A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 11
CHAPTER 11: Ang paghaharap 1: Rafael vs. Austin
Maagang nagising si Aki. Actually hindi talaga sya makatulog ng maayos ng ilang araw. Iniisip nya pa rin ang nangyari sa kanila ni Raf. Nalulungkot sya ka pag naiisip na baka magbago ang pakikitungo nito sa kanya matapos ang pangyayari. Parang ayaw nyang pumunta sa practice pero hindi pwede. Next week ay dress rehearsal na nila at pep rally na rin, kaya kahit may alinlangan ay nag handa na rin sya para sa practice. Matapos maka pag bihis at maihanda ang mga gamit ay tulyuang lumabas sa kanyang kwarto. Sinalubong sya ng kanyang Mommy pag baba nya sa hagdanan.
“Anak, gising ka nap ala. Kanina pa may nag aantay sa’yo sa labas. Pinapa pasok ko nga pero ayaw naming pumasok.” Ang Mommy nya.
Nagtaka sya kung sino ang nag aantay sa kanya. Wala namang nag sabi sa mga ka Pep nya na sasabay sa kanya papuntang school. Ilang members din kasi ang nakatira sa subdivision kung san sila nakatira.
“Ganun po ba. Aalis na po ako. Pakisabi na lang p okay Daddy. Sa school na lang ako kakain ng breakfast.” Si Aki. Humalik sya sa Mommy nya at lumabas ng bahay. Nagulat sya kung sino ang nag aantay sa kanya sa labas. Hindi nya alam kung anu ang mararamdaman nya, nakatayo ito sa harapan ng gate nila. Nakangiti sa kanya. Gwapong gwapo sa suot nyang yellow na tshirt at khaki pants. Napako ang tingin nya dito, pakiramdam nya nanigas nya sya sa kinatatayuan.
“Anu ba yan. Ngayon na nga lang tayo nagkita after 1 week tapos ganyan ka pa” si Austin.
“Adik ka kasi. San ka bang planeta nag punta ha?! Ni paramdam ng malamig na hangin wala..” si Aki. “Malamig na hangin? Anu ako, patay?” si Austin.
“Halika na nga, baka malate ka pa sa practice mo.” Si Austin ulet.
Habang nasa byahe ay kinuwento ni Austin kung saan sya nanggaling at bakit sya hindi nagparamdam dito ng isang buong linggo. Sinabi ni Austin na may inasikaso siya sa probinsya at hindi nya na nagawang mag paalam dito pero ang totoo ay umalis sya ng bansa for 3 days para makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag ibig nit kay Aki. Pero ang akala nyang makakapagpa limot sa kanyang pagmamahal kay Aki ay lalo lamang tumindi dahil sa loob ng 3 araw ay puro si Aki ang nasa isip nya habang nasa ibang bansa sya. Doon napagtanto ni Austin na hindi nya kayang lumayo kay Aki. Tinanggap na nya na kung hindi man tanggapin ni Aki ang pagmamahal nya ay sinabi nya sa sarili na mag aantay sya hanggang sa dumating ang araw na mahalin din sya nito. Ganun nya kamahal si Aki, handa syang mag antay at magtiis.
“So, kamusta ka naman? Anung balita sa’yo?” pag putol ni Austin ng katahimikan. “Okay naman. Eto na miss ka.” Si Aki. Lihim na napangiti si Austin sa sinabi ni Aki. Kahit papano ay sulit din pala ang byahe nya dahil na miss din pala sya ng taong patuloy nyang minamahal.
“Weh? Di nga? Parang hindi naman. Wala nga akong na receive na kahit isang message sa’yo sa Facebook.” Si Austin. “Di wag kang maniwala. At saka malay ko ba na nag fa facebook ka. Di nga tayo friends doon eh. At saka araw- araw kitang tinatawagan at tine text pero di ka nasagot at out of coverage area ka.” Si Aki. “Daming sinabi. Binibiro lang eh. Meron ka ba ngayon?” biro ni Austin. “Adik! Nagugutom lang ako. Kaya ganito ako. Heheheh!” si Aki. “Tara daan tayo sa drive thru para makapag breakfast na rin tayo bago ka mag sayaw at magtata tumbling doon sa gym.” Si Austin.
Dumaan sila sa isang fastfood at bumili ng makakain. Simpleng sandwich at orange juice ang binili nila para madaling kainin sabi ni Aki. Kumakain sila habang nasa byahe. May mga time na sinusubuan ni Aki si Austin dahil busy ito sa pag da drive. Naubos nila ang pagkain at saktong nasa school na sila, nag park si Austin ng sasakyan at sabay silang bumababa sa sasakyan. Nasalubong nila ang ilang members ng pep squad, at gaya ng unang bisita ni Austin sa practice ay tampulan sila ng tukso ng mga ito hanggang sa makarating sa gym.
Pagsapit nila sa gym ay kanya kanya na silang lapag ng gamit para mag warm up. Si Austin naman ay naupo sa isa sa mga bleachers sa loob ng gym.
Nagsimula na rin magdatingan ang iba pang members at ilang minuto pa ay dumating na rin si Raf kasama si Darwin. Hindi nagpansinan sila Raf at Aki, naiilang sila sa isa’t isa at hindi nila alam kung paano sila maguusap pagkatapos ng nangyari. Hindi na lang pinansin ni Aki ang atmosphere sa kanila ni Raf, nag focus na lang siya sa practice nila. Nagsimula na ang practice, lahat seryoso at focus. Lahat enjoy sa ginagawa nila. Well polished na ang routine at kitang kita na handa na sila para harapin ang darating na Elimination round. Matapos ang ilan pang pasada ay nag water break ang team for 15 minutes. Mabilis na lumapit si Austin kay Aki dala ang isang bote ng mineral water at isang towel na di naman kalakihan. Muli puro tukso at kantyawan ang kanilang narinig mula sa mga kasama ni Aki sa pep squad. Ngiti na lamang ang isinagot nila sa mga ito.
“Bagay kayong dalawa, bakit kasi hindi na lang totohanin eh.” Si Darwin na kanina pa katabi ni Austin sa bleacher. “Naku, Darwin tumigil ka nga dyan, pati ba naman ikaw.” Si Aki. “Bakit? Wala namang masama ah. Unless may iba kang gusto, Aki.” Si Darwin ulet. Natigilan si Aki sa sinabi ni Darwin, bigla syang napalingon kay Raf na kausap sa mga ibang members ng team. Nakita ni Austin ang reaksyon ni Aki at ang pagtingin nito sa direksyon kung nasaan si Raf. Hindi na lamang nya ito pinansin, bagkus ay kinuha nya sa kamay ni Aki ang towel at sya ang nag punas ng pawis nito sa mukha. Nagulat si Aki sa ginawa ni Austin pero hinayaan nya lamang ito para hindi mapahiya sa mga kasama sa squad. Matapos ang water break ay muli silang nag practice. Polishing ng stunts at pyramids pati na rin ang mga running tumblings nila. Matapos ang higit sa isang oras ay tinawag ni Ra fang buong team para sa isang meeting.
“Okay guys, half day lang tayo ngayon kasi ang iba sa inyo ay may Departmental Exam sa Monday. So, kailngan nyo ng sapat na oras para magpahinga at mag araal. After this meeting pwede na kayong umuwi. At diretso sa pag uwi ah, wala ng gagala kung saan saan. Okay?” si Raf.
YES, KUYA RAF! Sabay sabay na tugon nila.
Matapos ang ilan pang paalala ay dinis miss na ni Raf ang practice. Sinabihan ni Aki si Austin na antayin siya sa may parking area. Sinunod naman siya ni Austin. Habang nagbibihis si Aki ay pumasok si Raf, doon lang napansin ni Aki na sila lang dalawa sa loob ng looker area sa gym. Habang nagpapatuyo ng buhok si Aki ay wala pa rin silang imikan ni Raf na sya namang naghahanda para mag shower. Walang balak si Aki na kausapin si Raf o kahit batiin ito, hindi nya alam kung paano mag sisimula ng conversation dito. Palabas na sana sya nang biglang mag salita si Raf.
“Aki.. wait.” Si Raf. Hindi sumagot si Aki. Hindi nya alam ang gagawin at maaring mangyari. Iniisip nya na baka galit sa kanya si Raf. Hindi sya sumagot sa halip ay nanatili syang nakatayo patalikod kay Raf. “I just wanna say sorry for what happned last Monday.” Si Raf habang nakatingin sa likuran ni Aki. “Kasalanan ko, kasi hinayaan kong mangyari un. Dapat pinigilan kita.” Si Raf ulet. Huminga ng malalim si Aki bago sya nag salita. “Kasalanan ko rin naman eh. Ginusto ko ung nangyari. Kasi gusto kita noon pa. Actually hindi lang gusto… MAHAL na KITA, Raf..” si Aki. Lumungkot ang mukha ni Raf sa narinig, bagamat hindi ito nakikita ni Aki. Tama nga si Raf sa hula nya, pag magkasama sila ni Aki ay iba ang mga ngiti sa mga labi at mata nito. Alam nya dahil ganito sya pag kasama nya si Darwin. Lalapit n asana si Raf kay Aki nang bigla itong mag salita. “Alam ko na hindi ako ang gusto mo, nararamdaman ko. Pero kahit ganun hindi nagbago pagtingin ko sa’yo. Masakit tanggapin na ang taong pinaka mamahal mo eh iba ang gusto at minamahal.” Si Aki. Napa buntong hininga na lang si Raf sa mga sinabi ni Aki. Ramdam nya ang sakit sa bawat salitang binigkas ni Aki. “Am so sorry, Aki. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa’yo. May mahal na akong iba. Si Darwin ang mahal ko at walang magbabago dun.” Malungkot na sabi ni Raf.
Sa pagkakataon nay un ay hindi na napigilan ni Aki ang lumuha pa. Naramdaman nya ang sakit na hindi pa nya nararamdaman sa buhay nya. Gusto nyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig nya. Patuloy ang pag agos ng luha nya, buti na lang at wala ng ibang tao pa sa gym. Di nya namalayang nakalapit na pala si Raf sa kanya, hinwakan sya sa balikat ni Raf para kalmahin sya. “Okay na ako Kuya Raf, at alam ko na magiging okay din ako sa mga susunod pang araw. Wag kang mag alala, hindi ito magiging dahilan para umalis ako sa squad.” Si Aki. Inalis nya ang mga kamay ni Raf sa kanyang mga balikat at tuluyang lumabas sa looker area. Mabilis ang ginawa nyang paglalakad habang pinapahid ang mga luhang patuloy pa rin sa pag agos mula sa kanyang mga mata. Di na nya halos maaninag ang kanyang nilalakaran, hindi nya rin nararamdaman ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Pag dating sa parking lot ay nandun si Austin at si Darwin na nag parehong nag aantay sa kanila ni Raf. Iniwas nya ang mga tingin nya sa mga ito upang di nila mapansin ang pamumula ng mga mata nya dahil sa pag iyak. Pero sadyang mabilis ang mga mata ni Austin at napansin nito ang kanyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Anung nangyari sa’yo?” takang tanong ni Austin Maging si Darwin ay halat sa ekspresyon ng mukha ang pagtataka. Hindi sumagot si Aki, dumiretso sya sa passenger’s seat ng kotse ni Austin pero bago pa nya maisara ito ay napigilan sya ni Austin. “Hindi tayo aalis ditto hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung anung dahilan ng pag iyak mo.” Matigas na sa bi ni Austin “Di ako naiyak, napuwing lang ako habang naglalakad.” Pag sisinungaling ni Aki
“BULLSH*T!! wag ka na ngang magsinungaling, Aki.” Pasigaw na sabi ni Austin an ikinagulat pareho ni Aki at Darwin. Kitang kita sa mga mata ni Austin ang inis at galit sa pagsisinungaling ni Aki sa kanya. “Anu ka ba?! Sinabi nang napuwing lang ako! Kung ayaw mong maniwala eh di wag!” bulyaw ni Aki kay Austin. “Guys, calm down. Pwedeng pag usapan ito ng maayos.” Kalmang saway ni Darwin sa dalawa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Austin. Magsasalita pa sana si Austin ng biglang dumating si Raf.
“Aki, am really really sorry.. Please. Patawarin mo ako, I didn’t mean to hurt your feelings.” Sunod sunod na sabi ni Raf. “Di ba sabi ko sa’yo okay na ako. Okay lang, Kuya Raf. Naiintindihan ko ang lahat.” Hikbing sagot ni Aki “Anu bang nangyayari ha? Pwede bang ipaliwanag nyo sa amin ni Austin.” Si Darwin
“Kagaya ng sinabi ko kanina, Kuya Raf. Naiintindihan ko kahit masakit. Tatanggapin ko kahit mahirap. Kakayanin ko kahit alam ko na matatagalan akong maka move on.” Sunod sunod na sabi ni Aki. Nakuha agad nila Aki at Darwin ang ibig sabihin ng usapan nila Aki at Raf. Kitang kita sa mukha ni Austin ang galit at pagka inis. Ang taong mahal nya, sinaktan lamang ng taong halos sambahin at paglaanan ng panahon ni Aki. Di na napigilan ni Austin ang sarili. Biglang lumipad ang kamao ni Austin at dumapo sa mukha ni Raf. Napaatras si Raf sa ginawa ni Austin, nang iangat ni Raf ang mukha ay kita ang dugong umaagos mula sa pumutok na labi nito. Nagulat si aki at Darwin sa mga nangyari, kitang kita nila ang dilim sa mukha ni Austin. Susugod pa sana si Austin pero nahawakan na sya ni Aki sa braso habang si Darwin ay humarang na para kay Raf.
“Tumigil ka na, Austin. Please” si Aki. Tinapunan ni Austin ng masamang tingin si Aki na ikinatakot naman ni Aki. Buong akala nya ay sya naman ang makaka tikim ng kamao ni Austin. “Nakikiusap ako sa’yo, Austin. Tama na. Wag mo ng saktan si Kuya Raf.” Si Aki habang umiiyak pa rin. “Bilib din ako sa’yo Aki. Sinaktan ka na ng taong yan pero pinatatanggol mo pa rin? Anu bang meron sya na wala ako ha?!!! Napaka manhid mo, Aki. Napaka manhid mo!!” sigaw ni Austin. Napatakip na lamang ng mga palad nya si Aki sa kanyang mukha. Habang si Darwin naman ay inaalalayan si Raf papunta sa sasakyan nya. Tuluyan ng umalis sila Darwin at Raf at naiwan sila Aki at Austin sa parking lot.
Ilang minuto ng katahimikan ang namagitan kina Aki at Austin habang naka upo sila sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ni Aki ay naubos lahat ng lakas nya sa mga nangyari sa araw na iyon. Si Austin naman ay nakatingin lamang sa labas ng sasakyan. “Austin, uwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga.” Si Aki. “Bakit di mo ako kayang mahalin ng higit sa kaibigan?” tanong ni Austin. Hindi sumagot si Aki sa halip ay tinitigan nya si Austin. Kitang kita ni Aki ang lungkot na nararamdaman ni Austin. “Austin..” si Aki. Tumingin si Austin sa mga mata ni Aki. “Aki, mahal na mahal kita at handa akong mag antay para sa’yo.” Si Austin. Ngumiti si Aki kay Austin. “Saka na natin pag usapan ito, Austin. Uwi muna tayo. May tamang oras para pag usapan ito.” Si Aki.
ITUTULOY…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment