pano na iyan?... si Dexter... " ang sabi ko sa kanya na nagdulot sa akin ng matinding pangungulila.

"Hindi ako makikipag-ayos sa kanya sa mga pinaggagawa niya sa akin!!!!" ang inis kong sinabi kay Kevin.

"Sinabi ko na sa kanya iyon.... actually..." lumingon siya sa tarangkahan at sumigaw upang tumawag.

"Ron!!!! Lagot ka kay Jemimi!!!!! Papaluin ka niya sa puwet!!!! Lagot ka!!!!" ang malakas na sinigaw na nagdulot upang ako ay yumuko sa kahihiyan.

Ang mga classmates kong kanina pa kinikilig ay panay pa rin ang hiyaw sa aming eksena.

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo at unti-untian kong nakita ang kabuuan ng naglalakad na si Dexter na may dalang bungkos ng Tulips na pink.

Hindi ko napigilang umiyak sa tindi ng kaligayahan na aking nararamdaman ngunit hindi ko rin maiwaksi ang inis na makita siya at sabik na humingi ng paliwanag sa kanyang mga nagawa. Bumagal ang takbo ng aking mundo.

Nagtitilian na ang aking mga classmate nang makita si Dexter at isinisigaw ang kanyang pangalan.

"Jeremy gawin natin to sa susunod na production natin!!!! Ang gandaaaaa!!!!" ang hiyan ng isa kong classmate na lalake na naluluha na rin. Mainggit daw ba?

"Letche!! Magtigil ka diyan.. kala ko ba straight ka?!!!" ang sagot ko sa aking lalake na classmate.

"Parang ayaw ko na... ang romantic eh!!" ang sabi niya.

"Lumandi ka muna at hiwalayan mo muna girlfriend mong katabi mo..." ang pabiro kong sinabi sa kanya habang itinuruo ang classmate namin na girlfriend niya.

Aking ibinalik ang papalapit na si Dexter na mas guwapo kay Kevin sa kanyang dating. Kinukuryente ako ng lubos na kilig na nadarama. Natameme ako.

"Jemykoy ko... tanggapin mo ang bulaklak na ito para sa iyo... sorry sa lahat ha?... hindi ko kasi naiwasan na hindi magsabi sa iyo... naging mabilis ang mga pangyayari... nagpatingin ako sa doctor dahil sa panlalabo at palagiang pananakit ng ulo kong inakala kong sintomas na ng brain cancer pero... pagod na pala ang mata ko at kailangan ko na magsalamin... agad din noong araw na umalis ako ay tinungo namin ni mommy at Debbie si daddy sa Hong Kong... malubha na ang karamdaman niya... hindi ako techie tulad niyo ni Kevin kaya hindi ko alam kung papaano papaganahin ang roaming ng cellphone ko kahit si mama hindi magawa kaya walang nakaalam sa aming mga kamag-anak man lang sa side ni Kevin kung ano na nangyari sa kanila.." ang kuwento ni Dexter habang hindi ko na napiglang humagulgol sa pagsisisi sa aking nagawang pagliban sa kanyang pangakong babalik.

"... Sinamahan namin si daddy sa mga nalalabing oras niya kasama ang isa pa niyang asawa... hindi na siya nagkaanak sa isa niyang pamilya kaya nang mamatay siya ipinamana niya sa akin ang kanyang negosyo... doon ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral ng lenguahe nila at konting business related subjects... madali akong nakapag-adjust pero sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong nananabik na makausap ka man lang... gustong gusto kong marining man lang ang boses mo sa telepono... kahit si Debbie hinahanap ka lagi..." ang patuloy niyang kuwento sa akin.

Ipinatong ni Dexter ang bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng aking mesa tabi ng aking pagkain at lumuhod na inabot ang aking mga kamay.

"Eh.. bakit ang dami mong iniinom na gamot?... hindi ko na nga maintindihan ang mga nakasulat..." ang dagdag kong tanong sa kanya habang patuloy na umiiyak.

"Vitamins ko iyon... hindi kasi maganda yung isa lang.. may Centrum nga pero hindi kumpleto ang laman noon kahit maraming vitamins iyon... kaya isang tableta para sa isang klase ng vitamin... tapos ang gamot lang na nandoon ay yung Advil para sa sakit ng ulo ko.. " ang paliwanag ni Dexter.

"Kaya naman pala... parang Myra 300 E yung isang capsule na kasama ng mga iyon..." ang natatawang sabi ko kay Dexter habang pilit na pinipigil na ang aking pag-iyak.

Pinunasan ni Dexter ang aking mga luha at bigla akong hinalikan na siyang nagpahiyaw nanaman sa aking mga classmate. Nakakainis na sila ha. Hindi ako sanay sa ganong lagay.

"Eh bakit may dalagang sumagot sa bahay niyo nung tumawag ako sabi wala... hindi ka na daw nakatira doon?..." ang sabi ko kay Dexter.

"Ah yun ba?.... ang pinsan ni daddy kumuha ng caretaker muna na magbabantay sa bahay... si mommy lang kilala noon... ang alam niya pa yata na pangalan ko ay Christopher" ang natatawang paliwanag ni Dexter.

"Ang haba naman kasi ng pangalan mo pwede ba nakakalito na sa mga kakilala mo kung ano ba talaga ang itatawag sa iyo..." ang biro ko kay Dexter.

Ibinaling ni Dexter ang kanyang tingin kay Kevin at pinahubad sa kanya ang singsing na katulad ng sa amin ni Dexter.

"Mahal.. pahiram muna ng singsing mo..."

Inalis ko ang aking singsing na bigay niya at pinagdikit-dikit niya ang tatlo na pinagigitnaan ng singsing nila ay ang akin.

"Bunso... akala mo siguro etches lang ng singsing ang mga ito... pero basahin mo.." ang utos ni Dexter habang ipinapakita sa akin ang magkakadikit na singsing.

"Dexter Loves Jemykoy

Like Kevin Loves Jemimi"

Ang maliliit na nakasulat sa pinagdikit naming mga singsing. Inalis niya ito sa pagkakadikit at isa isa sa aking inabasa ang loob ng singsing na ngayon ko lang nakita.

"Dexter and Jeremy forever with Kevin"

Nagulat ako sa mga nakaukit sa aming mga singsing at sa nakaukit sa loob ng bawat isa.

"Letche talaga kayong magpinsan!!! Hindi niyo na lang sa akin sinabi na ganito pala gusto niyo!!!" ang naiirita kong nasabi sa kanilang dalawa habang isinusuot ni Dexter ang singsing ko dating daliri kung saan ito nakasuot. Matapos noon ay inabot ni Dexter ang singsing ni Kevin sa kanya at sabay silang nagsuot ng kani-kanilang mga singsing.

"Wag ganon!!! Ang haba namang ng hair mo ate!!! Mamigay ka naman!!!! Hindi na patas to!!! Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos!!!" ang sabi ng kinikilig kong classmate na babae na mamamatay na yata sa inggit.

Tumawa lang kaming tatlo at tumayo na akong inaalalayan ni Dexter sa aking upuan.

"May isang sorpresa pa ako sa iyo... pero bukas na iyon... tapusin na natin lahat ng lakarin natin... nakapag-enroll an rin pala ulit ako... pero kailangan kong maghabol sa mga subjects ko...." ang sabi ni Dexter. Hindi ko na tinanong pa kung ano yung isa niyang sorpresa dahil kuntento na akong ayos ang kalagayan naming tatlo ni Kevin.

Hindi ko na tinapos ang aking pagkain at nagpaalam na kami sa aming mga classmates. Sa bukana ng Cucina Gusto ay nakita kong nakapark ang VIOS ni Dexter.

Tulad ng dati inuna nila akong pinaupo sa tabi ng driver's seat at nasa likod si Kevin katabi ang puting teddy bear na malaki na bigay sa akin ni Dexter. Yakap ni Kevin iyon.

Si Dexter naman tulad ng dati hawak ang kaliwa kong kamay at nakapatong sa kanyang hita.

Bumiyahe na kami paalis ng De La Dalle University Dasmarinas at naisipang kumain muna sa dampa sa Manggahan malapit sa likod ng Robinsons Place Pala-Pala.

Sa dampa, naupo kaming magkakatabi na pinagigitnaan ako ng magpinsan. Gutom na gutom ang magpinsang nilantakan ang hipon, pusit, at alimasag na inorder nila at ako namang bawal sa ganong napakasarap na pagkain ay nagtiis na lang sa inihaw na tilapya.

Batid ng dalawa ang aking pagkainggit sa kanilang pagkain ngunit pareho silang walang magawa dahil allergic nga ako sa mga ganong ulam.

"Wag na malungkot bunso... isipin mo na lang pusit din ulam mo..." ang sabi ni Kevin na pabiro. Tumawa lang si Dexter.

"Hmph!! Sana nagFlavors of China na lang tayo sa SM Dasma... natatakam ako pero hindi naman ako masulit sa kinakain ko... hmph!!!" ang tampo ko sa magpinsan na tinawanan na lang ng dalawa.

Out of the blue tinanong ko si Dexter. "Diba may pangako ka sa amin ni Debbie?.. papano na iyon ngayon?.." tumawa lang si Dexter ay nagpatuloy sa pagkain at nang matigil ay

"Bukas... sasagutin ko ang tanong mo ngayon... kumain ka na lang muna mahal ko tapos umuwi na tayo sa inyo... namiss ko rin lutuin ni tita kaya merienda lang itong kinakain ko.. hindi nga ako nagkanin diba?..." ang sabi ni Dexter at tama naman wala na silang pareho ni Kevin kahit isang butil ng kanin sa kanilang mga plato.

Natapos silang dalawang naubos ang kanilang mga pinapak at ako naman hindi ko masyado ginalaw ang aking kanin dahil malaman sa bahay kakain gusto kumain ng dalawang magpinsan.

Umuwi kami sa bahay ko at sinalubong si Dexter ni mama na tuwag-tuwa ulit na makita siya. Mag aalas siete na kami nakauwi ng bahay.

"Mga jiho, tulad ng request ninyo, nagluto na ako ng Laing.." ang masayang bati ni mama sa dalawa.

"So kinuntsaba niyo na pala ina ko?" ang tanong ko sa dalawa na tumatawa lang,

"Nako... mga plano niyo talaga... nako.. kayo!!!" ang naiirita kong sinabi sa kanila,

"Wag ka na mainis mahal ko... alam ko naman na gusto mo rin to eh.." ang panlalambing sa akin ni Dexter habang pinipisil ang aking pisngi.

Tinungo namin ang hapag at nagsimulang kumain habang si mama naman ay nakikipagkwentuhan kay Dexter na sarap na sarap ang pagkain.

Medyo maraming hipong hinalo si mama sa Laing kaya ang dami kong inilalagay sa plato ni Dexter dahil gabi lang ang tinitira ko. Bawal ang hipon.

Si Kevin naman masayang masaya sa aming lagay nang akin siyang kilatisin. Okay na ako sa ganitong lagay.

Nang matapos kumain ay tinungo na namin ni Dexter ang sala at naupo sa sofang naglalambingan habang si Kevin naman ay tinutulungan si mama sa paghuhugas ng aming pinagkainan.

Habang kami ni Dexter ay naghaharutan sa harap ng nakabukas na telebisyon ay naamoy ko ang pamilyar na amoy na nananaig sa bahay kapag dumarating si papa sa bahay namin. Ang amoy ng airport.

(itutuloy)

No comments: