Sunday, September 11, 2011

Musmos [12]

by Jeffrey Paloma

“May itatanong ako sa inyong dalawa..” ngunit natigilan ako nang may kumurot sa aking isipan na sa aking sasabihin ay may posibleng maging masamang resulta.

Tinignan ko ang dalawang magpinsan at nagsabing “.. mali… teka lang… saglit lang.. jan lang kayo..” ang bigla ko na lang palusot sa kanila.

Inisip kong maigi ang aming sitwasyon. Kailangang ang magiging desisyon ko ay hindi makakasira sa aming pagiging magkakaibigan at hindi magiging dahilan ng hidwaan ng magpinsan. Hindi ko gustong isa ang mawala sa magandang pagsasamahan naming tatlo ngayon.

“Ano ba yan parang tunog baranggay captain nito na parang pinagkakasundo ang magkabilang panig. Kadiri.. Ayoko pa man din ng pulitika..” ang sabi ko sa aking sarili matapos kong sabihin ng seryoso ang mga iyon.

Halata sa mga mukha nilang dalawa na gusto nila ng challenge. Nakakakiliti ang kanilang mga titig. Nawawala ako sa focus. Tumalikod na lang ako sa kanilang dalawa upang maipagpatuloy ang aking pag-iisip. Nag-isip uli ako ng maigi. Pilit tinitimbang ang mga maaaring kahantungan ng mga ideyang pumapasok sa aking kokote ng mga oras na iyon. Magkahalong kilig, pagnanasa, at pagpipigil sa sarili ang aking nadarama sa mga oras na iyon. Ang sabi ko na lang sa aking sariling pagtatalo ay…

“Kung pililiin ko ang isa sa kanila, siguradong lalayo na ang isa o di kaya ay mag-away pa…. Kung kikilalanin ko muna si Kevin bilang nobyo eh baka naman magselos at magtampo si Ron at ganun din si Kevin kung si Ron muna ang aking pipiliin…. Hindi rin malayo na mangyari na ang isa sa kanilang dalawa ang puwedeng makauna sa aking hindi pa nagagalaw na kayamanan…..parehas kasi silang katakamtakam… baka mas magaling si Kevin kesa kay Ron… o kaya si Ron kaysa kay Kevin.. Posible din na baka magsawa ang isa o pareho silang magsawa sa kakahintay sa aking pagpili kung sila ay paaakyatin ko muna ng ligaw…. Mas malala pa kung isa sa kanila magkaroon na ng iba haban nasa selection process pa lang at huli na para sa akin ang lahat…o ang masaklap na pwedeng mangyari ay ang pareho ko silang hindi makatuluyan…

Ano ba ito… napakakumplikado naman ng mga baga- bagay kung relasyong ganito na ang pag-uusapan. Ang hirap gumawa ng desisyon lalu na mas kailangan kong gumawa ng desisyon para sa akin dahil sarili kong kaligayahan ito… kung sa si Kevin na lang sana si Dexter wala na sanang sabit eh bakit pa kasi si Ron… o kaya si Ron na lang… tapos si Kevin na lang ang straight.. tanggap naamn niya ako siguro kung isang araw ay aminin ko ito sa kanya… hindi pa masakit kung isa sa kanila ang maging straight kasi alam ko namang sa isang babae sila mapupunta at dadami pa ang lahi nila… di ko matanggap na sa kapwa kong hitad mapupunta ang isa..”

Bigla akong nagkaidea. Naghanda na akong kausapin ang dalawa. “May itatanong ako sa inyong dalawa.. at gusto kong sa pagkakataon na ito ay magiging totoo tayo sa ating mga isasagot sa ating mga magiging katanungan at usapin.” Ang wika ko kay Kevin at Ron habang tinitignan ko sa mga mata ang bawat ias. Wala akong ibang nakita kung ang kaligayahan lamang sa kanilang mga mata na siguro ay dahil sa maayos kong pagtanggap sa kanilang inilihim sa akin ng matagal nang panahon. Na naging sanhi ng pagnanasa kong magmahal ng taong hindi naman pala totoo.

Di na bale kung mukha na akong taga sensus nang nagsimula na akong magtatatanong habang ang dalawa naman ay nanatiling nakatitig.

”bago ang lahat.. gusto kong kausapin kayo ng tag-isa… ayokong may kopyahan ng sagot..” tumayo ako at sinabihan si Kevin. “Vin.. punta ka muna sa labas.. si Ron muna ang kakausapin ko.. wag kang sisilip sasapakin kita at di na kita kakausapin ulit.. di na tayo bati.” ang pawang batang masungit kong utos kay Kevin. Tumango lang siya at nakayukong lumabas.

Nang marinig kong nagclick ang lock ng pinto sa pagsarado ni Kevin. Habang nasa harap ko si Ron, tinanaw ko ang pinto ng maigi kung nakalapat na ba ito at hindi sumisisilip si Kevin mula sa labas.

Handang paharap na ako kay Ron nang bigla niyang hawakan ng magkabila niyang kamay ang aking mukha upang pigilan akong makaiwas sa mabilis na pagsungab niya ng aking mga labi. Nag-aalab ang kanyang halik at nakapikit ang kanyang mga mata habang ako naman ay nanlaki na lang ang mga mata. Hindi na talaga ako nasanay sa ginagawa ng dalawa sa akin. Puro nakaw na halik.

Itinulak kong kaunti si Ron palayo upang siya ay matigil sa kanyang paghalik. Nagulat ako nang mapatingin nang hindi sadya sa kanyang balakang at napansing nanghuhumindig na ang kanyang patola. Agad kong inilayo ang aking mga mata tungo sa videoke ngunit napansin niya na ako na napatingin sa kanyang bandang baywang. Nang ibalik ko ang aking tingin sa kanyang mukha nakita ko na lang na abot tenga ang pilyong ngisi nito at nakakagat pa ang kanyang ipin bahagya sa kaliwang bahagi ng kanyang labi.

“Tumigil ka nga jan!!! Nawawala ako sa sasabihin ko sa iyo eh!! Sit!!..  Behave!!..” at parang tuta naman na naupo si Ron sa sofa ngunit hindi makaupo ng maayos dahil nababanat at nanlalaban ang kanya sa kanyang brief na nakaturo pa sa akin.

“Ang hilig mo no?” sabay taas ng kilay. “Mag-uusap lang tayo patahanin mo na yang nagwawalang tuta mo at ayusin mo takbo ng utak mo.” Ang patuloy ko namang pagtataray kay Ron.

“Nakakatuwa ka lalo pag naiinis ka nanggigigil ako… pasensiya na ha Jemykoy… laging handa rin kasi itong makipag-away sa mga taong nagagalit”sabay turo sa kanyang tulis.

Nanatili akong nakatayo upang makaiwas na mabigyan si Ron ng anumang mag-uudyok sa kayang lapain nanaman ako. Takot ko na lang din dahil pareho sila ni Kevin na mas malaki sa akin at kaya nila akong igapos para banatan ang musmos ko pang kuweba. Pilit kong winaglit ang init na aking simulang nararamdaman sa mga oras na iyon. Mahirap na bumukol ang shorts ko na siguradong mapapansin agad niya dahil nasa harap lang niya ito.

Nagkrus ako ng aking mga braso sa aking mga dibdib at simulang naglakad lakad ng pabalik-balik sa harap ni Ron. “Gamitin natin ang pagkakaong ito para makapag-usap.. dahil sa kasalanan niyo sa akin… ganito tuloy ang sitwasyon natin.. Gusto kong malaman kung sino sa inyong dalawa ang mas madalas kong kausap bilang si Dexter.. hindi ako tatanggap ng sagot na “ako” o “siya” kaya ang gusto ko… ikuwento mo sa akin ang lahat ng napag-usapan natin..”

Nakangiti naman at maamong maamo ang mukha ni Ron. Ngayong alam kong hindi sila ni Kevin ay walang pumipigil sa aking damdamin na lasapin ang pagkakataon na pagmasdan ang magagandang mga bagahi ng mukha at katawan niya. Kinikilig ako ng sobra at pawang manginginig na ang aking mga kamay sa tindi ng malayang paghanga sa kanya at buti na lang nakaipit sa aking kilikili ang aking mga kamay at ako’y palakad lakad.

Nakinig lang akong mabuti sa kuwento ni Ron sa akin sa bahagi niya bilang si Dexter. Nalaman kong medyo matagal din palang kaming nag-uusap habang siya ay nagpapanggap na si Dexter. Nang matapos ay inilatag ko nang paisa-isa ang aking mga katanungan sa kanya.

“Kaano ka kasiguradong mahal mo ako at anong dahilan?” ang una kong tanong.

“Siguradong sigurado ako at hindi ko alam ang dahilan… ang alam ko lang ay minahal kita dahil sa nakilala kitang lubusan..” ang sagot niya.

“Nakita mo na ba ang pictures ko bago mo ako mahalin o minahal mo na ako bago mo pa ako makita?” ang sumunod kong tanong.

“Minahal na kita.. bago pa kita nakita sa Mapua sa unang pagkakataon nang ipakilala ka sa akin ni Kevin,” ang sagot na paliwanag sa akin ni Ron.

“Kung sasabihin kong maghintay ka.. hinitayin mo ba ako?” sumagot naman siya ng pagtango.

“Kung ischedule ko kayong dalawa sa pagdedate para makilala ko kayong kaigi at malaman kung sino as inyo ang mas nararapat.. papayag ka ba at panghahawakan mo ang iyong pangakong maghihintay?” ang sumunod kong tanong sa kanya. Tumingin ako sa kanyang maamong mga mata na seryoso na ang titig at sinabing maghihintay siya.

“Alam mo siguro na ibibigay ko lang ang puri at katawan ko sa taong mahal ko tulad ng kuwento k okay Dexter…Makakatiis ka bang date lang tayo at hindi tayo magtatalik kung ikaw na ang kasama ko?” ang natatwa kong naitanong sa kanya.

“Oo naman…” sabay ngiti ang pilyong si Ron at sinabing “ako ba matitiis mo?” sabay si Ron ay nagflex habang nakaupo sa sofa at lumiyad sa sandalan upang maipakita ang kanyang mga bukol… pati na rin yung bukol na nasa isip niyo marahil ngayon.

“Timang! Pati mga ganyan mo kailangan mo muna tigilan sa akin… hindi kita mamahalin dahil sa katawan mo.” Ang pagtataray ko naman sa ginawa ni Ron.

“Sige, aasahan ko lahat ng mga sinabi mo. Sana totoo pagbigyan mo akong mahalin ka bilang ikaw at sana maunawaan mo ako na kaya ko gagawin ito ay dahil sa gusto kong makasigurado kung sino sa inyo ang nakararapat. Sana naman sa magiging desisyon ko baling araw ay hindi ka magbago sa akin o kay Kevin kung hindi man ikaw ang aking mahalin kung hindi man ikaw ang aking pipiliin. Mahal na rin kita pero hindi pwedeng dalawang tao ang nasa puso natin alam mo iyan.” Ang paliwanag ko kay Ron.

Bakas naman sa mga mata ni Ron ang pag-asa at nauunawaan niya ang aking mga sinabi. Pinagbihis ko na si Ron at hiniling ko na na siya ay lumabas at tawagin naman si Kevin sa videoke room upang kami naman ang mag-usap. Sa bandang pintuan…

“Vin, ikaw naman ang kakausapin ni bunso… ikaw kasi eh.. lagot ka…” ang pabiro namang bati ni Ron kay Kevin habang palabas ng pintuan.

Pumasok na si Kevin ng naka brief lang gawa nang naiwan sa loob ang kanyang saplot at itinuro kong maupo sa sofa.

“Kevin… kilala mo na ako… ang tagal na natin magkaibigan... bakit naman ganon… eh si sana wala tayo sa ganito ngayon… wala rin sana sa eksena ang pinsan mo… bukod sa lahat… hindi ako nag-iisip ng ganito ngayon at wala akong dinadala sa aking kunsensyang mga masasamang maaaring mangyari sa ating magandang samahan ngayon kasama si Ron… hindi na sana ako mamimili sa inyong dalawa… konting kurot mo lang naman noon sana eh… nakuha mo na rin ako…” Ang bungad ko kay Kevin na siya namang biglang lungkot ang mukha habang nakikinig sa aking sinasabi.

“Jeremy… sorry ha… dala lang kasi ng takot ko talaga ito… nasama pa si Ron sa eksena… pero sana naman… ako ang mas matimbang sa iyo dahil sa kung hindi sa akin hindi ka ni Ron makikilala… Kilala mo naman na rin ako… sana hindi ako maghintay ng matagal sa pagpili mo… sana ako ang pipiliin mo…” ang paliwanag at hiling ni Kevin.

“… Kung mahal mo ako Kevin… maghihintay ka… at sa paghihintay mo sa pagpili ko sa inyo… sana yang pagmamahal mo ay manatiling akin kung tunay ngang mahal mo ako... Dapat madali na para sa atin na magmove-on sa intimate level from our friendship dahil madali kang napamahal sa akin… ngunit hindi ko maipagkakaila na sa pagkakataong nakasama ko si Ron dahil sa mga plano niyo ay napamahal siya sa akin… aaminin kong pinipigilan kong mahulog sa iyo at sa kanya dahil sobrang wala akong masabi sa magandang ipinakita niyo sa akin… Napakalambing ninyong dalawa at ang sarap niyo kasama… pero pantay lang ang lahat para sa akin… kailangan kong malaman kung sino ang mas hihigit pa..” ang paliwanag ko pa kay Kevin.

“Kailangan ko ang iyong pangako sa mga kundisyon ko kung ikaw ay papayag… Una… kailangang walang magbago sa inyo sa pagitan mo at ng pinsan mo… healthy competition… “ ang patuloy kong pakikipag-usap kay Kevin na tumatango pakitang naiintindihan niya at pumapayag siya sa mga sinasabi ko.
“… Pangalawa… walang mangyayari sa ating dalawa sa kama kung ikaw ay kasama kong matutulog… May nangyari man sa amin ni Alex ngunit hindi pa niya ito nagagalaw…” sabay turo sa aking likod na siya namang tinawanan ni Kevin.

“So… ineexpect mo pala yan…” ang natatawang sabi ni Kevin.

“Eh ano pa nga ba?... eh diba natural sa ating mga lalake na pumasok?... san ka pa ba papasok sa akin na kapareho ng sa babae?... diba dito?…” sabay turo ulit sa aking likod “… patunay lang na virgin ako… kahit itong akin di pa nakakapasok sa butas kaya hindi ko alam kung ano pakiramdam… kung ikaw man ang papasukin ko eh… first time ko iyon dahil si Camille… “ natigil na lang ako sa aking sasabihin.

“Oo na po… nakuha ko na gusto mong sabihin… alaga mo at tumbong mo never been ravished pa…”  ang natatawang sagot ni Kevin.

“Hmph!!... palibhasa sa kalibugan mo dami mo nang napenetrate sigurong mga babae…” ang mataray ko namang sinabi kay Kevin. Kuwento kasi niya sa akin noon lagi daw siyang tigasin.

Bumulwak ang malalakas na halakhak ni Kevin nang marinig niya ang aking mga sinabi at nagmamalaking sinabi na “… kaya dapat… alam mong di kita bibiguin sa kama dahil hustler na ako sa ganyang gawain…”

“Eh kung ikaw kaya ang napili ko sa inyo pero hindi naman tayo kaya magtalik kahit tayo nang dalawa ano ang gagawin mo, aber?”  ang paghamon ko naman kay Kevin.

“Eh di magsosolo na lang ako habang nilalaro kita” sabay liyad sa sofa at sinimulang hagurin ang kanya sa ibabaw ng kanyang brief. “… o kaya… ipapalaro ko sa iyo ito pagnangigigil ako sa iyo…” ang mayabang na sagot sa akin ni Kevin habang ako ay inaaakit ng kanyang mga nangungusap na mga tingin.

“Magtigil ka nga jan!!... parehas talaga kayo ng pinsan mong si Ron na mahalay!!!... Iiwan kita dito pag di mo tinigil yan…” sabay turo ako sa kanyang kamay upang tukuyin ang ginagawa nito sa kanyang bukol.

Natawa namang nag-ayos ng sarili si Kevin habang ako naman ay nakapamewang na sa aking mga balakang at masungit ang tingin kay Kevin.

“Seryoso na Vin… Please… hindi ko makuhang sincere ka sa mga ginagawa mo habang kinakausap kita ng masinsinan eh… Parang hindi mo naman ako sineseryoso niyan eh…” ang malungkot ko nang sabi kay Kevin kahit alam ko namang palabiro talaga siya kahit seryoso na.

“Oo na po… to naman di na mabiro…” ang malungkot namang sagot ni Kevin na parang batang nasaway sa kakulitan.

“Kev… gano mo ako kamahal at bakit?...” ang mahina kong naitanong kay Kevin dala ng hiya sa kanya at hindi kami pa nag-uusap ngg ganito noon. Ibang klase ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nahihiyang natutuwa at kinikilig pero naninibago.

“Mahal kita sobra hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit pero pag kasama kita kuntento na ako sa buhay ko… at kung gusto mo talaga kung gaano kita kamahal… pasensya wala akong alam na pwedeng sumukat nito at hindi ko kayang idescribe kung gano kalaki o katindi ng tama ko sa iyo… basta ang alam ko… kumpleto ako kapag nariyan ka…” habang ang mga singkiting mata ni Kevin ay nangungusap ay nakatitig sa akin. Nanlalambot ako sa sinabi niya at parang gusto kong yakapin siya sa mga sinabi niya ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko upang maging patas sa kanilang dalawa ni Ron.

“Maipapangako mo bang walang magbabago o magiging hidwaan sa pagitan niyong magpinsan kung siya man ang pipiliin ko sa inyong dalawa? Maaari bang manatili ang maganda nating samahan ngayon kung mangyari man siya ang maging iniirog ko?” ang sunod kong tanong kundisyon kay Kevin na sinagot naman niya ng pagtango habang inaabot ang aking mga kamay. Nang mahawakan niya ang mga ito ay isa-isa niyang hinalikan ng mariin at puno ng ibig sabihin. Hindi ko inalis ang aking kaliwang kamay at hinaplos ko na lang ng aking kanan ang kanyang kaliwang pisngi.

“Sorry talaga Jeremy… kung hindi lang ako natakot noon… hindi ka na sana nasaktan sa isang taong hindi naman pala totoo… namuhay ka sa isang panaginip… sa mundong aking nilikha sa tulong ni Ron… sana hindi ka nag-asam ng matagal sa pagmamahal niya na gusto kong ako sa iyo ang magbibigay… na akong tunay na nagmamahal sa iyo sa likod ng pagkatao ni Dexter… sana hindi na lang ako natakot…” ang sambit ni Kevin habang namumuo ang kanyang mga luhang nakatitig sa akin na humihingi ng patawad pa rin kahit pinatawad ko na sila. Alam niyang napakasakit ng dinulot sa akin ng aking pagmamahal kay Dexter. Alam rin niyang ito lang ang pagkakataong nasaktan niya ako mula nang kami ay naging magkaibigan. Nakukunsesya siguro siyang lubos.

“O… sha sha… tahan na… hindi naman ako galit sa inyo ni Ron eh… naiintindihan kita… at Kevin… magbihis ka nga ng damit mo baka makita tayo dito ng binatang bantay na koreano baka kung ano isipin pa non.” sabay punas ko sa kanyang mga luha at sinuklian niya naman ako ng kanyang nakakatunaw na ngiti.

Romatic si Kevin at ganoon din si Ron. Ang hirap ng katayuan ko ngayon. Hindi ko rin naman maipagkakait sa sarili ko ang karapatang umibig dahil may nararamdaman na ako para sa kanilang dalawa.

“Ron!!!!... Ron!!!... Pasok ka na Ron!!! Tapos na kami ni Kevin mag-usap…” ang sigaw ko habang nakatingin sa pintuan upang imbitahan si Ron na pumasok sa loob.

Bumukas ang pinto at sumilip si Ron sa loob. “Pwede na pumasok?” sabay ngiti naman siya at tumungo sa sofa at naupo sa tabi ni Kevin.

“Ayan ha… nangako kayo sa akin… walang mababago sa samahan nating tatlo kahit na may sagutin na ako sa inyong dalawa balang araw… kailangan ko ng panahon… pareho ang mga kundisyon ko sa inyong dalawa at pantay lang ang tingin ko sa nyo… pareho ko kayong mahal pero kailangang isa lang ang pipiliin ko… hayaan niyo akong kilalanin kayong mabuti para sa akin… at sana… walang mabago sa inyong dalawa kung may piliin na ako sa inyo.” ang sabi ko sa magkatabing magpinsan na sabay namang tumango.

“Para naman kay Dexter… bilang pagpapaalam sa kanya…” tinungo ko ang videoke at pumindot ng aking kakantahin. Inabot ko ang mikropono at humarap sa magpinsan. Nang makita nila ang aking kakantahin. Lungkot ay sabay na bumakas sa mukha ng dalawa.

Panaginip ko sa yo giliw, hanggang sa paggising
Nangingibabaw sa isip na ikaw ang kapiling
Sana’y wag ng magbago pa ang puso kong ito
Sinisigaw ng damdamin na wag ibigay sa yo
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo
Panaginip ko sa iyo giliw ang ating sumpaan
Na di magawang tapusin sa langit at lupa
Binigay ko sa iyo ang nag-iisang mundo
Nagulo lang ang ito, unti-unting nagbago
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo

Palipat lipat kong tinitigan ang dalawang magpinsan nang malulungkot kong mga mata ibig iparating mismo sa kanila ang mga sumunod na linya ng kanta.

Ang pag-ibig ko, di muna ibibigay,
Ang tiwala, ay huwag na muna
At di na iiyak

Sasabihin ko sayo giliw, hanggang dito muna
Ang pag-ibig na hanap, saka na lang kaya
Mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari
At ayokong masisi sa bandang huli
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo

Nang matapos ang tugtugin ay lumapit sa akin ang dalawa at sabay akong niyakap. Niyakap ko rin ng sabay ang dalawa.

“Sorry… Jemykoy…” ang salitang sinabi sa akin ni Kevin at ni Ron.

“Okay… tama na ang drama… kay Dexter naman ako nagpaalam diba hindi sa inyo?”  ang sabi ko sa dalawa na sabay ngumiti.

“Wala ba tayong maiinom?... pakuha naman tayo sa bantay nauuhaw na ako eh… dapat nagdidiwang tayo ngayong birthday ko diba?... sisirain niyo rin ba ito?... “ sabay naman umiling ang magpinsan.

Humiwalay na sa akin si Ron mula sa kanyang pagkakayakap at tinungo ang pinto palabas upang marahil ay hanapin ang bantay at mag-order ng beer. Si Kevin naman ay nanatiling nakayakap sa akin ngunit lalo itong humigpit nang kumalas si Ron sa amin. Ihinarap niya ako sa kanya sabay bigla siyang nagbitiw ng isang nakaw na halik sa aking mga labi. Hindi na ako naglaban o pumiglas.

Umupo kami sa sofa nang magkaharap. Nakasandal ang aming mga balikatsa sandalan habang kami ay magkaharap at parehong nakangiti. Hinaplos haplos ni Kevin ang buhok sa aking noo habang pinagmamasdan ang aking mukha. Patuloy ko lang siyang nginitian habang patuloy siya sa kanyang ginagawa nang bigla kong maalala…

“Pano yan… lilipat na ako ng La Salle Dasma… mas madalas ko nang makakasama pala si Ron kasi lilipat din pala siya doon.” Ang nasabi ko kay Kevin.

“Alam ko iyon… kaya nga ako nalungkot nang sabihin mo sa akin na dun ka lilipat kasi bukod sa hindi na kita makakasabay pumunta ng Maynila ..lalo nang ganito na tayo ngayon at alam mo na ang nararamdaman ko sa iyo… ay mas mdalas mo na makakasama si Ron…” ang nakasimangot namang sagot ni Kevin sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Di nagtagal ay dumating si Ron na kasama ang bantay at may dalang tatlong case ng beer at nagsimula na kami sa aming kasiyahan na parang walang nangyari hanggang sobrang nalasing na kaming tatlo at naubos na namin ang aming beer.

Habang kami ay magkakatabing nakaupo sa sofa at ako ay pinagigitnaan ng dalawang parehong nakahawak sa aking magkabilang kamay ay…

“Bunso… uwi na tayo bukas… baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin…” ang sabi ni Kevin sa akin.

“Parang ayaw ko pa umuwi… gusto kong makaramdam ng pagluluksa ang mga magulang ko para matuto silang tanggapin ako… Isa pa… baka hindi niyo pa ako makasama palagi dahil baka maisip din nila na may nangyayari sa ating tatlo…” ang sabi ko kay Kevin. Tumingin naman ako kay Ron at sinabing “…lalo na pag nakilala ka nila Ron… bagong mukha ka kasi para kila mama… agad nilang iisipin na baka boyfriend kita kahit hindi pa naman tayo…”

Nanahimik kaming tatlo sa pag-iisip ngunit sadyang matindi na ang aming pagkakalasing.

“Yaan mo na… tingnan na lang natin… bahala na kung ano kalalabasan nito…” ang sabi naman ni Ron na bumasag sa sandali naming katahimikan. “… tulog na tayo… inaantok na ako eh…”

Sabay-sabay kaming tumayo at tinugo ang aming silid na parang tren. Nauna si Ron sa paglalakad at nakahawak siya sa aking mga kamay na nakabalot sa kanyant tiyan na malapit sa bandang puson at si Kevin naman ay nakayakap sa aking dibdib  habang kinakayod sa aking pwitan ang kanyang harapan ng pabiro.

Sa hagdan pataas sa aming kuwarto ay nanatili kami sa aming posisyon habang pasuraysuray sa paglalakad. Nang nasa mga pataas na baytang na kami ng hagdan paakyat ay ibinaba ni Ron ang aking mga kamay sa nanghuhumidig na pala niyang pagkalalaki at ihinimas ang aking kamay dito na inaalalayan ng kanyang mga kamay. Si Kevin naman ay nilalaro na ang aking mga utong ng kanyang mga kamay.

Hindi ko mapigilang mag-init sa ganong lagay habang umaakyat kami ng hagdan naramdaman ko na lang na lumalaban na sa aking panloob ang aking alaga. Nang nasa pintuan na ng aming silid si Ron at naramdaman kong inalis niya ang isa niyang kamay na ihinihimas ang aking mga kamay sa kanyang alagang nagmumura na. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at si Kevin naman at napadiin ang pabirong pagkadyot sa aking likod. Nagulat na lang ako kay Ron nang biglang dinakma niya aking batuta at pinigapiga ito. Agad akong kumalas sa kanila at nadapa sa sahig sa pagmamadali nang matisod ako sa hita ni Ron.

“Arayyyy… kuya naman eh…” ang mahina kong pagdain sa sakit ng aking pagkakadapa sa sahig.

Nagulat marahil ang dalawa at dali-dali akong nilapitan upang itayo at sabay na nagsorry. Pareho nila akong inalalayan sa aking kama.

Nang ako’y nakahiga na ng pahilata napuna kong tumungo na ng kani-kanilang mga kama ang magpinsan at humiga na rin marahil sa tindi ng kalasingan. Biglang bumangon si Ron upang patayin ang nakalimutang bukas na ilaw ng aming silid at bumalik na rin sa kanyang higaan.

Nakatulog ako ng mabilis sa magkahalong pagkahilo at pananakit ng ulo mula sa pagkalasing ngunit naalimpungatan ako nang maramdaman kong may paurong na bagay papunta sa aking kama. Nakitakong si Kevin ay itinutulak ng dahan dahan ang kanyang kama patabi sa akin at ganun din si Ron na marahil ay nagising din sa ginagawa ni Kevin at hindi pahuhuli.

Nang magkadikit na ang aming mga kama ay humiga nang una si Kevin sa kanyang kama at nang makita ni Ron ang lagay ni Kevin sa kanyang paghiga ay sumunod na rin siyang nahiga sa kanyang kama. Hindi nila siguro napansing pinanonood ko sila dahil sa madilim na sa kuwarto. Nanatili akong nakikiramdam sa mga susunod na magaganap.

(itutuloy)

No comments: