A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 12
Part 12: Ang Pagahaharap 2: Dominguez State U vs. Mariano Guzman University
Martes ng umaga, eksaktong alas 8 ng umaga ay puno na ng mga estudyante at mga faculty members at deans ng bawat colleges ang University gym. Lahat excited makita ang pinagmamalaking routine ng DSU Pep Squad. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang Pep Rally.
Samantalang sa loob ng quarters ay abalang naghahanda ang mga members ng squad. Lahat ay nakabihis na ng kanilang mga pep squad uniforms. May mga nag wa warm up at ang iba naman ay nag ii strectching. Kasama ni Aki ang ibang member ng squad sa labas ng quarters malapit sa pintuan nito. Nag uusap sila tungkol sa kung gaano sila ka excited sa gagawing pep rally, nagkukulitan din sila tungkol sa uniform nila. Nagkukulitan pa rin sila ng lumapit si Raf kay Aki.
“Ahm.. Aki, you got a minute?” tanung ni Raf. “Sure.” Si Aki. Bahagya silang lumayo sa kung saan andun ang ibang members na kakulitan ni Aki kanina.
“Bakit, kuya Raf? May problema ba?” panimula ni Aki. “Wala naman, gusti ki lang ulet mag sorry at I goodluck ka.” Si Raf “Wala na yun, kalimutan na natin yun. Siguro nga, hindi talaga pwedeng maging tayo. At saka napag isip isip ko na, tumutingin ako sa iba, eh andyan naman pala ung hinahanap ko sa tabi ko.” Si Aki habang naka ngiti. “Sorry din sa ginanwa ni Austin sa’yo. Masakit ba?” si Aki ulit. “Ahahahah! Hindi naman, pero malakas syang sumuntok ah.” Tawang sagot ni Raf. Tinapos nila ang pag uusap nila sa pamamagitan ng isang yakap, yakap magkaibigan. Narinig nila na nagsalita na ang University President upang ipakilala ang kanilang squad. Hudyat na ito para sa kanila na lumabas sa quarters at maghanda para sa kanilang performance. Isa isa na silang lumabas at pumila ayon sa kanilang posisyon. Naka pila na sila ng dumating si Austin at Darwin. Talaga namang napaka supportive na mga kaibigan itong sila Darwin at Austin. Kinawayan nila Raf at Aki ang dalawa at tumango naman ang mga ito bilang sagot.
“Our beloved students, faculty members and to all College Heads and Administrators, I’am very honored at proud to welcome you all to the DSU Pep Rally for 2010. And without further a do, here they are The DSU Black Condor Pep Squad!!!!” pagpapakilala ng Presidente ng University. Napuno ng hiyawan at palakpakan nag buong gym kasabay ng dugundong ng tunog ng mga drums. Isa isa silang pumasok sa gitna ng gym, hindi maipaliwanag ni Aki ang nararamdaman. Excited sya na kinakabahan, pero smile pa din. Nag simula nang tumutog ang music at isa isa na ring nagliparan ang mga babaeng member ng squad, series of standing back flips, running tumblings at toe touches. Couple of unbelievable stunts at pyramids. Their dance routines were superb, kitang kita sa kanila na nag eenjoy sila sa kanilang ginagwa.
Tuwang tuwa ang lahat, walang tigil ang hiyawan ng mga estudyante at ibang faculty members. Sila Darwin at Austin din ay halos mapatid ang mga ugat sa leeg sa kakasigaw.
Tinapos nila ang routine ng isang pyramid na kung tawagin ay Wolf Wall at doon na halos di magkamayaw ang mga estudyante sa kanilang nakita. Tuwang tuwa ang mga ito at ganun din ang nararamdaman ng mga members ng squad, nagyakapan sila sa tagumpay ng kanilang Pep Rally at sa magandang reaksyon mula sa mga kapwa nila estudyante at mga school’s officials. Sa ganda ng kanilang performance ay hindi malabong makuha na nila ang inaasam na championship. Makalipas ang ilan pang araw ay Elimination round na ng Cheer Fest 2010. Lulan ng official University bus ay tumungo ang buong squad dala ang kompyansa at pag asang makakamit ang unang pwesto sa Elimination round. Malaki din kasi ang porsyento na makuha nila ang kampyonato pag maganda ang score nila sa Elimination pa. Makalipas ang isang oras ay narating na nila ang venue kung saan gaganapin ang Elimination. Pagbaba pa lang nila ay pinagtinginan na sila ng ibang schools, may mga maririnig pang bulungan patungkol sa kanila. Sabay sabay silang nag lakad patungo sa registration area kung saan nasalubong nila ang Marian Guzman Pep Squad.
“Raf! It’s nice to see you again.” Bati ni Erik kay Raf. “Uy, Erik. Kamuta ba?” si Raf. Nagkamayan ang dalawa samantalang nakatingin naman ang magkabilang squad sa kanila. Su Erik ang head cheerleader ng Mariano. Katulad ni Raf ay huling taon na rin nito sa squad. Konting kamustahan pa at naghiwalay na sila pero bago pa maghiwalay ay nagbilin pa ang mga ito sa isa’t isa. “Raf, pakabahin mo kami sa routine nyo ah. Goodluck!” si Erik. “Oo ba, basta give us the reason to pray hard to win the championship.” Sagot ni Raf. Pareho silang nagtawanan.
Ilang oras na lang at magsisimula na ang Elimination round. 25 teams ang maglalaban laban pero 5 lamang ang makaka pasok para sa Championship round. Pangalawa sa huli magpe perform ang DSU samantalang pangalawa naman ang Mariano. Matapos ang ilang introduction at pagpapaliwanag ng criteria for judging ay nagsimula na ang contest. Matapos ipakilala ang mga schools na kasali ay tinawag na ang unang magpe perform.
Nagsimula na ang routine ng unang team, simple ang routine ng team na ito. Pero malinis at hataw naman. Natapos ng routine at exactly 8 minutes including the entrance and exit of the squad members sa dance floor. Sa tingin nila Aki ay hindi naman threat ang naunang squad. Ito na ang squad na inaantay ng lahat. Ang defending champion na Mariano Guzman Pep Squad. Lahat ay nakatutok sa ipapakita ng Mariano. Nang makapasok an gang buong team sa gitna ng dance floor ay kitang kita na confident ang mga ito. Ang ganda din tignan ng uniform nila na pinag halong black and red. Sinimulan ng mga ito ang kanilang routine ng 3 sunod sunod na tosses sinundan ng standing back tuck ng mga lalake at front walk naman sa mga babae. Sobrang synchronize lahat ng galaw nila, bawat stunts ay perfect ang executions. Walang error sa mga tumblings at liftings, hataw ang dance routines nila. Tinapos ng Mariano ang kanilang routine sa isang 3 level pyramids. Talagang ng set ng mataas na standard ang Mariano sa Elimination round pa lang. Kitnag kita sa ibang school lalo na sa mga baguhan sa contest ang pagka kaba, pero para kina Raf at sa DSU Pep masarap ang laban ngayong taon na ito. Natapos ang routine ng Mariano at confident silang nag exit sa dance floor na mataas ang makukuha nilang score. Sunod sunod ng nag perform ang ibang school, pang 23rd school na at susunod na ang DSU. Habang nag aantay sa entrance area ay isang maigsing huddle and ginawa nila. “Guys, eto na ito. Bigay na natin ang lahat at alam ko na alam nyo kung gaano ka importante ang laban na ito.” Si Raf. “Okay, hand in.” si Raf at sabay saby sila nag patong ng kamay sa isa’t isa. “GO DSU!!” sabay saby nilang sigaw. Ilang minuto pa ay sila na ang magpe perform. “Eto na.. it’s game time.” Sabi ni Aki sa sarili.
Sila na ang mag pe perform. Matapos silang ipakilala ng emcee ay sabay sabay na tumugtog ang mga drummers nila. Series of tumbling ang ginawa ng karamihan sa kanila, ang iba ay naka pwesto na para sa mga gagawing stunts at tosses. Nag simula na ang tugtog. Dance routines at ilang stunts. Kagaya ng pinakita nila sa pep rally punong puno ng determinasyon at saya ang bawat galaw nila. Lahat ng tosses at stunts ay perfect ang executions, wala dingb errors ang mga pyramids nila. Tinapos nilang muli ang routine ng isang pyramid. Halos di nila maintindihan ang nararamdaman nila, pagod man at halos habol na nila ang kanilang hininga pero mas nangingibabaw ang saya nila. Pagka exit nila sa dance floor isang group hug ang ginawa nila. Tuwang tuwa si Raf sa magandang performance ng team nila. Hindi malayong pasok na sila sa finals.
Habang nagpapahinga sila ay lumapit sila Darwin at Austin, tuwang tuwa ang dalawa sa magandang performance na napanuod nila. “Congratulations!!! Galing nyo ah.” Bati ni Darwin sa team. Naghiyawan naman ang ibang members ng team. “Good job, Raf and Aki.” Si Darwin ulet. “Naku, wag ako si Raf lang. Sya ang nagpaka hirap para sa routine naming.” Si Aki habang napupunas ng pawis. “Tayong lahat, kasi lahat ng kaya nating gawin ibinuhos na natin nagyong araw na ito.” Si Raf. Palakpakan ang lahat. Matapos makapag pray bilang pasasalamat ay bumalik sila sa audience area. Tamang tama naman at patapos na rin ang huling team. Ilang minuto na alng at malalaman na ang mga pasok sa Finals. Magkakatabi sa upuan sila Aki, Austin, Darwin at Raf. Habang nakikinig sa mga announcement ng emcee ay may inabot sa isang bagay si Darwin kay Raf. May halong pagtataka man ay ngumiti na lang si Raf ditto. Binasa nya ang nakasulat dito.
CONGRATS!
Ito lamang ang nakasulat sa labas ng isang maliit na box. Muli ay nginitian ni Raf si Darwin na sinuklian naman sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ni Raf.
“Congrats in advance, alam ko na pasok na kayo sa finals.” Si Austin. “Salamat. Sana nga. Para naman di masayang lahat ng efforts namin.” Sagot ni Aki. “Sabay ako sa’yo pauwi ah.” Si Aki ulit. Tumango lang si Austin. Isinadal ni Aki ang ulo nya sa balikat ni Austin, hinayaan na lamang ni Austin ito. Masaya ang pakiramdam nila Raf at Aki. Maayos na ang lahat. At alam nila na magiging maayos din ang mga susunod pang mga araw nila sa Pep Squad.
Natapos ang lahat ng mga guess performers at ito na ang inaantay ng lahat ang announcement of winners.
“Ladies and Gentlemen, here are the 6 finalists for the South Luzon Leg . We have 6 finalists instead of 5 because we have a tie on the top slot.” Sabi ng emcee. Out top 6 are Santiago-Assuncion all Girls School, Benitez Intergrated School, Holy Sisters Academy, Advance Learning College, St. Vincent School and…
Mariano Guzman University and Dominguez State University!!!
Masayang masaya ang lahat ng schools na nakapasok sa Finals. 3 weeks from now ay maghaharap na ang mga finalists mula sa NCR, North and South Luzon, Visayas at Mindanao. Nagkamayan at nagbatian ang mga finalists pati ang ibang schools na nagparticipate.
Sa loob ng bus pabalik ng DSU ay walang humpay ang kulitan at hiyawan ng mga member ng squad. Ang iba naman ay binabalikan ang mga masasaya at nakakatuwang eksena kanina sa competition. Hindi sila nakakaramdam ng pagod. Lahat masaya at excited sa Finals. Habang nagkaka sayahan ang lahat ay tahimik at panay ang ngiti ni Raf sa mga naririnig nya mula sa mga ka Team mates. Doon nya naisip na sulit lahat ng pagod at pag sasakripisyo nilang lahat. Nasa gitna sya ng pag mumuni –muni ng kalabitin sya ni Darwin. “Sandwich oh, alam ko gutom ka na kasi 10am ka pa nag lunch.” Si Darwin sabay abot ng sandwich at drinks. “Salamat. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kasi walang paglagyan ang kasiyahan ko ngayon.” Si Raf. “Ganun ba. Alam mo ako din, masaya. Masaya kasi I finally realized how stupid I’am.” Si Darwin. Puno ng pagtataka ang mukha ni Raf sa sinabi ni Darwin. “Saka mo na malalaman kung anung ibig kong sabihin, for now let’s just enjoy your victory.” Si Darwin sabay pisil ng ilong ni Raf. Gumanti naman ng kurot sa pisngi si Raf.
“Ay! Si Kuya Raf at Kuya Darwin.. may sariling moments oh. May mga ganun pang eksena. LUNETA PARK? PACO PARK?” sabi ng isa sa mga member ng squad. “Sige, tumalak ka pa, at ihahatid ka namin sa MEMORIAL PARK.” Birong sagot ni Darwin. Lalong napuno ng tawanan ang buong bus, maging ang driver ay hindi na rin napigalang hindi tumawa sa narinig. Tuloy pa rin ang saya sa loob ng bus.
Samantala…
Habang lulan ng sasakyan sila Aki at Austin wala pa rin silang imikan, tila nakikiramdam sila sa isa’t isa. Huminto ang sasakyan ni Austin pagka pula ng traffic light. “Masaya ka ba, kasi pasok na kayo sa finals?” si Austin. “Oo naman. Masayang masaya..” si Aki. “Eh ikaw? Masaya ka ba?” si Aki ulet. Ngiti lamang ang isinagot ni Austin sa kanya. “Dapat maging masaya ka na rin sa mga susunod na araw.” Si Aki. “Huh? Bakit naman?” si Austin. “Basta. Malalaman mo din sa takdang panahon.” Sagot ni Aki. Napakunot noo si Austin sa sagot ni Aki sa kanya. “Anu ba yun? May pa bitin effect ka pa eh. Dami mo ding alam eh noh?” birong sagot ni Austin. “Atat? Nagmamadali?” si Aki. “Bahala ka nga dyan. Kung ayaw mong sabihin sa akin.” Si Austin na may himig pagtatampo. “Ang arte naman, may pagtatampo pang nalalaman ito.” Si Aki. “Antayin mo kasi, masyado kanga tat eh.” Si Aki ulit. Hindi na sumagot si Austin, ipinag patuloy na lang nya ang pag da drive ng sasakyan pabalik sa DSU.
ITUTULOY…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment