Thursday, September 29, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 14)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater


             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING



             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)








            Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagsasama natin hanggang sa chapter na ito. Maraming salamat po sa pagbabasa at pagsupport sa story na ito.. Hindi ko aakalain na dadami kayo ng ganito. Kaya maraming maraming salamat po talaga. Sana magsama sama tayo hanggang sa huli.

            Muli, ay nais ko pong pasalamatan sila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

             Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!!

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!!!

            ENJOY!!!!!! :)





          Pagdating na padating ko kaila Art ay agad akong bumaba ng tricycle at tinungo ang bahay nila Art. Pero ng makapunta ako dun ay tumambad sakin ang isang nakatayong tao sa harap ng gate nila Art at sa ichura nya tila ay parang may hinihintay din siya..


Si Jenny.

Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay sumenyas lang ito na lumapit gamit ang ulo nya. Dahan dahan ako napalapit at ng tuluyan ng makalapit ay umiling iling ito at yumakap sakin. Unti unti nanamang namuo ang luha sa mata ko. At naramdaman ko na ang pagbagsak nito.

“I was too late….”

Kahit pa nasa gitna ng kalsada ay di ko na napigilan na hindi umiyak. Sising sisi ako dahil di ko sya naabutan.

            Nilinga ko ang bahay nila Art na mas lalong nawalan ng buhay ngayon pang wala na sya dun. Humagolgol ako habang yakap yakap ako ni Jenny. Kung sana mas napaaga lang ang pagpunta ko. Taena….

 Pumara naman ng tricycle ulit si Jenny at inuwi ako samin.

            Habang nsa loob ng tricyle ay humahagulgol ako.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naiinis ako kay Art dahil bakit hindi man lang nya sinabi sa akin na aalis pala sya. Napaka unfair! Hindi ko alam ang sasabihin sa sarili upang kumalma. Hinayaan lang din ako ni Jenny na umiyak ng umiyak.

Pagpasok ng bahay at tinungo agad namin ang kwarto ko. Humiga ako sa kama at dun na nagiiyak ng tuluyan. Umupo lan si Jenny sa tabi ko at umiiyak na rin. Alam nya ang nararamdaman ko kahit di pa ako magsalita.

            Bigla ko dun naalala ang lahat, ang text ni Jenny na “make things right before its too late.” Ang pakikitungo ni Art sakin kahapon. Kaya pala balisa sya at malalim ang iniisip kahit ano pang pagpapasaya ang ginawa ko sakanya. Mas lalo akong humagulgol at nagiiyak.

            “Kung alam ko lang!! TANGINA!!! KUNG ALAM KO LANG!!”, sinisigaw ko sa utak ko habang nagiiyak pa rin. Sobrang sakit at hirap para sakin ang desisyon ni Art na yun. Hindi ko maiwasan na di magkaron ng galit para kay Art. Bigla akong bumangon at sinigawan si Jenny.

            “Bakit hindi mo sinabi sakin??!!!”, pasigaw at galit kong sinabi. Umiiyak pa rin si Jenny. Pero pilit nya kumalma at pinunasan ang sariling luha.

            “Jerry, I tried telling you.. Pero you won’t answer my txts and calls. Lahat kami gumawa ng paraan para masabi sayo, pero naging mailap ka. I’m so sorry Jerry.”, kalmadong sagot nya.

            “He wanted to tell you himself at nirespeto naming lahat yun. He blames himself for everything. I know you don’t blame him.. pero iba sakanya..”

            At dun, mas naguilty ako. Kung sana hindi ako nagpakaselfish edi sana nalaman ko ng maaga. Sana napaghanadaan ko ang araw na to. Edi sana mas bonggang preparation ang ngawa ko sa pagsurpresa kay Art. Pero I guess I was too late. Sa sobrang sakit ay niyakap ko si jenny at sakanya nagiiyak.

            “J-J-Jenny… …ang.. sakit…”

            “I know Jerry, pero be strong.”

            At nagiiayak pa din ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari. Sana isa lang tong masamang panaginip. Pero hindi ee.. Tunay ang lahat lahat ng nangyayari. Hanggang sa nagpahinga muna ako sa pagiyak at gusto muna kausapin si Jenny. Umupo ako at nagpunas ng luha. Inhale. Exhale. Isang malalim na paghinga. Kinuha ko sa bulsa ang sulat ni Art at inabot kay Jenny at pinabasa ito.

            “I knew about the first letter, kasama ko sya ng ginawa nya yan, nagaayos kami sa bahay nila nun ng mga gamit nya na dadalhin nya papuntang Amerika. Medyo late na nga kami nakauwi ee. Ako sana magbibigay sayo nyan pero sabi ko wag pa din sya mawalan ng pagasa.”

            Natahimik ako at naalala ko ang eksena sa bahay nila Art. Kaya malamang ayaw nya ko papasukin sa kwarto nya ay dahil baka makita ko ang mga gamit nya. Ang sinabi ni Albert at ang pagcut ni Tita Marissa sa anak. Dun ko napagtanto na ayaw nila pangunahan ang anak. Kaya rin pala ganun na lang din ako yakapin ni Tita bago kami umalis.

            “Jenny… may itatanong ako sayo.. Gulong gulo na kasi ako sa mga nangyayari.. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko….”

            Nagbuntong hininga si Jenny at nagbigay ng isang tingin na tila ay pagod na pagod na.

            “Jerry.. alam mo.. I’ve been helping you figure that out this entire time. At yan din ang tanong na pinakahihintay ko galing sayo.. Pero di ko sasagutin yan. Tutulungan kitang sagutin ang mga yan sa pagtatanong din sayo. Gusto ko sagutin mo ang mga tanong ko sayo.”

            Tumango lang ako.

            “Ok.. Una, bat sa tingin mo nagalit si Philip ng makita ka nya na nakayakap kay Art?”

            “Hindi ko alam…”

            “Jerry, be honest. Kahit ngayon lang.. Please. Di kita matutulungan pag di ka naging honest sa sarili mo.”

            “Jenny, how am I suppose to know? Ako ba si Philip?”

            “Oo, youre not Philip, pero youre not stupid din.”

            Napaisip ako. Alam ko naman talaga ang sagot pero ayaw ko aminin.

            “Hmmm.. baka.. nag.. nagseselos? Pero imposibl..”

            “Oo, nagseselos sya Jerry. Sa wakas! Nagets mo din!”

            Natahimik lang ako. At syempre in shock sa nalaman. Bakit sya magseselos?

            “Bakit sa tingin mo nasasaktan ka ng tuluyan sa pagaaway nyo ni Philip? At bakit ka din nasasaktan ngayon na wala na si Art?”

            “Kasi bestfriend ko sila, at wala na sila?”

            “Jerry, honest sabi.”, medyo tumaas at matigas ang pagkasabi ni Jenny.

            “Jenny…….”

            “Hmmmm??”

            “Mahal daw ako ni Art….?”

            “Alam ko. At alam namin nila Ben. Matagal na.”

            “You knew?”

            “Oo, pero tulad ng sabi ko, I wanted you to figure this out on your own. Tulad ng sabi ko sayo, pakatotoo ka.”

            Speechless ako at nagisip mabuti.

            “Jerry, ano naramdaman mo ng halikan ka ni Art o ni Philip noon? Alam ko nagulat ka sa tanong na to, pero alam ko ang ibang detalye dahil nagsasabi sila sakin.”, pero tahimik pa rin ako. Hindi ko alam ang isasagot.

            “Osige, ganto nalang. Bat sa tingin mo ganyan ang nararamdaman mo? Yung totoo jerry ha.. Yung totoo..”

            Napaisip ako ng malalim. Sinariwa ang bawat alala. Bawat kasiyahan, kalungkutan, sakit at kaginhawaan na nadama ng mga panahon na naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nagisip ako ng malalim. Mas nagdikit dikit na ang lahat ng pangyayari sa utak ko. Ngayon. Sure na ako. Alam ko na kung bakit all this time, eto ang nararamdaman ko. Ito lang pala yun. Ito na pala. Tumingin ako sa mga mata ni jenny at sinabing..

            “Hindi ko alam Jenny”, at napaluha nanaman ako. Nagiiyak.

            “Jerry, if you still continue to deny everything. Hindi na kita matutulungan. Hindi ko kaya if you wont help yourself din.

            “Jenny.. mahalaga sila sakin! Ayaw ko silang mawala sakin! JENNY MAHAL KO SILA!!!!

            Tumango si Jenny sa pagsangayon. Pero nang makita nanaman akong iiyak, e biglang naramdaman ko naman ang kanyang palad na tumama sa mukha ko.

            PPPPAAAAKKKKKKKKKK!!

            “ARAY! Para saan yun?!”, medyo inis kong sinabi kay Jenny.

            “Baka kasi makatulog ka nanaman! Buti naman, narealize mo na ang totoo! Ewan ko ba naman kasi sayo! Ang lakas mo maka tanga! E kung noon ka pa sana umamin dyan sa sarili mo! Edi sana wala tayong problema pare pareho.”

            Nanahimik ako at unti unti nanamang umiyak. Sumasariwa sa isip ko ang nangyari kahapon. Ang pagsurpresa ko kay Art sa bahay nila.. Ang paglabas naming dalawa.. Ang pagkanta ko sa karaoke.. Ang pagnood naming ng sine.. Ang pagiging sweet naming habang kumakain.. Ang mga nangyari dito sa bahay.. Ang mga yakap at halik.. Tangina.. Ang sakit..

            “Jenny, alam mo ba yung feeling na katatayo mo palang, e babagsak ka na uli? Jenny, Akala ko, finally, things are going well. Unti unti nang maayos ang mga bagay sa buhay ko.. Things are finally falling to its proper place. Pero I thought wrong. I didn’t see this coming.”, pagmamaktol kong sinabi kay Jenny..

            Natahimik si Jenny at hindi agad makapagsalita. Tinitingnan lang ako nito at inaamo ako. Hanggang sa nagsalita ito.

            “Jerry, sa unang pagkakataon, di ko alam ang sasabihin ko sayo….”

            “Ganto pala kasakit ang magmahal Jenny..”

            Sa wakas, natauhan na rin ako. Sa tinagal tagal ng panahon, naamin ko na rin sa sarili ko na nagmamahal pala ako. After ng ilang chapter nyo na pagbabasa ay ngayon ko lang naamin sa sarili ko na nagmamahal pala ako. Ang tagal ko nasa denial stage at eto ang humantong.Wala na si Philip.  Wala na si Art……. :( Sad.. pero totoo….


            Sa natirang isat kalahati pang bwan na bakasyon ay nagkulong lang ako sa bahay. I chose to go through with it alone. Masakit at mahirap. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang nangyari sakin noon sa sakit. Nawalan ako ng gana lumabas, kmain, at makipag socialize.. In short, broken hearted ako..


           



            Nagsimula na uli ang classes namin para sa 4th year. Hindi ko man sure kung paano ko pa rin haharapin ang bukas ngayong naamin ko na sa sarili kong mahal ko si Art.. Pero wala na sya. Wala ng susundo sakin sa umaga, wala ng babati sakin ng umaga ng isang napakasiglang “Good Morning!”, wala ng mangungulit sakin pagupong pag upo pa lang, wala ng mangaasar at magpapatawa sakin, wala na kong kasabay umuwi. Nakakadepress..

            Nagsimula ang unang linggo ng klase at ako’y naghihintay pa rin ako kay Art. Baka kasi mag late enrollee lan xa. Pero mukhang bigo ata ako. Di ko tuloy maiwasang maghinayang sa sinayang kong pagkakataon. Malungkot ang naging simula ng taon ko. Bigla ko tuloy namis ang unang araw ko sa klase last year. Napakaraming masayang alala ng mga araw nay un. Lahat kasi bago sakin. Bagong kaklase, bagong kaibigan, bagong pagtuklas sa sarili. At ganun din naman ngayon, kaso ibang iba. Bagong kalungkutan, kasawian, at problema.

            Pilit kong di isipin ang lahat ng kalungkutan na nadarama at nag focus na lang ako sa studies ko. Total, graduating na ko this year kaya kailangan mas pagbutihin ko. Pero alam nyo, sa kabila ng lahat ng yun, masakit at mabigat sa loob ko ang lahat. Araw araw ay namuo ang galit sa puso ko. Galit para kay Philip kasi pakiramdam ko wala syang kwentang kaibigan. At ang kay Art naman ay dahil bigla nya kong iniwan. He had the chance to tell me pero bakit hindi nya ginawa? Iiwan din pala nya ko. Parehas lang sila ni Philip.

            Nagbago ang paguugali ko nung 4th year, naging babaero ako at nagkaroon ng ilang girlfriend. Madalas man ako pagsabihan ni Jenny ay minsan ay nababalewala ko na ito.  Gumawa ako ng bagong ako. Mas matatag, mas matapang, at mas buo ang loob. Kung kani kanino ako nakikipagdate. Mapababae man o lalake. Yung iba pa nga ay inuuwi ko sa bahay. Though wala pa akong inuwing lalake sa bahay para maka sex. Ewan ko, pero ayaw ko pa rin. Hanggang flings and flirts lang ako. Unti unting tumitigas ang puso ko. Nakalimutan ko na si Philip at si Art, dahil napalitan na ng galit lahat. Nakakalungkot mang isipin, pero totoo. Naglaho na ang pagmamahal na nararamdaman ko para sakanila.


Tapos ang storya.


Syempre hindi pa. Pero totoo, nawala na ang pagmamahal ko para sakanila. Pakiramdam ko naman kasi hindi ako pinahalagahan. Or kung ako man ang hindi nagpahalaga, basta ang isip ko nun, iniwan ako. Tapos.

Dumaan ang halos isang bwan at walang Art na nagpakita. Dala ko pa rin ang sakit at kirot sa puso ko. Pakiramdam ko nagiisa ako. Oo, sige, andyan ang mga kaibigan ko, pero alam nyo ang pakiramdam ng pag nagmamahal kayo diba? Hindi madali isang tabi ang lahat ng sakit.

Dumaan uli ang botohan at victory party. Naalala ko ang kaganapan last year na inlove ako at excited dahil may girlfriend ako at nagmamahal ako. Ngayon, may girlfriend ako, si Joyce, pero di ko sya maseryoso. Pangit man pakinggan, pero totoo. Puno ng pagkabitter ang utak at puso ko. Ayaw ko na masyado maging emotionally attached dahil ayaw ko ng masaktan! Masisi nyo ba ko kng ganun?! Two people at almost the same time ang nanakit sakin. How could I easily cope with that? Yes, I’m a strong person, pero remember, even strong people grow tired and weak.




Dumaan pa ang araw at panahon at ganun pa din ang sistema ko. Bitter sa mundo at sa love. Hindi ako pumapasok sa isang seryosong relasyon. Usually ay papalit palit na ko ng girlfriend at kadate. Hindi na ata nagustuhan ni Jenny ang pinaggagawa ko, kahit sino naman yata. Pero she remained a friend to me. So gumawa sya ng way para matulungan ako.

Isang araw sa school habang nag P.E kami…..

“Jerry, samahan mo ko mamaya ha.”, sabi ni Jenny.

“Saan tayo pupunta? May date ako mamaya.”

“Pagbigyan mo naman ako?? PLEASE??”, nakangiti at pagpapacute nyang sinabi. Hindi na tuloy ako makatanggi. Sa lakas din ba naman ni Jenny sakin.

“Osige sige. Payag na ko. Pero san ba?”

“Yehey! Basta! Later!”, nakangiti nyang sinabi.

Natapos na ang klase at naglakad na kami ni Jenny. Papunta sa school gym. Ano ginagawa namin dito?! Nakita ko ang grupo ng kalalakihan at kababaihan na naka jogging pants at rubber shoes. Ano meron?

“Magttry out ka ha!”, nakangiting sabi ni Jenny.

Napanganga lang ako sa sinabi nya.

Oo nga pala! Member nga pala si Jenny ng pep squad. Kaya naman sexy at malakas ang dating din nito dahil isa sya sa mga hottest cheerleaders ng school. In fact, sya ang captain ng high school division.

“Magttry out ka ha!”. inulit nyang sinabi sakin.

“Gago ka ba? Bat ako papasok dito?”, tugon ko kay Jenny.

“Jerry, bes, pagbigyan mo na ko. Hmmm.. Namimis na din kasi kita kabonding. Eversince school started, alam natiin pareho na nagbago ka. And as ur friend, iniintindi ko yun. Pero at the same time, gusto pa din kita tulungan.”

“Pero Jenny…………. PEP SQUAD??!!”

“You trust me, right?”

“Oo naman.”, tanging tugon ko.

Hindi ko alam kung anong parte ng pagtulong ni Jenny ang pagsali ko sa pep squad. Hindi ko kasi maconnect. Ano naman kinalaman ng pep squad sa pagbabago ko? At pano yun makakatulong? Napakamot ako sa ulo at hindi ko maintindihan. Pero sa laki ng utang na loob ko kay Jenny ay napapayag na rin ako.

Pumunta na kami sa grupo at pinakilala nya ko isa isa sa mga tao dun. Yung iba ay kakilala ko dahil nakikita ko na sa school. Mga kaibigan din ang iba, kaso di masyado close. Nakilala ko rin ang mga college na iba dahil nga friendly ako DATI. Pinakilala din ako sa coach, si Gabriel or Gab for short. Bata pa sya di tulad ng inaasahan ko na coach. Isip ko kasi pag coach, matanda na. Pero ito, apat na taon lang ang tanda nya sakin. Hindi sya katangkaran, pero gwapo sya. Makapal ang kilay, matangos at maliit ang ilong, manipis ang labi, at napaka pungay ng mga mata. Una kong naging reaksyon sa isip ko nung nakita ko sya ay, “Hmm, mukha syang pusa.”

Hindi naman sa pagmamayabang, pero marunong din ako sumayaw. Dancer din kasi ako nung elementary. Active ako sa mga programs at madalas ay ako pa ang leader. Sanay din ako magturo ng sayaw dahil kami kami lang din ang bumubuo ng step. At isa pa ay mahilig na talaga ako sa musika bata pa lang ako. Kaya mabilis ako maka pick up ng steps at makasabay agad. At dahil dun, natanggap ako.

At yun na nga ang naging sistema ko. After school ay nagprapractice na ko ksama si Jenny sa pep squad. Unti unti ko ding di napansin na bumabalik na ang dati kong sigla. Nawawala na ang pagkabitter ko sa mundo. Nakahanap ako ng bagong pagibig: Ang Pagsasayaw.

Nawala na rin ang pagiging maloko at babaero ko. Mas nakafocus na rin ako sa studies ko. Hindi ko napansin na pag gising ko na lang isang araw, umayos at bumalik na uli sa normal ang buhay ko. Salamat ULI kay Jenny.

“Bes, salamat ha.”

“O anong drama yan?! Salamat saan?”

“Sa lahat. Dito. Tinulungan mo nanaman ako.”

“Nako Mr. Jerry Cruz, ewan ko nga din ba, bat kita pinagtyatyagaan. Hahaha! Siguro kasi Ive always wanted a little brother.  And mabait ka naman.”

“Ang laki ng naitulong mo sakin Jenny.”

“Bes, alam mo masaya ako kasi nakikinig ka sakin. At natutulungan kita. Kaibigan mo ko diba? BESTFRIEND! So, role ko na tulungan ka at wag ka iwan. Kung di ko gagawin yun, then I must say na failure ako sa pagiging kaibigan.”

Niyakap ko lang si Jenny sa sobrang thankful sa kanya. Hindi ko alam kung pano sya lubos pasasalamatan sa kabaitan nya sakin. Tunay syang kaibigan. (To all the readers, gusto ko lang sabihin sa inyo na jenny was a real good friend. She helped me in a lot of ways. At sya ang takbuhan ko hanggang ngayon. We are still bestfriends hanggang ngayon. :p )

“Ang drama naman! Pinaiiyak mo ko ee! Tara na nga! Stretching na!”

Naka isang bwan na kami sa school at mas humihirap at dumadami pa ang projects namin. Pero okay lang, ugali ko kasi na gawin agad ang project at ayaw ko natatambakan. Kahit pa may training ako at gabi na naatatapos ay hindi ko pinabayaan ang pag aaral. Kaya naman ginawa kong negosyo ang pag gawa ng project ng iba. Ang dami kasi saming tamad na gumawa or sadyang di daw kayang pagsabay sabayin lahat. Lalo na ang mga reaction papers, book reports, at essays. Forte ko kasi nun ang pagsusulat ng ganun. Kaya ayun, kumikita ako sa mga kaklase kaya nagkakaroon ako ng pang gimik.

Binigyan kami ng book report at illustrative Art isang araw ng teacher namin. Mukhang pagkakaperahan ko nanaman ito. At tama ako, marami kasing hirap sa pag gawa ng book report. Kaya hapon pa lang ay mga nagpareserve na agad.

Pag uwi  ko ng bahay ay sinimulan ko na agad ang akin. Nagkataon kasi na nabasa ko na ang librong pinapabasa samin ng teacher naming kaya mabilis kong natapos yun. Kaya sinimulan ko naman ang isa ko pang project, yung art. Kinuha ko sa cabinet ang materials ko sa pagddrawing at nilapag sa lamesa. Sisimulan ko n asana ng bigla kong naalala si Philip. Naalala ko kasi, dati, sya ang usually na gumagawa nun para sakin. Magaling kasi silang kambal sa pagddrawing talaga. Naalala ko ang lahat ng masayang memories namin. Hindi ko alam bakit nararamdaman ko nanaman yun. Dahil ba wala na si Art at si Philip ang nakikita ko sa school? Pero di naman kami naguusap ni Philip ah.. Kahit pa nagkikita kami sa school at nagkakatinginan minsan ay never na kami ulit nagusap. Nawalan tuloy ako ng ggumawa ng project. Kaya niligpit ko na lang muna ang gamit at pumanik na sa kwarto.

Isang gabi ng matapos ang training naming ay agad akong umuwi. Medyo pagod at antok na kasi ako. Buti na lang tapos na ko sa mga book report na pinagawa sakin. Matagal pa naman ang pasahan nung sa art kaya sa susunod ko na lang gagawin. Sabay kaming umuwi ni Jenny dahil malapit lang din ang bahay nya sa amin. Pagkadating ko sa may sakayan ng tricycle sa amin ay naisipan ko maglakad. Gusto ko kasi dumaan dun sa tapsihan sa amin para dun na lang kumain ng dinner at tinatamad na ako magluto. Kaya naman naglakad na lang ako at nagtake out ng pagkain.

Naglalakad ako at natatakam sa biniling liemposilog dahil naamoy ko ito habang naglalakad. Mas binilisan ko ang paglakad dahil mas lalo akong ginugutom sa amoy. Pero di ko lubos akalain na pagdating ko sa kanto naming ay matitigilan ako sa paglalakad. Sa harap ng bahay ko mismo, ay may nakatayong lalake. Sa tikas at pagkatayo pa lang nito ay kilala ko na sya agad. Kahit pa naka side view ito ay alam ko syang yun. Hindi ako maaring magkamali. Alam ko sya talaga yun kaya kinabahan ako.

Hindi ako agad naglakad papunta sa amin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong iisipin. Ang dami kong tanong sa sarili. Bakit sya andito? Anong ginagawa nya? Bat sya naghihintay sa harap ng bahay ko? Ano to? Nalilito ako. Anong ginagawa mo dito……….

Philip??????!!!!

(Itutuloy...)

2 comments:

Uri_KiDo said...

naawa na ako kay Jerry... hindi naman niya sinasadya eh!

Philip, please be careful with his heART! hehehe

JeArt fan here :)

____Kuya Ken ganda po nang takbo nang story ninyo... keep up the good work po... isa po ako sa mga tagahanga... at itong kwento po ninyo ang naging inspirasyon ko na ibahagi sa iba yung kwento ko po :) More power po!

Anonymous said...

Been reading this story for a while, nice concept, the flow of the story is also good, sana umuwi na si art at ng marape nya si jerry LMAO!!!