Tuesday, November 16, 2010

The Newbie, the Sophomore and the Veteran Part 10

the newbie



Part 10: Close encounter with Rafael


Nang makarating si Aki sa gym ay napansin nya na bukas ang ilaw sa loob ng headquarters nila. Ibig sabihin may tao na. Umakyat sya upang tignan kung sino ang tao doon. Pag bukas nya ng pinto ay nakita nya si Rafael na nag aayos ng mga gamit ng pep squad. Pawisan ito, bakat sa basa nyang tshirt ang hubog ng katawan nya. Nahiya syang pumasok, hindi nya alam kung ano gagawin nya. Lalabas na sana sya ng matabig nya ang isa sa mga drums na nakahanay malapit sa kinatatayuan nya. Napalingon si Rafael sa pinang galingan ng ingay. Napangiti na lamang si Aki sabay ayos sa mga drums. “Sorry, di ko sinasadya.” Si Aki. “Ikaw pala yan, akala ko naman kung sino na” si Rafael. Ngumiti ulet si Aki sabay pasok sa loob ng headquarters. “Need help? Mukhang madami kang inaayos ah.” Si Aki. “Hindi. Okay na lahat, kaya ko na ito.” Si Rafael habang inaayos ang mga matts na ginagamit nila tuwing practice. Naupo si Aki di kalayuan kay Rafael. Titig na titig sya dito, hindi nya mai alis ang mga mata sa lalaking nasa harapan.

“Baka matunaw naman ako sa titig mo. Nakaka conscious naman.” Birong sabi ni Raf. “Ay sorry, tinignan ko lang kung paano inaayos yung mga gamit dito. Yun lang.” sabay yukong sabi ni Aki. Pakiramdam nya ay pulang pula ang mukha nya. Huling huli sya ni Raf. “Nakaka inis. Malandi ka kasi eh.” Pagalit nya sa sarili. “You know what, you’re cute. Lalo na pag namumula ka.” Si Raf. “Sh*t. namumula na nga ako. Nakaka inis.” Bulong nya sa sarili. “Salamat. Di naman ako cute. Kung cute ako di sana marami ng nagka gusto sa akin.” Si Aki. “Maniwala ako sa’yo na walang nagkaka gusto sa’yo.” Si Raf. “Totoo yun. Di sana hindi ako single ngayon.” Si Aki na may himig na pagpaparinig kay Raf. Ngayon lang siya naging ganito. Ang maging flirt. Pero di naman to the highest level. Pa sweet na flirt lang. (kung meron mang ganung term) “Hmmm.. ganun ba. Single ka pala. Akala ko boyfriend mo si Austin eh.” Si Raf. “Hala! Hindi ah. Kaibigan ko lang yun. Di magkaka gusto sa akin yun.” Pagtanggi ni Aki. Natawa lang si Raf sa sinabi nya. Halatang defensive sya. Ilang minuto pa ay natapos ng mag ayos si Raf. Naupo ito malapit sa isang study table at sabay nag hubad ng tshirt. Di malaman ni Aki ang gagawin. Parang syang sinisilaban sa init. Di nya mapigilang tignan ang magandang katawan ni Rafael. “Ayan, inatake ka na naman ng sakit mong pag ka tulala” si Raf habang nag pupunas ng katawan. “Ha? Anu yun, Raf?” si Aki. “AHAHAH! Nabingi ka pa ata. Anu ba kasing iniisip mo?” si Raf. “Loko tong lalaking ito, pinagtatawanan pa ako. Kung alam nya lang na sya ang dahilan kung bakit ako tulala.” Bulong nya sa sarili.

“Ang sabi ko bakit ang aga mo dito? Wala ka na bang klase?” si Raf ulet. “ Ah.. wala na. kanina pang 3pm.” Si Aki. Tumango lang si Raf sa sagot nya. Matagal pa bago mag simula ang meeting dahil wala ring masyadong usapan sa pagitan nila ni Raf at wala din syang topic na mai open ay nag pasya sya na tumingin tingin sa paligid ng headquarters. Doon nya nakita ang mga trophies at medals na napanalunan ng pep squad mula nung 1998 hanggang last year. “Sumali din pala kayo ng Cheerdance Gran Prix” si Aki. “Yup, pero di pa ako member nyan nung sumali sila. At ang pagkaka alam ko eh dyan nag simula ang pagiging popular ng DSU Pep after nilang mapasama sa Top 3.” Si Raf. “I see. Na miss ko tuloy ung Pep Squad namin nung High School. Dahil din sa Grand Prix kaya naging sikat ang pep squad namin” si Aki. “Well, ganun talaga.” Maikling sagot ni Raf. “And by the way, sa Saturday ulet ah. Practice natin then Wednesday next week Pep Rally na at dress rehersal natin.” Si Raf ulet. Tumango lang si Aki. 2 weeks na lang pala at Elimination na. Excited at nerbyos na sya.

“Kinakabahan na nga ako eh. After 5 years saka na lang ulet ako makaka pagsayaw at mag che cheer” si Aki. Tumayo si Raf at inakbayan sya. “Don’t worry. Isipin mo na lang na nagpa practice lang tayo pag andun na sa competition.” Si Raf. Para syang nauupos na kandila sa kilig at kaba habang magkadikit ang katawan nila ni Raf. Ang bango nya kahit kanina lang ay basang basa ito ng pawis. Tila sya estatwa sa kinatatayuan nya. Pigil hininga sya at di nya alam ang kanyang gagawin. Di naman ito alintana ni Raf. Ang alam nya lang ay kailangan nyang i comfort si Aki bilang bagong member ng squad.
“Ahm.. Raf, busy ka ba after ng practice sa Saturday?” si Aki. “Hmmm.. hindi naman. Bakit?” si Raf. “Invite sana kita kahit simpleng coffee lang.” si Aki. “Sige ba. Makapag relax man lang kahit konti. Nakaka stress din kasi pag graduating na eh.” Si Raf. Nais na ni Aki na magtatalon sa kilig dahil magkakaroon sya ng pagkakataon na makilala si Raf. Di na sya makapag antay sa araw na yun. “Sure nay an ah. Walang bawiaan.” Si Aki. “Oo ba.” Si Raf. Quarter to 6 ng dumating ang karamihan sa mga member ng squad. Saktong 6pm ng makumpleto sila at nagsimula sila ng meeting. Pagkatapos ay sumabay na si Aki sa ibang member pauwi samantalang ang iba naman ay pumasok pa sa kani kanilang mga klase.

Nang dumating si Aki sa kanilang bahay ay naabutan nya ang kanyang parents. Natuwa sya dahil ilang linggo din silang di magkasama kahit man lang sa pagkain ng breakfast. Nagpasya silang mag dinner sa labas sa isang seafood restaurant. Kwentuhan sila habang kumakain. Sinabi nya sa mga ito na member na sya ng pep squad sa school at tuwang tuwa naman sila para sa anak. Nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan ng may mapansin si Aki sa di kalayuan. Si Rafael na naka upo sa isang table. Bumilis muli ang kabog ng kanyang dibdib. Na excite sya ng makita nya si Raf sa di iniaasahang lugar. Nagpa alam sya sa kanyang parents para lapitan si Raf. Pumayag naman ang mga ito. Habang papalapit sya ay lalong lumalaks ang kabog sa kanyang dibdib. Isang buntong hininga muna bago sya tuluyang lumapit dito. “Raf. Sinong inaantay mo dito?’ bungad nya kay Raf. “Uy, ikaw pala Aki. Upo ka. Wala akong inaantay, kakain ako ng dinner dito. Favorite ko kasi ung chili crab nila.” Si Raf. “Ikaw, anung ginagawa mo dito?” tanung ni Raf. “I’m with my parents. One week din kasi kaming di magkaka sama eh” si Aki. “Ah ganun ba. Nakaka hiya naman, baka di ka pa tapos kumain eh lumapit ka na dito.” Si Raf. “Hindi naman. Okay lang kasi nagpaalam naman ako sa kanila.” Si Aki. Sandali pa silang nag kwentuhan at nagpa alam na si Aki na babalik na sa table nila. Sakto namang dumating ang order ni Raf. Pagkabalik ni Aki ay tinanong ng mommy nya kung sino ang kinausap nya. Kinuwento nya ang tungkol kay Raf at dahil nga open na sya sa parents nya ay naiintindihan naman nila ito sabay pangaral sa kanya na tapusin nya muna ang kanyang pag aaral. Sinabihan sya ng kanyang parents na imbitahan si Raf sa kanilang table. Lihim na natuwa si Aki dahil mismong daddy nya pa ang nag sabi nito sa kanya. Nilapitan nya si Raf at sinabi nya na gusto syang makilala ng parents nya. Nung una ay nahiya pa si Raf pero dahil na rin nakatingin sa di kalayuan ang mga magulang ni Aki ay tumayo na rin sya at lumapit sya kasabay ni Aki sa mga ito
“Mom, Dad this Raf. Team captain ng pep squad naming.” Si Aki. “Good evening po.” Si Raf. “Good evening, hijo. Please join us.” And daddy ni Aki. “Nakakahiya naman po. Wag na lang po.” Si Raf. “Naku, Raf wag ka ng mahiya. Bihira kami maka kilala ng mga kaibigan ni Aki kaya halika na at samahan mo kami dito. Tamang tama at kaka simula pa lang naming kumain.” Ang mommy ni Aki. Sumang ayon naman si Aki sa sinabi ng mga magulang nya. Walang nagawa si Raf kundi maupo na rin sa tabi ni Aki. Pinalipat rin ni Aki ang pagkain mula sa table ni Raf sa table nila. Sabay sabay silang kumain, nag kwento rin si Raf tungkol sa kanya at kung paano sila nagka kilala ni Aki bago pa ito maka pasok sa pep squad. Masaya silang nag kwentuhan pa matapos kumain. Past 10pm na ng mapagpsyahan nila na umuwi na. Ang parents ni Aki ang nagbayad ng bill nila, hiyang hiya naman si Raf pero wala na syang nagawa pa.

Nasa parking lot sila ng magpaalam si Raf sa parents ni Aki. “It was nice meeting you, Raf.” Ang mommy ni Aki. “Same here din po, maam. Sir.” Si Raf. “Just call us Tito and tita.” Ang daddy ni Aki. “Sige po. Tito, tita, Aki, Ingat kayo sa byahe. Salamat pos a dinner.” Si Raf ulet. Inantay muna ni Raf na maka alis sila bago tuluyang lumakad pauwi. Habang nag aabang ng masasakyan ay naalala ni Raf ang itsura ni Aki habang kumakain sila. Masaya ito. Panay ang ngiti. Iba ang kislap ng mata. Ayaw nya sanang mag assume pero ganun kasi sya pag kasama nya si Darwin. Walang pag lagyan ng kasayahan nya pag kasama nya ang tanging tao na hanggang ngayon ay minamahal nya pa rin. Muli ay bumalik sa isip nya si Aki. Mabait naman ito at di mapagkaka ilang gwapo din ito. Magaan na din ang loob nya dito dahil siguro nakikita ang sarili dito nung nag sisimula pa lang sya sa cheering squad. Sandali nyang itunuon ang atnsyon nya sa mga sasakyang dumadaan. Pasado alas onse na at di pa rin sya nakaka uwi. Bukas ay maaga pa sya sa school. Nag taxi na lang sya pauwi. Pag karating sa kanilang bahay ay nag shower at nagpalit ng damit pang tulog. Ilang minuto pa ay nakatulog na sya.

Maaga pa lang ay nasa school na si Aki. Nag babaka sakali na pumasok na si Austin. Pero hanggang sa dumating ang oras ng klase ay wala ni anino ni Austin. Sinubukan nyang tawagan ito pero mukhang naka off pa rin ang cellphone nya. Natapos ang araw nya sa school. Pakiramdam nya ay may kulang sa kanya. Na mi miss nya si Austin, ang kakulitan nito at kabaitan. Nasa study hall sya at nakikinig ng I pod nya nang may tumabi sa kanya. Laking gulat nya ng makita si Raf sa tabi nya. Inalis nya ang kanyang earphone at hinarap si Raf. “Mukhang malungkot ka ata.” Si Raf sabay ngiti sa kanya. “Di naman. Pagod lang siguro.” Si Aki “Okay lang yan, masasanay ka din.” Si Raf. Ngumiti lamang si Aki sa sinabi ni Raf. Kahit papano kasi ay nabawasan ang lungkot nya sa pagkaka miss nya kay Austin. Marami pa silang napag kwentuhan tungkol sa buhay buhay. Napakaraming natutnan ni Aki sa mga experience ni Raf sa buhay. Ilang minuto pa ay inaya sya ni Raf sa headquarters ng pep squad, may mga bagong dating daw kasi na drums kaya kailangan nya itong tignan. Sumama si Aki at sabay silang pumunta sa headquarters. Pag dating doon ay andoon na ang mga drums, dahil walang alam si Aki kung paano ito kinikilatis ay naupo na lang sya sa isang sulok habang abala si Raf sa pag iinspeksyon ng mga ito Pagka tapos ay naupo din si Raf malapit sa kinauupuan ni Aki. Walang imikan. Parehom silang nakikiramdam Parang sasabog ang dibdib ni Aki sa halong kaba at excitement. Wala syang iniisip na mahalay sa pagkakataon nay un, ang nagpapa kabog ng dibdib nya ay ang reyalidad na kasama nya ang taong mahal nya sa isang lugar na sila lang dalawa.

“Aki.. Raf” sabay nilang tawag sa isat isa. Nagakatitigan sila. Tanging mag mata lang nila ang nag uusap. “Rafael…”si Aki. “Yes…?” si Raf Hindi sumagot si Aki bagkos ay inilapit nya ang mga labi sa labi ni Raf. Ilang sandali pa at naglapat ang kanilang mga labi, ramdam ni Aki ang init na unti unting bumabalot sa kanyang katawan. Di sya makapaniwala sa nangyayari. Ang mga labi ng lalaking pangarap nya ay ngayo’y nakalapat sa mga labi nya. Kung panaginip ito ay ayaw na nyang magising pa. Bigla syang bumalik sa kanyang sarili at kumalas mula sa pagkaka lapat ng mga labi nila ni Raf. Dali dali syang tumayo at nag lakad palabas ng pintuan.

“Aki, wait. Saan ka pupunta?” si Raf. Hindi nya magawang lingunin ito. Di nya alam kung may mukha pa syang ihaharap kay Raf. “I’m sorry… hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. Pasensya ka na.” si Aki habang nakayuko ang ulo paharap sa pintuan palabas.
Magsasalita pa sana si Raf pero wala na si Aki. Tuluyan na itong nakalabas ng silid. Walang nagawa si Raf kung di itakip ang mga palad nya sa kanyang mukha. Hindi sya dapat pumayag. Hindi nya dapat hinalikan si Aki.

Ngayon pati sya hindi na rin alam kung paano nya haharapin si Aki sa Sabado during their practice. At paano kung malaman din ni Darwin ang nangyari? Un ang hindi nya kayang mangyari, ang mawala si Darwin sa kanya. Tuluyan syang napa upo sa isang sulok at iniyuko ang ulo… Ngayon lang sya nalito at naguluhan ng ganito..


ITUTULOY…

No comments: