A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 9
Part 9: UNANG HALIK: Aki at Austin
Nanlaki ang mga singkit nyang mata. Di nya alam kung paano sya mag re react, di sya maka kilos. Tama ba ang narinig nya? Mahal sya ni Austin? Pero bakit? Ang ibig sabihin Bisexual si Austin? Kaya ba ganun ito kabait sa kanya? Kaya ba kapag nagku kwento sya about his feelings kay Raf eh nakikita nya ang lungkot sa mga mata nito? Ito ang mga tanong na pilit nyang hinahanapan ng sagot. Ilang minuto pa ng pag iisip at kumilos sya paharap kay Austin. Tulog na ito. Napansin nya ang mga munting luha sa mga mata nito. Bigla syang nalungkot. Alam nyang kahit sino ay talaga namang mamahalin itong si Austin. Mabait, matalino, thoughful at sweet. Idagdag mo na rin ang pigiging makulit at nakaka tawa nito. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing nya dito. Isang matalik na kaibigan. Nasa ganun syang pag iisip nang maradaman nya ang pag bigat ng mga mata nya. Pumikit sya at tuluyan ng nakatulog muli.
Maliwanag na ng magising sya. Wala ng ulan at maari na syang maka uwi. Napansin nya na wala si Austin sa tabi nya. Nagpasya syang maligo muna at mag bihis bago nya hanapin si Austin. Makalipas ang 30 minutes ay natapos na syang maligo. Nakapag bihis at nakapag ayos na rin ng gamit nya. Lalabas na sana sya para hanapin si Austin ng pumasok ito sa kwarto.
“Gising ka na pala. Tara, kain tayo ng breakfast. Nagluto ako”. Si Austin. “Ikaw nag luto? Masarap ba yan?” biro ni Aki. Hindi nya dapat ipahalata kay Austin na alam na nya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Hindi dapat mag bago ang pakiki tungo nya kay Austin. “Oo naman. Masarap yun.” Si Austin. Bumababa sila patungo sa dining table at doon nya nakita ang pagkain na pinag mamalaki na niluto ni Austin. “Asus, Hernandez. Akala ko naman kung anu niluto mo. Hotdog at ham lang pala.” Biro ni Aki kay Austin. “Okay na yan. Prito lang ang alam ko eh.” Sabay tawang sabi ni Austin. Kumain sila. Katulad ng dati, kulitan at tawanan sila.
Pagkatapos ng ilan pang minuto ay tuluyan ng umuwi si Aki. Nag alok si Austin na ihatid sya pero tumanggi ito. Nang makarating sa bahay nila ay diretso sya sa kwasrto. Wala pa rin ang parents nya. Tumuloy sya sa kwarto nya. nag shower ulet at nag bihis. Sinimulan nyang gawin ang mga assignments at nag advance reading na rin sya. Nakaramdam sya ng gutom kaya bumababa sya at nagluto ng pagkain. Nang makatapos syang mag luto ay biglang tumunog ang cellphone nya.
“Hello” sagot nya.
“Hey, na miss kita kaya kita tinawagan.” Si Austin.
“Adik ka. Kakahiwalay lang natin na miss mo na agad ako.” Si Aki.
“Punta ako dyan sa bahay nyo. Wala aksing tao ditto sa bahay. Please.’ Si Austin.
“Bahala ka. Di mo naman alam papunta dito eh.” Tawang sagot ni Aki. “At saka anung gagawain mo dito?” tanung nya kay Austin. “Tambay lang. nakakasawa na kasi sa mall eh” sagot ni Austin. Ilang saglit pa ng pangungulit ni Austin ay pumayag na rin sya. Binigay nito ang address nila at tuluyang pinutol ang usapan.
“Talaga itong si Hernandez, anu na naman kaya ang trip sa buhay?” tanung nya sa sarili. Bigla nyang naalala ang narinig nya kagabi. Ang di inaasahang pag amin ni Austin sa about his feelings sa kanya. Napa buntong hininga na lang sya, kasi until now hindi nya pa rin alam kung paano nya sasabihin na ang mahal nya ay si Raf. Ayaw nyang masaktan ang kaibigan, pero ayaw nya ring paasahin ito. Nasa ganun syang pag iisip ng tumunog ang doorbell nila. Tinungo nya ang pintuan at binuksan ito. Nasa gate na si Austin, halos wala pang 5 minutes eh nakarating na agad ito.
“Ang bilis mo naman. Di pa ang ako nakaka kain ng lunch eh.” Si Aki habang binubuksan ang gate. “Eh di good. Kasi I brought you something.” sabay abot ng isang plastic container sa kanya. “Anu naman ito? Pritong ham at hotdog ulet?” tawang tanong ni Aki. “Hindi naman. Spicy chicken wings yan. Nakaka hiya naman na maki kain ako dito tapos wala akong dala.” Si Austin. Pag pasok nila sa bahay ay inihanda na ni Aki ang pagkain at inaya na si Austin na sabay na silang kumain. Masaya silang kumain at halos maubos nilang lahat ang dala ni Austin. Tinulungan ni Austin na mag ligpit si Aki. Pagka tapos ay umakyat sila sa kwarto para doon tumaybay.
“Ang ganda naman ng room mo, Aki. Well organized ang mga gamit mo.” Manghang sabi ni Austin. “Oo naman, di tulad ng sa’yo. At saka di ko pina lilinis ang kwarto ko sa iba. Gusto ko ako ang nag aayos para alam ko kung saan ko kukunin ang mga gamit pag kailangan ko” mabang tugon ni Aki. Tumango lang si Austin sa sinabi ng kaibigan. “So, anung gagawin natin? Mag tititigan lang?” si Aki. “Ikaw, kahit anu okay lang sa akin.” Sabay bigay ng isang pilyong ngiti ni Austin. “ Ugok! Asa ka dyan. Para lang kay Rafael ang katawan ko noh!” walang gatol na sabi ni Aki. Biglang nag bago ang mood ni Austin. Narinig na naman niya ang pangalan ng lalaking yun. Napansin naman ni Aki ang reaksyon ni Austin. Biglan nyang naalala ang narinig kagabi. Binago ni Aki agad ang topic at inayang mag laro ng PS2 si Austin. Pareho silang mahilig sa Tekken at di pa sya nakaka bawi sa huling talo nya dito nung maglaro sila sa mall. Para namang walang narinig si Austin at nanatili lamang itong naka upo sa kama at naka yuko. Biglang na guilty si Aki. Nilapitan nya si Austin. “Austin… is there something wrong?..” si Aki. Nag angat ng ulo si Austin at doon nya nakita ang mga luha na nag uunahang dumaloy mula sa mga mata nito. “Uy, bakit ka umiiyak?” tanong ni Aki. Hindi ito sumagot at tuluyang tumayo at lumabas sa kwarto. Tila napako si Aki sa nakita. Unang beses nyang nakita na ganun ka lungkot si Austin, nataihan sya ng marinig ang pag sara ng pinto ng kanyang kwarto. Hinabol nya si Austin at inabutan nya ito sa main door nila.
“Austin, wait! Anu bang problema?” si Aki. Hinawakan nya ito at iniharap sa kanya. Tinitigan sya nito. Kitang kita pa rin sa mga mata ni Austin ang lungkot. Hinawakan nya ang mukha ni Aki, tila sinasaulo ang bawat detalye ng mukha nito. Di malaman ni Aki ang nararamdaman..nanlalamig ang mga kamay nya pero ramdam nya ang pag init ng mukha nya. Di inasahan ni Aki ang sumunod na pangyayari. Inilapat ni Austin ang labi nito sa labi nya. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay unti unting napalitan ng init na unti unting bumabalot sa kanyang buomg katawan at ang kaninang simpleng halik ay unti unting nagiging mapusok. Napapikit sya. Alam ni Aki kung saan ito patungo, kailangan nyang kumalas pero hindi nya magawa. Tila inalipin na sya ng kung anung pakiramdam ang bumabalot sa kanilang dalawa ni Austin. Nagpaubaya sya sa kung anuman ang pwedeng patunguhan ng halik na yun nang biglang bumitaw si Austin. Idinilat nya ang kanyang mga mata. Nanatiling naka titig sa kanya si Austin. Wala ni isang salita ang lumalabas sa mga bibig nito pero nararamdaman nya ang kung anumang damdamin na nararamdaman ni Austin.
“Austin…” si Aki. Di sya sinagot ni Austin at tuluyan nag lumabas ng kanilang bahay. Di na nya nakuhang sundan pa ito. Napako na sya sa kinatatayuan nya, hindi alam kung ano ang susunod nyang gagawin.
Maliwanag na. Alas 6 na ng umaga. Hindi sya naka tulog kagabi. Hindi sya pinatulog ng sakit na nararamdaman nya. Manhid ba si Aki o baka hanggang kaibigan lang turing nito sa kanya. Nanatili syang nakahiga. Wala syang ganang pumasok sa school. Hindi nya alam kung paano nya haharapin si Aki pagka tapos ng nangyari sa kanila kahapon. Hindi man nya pinag sisihan ang ginawa nya pero hindi pa rin nya alam kung paano ito makaka apekto sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Tumagilid sya at niyakap ang isang unan. Namalayan na lamang nya na muling nag uunahan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Matagal na panahon na rin ng huli syang umiyak. Muli ay bumalik ang masasayang alaala nila ng kanyang Kuya. Ang nag iisang tao na lagi nyang sandalan pag malungkot sya. Bumangon sya at naligo. Nag bihis sya pero hindi uniporme ang kanyang sinuot. Pagka bihis ay tuluyang lumabas sa kanilang bahay. Gamit ang kanyang sasakyan, binagtas ang isang pamilyar na lugar. Taon taon syang dumadaan dito, minsan sya mag isa o kaya kasama ang mommy nya. Makalipas ng isang oras ay narating na nya ang lugar. Bumaba sya ng sasakyan bitbit ang bulaklak na nakaayos sa isang basket. Dumiretso sya sa isang musileyo, inilapag ang dalang bulaklak at saka naupo malapit sa mga nitso.
“Kuya, andito na naman ako. Alam mo naman kung bakit ako nag pupunta sa’yo.” Si Austin. “Na mi miss na kita ng sobra. Kahit 10 years na ang nakakaraan pero feeling ko kahapon ka lang nawala sa amin.” Siya ulet. Sandali syang tumahimik at tuluyang hinayaang dumaloy ang mga luha na kanina gustong kumawala sa kanyang mga mata. “Kuya ang hirap naman ng ganito, alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko sya pero nararamdaman ko na hindi nya ako kayang mahalin.” Hikbing sabi ni Austin Naramdaman ni Austin ang mahinang hangin na dumapi sa kanyang katawan, senyales na naiintindihan sya ng Kuya nya. Tuluyan syang napahagugol. Tuluyan na nyan inilabas ang sakit na nararamdaman. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa halos pakiramdam nya na wala na syang nailuluha pa. Ilang oras pa sya nanatili sa lugar na yun. Bago mananghalian ay nagpasya na syang umuwi. Matapos makapag paalam sa Kuya at Daddy nya ay tuluyan na syang umalis. Nang makarating na sya sa kanilang bahay diretso sya sa kanyang kwarto. Nag bihis at nahiga sa kanyang kama hanggang sa tuluyan syang nakatulog muli.
“The number you have dialled is either unattended or out of the coverage area, please try your call later.” Yan ang paulit ulit na sinasagot sa kabilang linya. Ilang beses nyang tinatawagan si Austin pero wala talaga. Hindi ito pumasok buong araw, di nya rin alam kung anu na ang nangyari sa kaibigan. Nasa gitna sya ng pag aalala ng may tumabi sa kanya sa inuupuang bench.
“Mukhang stress ka ata ah. May problema ba?” si Darwin. Nagulat sya ng tignan kung sino ang tumabi at bumati sa kanya. “Ah. Hindi naman. Di kasi pumasok si Austin eh tapos di ko pa sya ma kontak.” Sagot nya kay Darwin. “Ganun ba. Baka naman may inaasikaso lang.” si Darwin. “Di ko alam.” Malungkot na tugon ni Aki. “Don’t worry too much. Okay lang siguro si Austin.” Si Darwin.
Napa bunting hininga na lang si Aki na hindi naman naka lagpas sa kay Darwin. “You can tell me anything if you want. I’ll listen and maybe I can help.” Si Darwin. Tinignan sya si Aki at saka nag salita. “Austin kissed me last night. But prior to that I accidentally heard na may gusto sya sa akin.” Tuloy tuloy na sabi ni Aki. Napangiti si Darwin sa sinabi ni Aki. “Un naman pala eh. Anung problema doon?” si Darwin. “May gusto kasi akong iba. Pero ung taong un mukhang may gusto ring iba.” Si Aki. “Do you mind if I ask kung sino ung taong gusto mo?” si Darwin. Sandaling nag isip si Aki. Alam nya na kaibigan ni Darwin si Raf at ayaw nyang malaman ni Raf mula dito ang feelings nya for him. “Wag na lang. Di mo naman sya kilala. At saka mukhang mukhang malabo na magustuhan nya ako.” Si Aki. “Makinig ka sa akin, Aki. Be thankful na may nagmamahal sa’yo and treat you as special someone. Kasi you’ll regret pag nawala sya sa’yo”. Si Darwin. Ngumiti lamang si Aki.
“Darwin, may itatanong ako sa’yo. Sana okay lang sa’yo.” Si Aki. “Sure. Go ahead.” Si Darwin. “Ahm.. anong meron sa inyo ni Raf?” si Aki. “Sabi ko na nga ba eh. Si Raf yun eh.” Si Darwin. “Si Ra fang alin?” pa inosenteng tanong ni Aki. “Si Raf ung taong gusto mo at kaya di mo masabi kasi kilala ko.” Si Darwin. Pinamulahan ng mukha si Aki. “Alam mo, Aki. Mag best friend kami ni Raf since High School and until now ganun ang turingan naming. Wag kang mag alala, ilalakad kita sa kanya.” Si Darwin. “Naku, wag mong sabihin sa kanya, nakaka hiya. Baka sabihin nya kaya ako sumali sa pep squad kasi sinusundan ko sya.” Tuloy tuloy na sabi ni Aki. “Ahahahahah! Akong bahala sa’yo. I set kita ng date sa kanya if you want.” Si Darwin ulet. “Wag na! hindi un papayag for sure.” Si Aki. “Wanna bet?” si Darwin. “Tumigil ka, Darwin. Anu na lang sasabihin ng ibang member ng squad?” si Aki. “Ikaw ang bahala. Basta pag nagbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin.” Si Darwin. Ngumiti lamang si Aki.
Nag paalam si Darwin kay Aki para pumasok sa isa nyang klase. Naiwan sya para antayin ang meeting ng pep squad. Past 5pm pa lang per nagpasya na syang pumunta sa gym at doon na lang magpa lipas ng oras.
ITUTULOY……
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment