Tumayo rin ako. Nagkaharap kami. At nakiramdam sa bawat isa. Naririnig ko ang pagtibok ng kanyang puso. At hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya. Iniangat ko ang aking mukha at kusang lumapit ang kanyang labi sa labi ko. Mainit, nakakapaso ang kanyang hininga at dulot nito ang kahinaan ng aking pagkatao
Hiram Lamang
Sa Panulat ni JonDmur
IV
TUMAPAT sa aking mukha ang sinag ng araw. Umunat ako saka pinilit imulat ang aking mga mata hanggang sa makadilat na ako. Mataas na pala ang sikat ng araw. Agad akong bumangon nang mapansin kong wala sa tabi ko si Drake. Saan kaya siya nagpunta?
"Kumain ka na. Nakahain na ang pagkain mo." Agad kong tinakpan ng kumot ang hubad kong katawan. At napatingin ako sa matandang lalaking nagsasalok ng tubig sa banga. Naisip ko baka ito ang Manong Roben ni Drake.
"Na-nasaan po si Drake?" usisa ko sa matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na.
"Nasa ilog," simpleng tugon nito akin na tila naiilang sa hubad kong katawan na nababalutan ng puting kumot.
Hindi ko pinansin ang tapsilog na nakahain sa hapag kainan. At natagpuan ko na lamang ang aking sarili na humahakbang patungo sa tabing-ilog. Baka naligo si Drake, bulong ko sa aking sarili.
Napangiti ako nang makita ko ang hubad na baro ni Drake. Naligo yata siya ng hubot-hubad. Natuwa ang puso ko sa aking imahinasyon. Subalit, agad itong napalitan ng lungkot nang matagpuan ko siya. Nakatayo siya sa batuhan habang dinidilaan ng isang babae ang kanyang pag-aari. Nakaluhod iyon na tila nasasarapan sa ginagawang paglasap sa katigasan ni Drake. Natulala ako. At hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Hindi ba nag-enjoy si Drake sa ginawa namin kagabi?
Nagkubli ako sa isang malaking bato upang hindi ko na masaksihan pa ang kahalayang ginagawa nila, ngunit nanaig sa akin ang kuryusidad hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili na naliligayahan sa aking nakikita. Bakit nanaig ang libog sa aking katawan?
Hinimas ko ang malaking bukol na nagpupumiglas sa pagitan ng aking mga hita. Bakit ako nasasarapan? Bakit ganito? Ano itong nararamdaman ko? Dapat ba akong magalit sa nakita ko?
"Bro?" Natigilan ako sa aking ginagawa. Namula ang aking mga pisngi. "Uy, sinisilipan mo pala kami ni Ana kaya ka nagbabatibot diyan," pabirong sabi sa akin ni Drake.
"Ha? Hindi no? May kasama ka ba?" patay malisya kong tugon.
"Wala na! part time lang ‘yon. Patay na patay kasi sa akin kaya pinatulan ko na." Napatingin siya sa bukol ng shorts ko. "Mukhang nabitin ka ha?" sabi nito sabay hawak sa bukol ng aking shorts. Hindi ako tumutol nang dumikit ang aming mga katawan. Hindi ako pumalag. Hinayaan kong dumikit ang aming mga dibdib. At ang galit o selos na naramdaman ko ay pansamantalang naudlot, at hindi ko alintana kung may mga matang nakamasid sa aming dalawa.
Katulad kanina, dinidilaan ni Drake ang dibdib ni ana na tila isang batang sabik na malasap ang gatas na magmumula rito. Dinilaan ko ang dibdib ni Drake habang sariwa pa sa aking alaala ang nakita ko kanina. Muling napaungol si Drake.
“Ren, bilisan mo na,” wika niya sa akin habang inuutusan akong isubo ang katigasan niya. Bumalik sa alaala ko ang eksenang nakita ko kanina – habang sinisipsip ni Drake ang paraiso ni Ana. Masarap din kaya ang katas ng babae?
LUMIPAS ang tatlong araw ay naging masaya ang samahan namin ni Drake. Alam kong pareho lang namin ginusto ang lahat. At walang pinilit sa aming dalawa. Kusa kaming sumabay sa init na aming nararamdaman hanggang sa pareho na kaming nabihag.
Napatingin ako sa alarm clock na nakapatong sa mesa – 10:00 PM. Tumayo ako saka iniunat ko ang aking mga kamay. Napagod na ako sa pagsusulat ng kuwento na sa tingin ko ay tumagal ng limang oras. Bigla akong nainip dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Drake. Ang paalam niya ay may kaibigang dadalawin. Naisip ko nga baka si Ana ang pinuntahan niya. Napangiti ako nang maalala ko ang mukha ni Ana. Maganda, sexy, at morena na sa tingin ko kahit sinong lalaki ay mabibihag nito. Subalit, biglang tinusok ang puso ko. Paano kung piliin ni Drake si Ana? Ano ang gagawin ko?
Naisipan kong lumabas ng bahay upang magpahangin saglit. Tahimik na ang buong paligid; wala na ang mga batang naglalaro sa palayan at wala na rin ang mga tsismosa na madalas tumatambay sa kanto. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya minabuti kong pumunta sa pinakamadilim na sulok ng bukid. Sa isang damuhan na malayo sa bahay kubo.
Nakahinga ako nang maluwag nang maka-ihi ako. Humakbang ako, at sa ginawa kong paghakbang ay may biglang tumapik sa aking kanang balikat. Halos manindig ang aking mga balahibo ng may isang patalim na nakatutok sa aking leeg. Nais kong pumalag ngunit hindi ko magawa. Kailangan ko pang maghanap ng pagkakataon para makapanlaban. May dalawa pang kasama ito at sa tingin ko kung papalag ako ay wala akong magagawa dahil sa laki ng mga katawan nila.
"Bakla ka ba?" tanong ng lalaking nasa likuran ko. "Mukhang maganda ang suot mong shorts. Hubarin mo."
Hindi ako tuminag.
Sinikmuraan ako ng lalaking kaharap ko. Sumunod dito ang isa pa nilang kasamahan. Nanlaban ako pero wala akong magawa dahil tatlo sila. Bumagsak ako ng limang beses sa damuhan. Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kinaya.
Napaungol ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko. Naramdaman ko ang pagkapa ng isang kamay sa aking mga hita hanggang sa makarating ito sa aking baywang. Pumalag ako pero mahigpit ang pagkakahawak sa aking likuran para hindi ako makatayo. Iniangat ko ang aking ulo para makita ko ang mga kaganapan. Ang isang lalaki ay pilit na hinuhubuan ako hanggang sa magtagumpay itong hubarin ang saplot ko sa katawan.
"Putang ina!" sigaw ko habang pilit akong pumapalag. Galit na galit ako sa aking sarili dahil wala akong kalaban laban sa kanila.
Hinawakan ako ng dalawang lalaki saka pilit na pinatayo. Nakaramdam ako nang malakas na suntok sa aking sikmura. At muli akong napaungol sa sobrang sakit. May gumapos sa aking likuran at ilang saglit pa, nakaramdam ako ng isang matigas na bagay na pilit pinapasok sa aking likuran. Ahhhh! Sobrang sakit ang naramdaman ko. Napapikit ako nang malaman kong isang malaking pag-aari ang pumapasok sa aking katawan.
"Ano? Gusto mo pa?" tanong ng isang lalaki. Pumalag ako nang pumalag pero nanatili akong mahina.
"P-putang ina," daing ko sa sakit na nararamdaman ko. "T-tama n-na." Kagat ko na ang aking labi sa sobrang sakit.
Itinulak ako ng isang lalaki hanggang sa dumapa ako sa damuhan. Naramdaman ko na lumapit ito sa akin. Tumingin ako sa aking likuran. Hawak nito ang matigas na ari na handang ipasok sa aking katawan. Napapikit ako. Inihanda ang sarili sa sakit na mararamdam ko. Naghalo na ang pawis, luha, sipon at laway ko. At hindi ko matanggap sa aking sarili na wala akong kalaban laban sa kanilang lahat. Ahhhhh! Nakuyom ko ang aking mga kamao nang muli kong maramdaman ang matigas na ari na ipinasok sa aking likuran. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa pigilan ito ng isang maskuladong lalaki.
"Tama na! Ang sabi ni Pareng Drake turuan lang ng leksyon. Iwan n'yo na ang bading na ‘yan," malakas na sabi ng isang kararating na lalaki.
Pinatayo ako at buong lakas na itinulak sa damuhan. Ramdam ko ang sakit nang ginawa nila sa akin. Pero doble ang sakit na naramdaman ng puso ko nang marinig ko ang pangalang Drake. Si Drake ba ang may pakana ng lahat? Bakit? Pilit ko iwinaksi sa aking isipan ang isang hinala. Pilit nilalabanan ang hinalang pumapasok sa aking isipan.
Tumakbo ang mga kalalakihang sumira ng pagkatao ko. Ramdam ko ang bawat sakit. Kinuyom ko ang aking palad. Napaluhod ako sa damuhan. Ahhhhh! Sumigaw man ako ng ubos lakas ay huli na ang lahat. Pinilit kong makatayo. Inubos ko ang natitira kong lakas. Pinulot ang shorts ko na nakakalat sa damuhan. Nakakita ako ng isang kinakalawang na bakal saka pinulot ko iyon. Nasa isip ko ang paghihiganti. Alam kong hindi pa nakakalayo ang mga lalaking bumaboy sa pagkatao ko.
Tinahak ko ang landas na tinahak nila. At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko pa ang isang kasamahan nila. Malayo ang kinatatayuan nito at nakatayo ito sa likod ng isang puno ng sampalok. Kahit malayo ay tanaw na tanaw ko sila. May kinakausap itong lalaki na nakatalikod. Ilang saglit pa ay lumisan na ito. Hahabulin ko sana kaso nagulat ako nang makilala ko ang taong kausap nito. At hindi ako nagkakamali, si Drake ang lalaking kausap.
Lumapit ako sa kinatatayuan ni Drake. Tumalikod siya at nahagip ako ng paningin niya.
"Br-bro?" utal na wika niya.
Para akong namatay sa natuklasan ko. At tuluyan nang naubos ang natitira kong lakas. Tumalikod ako saka humakbang palayo sa kanya. Hinabol niya ako at akmang hahawakan sa braso.
"H-huwag mo akong hawakan. Huwag mo akong hahawakan," malakas kong sigaw. Humarap ako sa kanya. "Kung nagsisisi ka sa nangyari mas lalo ako. Sana hindi na lang nangyari ang lahat. Sana hindi na lang kita naging kaibigan."
"Ma-mag-papaliwanag a-ako."
Kinuyom ko ang aking kamao at isang malakas na suntok ang pinakawalan ko. Nakita ko kung paano siya natumba sa lupa. Nilapitan ko siya at hindi ko napigilan ang muling maiyak.
"Hindi ko pinipilit ang sarili ko sayo. Ang sa akin lang sana respetuhin mo naman ako. Akala ko pareho nating ginusto ang nangyari. Nakikita mo ba ang mga pasang ito?" wika ko sabay turo sa buong katawan kong puro pasa. "Masakit, pero kaya kong tiisin pero dito," sabi ko sabay turo sa puso ko. "Hindi ko kayang gamutin ang sugat. Para mo na akong pinatay," lintanya ko sa kanya.
Tumalikod ako at pinilit makalayo sa kanya. "Bro," tawag niya sa akin. Patuloy pa rin ang paglalakad ko at pumapalag ako sa bawat hawak niya sa aking balikat. Napahinto kaming dalawa nang marinig ko ang boses ni Ana.
"Drake, hayaan mo na siya."
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang naiwan si Drake sa piling ni Ana. Habol ang paghinga ko nang makarating ako ng bahay kubo. Agad kong kinuha ang susi ng owner type jeep saka tinungo ang sasakyan. Agad kong binuhay ang makina nito at mabilis kong pinaharurot.
Mabilis ang pagmamaneho ko ng sasakyan. Hindi ko alintanan ang malulubak na daanan. Nang masiguro kong malayo na ako sa bahay kubo ay itinigil ko ang pagmamaneho. Bumaba ako saka umupo sa kalsada hanggang sa mapasandig sa gulungan ng sasakyan. Nasa katawan ko pa rin ang mga pasa pero hindi ko na ramdam ang sakit nito. Ang sakit sa damdamin ang higit kong nararamdaman. Pakiramdam ko sinaksak ang pagkatao ko.
V
TATLONG buwan na ang nakalipas. Masasabi kong kinalimutan ko na ang lahat nang nangyari. Ako lang at si Drake ang nakakaalam nang namagitan sa amin. Inilihim ko sa aking pamilya ang naganap sa aking buhay. At ibinaon ko na sa limot ang kahalayang naganap sa aking buhay.
Ilang beses nang nag-krus ang landas namin ni Drake. Ilang beses na rin siyang lumapit sa akin para magpaliwanag. Subalit, sarado ang aking mga tenga – ayaw kong makinig sa mga paliwanag niya.
Graduation day namin. Masaya ang lahat. Ako? Aaminin kong lungkot ang nararamdaman ko. Nasa loob ako ng Comport Room para palitan ang togang suot ko. Katatapos lamang ng seremonya at nanaisin ko pang umuwi kaysa makihalubilo sa aking mga kaklase.
"B-bro." Napalingon ako sa boses na aking narinig. Si Drake na suot pa ang toga sa katawan. "Congrats!" dugtong niya.
Lalabas sana ako ng Comport Room pero pinigilan niya ako. Nagtama ang aming mga paningin. "Ano ba ang gusto mo?" asik ko sa kanya.
"Patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang lahat."
Pumalag ako hanggang sa mabitiwan niya ako. "Matagal na kitang pinatawad. Kinalimutan ko na ang lahat. Wala akong magagawa kung hindi ka naging mabuting kaibigan sa akin."
"Kung galit ka sa akin saktan mo ko." Kinuha niya ang mga kamay ko saka pilit na inihampas sa kanyang mukha. Nagmatigas ako hanggang sa naitulak ko siya. Lumapit siya sa akin at pinilit na yakapin ako hanggang sa naglapat na ang aming mga katawan. Pumalag ko ngunit hindi siya pumayag hanggang sa nabihag niya ako. Hinuli niya ang aking mga labi at wala na akong nagawa pa kundi ang tanggapin ang maiinit niyang halik.
Napalunok ako. At bigla akong natauhan sa aking sarili. Alam kong hindi dapat. At maling mali ang nagaganap sa amin. "Tama na!" Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Tigilan na natin ito. Hindi pa huli ang lahat. Drake, ayusin natin ang buhay natin. Hanapin natin ang tunay na sarili natin." Hindi ko napigilan ang maiyak sa aking sinabi. "Hin-hinding hindi kita makakalimutan," dugtong ko saka tumakbo palabas.
Labis ang pagkamangha ng aking mama nang makitang umiiyak ako sa loob ng sasakyan. At alam kong hindi siya nakatiis kaya kinausap niya ako pagdating sa bahay.
"Anak, bakit?" Niyakap niya ako. At doon ako nakahinga nang maluwag. "Anak, sabihin mo kung ano man ang nasa loob mo."
"Nay, magagalit ba kayo kung malalaman n'yo na bakla ako?" Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako.
Napaiyak si Mama na parang natatawa saka hinimas ang buhok ko. Hindi man siya kumibo ay alam kong tanggap niya ako. Niyakap niya ako nang mahigpit. "A-anak, kahit hindi mo sabihin nakilala na kita. Pwede mo pang ayusin ang buhay mo. Alam kong magiging ganap ka pang lalaki. Siguro nasanay ka lang na mga babae ang kasama mo rito sa bahay. Alisin mo sa isip mo na bakla ka. Isipin mo lagi na lalaki ka. Isang tunay na lalaki." Napatawa ako sa sinabi ni mama. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Salamat Mama, nasabi ng aking isipan.
LULUWAS kami ng Manila. At doon ko tatapusin ang kurso ko. Hindi ko akalain na pupuntahan ako ni Drake sa bahay. Alam kong nakarating sa kanya ang balita. Nasa mukha niya ang labis na kalungkutan.
"A-alis ka pala? Sana bago ka umalis maayos natin ang lahat," wika niya sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid saka tumingin sa kanya. "B-ro, napatawad na kita. Sa Manila na kasi ako mag-a-aral. Doon aayusin ko ang buhay ko. Baka libog lang ang umiral sa akin." Napatawa ako sa aking nasabi pero sa likod ng bawat ngiti alam kong luha ang nakakubli.
Tatalikod na sana ako ngunit pinigilan ako ni Drake. "Bro, salamat. Sana tapusin mo ang kuwento mo. Alam ko mababasa ko ‘yan pagdating ng panahon." Niyakap niya ako. At ilang saglit bumitaw siya sa akin. "Sana maniwala ka. Minahal rin kita," sabi niya saka tumalikod palayo sa akin. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko na nagawa. Nakita ko si mama na lihim na nagmamasid sa amin. Pumasok ako ng bahay saka agad na nag-impake ng gamit. Sa aking paglisan kakalimutan ko ang naganap sa aking buhay.
LIMANG taon na ang nakakaraan. Marami na ang nangyari sa aking buhay. Graduate na ako. At isa na akong Civil Engineer. Wala na akong hahanapin pa sa aking buhay. Nagkaroon ako ng bagong buhay, maraming nakilalang bagong kaibigan, at higit sa lahat marami akong naka-sex na mga babae. Pilit kong nilabanan ang aking sarili na mahulog sa isang lalaki. Tama na ang isang pagkakamali. Si Drake na lamang ang una at huling lalaking naging bahagi ng aking buhay. At doon ko natuklasan na lalaki rin pala ako. Isang lalaking may nakatagong nakaraan, isang lalaking nabiktima ng karahasan, at isang lalaking nagmahal sa isang kapwa lalaki.
Buwan ng Disyembre ay hindi ko makakalimutan. Isang babae ang nasa harapan ko. Ang kanyang maamong mukha ay hindi ko makakalimutan. Isang babaeng pansamantalang naging bahagi ng aking buhay.
"A-ana?" Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa siyang muli. Natuklasan kong nakita niya ako habang namimili ng regalo sa isang mall. Sinundan niya ako hanggang sa maabutan niya ako sa isang coffee shop.
"Ikaw ba si Renato?" wika niya habang kinikilala niya ako. "Ikaw nga!" Hinawakan niya ang aking kanang kamay.
Nagulat ako sa aking natuklasan. Ipinagtapat niya sa akin na pakana niya ang lahat. Siya ang nag-utos sa kanyang mga kaibigang lalaki na bugbugin ako. Ipinagtapat sa kanya ni Drake ang namagitan sa amin. Sa tindi ng galit niya kaya nagawa niya ang mga bagay na iyon.
Nalaman ni Drake kaya pinuntahan niya ako. Wala siyang nagawa dahil tinakot siya na kapag tumutol siya ipagkakalat niya ang namagitan sa amin. Kinausap niya ang isang lalaki para tigilan na pero huli na ang lahat.
"Gusto kong maayos ang lahat. Puntahan mo siya. Hinihintay ka niya," wika sa akin ni Ana.
HINDI ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto kong makita si Drake. Umuwi ako ng probinsya. At kahit pagod na pagod ako sa byahe ay pinuntahan ko si Drake. Wala siya sa bayan. At natuklasan kong nasa bahay kubo siya. Ang lugar na hindi ko makakalimutan.
Napahinto ako nang madaanan ko ang damuhan. Bumalik sa aking alaala ang naganap sa aking buhay. Kailangan ko pa bang balikan ang nakaraan?
Natanaw ko ang bahay kubo. Lumang luma na ito. Sira na rin ang bubungan nito. At sa tingin ko masisira na ito ng isang mahinang bagyo. Bumukas ang pintuan nito. At nahagip ng mga mata ko ang isang matipunong lalaki. Mahaba ang buhok na bumagay sa kanyang bagong ahit na bigote. Napatingin ito sa akin. Nagkaroon ng kurba ang mga labi nito. At masayang lumapit sa akin.
"Bro," Sabik na niyakap ako ni Drake. Hinampas-hampas niya ang aking katawan. Ginulo ang maayos kong buhok. "Puta, pare ang gwapo mo pa rin," dugtong niya. Niyaya niya ako na maupo sa nakatumbang puno ng Mangga.
"Kumusta ka?" tanging sambit ko. Nag-init ang aking mga mata. Pakiramdam ko hindi ko napipigilan ang nararamdaman ko. At kahit anong gawin ko alam kong masaya ang puso ko.
"Bro, tagal kitang hinintay. Akala ko nakalimutan mo na ako." Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Sana napata__."
Hiniwakan ko siya sa kanang kamay. "Bro, kalimutan natin ang naganap. Alam mo naayos ko na rin ang buhay ko. Ikaw nga lang ang....."
Tumayo siya. Pinagmasdan ako. "Ako rin bro, inaayos ko rin ang buhay ko. Tama ka hindi pa huli ang lahat," sabi niya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.
Tumayo rin ako. Nagkaharap kami. At nakiramdam sa bawat isa. Naririnig ko ang pagtibok ng kanyang puso. At hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya. Iniangat ko ang aking mukha at kusang lumapit ang kanyang labi sa labi ko. Mainit, nakakapaso ang kanyang hininga at dulot nito ang kahinaan ng aking pagkatao.
Bahagya niya akong itinulak. "Tama na! Sabi mo hindi dapat, diba?" Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Ika-kasal na ako kay Ana."
Nakagat ko ang aking labi. At kahit nasaktan ako ay itinago ko. Hinanap ba ako ni Ana para humingi sa akin ng tawad o ipaalam sa akin na ikakasal na siya sa lalaking naging bahagi ng aking buhay?
"Dr-drake, m-masaya ako para sa'yo." Pumatak na ang mga luha ko. At hinayaan ko itong dumaloy sa aking pisngi. "Hinding hindi kita makakalimutan," wika ko bago ako tumalikod palayo sa kanya.
Mabigat ang mga hakbang ko. At kailangan kong tanggapin sa aking sarili na hindi tama ang umiibig sa isang lalaki. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko. Pero alam kong talo ako. Isa akong tao na marunong magmahal. Isang taong nadadarang at natutukso. Hiram lamang ang pag-ibig ko kay Drake. Isang hiram na kailanman ay hindi magiging akin.
Sampung taon na ang nakakaraan. Marami na ang nangyari sa aking buhay. Nakalipat ako sa isang magandang bahay. Tagumpay ako sa larangan na aking napili. Maliban sa pagiging Civil Engineer ay naging magaling na manunulat ako. Isang nobela ang nailimbag ko. At ito ang buhay ko kapiling si Drake.
Aaminin ko sa aking sarili na nagpakatotoo ako. At hinayaan ko na tuluyang mahulog ang pagkatao ko sa tinatawag nilang ladlad. Bakit ako mahihiya? Bakla, bi, silahis o ano man ang itawag sa akin ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga wala akong tinatapakang tao. Ganito ako! Eh, ano naman?
Ibinuhos ko ang aking oras sa aking trabaho. At sa pag-aalaga sa aking pamangkin na lalaki.
"Tito, punta ka sa kismas party namin," sabi ng batang pamangkin ko. Grade one na siya. At dahil nasa ibang bansa ang kapatid at asawa nito ay ako na umako sa pag-aalaga kasama ang aking Mama.
"Oo naman," tugon ko sa pamangkin ko.
Bumilog ang mga mata nito. "Papakilala kita sa bespren ko."
MARAMI na ang tao sa loob ng paaralan. Makikita sa mga mukha ng mga bata ang labis na galak. Bawat isa ay may dalang regalo.
"Tito, ayun Ren-ren," wika ng pamangkin ko sabay turo sa isang batang lalaking palapit sa aming kinatatayuan.
"Katama ko Tito ko," sabi ni Brybry sa kanyang matalik na kaibigan.
"Katama ko daddy ko." Nginitian ako ng bata. At ilang saglit nagtatalon ito nang makita ang paparating sa aming kinatatayuan. "Ayon, daddy ko."
"Renren halika na sa daddy."
Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang boses ng isang lalaki. Lumingon ako para makita ang pinanggalingan ng boses. Mula sa aking kinatatayuan ay matamang pinagmamasdan ko ang lalaking papalapit sa amin. At para akong binuhusan nang malamig na tubig sa aking nakikita. Si Drake, ang lalaking naging bahagi ng aking buhay. Ang kanyang mga ngiti ay kumiliti sa aking puso. Mamang-mama na ang dating niya. Lalong lumaki ang kanyang pangangatawan. At taglay pa rin niya ang maaamong mukha.
"Bro," hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Drake. Nagkatinginan kami na may mga ngiti sa labi.
"Daddy," lumapit sa kanya ang kaibigan ni Bryan. Niyakap niya ang kanyang anak. Lumuhod ito para mabigyan ng halik ang bata. Tumayo si Drake na may kurba sa kanyang mga labi.
“Bro, kumusta? Anak ko. Si Renato. Renato pangalan niya," wika nito sa akin. Hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nararamdaman ko. Nag-init ang aking mga mata. At ilang saglit nilapitan ko siya para mabigyan ng isang yakap. Sa muling pagkakataon ay naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.
"Hindi ko akalain na muli tayong magkikita. Drake, pinasaya mo ako," tugon ko sa kanya. Nakita ko na umalis ang dalawang bata at masayang naglaro sa di-kalayuan. Inakbayan ako ni Drake.
"Alam mo hindi kita pwedeng kalimutan. Sana maniwala ka na minsan minahal kita."
Tuluyan nang pumatak ang aking mga luha. "Alam mo nabili ko sa bookstore ang libro mo. Ang tungkol sa ating dalawa." Ginulo niya ang pagkakaayos ng buhok ko. "Sige, hinihintay na kami ni Ana."
Nakita ko si Drake na nilapitan ang kanyang anak. Lumapit sila sa akin. At ilang saglit nagpaalam na ang mag-ama. Kinalong niya ang kanyang anak. At masaya namang kumakaway sa akin ang kanyang anak. Ang batang pinangalan niya sa akin. O, kay sarap sa pakiramdam. Hindi ko inaakala na ganoon ako kahalaga kay Drake.
Habang papalayo sila sa amin. Ay hindi ko mapigilan ang magpasalamat sa itaas. Alam kong ginusto niya ang nangyari sa amin ni Drake.
Kung dumating man ang araw na mag-isa akong tatanda. Alam kong nasa puso ko ang pagmamahal. Si Drake, ang una at huling lalaking mamahalin ko.
Ang buhay ay hindi fairy tale na laging happy ending. Pero sa kwento ko alam kong isa itong happy ending. Happy ending dahil nakilala ko ang pagkatao ko. At naituwid ni Drake ang kanyang pagkatao.
Salamat Drake! bulong ng aking isipan. Umaasa ako na darating ang araw na muli kaming magkikita. At ipinapangako ko sa aking sarili na hindi ko guguluhin ang maganda nilang pagsasama ni Ana. Magkita man kaming muli.
Di ba ako'y tao lang na
Nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin
Nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin
WAKAS
3 comments:
sa maibigan ninyo..... ^_^
(T_T)....speechless!!!....
very nice.... !!!
Post a Comment