“Maganda pa rin dito.” Sambit ko nang bumungad sa akin yung resort.
“Yeah, sakto sa gusto kong mangyari.”
“Anong sakto sa gusto mong mangyari?”
“Tingnan mo na lang. Alam ko naman na mag-eenjoy ka sa akin ngayong gabi eh.”
“Kapag ako hindi nag-enjoy, isang taon kitang hindi papansinin.”
“Hala, huwag naman. Isang lingo mo nga lang akong hindi kausapin eh halos mabaliw na ako, isang taon pa kaya?”
“Kaya umayos ka.” Banta ko rito.
Sumaludo na lang ito sa akin na kala mo isa akong official.
“Uto!”
Pagkapasok namin, pansin ko na agad ang mga pami-pamilyang nag-uumpukan sa may pool. Nag-eenjoy sila sa bawat pagkampay nila nang mga kamay nila sa tubig. Rinig na rinig ang tawanan, asaran at hiyawan na siya namang nagpangiti sa akin.
“Ayos ngiti mo ah.”
“Katuwa kasi sila.” Sabay turo ko sa mga isang grupo na nag-aasaran.
“Parang tayo lang yan nun. Naalala mo pa ba?” Sabi niya.
Tumango lang ako.
“Kamusta na kaya sila? Tagal ko nang walang balita sa kanila eh.”
“Sa pagkakaalam ko, busy pa rin sila sa pag-aaral saan man sila ngayon. At si Abie…” Tumingin muna ito sa akin bago nagpatuloy. “…nagtatrabaho raw sa may department store.”
“Nasabi na sa akin ng kapatid niya yan.” Wala na akong maramdamang hinanakit kay Abie. Matagal na kasing tapos yung nangyari at nakalimutan ko na yung pakiramdam.
“Buti naman. O siya tara na sa cottage para makapahinga muna tayo saglit.”
Sumunod naman ako rito.
“Teka, heto rin yung cottage natin dati ah.” Sabay punta sa likurang part para tingnan kung andun pa rin yung sinulat namin. “Andito pa rin yung Vluxicate!”
“Naalala mo pa pala yung pangalan ng grupo natin.”
“Siyempre naman. Kanang kamay kaya ako nang leader kaya imposibleng makalimutan ko iyon.”
“Ikaw na!”
Natahimik ako saglit.
“Maiba ako, anong meron at bakit tayo pumuntang dalawa rito?”
“Gusto lang kitang masolo.”
“Uto! Ayan ka na naman. Epekto siguro yan ng alikabok sa daan.” Inalog-alog ko ulo nito.
“Anong ginagawa mo?” Matapos pigilan yung ginagawa ko.
“Baka kasi maalis yung alikabok eh para gumana nang maayos takbo nang utak mo.”
“Puro ka naman kalokohan eh.”
“Puro ka kasi biro. Huwag ganun baka atakihin ako sa puso.”
“Uto! Seryosohin mo naman kasi ako.” May pagmamakaawa sa boses nito.
“Ahm, pwede mamaya nang konti? Medyo mainit pa kasi eh.”
“Puro ka talaga kalokohan.”
“Mahal mo naman.” Pabulong kong sabi.
“May sinasabi ka dyan?”
“Wala!”
“Sasabihin mo o hindi?”
“Wala naman kasi akong sasabihin ah.” May arte kong tugon.
“Ah ganun!” At inambahan ako nito nang isang libong kiliti.
Buti na lang at medyo maluwang yung cottage kaya nagawa kong makaiwas sa kanya. Hindi nga lang ito matigil hangga’t hindi ako nakikiliti.
“Tumigil ka!”
“Ayaw! Sabihin mo muna yung sinabi mo kanina.”
“Grow up Len! Isip-bata ka na naman.”
“Uray mampay (Kahit na ba)!” Balewala nitong sagot.
“Agsardingkan (tumigil ka na)!”
Nag-make face lang ito. Wala talagang plano magpatalo. Pagod na rin ako sa kakaiwas kaya naman umupo na ako. Hingal na hingal. Naghahanap ako nang pwedeng mainom ng maalala kong wala nga pala kaming dalang tubig o pagkain man lang.
“Len, nauuhaw ako.”
“Ayan oh.” Sabay turo sa pool.
“Yuck! Andami nang ihi niyan eh.”
Tatawa-tawa lang si mokong.
“Don’t worry dun tayo kakain sa may dining hall nila.”
“Di pa ako gutom. Uhaw oo.”
“Eh di dun na rin.”
“Libre ba yun?” Kukulangin kasi budget ko pag nagkataon.
“Kuripot! Oo, libre yun huwag kang mag-alala.”
“Good. Pahinga muna ako.”
“Sige may puntahan lang ako saglit.” Paalam nito.
Simula pa lang ng araw ay nag-eenjoy na ako. Paano pa kaya hanggang mamaya? Napangiti na lang ako dulot ng saya.
“Dhen gising!” May patampal-tampal pa sa pisngi ko. Nakaidlip pala ako.
“Ano ba? Maaga pa.” Maktol ko rito.
“Tarantado! Wala ka sa bahay niyo.”
Bigla kong naalala na nasa resort nga pala kami.
“Pasensya naman. Bakit antagal mo?” Tanong ko.
“Anong tagal? Saglit lang ako umalis kanina pagbalik ko tulog ka na.”
“Ganun ba?”
“Oh inom ka muna.”
Inabot ko naman yung bottled water at tinungga. Grabe, ilang lagukan lang ubos agad sa sobrang pagkauhaw ko.
“Di ka pa ba maliligo?”
“Palinis mo muna yung tubig.”
“Arte mo huh.”
“Ganun talaga.”
“So pag hindi ito nalinis hindi ka maliligo?”
“Oo.”
“Tingnan natin.”
“Sige subukan mo. Iiwan kita rito.”
“Kaya mo ba?”
Napaisip ako. Walanghiya ang layo nang lalakarin ko pag nagkataon. Ayoko naman maglakad sa ilalim ng init ng araw.
“See? Na-realize mo rin na hindi ka basta-basta makakauwi kung wala kang sasakyan.”
Inismiran ko lang ito. Tatawa-tawa naman si mokong sa reaction ko.
“Dhen, punta na tayo sa dining hall.”
“Okay.”
Tinungo na nga namin yung hall. Loko-loko talaga itong si Arnel at ginagap ang kamay ko. Sa hiya ko, agad kong binawi kamay ko sabay kurot dito. Napa-aray naman siya pero hindi nagpapigil. Umakbay na lang para safe.
Nanlaki mata ko nang makitang venue pala nang isang kasal yung hall. Nang sipatin ko si Arnel, pa-easy-easy lang ito, nagbigay ng assuring look at nagpatuloy sa paglakad. Kita ko naman na may pangiti-ngiti ito sa mga nakakasalubong namin. Terno naman suot naming dalawa sa attire nilang pang-beach kuno.
Nakipila na kami papunta sa may cater table. Malayo pa lang ay sumasamyo na ang sarap ng mga pagkain kaya mas lalo tuloy akong ginutom. Nung finally makakuha na kami nang pagkain, pumuwesto na kami sa isa sa mga tables na bakante.
May ilan ding bisita ang naki-table sa amin. Ang daldal talaga nitong kasama ko kasi kung sino-sino kinakausap. Akala mo naghahagilap ng boto sa nalalapit na eleksyon. Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa cottage.
“Len, sino pala yung kinasal?”
Ngumiti lang ito at hindi sumagot.
“Hoy kinakausap kaya kita. Huwag kang bastos.”
Bumunghalit ito nang tawa.
“Walanghiya, sige tumawa ka pa.”
“Hindi ko sila kilala.” Na hindi pa rin matigil sa kakatawa.
“Ano???”
“Seryoso, hindi ko sila kilala.”
“Gago ka talaga! Paano pag nalaman nilang hindi talaga tayo bisita?”
“Eh hindi naman di ba?”
“Ewan ko sa’yo. Kala ko naman kilala mo yung ikinasal. Ang lakas pa talaga nang loob mong makipag-usap dun ah.” Hindi pa rin maalis yung pangamba ko.
“Siyempre naman.”
Tumahimik kami pareho. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming mag-gatecrash sa mismong reception ng isang kasal. Nakakahiya yun.
“Dhen, ligo na tayo. Konti na lang mga tao.” Pambabasag nito sa katahimikan.
“Ikaw na lang. Ayokong masunog.”
“Arte talaga nito! Hindi bagay kaya.”
“Ah hindi bagay pala huh.” Lumayo ako nang bahagya rito. “Effective ngayong oras ang TRO ko. Dapat hindi ka lalapit sa akin ng 20meters.”
“Anong sinasabi mo?” May pangiti-ngiti pa nitong sabi.
Akala niya siguro nagbibiro ako pero nung lalapit siya ay tinabig ko ito. Bahagya mang nagulat sa reaction ko ay pinabayaan niya na lang ako.
“Sige bahala ka. Maliligo na ako.”
“Go ahead. Maluwang pa yung pool.”
At naligo na nga ito. Ako naman, dumiretso na sa may cottage at tumambay. Hindi talaga ako makatiis sa sobrang alinsangan ng panahon. Paypay dito, paypay doon. Kasagsagan kasi nang init kaya naman halos maligo na ako sa pawis samantalang si Arnel naman ay sarap na sarap sa paliligo nito.
Panay naman ang pagtawag nito sa akin pero panay din ang tanggi ko. Ayaw ko talaga maligo sa pool, I mean sa public pool. Everytime kasi na ginagawa ko iyon pagdating ng gabi bigla na lang akong tinatrangkaso. Masakit katawan ko na may kasamang mataas na lagnat. Kung suswertehin naman, maiimpeksyon pa ang tainga.
Mataman ko na lang na pinapanuod si Arnel sa ginagawa nitong pagpapasikat. Maya-maya pa naramdaman kong nagba-vibrate phone ko. Tumayo ako para kunin phone ko. Pagsilip ko, may incoming call ako.
“Hello?”
“Yes.”
“Ay tita, opo kasama ko po siya ngayon.”
“Ganun po ba? Kahit ako man po nagulat eh.”
“Sinabi mo pa tita. Bigla-bigla na lang nagsabi kay mama kanina na may pupuntahan daw po kami.”
“Yes tita.”
“Opo tita.”
“Sige po.”
“Ako na pong bahala sa isang ito.”
“Salamat po.”
At pinutol na ni tita yung tawag. Walanghiya talaga itong taong to. Hindi rin pala nagpaalam sa kanila kung saan siya pupunta. Naku, makakatikim talaga ito sa akin ng aking makasaysayang batok. Sakto namang kakaahon nito. Pasimple akong ngumiti.
“Sino kausap mo?” May selos sa tinig nito.
“Bakit gusto mong malaman?”
“Karapatan ko malaman iyon kasi ako ang kasama mo rito.” Kalmado ngunit may batas na sabi nito.
“Gusto mong malaman?”
Tumango ito.
“Lapit ka rito.”
“Eh yung TRO mo?”
“Pansamantala munang walang bisa.”
Lumapit naman ito agad at agad ko nang ibinigay sa kanya yung makasaysayang batok ko.
“Aray! Masakit yun ah!” Sabi nito.
“Gago ka pala eh. Hindi ka rin pala nagpaalam kay tita na may lakad ka. Buti na lang tumawag sa akin. Naku ikaw talaga!”
Pangiti-ngiti na lang ito.
“Sige ngumiti ka lang, ubusin mo yan ngayon dahil pag-uwi natin mamaya tingnan natin kung makangiti ka pa.”
“At sino nagsabi sa’yong uuwi tayo mamaya?”
Nanlaki mata ko sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?”
“Bukas pa tayo uuwi.”
“Hindi puwede Len. Kailangan kong umuwi mamaya. May proposal pa akong tatapusin.”
“Hindi! Kaya nga kita dinala rito para kahit papano makalimot ka sa pressure ng council niyo eh.”
“Len naman eh.” Halos mangiyak-ngiyak ko nang sabi rito.
“Let’s just enjoy the day okay? Promise ko sa’yo na hindi ka mabo-bored pag kasama mo ako.”
Dahil nakalift pa yung TRO ko, nagawa nitong makalapit pa sa akin at hinapit ako sa bewang.
“Dhen mahal na mahal kita.”
Nakatingin lang ako rito.
“Hindi mo alam pero you mean the world to me.” At hinagkan ako nito.
Hinayaan ko lang siyang i-enjoy yung moment. Pilit ko naman na huwag masyadong maapektuhan. Nang humiwalay yung labi niya, binatukan ko pa ulit.
“Aray! Nakakarami ka na huh.”
“Ang corny mo kasi eh.”
“Corny pala huh. Tingnan ko lang.” At hinuli na naman ako nito para bigyan ng isang libong kiliti.
Hindi nakaligtas sa amin ang mga salitang “ang sweet niyo naman” mula sa mga taong nakakita sa ginagawa namin. Hindi ko na pinansin pa kung sarcastic ba iyon o may inggit. Wala akong pakialam.
Bumalik na ulit si Arnel sa paliligo at ako naman ay sa cottage. Muni-muni sabay text. Ayaw ko talaga kasi maligo sa pool eh. Nakakatuwa talaga si Len. Kasi pag kami lang magkausap, Dhen tawag niya pero pag maraming nakakarinig best o kaya hon tawag niya sa akin. Hindi ko na naman namalayan na nakaidlip na naman ako.
Nang imulat ko mga mata ko, magga-gabi na pala. Hindi ako nakaidlip pala, tulog. Hinanap ko si Arnel pero hindi ko ito makita. Baka naman nag-stroll lang. Muli kong nakita yung burol na naging saksi sa pag-aaminan namin ni Arnel ng saloobin namin noon. Di ko maiwasang mapangiti.
Tinungo ko ito dahil gusto kong balikan ang nakaraan. Papaakyat n asana ako nang may pumigil sa akin.
“Mamaya ka na umakyat dyan. Kain muna tayo.”
“Kain? Hay naku, ayoko. Kumain ka mag-isa mo. Ipahamak mo pa ako.”
“Seryoso, kakain tayo. Naka-order na rin ako.”
Nakatingin lang ako rito. Tinatantya kung seryoso nga siya.
“Tara, kunin natin sa canteen yung in-order ko tapos dalhin natin sa cottage. Doon na lang tayo kumain.”
Sumunod na lang ako rito. Mukha ngang nagsasabi ito nang totoo dahil nakita ko ang pag-abot nito nang bayad sa kahera. Dinala na nga namin yung pagkain sa may cottage. Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Sa totoo lang, napaka-romantic ng scene. Para kaming tanga na nagsusubuan ng pagkain. Matapos naming kumain, nagpahinga muna kami saglit.
“Sarap ng tulog mo kanina ah.”
“Oo nga. Hindi ko na namalayan. Ganun talaga ako kapag sobrang init ng panahon. Bigla-bigla na lang makakatulog.”
“Ahhh.”
“Ikaw anong ginawa mo kaninang tulog ako?”
“Nag-swimming lang tapos umakyat sa burol.”
“Then?”
“Anong then? Yun lang ginawa ko kanina.”
“Ah okay.”
“Teka nakapahinga ka na bang maigi?” Tanong nito.
“Medyo bakiit?”
“Kaya mo na bang umakyat sa burol?”
“Oo naman. Anong akala mo sa akin?”
“Sige tara na akyat na tayo.”
Paanyaya niya. Since may papadilim na rin ang paligid, hindi na ako tumanggi pa nang hawakan niya kamay ko. Ganito pala kasarap sa feeling yung wala ka nang masyadong iniisip na problema. Yung tipong may peace of mind kasama yung taong mahal mo at nagmamahal sa iyo.
Ilang lakad pa ay narating na rin namin ang tuktok. Napa-wow naman ako sa nasaksihan. Ang gandang silayan ang paglubog ng araw. Napaka-romantic.
“Naalala ko rito tayo unang nag-aminan.” Sabay upo niya sa may damuhan.
“Tama. Naalala ko rin kung paano tayo magmukhang tanga habang nag-iisip kung paano magsisimula.” Napangiti na lang ako.
“Oo nga eh. Andaming pasikot sikot. Grabe first time kong gumanon.” May patawa-tawa pa nitong sabi.
“First time? Utuin mo pa ako. Eh ilang beses mo na kayang ginawa yung sa mga naging girl friends mo nung high school.”
“Eh siyempre iba ka eh tsaka ikaw lang naman yung lalaking minahal ko nang ganun noon hanggang ngayon.”
Pinili ko na lang muna tumingin sa malayo. Ramdam ko kasi ang pamumula nang pisngi ko.
Tahimik.
“Nga pala, Len bakit parang nag-alangan ka kanina nung mabanggit mo pangalan ni Abie? What are your thoughts ba?”
“Ah kasi baka bigla kang mag-walkout eh.”
“Walkout?”
“Yeah, just like what you did before nung pilit siyang sumisingit sa moments nating dalawa.”
“Ah yun ba. Naku, I’m over with it matagal na. Honestly, I’m missing her now.”
“Ako rin.” Natahimik siya saglit. “Dhen, pinagselosan mo ba talaga si Abie?”
“Hindi ah. Bakit ko naman pagseselosan yun?” Deny pa ako.
“Woooo! Uto ka talaga. Alam mo hindi mo maitatanggi sa akin ang pagseselos mo dahil kitang kita ko kung anong reaction mo noon.”
“Bakit mo pa tinatanong kung alam mo na pala?”
“I just want to make sure.”
“Uto ka! Kala mo huh, kita ko rin kung paano mo ako gustong amuin noon pero di mo magawa kasi bantay sarado ka kay Abie.” Sabay tawa ko.
“Grabe kasi kung makakapit yung babaeng yun. Hindi na ako makakilos sa sobrang kapit niya.”
“Parang ganito ba?” At kumapit ako sa braso niya.
“Oo ganyan nga pero this time okay na okay sa akin kasi mahal ko naman yung gumagawa eh.”
“Uto! Lakas mo maka-high ah!” At bumitaw na sa kanya.
“O bakit ka bumitaw? Nag-eenjoy ako kaya.”
“Upak gusto mo?”
“Sige di bale na lang. Sayang naman effort mo, hindi rin naman ako masasaktan niyan eh kasi weak ka.”
“Weak pala huh.” At binigyan ko siya nang suntok sa braso.
Kita ko ang pagngiwi niya.
“Ano weak ba?”” Pang-aasar ko.
“Wala pa rin. Mahina pa rin. Gusto mo paramdam ko sa’yo kung ano yung malakas sa weak?” Habang hinihimas niya yung braso niya.
“Naku, di bale na. Sige na, weak na ako.” Takot ko lang na magkapasa.
“Bakit pala si Jayson napili mong makasama noon?” Tanong niya.
“Harmless kasi siya.”
“Wow harmless? Ayos ah.”
“Naman.”
“Seriously?”
“Hmmm, kasi siya lang yung feeling ko eh libre nung mga oras na iyon. Couples kasi ‘kayo’ noon kaya naman OP kami ni Jayson.”
“Couple nga kaso yung partner ko iniwan ako.” Sabi nito sabay nguso na parang kawawa.
“Hindi kaya siya nang-iwan sa’yo. Siya ang iniwan dahil nakahanap ka nang bagong partner.” Panunumbat ko sabay kapit sa kanya ulit.
“Hindi kaya. Kung alam niya lang kung gaano kasakit sakin nung iwan niya ako at hindi pinapansin.”
“Buti na lang kahit papaano meron si Jayson na sinakyan trip ko noon.” Pambabalewala ko sa sinabi niya.
Natahimik na naman kami. Hindi ko alam pero uso talaga ata ang biglaang pananahimik.
“Dhen?”
“Hmmm?”
“Look at me.” Utos nito na agad ko naman ginawa.
“Uulitin ko yung sinabi ko sa’yo noon.”
“Ano i---?” Pinigil niya ako sa pagsasalita.
“Shhh! Hayaan mo na lang muna akong magsalita.” Napatango na lang ako. “Ngayong libre na ako at libre ka na rin, maaari na bang maging tayo?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Overwhelming kasi yung mga nangyayari at hindi ko maiwasang hindi isipin na baka nananaginip lang ako ngunit nagawa ko pa ring sumagot.
“Talaga?” Tuwang-tuwa niyang tanong.
Tumango lang ako.
“Salamat Dhen. Sobrang salamat! Hinding hindi kita sasaktan.”
“Uto! Ilang beses mo na kaya akong sinaktan.” Sumbat ko sa kanya.
“Eh di iiwasan kong saktan ka.”
“Loko-loko!”
“Let’s seal it with a kiss.” Sabi nito sa akin na siya naming ginawa.
Sa hinaba-haba nang panahon, sa ganito rin pala aabot yung story naming dalawa. Andaming twists and turns pero buti na lang naging matatag siya. Pasalamat rin ako na sa best friend ko ako tumango at hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko. Hindi lingid sa amin na marami kaming problemang kakaharapin pero nangako kami sa isa’t isa na hindi kami bibitiw. Mapanindigan kaya naming dalawa ang pangako?
(itutuloy...)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment