Thursday, September 8, 2011

Musmos [11]

by Jeffrey Paloma

Lubos na pamilyar sa aking ang kanyang kakantahing tugtugin ngunit pilit kong inaalala kung saan ko huling narinig ang lumang musikang iyon. Sa lahat ba naman nag bagong awitin ngayon bakit iyung luma pa?

"Jeremy... sana walang mabago sa atin... aawitan nam kita sa pangalawang pagkakataon...." ang bigkas ni Ron sa likuran ng aking tenga habang ako ngayon ay isinasayaw na niya ng dahan dahan habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Pangalawa?? Hindi ko maalala kung may una.." ang natanong ko na lang sa aking sarili.

Nang malapit nang tumugtog muli ang musika ay marahang dumampi angkanyang mga labi sa aking leeg. Di nagtagal ay naramdaman ko na lang na lumayo ng kaunti ang kanyang mukha at bumitiw ang kanyang isang kaliwang braso sa pagkakayakap sa akin habang si Kevin ay nakita kong inaabot ang mikropono sa kanya mula sa aming kaliwa.

"Diyan ka lang bunso ha?" ang malambing na habilin niya sa akin habang tuluyan na siyang lumayo papunta marahil sa harap ng monitor ng videoke at ako naman ay nanatiling nakatalikod sa aparato. Si Ron naman ay sabay nang humuhuhuni ng "oooohh... aaaahhh.... shurup tud didup..." na saliw sa tugtog ng videoke.

Lumapit sa akin si Kevin na ngayon ko lang napansin na umiiyak na rin pala. Hindi ko mawari kung bakit. Tumayo siya sa aking harapan at tinakpan ang aking mga mata. Mukhang yayayain niya ako sa kung saan.

"Jeremy... mahal ko... doon tayo sa sofa..." inalalayan niya akong patungo roon. Ramdam kong pinaupo na niya ako sa kanto ng sofa dahil medyo malayo ang aming nilakad at napansin kong nakatagilid lang ako rito dahil nama ko sa aking kanang braso at balikat ang sandalan nito. Ayaw siguro niyang makita ko ang lyrics ng kantang tumutugtog sa aparato. Naramdaman ko rin sa sofa ang pag-upo ni Kevin dito.

"Naalala mo noong 24th?... diba may tinanong ka sa akin?... sabi ko ngayon ko sasabihin?...." ang sabi sa akin ni Kevin na sumagot ako ng pagtango.

"Maipapangako mo ba na sa maririnig mo sa akin ay di ka muna magagalit at uunawain ang aking kuwento?.." ang dagdag pa niya na sinagot ko na lang ng pagtango.

"Mahal mo ba ako?... nang higit pa sa kahit kanino?" ang seryosong tanong niya sa akin na sinagot ko ng pagtango at pagbitiw ng malambing na ngiti.

"Mas mahal mo na ba ako kesa kay Dexter mo?.." ang sumunod na seryosong tanong niya sa akin.

"Oo Kevin.... mahal na mahal kita nang higit pa kay Dexter ngayon... ngunit pantay ang pagmamahal ko sa inyo ni Ron.... dahil mga kaibigan ko kayo at gusto ko ang inyong pagmamahalan ay magtagal habang buhay" ang sabi kong walang agam-agam.

"May p-pag-asa p-pabang maging higit yang n-nararamdaman mo sa akin?" ang mautal-utal na tanong ni Kevin sa akin.

"Kung pagbibigyan lang ako ng pagkakataon hahayaan kong lumago itong aking damdamin para sa iyo..." ang sagot ko sa kanya habang seryosong nakatingin sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at sandaling nag-isip.

"Una sa lahat... gusto kong malaman mo... na MAGPINSAN lang kami ni Ron... ngunit  may dahilan kung bakit kami nagpanggap na magnobyo sa iyo... pero sana makikinig kang mabuti..." ang bumulagang rebelasyon sa akin ni Kevin na nagpabilis ng tibok ng aking puso para sa kanya nang malaman kong may pag-asang maging kami. Sa isang banda clueless pa rin ako sa ibig nilang sabihin.

Abot tenga yata ang ngiti ko ng mga oras na iyon pero hindi ko to napansin dahil nanatili akong nakatitig sa mga maluha-luhang mga mata ni Kevin na nagungusap.

"Ngunit... bago ang lahat... may tanong lang ako.... May gumugulo lang kasi talaga sa akin... kung isang araw magkita kayo ni Dexter sa kabila ng lahat.... since birthday mo... sinorpresa ka niya halimbawa... ano ang magiging reaksyon mo?" ang tanong niya.

"Hindi na ako galit sa kanya at unti-unti nang naubos ang ibinigay kong pagmamahal para sa kanya. Kung magkita man kami ngayon tulad ng sinasabi mo... tatanggapin ko pa siya kasi naging magkaibigan din naman kami... hindi lang naging kami dahil siguro..." natigil na lang ako sa aking sasabihin at napaisip.

"Siguro ano?... " ang naiinip na tanong ni Kevin sa aking isasagot.

"Siguro kung babalik siya sa buhay ko dapat muna magpakita siya sa akin... pero siguro... hanggang pagiging magkaibigan na lang ang maibibigay ko sa kanya... "
at naputol muli ako sa aking sasabihin. Tinitimbang ang mga susunod na salitang aking bibitiwan kay Kevin.

Dahil sa wala naman kaming itinatago kay Kevin talaga at sa pagkakataong iyon ay wala naman palang sabit sa kanila sa pagitan ni Ron ay.. "...Matagal na pala kitang minahal... natakot lang akong aminin iyon sa aking sarili... at recently ay pilit kong itinanggi sa aking sarili dahil sa akalang kayo ni Ron"

Ngumiti na si Kevin ngunit hindi natigil ang tumutulo na niyang mga luha. Sinubukan ko itong punasan ng dalawang beses pero tuloy talaga ang pagtulo ng mga ito.

"Alam mo Kevin... noong highschool tayo... bago pa tayo naging magkaibigan noon madalas na kitang pinanonood sa gilid ng altar tuwing linggo sa choir habang umaawit para sa misa.... gusto na kitang kausapin lagi dati pagnatatapos na ang misa habang palabas ka ng simbahan..

Buti na lang binigyan tayo ng pagkakataong maging magkatabi noon nang nagsimba ka lang at hindi umawit malapit sa altar at tayo ay nagkakilala...

Sobrang saya ko na makausap na kita noon... naging lubos akong masaya kapiling mo bilang kaibigan noon ngunit takot na takot akong sabihin sa iyo na crush kita...

Alam kong ganito na ang pagkatao ko at ganun din si Ron sa kanyang sarili... parehas kaming nagtutulungan ni insan sa ganitong buhay... dumating ang araw na hindi ko na pigilan ang aking sarili na mahalin ka ng lubusan.... ngunit lubos akong natatakot na pag nalaman mo ang tunay kong damdamin para sa iyo at putulin mo na ang ating magandang pagiging magkaibigan.." tumigil siya sa pagsasalita at nagpupunas na ng luha gamit ang kanyang panyo.

Nahabag ako sa aking nasaksihang lagay ng aking pinakamamahal na kaibigang si Kevin. Niyakap ko siya ng mahigpit upang ipadama sa kanya ang pasasalamat dahil naguusap kami ng mga ganitong bagay. Malaya at punong puno nang pag-asa ang aming usapan. Nakararamdam ako ng init sa aking puso.

Nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat sa aking pagkakayakap sa kanya. Yumakap siya ng mahigpit at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Nagpapasalamat ako ngayon dahil ganito ang kinahantungan ng ating pagiging magkaibigan... ngunit .. hindi maaalis sa aming kunsensya ang isang napakalaking pagkakamaling nagawa namin sa iyo ng pinsan ko.. sana pakikinggan mo akong mabuti sa aking sasabihin at sana habang nakikinig ka ay isipin mong nagawa ko at lahat ng iyon ng dahil lang sa takot na mawala ka sa buhay ko at gusto lang kitang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan..." ang pagpapatuloy ni Kevin.

Hindi ko na maintindihan ang lahat ng sinasabi niya sa akin ngunit tila lahat ng pagkalingang kaya kong ibigay ay ibibigay ko sa kanya sa mga oras na iyon. Nagpatuloy lang din akong nakikinig sa kanyang pagsasalita habang nananatiling nakayakap sa kanya ng mahigpit.

"Naalala mo ba ang favorite cartoon ko kung sino?.." ang natatawang tanong sa aking ni Kevin.

"... diba si Dexter Boy Genius yung paborito mo diba?..." ang sagot kong patanong sa kanya na sinagot naman niya ng pagtango habang nakapatong ang kanyang baba pa rin sa aking balikat. "Ano ba ang gusto niyang palabasin?" ang natanong ko na lang sa aking sarili.

"Don ko nakuha ang pangalan.... " at naiba nanaman siya ng sasabihin. Pilit kong pinagtatagpi-tagpi ang kanyang mga sinasabi dahil lubos kong di na maunawaan ang lahat. "Pangalan nino para kay sino?" ang tanong ko sa akin sarili na pilit dinedeny na sa sarili ang mga naririnig kay Kevin na pagpaparamdam.

"Kami ni Ron si.... nagpanggap kami na si..." napatigil si Kevin sa kanyang sasabihin at tumingin kay Ron uang senyasan ito ng isang kumpas. Pagkakumpas naman ni Kevin ng kanyang kamay ay biglang umawit na si Ron kasabay ng tugtuging iyon..

Para akong binuhusan ng tubig na malamig nang bumulaga sa akin ang napakandang boses ni Ron na itinago niya sa akin. Walang dudang ang boses niya at boses ni Dexter ay iisa. Hindi siya nagkamaling sabihin sa akin nakakantahan ako sa pangalawang beses.

Natulala akong pawang nakakita ng multo nang tumitig ako sa ngayo'y kumakanta nang si Ron. Napansin ni Kevin iyon at isinara niya ang mga labi ko ng isang matamis na halik na hindi ko nagawang sagutin sa gulat pa rin.

Habang ako'y tulala at maluhaluhang nanatili sa aking posisyon at unti-untian nang nanunumbalik ang ulirat sa mga kaganapang iyon. Kinuha ko ang aking ipod upang masigurong tama ako sa aking nalaman. Pilit ko kasing itinatanggi na hindi si Ron ang kumakanta sa likod ng kopya ng kantang nirecord ni Dexter para sa akin. Na si Dexter ay ibang tao.

Hindi ko pa rin matanggap sa aking sarili ang isang bagay na matagal kong inaaasam-asam ay dumadating na sa akin ng isa isa. Binubuo ang taong matagal ko nang gustong makita ngunit ako'y binigong lubos.

Ikinabit ko sa kaliwa kong tenga ang earphones at pinatugtog ang halos malimutan ko nang kopya ng kanta ni Dexter na nilagay ko sa aking ipod.

Nagmistulang alingawngaw ito sa pag-awit ni Ron. Eksaktong eksakt ang estilo kanta at tunog ng boses. Parang live version lang ng isang concert si Ron ng tugtuging iyon.

"Kaya siya hindi makakanta kasabay natin dahil makikilala mo siya lalo na sa kantang ito... na ginawa niya para maalayan kita ng theme song ko para sa iyo... at para mailayo na rin sa iyong mapaglarong kokote ang mga posibilidad na ako at si Dexter ay iisa... at isa pa... hindi iisang tao si Dexter..." ang paliwanag ni Kevin habang papalapit na sa amin si Ron na umaawit ngunit may mga luha na rin sa mata.

Lubos na lumulundag ang puso ko at ang inaasahan kong poot ay hindi dumampi sa aking damdamin dahil siguro sa sobrang saya na isa-isang lumilinaw ang lahat sa akin at ang matagal ko na palang hinahanap na si Dexter ay matagal ko nang kasama at yun nga lang dalawa sila.

Yumakap ako kay Kevin ng mahigpit ng unti-unting nabuo sa aking isip ang mga pangyayari kahit may mga katanungan sa akin isipan kung bakit hindi niya ako nagawang harapin at kailangan pa niyang gawin ang lahat ng ito at sumawsaw pa si Ron.

"... Sorry kung hindi ako nagpakita dahil lang sa takot na iwanan mo ako pag nalaman mong..." ang napatigil siya saglit sa pagsinok habang umiiyak.  "at ang taong inakala mong iisa ay dalawa pala..." ang dagdag pa ni Kevin. "Dalawa? Eh bakit siya lang ang umaamin? Pano si Ron? Ano ang mga halik at yakap niya sa akin? Sino ba talaga sa kanila ang minahal ko bilang si Dexter??" ang naiwang tanong sa aking isipan.

"Yung sa Lyceum... Lubos ang awa at habag kong malaman ang nangyari sa iyo noon sa McDonalds habang umiiyak kang tinawagan ako... gusto kitang kausapin ngunit malakas ang kaba ko... noong hapon... sinusundan lang kita noon ngunit takot na takot pa akong magpakita sa iyo... umiiyak akong pinapanood ka sa itaas ng Puerta Parian noon habang naghihintay dahil puno ng kaba ang aking dibdib... gustong gusto ko na pero hindi ko pa rin magawa... hindi ko alam kung bakit... kahit mahal na mahal na mahal kita..." ang paliwanag ni Kevin.

"Pasensiya ka na kung hindi kita napuntahan ng tamang oras sa takdang lugar at panahon na ako mismo ang nagtakda... sa Yoshinoya... Isang pagkakataong ibinigay mo sa akin ay nasayang ko dahil lang sa nalate ako ng dating dahil ipinauna muna kitang umalis sa kanto namin noon upang makapagtago lang sa iyo at sorpresang tatagpuin sana kita sa Yoshinoya... para maniwala ka rin sana noon ay sinama ko si Ron na naging dahilan nang pagtagal lalo ng aming pagdating... balak ko sana siyang paawitin sa harap mo bago ko sabihin ang lahat... pero huli na nang makita ka namin na puno ng galit... nabalot na ako ng takot.. " ang paliwanag sa akin ni Kevin sa nangyari sa Yoshinoya na tumango tango namang pag-patotoo ni Ron sa mga sinabi ni Kevin.

"Kung ikaw si Dexter.... sino sa inyo ang ang nakausap ko noong tumawag ako? Sino ang katext ko noong mga panahon na iyon?" ang tanong ko kay Kevin habang binubuo ang mga kasagutan sa aking isipan.

"Naalala mo ba nung mga panahon na iyon ay madalas na tayong magkita? Natakot akong mahuli mo ako kaya si Ron muna ang kumakausap sa iyo gamit ang pinahirap kong phone at kinukuwentuhan na lang niya ako ng inyong mga usapan kahit masakit sa akin na sa kanya mo nasambit ang inaasam kong "I love you kuya" mula sa iyo..." ang malungkot na kuwento pa ni Kevin.

Nagkuwento pa siya ng iba pang mga bagay na hindi ko alam tungkol sa relasyong nabuo namin sa pamamagitan lang ng paguusap sa telepono.

"Eh yung sa LBC deliveries? Pano mo napadala yung mga iyon? Yung recording ng "Isn't There Someone?".."  ang interesado kong tanong kay Kevin sabay tingin kay Ron naman na gusto ko ring magbigay ng paliwanag sa akin.

Tumigil na si Ron sa pag-awit upang sumagot.

"Jemykoy.... sorry sa lahat... address ko yung sa Venice street. ... Ako ang may pakana ng mga iyon matapos kong tulungan si Kevin na gawan ka ng theme song niyo.." ika ni Ron. "Nang mahulog ako sa iyo sa ng dahil sa pagkatao mo na nakita ko sa ating pag-uusap pa lang. Na-challege akong ligawan kita at binalak ko pa sanang gumawa ng sariling identity para makilala ka... binalak kong ako mismo ang manliligaw sa iyo ngunit bilang respeto sa aking pinsan na nagtanim ayaw kong kunin ang kanyang ani."

"Nag-usap kami ni Kevin tungkol sa iyo after niya akong ipakilala sa iyo ng personal na pinapayagan niya akong ligawan ka sa panahon na mapalapit na ako sa iyo... dahil unti-untian na siyang nawawalan ng pag-asa sa iyo lalo na nang makuwento mo sa kanya ang sa inyo ni Alex... sobrang natakot siya noon... ang sabi niya..."  at tumigil siya sa pagsasalita na parang alam niyang si Kevin mismo ang magsasabi na siya namang ginawa nga ni Kevin... "mas gugustuhin kong sa iyo Ron, mapunta si Jeremy kesa sa Alex na iyon.. Masasaktan akong lubos pag naging sila.. kailangang maunahan mo iyon.." ika ni Kevin bilang supporta sa pagpapatunay ni Ron.

"So talagang sumisimple ka na? Eh.... kung mas mahal ko ang pinsan mong si Kevin, ano ang gagawin mo?" ang paghamon ko kay Ron.

Tumingin ako kay Ron at bakas sa aking mukha ang naiinip na paghihintay sa kanyang sasabihin.

Lumuhod siya sa aking harap at nagsumamo. "Jeremy... hayaan mong mahanap mo ang Dexter na minahal mo sa akin... mahal kita.."

Ano ba yan.. dati halos kasing hirap haglapin sa hangin si Dexter noon ngayon dalawa pala silang bumuo sa pagkatao ni Dexter sa akin. Di ko ata kaya to.

"Patawarin mo kami ni Ron, Jeremy... nagkamali lang kami ng paraan upang mapalapit sa iyo.... mahal na mahal kita." ang nagsusumamong hiling ni Kevin sa akin. "Sana ako ang piliin mo"..

"Jeremy... ako sana na si Dexter na nakausap mo ng tungkol sa iyong maliligayang sandali ng iyong araw-araw na buhay na tuumanggap ng iyong pagtatapat ng pagmamahal ang piliin mo." ang biglang sabi ni Ron na nagtanggal bigla ng t-shirt na suot sa di ko malamang dahilan. Nagsilabasan ang mga umbok ng kanyang athletic na katawan na para bang gusto akong akitin.

"Bunso... ako sana na parang kuya mo na naging sandigan mo ang piliin mo... matagal na kitang kaibigan at lahat ng sa iyo ay alam ko at minamahal ko... natakot lang ako.. ngunit hindi na ngayong alam kong mahal mo na rin pala ako.. Isa pa... hindi ka makikilala ni Kevin kung hindi dahil sa akin.." sabay punas ng mga luha at nagbitiw ng isang nakakalokong ngiti. Nagtanggal din ng t-shirt at bumulaga sa akin ang maputi niyang katawang parang ayaw magkataba.

Napatitig ako sa mga nakabalandra nilang puson at umbok ng kanilang harapan. Pakiramdam ko pinapawisan na ako ng malamig. Nasira ang moment ko sa ginagawa nila.

"Teka lang mga kuya... " ang naiilang kong sabi sa kanilang dalawa. "... BAKIT KAYO NAGHUHUBAD?!!!!... ANO TO BIKINI CONTEST?!!!!"  ang mataray at pasigaw kong tanong sa kanilang dalawa.

Nagtawanan naman ang dalawa at tumayo pareho sa pagkakaupo. Nagtitigan at sabay na tumango. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa dalawa. Tumingin pareho ang magpinsan sa akin at parehong pilyo ang mga ngiti.

Mabilis na ibinaba nila ang kanilang mga suot ns shorts at bumulaga sa akin ang mga nagsisitabaang bukol ng kanilang kargada sa kanilang brief.

"MGA manyak!!!! Kung gusto niyong kausapin kayo ng seryoso umayos kayo or magwo-walkout ako ngayon din!!" ang sigaw kong seryosong seryoso na ang tono. Pero sa totoo lang kilig at nag-iinit na ako sa kanilang ginagawa.

"Ni hindi ko pa nga nasasabing pinatawad ko na kayo sa pagloloko niyo ngayon hindi niyo pa ako seseryosohing kakausapin? Tapos tinatanong niyo ako kung sino sa inyong dalawa ang mas matimbang para sa akin?" ang naiirita kong sabi sa kanila.

Napatino naman ang dalawa at tumabi sa magkabilang gilid ko.

Natahimik akong nag-isip sa aking isasagot sa kanila habang masasayang mga luha ay bumuhos na sa aking pisngi habang naiisip ko na matagal ko na pa lang kasama ang kuya Dexter ko. Pinagtataguan lang pala ako.

Magkahalong pagkalito ngunit puno ng kaligayan ang akig damdamin.

Pinigilan ko ang aking sarili upang magbalik ang sarili sa katotohanan upang magmuni-muning inaamin ko ay nabahiran na ng kamunduhan sa kanilang ginawa.

Nang handa na akong magsalita... "May tanong lang ako sa inyong dalawa... "

(itutuloy)

No comments: