A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 6
Part 6: Aki; Bagong kaibigan, bagong team at bagong pag-ibig
Matapos makakain ay nagpasyang magpahinga sandali sila sa may Study Hall malapit sa canteen. Presko at maaliwalas ang lugar na iyon dahil napaliligiran ng puno. Umupo sila banding dulo ng hall, magkaharap sa isat isa. Habang naka upo ay napansin ni Aki na kanina pa nakatingin si Austin sa kanyan. “Uy Austin, matunaw naman ako sa katititig mo sa akin.” Si Aki na nakangiti. “Eh kasi naman di nakakasawa tignan ang mukha mo eh.” Si Austin. “Asus. Kanina ka pa humihirit sa canteen ah, may gusto ka ba sa akin?” tuksong tanong ni Aki. “Ha? Ah.. eh.. Di ah. Di naman ako anu eh..” pautal utal na sabi ni Austin. “Biro lang. ito naman. Namutla ka naman agad. Hahahahah!” tawang sabi ni Aki. Mabilis nakagaangan ng loob ni Aki si Austin. Marahil ay dahil okay naman ito makipag usap at maayos naman ang trato sa kanya. Kagaya nga ng sabi nya. Hindi sya namimili ng taong magiging kaibigan, lahat binibigyan nya ng chance maging kaibigan nya. “Ako? Namulta? Di naman ata” sabay kapa sa mukha nya. Natawa naman si Aki sa ginawa ni Austin. “Ahahahah! Nakaka tuwa kang tao. Ang sarap mong kulitin. At saka di naman big deal sa akin kung bisexual, gay or tomboy ang isang tao. Di naman basis un para maging kaibigan mo ang tao. Minsan nga mas okay pa silang makisama kesa sa mga straight people.” Tuloy tuloy na sabi ni Aki. Lihim na napangiti si Austin sa sinabi ni Aki. “At saka ako ba? Di ba ako halata? Austin, I’m gay, to be honest with you and it’s up to you kung tatanggapin mo ako or not.” Si Aki habang nakatitig sa kanya. “Wala rin namang kaso sa akin yun. As long as you know how to respect other people and hindi ka kasing landi ng iba nating classmate na gay. I mean I have nothing against them. Its just that, medyo nakaka turn off lang sila.” Sunod sunod na sabi ni Austin.
“Well, good then. Now we can say that we can be good friends or best friends or…” pabitin na sabi ni Aki. “Or what…?” si Austin. Halatang excited na marinig ang susunod na pwedeng mangyari sa kanila ni Aki. “Ahahahahah!! Gotcha! Sabi ko na nga ba eh. You really into me” panuksong sabi ni Aki. “Huh! Assuming ka ah!” si Austin sabay irap dito. Natawa naman si Aki sa ginawa ni Austin. Ngayon nya napag tanto ulet na gwapo talaga ang taong ito. Ilang minuto pang kulitan at napagpasyahan nila na bumalik na sa kanilang classroom. Naglalakad sila ng mapansin ni Austin na huminto si Aki. “Anu yang tinitignan mo?” si Austin. “Uy, pep squad try out. Sasali ka?” si Austin ulet. “Hmmmm.. depende. Pero parang gusto ko. Kasi nakaka miss na kasing mag sayaw” si Aki. “Just go for it. Kung gusto mo at alam mong mage enjoy ka sa gagawin mo, go ka lang” si Austin. Ngumiti lang si Aki sa kanya. Tama nga naman si Austin. Alam nya na mage enjoy sa pep squad. Eto rin halos ang naging buhay nya nung High School.
Narating nila ang classroom at naabutan na nagkukulitan ang iba nilang classmates. Ang iba naman ay parang nagulat dahil magkasabay silang pumasok sa claasroom. Din a lang nila pinansin. Wala naman kasi silang ginagawang masama. Dumating ang kanilang professor ilang minuto pagkatapos nilang maka upo sa kanilang upuan. Nagsimula ang klase. Isang quiz din ang ginawa nila. Natapos ang klase. Dalawang klase na lang at tapos na ang araw para sa kanila. Mabils na tumakbo ang oras. Di nila namalayan na uwian na pala. Katulad nung lunch break, tropa tropa ulit ang magkaka sabay sa uwian. Nilapitan sya ni Austin. “Siguro naman eh pwede na akong sumabay sa’yo pauwi?” si Aki. “Wala naman akong sasakyan para makisabay ka eh. Nag ji jeep lang ako papunta at pauwi dito” naka ngiti nyang tugon. “Kahit mag lakad pa tayo. Basta kasabay kita. Okay lang sa akin un.” Si Austin. “Asus. Ayan ka na naman. Mga hirit mo Hernandez.” Patawang sabi ni Aki. “Oo, tawagin ba ako sa last name ko? Multuhin ka sana ng lolo at daddy ko” si Austin sabay tawa. Natawa din si Aki sa sinabi nito. Sabay silang umuwi mula sa school. Habang nasa jeep ay panay pa rin ang kulitan nilang dalawa. Buti na lang at konti lang ang sakay ng jeep. Parang ang tagal na nilang magka kilala. Ang gaan ng loob nila sa isat isa. Nasa kalagitnaan sila ng kulitan ng biglang nag preno ang jeep na sinakyan nila. Mula sa bandang dulo ay napunta sila malapit sa unahan ng jeep. Bahagyang nadaganan ni Austin si Aki. Nagkalapit ang mga mukha nila. Ilang pulgada na lang at maglalapit na ang mga labi nila. “Ahmmm.. Austin….” Si Aki. “ Aki…” mahina halos pabulong na sagot ni Ausitn. “Ung braso ko.. naiipit mo na. Masakit eh” si Aki. Doon lang natauhan si Austin. Umayos ito ng pagkaka upo. “Sorry. Masakit ba? Pasensya ka na ah” si Austin habang namumula ang mukha sa sobrang hiya. “Anu ka ba, ayos lang un.” Si Aki. Doon din napansin ni Austin na nakatingin sa kanila ang 3 pang pasaherong kasakay nila sa jeep. Umayos sila ng upo. Walang imikan. Nakarating sila sa lugar kung saan sila nakatira. Magkatapat pala ang subdivision kung saan sila nakatira. Si Aki sa St. Vincent at si Austin ay sa St. Ignatius. Bago maghiwalay ay nag paalaman sila sa isa’t isa.
“Ingat ka ha. See you tomorrow” si Aki. Akmang tatalikod na si Aki ng pigilan sya ni Austin. “Aki, wait… ahm.. can I get your number? Please” si Austin na todong ngiti. Natawa si Aki. Kitang kita nya kasi pati gums ni Austin. At infairness, maganda ang ngipin nya. Nagpalitan sila ng number bago tuluyang maghiwalay. Di pa man din nakakalayo sa isat isa ay tumunog ang cellphone ni Aki.
“Hello.” Si Aki.
“Ingat pag uwi ah. Salamat sa bonding kanina sa school. Nag enjoy ako. Sana ikaw din. See you tomorrow.. I… ahmm.. I… oh sya sige na” si Austin. Natawa si Aki sa ginawa ni Austin. Hindi man lang sya nakahirit. Ilang minuto pa ay nakasakay na si Aki ng tricycle papasok ng subdivision. Pagkadating sa bahay ay diretso sa kanyang kwarto. Nag shower at nagbihis ng pambahay na damit. Hinarap nya ang mga assignments sa lahat ng subjects bukas at nag basa ng konti. Patapos na sya sa assignment sa Sociology nang mag ring ang phone nya. Tumawag ang mommy nya. Binilinan sya na bukas na sila makaka uwi ng kanyang daddy dahil na stranded sila pauwi sa kanila. Wala naming problema sa kanya dahil wala naman syang aalalahanin. Nasa kanya na ang allowance nya for 1 whole month. May pagkain naman sa refrigerator nila at kaya naman nyang mag luto. Matapos makipag usap ay muling ibinalik ang atensyon nya sa aralin. Nang matapos nya ito ay bumababa sya para humanap ng makakain for dinner. Matapos makapag luto ay tinakpan nya ito sa lamesa at mamaya nya ito kakainin.
Bumalik sya sa kanyang kwarto at nag ayos ng gamit nya para bukas. Try out bukas ng pep squad. Sasali sya dito. Alam nya na kaya nyang pag sabayin ang academics at ang squad. Matapos makapa ayos ng gamit sa isang gym bag na katamtaman ang laki at nag stretching sya ng kaunti. It’s been several months nung huli syang sumayaw. Baka mabigla sya bukas. Left and right heel stretch, bow and arrow at scorpion stretch ag ginawa nya. “Ayos, kaya ko pa pala” sabi nya sa sarili. Matapos maka pag stretching ay nag pasya syang kumain na. Matapos maka kain at makapag hugas ng mga ginamit sa dinner at pag luluto ay bumalik sya sa kanyang kwarto. Nang tignan nya ang kanyang cellphone ay may nag text sa kanya. Si Austin.
Gud pm. Hope nkapag dinner kn. Hve a great evening. Mwah!
“Ayos ah. May kiss pa sa dulo. Kulit talaga nito” sabi nya sa sarili. Nag reply sya.
Nkapag dinner na aq. Ikw din maen kana. At bkit may kiss ha?
Di na nag reply si Austin sa text message nya. Hinayaan na nya ito at nag simula syang gawin ang evening vanity routine nya. Nang matapos ay humiga na sya. Nag set ng alarm clock at pumikit na. Ilang minuti pa ay nakatulog na sya. Bukas ay isang panibagong araw para sa kanya. Isang araw na di nya makakalimutan.
Maagang nagising si Aki. Wala pang isang oras ay nakapag handa na sya para pumasok. Palabas na sya ng I check nya ang cellphone nya. Nag text pala si Austin.
See you later. Goodluck sa try out mo.
Napangit sya sa text ni Austin. Lakas maka pagpa kilig ni gago. Kinikilig sya aaminin nya. Pero hanggang doon lang yun. Hindi nya kasi nakikita ang sarili na ma I inlove kay Austin. Okay na sya na magkaibigan silang dalawa. At may isang taong nagpapa tibok ng puso nya. Sana makita nya ulti ang taong un. Ang hindi nya alam ay muling mag ku krus ang landas nila.
Maagang nakarating si Aki sa school. Dumiretso sya sa gym. Alas 8 ang umpisa ng try out. Tamang tama lang dahil alas 10 pa naman ang klase nila. Pagdating nya sa 2nd floor ng gym ay may ilan ng nag aantay sa try out. Umupo sya malapit sa pntuan na tila opisina ng mga cheerleaders. May lumabas na babae mula sa loob, isa isa silang binigyan ng number. Number 7 sya. Niligay nya ito sa kanang dibdib nya. 15 silang lahat. Sinimulan syang kabahan, pero sinabi nya sa sarili na di dapat syang magpa apekto. Alam nya na kaya nya ito. 3 taon nyang ginawa ito nung High School sya. Kinalma nya ang sarili. Habang nag aantay tawagin ang number nya ay kinuha nya ang cellphone nya. Nag text pala si Austin.
Dito na ako sa room. Antay kita. Goodluck sa’yo. Mwuah! Mwuah!
Napangiti sya sa message ni Austin. Medyo naging okay na pakiramdam nya. Nawala ang kaba sa dibdib nya. Mag re reply pa sana sya pero biglang tinawag ang number nya. Tumayo sya at bitbit ang bag na pumasok sa loob. Pag pasok ay ninilapag nya ang bag sa isang sulok at tahimik na nag lakad paharap sa mga nagpapa try out habang naka tungo. Pag angat ng kanyang mukha ay laking gulat nya sa nakita. Bumilis lalo ang kabog ng kanyang dibdib. Tila pinako sya sa kanyang kintatayuan, kaya ba kanina pa sya kinakabahan? Dahil sa lalaking nasa harapan nya ngayon? Totoong natuwa sya na makita ang lalaking nasa harap pero hindi nya inaasahan na sa ganitong pagkakataon.
“Ah.. are you going to introduce yourself or you’re just gonna stand there and stare at Rafael the whole day?” mataray na sabi ng isa sa mga veterans. Napangiti naman si Raf sa tinuran ng kasama.
Nagulat si Aki. Ganun na ba sya katagal na naka nga-nga sa harap ng lalaking ito. Pinamulahan sya ng mukha. “Sh*t! first impression and I blew it” pagalit nya sa sarili.
Aki cleared his throat and start intoducing himself. “So, you have experience in cheerleading and you came from one of the best High School cheerleading team in NCR. Pretty impressive. “Thanks.” Maiksi nyang sagot.
“So, Aki. Show us what you’ve got” si Raf. Nag simulang tumugtog ang isang tance music. Sinimulan nya ang short dance routine nya ng isang aerial flip. Ayos! Perfect ang flip nya. Sinundan ng 32 counts na cheerdance steps. Floor works after ng dance routine. Another 16 counts of dance steps and he ended it with a full twisted lay out. Habol hiningang humarap si Aki after ng ginawa nya, tahimik na nag aantay ng comments from the panel of veteran team members.
“Good job” sabi ng isa. “You blew me away! Sa katawan mong yan, I never thought na ganun ka kagaling” sabi ng nagtaray na veteran sa kanya. “Salamat po.” Sagot nya habang hinihingal pa din. “What can you say, Raf?” sabi ng isa ulet. “Well, I think we found the next Team Captain, don’t we?” sabay palakpak na sabi ni Raf. Tumango naman ang 2 nyang kasama. “Well, Aki. Congratulations. You’re in. Welcome to the squad.” Sabi ni Raf. Naka hinga ng maluwang si Aki. Di pa rin sya makapaniwala na nagawa nyang maka pasok sa squad. At din rin sya makapaniwala na makaka sama nya sa team ang taong muling nagpa tibok ng puso nya. Lumabas si Aki na may ngiti sa labi. Masayang masaya sya. He can’t wait to tell Austin na nakapasa sya.
Matapos makapag palit ng uniform ay tumuloy na sya patungo sa kanilang classroom. Palabas na sya ng gym na may tumawag sa kanyang atensyon. “Hey, wait up!”
“Good thing di naka apekto sa’yo ang pagkaka bunggo ko sa’yo last time.” Si Raf na nasa harapan nya. Gaya ng unang pagkikita nila, na magnet na naman sya sa ka gwapuhan nito. Tila may kung anung bumara sa lalamuna nya, walang boses na lumalabas sa bigbig nya. Ang init ng mga pisngi nya habang nanlalamig naman ang mga kamay nya. “Hey, ganyan ka ba talaga? Laging tulala?” tawang sabi ni Raf sa kanya.
“Ah.. hindi naman.. anu kasi.. ahm.. basta.” Pautal nyang sinabi. Natawa lang si Rafael sa naisagot nya. “So pano? See you this Saturday for you’re first practice with us. 8am. No late comers ha. And by the way, it’s a whole day practice” sunod sunod na sabi ni Rafael. “Sige. Salamat.” Si Aki. “Good. We’ll see you around. I still have class to catch.” Si Rafael. Di na sya naka sagot. Tinanaw na lamang nya si Rafael habang lakad takbo itong palayo sa kanya.
Nang makarating sya classroom ay nakita nya si Austin na nag susulat. “Hernandez!” medyo napalakas na tawag ni Aki kay Austin. “Ang ingay mo naman. May mga na re review oh.” Si Austin. “Sorry naman. Na excite lang kasi ako.” Si Aki. “Treat kita mamayang lunch ah. Naka pasa kasi ako sa try out.” Si Aki. “Talaga! Congrats! Sabi ko sa’yo, kaya mo yan eh.” Si Austin. “Wala ka namang sinabi. Asus. Ang sabi mo lang pag gusto ko, gawin ko. Ayun. Ginawa ko” si Aki. “Oo na. Ikaw na walang memory gap” si Austin sabay ikap. Natawa naman sya. Ang sarap asarin nitong si Austin nasabi nya sa sarili. Naupo si Aki sa kanyang upuan. Maya maya pa ay dumating na ang kanilang professor. Lumipas ang dalawang klase nila. Habang nag aantay ng pangatlo nilang klase, nag sulat si Aki sa kanyang journal. Tungkol sa pangyayari sa kanya mula ng try out at iba pang mga quotes na nabasa nya rin sa mga libor at blogs. It serves as his motivation. Pag nakaka basa sya ng mga words of encouragment ay natutuwa sya.
LOVE COMES UNEXPECTEDLY. Yan ang naisulat nya sa journal nya. Bigla nyang naalala si Rafael. Lihim syang napangiti, hindi pa rin sya makapaniwala na makaka sama nya ito sa isang team. Halos araw araw din silang magkakasama. Iniisip pa lang nya ay kinikilig na sya. Nasa gitna sya ng pag di day dream nang bigla syang gulatin ni Austin. Halos maihapas nya ang kanyang journal dito. Di talaga sya sanay na ginugulat sya o binibigla. Di naman halos makahinga si Austin kaka tawa. Kitang kita nya si Aki kung paano ito mapatalon sa pang gugulat nya.
“Naka bawi na ako sa’yo.” Si Austin. “Ewan ko sa’yo. Wag mo ng uulitin un ah.” Si Aki sabay irap. Kulitan pa rin silang dalawa. Hanggang mapadaan ang isa nilang bading na classmate sa harapan nila. “Wow! Ang sweet nyo naman. Bagay kayo. Kaya lang sayang kasi ang gwapo nyo pareho. Pero uso naman yan. Ang gwapo, para na rin sa gwapo” kilig na sabi ng classmate nila. “Ahahahaha! Tumigil ka nga dyan. Mag kaibigan kami nito ni Austin. Bagay bagay ka dyan.” Si Akin. “Naku, Aki my dear. Wag kang mag salita ng tapos. Mamaya isang araw mag tapat ng pag ibig sa’yo yang si Austin bigla kang mapa tumbling.” Ang classmate nya ulet. Tahimik lang na nakikinig si Austin sa kanilang usapan. Anu nga kaya ang magiging reaksyon ni Aki pag sinabi nya na mahal nya ito. Sasagot pa sana si Aki ng biglang mag bell. Lunch break na pala.
Masaya silang kumain ni Austin. Tulad ng promise nya, nilibre nya ito ng lunch sa isang fastfood. Katulad kahapon at kanina sa classroom, kulitin at tawanan pa rin sila. Nag kwento rin si Aki tungkol sa try out habang si Austin naman ay kuntento na lang pagtitig sa mukha ni Aki. Matapos nilang kumain ay nagpasya silang mag mall. Hindi na nila papasukan ang huli nilang klase. Nung una ay hindi payag si Aki pero sa huli ay pumayag na rin sya. Pangako naman ni Austin na minsan lang naman nila ito gagawin. Nakarating sila sa mall malapit sa school nila. Nag ikot ikot sila. Window shopping, laro sa arcade. Tumingin ng gadgets. Habang nag lalakad sila ay napadaan sila sa isang toy shop. Hinila ni Austin si Aki papasok. Tuwang tuwa si Austin ng makita nya ang mga action figures ng X-Men. Tinignan nya ang isa dito. Si Arcangel. Sandali pang tinignan ni Austin at tuluyang binili ito. Nang makapag bayad ay pinuntahan nya si Aki sa may stuff toys area. Nakita nyang hawak nito ang isang Carebears stuff toy.
“Gusto mo?” si Austin mula sa likod ni Aki. “Hindi. Tinignan ko lang. Favorite color ko kasi ang color yellow.” Si Aki. “Ah ganun ba.” Si Austin. “Tara na. Baka gabihin tayo.” Si Aki. Lumabas sila ng mall. Nag abang sila ng jeep na masasakyan pero halos lahat ay puno. Maging ang mag FX taxi ay ganun din. “Walang masakyan ah.” Si Austin. “OO nga. Sahod kasi eh. Kaya madaming tao sa labas.” Sagot ni Aki. Ilang minuto pa sila nag antay per wala pa rin. Naiinip si Austin at bigla na lang itong pumara ng taxi. “Tara, sakay na. Sagot ko na ‘to.” Si Austin. Sumakay silang dalawa. Habang nasa byahe ay walang imikan ang dalawa.
Halos isang oras bago nila narating ang kanilang destinasyon. Nag bayad si Austin at sabay silang bumaba ng taxi. Nag paalam sila sa isat isa bago tuluyang naghiwalay.
Isang masayang araw ito para kay Austin. Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob nya kay Aki. Ilang linggo pa at sasabihin na nya ang nararamdaman dito. Katula ng sinabi nya dati.. BAHALA na si BATMAN. Basta ang alam nya na mahal nya ang taong ito.
Nang makarating sa bahay nila ay tinawagan nya si Aki. Nagpasalamat sya sa bonding nila. Binilinan nya ito na kumain bago matulog at agahan ang pasok nito bukas. Matapos maka pag shower at magkapg bihis ay inihiga ni Austin ang katawan sa kama. Pumikit at tuluyang nakatulog ng may ngiti sa labi nya.
ITUTULOY...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment