by Jeffrey Paloma
Nang ipapasok ko na ang aking telepono pabalik sa aking bulsa. Bigla nanamn itong nagring. Nakita ko sa caller ID ang pangalan ni Kevin. Kinansela ko ang kanyang tawag at agad na pinatay ang aking telepono. Ayoko nang makipag-usap sa taong gusto akong saktan ng paulit-ulit. Pagod na talaga ako. Tinrato nila akong parang madaling makuha lang sa ganoon.
Medyo matraffic papuntang Bacoor. Bago pa man makaabot sa Robinsons Imus ay may kabagalan na ang daloy ng mga sasakyan dahil sa dami ng sasakyang paluwas tungong Coastal.
Inabot ako ng halos dalawang oras sa biyahe papuntang SM Bacoor. Nang ako ay malapit na pinadalahan ko na ng text si Alex upang hindi ko na siya hintayin doon. Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin at saan ako tutungo. Bahala na ang Diyos sa akin.
"Dun tau s Brgr Mchne mgkita." ang reply sa akin ni Alex.
Maliwanag na nang makaabot ako sa SM Bacoor, agad kong tinungo ang malapit sa bukana ng SM ang Burger Machine na sinasabi ni Alex.
Sa malayo pa lang ay nakita na niya ako at nagkakaway. Bakas ang excitement sa kanyang mukha na ako ay makita.
Binalikan ko na lang siya ng isang ngiti at nagmadaling tinungo kung masaan siya.
Nakaupo si Alex sa isa sa mga stool ng Burger Machine at tinabihan ko siya. Inabutan niya ako ng isang plastic ng burger.
"Ano yan?" ang tanong ko sa kanya.
"Burger... Baka kasi hindi ka pa kumakain..." ang sagot ni Alex.
"Salamat pero busog pa ako. Masakit lang ang ulo ko at nahihilo kasi nakainom ako kagabi." ang kwento ko naman kay Alex.
"Kawawa ka naman... Tara na sa bahay para makapagpahinga ka na..." ang yaya naman ni Alex.
"Alex... Ummm.. Sorry ha... Please wag natin gagawin yun ha?" ang bigla kong sambit kay Alex sa takot na pwedeng may mangyari.
"Anong gagawin ba tinutukoy mo?" ang nagtataka namang tanong ni Alex sa aking pakiusap.
"ah.. Yung... Basta... Sa bahay ko na lang sasabihin... Tara na..." nahiya na akong magsabi at dala na rin siguro na gusto ko nq magpahinga.
inakbayan lang ako ni Alex at sabay bulong ng "Belated happy birthday ha?!"
"Salamat!" ang pasasalamat ko naman sa kanyang pagbati.
Sumakay na kami papuntang Zapote at tinungo na namin ang bahay nila sa Don Galo. Nang makarating kami ay wala pang gising sa mga kasama niya sa bahay. Agad kaming dumerecho sa kanyang kuwarto. Pilit nagbabalik ang aming maiinit na sandali pagpasok ko sa kanyang silid na pilit kong winawaglit sa kadahilanang puno pa rin ito ng pagsisisi.
Nagbukas ng drawer si Alex at inabutan ako ng tuwalya. "Magshower ka muna amoy alak ka kasi at para presko ka rin sa pagtulog."
Kinuha ko ang inaabot niyang tuwalya at tumungo na sa shower para makapaligo. Nagtapis lang ako ng tuwalya paglabas at wala si Alex. Baka lumabas lang.
Tinungo ko ang kanyang kama at naupo. Inabot ko ang akinq hinubas na shorts at kinuha ang aking telepono. Naisip kong tignan ang mga mensahe dito. Pagkabukas na pagkabukas ko at unang pumasok ang mga mensahe ni Kevin ngunit naasiwa akong basahin ang mga ito ay hinayaan lang.
Humiga na ako ng patagilid sa kama ni Alex at patuloy lang na pinagmamasdan ang pangalan ni Kevin sa listahan ng mga text sa aking inbox. Ginawa kong silent mode ang phone.
Hindi ko pansin na nakatulog na lang pala ako.
Naalimpungatan ako nang biglang tumabi sa akin si Alex. Nakatalikod kasi ako sa pintuan kung saan si Alex pumasok. Hindi ako umimik o tumingin upang siguraduhing siya ang pumasok.
Naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin at hinagkan ako ng mahigpit at wala nang ibang ginawa.
Nakatulog ako sa ganong lagay. Napaka tahimik at wala akong iniisip. Mapayapa.
Kinagabihan na ng ako'y gumising. Napansin kong wala na pala akong katabi sa kama. May pinuntahan siguro si Alex.
Nag-unat ako at napangiti sa sarap ng aking nakuhang pagtulog. Bukod dito, walang nangyari sa amin ni Alex. Walang sakit gawa ng kagat o malakirot ng pasa gawa ng kiss marks na una kong natamo sa kanya.
Hawak ko pa rin ang telepono sa aking kamay at nakita kong mayroon sampung miscalls at limang mensahe at lahat ay puro kay Kevin at may isang numerong hindi pa nakaregister sa phonebook ko.
Pamilyar ang numerong iyon kahit ang huling apat na numero nito ay kaarawan ng isang taong kilala ko pero hindi ko makilala. Hindi ako nagdalawang isip buksan ang mensahe.
"Jemy c Ron 2.sori pls nmn ptwrin m q.san k ngaun?pnthn kta jan.pls reply."
Nainis ako sa aking nakita. Naalala ko na rin kung kaninong number iyon, ay kay Dexter. Si Ron na pala talaga ang gumagamit. Siya nga talaga ang mas matagal kong nakausap bilang si Dexter. Dapat bang siya ang piliin ko dahil siya si Dexter sa kabila ng lahat?
Nanatili akong nakahiga. Humilata at tumitig sa kisame. Nakatitig sa kawalan. Malalim ang iniisip.
"Bakit ganoon? Natuto akong mahalin ang isang taong di ko pa nakikita? Nasaktan ako pero pinagbigyan ko pa ring mahalin ang isa sa dalawang tao sa likod ng pangalang Dexter Chua? Sinira naman nila ang tiwala ko? Pero ang kinalabasan nandito ako sa taong gumising sa akin at pinilit kong tanggapin ang katotohanan sa aking pagkatao na hindi ko man lang minahal?" ang mta katanungang umikot sa aking isipan.
Bumangon na ako at naupo sa gilid ng kama. Pilit winawaglit ang isip sa mga magugulong bagay sa aking buhay.
Bumukas ang pinto ng silid at nakita kong pumasok si Alex. Nakapanmbahay pa rin.
"Gising ka na pala. Pasensiya kung iniwan kita. Nanood kasi ako ng balita." ang nakangiting bati ni Alex na sinuklian ko rin ng isang ngiti.
"Gusto mo ba kumain?" ang alok naman ni Alex na sinagot ko ng pagtango.
"Pasensiya na ha? Hindi kasi kami madalas magluto since laging walang tao sa bahay lahat kami sa labas na kumakain. Marami naman makakainan dito." ang disclaimer naman niya upang hindi ako umasang sa hapag nila kami kakain ng kanilang lutuin na bale wala lang naman sa akin.
"Okay lang yun no... Tipid pa sa paghahanda at pagliligpit ng pagkain. Pero gusto ko sana sa tapsihan ulit tayo kumain ha?" ang nakangiti ko namang sagot supporta sa sinabi ni Alex.
Tumayo na ako sa kama, kinha ang aking gamit at sabay kaming nagpunta sa Sinangag Express. Sobrang bagal ng daloy ng trapiko doon kaya kami ay nagpasyang lakarin na lang ang papuntang Sinangag Express.
Maraming magkakatabi at hilehilerang beauty parlor sa Don Galo bukod sa mga computer shops. Sa aming paglalakad, napuna kong maraming katulad namin ang taga doon.
Nakakatuwang isipin na sa lugar na medyo magulo na iyon ay legal na nakakapaghawakan ng kamay ang magsing-irog na parehos lalaki at minsan naghahalikan.
Naalala ko bigla ang aking mga magulang. Sana pagbalik ko, okay na ang lahat sa amin.
Matapos ang aming lakaran ay naabot na rin namin ang restaurant na hiniling kong aming puntahan. Napakaraming tao doon. Sikat talaga ang ganito sa Paranaque.
"Aray... Alex... Sakit na ng paa ko..." ang daing ko kay Alex habang hinihilot ang aking kaliwang hita habang kami ay nakatayo sa bukana ng restaurant.
"Sabi mo kasi dito eh... Tapos... Ayaw mo pa sumakay ng jeep..." ang natatawang paninisi naman ni Alex.
"Oo na... Gusto ko kasing matikman ang tapsilog nila dito. Ang ganda pa ng palayaw ng resto... "SEx"..." ang akin namang sagot kay Alex na kanya namang sinagot ng pagtango habang tuloy ang pagtawa.
Siyempre sa couter, parehong tapsilog ang order namin at pagtapos doon ay tumungo na kami sa isang bakanteng mesa na malapit sa bukana ng Sinangag Express.
Hindi kami naghintay ng matagal ni Alex sa aming order kaya habang kumakain ay sinabay namin ang aming pag-uusap.
"Kamusta ka na?" ang pauna sa akin ni Alex.
"Okay lang ako medyo nagpakalayo muna ako sa amin... dahil sinabi mo na kay mama..." ang aking sagot kay Alex na hindi ko maiwasang mabahiran ng tuno na naninisi.
"Pasensiya na Jeremy... Mahal lang kita kaya gusto kong ibukas na ang lahat para sa iyo at sa atin." ang paliwanag naman ni Alex na pawang humihingi ng paumanhin.
"Nangyari na ang nangyari kaya wag mo na lang pansinin iyon. Eventually malalaman din naman ng magulang ko ang bagay na ito eh... Ang maganda lang... Wala akong nobyo ngayon para dagdag problema sa pagitan namin ng magulang ko." ang sabi ko kay Alex.
"Mabuti naman..." bumakas ang ngiti sa mga labi ni Alex siguro marahil ay hindi nakuha ang aking ibig sabihin.
"Alex... Hindi puwedeng maging tayo..." ang aking sagot sa kanya na nagpapigil sa aking pagsubo ng pagkain.
"Mabuti kang tao at sa pinakita mo sa akin masasabi ko namang nais mong maging tayo pero huli na kasi ang lahat talaga para sa iyo..." ang sumunod kong mga sinabi na nagpabago ng mukha ni Alex mula sa masaya hanggang sa isang naluging negosyante.
"... May ibang tao nang tinitibok ang puso ko... Ngunit.." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang mapansin kong mula sa likod ni Alex kung saan ang bukana ng restaurant ay nakita kong may pumarang koste na pamilyar sa akin.
Kinabahan akong lubos at nanatiling nakatitig sa kotse sa mismong pintuan ng driver.
Bumukas ang pinto at pilit pinigilang di mapakurap habang nakatitig. Gusto kon malaman kung sino ang driver.
Napansin ni Alex ang aking gulat na mga tititig sa kotse na kanya namang nilingon upang masaksihan din ang aking tinitignan.
Bumukas ang kotse at lumabas ang matangkad na driver nito.
(itutuloy)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment