A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Tuesday, November 16, 2010
The Newbie, the sophomore and the Veteran Part 5
Part 5: Ang Pep Squad: Aki at Austin
Maagang dumating si Rafael sa school. Dumiretso sa sya sa gym kung saan napansin nya ang ilang estudyante. Mga naka P.E. uniform ang iba, marahil ay may klase ang mga ito. Dumiretso sya sa 2nd floor ng gym kung saan sila nag pa practice. Pag dating nya doon ay nakita nya ang ilang member ng squad.
“Ang aga nyo ah. Wala pang 8am ah” bati ni Rafael sa mga ito. Tila naiilang naming tumingin ang mga ito sa kanya na di nakalagpas sa kanya. Kilala nya ang lahat ng miyembro ng squad. Lahat ito ay inabutan nya mula sa mga newbies hanggang sa katulad nyang veteran na. Inayos nya muna ang mga matts at drums na gagamitin. Pagka tapos niya ay saka nya muling hinarap ang mga ito.
“Alam kong may gusto kayong sabihin sa akin. Mabuti pang sabihin nyo na at wag nyo ng paabutin sa team huddle natin. Kung hindi man maganda yan, mas okay na tayo tayo na lang ang nakapag usap.” Tuloy tuloy nyang sabi. Ibang Rafael kasi pag nasa huddle na sya. Wala syang paki alam kung baguhan or veteran member ang kausap nya. Pag mali ito.. pasensyahan. Walang kaibigan. Walang ka batch mate. Pero hindi naman sya galit sa kanila as a person. Galit sya pag mali ang ginagawa ng mga ito. Pero after ng practice, bati bati na ulet.
“Eh..kasi Kuya Raf.. anu… kasi ganito yun.. ahmm.. ikaw na lang mag sabi, Lexy” sabi ni Japet na isa sa mga baguhan. “Bakit ako?! Kayo na. sa inyo ko lang naman nalaman un kanina eh” si Lexy na halos paiyak na. Biglang napataas ang kilay ni Rafael. Alam nyang may problem at kailangan nya itong malaman kaagad.
“Sasabihin nyo ba sa akin or hindi ko kayo isasamang tatlo sa line up for elimination.” May himig na pananakot na sabi ni Rafael. Lalong nataranta ang tatlo. Napayuko si Lexy at si Japet. “Dex, anu bay un ha? Sabihin mo na sa akin or ako mismo ang hahanap ng paraan para malaman kung anuman yang dapat nyong sabihin sa akin” si Rafael ulet.
“Kasi..po.. kuya Raf. Sila Eisen at Gerard po.. anu kasi… aun… ahmm.. naaksidente..nasa ospital po sila ngayon. Si Dex habang naka yuko. Di alam ni Rafael kung maiinis sya or maiiyak. Hindi magandang balita ito para sa team. “Bakit?! Anung nangyari sa kanila?” si Rafael na medyo napataas ang boses na lalong ikina taranta ng 3 members. “Kasi po kuya Raf, nagkaayaan pong uminom kagabi, nalasing po si Gerard. Pinigilan po naming syang mag drive ng motor nya pero makulit po.. Ayun, angkas nya pa si Eisen.” Si Lexy habang naka yuko.
“Kamusta na sila? Seryoso ba ang damage sa kanila?” sunod sunod nyang tanong. “okay na daw po sila. Ligtas na po. Medyo napuruhan lang sila kasi Si Eisen bali ang kaliwang braso tapos si Gerard puro sugat ang katawan at mukha.” Si Japet.
Napahawak sa ulo nya si Rafael. Si Eisen at Gerard ang 2 sa mga lifters nya. Sila din ang tosser para sa mga importanteng tosses sa routine. Malaking kawalan ang 2 sa squad. 3 weeks na lang at Elimination na. Di na option ang magpalit ng routine, hindi rin pwedeng gamitin ang mga trainees dahil required sa competition na dapat ay naka attend ng Summer Camp last summer. Pwedeng mag palit ng members kung ang ipapalit ay may cheerleading experience na at may proof na naging cheerleader or gymnast sila.
Malabong maging otions ang try-out. Unless makaka kuha sila ng gymnast or former cheerleader mula sa mga mag ta try out. Pero ang possibilities na ito ay Malabo pa sa tubig ng kanal sa gilid ng canteen ng DSU. Walang gymnastic team ang DSU. At lahat ng cheerdancers from different colleges ay nasa team na.
“Sige na. Mag handa na tayo. Ayusin nyo na mga gagamitin natin. Pag uusapan natin ang bagay na ito pag dating ng iba.” Kalamadong sabi nya sa tatlo. Makalipas ang ilang minuto ay naayos na nila ang mga gagamitin. Dumating na din ang iba pang members ng squad pati mga drummers. Bago mag simula ang practice ay sinabi nya sa team ang nangyari sa 2 nilang kasamahan. Lahat ay nagulat at nalungkot sa nangyari. Napagka sunduan nila na pagkatpos ng practice ay sabay sabay silang dadalawin ang 2 nilang team mates. Napagka sunduan rin ng mga mga veterans at ni Rafael na mag pa try out. Kung wala man silang makuha mula doon ay saka na lamang nila pag pa planuhan ang susunod na hakbang.
Natapos ang practice ng alas 3 ng hapon. Pero bago umuwi ang mga veterans ay gumawam muna sila ng mga posters at banners for the try out na mag sisimula sa Lunes. Alas 7 ng gabi ng matapos nilang ikabit ang mga ito. Sabay sabay na rin silang dumalaw sa ospital.
Naka uwi si Rafael sa bahay nila. Pagod na ibinagsak ang kanyang katawan sa kama. Malilim ang kanyang iniisip, alam nyang di madali ang paghawak sa cheering squad. Pero hindi nya akalain na may ganitong kalaking problema na darating. Mas malaki pa sa hindi pag sipot ng tumahi ng uniform nila. Kaya sa araw ng competition ay lumang uniform ang suot nila. Paano nila malalagpasan ang problemang ito? Pero sa gitna ng tanong na bumabagabag sa kanya ay buhay pa rin ang pag asa nya na maayos nila ito. Nakatulugan na ni Rafael ang pag iisip tungkol sa problema nya sa team.
Alas 11 na ng umaga ng sya magising. Pakiramdam nya ay pagod na pagod sya. Mabigat ang pakiramdam nya ng bumangon sya sa kama. Kung hindi lamang Linggo at kailangan nyang mag simba at tapusin ang thesis nya ay di pa sana sya babangon. Dumiretso sya sa banyo upang maligo. Maka tapos makaligo at mag bihis ay diretso syang bumaba sa kusina para mag almusal. Naabutan nya ang kanilang Yaya na nag aayos sa kusina. Inaya sya nitong kumain at sumunod naman sya. Matapos maka kain ay dumiretso sya ulet sa kanyang kwarto. Hinarap nya ang kanyang computer. Nag simula syang mag type sa computer. Di nya namalayan ang oras. Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone ay di pa nya mamalayan na alas 6 na pala ng gabi.
“Hello.” Sagot nya.
“Papunta na ako dyan sa inyo. Sabay tayong mag simba. Mag ready ka na ah. Bye. See you.” Sabay baba ng kausap sa kabilang linya.
Napangiti na lamang sya. Bumalik sya sa computer para i-save ang mga nai type nya at tuluyan itong pinatay. Dumiretso sa banyo at naligo. Makalipas ang 30 minutos ay nakapag bihis na sya. White polo shirt at gray colored jeans ang isinuot nya terno ang isang white na chuck taylor sneakers.
Konting ayos ng buhok at nagpa bango. Maya maya pa ay narinig nya ang busina ng sasakyan. Andyan na si Darwin. Mag sisimba silang dalawa. It’s been a while since the last time they went to church together. Nung 1st year college pa ata sila huling nag simba together.
Bumababa si Rafael at nag paalam sa kanyang Yaya na mag sisimba sya. Pagka labas nya sa pintuan ay tumabad sa kanya si Darwin na gwapong gwapo sa suot na green collared shirt at white pants. Sandali syang natigilan sa nakita. Napa buntong hininga sya sabay ngiti kay Darwin. 15 minutes drive from Raf’s place to the nearest church. Umabot sila sa 7pm mass. After mag simba ay nag aya si Darwin na kumain ng dinner bago umuwi. Isang seafood restaurant ang kanilang pinuntahan. Kwentuhan, kumain at nag kulitan silang dalawa. Nai kwento rin ni Rafael ang tungkol sa nangyari sa squad.
“Alam kong kaya mo yan. Hindi pa kita nakitang sumuko sa mga ganyang bagay” si Darwin.
“Salamat sa pag papalakas ng loob ko. Sana nga kayanin ko ito” si Rafael.
Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Darwin sa kanya. Tanda na panatag ang kanyang best friend na kakayanin ni Rafael kahit anu pang problema ang dumating dito.
Past 10pm na ng makarating sa bahay si Rafael. Matapos maka alis ni Darwin ay tuluyan na nyang ni lock ang gate at ang main door. Sigurado sya na tulog na rin ang Yaya nya.
Pag pasok nya sa kanyang kwarto, nag shower at nag bihis sya ng pantulog. Inayos ang kanyang mga gamit sa school para bukas. Bukas na rin ang try out para sa kapalit ng 2 members nila. He’s hoping that they will find good replacements for those 2 members.
Nagpasya syang matulog matapos masiguro na ayos na lahat ang dadalhin nyang gamit bukas. Kakailanganin nya ng lakas para bukas. Mahabang araw na naman para sa kanya.
Maagang pumasok sa school si Austin. Kagabi pa lang ay gusting gusto na nyang makita si Aki. Ilang araw na rin syang hindi makatulog ng maayos simula ng una nilang pag uusap. Kagabi bago sya matulog ay napag desisyonan nya na sisimulan na nyang suyuin si Aki. Bahala na si Batman ika nya sa sarili. Gusto nya si Aki.. ay hindi pala.. Mahal nya ito. Pag dating nya sa room ay naabutan nya si Aki na nag susulat. Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib, hindi nya alam kung tutuloy bas yang pumasok or mag aantay sya ng kasabay na kaklase. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago sya tuluyang pumasok.
“Good morning! Ang aga mo naman, Aki” bati nya ditto kahit halos lumubog na sya sa kinatatayuan nya.
“Good morning din, pakners!” sabay tawang bati ni Aki sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ni Aki. “Uy, good mood ka ata ngayon ah, samantalang last Friday halos ayaw mo akong kausapin” may himig na tampo na sabi ni Austin. “Di naman sa hindi kita gustong kausapin. Nagulat lang ako kasi bigla mo akong i napproach. Un lang un. Ito naman, sorry na.” si Aki sabay ngiti nito kay Austin. Hindi malaman ni Austin kung anu ang kanyang nararamdaman. Ang mga ngiti ni Aki ang pinaka magandang ngiti na nakita nya. Ang mala anghel na mukha nito, ang mapupulang labi nya na sa tingin ni Austin ay napaka sarap halikan. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib nya, biglang nag init ang mukha nya. Bakit ganito na lang ang epekto ni Aki sa kanya.
“Uy, okay ka lang ba? Namumula na mukha mo.” Si Aki na may halong pag tataka. “Ah.. eh.. oo naman. Okay lang ako.” Sabay bawi ng tingin ni Austin. Lihim na natawa si Aki sa itsura ni Austin. Muli nyang ibinalik ang atensyon sa sinusulat. Tinungo ni Austin ang kanyang upuan na may kalayuan sa upuan ni Aki. Naupong sandali si Austin. Kumakabog pa rin ang dibdib nya. Pero masaya sya dahil mukhang komportable na si Aki na kausapin sya. Marahil eto na ang tamang tyempo para ayain si Aki. Isang simpleng lunch lang with him ay ayos na sa kanya. Huminga sya ng malalim. Tatayo na syang muli ng biglang pumasok sa classroom ang ilan sa mga kaklase nila. Napaupo syang muli. “Wrong timing naman itong mga ‘to. Mamaya na nga lang” usal nya sa sarili.
Makalipas ang ilan minuto pa ay na kumpleto na rin ang klase at dumating na rin ang kanilang professor. Nag simula na silang mag klase. Pa minsan minsan ay nililingon nya si Aki habang ito naman ay abala sa pakikinig sa kanilang professor. Muling ibinaling ni Austin ang atensyon sa klase. Pero nasa isip pa rin nya si Aki.
Natapos ang una nilang klase. Pangalawa at pangatlo. Lunch break na. Kanya kanyang labas ang mga kaklase nila sa classroom. Tropa tropa ang magkaka sama. Napansin ni Aki na naka upo pa rin si Austin. Tila may inaayos na gamit. Sa di nya malamng dahilan ay nilapitan nya ito.
“Tara, lunch tayo” aya ni Aki dito. “Ha? Ako ba?” taklang tanong ni Austin. “Oo naman, may iba pa bang tao dito sa room bukod sa atin?” si Aki. “Sige ba. Pero treat ko ah. And I will not take NO as an answer” pabidang sagot ni Austin.
“Nakakhiya naman sa’yo. Wag na. KKB na lang.” pagtanggi ni Aki. “ Asus, tara na. nahiya pa naman itong maha..” nabiglang sabi ni Austin. “Anu yun?” tanong ni Aki. “Wala yun. Tara na sabi ko kasi gutom na ako” pag bawi ni Austin. Sabay silang naglakad papuntang canteen. Habang naglalakad ay nag ti text si Aki habang si Austin naman ay lihim pa rin nyang sinusulyapan ito. Nang marating sila sa canteen ay madali silang naka hanap ng lugar na uupuan. Si Austin ang umorder ng pagkain at si Aki ang naiwan sa upuan. Ilang minuto pa ay bumalik na si Austin at nagsimula na silang kumain.
Samantala….
Paakyat sa 2nd floor ng gym si Rafael. Ngayon ang simula ng 2 day try out nila for their pep squad. Pagdating nya ay nandun na ang iba pang veterans na makaka sama nya sa screening. May ilan na rin an estudyante ang sa tingin nya ay mag t try out. Naupo sya sa gitna ng 2 at tinanong nya kung ready na sila.
Bago magsimula ay inannounce muna nya na tanging lalaki lang ang kailangn nila ngayon sa pep squad. Kaya mula sa 15 na mag ta try out ay 6 na lamang na natira. Nag simula na ang try out. Halos sumakit ang ulo nya sa mga nag try out dahil wala ni isa ay ang naka meet ng expectations nila. Kahit simpleng cartwheel ay hindi magawa ng kahit isa sa kanila.
“Di man lang marunong magbasa ng mga requirements sa announcement” bulong ng isang veteran kay Rafael. Tumango sya. After 30 minutes ay natapos na ang try out. Sinabi nila na i po post nila ang mga pangalan ng mga nakapasa on Friday.
“Don’t lose hope guys. We still have tomorrow, and I’m sure makaka hanap tayo ng replacement nila Eisen at Gerard.” Si Rafael. Sumang ayon naman ang 2 nyang kasama. Sabay sabay silang bumababa mula sa 2nd floor patungo sa kani kanilang klase. Bukas na nila ipagpapatuloy ang paghahanap ng kapalit ng 2 nilang kasamahan.
Ang lingid sa kaalaman ni Rafael ay magbabago ang takbo ng buhay pep squad nya pag nahanap na niya ang ipapalit kina Eisen at Gerard. Isang malaking pagbabago na kahit sya ay hindi nya aakalaing mangyayari.
ITUTULOY…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment