CHAPTER 15: ANG PAGWAWAKAS
Dumating ang araw nmg Finals ng Cheer Fest. Kabado man ay puno pa rin ng determinsyon at kompyansa ang DSU para manalo ng Championship. Matapos maka pag perform ang lahat ng finalists ay isang intermission number mula sa Philippine Cheerleading Team.
“No matter what happened, for me kayo ang champion.” Si Austin. “Salamat. Pero sana makuha natin ung Championship para naman kay Kuya Raf at sa mga seniors na pa graduate na.” si Aki. Magkatabi sila sa upuan habang magkahawak kamay. Di kalayuan sa kanila ay sila Darwin at Raf. “Mas kinakabahan pa ata ako kaysa sa’yo.” Si Darwin. “Ano ka ba, alam kong maganda ang performance naming at wala kaming errors. Panatag ako na makukuha na natin ang Championship.” Si Raf. Isang halik sa pisngi ang ibinigay ni Darwin sa kanya. “Yan ang Kap ko, positive person.” Si Darwin Matapos ang intermission number ay inannouce ang mga prizes at pinasalamatan ang mga sponsors.
“Ladies and Gentlemen, I have now the results for this year’s winners. But before we announce the winner we would like to congratulate all the schools from the Elimination to the Finals for doing a great job and for making this year’s competition exciting. You are all winners. So here we go!” ang emcee.
“Our 2nd runner up to receive a trophy and a check for P30,000.00, with a score of 93.16%. Congratulations to.. MARANATHA LEARNING CENTER of CEBU!” ang emcee ulet. Nagtayuan ang mga members ng squad para kunin ang kanilang premyo.
“Congratulations, guys!” and this year’s 1st runner up to win a trophy and P70,000.00. With a total score of 94.96%....
Halos hindi na humihinga sila Raf, Aki at ang buong team. Nakayuko lamang sila na tila nag dadasal na wag tawagin ang kanilang pangalan. Si Austin at Darwin naman ay naka fingers cross pa.
“Congratulations to… MARIANO GUZMAN UNIVERSITY from South Luzon! Halos di makapaniwala ang members ng Mariano. Hindi nila nagawa ang fourpeat championship na inaasahan nila. Tinanggap nila ang tropeyo at ang malaking tseke ng nakangiti bagamat bakas sa kanila ang panghihinayang at pagka dismaya. Kung tutusin iilan lang ang magagaling sa finals. Halos mabibilang sa daliri ang mga squad na talagang nagpamalas ng kagalingan sa kompetisyon.
“Congratulations, guys! And this year’s Champion for the 2010 Cheer Fest. With a score of 94.98%...” and emcee. Naghiyawan ang mga audience pati na rin ang mga kasaling squad dahil sa sobrang dikit ng score. Napakamot naman ng ulo ang ibang members ng Mariano ng marinig ang score ng squad na tumalo sila.
“They will receive P150,000.00, a trophy and the bragging rights as this year’s champion… and that school is…” pag bitin ng emcee.
Halos wala ng marinig sila Aki at Raf sa lakas ng kabog ng dibdib nila. Ang ibang members na babae ay naluluha na sa sobrang nerbyos nila.
CONGRATULATIONS to… DOMIGUEZ STATE UNIVERSITY from South Luzon!!!
Halos mawalan ng boses silla Aki at Raf sa kaka sigaw sa sobrang saya. After 3 years ay sa wakas, nakuha din nila ang championship. Pati sila Austin at Darwin ay halos mahulog sa kakatalon mula sa kinauupuan. Sabay sabay silang bumababa sa dance floor para kunin ang kanilang premyo at ang pinaka mimithing tropeyo. Yakapan at hiyawan ang makikita sa mga nanalo, maging ang Mariano Pep Squad ay nakipag group hug sa kanila. Natapos ang kompetisyon ng masaya at maayos.
Isang linggo matapos ang finals ay nagging busy na sila Darwin at Raf sa pag aaral nila, dahil nga parehong graduating at OJT na nila next semester. Sila Aki at Austin ay nagging busy din sa pag aaral at sa darating na University Week. Si Austin naman ang susuportahan nila sa paglaban para sa Mr. and Ms. University.
“Excited na ako sa University week, sana manalo ka” si Aki habang nagsusulat ng mga notes na na missed nya dahil sa Cheer Fest. “Kahit di ako manalo, okay lang un sa akin.” Si Austin. “Eh dapat manalo ka, saying ung effort mo at saka saying ung prize.” Si Aki. “Prize talaga ang habol mo? Ahahahaha.” Tawang tugon ni Austin. “Biro lang, syempre kahit di ka manalo. Para sa akin ikaw pa rin ang pinaka gwapo sa buong University.” Si Aki. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Austin kay Aki. “Bear, sa bahay ka matulog. Gawa tayo ng baby.” Pilyong sabi ni Ausitn. “Tseh! Ayoko ko nga. Di mo na naman ako patutulugin. Last time na natulog ka sa amin, 1am na di mo pa ako pinapatulog.” Si Aki. “Eh kasi naman, nakaka gigil ka eh. At saka paano tayo makaka buo kung di natin uulit-ulitin” si Austin sabay hawak ng kamay ni Aki. “Basta ayoko! I limit natin ang sarili natin sa once a week lang.” mataray na sagot ni Aki. “Once a week!!! Bear naman, sige ka. Maghahanap ako ng iba.” Birong sabi ni Austin. “Eh di maghanap ka, wag ka lang magpapahuli sa akin.. talagang puputulin ko yang junior mo.” Si Aki. “Wag naman. Ikaw din. Sayang naman ito.” Si Austin. Natawa si Aki sa sinabi ni Austin. Kinurot nya ang pisngi nito sabay balik ng atensyon sa sinusulat.
Naging busy man ang apat sa pag aaral eh kada may pagkakataon na magkita sila at mag bonding ay ginagawa nila. Laging double date nauuwi ang bonding nilang apat. Kapag may tampuhan sila Aki at Austin ay sila Raf at Darwin ang tumatayong taga payo nila, nag sibling mga kuya nila sila Darwin at Raf. Maituturing na nga mag best friends ang apat. Minsan ay nag out of town sila at sa rest haouse nila Darwin sila tumuloy. Isang masayang bakasyon para sa kanilang apat, sinamantala nila ang 2 araw na walang pasok para makapag relax kahit konti bago mag Final exam. Dito lalo nilang nakilala ang isa’t isa, nalaman nila ang mga pangarap ng bawat isa ganun na din ang tungkol sa kanilang personal na buhay. Doon nalaman ni Aki ang tungkol sa Kuya ni Austin at kung bakit mahal na mahal nya ito.
“ Sana nakilala ko ang kuya mo, bear. Kasi wala akong kuya. Gusto ko rin kasing ma experience ang magkaroon ng kapatid.” Si Aki. “Andito naman kami ni Darwin eh, kuya nyo na kami mula ngayon at kayo ang mga bunso naming. Di ba Best?” si Raf. “Oo naman. Sarap kayang magkaroon ng bunsong kapatid. Kasi pareho kaming bunso nitong Kap ko.” Si Darwin. “Salamat sa inyo. Sinong mag aakala na magiging ganito tayo ka close na apat. Di ba?” si Austin. Muli nilang sinariwa ang mga pinag daanan nilang apat hanggang sa kasalukuyan. Tinawanan na lamang nila ang lahat ng mga nangyari sa kanilang apat. Pina kwento din nila aki at Austin kung paano nag simula ang love story nila Raf at Darwin. Napuno ng tawanan ang buong kabahayan habang nag kukwento si Darwin at si Raf naman ay panay ang komento sa mga sinasabi ni Darwin habang kinikilig naman sila Austin at Aki sa kwento nila.
Pagka balik sa school ay inasikaso nila Aki at Austin ang darating na University week, bukod kasi sa pageant ni Austin ay magtatayu din ng booth ang bawat colleges para sa isang linggong celebration. Dumating ang University week at halos buong araw magkaka sama ang apat. Magkatabi ang booth ng College of Education at ang College of Arts and Sciences kaya laging magkakasama ang apat. Biyernes, ang huling araw ng University week. Puno ng estudyante, mga school officials at faculty members ang auditorium para sa Mr. and Ms. University. Maging ang mga magulang at kamag anak ng mga kalahok ay nandoon para sumuporta. Doon unang nakilala ni Aki ang mommy ni Austin, nung una ay nahihiya pa si Aki pero kalaunan ay naging komportable na rin syang kausap ito at magkatabi pa sila sa upuan habang nanunuod ng pageant. Hindi alam ni Aki kung may ideya ang mommy ny Austin tungkol sa kanilang dalawa pero sa tingin nya ay okay lamang ito para sa kanya.
Nagsimula ang patimpalak at napuno ng palakpakan ang buong auditorium lalo na ng maglabasan ang mga kalahok sa kanilang summer outfit. Kitang kita kay Austin na nag eenjoy ito, samantalang tuwang tuwa naman sila Darwin, Raf at Aki pati na rin ang mommy nito.
Naka pasok si Austin sa top 5 at sa final question para sa kanya… “How do you define success?” ang isa sa mga judges. “Most of us define success by fame and fortune of a person, but for me success is waking up every morning, very excited about the new day tha the Lord gave to us. By sharing even the smallest things that you have to the people around you and by being contented of what you have but still aiming to reach your long term goal and by the end of the day, you feel that you did a very good job of showing to other people as well as to your family and friends how beautiful and wonderful life is despite of all the hardship and challenges that we encounter.” Si Austin. Napuno ng hiyawan ang auditorium, napatayo pa sila Raf at Darwin sa sagot ni Austin sa tanong. Si Aki naman ay panay ang palakpak sa husay ng sagot ni Austin, maging ang mommy nya ay walang tigil sa palakpak habang naluluha.
Nang i announce ang mga nag wagi ay nakuha ni Austin ang 1st runner up samantalang ang kanyang kapareha ay 2nd runner up naman. Di man nakuha ni Austin ang titilo bilang Mr. University ay masaya na rin sya dahil sa mga kaibigan at sa mga mahahalagang tao sa buhay nya tulad nila Kuya Raf at Darwin, ang mommy nya at ang pinaka mamahal nyang si Aki. Matapos ang patimpalak ay sama sama silang nag dinner kasama ang mommy ni Austin, si Darwin at si Raf pati at syempre si Aki.
Habang kumakain ay sinabi ni Austin sa mommy nya ang tungkol sa kanila ni Aki, wala namang tutol ang ina ni Austin. “Anak, kung saan at kung ano ang magpapa saya sa’yo. Susuportahan kita. Ang mga taong mahal mo ay mahal ko na rin.” Ang mommy ni Austin. Isang halik sa pisngi ang iginawad ni Austin sa ina. Si Aki naman ay nag pasalamat sa pagtanggap sa kanilang relasyon ni Austin. “Aki, simula ngayon ay mommy na rin ang itawag mo sa akin. Welcome to our family, anak.” Ang mommy ulit ni Austin. “Thank you po, mommy.” Si Aki. Tuwang tuwa sila Raf at Darwin sa nangyari at maging sila ay itinuring na ring mga anak anakan ng Mommy ni Austin. Naging masaya ang gabi para sa kanilang lahat.
Walang makaka pagsabi kung hanggang saan ang pagmamahalan nila Aki at Austin, Raf at Darwin. Pero isa lang ang alam nila… They will cherish and treasure every single moments that they are together…
Sa mga pinag daanan nilang apat, marami silang natutunan…
Masarap pero masakit mag mahal… pero kung pakikinggan mo lamang ang dikta ng iyong puso ay kaya mong tiisin ang sakit… sabi nga nila… Getting hurt when you fall in love with someone is inevitable, its always a gamble.. and a risk that should willing to take...
WAKAS
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Good work Gboi!
Keep on writing more stories.
...........Archimedes!
In behalf of GBOI, thanks Archimedes, busy lang ang anak kong ito. :-)
OMG as in OMG. :)) Super love the story. You never failed to make me smile, shiver and give me questions after reading every single chapters of you novel. :) Good Job!
--SLUSHE_LOVE--
Thank you slushe love
what a kilig factor...
thnks for the great story GBOI.. sana madami pang ganto kagandang kwento na magawa.. thnks again!!
keep up the good work..
-chibixaiz
Makakarating kay Gboi, dear chibixaiz. :)
Nakakakilig, napagalitan tuloy ako ingay ko raw. Pakiramdan ko bumalik ako sa pagkabata, teka, medyo bata pa naman pala ako haha. Thanks for the story, more power!
-Jin
Nice story... Ang ganda...
Post a Comment