Tuesday, November 16, 2010

The Newbie, The Sophomore and the Veteran Part 3

the newbie


Part 3: Rafael Iñigo


“Again from the TTTTOOPPPP!!!” Sigaw nya. Halos mapatid ang litid nya sa pag sigaw. “Ilang beses bang kailangang ulitin yan?! Simpleng toss lang di nyo pa maayos?! Ilang taon na kayong member ng squad, di nyo pa rin makuha ng tama yan!!

Lahat ay naka yuko. Lalo nag ang 4 na members na nagkamali sa toss nila. Hingal kabayo ang lahat. Walang umiimik. Walang nag tataas ng ulo.
Tuloy pa rin sya sa pag sesermon sa apat. Halos kainin nya ng buo ang mga ito sa sobrang galit nya.

Siya si Rafael Iñigo Cruz. Team Captain and Head coach of DSU Black Condor Pep Squad. 4th year Communication Arts students. Pero ito na ang ikalima at huling taon nya sa Domiquez State University. Nahuli sya ng pag graduate dahil na rin sa pag pe Pep Squad. Nasa High School sya ng mahalin nya ang sports na ito. Dahil na rin sa huyas nya at pag pupursigi ay nakuha nya ang kanyang posisyon nung 3rd year sya kay di sya nakatapos sa takdang panahon. Walang kaso sa kanya dahil na rin s full scholarship at allowance na nakukuha nya mula sa University.

Huling taon na nya. Huling pagkakataon para masungkit ang pinakaka asam na pangarap. Ang makuha ang Championship trophy na matagal ng pinakaka asam. Ilang taon rin nila itong tinangkang makuha. Mula nung 1st year sya ay pinukpok na nila na makuha ito, ngunit sadyang mailap ito sa kanila. Tatlong sunod sunod na taon silang 2nd placer. Ang pinaka mahigpit nilang kalaban.. Mariano Guzman University. Di talaga maikakaila na malupit ang Pep Squad nila. Ilang international cheering competition na rin ang naipanalo ng Mariano Guzman University.

Eto ang pangarap ni Rafael. Bago man lang sya umalis sa school nila ay may maiiwan naman sya na legacy sa kanilang pep squad na hindi naibigay ng mga naunang Head Coach at Team Captain. Kaya ganun na lang ang pagpupursigi nya na ma perfect ang kanilang routine. Isang buwan na lang at Elimination na. After that 3 weeks for the Finals. Kaya nais nyang maging maayos lahat bago sila sumabak sa labanan.

“Hindi tayo titigil hangga’t di natin na pe perfect lahat ng dance steps at stunts natin.” 1 month na lang at Elimination na. Di na basta basta ang mga kalaban natin. Lahat sila nag improve na. Kaya sure ako na pukpukan na ang laban sa elimination pa lang” tuloy tuloy nyang sabi.

Sa totoo lang, mabait na tao si Rafael. Sa edad nya 25 ay sya na ang kuya di lamang sa mga classmates nya pati na rin sa mga ka Team mates nya. Maihahanay na rin sya sa mga campus crushes dahil sa pisikal nitong katangian. He stands 6’0, toned and lean body, Moreno sya na nakuha nya sa kanyang Ama. Ang tawag nga sa kanya ay Derek Ramsey ng Comm. Arts Dept at DSU. Maraming babae at bading ang naghahabol sa kanya. Pero ang puso nya para lamang sa isang tao. Si Darwin. Ang taong pinaka mamahal nya.
Pero hanggang doon lang yun. Dahil hindi pwede maging sila. Si Darwin ang best friend nya simula pa nung High School. Alam ni Darwin ang nararamdaman nya para dito pero bago pa man mangyari ang di dapat mangyari ay pinag usapan na nila ang tungkol dito. Tinanggap ni Rafael ito kahit masakit at nakuntento na lang sya sa pagiging mag best friend nila. Wala namang nagbago sa kanilang pagkakaibigan, at di na rin nila muli pang pinag usapan ang tungkol sa bagay na un. Pero lihim pa ring minamahal ni Rafael si Darwin. Para sa kanya, walang ibang tao ang magpapa tibok ng puso nya katulad ng pagmamahal nya kay Darwin.

Tuloy pa rin ang rehearsal. 6 minutes routine. Hataw ang sayaw. Pyramids, stunts at tosses. Back flip dito. Front walk doon. Yan ang routine nila. Kailangang makipag sabayan sa stunts ng ibang school. Lalo na sa Mariano Guzman. Hindi na nila pa palalagpasin ang pagkakataon na ito. Kitang kita sa mga dancers ang determinsyon at pagka gusto na makuha ang inaasam na tropeyo. Maging si Rafael ay hataw na hataw sa pag sasayaw. Nang matapos ang huling toss natapos ang routine nila ng isang 3 level pyramid. Almost perfect na ang routine. Konting polish na lang.

“Good job guys!!” sigaw nya habang hinihingal pa. “Konting polish pa and we’re all set.” Sabay sabay na nag palakpakan ang lahat ng members ng squad. Konting bilin pa habang lahat ay naka upo ang lahat sa sahig ng gymnasium.

“Practice on Saturday, whole day tayo so magpa alam na kayo sa mga dapat pagpa alaman, Okay?” si Rafael ulet.

YES KUYA RAF!!! Sabay sabay na sigaw nila.

Pagka tapos makapag bihis at mag ayos ng gamit lumubas na ng gym si Rafael. Habang nag lalakad ay napansin nya ang isang pamilyar na tao. Napangiti sya ng ma kompirma kung sino ito.

“Ganda ng routine nyo ah. Pang champion na talaga.” Si Darwin habang sinasalubong nya si Rafael. “Salamat. Teka, bakit nandito ka pa? past 10pm na ah. Di ka ba hahanapin sa bahay nyo?” sunod sunod na tanong ni Rafael.

“Nag paalam ako sa bahay to congratulate you in advance” si Darwin habang naka ngiti sa kanya. “If you guys don’t win the championship this year. Ewan ko na lang” sunod na sabi nito.

“Don’t jinx me, baka di matuloy at elimination pa lang ligwak na kami” si Rafael. Nagtawanan silang dalawa. “Tara na nga, hated na kita sa inyo. Si Darwin. Sumunod naman si Rafael.

Mga 10 minutes ding nag drive si Darwin gamit ang kayang Toyota Camry. Walang imikan habang nasa byahe sila. Pero lihim na kinikilig si Rafael. Mahal nya pa rin ang best friend nya, un ang nasabi nya sa kanyang sarili. Nang makarating na sila sa bahay ni Rafael ay inaya nya itong pumasok sa bahay ngunit tumanggi si Darwin. Nag paalaman ang dalawa. Tuluyang umalis si Darwin habang si Rafael ay hinatid sya ng tanaw. Pumasok si Rafael sa loob ng bahay diretso sa kanyang kwarto. Matapos maka pag shower ay nahiga sya sa kama. Kinuha nya ang kanyang cellphone at nag text.

Salamat sa pag hatid sa akin. See you tomorrow, best.

Pagka sent ng message nya at napapikit na si Rafael. Dala na rin ng pagod sa school at practice ay tuluyan na syang naka tulog.

Ilang linggo na lang at Elimination na. Handang handa na ang lahat para kay Rafael. Handa na syang kunin ang pinakaka asam na kampyonato.

Ngunit hindi pala ito magiging madali para sa kanya.

Anu ang magiging papel ni Aki at Austin sa buhay ni Rafael?


ITUTULOY..

No comments: