Saturday, September 17, 2011

DAglat presents: TEE LA OK part 4


“Let me help you carrying your bag.” offer ni Gabby kay Harold.

“Kaya ko na to.” nakangiting sagot ni Harold.

“I said let me help you.” pamimilit ni Gabby saka hinablot ang bag na dala ni Harold.

“Para backpack lang na may ilang laman.” reklamo ni Harold.

“Ayaw kasi kitang nahihirapan, so it is my responsibility to make your life at ease.” tugon ni Gabby na may simpatikong ngiti.

“Hay!” napabuntong-hininga si Harold. “Ikaw talaga.” dagdag pa nito saka tapon ng matamis na ngiti.

“Kanina pa kayo?” tanong ni Sean na kararating lang.

“Isn’t obvious?” sarkastikong turan ni Gabby.

Tinitigan naman ni Harold si Gabby at sumagot ng maayos sa tanong ni Sean. “Hindi naman, mga 15minutes siguro.” sagot pa nito.

Kibit-balikat lang si Gabby sa sitwasyon nilang tatlo ngayon.

“Sorry kung na-late ako. Mahirap kasing magpaalam sa bahay.” paumanhin naman ni Sean.

“Dapat hindi ka na sumunod. Do your home responsibilities and I am sure your parents need you more to help them or maybe your organization needs you today.” saad naman ni Gabby.

“Let’s go?” suhestiyon ni Sean na tila hindi pansin ang presensya

“Gabby tara na!” aya naman ni Harold kay Gabby.

“Talaga bang isasama natin iyan?” tanong ni Gabby dito.

“Naririto na di ba?” balik na tanong ni Harold saka sumakay sa kotse katabi ni Gabby.

“Tara na dito sa likod!” aya ni Sean kay Harold.

“Hindi!” pigil ni Gabby. “Sa harap si Harold. Ano akala mo sa akin, back seat driver?” sarkastikong turan pa ng binata.

“Malungkot mag-isa kaya sa harap na din ako.” sagot ni Sean saka tinabihan si Harold sa harap.

“Hay!” inis na napabuntong-hininga si Gabby.

“Malamang matagal ka ng nahihirapan sa sitwasyon mo.” simula ni Sean sa usapan.

“Honestly, Harold loves our situation.” singit ni Gabby.

“Alam mo, namiss talaga namin iyong totoong Harold!” wika ulit ni Sean na hindi pinapansin si Gabby na may diin sa salitang “totoong.”

“Sorry buddy kung hindi ko talaga nasabi sa inyo. Baka kasi isipin mong luko-loko na ako eh.” paumanhin ni Harold.

“Ayos lang iyon. Pero sana sinabi mo na din, kasi iyong Harold na humarap sa amin, mayabang, maarte, maluho, maangas, mahangin saka self-centered.” wika ni Sean na tila hindi kaharap si Gabby.

“That’s not true!” kontra ni Gabby na nasa katawan ni Harold dahil ramdam niyang siya ang pinapatamaan nito.

“Parang may nagsasalita.” pang-iinis pa ni Sean kay Gabby.

Napangiti lang si Harold na nasa katawan pa din ni Gabby.

“Mamaya, maayos na ang lahat.” paninigurado ni Sean. “Matutulungan na kayo ni Tito Ronnie sa sitwasyon ninyo.” habol pa ng binata.

“Sana nga.” maikling tugon ni Harold.

“Basta, nakakamiss.” sagot ni Sean. “May problema ka ba?” tanong pa nito.

“Kasi nakaka-conscious makipag-usap sa’yo. Feeling ko dapat pa ding mag-ingat kasi mabibisto mo ako.” sagot ni Harold.

“Don’t worry buddy! Mamaya makakapag-usap na tayo ng matino.” sabi ulit ni Sean saka inakbayan si Harold.

“Please keep quiet. I can’t concentrate in driving.” inis na sabi pa ni Gabby.

“Tulog na lang tayo.” suhestiyon ni Harold.

“That’s right.” sagot ni Gabby.

Okay!” tugon ni Sean.

Ilang oras din ang byahe at sa pangatlong pagkakataon ay binagtas nila ang parehong daan at iisang patutunguhan. Pagkababa ng kotse –

“Where are you going?” tanong ni Gabby kay Harold saka ito hinabol.

“Sabi ko na nga ba, very strange and unusual.” sabi ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “See Gabby! Sabi ko sa’yo hindi maganda ang feeling ko sa bahay na iyon.” sabi ulit ni Harold saka turo sa isang bakanteng lupa.

“It’s just a vacant lot.” nagtatakang wika ni Gabby.

“Di ba may bahay dito last time na pumunta tayo dito.” pagpapaalala ni Harold.

“Anung ginagawa ninyo dito?” tanong ni Sean na bagong habol lang sa dalawa.

“Please excuse us first.” sabi ni Gabby kay Sean.

“Hindi ka kasi nakinig sa akin dati.” may himig nang paninisi kay Harold.

“Di ba nag-sorry na ako sa’yo?” may pagka-inis nang sagot ni Gabby.

“Sana last time tumuloy na tayo kay Tito Ronnie para hindi na tayo nagka-switch.” sabi pa ni Harold.

“Think of it, kung hindi ba tayo nagka-switch magiging tayo ba?” bulong ni Gabby kay Harold.

Natigilan si Harold sa narinig niyang iyon mula kay Gabby. Naging isang palaisipan sa kanya na kung hindi ba sila nagka-switch ngayon ay magiging sila ba?

Lumakad pabalik si Gabby sa kotse at saka ito ipinark sa kung saan pwede.

“Ayos ka lang Rold?” tanong ni Sean kay Harold.

“Yeah, ayos lang ako.” sagot ni Harold saka sumunod kay Gabby.

Pagkalapit kay Gabby matapos nitong makapag-park.

“Sorry na Gabby.” paumanhin ni Harold.

“Ayos lang iyon, dahil mahal kita pinapatawad na kita.” saad ni Gabby.

“Talaga?” tanong ni Harold.

“Oo!” sagot ni Gabby na may simpatikong ngiti saka kinalabit ang ilong ng binata.

Habang paakyat –

“Buddy gusto mo bang tulungan kita?” tanong ni Sean kay Harold.

“Hindi buddy, kayo ko to.” sagot ni Harold.

“Akin na nga iyang bag mo.” sabi naman ni Gabby saka kinuha ang bag na dala ni Harold.

“Akin na yan. Baka mapagod ka lang.” tutol ni Harold.

“Ako na lang!” sabi ni Gabby saka patiunang lumakad.

“Hayaan mo na iyon.” sabi naman ni Sean saka hinawakan sa kamay si Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Hindi ka ba naiilang?” tanong ni Harold.

“Saaan?” nauumid na tanong ni Sean.

“Na ang kaharap mo ay si Gabby?” tanong ni Harold.

“Iyon lang pala.” gumaan ang pakiramdam na sabi ni Sean. “Sa una hindi ako makatingin ng maayos sa’yo, pero mas kilala ng puso ko kung sino ang taong kaharap ko hindi base sa pisikal na anyo.” nakangiting tugon ni Sean.

“So, nakakapagsalita pala ang puso?” tanong ni Harold.

“Oo naman!” sagot ni Sean. “At sinisigaw pa ang pangalan mo.” sabi pa ni Sean sa sarili.

“Hoy!” sigaw ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Bilisan ninyo.” utos pa nito.

“Bilisan na nga natin, masyadong maligalig si Gabby.” nakangiting aya ni Harold kay Sean.

“Sabi mo!” sang-ayon ni Sean saka inakbayan si Harold. “Excited na din akong bumalik ka sa dati.” saad pa ng binata.

“I said hurry up!” sigaw pa ulit ni Gabby na may pigil na panggigigil.

“Excited ka na bang bumalik sa dati?” tanong ni Sean kay Gabby pagkalapit nito sa binata.

“It’s none of your business!” sagot ni Gabby saka hinatak sa gawi niya si Harold at nilagay sa beywang nito ang kamay niya.

“Tara na Harold!” sabi pa ni Gabby kay Harold saka patiunang naglakad.

Pagkarating nila sa bahay ni Tito Ronnie.

“Tao po!” si Sean na ang tumawag para sa kanila.

“Sean, ikaw pala!” masayang bati ng Tita Inday. “Harold!” bati pa nito.

“Nasa loob po ba ang Tito Ronnie?” tanong ni Sean.

“Buti at naabutan mo.” sagot ni Tita Inday. “Aakyat ulit ang Tito Ronnie ninyo sa tuktok ngayong araw.” sabi pa nito.

“Kakausapin po sana namin.” nakangiting wika pa ni Sean.

“Pasok kayo.” anyaya ni Tita Inday.

Isang payak na kubo lamang ang tirahan ng Tito Ronnie kung tawagin nila Sean at Harold. Tito Ronnie kung tawagin nila ni Sean, Kenneth at Harold ang albularyo dahil ito ang tumulong sa kanila ng mahulog sa bangin si Harold at magkaruon ng malalang injury at mawala sila sa bundok Banahaw ng minsang umakyat sila duon. Pinatuloy sila at inalagaan nang halod isang lingo at mahigit kaya naman naging malapit sila dito at sa asawa nitong mangagamot din.

Pagkapasok sa loob ay kitang-kita mo na ang nakatira duon ay isang mangagamot. Madaming mga kahoy na nakasabit, iba’t-ibang botelya na may lamang kung ano, mga anting-anting, mga imahe ni Kristo at kung anu-ano pa.

“Nung huling pumunta dito si Harold parang may kakaiba sa kanya.” komento ulit ni Tita Inday nila pagkapasok nila sa loob.

“Harold at Sean!” simulang bati ni Tito Ronnie sa kanila. Isang may katabaang lalaki na mahaba ang buhok at balbas ang itsura ng Tito Ronnie. Aakalin mo ding NPA dahil sa bikas at anyo nito.

“Magandang hapon po!” bati ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Anung pangalan mo?” tanong ng Tito Ronnie nila.

“Si Harold po.” sagot ni Gabby.

“Huwag ka nang umarte Gabby!” singit ni Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Katawan iyan ni Harold pero ibang ispiritu ang namamataan ko kaya hindi ikaw si Harold.” paliwanag pa ng Tito Ronnie.

Napahanga naman si Gabby ni Tito Ronnie dahil sinabi nito.

“Tito, siya po si Gabby.” pakilala ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Siya po ang may-ari nitong katawan na’to.” habol pa ng binata.

“Hijo! Ilang beses kong dapat sabihin na hindi mo pagmamay-ari ang katawang-lupa mo. Nakikigamit ka lang dahil pagmamay-ari iyan ng Diyos.” paliwanag pa ni Tito Ronnie.

“Sorry po Tito!” napakamot sa ulong saad ni Harold.

“Kaya po sila nandito para makabalik na sila sa dati.” singit naman ni Sean.

“Sige, bago ako pumanhik paitaas ay susuriin ko muna kung ano ang naging sanhi nang pagpapalit-katawan ninyo.” sabi ni Tito Ronnie.

“Salamat po!” sumiglang halos sabay na nawika nila Harold at Gabby.

“Isalaysay muna ninyo kung papaano kayo nagkapalit.” tanong pa ni Tito Ronnie.

Ikinuwento nga ni Harold at Sean ang nagyari sa kanila at hindi nila pinalampas ang bawat detalye. Pati na din ang mga teoryang naisip nila sa tuwing magkakapalit sila at ang lahat ng sitwasyong naisip nila. Pagkatapos niyon ay kumuha ng isang kahoy si Tito Ronnie at tubig. Inilubog niya sa tubig ang kahoy at mula duon ang malinaw na tubig ay magkaroon ng kulay kayumangging kulay.

“Hindi iyan sumpa, kulam o parusa ng isang lamang-lupa o engkanto.” simula sa pagpapaliwanag ni Tito Ronnie.

“Ano po?” tanong ni Harold.

“Ang nangyayaring pagpapalit-katawan ninyo ay paraan na inilaan ng isang tao na malapit kay Gabby para matuto ng mga aral na nasa buhay mo Harold.” paliwanag ni Tito Ronnie.

“What do you mean?” tanong ni Gabby.

“Bakit ako?” tanong naman ni Harold

“Isang tao na malapit kay Gabby ang nagnanais na mabago ng binata ang kapalaran niyang matulad siya sa lolo nito.” sagot ni Tito Ronnie. “At ikaw Harold, dahil malapit na malapit ka din sa taong ito at ikaw ang nakikita niyang susi para mabuksan mo ang bagong kabanata sa pag-iisip ni Gabby.” sagot naman nito sa tanong ni Harold.

“Hindi lang basta sa tilaok nang manok nakabatay ang pagpapalit-katawan ninyo. Kahit na walang manok sa paligid, basta marinig ninyo ang tilaok nito sa umaga, siguradong magkakapalit kayo. Kahit sa panaginip lang may tumilaok, basta’t magkasama kayong matulog at sa iisang higaan, asahan na ninyo ang pagpapalit ninyo.” sabi pa ni Tito Ronnie.

“I woke up hearing clucks the last time we switched.” sabi pa ni Gabby.

“Napanaginipan ko nga ding may manok at tumilaok.” saad naman ni Harold.

“Hindi lang iyon, may dalawang bagay pa, bukod sa tilaok, ano pa ang mayroon o magkakamukha na bagay sa tuwing magkakapalit kayo sa umaga?” tanong pa ni Tito Ronnie.

Isang mahabang pag-iisip ang nangyari sa kanila –

“As far as I remember the old man gave us food and offered us one blanket to use and we shared it. The old lady gave us slippers, soup and blanket and the last time, it is very typical.” sagot ni Gabby.

“Tama!” naibulalas ni Harold. “Si lolo nagpahiram ng blue na kumot, at si lola isa ding blue na kumot at ang kumot mo sa bahay ay blue din. Parehong nag-share lang tayo that time.” naliwanagang sagot ni Harold.

“Do you really think it is because of the blue blanket?” ayaw pakumbinsing kontra ni Gabby.

“May kahulugan ang kulay, at ang kulay asul ay nangangahulugang pagpapayapa. Kumbinsido akong ang kulay asul na kumot ay isa sa dahilan ng pagpapalit ninyo.” sang-ayon ni Tito Ronnie. “Isang bagay na lang ang kailangan nating alamin.” habol pa ni Tito Ronnie.

“Why do we need to know?” tanong ni Gabby.

“Kailangan kasing mayroon nang mga bagay na iyon para maisagawa ang tuluyang pagpapawalang-bisa ng leksyon para sa’yo.” sagot ni Tito Ronnie.

“The last thing na naiisip kong present sa tatlong sitwasyon na iyon ay…” sabi ni Harold saka inilabas ang kwintas na suot ni Gabby na nasa katawan niya. “Itong family pendant namin.” sagot ni Harold.

“Yeah, I didn’t remove it. Iyan lang kasi ang alahas na mayroon si Harold and my day is incomplete without any accessory.” sabi ni Gabby. “But me, I can’t remember any. Everyday I am use to wear new ones or I assure to use things once a year.” sabi pa nito.

“Yabang!” bulong ni Sean kay Harold.

“Yaan mo na.” sagot ni Harold.

“Mahihirapan tayong ibalik kayo sa dati hangga’t hindi natin nalalaman ang huling bagay na mayroon kayo pareho sa tuwing magkakapalit kayo.” paliwanag ni Tito Ronnie saka tumayo.

“Akala ko ba tatlong bagay lang?” tanong ni Gabby. “Pang-apat na iyong hinihingi mo sa amin.” saad pa ni Gabby.

“Unang bagay ay simbolo na kahit magkakaiba man sitwasyon at maaring pare-pareho lang ang dahilan ngunit iba-iba ang kahulugan at antas. Ang unang bagay na ito ay may malalim na kahulugang, pare-pareho man ng itsura, subalit may kakaibang katangiang tanging ang puso ang makakapagsabi kung ano ang pinagkaiba. Dahil ang malinis na puso ay may kakayahang kumilatis ng malinis at wagas na damdamin. Ang unang bagay din ay simbolo na iba-iba man ng katangian, subalit sa isang parehong bagay ay nagkakatulad. Dahil ang may mabuting kalooban, iba-iba man ng katangian ay kayang kilatisin kung saan bagay nagkakatulad.” paliwanag ng Tito Ronnie. “Sa kaso ninyo, ang asul na kumot ang unang bagay.” habol pa nito.

“Ang ikalawang bagay naman ay simbolo naman ay taglay ninyong dalawa, magkaiba man ang mga ito subalit pareho ng halaga at antas dala ng nakaraan. Ito ay dalawang bagay na taglay mo at ni Harold na hindi ninyo magagawang maisantabi o makalimutan dahil ang halaga nito para sa inyo ay isang kayamanang hindi material. Simbolo ito ng isang kayamanang ikaw lang at sarili mo lang ang may kakayahang magbigay halaga.” paliwanag nang matanda. “Sa pagkakataong ito, ito ang bagay na kulang at dapat nating hanapin.” sabi pa ni Tito Ronnie.

“Ikatlo ay ang bagay na ipinagkaloob ng naggawad ng aral. Ito ay bagay na tanging siya lang ang may alam at kung bakit ito at ipinagkaloob sa inyong tanda. Isang makahulugang bagay na tanging isang lihim na hindi maibubunyag.” sabi ulit ni Tito Ronnie. “Ang ikatlong bagay ay ang tilaok. Sa ordinaryong pagsasabuhay ang tilaok…” naputol na ang sasabihin ni Tito Ronnie nang biglang umeksena si Harold.

“Nandito iyon!” sabi ni Harold saka inilabas ang wallet ni Gabby.

“Ganid ka talaga sa pera!” komento ni Sean kay Gabby.

“Don’t make accusations if you’re not ready to prove them!” sagot ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Pansin ko kasing laging nasa wallet ni Gabby itong sulat na’to na nasa loob ng supot. Sa tuwing matutulog kami laging isinasabit niya at ginagawang kwintas.” lahad ni Harold saka labas sa supot na sinasabi.

“Isang basura lang naman iyan!” tutol ni Gabby sa sinabi ni Harold.

“Sige, maaari na tayong magsimula.” sabi ni Tito Ronnie pagkakuha sa supot na iyon.

Inilagay sa isang kulay itim na lalagyan ang mga bagay na nakuha niya sa dalawa. Matapos niyon ay kumuha ng tubig na dumampi sa mga bagay na iyon saka nilagyan at binabaran ng kahoy. Lumabas ang hugi ng krus sa gitna ng kahoy saka ito pina-inom sa dalawa.

“Are you sure it’s safe to drink?” alangang uminom na tanong ni Gabby.

“Nasa katawan kita kaya safe iyan!” anas ni Harold.

Dahan-dahan at medyo asiwang uminom si Gabby.

“Ang arte naman!” insulto ni Sean kay Gabby.

Pinahiga ang dalawa at pinapikit –

“Sabay na maglalakbay ang inyong diwa at duon ninyo makukuha ang ikatlong bagay. Sa oras na marinig ninyo iyon ay nangangahulugang tapos na ang aral at leksyong ipinatupad.” sabi ni Tito Ronnie.

Ilang sandali din ang pinalipas at bumilang na si Tito Ronnie –

“Isa…” simula ng bilang.

“Dalawa…” kasunod na bilang.

“Tatlo…” ang huling bilang.

Samantalang tila isang mabilis na rewind and nagaganap kina Harold at Gabby hanggang sa umabot sila sa –

“Hoy Gabby!” tawag ni Harold kay Gabby.

“Bakit mahal?” nakangiting tugon ni Gabby. “We’re on our own body na!” pahayag pa nito.

“Sira! Flashback ng ka-engotan mo oh.” nakangising pang-aasar pa nito.

“For you information, this is not stupidity. Actually, I am thankful because I found a reason para mahalin ka.” tugon ni Gabby.

“Ako pa ang mamahalin. Para sabihin ko sa’yo, ikaw ang naghahabol sa akin.” ganti ni Harold.

“Yeah! Ako nga ang naghahabol kasi ikaw ang pakipot.” tugon ni Gabby. “Well, it’s not our problem kung sino ang naghahabol o kung sino ang humahabol, ang importante naging tayo na.” dugtong pa nito.

“Asus!” tugon ni Harold. “Tara na, hanapin na natin iyong bahay ni lolo.” aya pa ng binata.

“Huwag na!” kontra ni Gabby. “Dito na lang tayo.” dagdag pa nito.

“Saan tayo papalipas ng gabi? Saan tayo matutulog?” tanong ni Harold.

“Eh di yayakapin na lang kita buong gabi!” nakangiting turan ni Gabby.

“Korni mo!” tutol ni Harold. “Nagugutom na din kaya ako!” sabi pa nito.

“Bubusugin na lang kita sa pagmamahal ko!” sagot naman ni Gabby.

“Alam mo ganitong-ganito iyong linya mo nung time na’to.” sabi pa ni Harold saka lumakad papunta sa bahay ni lolo.

“Hey Harold!” awat ni Gabby.

“May ilaw dun oh! Ayun na iyong bahay na hinahanap natin.” sabi pa ni Harold saka tinakbo ang sinabing ilaw na nakita.

“Hintayin mo ako!” sabi pa ni Gabby.

“Ah lolo!” bati ni Harold sa matandang naabutan niya sa labas ng bahay.

“Ano iyon hijo?” tanong ni Harold.

“Lolo, naliligaw po kasi kami eh.” simula ni Harold. “Saka maginaw sa labas, maari po ba kaming makituloy muna sa inyo?” magalang na tanong ng binata.

“Ayos lang iyon! Natutuwa nga ako at nagkabisita ulit ako.” sabi pa ng matanda.

“Salamat po lolo!” pasasalamat ni Harold.

Hindi tulad nuong una nilang bisita, tinanggihan ng dalawa ang alok sa kanilang pagkain ng matanda. Sa silid na nilaan para sa kanilang dalawa –

“Nakakagutom ah! Bakit ba tinanggihan mo pa iyong pagkain ni lolo?” tanong ni Gabby.

“Loko ka ba! Malay mo may orasyon iyon para sa’yo!” sagot ni Harold.

“Hay! Nakakaasar ka talaga!” sagot ni Gabby. “You should do me a reward for not eating.” sagot ni Gabby na may nakakalokong ngiti.

“Hay! Umayos ka Gabby! Kakalbuhin kita pagbalik natin!” sagot ni Harold.

“Mga hijo!” katok ng matanda sa dalawa.

“Ano po iyon lolo?” tanong ni Harold.

“Pagpasensyahan na ninyo, isa lang kasi ang kumot kong natatago.” sabi ng matanda saka abot sa kumot.

“Salamat po lolo, pero ayos na po kami sa ganito.” sagot ni Harold.

“Malamig na panahon saka baka magkasakit kayo kung titiisin ninyo ang lamig.” pamimilit pa ng matanda.

“Sanay po kami sa ganuon!” nakangiting turan ni Harold.

“Thank you lolo!” sabi ni Gabby saka kinuha ang kumot. “Actually, it is really cold here. This will really help us.” sabi pa nito.

“Ano ba Gabby!” asar at nanlalaking matang turan ni Harold.

“Ano?” tanong ni Harold.

“Nakakahiya! Magtiis na lang tayo.” dugtong pa ng binata.

“Actually, I’m not doing this in my common life. I always see to it that I will have anything I wanted. But as you said, and what I learned from your life, simplicity is the best. Nagagawa mong makapagtyaga sa kung ano ang available even it means sacrifice.” tugon ni Gabby saka ibinalik ang kumot sa matanda. “Lo, you will need this more than we need it.” sabi pa ni Gabby saka bumaling sa matanda.

“Salamat hijo! Sa edad kong ito at sa lamig ng panahon kulang na ang isang kumot para hindi ako ginawin.” sagot ng matanda na may hindi mapantayang ngiti sa mga labi.

“Welcome po lolo!” sagot ni Gabby. “Harold taught me about that because he is offering his self thinking the good of the many.” tugon ni Gabby.

“Sige na, pahinga na kayo!” tugon ng matanda.

Pagkaalis ng matanda –

“Why are you smiling?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Wala lang!” sagot ni Harold. “Natutuwa lang ako sa mahal ko, kasi nagbago ka na nga.” sagot pa nito.

“Rhetoric! I badly need it now.” sagot ni Gabby.

“Lokohin mo lelang mo.” kontra ni Harold. “Eh bakit gusto mong kuhanin iyong kumot? Alam ko namang hindi ka slow para kuhanin iyon.” tanong pa ni Harold.

“You know what,” simula ni Gabby saka tumingin sa mga mata ni Harold at buong sinseridad niyang sinabi na, “natatakot ako na sa paggising natin, hindi mo na ako mahal. Na baka paggising natin at bumalik na tayo sa dati ay mabago din ang pagtingin mo sa akin. Ayokong nang dahil sa tilaok ng manok mabago ang lahat ng mayroon tayo, mabago na mahal mo ako. Natatakot akong hindi mo na ako mahal pag-tumilaok ang manok at mabago itong tagpo na’to sa buhay natin.” sagot ni Gabby.

Namula naman ang pisngi ni Harold nang mga sandaling iyon. “Nag-iinarte ka na naman!” pilit na sagot ni Harold.

“Minsan na nga lang ako managalog just to be romantic, then you will answer me, nag-iinarte na naman ako.” turan ni Gabby.

Sumeryoso bigla ang anyo ni Harold. “Alam mo, hindi na mababago nito ang pagmamahal ko sa’yo, kasi bago pa man tayo magkapalit ng katuhan ay may damdamin na ako para sa’yo.” sagot ni Harold saka niyakap si Gabby.

“I love you!” wika ni Gabby saka hinalikan sa noo si Harold.

“I love you more!” sagot ni Harold.

Sabay nilang ipinikit ang mga mata at may narinig silang bilang… isa… dalawa… tatlo at…

“Tiktilaok!” isang malakas na pagyanig saka sabay na dumilat ang dalawa.

“Harold!” puno ng pag-aalalang tawag ni Sean kay Harold.

“Sean.” sagot ni Harold.

“Harold!” sigaw ni Sean saka niyakap ang nakahiga pang si Harold. “I miss you Harold! Welcome back!” saad pa ng binata.

“I miss you too buddy!” sagot ni Harold saka niyakap din si Sean.

“Totoo na ba talaga?” tanong ni Sean.

“Ikaw ang nakakakita!” sagot ni Harold. “Si Gabby!” nag-aalalang tanong ni Harold.

“Harold!” wika ni Gabby saka niyakap si Harold.

“Gabby!” napaluha pang sabi ni Harold.

We’re back!” sabi pa ni Gabby.

Sapat na ang katahimikan para ipahayag nila ang damdamin para sa isa’t-isa.

“Maari na kayong bumangon at tandaan ninyo na anumang oras maaring balikan kayo ng nagbigay sa inyo ng leksyon.” sabi ni Ka Ronnie.

“Salamat Tito Ronnie.” pasasalamat ni Harold.

“Thank you Sir!” pasasalamat pa ni Gabby.

“Ayos lang iyon! Para ko nang tunay na anak si Harold.” sabi pa nito. “Sapat nang alagaan mo iyang batang iyan para sa amin.” makahulugang saad pa nito.

Isang napakatamis na ngiti lang ang sinagot ni Gabby sa paalalang iyon ng Tito Ronnie nila Harold.

Walang pagsidlan nang kasiyahan ang tatlo dahil sa wakas ay babalik na normal ang buhay nilang lahat. Hinatid na muna nila si Sean sa tapat ng eskwelahan dahil may kakatagpuin pa ang binata.

Sa Maynila, matapos ang isang mahabang biyahe ay dumiretso naman sa bahay ng Tito Caretaker sina Harold at Gabby na nasa kanilang sarili nang mga katawan -

“Tito Caretaker, pwede po bang dito na muna ulit matulog si Gabby?” tanong ni Harold sa Tito Caretaker niya.

“Kung kahapon nga pinayagan ko, bakit hindi naman pwede ngayon.” nakangiting tugon nito.

“Thank you Sir!” sagot ni Gabby.

“Basta huwag lang mawiwili.” sagot ni Tito Caretaker.

Napangiti lang si Gabby at si Harold naman –

“Opo naman Tito! May sariling bahay naman po si topak.” saad ni Harold.

“Kumain na muna tayo ng hapunan at magsabay-sabay na tayo.” anyaya pa ng matanda sa dalawa.

Nagpa-deliver na din si Gabby nang pagkain sa isang fastfood chain para pandagdag sa kakainin nilang lahat sa bahay na iyon. Pagkakain ay nag-shower na muna sina Harold at Gabby at humiga na pagkatuyo ng buhok.

“Bakit ka nakatitig sa akin?” tanong ni Harold kay Gabby.

“Coz I want your face to be in my dreams. Kaya kinakabisado ko na lahat ng anggulo.” sagot ni Gabby.

“Hanggang ngayon hindi mo pa kabisado eh mahigit isang linggo mo na ngang ikaw ang nasa katawan ko.” sagot ni Harold.

“It’s really different when I’m looking at the mirror and seeing you close to me. I love you not because of your physicals but because of who you are. Iba na nakikita kita sa harapan ko sa nakikita ko sa salamin ang mukha mo.” sagot ni Gabby.

“Sige, kunwari naniniwala ako.” nakangiting sagot ni Harold.

“Hay! Ako na nga itong nagpapanggap na sweet gumaganyan ka pa.” inis na tugon ni Gabby. “If you only knew how much I really love you.” sabi pa ng binata.

Isang malalim na katahimikan at titigan ang namagitan sa dalawa.

“Ang gandang tingnan ng dimple mo.” pansin ni Gabby kay Harold. “Sa tuwing tititigan ko ang mukha mo lagi na lang akong may napapansing maganda sa’yo. Bukas kaya, ano naman ang makikita ko?” dugtong pa ng binata.

“Tumigil ka na nga sa pambobola mo!” tugon ni Harold saka inilapit kay Gabby ang mukha.

“No! I’m not!” kontra ni Gabby. “In fact, I am telling the truth. Nakakawili na ngang titigan ang mukha mo. I found my newest hobby and if I will be given a chance, I want to spend my lifetime just looking at you.” dugtong pa ulit nito.

Isang ngiti lang ang sagot ni Harold sa tinurang iyon ni Gabby saka pumikit.

“Tulog na tayo!” aya pa ni Harold dito.

“Ayoko pa! Masarap ka kayang titigan.” tutol ni Gabby.

“Sige na! Please!” pakiusap ni Harold saka niyakap si Gabby.

“Sige na pagbigyan mo na ako.” tutol ni Gabby.

“Gusto na kitang mayakap ulit.” sagot naman ni Harold saka inihiga ang ulo sa balikat ni Gabby.

“Hay naman kasi!” sabi ni Gabby.

“Tandaan mo, hindi mo ako pinagbigyan ngayong araw na’to.” sabi ni Harold na may himig pagtatampo saka tumalikod.

“As you wish!” sagot ni Gabby. “Patampo-tampo pa oh!” sabi pa nito saka tumayo pinatay ang ilaw.

Niyakap ni Gabby si Harold pagkahiga at ang mukha niya ay idinikit sa batok nito habang ang kanyang mga kamay naman ay nakayakap sa binata at isiniksik ang isang paa sa pagitan ng binti ni Harold.

Kinabukasan –

“Good morning!” panimulang bati ni Gabby saka hinalikan sa noo si Harold.

“Magandang umaga.” nakangiting ganti ni Harold.

“Uuwi muna ako sa bahay bago pumasok sa opisina.” balita pa ni Gabby.

“Akala ko ba isang lingo kang hindi papasok?” tanong ni Harold.

“Nakakahiya kasi sa Tito Caretaker mo kung papalipas pa ako ng maghapon dito. Saka may guato kong makapag-pahinga ka ng maayos.” sabi pa nito.

“Hay! Ikaw talaga!” sabi ni Harold saka pinisil ang ilong ni Gabby.

“Para saan naman iyong pisil na yun?” tanong naman ni Gabby.

“Para maalala mo ako paghindi mo na ako kasama.” sagot ni Harold.

“What is the connection huh?” tanong ni Gabby.

“Ilong lang ang walang kapartner na parts ng mukha mo at ang sentro. Sa ilong ka din humihinga at nakakamoy.” sagot ni Harold.

“Then?” tanong ni Gabby.

“Sa tuwing mahahawakan mo ang ilong mo, maalala mong may naghihntay na ako na nag-iisa at walang kapartner. Dapat ako din ang maging sentro ng inspirasyon mo at ng araw mo, na mapapangiti ka sa tuwing maaalala mo ako. Gusto ko ding maging hangin na pumasok sa loob mo para masiguradong buhay mo.” sagot ni Harold.

“So illogical at invalid argument. Pero palalampasin ko na sa ngayon.” sagot ni Gabby.

“Bangon na.” utos naman ni Harold.

“Ayoko pa, gusto ko pang yakapin ka.” tutol ni Gabby.

“May next time naman di ba?” tanong ni Harold.

“Kaso baka matagalan pa.” sagot ni Gabby.

“Hindi iyan.” paninigurado ni Harold.

“Hay! Ayoko pa nga.” tutol ni Gabby.

“Nakakahiya kay Tito, malapit na kayang magtanghalian.” sabi pa ni Harold.

“Hay!” sagot ni Gabby saka naiinis na bumangon. “Ayan na!” sabi pa nito.

“Huwag ka ngang gumanyan! Hindi bagay sa’yo.” natatawang turan ni Harold.

Dumaan na nga muna si Gabby sa bahay niya bago pumasok sa opisina.

“What are you doing here ma?” tanong ni Gabby sa ina.

“Kagabi pa akong nandito ang I am waiting for you.” tugon ng ginang. “Are you with Harold?” tanong pa nito.

“What brings you here?” tanong pa ni Gabby. “Yeah, I’m with him.” sagot naman ng binata.

“I told you to get rid of that Harold!” madiing wika nang ginang. “You’re not listening to me, narito at kadikit ka na naman ng baklang hampas-lupang iyon.” nanggigil pa nitong dagdag.

“Ma! I said please, pabayaan na po ninyo kami ni Harold. We love each other.” sagot ni Gabby.

“He doesn’t love you! He loves your money!” sabi pa ng ginang. “He loves your money at isa lang siya sa madmaing oportunistang patay-gutom na painan mo ng pera ar bibgay.” paratang pa nito.

“Harold is not like what you think ma!” kontra ni Gabby. “Give time to know him better and I am very sure, you’ll love his personality.” paliwanag pa nito.

“Find a girl that is right for you. I have many friends and they have daughters’ of well-educated, brilliant, smart, decent, socialite, very nice and very charming.” paliwanag pa ng ginang.

“Ma! Hindi naman nalulugi ang kumpanya natin to do such action.” kontra ni Gabby. “Plus, Harold may not be as rich as us, but he is well-educated, brilliant and smart. In fact he is a summa cum laude candidate. He is very decent and holds his principles and ideologies very tight. He’s the nicest and most charming person I ever met! He may not be a socialite but his simplicity is the biggest factor I love about him.” paliwanag ni Gabby.

“I don’t have time to listen with your stupidity!” pigil nang ginang sa susunod pang sasabihin ni Gabby. “I want you to attend my party this evening!” sabi pa nito. “Marami akong ipapakilala sa’yo na babagay sa’yo.” saad pa nito.

“Kahit na anung mangyari ma, hindi ko ipapagpalit si Harold.” sabi pa ni Gabby.

“This is for your own good!” paliwanag pa ng ginang. “Whether you like it or not, you will attend my party!” madiing utos pa nito.

“But ma!” tutol ni Gabby sa papalabas na ina.

“No more buts and whys!” sabi ng ginang.

Napabuntong-hininga na lang si Gabby at tinawagan si Harold -

“Hey Gabby!” sagot ni Harold sa kabilang linya.

“Rold! I want to see you now.” sagot ni Gabby.

“Ano?” tanong ni Harold.

“Please be in FabConCom before 2pm.” pakiusap ni Gabby.

“Pasalamt ka, miss na kita!” sagot ni Harold. “Sige, I’ll be there.”

“Thanks!” sagot ni Gabby saka pinindot ang end call.

“May topak na naman si topak!” nangingiting pahayag ni Harold pagkababa ng tawag.

Samatalang si Gabby naman ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip tungkol sa kalagayan nila ni Harold.

d

No comments: