Friday, September 23, 2011

Musmos [23]

by Jeffrey Paloma

"Ma?... dumating ba si papa?..." ang nagaalala kong tanong kay mama sa amoy na nagkalat sa buong bahay.

"Ah... anak.. hindi... wala yan... nabuksan ko lang yung isang bag ng papa mo na may mga papeles niya... may kinuha kasi ako doon..." ang paliwanag ni mama.

"Okay ma... kinabahan naman ako... baka naman.. mahuli ako ni papa.." ang paliwanag ko kay mama na napabuntong hininga sa ginhawang malaman na hindi naman pala siya dumating. Natawa naman ang tatlong hindi sineryoso ang aking mga sinabi.

"Tita.. nga pala... paalam na kami ni Jeremy... pupunta po kami ng Baguio ngayon para makarating kami ng maaga doon...." ang sabi ni Dexter na aking ikinagulat.

"O sige... mag-ingat kayo sa biyahe ha?... nakahanda na yung bag ni Jeremy sa kuwarto niya.." ang sabi naman ni mama na parang alam niya na aalis kami ngayon ni Dexter.

"A-at... bakit tayo pupunta sa Baguio?... bakit ngayon na Dexter?... b-bakit biglaan yata?... anong meron doon?..." ang nabigla at nagtataka kong tanong kay Dexter habang si Kevin ay papunta na sa sala bitbit ang malaki kong bag na dinadala ko lang kung nagbbakasyon ako.

"Huwag ka na magtanong pa mahal kong bunso... marami pa tayong hahalubing panahon natin mula ng magkalayo tayo... ito na ang pagkakataong makabawi ako sa iyo... mahal na mahal kita..." ang sabi ni Dexter habang natatitig ang mga nakakatunaw niyang mga mata. Hindi na ako nagtanong pa at sumama na lang sa kanila.

"Nasa trunk na insan yung bag natin magkakasha pa ba bag ni Jemimi?..." ang tanong ni Kevin.

"Kung hindi na kasha tabi na lang kayo sa likurang upuan.. pahug mo na lang si Puti kay Jemykoy ko..." ang sabi ni Dexter sa kanya. Puti pala ang tawag ni Dexter sa teddy bear ko. Nangiti na lang ako sa aking narinig.

Pinauna nila akong makasakay habang yakap ko sa isang bisig ang aking puting teddy bear na malaki, si Puti.

Nilakbay namin ang halos lampas otso oras na biyahe tungong Baguio habang ako ay natutulog na sa biyahe. Umaga na nang kami ay nakarating. Totoong napakalamig doon kapag umaga.

Naalimpungatan ako sa sobrang lamig dahil nakababa ang bintana ng kotse at wala akong suot na jacket.

Napansin ko na lang na si Kevin na ang nagdadrive at si Dexter ay nakayakap sa akin mula sa aking likuran.

"N-nilalamig b-ba ang b-bunso ko?..." ang sabi ni Dexter na naginginig na rin sa lamig.

"Opo kuya... ang lamig... tabi muna tayo... Vinvinpot... may jacket ka ba?.... " ang nasabi ko kay Kevin na nag-aalala sa kanyang lagay.

"Nn-nass-sa... trunk.. ss-sa b-bag k-ko..." ang sabi ni Kevin na mas lamigin nga pala kesa sa akin.

Natawa ako sa aking nakikitang panginginig ni Kevin na madaling ipinark ang kotse sa tabi ng kalsada.

Agad kaming nagsilabasan sa kotse at binuksan ang trunk at kinuha ang jacket sa bag ni Kevin na kulay itim. Kami naman ni Dexter ko ay nagsuot ng pareho naming gamit na jacket na binili namin sa school na De La Salle University ang nakalagay.

Nagmamadali kaming nagsibalikan sa kotse ngunit ngayon at magkatabi na kami ni Dexter sa likod na upuan at masayang nilalasap ang aming matamis na sandaling matagal nang hindi namin naranasan.

Palagian niyang kinikiliti ang aking tagiliran nang mapansin niyang sadyang napakalakas ng kiliti ko dito. Wala na lang akong nagawa kundi humiyaw at magtatawa sa kakakiliti ni Dexter. Hindi ako makapalag dahil sadyang malakas at malaki siya sa akin.

"Hoy... magtigil nga kayo naririnig na kaya ng mga nadadaanan nating mga ifugao yang halakhak ni Jemimi..." ang nagseselos na sambit ni Kevin.

"Eto naman si insan... hindi na kami pagbigyan ng best friend niya... diba mahal ko?.. diba diba diba??.."  ang gigil na gigil na sabi ni Dexter kay Kevin habang hawak niya ang aking mukha at kinikiskis ang dulo ng kanyang ilong sa aking ilog.

"Oo na.. sige na ako lang naman si pinsa/best friend..." ang nagtatampo namang sinabi ni Kevin habang nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nagpatuloy kami ni Dexter sa kulitan hanggang sa makarating kami sa Camp John Hay Manor. Pare pareho kaming namangha sa ganda ng lugar medyo marumi na pero okay pa rin.

Si Dexter ay iniwan muna ako kay Kevin at tinungo niya ang reception para magcheck-in.

"Kevin... okay ka lang?" ang baling kong tanong kay Kevin.

"Ano ba friend... okay lang ako... masaya akong kasama kita ngayon at si insan at masaya na akong makitang masaya kayong dalawa.. may sorpresa ako sa iyo mamaya pero... wag ka sana magagalit.." ang sabi niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil kung ano man yun siguradong magagalit ako dahil nagdisclaimer na siyang huwag akong magagalit.

Bumalik na si Dexter at sinundo kami ni Kevin upang dumerecho na sa kuwarto.

"Magkahiwalay tayo ng kuwarto kuya Dexter?.." ang natanong ko nang makita ko si Kevin na pumasok sa kaharap na silid.

"Ah oo... sa atin lang itong gabi... madaya si Kevin eh... inunahan na ako dito.." sabay dakot sa aking puwet.

"Virgin na yata ulit ako kuya... " ang sinabi kong nanlalambing kay Dexter sabay halik sa kanyang pinsgi na sabay naman niyang tinawanan.

Natulog kaming muli ni Dexter hanggang hapon at nang kami ay gumising ay inikot namin ang Baguio City.

Namili kami ng mga strawberry based products at strawberries na prutas mismo. Pareho kasi naming gusto ni Dexter ang berries kung hindi pa naman obvious sa blueberry cheesecake.

Medyo naparami sa dalawang supot ang aming mga binili at lahat ay si Dexter ang nagbitbit.

Nagpicturetaking kami kasama ang mga ifugao at humiram din ng suot nila upang magpakuha ng litrato ng nakasuot ng ganon.

Naging masaya ang mga sandali namin ni Dexter kahit wala si Kevin. Sinabihan namin siyang sumunod ngunit hindi siya sumama sa amin. Hindi niya sinasagot ang aming mga tawag.

Madilim na nang magyaya si Dexter na umuwi sa Camp John Hay Manor. Nang kami ay dumating sa lugar ay patay lahat ng mga ilaw sa buong lugar. Nag-alala kami ni Dexter na tinugo ang kuwarto ni Kevin ngunit wala siya doon nang aming puntahan. Ginalugad namin ang kanyang kuwarto gamit lang ang liwanag na nagmumula sa cellphone ni Dexter.  Walang Kevin maliban sa pabango niyang nagkalat sa buong silid na Lacoste Red.

"Mahal ko... saglit lang ha... hahanapin ko na si Kevin... dito ka lang..." ang nag-aalalang sabi ni Dexter sa akin. Naupo lang ako sa kama at naghintay.

Hindi nagtagal ay dumating si Kevin. Nakabarong siya at itim na slocks at itim na leather shoes na may dalang emergency lamp at isang malaking paper bag na may Onesimus na nakalagay.

"Huy kumag ka... kanina pa kami ni Dexter nag-aalala kung san ka nagpunta at walang ilaw dito sa Camp John Hay Manor.... san ka ba naglalandi ha?...." ang sabi kong naiinis kay Kevin.

"Ay... may kakilala kasi na ako na nandito pala... pinahiram muna niya ako ng barong at lahat ng suot ko kasi gusto niya akong umawit para sa kasal niyang dito gaganapin... ang init nga eh at ang kati sa leeg ng barong... " ang sabi niya habang niluluwagan ang kuwelyo.

"Kailangan ko pa ng katulong sa pagkante eh... kaya lang kayo lang naman ni insan ang alam kong maganda ang boses na kasama ko ngayon diba?... parang nilalaro talaga tao ng tadhana..."  ang seryosong sabi pa ni Kevin. "Nandito ka rin naman na isuot mo na ito.."

Inabot niya sa akin ang malaking paper bag at aking tinignan ang laman nito.

"Ano to?.. teka... papano kung di sa akin kumasya to?.. baka magmukha naman akong kurtina or suman dito.." ang sabi kong nagrereklamo kay Kevin. "May piece na ba?.. anong aawitin?... "

Hindi sumagot si Kevin at nagtaas lang ng kamay, balikat at kilay na parang ibig sabihin ay "malay ko".

"Grabe ka naman sa confidence level diba.. eh kung hindi natin kayanin yung kakantahin natin papano na iyon? Pano kung "The Prayer" ipakanta sa atin?...Tutumba na lang ako na kunwari nahirapan akong huminga habang kumakanta?.." ang reklamo ko pang sunod kay Kevin na natawa na lang.

"Basta.. isuot mo na yan... bilis.. magsisimula na ang kasalan.. baka nasa altar na aawitan natin hindi pa tayo kumakanta... mauuna na ako sa iyo ha?.." ang sabi ni Kevin na tumalikod nang paalis sana ng silid at iniwan ang emergency lamp sa sahig.

"Eh ang asawa kong pinsan mo papano siya makakasali sa atin?..." ang tanong ko sa kanya.

"Nakasalubong ko na kanina nagbihis na sa malapit na CR sa labas.. sabi ko mauna na siya kasi baka walang kumanta.." ang kuwento ni Kevin. "Hintayin kita sa reception ha?"

Hindi na ako nagtanong pa at nagsimula nang ilabas ang laman ng paper bag sa ibabaw ng kama.

"Bakit naman may pabango? Bakit lahat branded?.. Baka nagkamali sila ng lagay.. Issey Miyake pa talaga at original pa... baka mayaman ang ikakasal.. sabagay nagpabango na si Kevin at natatakot akong bumalik pa ng kuwarto namin para halungkatin ang pabango ko..." ang sabi ko sa aking sarili nang makita ang box ng Issey Miyake at isang mamahaling sapatos na itim.

Agad akong nagbihis at nagpabango at iniwan ang paper bag sa silid ni Kevin. Nagmamadali akong tinungo ang reception dala lang ang emergency lamp. Nagkita kami ni Kevin at sinamahan ako sa likod ng manor kung saan gaganapin ang kasalan.

Sadyang maganda ang garden wedding na gaganapin. Pang mayaman talaga ang pagkakahanda.

Nang makalapit kami ay napansin kong walang mga bisita.

"Kevin... sa sobrang pagmamadali mo sa akin wala pang tao dito kahit isa... at nasaan na si Dexter?!!" ang naiirita kong tanong kay Kevin. Ngumiti lang siya.

"Hindi tayo nalate... tamang tama lang Jeremy Alvarez ang pagdating natin sa okasyon na ito.. napakasaya ko ngayon para sa iyo"  ang sabi ni Kevin at sabay halik sa aking pisngi.

"Ang drama mo talaga Vin kahit kelan maemote ka... tara na puwesto na tayo sa choir.... tinan na natin ang mga song sheets doon." ang yaya kong nakaturo sa mga upuan na may mga nakalagay na patungan ng lyrics o piece.

Sa gilid ng aking paningin ay napansing kong isa-isang nagsidatingan ang mga bisita. Karamihan hindi ko kilala maliban sa tatlo. Ang nakapormal na ina ni Kevin, ang mommy ni Dexter na buhat buhat si Debbie na cute na cute sa kanyang maliit na gown na halos nagpuputukan na ang taba sa kanyang dibdib, braso, at hita sa kanyang suot at mag maliit na tiara sa kanyang ulo.

"Kevin... ikaw ba ang ikakasal?... sa babae?!!!!! bakit nandito sila?!!!"  sabay turo ko sa tatlong nakatingin sa amin na nakangiti.

Umupo lang sila sa bandang harap malapit sa altar. Dumating na rin ang pari na nagmula sa likuran kasama ang mga sakristan.

"Tara na!!! Andyan na si father oh!!" sabay turo ko sa paring nag-aayos na sa altar katulong ng mga sakristan.

"Saglit lang Kevin anu ka ba... manood lang tayo..." ang seryosong utos sa akin ni Kevin habang minamasdan ang mga dumarating na bisita.

Nagulat akong makita si Alex na dumating sa eksena at nagflying kiss pa kay Kevin na sinalo naman ni Kevin at nagflying kiss din pabalik.

"Amp!!!! Anong ginagawa niyan dito?!! bakit kayo naggagaganyan Kevin?!!!" ang gulat kong naitanong kay Kevin na tinawanan lang niya.

Biglang tumugtog ang tugtuging laging inaawit para sa akin ni Dexter ang "Isn't there Someone" ni Luther Vandross.



Para akong binuhusan ng malamig natubig nang marinig ang tugtuging iyon. "Theme song namin ni kuya Dexter..." ang natulala kong sambit kay Kevin at sinuklian lang niya ako ng isang ngiti at sabay turo sa aking likuran.

Nakita kong papunta na sa kanilang upuan si mama at papa na parehong nakangiti sa amin ni Kevin. Si mama ay naluluhang kumaway sa akin pagkaupo niya sa kanyang upuan at hinaplos lang ni papa ang mga balikan ni mama.

Gulong gulo pa rin ang aking isipan sa mga pangyayaring iyon at nanlambot ang aking mga tuhod nang makita kong lumabas sa pinanggalingan ng pari si Dexter na ang gwapo sa suot niyang barong at itim na slocks at itim na sapatos. Pareho kami ng suot ni Dexter.

Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata sa aking nasaksihan dala ng lubos na kaligayahan.

"Tahan na Kevin... tara na ihahatid na kita sa kanya...." ang sabi ni Kevin hawak ang kaliwa kong kamay.

Nanginginig ang aking mga tuhod na sumabay sa paglalakad ni Kevin tungo sa altar. Hindi ko mapigilan ang aking mga luhang tumutulo na sa aking leeg at barong.

Iniabot ni Kevin ang aking kaliwang kamay sa kamay ni Dexter na nakaabot sa akin.

Inalalayan ako ni Dexter na humarap sa altar.

"Mahal ko... diba... pangako kong papakasalan kita?.... " ang sabi ni Dexter na sinagot ko lang ng paghagulgol na may halong tawa sa kadahilanang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nagyayari. Narinig ko na lang na tumatawa ang mga bisita sa aking nagawa.

"Mga jiho... simulan na natin ang kasal" ang sabi ng pari. Para akong tinamaan ng bato at nagising ang diwang natanggap na eto na talaga totoo ito.
Binalutan kaming dalawa ni Dexter ng sash na rainbow ang kulay at nagpalitan kami ng aming panunumpa. Naghiyawan ang mga bisita nang kami ay maghalikan matapos na iproklama ng pari na kami ay kasal na.

Naging maganda ang gabing iyon na tulad nang tipikal na kasal ng isang lalake at babae. Isinayaw ako ng aking ama matapos akong isayaw ni Dexter.

"Anak... sana ipangako mo sa akin na... hindi ka magiging kahihiyan sa ating pamilya... at sana itaguyod mo ang pagmamahalan niyo ni Dexter... buti na lang may Pro-Gay Philippines na nakatulong sa inyo ni Dexter magpakasal..... kaligayahan mo lang ang hangad ko at hindi ko mapipilit na mabago kung sino ka talaga...I love you anak.."

Matapos si papa ay si Kevin naman ang nagsayaw sa akin.

"Kevin... anong meron sa inyo ni Alex?!!" ang natatawa kong naitanong sa kanya.

"Best friend Jemimi ko... kami na for two months na..." ang sabi sa akin ni Kevin.

"Pano kayo nagkausap ulit??" ang naiintriga kong tanong sa kanya

"Nakalimutan mo na ba na pareho kaming nasa friendster mo? Nasundot na ba ng pututuy ni insan ang utak mo para maging ulianin ka na rin?" ang nang-aasar na sabi ni Kevin.

"Ah.. oo nga no?... hmph!! feeling mo naman sinasagad lagi ng pinsan mo... gentle siya no!!" ang pikon kong sagot kay Kevin.

Tumingin ako kay Alex at kinawayan siya ng nakangiti. Hindi nagtagal ay nilapitan na ako ni Dexter at sinama sa aming upuan.

Natapos ang gabi napinakamasayang naganap sa aking buhay. Siyempre naghoneymoon din kami ni kuya Dexter. Nahirapan ako sobra at hindi na kami gumala kinabukasan kasi nahirapan akong umupo ng maayos o tumayo man lang para maglakad. Mali pala ang aking akala. Mas rough siya kesa sa pinsan niya.

Speaking of Kevin, natulog silang magkasama ni Alex sa silid ni Kevin sa tapat ng kuwarto namin. Nakita kong pareho silang may mga kagat sa katawan at kiss marks nang sabay silang pumunta sa aming silid upang kami ay gisingin at yayain sanang gumala.

Si Debbie ay natutuwang nilalaro ni papa na parang apo at si mama at mommy ni Dexter naman ay nagkasundo sa mga usapang lutuin kasama ang ina ni Kevin.

Lumipas ang taon at namuhay kami ni Dexter sa sarili naming sikap at nakabili ng bahay sa bagong bukas na village sa tabi ng village ng bahay namin. Simple lang ang aming tahanan na sapat para sa isang mag-asawa. Wala naman kaming anak ngunit may mga mag-aalaga naman sa amin sa aming pagtanda.

Nagtatrabaho ako ngayon sa call center bilang Resource Management Analyst at si Dexter naman ay manager ng kanilang business na ang CEO ay ang kanyang ina.

WAKAS

5 comments:

Brye Servi said...

haaay. kahit korni ung ibang parts, it ended so sweet... so cute... so nakakainggit... nakanang! gusto ko rin ng dexter sa buhay ko! kudos to the author! wagas! pak na pak! :))

wizlovezchiz said...

salamat Chef Brye :)

Anonymous said...

bakit di macopy

DALISAY said...

may nakadisable ang right click button sa story na ito :)

Anonymous said...

okie po.. :) sa basahin ko na lang po thanks ang gaganda ng mga story mo dito